Share

Chapter 1

Author: Bambiewp
last update Huling Na-update: 2021-10-13 12:34:27

KINAUMAGAHAN. Hindi alintana ni Alyana na may mga kalalakihan na kanina pang nakamasid sa kanyang mahimbing na pagkakatulog.  Ang mga ito ay nakaupo sa mahabang sofa at titig na titig sa babaeng nakahiga ngayon sa kamang pagmamay-ari isa sa kanila. Nakahiga siya sa isang malaki at maluwag na queen size bed na kulay maroon, may desenyo pang polkadots na iba't-ibang kulay. Sobrang himbing nang pagkakatulog niya sa kamang 'yon dahil sa lambot na bumabalot sa buong katawan niya. Feeling niya na nasa gitna siya ng kaulapan na bumabalot sa buong paligid.

Hinihintay nila ang paggising ng babaeng estranghero sa kanilang sariling pamamahay. Sobrang maaliwalas nito matulog na akala mo ay talagang welcome na welcome ito sa bahay nila.

Makalipas ang ilang oras...

Unti-unting nagmulat ng mga mata si Alyana kasabay ng litanya niya tuwing umaga. At with matching kampay pa ng kamay at paa habang nakahiga.

"Good Morning world~ Hello, Barbie! Hello, Gala— waaah! Na saan ang galaxy ko?!" napabangon na siya ng tuluyan at halos lumuwa ang mata niya sa sobrang gulat nang may makita siyang limang kalalakihan na nasa kuwarto raw niya. " Si-sino Kayo?! Saka A-ano ginawa niyo sa kuwarto ko?! Na saan sila Barbie at galaxy ko? Waaaaaaaah!" sabi pa nito at tumayo sa kama at nagtatalon-talon. Bigla namang tumayo ang tatlong lalaki at inaawat ang babaeng parang bata na walang sawang tumatalon-talon. Nasisiyahan kasi ang dalaga dahil parang lumambot ang kama niya ngayon kaysa dati.

Siguro binago 'to ni daddy, isip niya at patuloy sa pagtalon pabilis nang pabilis.

Sa sobrang kaba ng tatlo na baka masira ng tuluyan ang kama na 'yon dahil ang nag-mamay-ari lang naman ay ang kanilang pinuno, na matalim kung tumingin kay Alyana at prenteng nakaupo sa sofa.

Maya-maya...

"He-hey! S-stop,  crazy lady!"

"Uy, Langya! Tigil na sa kakatalon!"

"Witwew ang kinis ng legs!"

Nabatukan naman ang lalaki sa komento nito sa dalaga. 

"P*ta!'Wag na mambatok!— oy! Ikaw! TIGIL!"

" Waaah! A-ano ginagawa niyo?"

Napahinto si Alyana sa kakatalon dahil bigla siya hinawakan sa kamay ng dalawang lalaki na magkabilaan sa gilid niya. Mahigpit ang pagkakahawak sa kanya kaya may konting kirot siyang nararamdaman. Pero dahil may pagka isip bata nga ang dalaga at lahat sa kaniya ay parang laro, tumalon na naman siya nang buong puwersa at ngayon ang dalawang lalaki ay walang nagawa kundi sumabay sa kakatalon ng dalaga. Bakit? Dahil mas masasaktan ang babaeng hawak nila kapag hindi sila sumabay sa galaw nito. Ang isa naman ay hinatak ang isang paa ni Alyana, kaya ang resulta, bumagsak siya sa kama kasama ang dalawang lalaki na nakahawak sa dalaga. Mabuti na lang at malambot ang pinagbagsakan nila.

Ang dalawa ay nauntog sa headboard ng kama kaya napadaing sila sa sakit. Sinisisi ang kanilang kaibigan na may gawa sa kanilang pagbagsak. Hindi kasi sila bumagsak sa malambot, dahil din sa tangkad nila.

Ang isa naman na humila sa isang paa ni Alyana ay kumuha ng tali. Tinalian niya ang pares na paa ni Alyana at ang kamay nito na hawak ng dalawa. Ngayon naman  ang dalaga ay wala ng palag dahil sa tali na nakapulupot sa kamay at paa niya.

"Hooh! Nagawa din"

"Langya! Ang kulit!"

" Petengene! Nagkabukol ako!"

"Ba-bakit niyo ako tinali?" aniya ng dalaga at napapanguso pa. Napasinghap naman ang mga lalaki at ang isa pa’y napahilamos sa mukha dahil sa pamumula sa inis. 

"Kasi ang kulit mo! At para sabihin ko sa'yo, hindi ito kuwarto mo!" aniya ng lalaking humila kanina ng paa ni Alyana. Napatingin naman ulit si Alyana sa buong silid at muling napangiti. 

"Pe-pero— Waaah! Hala ! O'nga no? Hihihi sorry! Akala ko ka—” 

"Tsk, kalagan niyo na 'yan. Kumain muna tayo bago mag-usap— at ikaw, sumunod ka sa baba nang makapag-breakfast but clean yourself first," tumayo naman ang kaninang nakaupong lalaki na nagmamasid lamang sa mga nangyayari. Natawa naman ang katabi nito kanina na nagbabasa lamang ng libro saka sumunod sa sinasabing pinuno ng grupo. Oo, siya ang pinuno ng mga 'to, at siya rin ang may-ari ng hinihigaan ni Alyana. 

Naiwan naman ang tatlong lalaki na nag-aalinlangan pang kalagan si Alyana. Paano ba naman, mukhang may balak pa itong tumalon dahil inuumpog ang ulo nito sa malambot na kama. Nagkatinginan na lamang ang tatlo at alinlangang tinatanggal sa pagkakatali ang dalaga. Ayaw naman nila mapagalitan ng nakakataas sa kanila, hirap kaya maparusahan.

Tila parang wala sa katinuan ang dalagang si Alyana sa itsura niya ngayon. Talagang bagong laya sa kulungan ang reaksyon ng kanyang katauhan.

Ngingiti-ngiti habang inuumpog ang ulo nito, hindi yata 'to galing sa bahay nila, kundi sa mental hospital. 

Napalabi ang tatlo at nagpipigil sa paghagalpak ng tawa sa kanilang nasasaksihan. Hindi nila mawari na sa ganoong kagandang dalaga na nasa harapan nila ay may ganoong ipinapakita. Oo, maganda si Alyana. Natalo niya pa ang isang model, celebrity,  Beauty queen at iba pang naiisip niyong magagandang babae sa telebisyon. Dahil simple lamang si Alyana ngunit nagpapakita ng angking ganda. May makinis na maputing balat at mapula-pula ang mga ito, mahabang hita, balingkinitang katawan, mauumbok na dibdib, may mapupungay na mata na animo'y nang-aakit, may mahahabang pilik-mata, katamtamang kapal ng kilay na bagay sa kanyang malalim at brownish na mata, matangos na ilong, mapula-pulang labi tila malambot na parang sa marshmallows, hugis pusong mukha na may matambok na pisngi. Kulang sa depinisyon ang salitang ganda sa katauhan ni Alyana, masasabi mong dyosa siya ng kagandahan... pero sa utak, talo siya d'yan.

Sa huli ay kinalagan nila ang dalaga. Napahinga naman nang matiwasay ang tatlong lalaki na mabuti na lang dahil hindi na nagtalon pa ang dalaga. Ngumiti lamang ito sa kanila. At ang tatlo? Parang nakakita ng multo sa panlalaki ng mata nila. Paano ba naman ang ganda ng ngiti ng dalaga, sobrang tamis, at bagay na bagay sa kanya dahil may tinatago pa pala ito na malalim na biloy sa kaliwang pisngi. Ang dalaga ay kahit pinagkaitan ng matinong pag-iisip bilang normal na  dalaga ay bumawi naman ito sa itsura na parang anghel na nakatapak sa lupa at ngayon ay nasa harapan nila. 

Kaugnay na kabanata

  • The Cold Hearted Gangsters   Chapter 2

    Tumayo naman si Alyana mula sa pagkakahiga sa kama. Nagtungo rin ito agad sa walk in closet ng nagmamay-ari ng kanyang pinagtulugan. Kumuha siya ng overshirt, hanggang tuhod nga niya 'yon dahil sa matangkad din ang nagmamay-ari ng naisuot na damit. Kumuha din siya ng boxer kulay itim at brief din. Hindi na alintana ni Alyana ang mga damit na kinuha niya, bakit pa? Hindi naman niya alam mga 'yon basta, kuha lang siya ng kuha, damit din naman 'yon. Ang tatlo naman hindi napansin ang ginagawa ng dalaga. Nakatitig lamang ang mga ito sa mukha ng dalaga na ngayon ay patungo sa banyo. Tila natauhan naman sila nang nagsara ang banyo at dali-daling lumabas ng kuwarto. *** "Na saan na ang babae?"

    Huling Na-update : 2021-10-13
  • The Cold Hearted Gangsters   Chapter 3

    "Hayup! Nauna pa siyang magpakilala!" sambit ng isang lalaking brown ang buhok, napahagalpak naman ng tawa ang kambal. "Hello milady! I'm Sean Schawzrr and you can call me... Babe," kasabay nito ang pagkindat. Ginagaya naman siya ng dalaga sa pagkindat ngunit hindi niya magawa kaya natawa sa kaniya si Sean. " I'm Red Gaizer Collins ... your future husband," sambit ng may kulay pulang buhok sabay kindat din kay Alyana. Napapalakpak naman ang dalaga nang nakakaya na niyang kumindat. "Ehem. I'm Grey Daizer Collins at your bed— este at your service pala" sambit naman ng binatan

    Huling Na-update : 2021-10-18
  • The Cold Hearted Gangsters   Chapter 4

    "Hindi naman kami si Yaya mo, Manong guard, Hardinero pa, at ang Mommy mo, Yana.'Di ka na nila masasaktan diba guys?" pagpapanatag na loob ni Sean sa dalaga na sinabayan ng apat. "Oo nga!" "Panigurado!" "Of course!" "Exactly..." "Oh, diba? Kaya, 'wag ka na umiyak, sayang luha mo, sige ka! Baka 'di na tubig lumabas d'yan sa mata mo! Baka... dugo na! Hala 'wag na iiyak!" pananakot ni Sean kay Alyana na ito namang mabilis na pagpunas ng dalaga sa kanyang mata at ngumiti nan

    Huling Na-update : 2021-10-18
  • The Cold Hearted Gangsters   Chapter5

    KASALUKUYANG NAGLALAKAD sina Alyana at Dominic sa isang park. Hawak-hawak ng binata ang kamay ni Alyana dahil baka biglang mawala sa paningin niya ang dalaga. Natatawa na lamang siya sa inaakto ng dalaga dahil panay turo nito sa lahat nang makikita nilang bagay-bagay sa paligid. Inaakalang taga-bundok ang dalaga ng mga taong nakakapansin sa kaniya. Tinuturo niya 'yong mga estilo ng buhok ng tao, tapos titingin siya sa sarili niyang buhok, bakit daw magkaiba? Pati na kay Dominic, bakit daw kulay brown. Mga lumilipad na balloons, saranggola, at mga kalapati, napapabilib naman ang dalaga sa mga nakikita na unang beses niya pa lang nasilayan. Pati na ang mga sasakyang jeep, taxi, at tricycle, hindi nagpatinag si Alyana na kamanghaan ang mga ito at ipagkumpara sa mga hayop.na napapanuod

    Huling Na-update : 2021-10-18
  • The Cold Hearted Gangsters   Chapter 6

    Kahit kakakilala lang ni Dominic kay Alyana, feeling nito ay matagal na silang magkakilala. Sobrang gaan ng pakiramdam niya kay Alyana. Ito ang kauna-unahang babae na tiningnan niya sa buong buhay niya. Mailap kasi siya sa babae. Parehas sila ni Zylan na suplado sa mga babae. Para sa kanila, hindi importante ang mga babae dahil nakakasira lamang ito ng kanilang buhay lalo pa sa kanilang organisasyonorganisasyon. Baby, you're all that I want ♪ When you're lyin' here in my arms ♪ I'm findin' it hard to believe ♪ We're in heaven ♪

    Huling Na-update : 2021-10-21
  • The Cold Hearted Gangsters   Chapter 7

    "Who are you?" Napaturo naman si Alyana sa kanyang sarili nang tanungin siya ng lalaking katapat niya ngayon. May mga matatalim itong tingin at malalamig na mata na nanlilisik na parang apoy. Nakakatakot. "Yes, you..." "He-he-he HELLO! I'm Alyana Dem— "She's none of your business... Boss" Biglang sabat ni Zylan na ikinagulat ng lahat. Hinawakan pa nito ang kamay ni Alyana na nagpapahiwatig na wala kayong pakialam sa kanya. Alam kasi nila na hindi nakikisingit si Zylan sa usapan at hindi nagsasalita kahit pa na kinakausap. Kilala kasi it

    Huling Na-update : 2021-10-22
  • The Cold Hearted Gangsters   Chapter 8

    After two weeks.. "Yiee... Talaga? Aalis na tayo? " "Oo naman Yana! Basta 'wag ka makulit do'n ah? Para 'di magalit si Damon" "Opo! Hihihi" "Ayos! Tara na!" Napagdesisyunan na ng lima na ituloy ang naudlot na lakad sana nila noong nakaraan. Medyo magaling naman na ang dalaga at kaya na nito maglakad nang maayos. Papunta sila ngayon sa Mall na pagmamay-ari ng lima. Oo, sa kanilang lima, isa ito sa kanilang mga business na ipinag-isa. Ibibili na nila si Alyana ng mga

    Huling Na-update : 2021-10-22
  • The Cold Hearted Gangsters   Chapter 9

    KINABUKASAN. Ala singko y media ng umaga ay nagising ang limang kalalakihan para sa paghahanda sa araw na iyon. Dapat maayos ang dapat ayusin sa gawaing bahay bago makapag-umpisa ng aral-aralan nila kay Alyana habang tulog pa ang dalaga. Sina Grey at Red ay magkatulong sa paglilinis sa mga sahig ng kanilang bahay. Si Sean at Dominic naman ang nakatoka sa kusina, si Sean ang nagluluto samantalang si Dominic naman ang nag-aayos ng mga plato sa lamesa. Si Damon naman ang nag-aayos ng mga materylas na gagamitin sa pag-aaral ni Alyana. Halos isang oras din sila naghahanda bago nagising ang dalaga. Kahit na papunas punas pa ang dalaga sa kaniyang mata ay iginaya na siya ni Red papunta sa kinauupuan nito lagi sa lamesa na katabi nila ni Grey at katapat naman nila sina DOminic at Sean, nasa ulunan naman ng lamesa si Zylan. “G

    Huling Na-update : 2021-10-22

Pinakabagong kabanata

  • The Cold Hearted Gangsters   Wakas

    Third Person’s POV Matapos ang naganap na giyera ay lumabas na ang mga tinagong initiates nina Prince Marvin at Prince Patrick. Marami sa blood armies ang nawalan ng buhay dahil maging sila ay nagamit ng dark organization para labanan ang kanilang pinaglilingkurang pamilya. Ang mga pamilya naman nila ay buong tapang na pinagmasdan ang loob ng palasyo. Nagulantang sa nasasaksihang pagbabago na nangyari dahil sa nangyaring digmaan. Napaiyak ang ilan at ang karamihan naman ay natuwa dahil natapos na ang gulo rito. May mga naghihinagpis dahil ang kanilang mga kamag anak ay namatay ng walang laban at pati na ang mga kabataan na maagang binawian ng buhay. Sa isang linggong lumipas matapos ang nangyaring digmaan ng dugo bakas pa rin ang resulta ng mga ito sa buong Sembranos Palace. Pero unti-unting binabalik sa dati, tulong-tulong ang mga kaalyansa upang maibalik ang dating ganda ng palasyong kinatatayuan nila ngayon. Buong akala nila ay sasabog na ang palasyo ngunit laking pasasalamat n

  • The Cold Hearted Gangsters   Chapter 287

    Third Person's POV Tensyon. Iyan ang bumabalot sa panig ng blood organization. Tensyon na mapatay ni Arthyrn sa brutal na paraan at tensyon na mamamatay sa pag pulbos sa buong palasyo. Hinanda naman nina Prince Raymond ang kanilang mga sarili para maisagawa ang kanilang plano na baliktarin ang dapat mapatay ni Arthyrn. Kailangan nilang malinlang si Arthyrn para mapatay nito ang lider ng dark organization at hindi si King Arthur. Kasama sa kanilang plano ay si Teris na siyang gagawa ng taktika upang mailagay si Arthyrn sa harapan ng lider. Ang Da Silva brothers naman na sina Argon, Bismuth at Antimony ang mga gagawa ng magpapa agaw pansin sa mga cyborg pati na kay Arthyrn kasama din nila si Aldrin. Si Prince Raymond naman ang gagawa ng paraan para matanggal ang tali na nakalagay sa mga royalties at sa human innovators. Sina Dominic at Sean naman ang maiiwan sa laboratory. Hindi kasi puwedeng gamitin ni Sean ang katawan ni Grey para makipaglaban lalo pa't hindi niya ito sariling kata

  • The Cold Hearted Gangsters   Chapter 286

    Third Person’s POV “Oh… I like your first choice. Go on, take his blood, Arthyrn.” Sa narinig na ito ni Arthyrn ay sabay niyang itinaas ang dalawang katanang hawak niya. Nakita nilang lahat ang itim na itim na mata ni Arthyrn na kung saan ay tanda na wala ito sa sariling pag iisip. Tinitigan naman ni Emperor ang kanyang anak na tila tulala sa kanyang mukha. Nababahiran ang buong suot nito na kulay puti ng mga nagtatalsikang dugo na mga pinaslang nito. “Anak… Arthyrn, mahal na mahal ka ni Daddy. Patawarin mo ako, patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting ama sa inyo ng Kuya mo. Patawarin mo ako kung napabayaan kita… pero sana kung maalala mo man ako sa mga sandaling tapos na ang lahat, huwag mong sisisihin ang sarili mo. Ako ang may kasalanan ng lahat.” Natawa pa ang lider ng dark organization nang marinig ang mga sinasabi ng Emperor. n aka standby naman ang kamay sa ere ni Arthyrn na may hawak na katana at pababa nang pababa ito habang naglilitanya ang Emperor. “Masaya ako, A

  • The Cold Hearted Gangsters   Chapter 285

    Third Person’s POVHindi nakapagsalita si Emperor sa tanong ni King Arthur sa kanya. Napapikit naman ng mariin ang hari dahil sa kumpirmadong sagot sa tahimik na ama. Tumawa naman ng buong lakas ang lider saka pumalakpak. “Kaya nga maaga mong ibinigay ang posisyon mo as King sa iyong anak dahil para hindi ka mabuko, tama?” “Manahimik ka! Alam kong alam mo ang kung ano ang totoong dahilan ng lahat ng iyon! Balak ninyo kaming patayin at ginagamit ninyo ang mga babae para pabagsakin kami!” nanggagalaiti sa galit ang Emperor dahil mukhang nililinlang din nito ang kanyang panganay na anak sa mga kasinungalingan. Aminado siyang pinagpapatay niya ang lahat ng kababaihan iyon ay dahil sa kasakiman din ng mga ito na magtulong-tulong para mag alsa sa kanilang pamilya. Nais nilang patayin ang dalawang anak ng Emperor na siyang magmamana ng buong kapangyarihan at kayamanan ng Sembrano at Arzaga. “Bakit, anong kasinungalingan ang hindi totoo na pinatay mo silang lahat at tanging natira ay ang

  • The Cold Hearted Gangsters   Chapter 284

    Third Person’s POV Nanghihina ngunit pilit na lumalaban. Iyan ang tanging nararamdaman sa mga sandaling ito ni Aldrin. Ilang beses na niyang sinusubukan na kuhanin mula sa sealed na lagayan ang microchip na kakambal ng nasa loob ng katawan ni Arthyrn. Tila nasusunog ang kanyang kanang kamay dahil sa mga paso na natanggap nang tinatangka niyang ipasok ang kamay at makuha ang bagay na iyon. Ang sealed na kung saan ay magbibigay ng kakaibang init na sensasyon sa balat ang sino mang magtatangka rito. Inilibot naman ni Aldrin ang silid upang makakuha ng ano mang bagay na pupuwedeng magamit niya upang maiwasan na masaktan sa pagkuha nito. Napalingon siya sa wala ng buhay ng kanyang ama. May naisip siyang posibleng magamit niya ang kamay ng ama para kuhanin ang bagay na iyon. Nagdalawang isip pa si Aldrin at inulit muli ang naunang ginawa ngunit ganoon pa rin ang kinakalabasan, kapag mas sinagad niya pa lalo ang kamay sa loob ng sealed, puwedeng maputulan siya ng kamay. Napabuntong hinin

  • The Cold Hearted Gangsters   Chapter 283

    Third Person's POVTila nahilo sa mga sandaling ito si Sync. Hindi dahil sa nararamdaman niyang pagod o panghihina kundi dahil sa mayroong nagpoproseso sa utak niya. Mayroong mga linya na tila nagdidikta ng isang lokasyon sa isip niya na nagpapakita. Napansin naman siya ni Cherry."You okay?" makikita ang pag aalala ng babae sa kaibigan. Sinipa niya pa ang kalabang armado bago muling lingunin si Sync na ngayon ay napapakunot noo. Nilingon naman siya ni Sync saka nagpalinga linga. "She's coming right here… the princess is coming…" aniya saka nakatuon ang tingin sa isang daan. Mukhang narinig naman ni King Arthur ang sinaad ni Sync at nilingon din ang daan na tinitingnan ni Sync. Mabilis namang nakarating si Prince Nathan sa kanilang gawi at napansin niyang mas dumami pa ang kanilang mga nakakalaban. May mga humaharang pa sa kanyang mga armado na agad niyang tinadtaran ng bala. Napalingon naman sa kanya si Prince Patrick na ngayon ay may hawak na espada at pinagpapaslang ang mga armad

  • The Cold Hearted Gangsters   Chapter 282

    Third Person’s POV SA WAKAS ay napansin na rin ni Prince Ken ang kanyang smart watch. Nagtaka pa siya na ito ay halos isang oras nang nag-a-aalert sa kanya. At dahil busy siya sa pagpaslang sa mga cyborg ay hindi niya ito nakita. Muli na naman siyang sinugod ng cyborg at mabilis siyang bumwelo para sipain ito at saksakin sa mata nito. Nang mawalan na ng ilaw ang mata ng cyborg ay mabilis siyang umalis sa kinaroroonan at tumungo sa access room. Bawat madadaanan ni Prince Ken ay may naglalaban na mga kaanib nilang organisasyon at mga kalaban na organisasyon. Hindi niya na inabala ang sarili doon dahil kailangan niyang solusyunan ang nangyayari kay bloody access dahil hindi puwedenh madamay si blood access sa giyerang nangyayari. Puwedeng maulit ang nakaraan na kung saan ay may posibilidad na sumabog ito na delikado sa kanilang lahat. May humarang naman sa kanya na dalawang armado at inaatake siya. Sa gigil niya ay sinugod niya ang mga ito at ginilitan sa leeg. Mabilis namang binagsak

  • The Cold Hearted Gangsters   Chapter 281

    Third Person’s POVBAWAt madaanan nina Dominic at ng Da Dilva brothers ay mayroong mga blood armies na hallucinated na kung saan ay kanilang pinapatulog gamit ang weapon na ginamit kanina nila Dominic. Wala silang kaalam-alam na ang iniwan nilang mga blood armies na walang malay sa kabilang pader ng palasyo ay may mga namatay na dahil sa ginawa ng dalawang nagpapanggap na royalties. Katulong naman ni Dominic si Antimony sa pagbaril sa mga armadong bagong dating. Napag-alaman nilang galing ito sa iba’t-ibang grupo na ngayon ay inaatake sila. Mabuti na lamang at walang cyborg silang nakakasalubong dahil panigurado na mauubusan sila ng bala dahil ang weapon ng Da Silva brothers ay kailangan ng likidong muli na tila bala sa weapon na iyon. At sa mga sandaling ito ay paubos na ang likido sa loob ng weapon na iyon. Normal na baril na lamang ang kanilang hawak-hawak para panlaban. Naunang naglalakad si Bismuth na inaalalayan pa rin si Grey pero medyo umo-okay na rin ang lagay ni Grey kaya n

  • The Cold Hearted Gangsters   Chapter 280

    Third Person's POV Si Prince Timothy naman ay halos madehado sa pakikipaglaban dahil napuruhan siya ng cyborg sa kanyang hita. Bawat galaw niya ay ginagaya ng cyborg na ito hanggang sa atakihin pa siya ng isa pang cyborg. Natumba si Prince Timothy at nabitawan ang weapon na hawak niya. Sasaksakin sana siya ng cyborg mula sa likod nang agapan ni King Arthur. Ipinangharang nito ang metal na kamay sa kamay ng cyborg na nagtransform na espada. Hindi naman iyon inaasahan ng cyborg dahil ang pokus niya ay si Prince Timothy at nakatuon ang system na ginagaya niya ay si Prince Timothy kaya’t umikot ang mata niya para baliktarin ang gagayahin niya. Ngunit umiikot pa lang ang mata nito nang tusukin ni King Arthur ang dalawang mata ng cyborg kaya’t wala itong nakuhang identity ni King Arthur. Hinintay pa ni King Arthur kung may bagong mata ba na papalit sa cyborg na ito ngunit lumipas ang isang minuto ay walang lumabas na pamalit sa mata nito. Tinadyakan naman siya ni King Arthur bago tuluyang

DMCA.com Protection Status