-Sembrano's Palace-
Marvin's POV
Ha! Ano akala nila sa'kin? Matatalo nila? Ang lakas ng mga loob ng mga 'to na sumugod, wala pala binatbat. Pinagpag ko ang damit ko na nagalusan ng dugo ng mga tukmol saka kinuha ko ang Desert Eagle Gun ko at ikinasa. Nagpakawala ako ng mga mababagsik na putok ng gwapo kong baril sa bawat makakasalubong kong tukmol. Ang hihina ng mga 'to parang 'di kasapi sa isang mafia. Wala siguro mga training mga 'to bago sumabak sa mga bakbakan. Hindi sa pagmamayabang sadyang nagsasabi lang ng totoo. Akala siguro nila na wala ang Blood Royalties sa Sembrano's Palace at makasugod ay wagas. Nandito nga pala ako sa may 4th floor ng palasyo. Kanina kasi ay prenteng nakikipagpustahan lang ako kay Justine dito sa target shooting. Wala pa nga kami kaalam-alam na may kagaguhan nang nangyayari sa palasyo kung hindi
Red's POV"Ba-bakit gano’n? Pa-patay na ba siya?" mas hinigpitan ko pa ang yakap ko kay Yana na walang tigil sa kakaiyak. Maging kay Yana ay maasikaso siya at higit pa sa kapatid o kaibigan ang turing niya kay Yana. Alam ko na may gusto si Sean kay Yana at kahit na may gusto rin ako sa babaeng yakap ko ay 'di ko hahadlangan na magustuhan siya ng katulad ni Sean, dahil kung ikukumpara sa'kin, alam kong mas poprotektahan at aalagaan siya ni Sean kaysa sa'kin. Pero hindi ako papatalo dahil alam kong sa sarili ko na lumalalim na ang pagtingin ko kay Yana. At hindi ko na 'to mapipigilan pa. Walang makakapigil sa'kin!"Huhuhu! Pe-pero Gaizer... hindi pa rin siya gumigising? Ta-tapos magdamag siyang nakahiga doon! Ta-tapos ang daming tali na nakakabit sa katawan niya pati sa ilong! Huhuhu kinakawawa nila si Dwaythe! Waaah!" napang
Grey's POV"HAHAHAHAHA"*pout*"Sorry baby, continue pfft""Tapos 'yun nga Daizer... yung mga naka itim lagi naglalaro kami ng bubble wand! Kayaaa ang saya-saya hehehe!""Tapos si Kuya Brent at ibang naka itim na lalaki sa palasyo.... nakakasabay namin kumain! Kaso Daizer, hindi nila niluluto 'yung mga alam ni Dwaythe, ibig sabihin hindi sila masarap magluto!""Pfft paano mo naman nasabi?""Edi ba
Grey's POVNapatingin ako sa pintuan nang may marinig akong kumatok. Siguro hindi nila narinig dahil busy sila sa pakikipagtawanan kay Yana."Sino 'yon?" narinig rin pala ni Prince Raymond. Nagkatinginan pa kami ng prinsipe at akmang tatayo na ako para ako sana magbukas. "Ako na magbubukas," pagpepresinta niya dahil siya naman ang mas malapit sa pintuan. Napatigil sa tawanan ang lahat dahil sa pagtayo ni Prince Raymond kaya napasunod sila ng mata.Pagkabukas pa lang ng pintuan ni Prince Raymond ay agad namang mabilis na tumungo si Prince Ken sa may pintuan at biglang hinatak ang taong kumatok—babae pala—si Miss Judy."Ano 'yon? Bakit hinatak niya si Miss Judy?"
Red's POVNapahinto ako sa paglalakad dahil nakita ko si Yana na nakikipaglaro sa tatlong aso na may iba't-ibang lahi.Si Dark na isang Shetland sheepdog.Si Sun na isang Pembroke Welsh Corgi.At si Winter na Siberian Husky.Mga asong maamo kapag si Yana ang kalaro. Ibang klase talaga, ang tatlong asong 'yan ay namimili ng makakasundo samantalang ako na maglilimang taon na sa Blood Organization balak pa rin akong kagatin, kasama na ang ibang Royalties. Seryoso, lahat ng mga tao rito sa Sembrano's Palace ay ilag sa tatlong asong 'yan. Sila kasi ang mga aso na sinanay sa Blood Animal Training Program (BATP) kaya trumiple
Someone's POVIlang oras na siyang nakatitig sa mga papeles na binigay ko sa kanya at ilang mura na ang lumalabas sa kanya na halatang hindi kumbinsido. Alam ko. Mahirap tanggapin dahil maging ako man ay hindi makapaniwala sa impormasyon na nakalap ko. Ito ang unang beses na magtapat siya sa'kin ng problema niya at take note, sa pag-ibig pa kaya napakasaya ko nang umiibig na pala ang gagong 'to.Inutusan niya kasi akong hanapin ang totoo niyang kapatid na matagal nang nawawala. Sa loob ng halos walong taon ay hinanap ko ang kapatid niya at hindi ako tumigil. Akala ko dati patay na talaga ang kapatid niya pero nagkamali ako. May nakuha kasi akong impormasyon na nagsasabi na buhay pa ang kapatid niya at malapit lang pala sa puder niya. Akala ko tapos na ang matagal kong utos niya
-Sembrano’s Palace-Third Person’s POVNapakunot-noo si Arthur pagkapasok niya sa mansyon nang makitang umiiyak ang dalawang magkapatid na sina Grey at Red na tila mga batang inagawan ng candy.“Gay tss” sambit niya at nilagpasan ang dalawa na tila tuod sa nakakita sa kanila. Nagpipigil naman sa tawa ang mga kasama nilang Royalties na sina Prince Timothy, Prince Raymond, Prince Justine, Prince Marvin at Prince Patrick. Napatingin naman sila sa pintuan nang muling bumukas ‘yon. Nakita nilang magkahawak kamay sina Dominic at Alyana na papalapit sa kanila. Tuluyan nang humagalpak ng tawa ang mga Royalties at sabay namang tumayo ang kambal papaalis sa kinapupuwestuhan nila.&ldquo
Red’s POVNilapag ko ang maleta ni Yana na inempake ko kanina lang. Itinabi ko ito sa gilid ng sofa sa iba pang maleta ni Yana. Padabog akong naupo sa tabi ni Yana na busy sa pagbbrowse ng phone ni Grey. Pinaggitnaan namin si Yana.“The fuck? Bakit biglang naisipan ni Damon na bumalik tayo sa bahay?”“Oo nga eh. Pero, puwede rin para masolo natin ang atensiyon ni Yana,” naiiling na wika ni Grey saka patingin-tingin sa ginagawa ni Yana. “Yow, Yana baka may mabuksan ka diyang iba hehehe,” kinuha agad ni Grey yung phone kay Yana saka mabilis na tinago sa coat na suot. Ipinakita naman niya ang relos na umiilaw kay
-White Penthouse-Dominic’s POV“Yieeeee! WELCOME HOME!” sigaw ni Aly pagkababa niya nang sasakyan kasunod niya naman ang asong si Winter na nagtatakbo na. Sunod naman na bumaba ang kambal na nagtutulukan pa kung sino ang unang papasok sa loob ng bahay kasunod ni Aly.“Ano ba? Alam mo namang mas gwapo ako sa’yo kaya dapat ako ang huli,”si Red saka tinulak-tulak si Grey papasok ng gate.“Una dapat ang gwapo para GRAND ENTRANCE kaya patunayan mong GAGO ay este GWAPO ka,” napailing na lang ako sa mga kalokohan ng kambal na ‘to. Parang mga bakla
Third Person’s POV Matapos ang naganap na giyera ay lumabas na ang mga tinagong initiates nina Prince Marvin at Prince Patrick. Marami sa blood armies ang nawalan ng buhay dahil maging sila ay nagamit ng dark organization para labanan ang kanilang pinaglilingkurang pamilya. Ang mga pamilya naman nila ay buong tapang na pinagmasdan ang loob ng palasyo. Nagulantang sa nasasaksihang pagbabago na nangyari dahil sa nangyaring digmaan. Napaiyak ang ilan at ang karamihan naman ay natuwa dahil natapos na ang gulo rito. May mga naghihinagpis dahil ang kanilang mga kamag anak ay namatay ng walang laban at pati na ang mga kabataan na maagang binawian ng buhay. Sa isang linggong lumipas matapos ang nangyaring digmaan ng dugo bakas pa rin ang resulta ng mga ito sa buong Sembranos Palace. Pero unti-unting binabalik sa dati, tulong-tulong ang mga kaalyansa upang maibalik ang dating ganda ng palasyong kinatatayuan nila ngayon. Buong akala nila ay sasabog na ang palasyo ngunit laking pasasalamat n
Third Person's POV Tensyon. Iyan ang bumabalot sa panig ng blood organization. Tensyon na mapatay ni Arthyrn sa brutal na paraan at tensyon na mamamatay sa pag pulbos sa buong palasyo. Hinanda naman nina Prince Raymond ang kanilang mga sarili para maisagawa ang kanilang plano na baliktarin ang dapat mapatay ni Arthyrn. Kailangan nilang malinlang si Arthyrn para mapatay nito ang lider ng dark organization at hindi si King Arthur. Kasama sa kanilang plano ay si Teris na siyang gagawa ng taktika upang mailagay si Arthyrn sa harapan ng lider. Ang Da Silva brothers naman na sina Argon, Bismuth at Antimony ang mga gagawa ng magpapa agaw pansin sa mga cyborg pati na kay Arthyrn kasama din nila si Aldrin. Si Prince Raymond naman ang gagawa ng paraan para matanggal ang tali na nakalagay sa mga royalties at sa human innovators. Sina Dominic at Sean naman ang maiiwan sa laboratory. Hindi kasi puwedeng gamitin ni Sean ang katawan ni Grey para makipaglaban lalo pa't hindi niya ito sariling kata
Third Person’s POV “Oh… I like your first choice. Go on, take his blood, Arthyrn.” Sa narinig na ito ni Arthyrn ay sabay niyang itinaas ang dalawang katanang hawak niya. Nakita nilang lahat ang itim na itim na mata ni Arthyrn na kung saan ay tanda na wala ito sa sariling pag iisip. Tinitigan naman ni Emperor ang kanyang anak na tila tulala sa kanyang mukha. Nababahiran ang buong suot nito na kulay puti ng mga nagtatalsikang dugo na mga pinaslang nito. “Anak… Arthyrn, mahal na mahal ka ni Daddy. Patawarin mo ako, patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting ama sa inyo ng Kuya mo. Patawarin mo ako kung napabayaan kita… pero sana kung maalala mo man ako sa mga sandaling tapos na ang lahat, huwag mong sisisihin ang sarili mo. Ako ang may kasalanan ng lahat.” Natawa pa ang lider ng dark organization nang marinig ang mga sinasabi ng Emperor. n aka standby naman ang kamay sa ere ni Arthyrn na may hawak na katana at pababa nang pababa ito habang naglilitanya ang Emperor. “Masaya ako, A
Third Person’s POVHindi nakapagsalita si Emperor sa tanong ni King Arthur sa kanya. Napapikit naman ng mariin ang hari dahil sa kumpirmadong sagot sa tahimik na ama. Tumawa naman ng buong lakas ang lider saka pumalakpak. “Kaya nga maaga mong ibinigay ang posisyon mo as King sa iyong anak dahil para hindi ka mabuko, tama?” “Manahimik ka! Alam kong alam mo ang kung ano ang totoong dahilan ng lahat ng iyon! Balak ninyo kaming patayin at ginagamit ninyo ang mga babae para pabagsakin kami!” nanggagalaiti sa galit ang Emperor dahil mukhang nililinlang din nito ang kanyang panganay na anak sa mga kasinungalingan. Aminado siyang pinagpapatay niya ang lahat ng kababaihan iyon ay dahil sa kasakiman din ng mga ito na magtulong-tulong para mag alsa sa kanilang pamilya. Nais nilang patayin ang dalawang anak ng Emperor na siyang magmamana ng buong kapangyarihan at kayamanan ng Sembrano at Arzaga. “Bakit, anong kasinungalingan ang hindi totoo na pinatay mo silang lahat at tanging natira ay ang
Third Person’s POV Nanghihina ngunit pilit na lumalaban. Iyan ang tanging nararamdaman sa mga sandaling ito ni Aldrin. Ilang beses na niyang sinusubukan na kuhanin mula sa sealed na lagayan ang microchip na kakambal ng nasa loob ng katawan ni Arthyrn. Tila nasusunog ang kanyang kanang kamay dahil sa mga paso na natanggap nang tinatangka niyang ipasok ang kamay at makuha ang bagay na iyon. Ang sealed na kung saan ay magbibigay ng kakaibang init na sensasyon sa balat ang sino mang magtatangka rito. Inilibot naman ni Aldrin ang silid upang makakuha ng ano mang bagay na pupuwedeng magamit niya upang maiwasan na masaktan sa pagkuha nito. Napalingon siya sa wala ng buhay ng kanyang ama. May naisip siyang posibleng magamit niya ang kamay ng ama para kuhanin ang bagay na iyon. Nagdalawang isip pa si Aldrin at inulit muli ang naunang ginawa ngunit ganoon pa rin ang kinakalabasan, kapag mas sinagad niya pa lalo ang kamay sa loob ng sealed, puwedeng maputulan siya ng kamay. Napabuntong hinin
Third Person's POVTila nahilo sa mga sandaling ito si Sync. Hindi dahil sa nararamdaman niyang pagod o panghihina kundi dahil sa mayroong nagpoproseso sa utak niya. Mayroong mga linya na tila nagdidikta ng isang lokasyon sa isip niya na nagpapakita. Napansin naman siya ni Cherry."You okay?" makikita ang pag aalala ng babae sa kaibigan. Sinipa niya pa ang kalabang armado bago muling lingunin si Sync na ngayon ay napapakunot noo. Nilingon naman siya ni Sync saka nagpalinga linga. "She's coming right here… the princess is coming…" aniya saka nakatuon ang tingin sa isang daan. Mukhang narinig naman ni King Arthur ang sinaad ni Sync at nilingon din ang daan na tinitingnan ni Sync. Mabilis namang nakarating si Prince Nathan sa kanilang gawi at napansin niyang mas dumami pa ang kanilang mga nakakalaban. May mga humaharang pa sa kanyang mga armado na agad niyang tinadtaran ng bala. Napalingon naman sa kanya si Prince Patrick na ngayon ay may hawak na espada at pinagpapaslang ang mga armad
Third Person’s POV SA WAKAS ay napansin na rin ni Prince Ken ang kanyang smart watch. Nagtaka pa siya na ito ay halos isang oras nang nag-a-aalert sa kanya. At dahil busy siya sa pagpaslang sa mga cyborg ay hindi niya ito nakita. Muli na naman siyang sinugod ng cyborg at mabilis siyang bumwelo para sipain ito at saksakin sa mata nito. Nang mawalan na ng ilaw ang mata ng cyborg ay mabilis siyang umalis sa kinaroroonan at tumungo sa access room. Bawat madadaanan ni Prince Ken ay may naglalaban na mga kaanib nilang organisasyon at mga kalaban na organisasyon. Hindi niya na inabala ang sarili doon dahil kailangan niyang solusyunan ang nangyayari kay bloody access dahil hindi puwedenh madamay si blood access sa giyerang nangyayari. Puwedeng maulit ang nakaraan na kung saan ay may posibilidad na sumabog ito na delikado sa kanilang lahat. May humarang naman sa kanya na dalawang armado at inaatake siya. Sa gigil niya ay sinugod niya ang mga ito at ginilitan sa leeg. Mabilis namang binagsak
Third Person’s POVBAWAt madaanan nina Dominic at ng Da Dilva brothers ay mayroong mga blood armies na hallucinated na kung saan ay kanilang pinapatulog gamit ang weapon na ginamit kanina nila Dominic. Wala silang kaalam-alam na ang iniwan nilang mga blood armies na walang malay sa kabilang pader ng palasyo ay may mga namatay na dahil sa ginawa ng dalawang nagpapanggap na royalties. Katulong naman ni Dominic si Antimony sa pagbaril sa mga armadong bagong dating. Napag-alaman nilang galing ito sa iba’t-ibang grupo na ngayon ay inaatake sila. Mabuti na lamang at walang cyborg silang nakakasalubong dahil panigurado na mauubusan sila ng bala dahil ang weapon ng Da Silva brothers ay kailangan ng likidong muli na tila bala sa weapon na iyon. At sa mga sandaling ito ay paubos na ang likido sa loob ng weapon na iyon. Normal na baril na lamang ang kanilang hawak-hawak para panlaban. Naunang naglalakad si Bismuth na inaalalayan pa rin si Grey pero medyo umo-okay na rin ang lagay ni Grey kaya n
Third Person's POV Si Prince Timothy naman ay halos madehado sa pakikipaglaban dahil napuruhan siya ng cyborg sa kanyang hita. Bawat galaw niya ay ginagaya ng cyborg na ito hanggang sa atakihin pa siya ng isa pang cyborg. Natumba si Prince Timothy at nabitawan ang weapon na hawak niya. Sasaksakin sana siya ng cyborg mula sa likod nang agapan ni King Arthur. Ipinangharang nito ang metal na kamay sa kamay ng cyborg na nagtransform na espada. Hindi naman iyon inaasahan ng cyborg dahil ang pokus niya ay si Prince Timothy at nakatuon ang system na ginagaya niya ay si Prince Timothy kaya’t umikot ang mata niya para baliktarin ang gagayahin niya. Ngunit umiikot pa lang ang mata nito nang tusukin ni King Arthur ang dalawang mata ng cyborg kaya’t wala itong nakuhang identity ni King Arthur. Hinintay pa ni King Arthur kung may bagong mata ba na papalit sa cyborg na ito ngunit lumipas ang isang minuto ay walang lumabas na pamalit sa mata nito. Tinadyakan naman siya ni King Arthur bago tuluyang