KINABUKASAN. Nasa hapag kainan ngayon ang dalawa na sina Alyana at Arthur kasama ang anim na Royalties na tahimik lamang kumakain. Tatlong araw na ang nakalipas ngunit walang Ice Breakers ang bumabalik sa Pilipinas. Pilit namang gumagawa ng paraan ang walo para malaman nila kung buhay pa ba o wala na ang lima. Si Alyana naman ay tila walang imik sa tatlong araw, gusto niya na kasi makita ang limang lalaki na kumupkop sa kanya, ang lima na nagpapasaya sa kanya. Sa loob ng halos lagpas sa dalawang linggo na napagplabuhan, simula pa lang na pumunta dito ang dalaga ay mayroon na siyang sariling listahan kung ano ang eksakto na darating ang lima, pero sa kasamaang palad, walang dumating.
"Kuya... bakit gano’n? Wala pa din sila *pout* sabi nila babalik sila e," hindi na napigilan ni Alyana ang nasa isip na bum
"Ano ba?! Mga walangya kayo. Mamaya magising 'yang si Yana, e." "Ang kulit mong panget ka! Sean, ano ba?" "Pffft matunaw 'yang si Alyana, Dominic" "Tsk" "Grabe! Dalawang linggo't limang araw ko lang 'di nakita si Yana, pero parang dalawang taon na! Sobrang namiss ko siya!" "Halata nga Grey... makayakap ka wagas kahit tulog" "Sabihin mo, manyak 'yan" "Inggit ka lang kasi 'di mo mayakap nang ganto si Yana…Bleeh"
"Syet! Bakit umiiyak si Yana, Leader?" "Nick is here, so don't cry..." niyakap naman ni Dominic si Alyana at iginaya ang ulo sa leeg nito. Pinunasan naman ni Grey ang luha ni Alyana ng kanyang panyo. Si Red naman ay tumabi na lamang dahil hindi naman niya magalaw ang kanyang kamay dahil sa pilay. Si Sean ay kumuha ng tubig para ipainom kay Alyana na kahit papaano ay tumigil sa paghikbi. "Ano kaguluhan 'to?" nakakunot na wika ni Patrick saka napatingin sa mga Ice Breakers na nag-iiwas tingin. Hindi naman nagpatinag si Zylan dahil naiinis siya sa inaakto ng kanyang miyembro sa grupo na parang mga tangang nag-aasikaso kay Alyana dahil sa simpleng pag-iyak. "'Wag ka iiyak sa harap ko... masakit
Red's Pov"AHHH!" isang sigaw ang narinig ko mula dito sa third floor. At ang gwapong katulad ko ay agad na tumayo para magmasid kung saan nanggaling ang sigaw na sobrang pamilyar sa akin. Siguro iilan lang ang nakarinig dahil kulob itong third floor hall at karamihan ay pokus sa pakikinig sa litanya ni Knoxx."Saan ka pupunta Red?""Sa tabi-tabi mangchichics! — pffft 'de joke lang, hahaha may pupuntahan lang," tugon ko kay Sean. Wala namang chicks dito eh si Yana lang naman ang babae sa main palace."Sama ako! Baka seseg-way ka lang at pumunta ka kay Ya—"BOSS SI ALYANA!"
Arthur's Pov"Brent, nagpapadala na naman sila...""Yeah, And that's fvcking gift.That means they're back... paano nila nalaman na may babae dito sa Palace?"Damn! I really want to end there fucking life right now! Nanggigigil na ako sa sobrang galit. Ilang malalapit na babae na ang kinuha nila sa pamilya ko. Pati ba naman si Alyana? Ang nag-iisang babae na nagpapakulay ngayon sa palasyo, kukunin nila? No, I won't let that happen."Not that I'm giving you a puzzle right now, Brent ... but maybe someone is betraying our organization," I nodded at what Nathan said. Even he notices this.“
Sean's POV"Dwaythe, saan ba tayo pupunta?" napangiti ako. Hindi ko akalain na makakasama ko si Alyana ng solo at hindi kasama ang mga gunggong. Nakipagtalo pa nga sa'kin kanina ang kambal at si Dominic. Syempre ako ang pinakagwapo kaya mas nauna akong makasama siya sa isang araw. Akalain niyong halos tatlong linggo ko siya hindi nakita? Napakahirap kaya 'yon sa'kin kaya babawi ako sa babaeng nagpapasaya sa buhay ko, si Yana."Haha pupunta tayo sa isang napakagandang lugar Yana, ipapasyal kita sa lugar na madalas kong puntahan na hindi pa napupuntahan ng iba pa," tugon ko sa babaeng katabi ko. Narinig ko naman siyang nag 'yehey' kaya mas napangiti ako. Grabe na 'tong nararamdaman ko. Alam kong apat kami ay may gusto kay Alyana. Ewan ko lang kay Damon pero ang alam ko ay wala dahil palagi niyang sinusungitan si
Dominic's POV"Takte! Paano nangyari 'yon?""Bakit ang bata dinamay?""Saan niyo nakita mga Bossing?""Main gate of Palace"Nakapalibot kami sa round table at katapatan namin ng Ice breakers, ang mga nakatataas na Royalties at iba pang mga kasapi sa Blood Organization. Hindi kami kumpletong Ice breakers dahil si Sean ay kasama ni Aly at si Leader ay 'di namin alam kung na saan. Pinaglalaruan ko lang ang pen na hawak ko at mariing nakikinig sa mga sinasaad na balita ng mga ka-organisasyon ko.
-Sembrano's Palace-Dominic's POVShit! Cannot be reached pa rin! Kanina ko pa kinokontak ang phone ni Aly pero nakapatay. Na sa kanya kasi ang isa kong phone at pinagamit ko sa kanya para tawagan niya ako or ako tatawag sa kanya."Tol, mukha kang tanga pabalik-balik ka kakalakad, e. Nakakahilo kaya!" napahinto ako at masamang tinignan si Red na naglilinis ng M15 pistol niya."Oh? Chill lang tol, masyado kang HOT pffft" sa sobrang inis ko ay nasuntok ko ang mukha niya dahilan para matumba siya sa kinauupuan n
-Sembrano's Palace-Dominic's POVShit! Napahawak ako sa aking kaliwang parte ng aking beywang na napuruhan ng bala. Pilit ko namang tiniis ang kirot at pag-agos ng aking dugo para lamang makapagtago sa isang malapit na pader. Ginantihan ko nang putok ng baril ang bumaril sa'kin. Kilala ko ito. Siya ang nakikita kong kasama dati ni Damon, kung hindi ako nagkakamali siya si Kean Leondrei Arzuela."Dominic! Tol, ayos ka lang?" hinanap ko ang pinanggalingan ng pamilyar na boses. Nakita ko si Grey na nakaupo malapit sa pinagtataguan ko. Napatango na lamang ako sa kanya at binigyan siya ng gitnang daliri. Natatawa pa ang gago. Parehas lang pala kami napuruhan pero m
Third Person’s POV Matapos ang naganap na giyera ay lumabas na ang mga tinagong initiates nina Prince Marvin at Prince Patrick. Marami sa blood armies ang nawalan ng buhay dahil maging sila ay nagamit ng dark organization para labanan ang kanilang pinaglilingkurang pamilya. Ang mga pamilya naman nila ay buong tapang na pinagmasdan ang loob ng palasyo. Nagulantang sa nasasaksihang pagbabago na nangyari dahil sa nangyaring digmaan. Napaiyak ang ilan at ang karamihan naman ay natuwa dahil natapos na ang gulo rito. May mga naghihinagpis dahil ang kanilang mga kamag anak ay namatay ng walang laban at pati na ang mga kabataan na maagang binawian ng buhay. Sa isang linggong lumipas matapos ang nangyaring digmaan ng dugo bakas pa rin ang resulta ng mga ito sa buong Sembranos Palace. Pero unti-unting binabalik sa dati, tulong-tulong ang mga kaalyansa upang maibalik ang dating ganda ng palasyong kinatatayuan nila ngayon. Buong akala nila ay sasabog na ang palasyo ngunit laking pasasalamat n
Third Person's POV Tensyon. Iyan ang bumabalot sa panig ng blood organization. Tensyon na mapatay ni Arthyrn sa brutal na paraan at tensyon na mamamatay sa pag pulbos sa buong palasyo. Hinanda naman nina Prince Raymond ang kanilang mga sarili para maisagawa ang kanilang plano na baliktarin ang dapat mapatay ni Arthyrn. Kailangan nilang malinlang si Arthyrn para mapatay nito ang lider ng dark organization at hindi si King Arthur. Kasama sa kanilang plano ay si Teris na siyang gagawa ng taktika upang mailagay si Arthyrn sa harapan ng lider. Ang Da Silva brothers naman na sina Argon, Bismuth at Antimony ang mga gagawa ng magpapa agaw pansin sa mga cyborg pati na kay Arthyrn kasama din nila si Aldrin. Si Prince Raymond naman ang gagawa ng paraan para matanggal ang tali na nakalagay sa mga royalties at sa human innovators. Sina Dominic at Sean naman ang maiiwan sa laboratory. Hindi kasi puwedeng gamitin ni Sean ang katawan ni Grey para makipaglaban lalo pa't hindi niya ito sariling kata
Third Person’s POV “Oh… I like your first choice. Go on, take his blood, Arthyrn.” Sa narinig na ito ni Arthyrn ay sabay niyang itinaas ang dalawang katanang hawak niya. Nakita nilang lahat ang itim na itim na mata ni Arthyrn na kung saan ay tanda na wala ito sa sariling pag iisip. Tinitigan naman ni Emperor ang kanyang anak na tila tulala sa kanyang mukha. Nababahiran ang buong suot nito na kulay puti ng mga nagtatalsikang dugo na mga pinaslang nito. “Anak… Arthyrn, mahal na mahal ka ni Daddy. Patawarin mo ako, patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting ama sa inyo ng Kuya mo. Patawarin mo ako kung napabayaan kita… pero sana kung maalala mo man ako sa mga sandaling tapos na ang lahat, huwag mong sisisihin ang sarili mo. Ako ang may kasalanan ng lahat.” Natawa pa ang lider ng dark organization nang marinig ang mga sinasabi ng Emperor. n aka standby naman ang kamay sa ere ni Arthyrn na may hawak na katana at pababa nang pababa ito habang naglilitanya ang Emperor. “Masaya ako, A
Third Person’s POVHindi nakapagsalita si Emperor sa tanong ni King Arthur sa kanya. Napapikit naman ng mariin ang hari dahil sa kumpirmadong sagot sa tahimik na ama. Tumawa naman ng buong lakas ang lider saka pumalakpak. “Kaya nga maaga mong ibinigay ang posisyon mo as King sa iyong anak dahil para hindi ka mabuko, tama?” “Manahimik ka! Alam kong alam mo ang kung ano ang totoong dahilan ng lahat ng iyon! Balak ninyo kaming patayin at ginagamit ninyo ang mga babae para pabagsakin kami!” nanggagalaiti sa galit ang Emperor dahil mukhang nililinlang din nito ang kanyang panganay na anak sa mga kasinungalingan. Aminado siyang pinagpapatay niya ang lahat ng kababaihan iyon ay dahil sa kasakiman din ng mga ito na magtulong-tulong para mag alsa sa kanilang pamilya. Nais nilang patayin ang dalawang anak ng Emperor na siyang magmamana ng buong kapangyarihan at kayamanan ng Sembrano at Arzaga. “Bakit, anong kasinungalingan ang hindi totoo na pinatay mo silang lahat at tanging natira ay ang
Third Person’s POV Nanghihina ngunit pilit na lumalaban. Iyan ang tanging nararamdaman sa mga sandaling ito ni Aldrin. Ilang beses na niyang sinusubukan na kuhanin mula sa sealed na lagayan ang microchip na kakambal ng nasa loob ng katawan ni Arthyrn. Tila nasusunog ang kanyang kanang kamay dahil sa mga paso na natanggap nang tinatangka niyang ipasok ang kamay at makuha ang bagay na iyon. Ang sealed na kung saan ay magbibigay ng kakaibang init na sensasyon sa balat ang sino mang magtatangka rito. Inilibot naman ni Aldrin ang silid upang makakuha ng ano mang bagay na pupuwedeng magamit niya upang maiwasan na masaktan sa pagkuha nito. Napalingon siya sa wala ng buhay ng kanyang ama. May naisip siyang posibleng magamit niya ang kamay ng ama para kuhanin ang bagay na iyon. Nagdalawang isip pa si Aldrin at inulit muli ang naunang ginawa ngunit ganoon pa rin ang kinakalabasan, kapag mas sinagad niya pa lalo ang kamay sa loob ng sealed, puwedeng maputulan siya ng kamay. Napabuntong hinin
Third Person's POVTila nahilo sa mga sandaling ito si Sync. Hindi dahil sa nararamdaman niyang pagod o panghihina kundi dahil sa mayroong nagpoproseso sa utak niya. Mayroong mga linya na tila nagdidikta ng isang lokasyon sa isip niya na nagpapakita. Napansin naman siya ni Cherry."You okay?" makikita ang pag aalala ng babae sa kaibigan. Sinipa niya pa ang kalabang armado bago muling lingunin si Sync na ngayon ay napapakunot noo. Nilingon naman siya ni Sync saka nagpalinga linga. "She's coming right here… the princess is coming…" aniya saka nakatuon ang tingin sa isang daan. Mukhang narinig naman ni King Arthur ang sinaad ni Sync at nilingon din ang daan na tinitingnan ni Sync. Mabilis namang nakarating si Prince Nathan sa kanilang gawi at napansin niyang mas dumami pa ang kanilang mga nakakalaban. May mga humaharang pa sa kanyang mga armado na agad niyang tinadtaran ng bala. Napalingon naman sa kanya si Prince Patrick na ngayon ay may hawak na espada at pinagpapaslang ang mga armad
Third Person’s POV SA WAKAS ay napansin na rin ni Prince Ken ang kanyang smart watch. Nagtaka pa siya na ito ay halos isang oras nang nag-a-aalert sa kanya. At dahil busy siya sa pagpaslang sa mga cyborg ay hindi niya ito nakita. Muli na naman siyang sinugod ng cyborg at mabilis siyang bumwelo para sipain ito at saksakin sa mata nito. Nang mawalan na ng ilaw ang mata ng cyborg ay mabilis siyang umalis sa kinaroroonan at tumungo sa access room. Bawat madadaanan ni Prince Ken ay may naglalaban na mga kaanib nilang organisasyon at mga kalaban na organisasyon. Hindi niya na inabala ang sarili doon dahil kailangan niyang solusyunan ang nangyayari kay bloody access dahil hindi puwedenh madamay si blood access sa giyerang nangyayari. Puwedeng maulit ang nakaraan na kung saan ay may posibilidad na sumabog ito na delikado sa kanilang lahat. May humarang naman sa kanya na dalawang armado at inaatake siya. Sa gigil niya ay sinugod niya ang mga ito at ginilitan sa leeg. Mabilis namang binagsak
Third Person’s POVBAWAt madaanan nina Dominic at ng Da Dilva brothers ay mayroong mga blood armies na hallucinated na kung saan ay kanilang pinapatulog gamit ang weapon na ginamit kanina nila Dominic. Wala silang kaalam-alam na ang iniwan nilang mga blood armies na walang malay sa kabilang pader ng palasyo ay may mga namatay na dahil sa ginawa ng dalawang nagpapanggap na royalties. Katulong naman ni Dominic si Antimony sa pagbaril sa mga armadong bagong dating. Napag-alaman nilang galing ito sa iba’t-ibang grupo na ngayon ay inaatake sila. Mabuti na lamang at walang cyborg silang nakakasalubong dahil panigurado na mauubusan sila ng bala dahil ang weapon ng Da Silva brothers ay kailangan ng likidong muli na tila bala sa weapon na iyon. At sa mga sandaling ito ay paubos na ang likido sa loob ng weapon na iyon. Normal na baril na lamang ang kanilang hawak-hawak para panlaban. Naunang naglalakad si Bismuth na inaalalayan pa rin si Grey pero medyo umo-okay na rin ang lagay ni Grey kaya n
Third Person's POV Si Prince Timothy naman ay halos madehado sa pakikipaglaban dahil napuruhan siya ng cyborg sa kanyang hita. Bawat galaw niya ay ginagaya ng cyborg na ito hanggang sa atakihin pa siya ng isa pang cyborg. Natumba si Prince Timothy at nabitawan ang weapon na hawak niya. Sasaksakin sana siya ng cyborg mula sa likod nang agapan ni King Arthur. Ipinangharang nito ang metal na kamay sa kamay ng cyborg na nagtransform na espada. Hindi naman iyon inaasahan ng cyborg dahil ang pokus niya ay si Prince Timothy at nakatuon ang system na ginagaya niya ay si Prince Timothy kaya’t umikot ang mata niya para baliktarin ang gagayahin niya. Ngunit umiikot pa lang ang mata nito nang tusukin ni King Arthur ang dalawang mata ng cyborg kaya’t wala itong nakuhang identity ni King Arthur. Hinintay pa ni King Arthur kung may bagong mata ba na papalit sa cyborg na ito ngunit lumipas ang isang minuto ay walang lumabas na pamalit sa mata nito. Tinadyakan naman siya ni King Arthur bago tuluyang