Zylan's POV
She isn't my sibling. No blood ties the two of us. It is quite acceptable for me to be in love with her.
I assumed that was the extent of my feelings for her. That I should now put an end to my madness of loving her more than my sister. I make an effort to suppress other emotions. But my feelings for Reign appeared to worsen as time passed. I still can't believe what I'm hearing. I simply deceived myself into believing the truth. I made it difficult for myself to quit giving Reign whatever romance I was offering her. My world seemed to come crashing down when I first learned from Floyd that Reign was my sister. My joy was shattered. It's wonderful to see my sister again, and we'll finally be able to develop a family after all these years. It was shattered by the sadness of having to let go of another of my feelings for Reign that went beyo
Ano pong masasabi niyo? PLEASE READ, VOTE and COMMENT!
Dominic’s POVSakay ng aking Sedan ay nagpaikot-ikot ako sa buong lalawigan para mahanap si Aly. Hindi ko na lang pinansin ang pag-alis ni Red kanina sakay ng isang bapor kasabay ng kanyang sasakyan. Marahil ay iniisip no’n na may ibang kumuha kay Aly. Mas mabuting mas layuan niya ang paghahanap at baka makita niya ang prinsesa namin.Hanggang ngayon ay natutulala pa rin ako sa rebelasyong napagtanto ko kanina. Si King Arthur, nasa Hacienda Villareal kanina, hinahanap ang kaniyang kapatid. Iisa lang naman ang pinapahayag niyang kapatid na pinag-aagawan nila ni Damon. Si Aly lang. Mas okay na rin sila ang magkapatid para makalapit kami kay Aly katulad ng dati. At akala ko ay tutuluyan na ni King ang mag-asawa kanina. Pahamak pa itong si Damon sa kawalan niya ng respeto sa hari at prinsipe. Maling-mali ang tutukan niya ng bar
Red's POVKatulad nang sinabi ni Prince Nathan ay ihihiga ko si Yana sa isang single clean bed na nasa gitna ng silid. Katabi ng isang HUman Access Cyborg na anyong tao talaga at napapalibutan ng mga wires sa ulo at maging sa katawan. Nang mailapag ko na si Yana sa kama ay napatingin ako sa katabing monitor nito. Parang sa nakikita ko sa hospital na monitor para malaman ang heart rate ng tao. Mayroon pang monitor sa may tuktok ng ulunan ni Yana na hindi ko maintindihan ang mga nandoon. Napadako naman ang tingin ko buong kama na hinihigaan ni Yana, may mga nakapalibot na pantali na bakal.“Hello, Mr. Collins. Excuse me,” napatabi ako sa gilid nang marinig ko ang boses ni Mr. Ethan Alonzo, ama ni Prince Nathan. Hindi ko aakalain na nandito ang doctor na ito dahil sa pagkakaalam ko, hindi na siya pinapapunta rito noong mamatay
-Sembrano’s Palace-Timothy’s POVNapalunok muna ako ng kanin at hindi ko na nginuya. Ganito pala ang tensyon kapag alam mo na ang traydor sa grupo tapos anytime puwedeng pumatay kahit sa harap pa ng hapag-kainan. Kami lang kasi ang nasa mahabang malagintong lamesa na dining room. Kaharap namin ang iba't-ibang pagkain na alam kong hindi namin mauubos pa. Parang nawawalan ako ng gana kumain ng marami kapag ganito ang nararamdaman ko. Pero naisip ko rin na dapat damihan ko ang kakainin ko at baka ito ang last meal ko papuntang langit."Mukhang nabobored ka rito sa palasyo, Timothy. Bakit hindi ka sumama sa Golf Z?" ani Prince Nathan. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin nang magsimula magsalita sa kanina pa namin tahimik sa hapag. Kahit nanginginig ang kamay ay kinuha ko ang isang basong tubig at uminom muna. Kalma ka lang, Timothy... maha
-Isla Royal-Grey’s POVHalos hindi kami makahinga sa gustong mangyari ni King Arthur sa dating gobernador at tatay ni Damon. Alam naming puwedeng patatyin ni King si Damon dahil sa kalapastanganan ang ginawa nito sa kanya. Alam naming kamatayan ang kapalit kapag hindi mo nirespeto at binantaan mo ang buhay ng mga nasa Royalties. Pero hindi lang ako makapaniwala na ang gagawa ng pagpatay na iyon ay si Mr. Agustin Villareal. Bagong miyembro ng organisasyon. Kailangang makapatay ng dalawang tao upang maging ganap na miyembro. Hindi lang kami makapaniwala na inuutos ni King na ipapatay si Damon sa pamamagitan ni Mr. Agustin, ang mismong tatay pa ni Damon. Papatayin nito ang anak para sa kaniyang hari.“Pull the trigger, Agustin… I hate waiting,” ani King saka nakit
-Isla Royal-Grey’s POV“Hmm… tagal na ‘yon Kuya eh! Saya nga no’n! Binaril ko mga magnanakaw ng barbies ko. Sabi kasi ni Zylan, nanakawin daw mga barbies ko non eh, diba, Zylan?” napakunot noo kami sa narinig kay Yana. Ngayon lang namin ito nalaman. Siguradong nadagdagan na naman ang kasalanan ni Damon aish! Damay-damay na naman ‘to!“Ha-ha ‘yon yata ‘yong nag date kami ni Yana at sinundan kami ni Damon. Naalala ko na… oo, may hawak na baril no’n si Yana. Nawala sa isip ko ‘yon,” alanganing wika ni Sean sa tabi ko. Napakunot-noo naman ako sa narinig. Shit, talagang pinahawak ni Damon si Yana? Lagot!“Cr lang ako,” sabi ni Red at walang lingon
Third Person’s POVMalalim ang iniisip ni King Arthur sa kanilang pinag-uusapan ngayon ni Prince Ken. Hindi nito akalain na magsusuhestyon ito ng ganoon. Lalo pa’t kulang sa kaalamang pantao si Alyana. Inosente. Isip bata. Kung maisasakatuparan ang suhestyon na iyon… maaaring maging iba na ang mundong tatahakin ng dalaga na malayo sa kinagisnan nito.Sa loob ng labing pitong taon na nawala sa piling ng Sembrano’s clan si Alyana, nais bumawi ni King Arthur dito bilang isang nakababatang kapatid. Gusto niyang ipadama ang pag-aalaga at pagmamahal ng kanilang yumaong Ina at ang Amang kailanman ay hindi na bumalik pa sa kaharian na matagal nang nilisan. Siya lang ang mag-isang nagpapanatili nito sa industriya ng Mafia. At kahit kailan, ang palasyong iyon ay hindi na naging masaya simula nang yumao ang Empress ng Sembrano’s
Third Person’s POVNaalimpungatan si Zylan sa kanyang pagkakatulog nang makaramdam ng matinding pagkauhaw. Napatingin siya sa kanyang orasan nang makitang lagpas alas dose na ng gabi. Binuksan niya pa ang dim lights ng silid bago lumabas. Bumungad naman sa kanya ang madilim na pasilyo ng second floor. Matindi ang katahimikan ang pumaibabaw sa buong mansyon. Tila ang huni ng mga ibon at iba pang mga insekto ay mga nahiyang magsipag ingay.Napadako naman ang tingin ni Zylan sa kuwarto na kinalulugaran ni Alyana. Napahinga pa siya ng malalim nang hawakan ang doorknob ng pintuan. Pinihit niya ito at bumungad sa kanya ang napakalamig na temperatura ng silid. Binuksan niya ang ilaw at bumungad sa kanya ang napakalinis na silid ng dalaga. Ngunit sa kasamaang palad, wala doon ang babaeng hinahanap. Mabilis siyang tumu
Sean’s POVTahimik kaming bumalik sa Casa Sembrano. Kanina pa kami hindi nagkikibuan dahil sa aming nasaksihan sa mga nagawa ni Yana. Hindi kami makapaniwala na may ganoong natatagong abilidad si Yana. Limang lalaki iyon at pinatay niya. HIndi lang talaga kami makapaniwala na magagawa niya iyon dahil sobrang napakainosente ni Yana at ang klase ng pagkakahawak niya sa baril ay parang beterano. Beteranong pumatay ng walang pag-aalinlangan.Malapit nang dumating ang haring araw pero parang sa mga itsura namin, hindi pa kami dinadalaw ng antok. Busy ang mga kasambahay sa paglilinis ng mga yapak ni Yana na may dugo sa mga sahig. Pati na ang pinagdamitan ni Yana ay tinapon na nila at sinunog. Pati rin pala yung mga Barbie dolls na nakasampay sa sanga ng puno, pinagsusunog din nila Grey kanina.
Third Person’s POV Matapos ang naganap na giyera ay lumabas na ang mga tinagong initiates nina Prince Marvin at Prince Patrick. Marami sa blood armies ang nawalan ng buhay dahil maging sila ay nagamit ng dark organization para labanan ang kanilang pinaglilingkurang pamilya. Ang mga pamilya naman nila ay buong tapang na pinagmasdan ang loob ng palasyo. Nagulantang sa nasasaksihang pagbabago na nangyari dahil sa nangyaring digmaan. Napaiyak ang ilan at ang karamihan naman ay natuwa dahil natapos na ang gulo rito. May mga naghihinagpis dahil ang kanilang mga kamag anak ay namatay ng walang laban at pati na ang mga kabataan na maagang binawian ng buhay. Sa isang linggong lumipas matapos ang nangyaring digmaan ng dugo bakas pa rin ang resulta ng mga ito sa buong Sembranos Palace. Pero unti-unting binabalik sa dati, tulong-tulong ang mga kaalyansa upang maibalik ang dating ganda ng palasyong kinatatayuan nila ngayon. Buong akala nila ay sasabog na ang palasyo ngunit laking pasasalamat n
Third Person's POV Tensyon. Iyan ang bumabalot sa panig ng blood organization. Tensyon na mapatay ni Arthyrn sa brutal na paraan at tensyon na mamamatay sa pag pulbos sa buong palasyo. Hinanda naman nina Prince Raymond ang kanilang mga sarili para maisagawa ang kanilang plano na baliktarin ang dapat mapatay ni Arthyrn. Kailangan nilang malinlang si Arthyrn para mapatay nito ang lider ng dark organization at hindi si King Arthur. Kasama sa kanilang plano ay si Teris na siyang gagawa ng taktika upang mailagay si Arthyrn sa harapan ng lider. Ang Da Silva brothers naman na sina Argon, Bismuth at Antimony ang mga gagawa ng magpapa agaw pansin sa mga cyborg pati na kay Arthyrn kasama din nila si Aldrin. Si Prince Raymond naman ang gagawa ng paraan para matanggal ang tali na nakalagay sa mga royalties at sa human innovators. Sina Dominic at Sean naman ang maiiwan sa laboratory. Hindi kasi puwedeng gamitin ni Sean ang katawan ni Grey para makipaglaban lalo pa't hindi niya ito sariling kata
Third Person’s POV “Oh… I like your first choice. Go on, take his blood, Arthyrn.” Sa narinig na ito ni Arthyrn ay sabay niyang itinaas ang dalawang katanang hawak niya. Nakita nilang lahat ang itim na itim na mata ni Arthyrn na kung saan ay tanda na wala ito sa sariling pag iisip. Tinitigan naman ni Emperor ang kanyang anak na tila tulala sa kanyang mukha. Nababahiran ang buong suot nito na kulay puti ng mga nagtatalsikang dugo na mga pinaslang nito. “Anak… Arthyrn, mahal na mahal ka ni Daddy. Patawarin mo ako, patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting ama sa inyo ng Kuya mo. Patawarin mo ako kung napabayaan kita… pero sana kung maalala mo man ako sa mga sandaling tapos na ang lahat, huwag mong sisisihin ang sarili mo. Ako ang may kasalanan ng lahat.” Natawa pa ang lider ng dark organization nang marinig ang mga sinasabi ng Emperor. n aka standby naman ang kamay sa ere ni Arthyrn na may hawak na katana at pababa nang pababa ito habang naglilitanya ang Emperor. “Masaya ako, A
Third Person’s POVHindi nakapagsalita si Emperor sa tanong ni King Arthur sa kanya. Napapikit naman ng mariin ang hari dahil sa kumpirmadong sagot sa tahimik na ama. Tumawa naman ng buong lakas ang lider saka pumalakpak. “Kaya nga maaga mong ibinigay ang posisyon mo as King sa iyong anak dahil para hindi ka mabuko, tama?” “Manahimik ka! Alam kong alam mo ang kung ano ang totoong dahilan ng lahat ng iyon! Balak ninyo kaming patayin at ginagamit ninyo ang mga babae para pabagsakin kami!” nanggagalaiti sa galit ang Emperor dahil mukhang nililinlang din nito ang kanyang panganay na anak sa mga kasinungalingan. Aminado siyang pinagpapatay niya ang lahat ng kababaihan iyon ay dahil sa kasakiman din ng mga ito na magtulong-tulong para mag alsa sa kanilang pamilya. Nais nilang patayin ang dalawang anak ng Emperor na siyang magmamana ng buong kapangyarihan at kayamanan ng Sembrano at Arzaga. “Bakit, anong kasinungalingan ang hindi totoo na pinatay mo silang lahat at tanging natira ay ang
Third Person’s POV Nanghihina ngunit pilit na lumalaban. Iyan ang tanging nararamdaman sa mga sandaling ito ni Aldrin. Ilang beses na niyang sinusubukan na kuhanin mula sa sealed na lagayan ang microchip na kakambal ng nasa loob ng katawan ni Arthyrn. Tila nasusunog ang kanyang kanang kamay dahil sa mga paso na natanggap nang tinatangka niyang ipasok ang kamay at makuha ang bagay na iyon. Ang sealed na kung saan ay magbibigay ng kakaibang init na sensasyon sa balat ang sino mang magtatangka rito. Inilibot naman ni Aldrin ang silid upang makakuha ng ano mang bagay na pupuwedeng magamit niya upang maiwasan na masaktan sa pagkuha nito. Napalingon siya sa wala ng buhay ng kanyang ama. May naisip siyang posibleng magamit niya ang kamay ng ama para kuhanin ang bagay na iyon. Nagdalawang isip pa si Aldrin at inulit muli ang naunang ginawa ngunit ganoon pa rin ang kinakalabasan, kapag mas sinagad niya pa lalo ang kamay sa loob ng sealed, puwedeng maputulan siya ng kamay. Napabuntong hinin
Third Person's POVTila nahilo sa mga sandaling ito si Sync. Hindi dahil sa nararamdaman niyang pagod o panghihina kundi dahil sa mayroong nagpoproseso sa utak niya. Mayroong mga linya na tila nagdidikta ng isang lokasyon sa isip niya na nagpapakita. Napansin naman siya ni Cherry."You okay?" makikita ang pag aalala ng babae sa kaibigan. Sinipa niya pa ang kalabang armado bago muling lingunin si Sync na ngayon ay napapakunot noo. Nilingon naman siya ni Sync saka nagpalinga linga. "She's coming right here… the princess is coming…" aniya saka nakatuon ang tingin sa isang daan. Mukhang narinig naman ni King Arthur ang sinaad ni Sync at nilingon din ang daan na tinitingnan ni Sync. Mabilis namang nakarating si Prince Nathan sa kanilang gawi at napansin niyang mas dumami pa ang kanilang mga nakakalaban. May mga humaharang pa sa kanyang mga armado na agad niyang tinadtaran ng bala. Napalingon naman sa kanya si Prince Patrick na ngayon ay may hawak na espada at pinagpapaslang ang mga armad
Third Person’s POV SA WAKAS ay napansin na rin ni Prince Ken ang kanyang smart watch. Nagtaka pa siya na ito ay halos isang oras nang nag-a-aalert sa kanya. At dahil busy siya sa pagpaslang sa mga cyborg ay hindi niya ito nakita. Muli na naman siyang sinugod ng cyborg at mabilis siyang bumwelo para sipain ito at saksakin sa mata nito. Nang mawalan na ng ilaw ang mata ng cyborg ay mabilis siyang umalis sa kinaroroonan at tumungo sa access room. Bawat madadaanan ni Prince Ken ay may naglalaban na mga kaanib nilang organisasyon at mga kalaban na organisasyon. Hindi niya na inabala ang sarili doon dahil kailangan niyang solusyunan ang nangyayari kay bloody access dahil hindi puwedenh madamay si blood access sa giyerang nangyayari. Puwedeng maulit ang nakaraan na kung saan ay may posibilidad na sumabog ito na delikado sa kanilang lahat. May humarang naman sa kanya na dalawang armado at inaatake siya. Sa gigil niya ay sinugod niya ang mga ito at ginilitan sa leeg. Mabilis namang binagsak
Third Person’s POVBAWAt madaanan nina Dominic at ng Da Dilva brothers ay mayroong mga blood armies na hallucinated na kung saan ay kanilang pinapatulog gamit ang weapon na ginamit kanina nila Dominic. Wala silang kaalam-alam na ang iniwan nilang mga blood armies na walang malay sa kabilang pader ng palasyo ay may mga namatay na dahil sa ginawa ng dalawang nagpapanggap na royalties. Katulong naman ni Dominic si Antimony sa pagbaril sa mga armadong bagong dating. Napag-alaman nilang galing ito sa iba’t-ibang grupo na ngayon ay inaatake sila. Mabuti na lamang at walang cyborg silang nakakasalubong dahil panigurado na mauubusan sila ng bala dahil ang weapon ng Da Silva brothers ay kailangan ng likidong muli na tila bala sa weapon na iyon. At sa mga sandaling ito ay paubos na ang likido sa loob ng weapon na iyon. Normal na baril na lamang ang kanilang hawak-hawak para panlaban. Naunang naglalakad si Bismuth na inaalalayan pa rin si Grey pero medyo umo-okay na rin ang lagay ni Grey kaya n
Third Person's POV Si Prince Timothy naman ay halos madehado sa pakikipaglaban dahil napuruhan siya ng cyborg sa kanyang hita. Bawat galaw niya ay ginagaya ng cyborg na ito hanggang sa atakihin pa siya ng isa pang cyborg. Natumba si Prince Timothy at nabitawan ang weapon na hawak niya. Sasaksakin sana siya ng cyborg mula sa likod nang agapan ni King Arthur. Ipinangharang nito ang metal na kamay sa kamay ng cyborg na nagtransform na espada. Hindi naman iyon inaasahan ng cyborg dahil ang pokus niya ay si Prince Timothy at nakatuon ang system na ginagaya niya ay si Prince Timothy kaya’t umikot ang mata niya para baliktarin ang gagayahin niya. Ngunit umiikot pa lang ang mata nito nang tusukin ni King Arthur ang dalawang mata ng cyborg kaya’t wala itong nakuhang identity ni King Arthur. Hinintay pa ni King Arthur kung may bagong mata ba na papalit sa cyborg na ito ngunit lumipas ang isang minuto ay walang lumabas na pamalit sa mata nito. Tinadyakan naman siya ni King Arthur bago tuluyang