Red’s POV
Nilapag ko ang maleta ni Yana na inempake ko kanina lang. Itinabi ko ito sa gilid ng sofa sa iba pang maleta ni Yana. Padabog akong naupo sa tabi ni Yana na busy sa pagbbrowse ng phone ni Grey. Pinaggitnaan namin si Yana.
“The fuck? Bakit biglang naisipan ni Damon na bumalik tayo sa bahay?”
“Oo nga eh. Pero, puwede rin para masolo natin ang atensiyon ni Yana,” naiiling na wika ni Grey saka patingin-tingin sa ginagawa ni Yana. “Yow, Yana baka may mabuksan ka diyang iba hehehe,” kinuha agad ni Grey yung phone kay Yana saka mabilis na tinago sa coat na suot. Ipinakita naman niya ang relos na umiilaw kay
-White Penthouse-Dominic’s POV“Yieeeee! WELCOME HOME!” sigaw ni Aly pagkababa niya nang sasakyan kasunod niya naman ang asong si Winter na nagtatakbo na. Sunod naman na bumaba ang kambal na nagtutulukan pa kung sino ang unang papasok sa loob ng bahay kasunod ni Aly.“Ano ba? Alam mo namang mas gwapo ako sa’yo kaya dapat ako ang huli,”si Red saka tinulak-tulak si Grey papasok ng gate.“Una dapat ang gwapo para GRAND ENTRANCE kaya patunayan mong GAGO ay este GWAPO ka,” napailing na lang ako sa mga kalokohan ng kambal na ‘to. Parang mga bakla
Marvin’s POV-Sembrano’s Palace-[Ku-kuya… so-sorry]Napahawak ako sa sentido ko. Hinilot-hilot ito para hindi na sumakit. “Shhh… Bro, ano bang pinasok mo? Alam mo naman ang consequence na puwedeng mangyari kapag pinagpatuloy mo pa ‘yan diba?” napaupo ako sa sahig kalapit ng aking kama at sinandal ang ulo ko roon. Talagang hindi ko na magawang makapag-isip nang maayos kung ano bang dapat kong gawin sa kapatid ko. Parang hindi ko kakayanin na pati siya, madamay sa mundo ko.[Kuya? Nand’yan ka pa ba?] napapikit ako ng mariin nang
-White Penthouse-Third Person’s POVAng tagong kabahayan ng Ice Breakers na malayo sa ibang tao ay maraming punong nakapalibot, mahabang dadaanan bago ka makarating sa pinakadulo, at sobrang tahimik. Iyan ang depinisyon na kinalulugaran nila, nakakatakot mapuntahan dahil walang kasiguraduhan kung may patutunguhan ka pa bago ka makarating sa White Penthouse. May dalawang palapag lamang ito pero malaki ang sakop nitong ektarya na puwedeng pagtaniman ng iba’t-ibang halaman kung gugustuhin mo. Ang rooftop naman ng penthouse ay may private chopper na pagmamay-ari nilang lima.Ang bawat poste naman na pumapaloob sa lugar papuntang penthouse ay mayroong mga monitor na kun
Someone’s POV“What the Hell?! Anong sabi mo? Hindi niyo nakuha ang babae?! Pa-paano?!” gigil kong sabi sa kausap ko. Halos mawasak na ang phone ko dahil sa madiing hawak ko rito. Nakakapunyeta! Nakaplano na ang lahat. Paanong pumalpak pa sila roon?[Si King Arthur po kasi ang humarang sa—“King?! Kailan pa siya naging hari niyo?! Bullshits!" oh great! Paano nalaman 'yon ng hari? Tss. Panira talaga.[Sorry My Lord Saf—“I will kill all of you! Mga inutil!” at pinatay ko n
-White Penthouse-Grey’s POVNapapikit ako nang mariin dahil sa sakit na nararamdaman ko. Masakit lahat sa’kin, ang katawan, isip at puso. Hindi pa nga ako makapaniwala na nangyayari sa’kin— sa amin ang lahat ng ‘to. Hindi ko akalain na magiging ganito kasakit ang kahahantungan nang pagkawala niya. Ang simpleng pag-alis nga namin noon ay masakit na sa loob ko dahil sa pagka-miss sa kanya pero ngayon tadhana na ba ang magdidikta para mawalay siya sa’min? Ang sakit isipin na wala na siya rito sa puder namin, nasanay na kasi ako na kasa-kasama siya sa bawat kasiyahan na nangyayari sa’kin. Hindi. Mali, siya pala ang dahilan ng bawat kasiyahan na nangyayari sa’kin pero ngayon wala na ang kasiyahan na ‘yon.Wala akong kuwenta, t
Dominic’s POVAla singko pa lang ng umaga nang maalimpungatan ako. Bumungad sa aking silid ang napakadilim na paligid. Bumangon naman ako para hawiin ang kurtina upang pumasok mayamaya ang liwanag ng araw. Nag-inat pa ako ng konti saka naisipang lumabas ng kuwarto.Nadaanan ko ang kuwarto ni Aly at naisipan kong tingnan ang kalagayan nito na nasisiguro kong tulog pa rin. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito pa rin ang prinsesa namin matapos ang nangyari sa kanya. Sa lumipas na tatlong araw ay sobrang bantay sarado kami sa kanya dahil papayag lang daw si King at iba pang Royalties na mapanatili rito si Aly kapag mas napatibay namin ang segurdidad nito. At katulad nga nang inaasahan… tulog pa si Aly at katabi nito sa kama ang tatlong royalties dog. Nasa kanang bahagi niya si Winter, nasa kaliwa nito si Sun at si Dark naman ay na
Sean’s POV“Aww! Aww!”“Grrrrrr!”“Roar!”Napalunok ako nang mariin habang nakatapat ang hawak kong water hose sa tatlong Royalties dog. Ako kasi naatasan ngayon na magpaligo sa kanila every Saturday. Pagdating ng Monday at Wednesday ang nakatoka ay si Dominic, sa Tuesday at Thursday ang kambal at ang Friday ay si Damon. Sa Sunday naman ang nakatoka kay Yana dahil yun ang free time niya after ng academics.Tatlong buwan na rin pala ang naka
Sean's POVPagkalapit ko sa kahon ay kinuha ko agad ‘to kahit pa na tinatahulan ako ng tatlong aso. Agad akong tumungo papunta sa mini library upang doon buksan kung ano ang nilalaman ng kahon. Naabutan ko na naroon si Damon na nagbabasa lang. Nang makita niya ako ay agad niyang sinara ang librong binabasa at kunot-noo niyang tiningnan ang hawak ko.“What the hell is that?” ipinatong ko ang kahon sa lamesang kaharap niya at iginaya sa kanya na siya ang magbukas ng kahon.Napaupo ako sa upuang kaharap niya at hinihintay sa pagbukas niya ng kahon. Tangina naman ni Damon, ang tagal buksan ng kahon dapat pala hindi na ako dum
Third Person’s POV Matapos ang naganap na giyera ay lumabas na ang mga tinagong initiates nina Prince Marvin at Prince Patrick. Marami sa blood armies ang nawalan ng buhay dahil maging sila ay nagamit ng dark organization para labanan ang kanilang pinaglilingkurang pamilya. Ang mga pamilya naman nila ay buong tapang na pinagmasdan ang loob ng palasyo. Nagulantang sa nasasaksihang pagbabago na nangyari dahil sa nangyaring digmaan. Napaiyak ang ilan at ang karamihan naman ay natuwa dahil natapos na ang gulo rito. May mga naghihinagpis dahil ang kanilang mga kamag anak ay namatay ng walang laban at pati na ang mga kabataan na maagang binawian ng buhay. Sa isang linggong lumipas matapos ang nangyaring digmaan ng dugo bakas pa rin ang resulta ng mga ito sa buong Sembranos Palace. Pero unti-unting binabalik sa dati, tulong-tulong ang mga kaalyansa upang maibalik ang dating ganda ng palasyong kinatatayuan nila ngayon. Buong akala nila ay sasabog na ang palasyo ngunit laking pasasalamat n
Third Person's POV Tensyon. Iyan ang bumabalot sa panig ng blood organization. Tensyon na mapatay ni Arthyrn sa brutal na paraan at tensyon na mamamatay sa pag pulbos sa buong palasyo. Hinanda naman nina Prince Raymond ang kanilang mga sarili para maisagawa ang kanilang plano na baliktarin ang dapat mapatay ni Arthyrn. Kailangan nilang malinlang si Arthyrn para mapatay nito ang lider ng dark organization at hindi si King Arthur. Kasama sa kanilang plano ay si Teris na siyang gagawa ng taktika upang mailagay si Arthyrn sa harapan ng lider. Ang Da Silva brothers naman na sina Argon, Bismuth at Antimony ang mga gagawa ng magpapa agaw pansin sa mga cyborg pati na kay Arthyrn kasama din nila si Aldrin. Si Prince Raymond naman ang gagawa ng paraan para matanggal ang tali na nakalagay sa mga royalties at sa human innovators. Sina Dominic at Sean naman ang maiiwan sa laboratory. Hindi kasi puwedeng gamitin ni Sean ang katawan ni Grey para makipaglaban lalo pa't hindi niya ito sariling kata
Third Person’s POV “Oh… I like your first choice. Go on, take his blood, Arthyrn.” Sa narinig na ito ni Arthyrn ay sabay niyang itinaas ang dalawang katanang hawak niya. Nakita nilang lahat ang itim na itim na mata ni Arthyrn na kung saan ay tanda na wala ito sa sariling pag iisip. Tinitigan naman ni Emperor ang kanyang anak na tila tulala sa kanyang mukha. Nababahiran ang buong suot nito na kulay puti ng mga nagtatalsikang dugo na mga pinaslang nito. “Anak… Arthyrn, mahal na mahal ka ni Daddy. Patawarin mo ako, patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting ama sa inyo ng Kuya mo. Patawarin mo ako kung napabayaan kita… pero sana kung maalala mo man ako sa mga sandaling tapos na ang lahat, huwag mong sisisihin ang sarili mo. Ako ang may kasalanan ng lahat.” Natawa pa ang lider ng dark organization nang marinig ang mga sinasabi ng Emperor. n aka standby naman ang kamay sa ere ni Arthyrn na may hawak na katana at pababa nang pababa ito habang naglilitanya ang Emperor. “Masaya ako, A
Third Person’s POVHindi nakapagsalita si Emperor sa tanong ni King Arthur sa kanya. Napapikit naman ng mariin ang hari dahil sa kumpirmadong sagot sa tahimik na ama. Tumawa naman ng buong lakas ang lider saka pumalakpak. “Kaya nga maaga mong ibinigay ang posisyon mo as King sa iyong anak dahil para hindi ka mabuko, tama?” “Manahimik ka! Alam kong alam mo ang kung ano ang totoong dahilan ng lahat ng iyon! Balak ninyo kaming patayin at ginagamit ninyo ang mga babae para pabagsakin kami!” nanggagalaiti sa galit ang Emperor dahil mukhang nililinlang din nito ang kanyang panganay na anak sa mga kasinungalingan. Aminado siyang pinagpapatay niya ang lahat ng kababaihan iyon ay dahil sa kasakiman din ng mga ito na magtulong-tulong para mag alsa sa kanilang pamilya. Nais nilang patayin ang dalawang anak ng Emperor na siyang magmamana ng buong kapangyarihan at kayamanan ng Sembrano at Arzaga. “Bakit, anong kasinungalingan ang hindi totoo na pinatay mo silang lahat at tanging natira ay ang
Third Person’s POV Nanghihina ngunit pilit na lumalaban. Iyan ang tanging nararamdaman sa mga sandaling ito ni Aldrin. Ilang beses na niyang sinusubukan na kuhanin mula sa sealed na lagayan ang microchip na kakambal ng nasa loob ng katawan ni Arthyrn. Tila nasusunog ang kanyang kanang kamay dahil sa mga paso na natanggap nang tinatangka niyang ipasok ang kamay at makuha ang bagay na iyon. Ang sealed na kung saan ay magbibigay ng kakaibang init na sensasyon sa balat ang sino mang magtatangka rito. Inilibot naman ni Aldrin ang silid upang makakuha ng ano mang bagay na pupuwedeng magamit niya upang maiwasan na masaktan sa pagkuha nito. Napalingon siya sa wala ng buhay ng kanyang ama. May naisip siyang posibleng magamit niya ang kamay ng ama para kuhanin ang bagay na iyon. Nagdalawang isip pa si Aldrin at inulit muli ang naunang ginawa ngunit ganoon pa rin ang kinakalabasan, kapag mas sinagad niya pa lalo ang kamay sa loob ng sealed, puwedeng maputulan siya ng kamay. Napabuntong hinin
Third Person's POVTila nahilo sa mga sandaling ito si Sync. Hindi dahil sa nararamdaman niyang pagod o panghihina kundi dahil sa mayroong nagpoproseso sa utak niya. Mayroong mga linya na tila nagdidikta ng isang lokasyon sa isip niya na nagpapakita. Napansin naman siya ni Cherry."You okay?" makikita ang pag aalala ng babae sa kaibigan. Sinipa niya pa ang kalabang armado bago muling lingunin si Sync na ngayon ay napapakunot noo. Nilingon naman siya ni Sync saka nagpalinga linga. "She's coming right here… the princess is coming…" aniya saka nakatuon ang tingin sa isang daan. Mukhang narinig naman ni King Arthur ang sinaad ni Sync at nilingon din ang daan na tinitingnan ni Sync. Mabilis namang nakarating si Prince Nathan sa kanilang gawi at napansin niyang mas dumami pa ang kanilang mga nakakalaban. May mga humaharang pa sa kanyang mga armado na agad niyang tinadtaran ng bala. Napalingon naman sa kanya si Prince Patrick na ngayon ay may hawak na espada at pinagpapaslang ang mga armad
Third Person’s POV SA WAKAS ay napansin na rin ni Prince Ken ang kanyang smart watch. Nagtaka pa siya na ito ay halos isang oras nang nag-a-aalert sa kanya. At dahil busy siya sa pagpaslang sa mga cyborg ay hindi niya ito nakita. Muli na naman siyang sinugod ng cyborg at mabilis siyang bumwelo para sipain ito at saksakin sa mata nito. Nang mawalan na ng ilaw ang mata ng cyborg ay mabilis siyang umalis sa kinaroroonan at tumungo sa access room. Bawat madadaanan ni Prince Ken ay may naglalaban na mga kaanib nilang organisasyon at mga kalaban na organisasyon. Hindi niya na inabala ang sarili doon dahil kailangan niyang solusyunan ang nangyayari kay bloody access dahil hindi puwedenh madamay si blood access sa giyerang nangyayari. Puwedeng maulit ang nakaraan na kung saan ay may posibilidad na sumabog ito na delikado sa kanilang lahat. May humarang naman sa kanya na dalawang armado at inaatake siya. Sa gigil niya ay sinugod niya ang mga ito at ginilitan sa leeg. Mabilis namang binagsak
Third Person’s POVBAWAt madaanan nina Dominic at ng Da Dilva brothers ay mayroong mga blood armies na hallucinated na kung saan ay kanilang pinapatulog gamit ang weapon na ginamit kanina nila Dominic. Wala silang kaalam-alam na ang iniwan nilang mga blood armies na walang malay sa kabilang pader ng palasyo ay may mga namatay na dahil sa ginawa ng dalawang nagpapanggap na royalties. Katulong naman ni Dominic si Antimony sa pagbaril sa mga armadong bagong dating. Napag-alaman nilang galing ito sa iba’t-ibang grupo na ngayon ay inaatake sila. Mabuti na lamang at walang cyborg silang nakakasalubong dahil panigurado na mauubusan sila ng bala dahil ang weapon ng Da Silva brothers ay kailangan ng likidong muli na tila bala sa weapon na iyon. At sa mga sandaling ito ay paubos na ang likido sa loob ng weapon na iyon. Normal na baril na lamang ang kanilang hawak-hawak para panlaban. Naunang naglalakad si Bismuth na inaalalayan pa rin si Grey pero medyo umo-okay na rin ang lagay ni Grey kaya n
Third Person's POV Si Prince Timothy naman ay halos madehado sa pakikipaglaban dahil napuruhan siya ng cyborg sa kanyang hita. Bawat galaw niya ay ginagaya ng cyborg na ito hanggang sa atakihin pa siya ng isa pang cyborg. Natumba si Prince Timothy at nabitawan ang weapon na hawak niya. Sasaksakin sana siya ng cyborg mula sa likod nang agapan ni King Arthur. Ipinangharang nito ang metal na kamay sa kamay ng cyborg na nagtransform na espada. Hindi naman iyon inaasahan ng cyborg dahil ang pokus niya ay si Prince Timothy at nakatuon ang system na ginagaya niya ay si Prince Timothy kaya’t umikot ang mata niya para baliktarin ang gagayahin niya. Ngunit umiikot pa lang ang mata nito nang tusukin ni King Arthur ang dalawang mata ng cyborg kaya’t wala itong nakuhang identity ni King Arthur. Hinintay pa ni King Arthur kung may bagong mata ba na papalit sa cyborg na ito ngunit lumipas ang isang minuto ay walang lumabas na pamalit sa mata nito. Tinadyakan naman siya ni King Arthur bago tuluyang