Kahit kakakilala lang ni Dominic kay Alyana, feeling nito ay matagal na silang magkakilala. Sobrang gaan ng pakiramdam niya kay Alyana. Ito ang kauna-unahang babae na tiningnan niya sa buong buhay niya. Mailap kasi siya sa babae. Parehas sila ni Zylan na suplado sa mga babae. Para sa kanila, hindi importante ang mga babae dahil nakakasira lamang ito ng kanilang buhay lalo pa sa kanilang organisasyonorganisasyon.
Baby, you're all that I want ♪
When you're lyin' here in my arms ♪
I'm findin' it hard to believe ♪
We're in heaven ♪
Hello, Bloodies! Anong masasabi niyo kay Alyana at sa limang kalalakihan na umampon sa kanya? Hmm. Sino ang mga bet niyo para kay Alyana? :)
"Who are you?" Napaturo naman si Alyana sa kanyang sarili nang tanungin siya ng lalaking katapat niya ngayon. May mga matatalim itong tingin at malalamig na mata na nanlilisik na parang apoy. Nakakatakot. "Yes, you..." "He-he-he HELLO! I'm Alyana Dem— "She's none of your business... Boss" Biglang sabat ni Zylan na ikinagulat ng lahat. Hinawakan pa nito ang kamay ni Alyana na nagpapahiwatig na wala kayong pakialam sa kanya. Alam kasi nila na hindi nakikisingit si Zylan sa usapan at hindi nagsasalita kahit pa na kinakausap. Kilala kasi it
After two weeks.. "Yiee... Talaga? Aalis na tayo? " "Oo naman Yana! Basta 'wag ka makulit do'n ah? Para 'di magalit si Damon" "Opo! Hihihi" "Ayos! Tara na!" Napagdesisyunan na ng lima na ituloy ang naudlot na lakad sana nila noong nakaraan. Medyo magaling naman na ang dalaga at kaya na nito maglakad nang maayos. Papunta sila ngayon sa Mall na pagmamay-ari ng lima. Oo, sa kanilang lima, isa ito sa kanilang mga business na ipinag-isa. Ibibili na nila si Alyana ng mga
KINABUKASAN. Ala singko y media ng umaga ay nagising ang limang kalalakihan para sa paghahanda sa araw na iyon. Dapat maayos ang dapat ayusin sa gawaing bahay bago makapag-umpisa ng aral-aralan nila kay Alyana habang tulog pa ang dalaga. Sina Grey at Red ay magkatulong sa paglilinis sa mga sahig ng kanilang bahay. Si Sean at Dominic naman ang nakatoka sa kusina, si Sean ang nagluluto samantalang si Dominic naman ang nag-aayos ng mga plato sa lamesa. Si Damon naman ang nag-aayos ng mga materylas na gagamitin sa pag-aaral ni Alyana. Halos isang oras din sila naghahanda bago nagising ang dalaga. Kahit na papunas punas pa ang dalaga sa kaniyang mata ay iginaya na siya ni Red papunta sa kinauupuan nito lagi sa lamesa na katabi nila ni Grey at katapat naman nila sina DOminic at Sean, nasa ulunan naman ng lamesa si Zylan. “G
"Yana, ang pag-aaralan natin ngayon ay Filipino, kung sa Math ay puro numero, tayo naman ay puro basa Yana, ayon kasi sabi ni Leader eh" Pagkaraan lamang ng ilang minuto ay bumukas ang pinto. Pumasok ang susunod na magtuturo sa kanya, si Grey. Tila nasasabik naman ang dalaga sa mga hawak ni Grey kaya nilapit niya ang upuan niya. May nilabas na chart si Grey at bumungad doon ang alphabet chart, sa isa naman na chart ay may mga nakalagay na mga pangungusap. "Yana, ano letter ito?" "A" "Ano ang maiisip mo na bagay, hayop o pagkain na nagsisimula sa letrang 'yan?" "Aso!" "Tama, e' ito?" "B. Baboy!" "Ang C. Sa Filipino ay 'K' ano ang maibibigay mo do'n?"
“Aye, Aye, Sir! Pero sana parts of the solar system muna, Teacher? Kasi diba napapakinabangan din naman natin yung solar system hehe kasi dito tayo nakatira? Ay… pero wala naman sa solar system itong bahay… hmmm.” napangiwi naman si Dominic sa naiisip ni Alyana. Aniya ay okay na iyong unang sinabi ng dalaga na ‘napapakinabangan din naman ang solar system dahil dito tayo nakatira’ ngunit dinugtungan pa nito ng kakaibang pag-iisip kung kaya’t mas nalito siguro ang dalaga. “You are right, Alyana. Dito naman talaga tayo nakatira sa solar system da-- “ “Ha? Mali po! diba sa solar system lumulutang tayo? Hindi naman tayo nakalutang, Teacher!” depensa ni Alyana saka nakakunot noo kay Dominic. Napacross arm pa ang dalaga.
MABILIS lang ang naganap na tanghalian dahil naghahabol sa oras ang pag-aaral ni Alyana. Inuuna muna nila ang estado ni Alyana na nasa araw na dapat na ito ay makapag lecture ang tatlong tumatayong teacher ni Alyana, sina Dominic, Sean at Zylan. Bukas kasi ay magkakaroon sila ng training for depense at sports na ituturo kay Alyana. Kaya dapat ay matapos nila hanggang ala sais ang lectures. Sabay pumasok sa lecture room sina Sean at Alyana. Ang ituturo naman ni Sean ay patungkol sa English grammar at pagbabasa ng English, Inalayayan pa ni Sean si Alyana na makaupo sa uupuan nito sabay kindat sa dalaga. “The afternoon lesson is knowing the English pronunciation so you can learn and enhance your ability to speak the English language,” pagsisimula ni Sean saka kumu
PATULOY lang sa pagguhit si Alyana base na rin sa reaksyon ni Zylan sa kanya. Tila ba ninenerbyos ang dalaga kay Zylan nang seryoso ito at hindi man lang ngumingiti sa kanya. Si Zylan ang kanyang terror teacher! Kahit na malamig naman ang buong lecture room ay pinagpapawisan siya dahil natatakot siya kay Zylan. Ayaw niyang magalit ito o hindi kaya’y magkamali siya sa ipinapagawa. Kung kanina ay madaldal siya sa ibang klase niya ngayon ay napakatahimik niya! Gusto man niyang magtanong o magsalita, tumitiklop ang bibig ni Alyana. Siguro ay marahil na rin sa unang sinabi sa kanya ni Zylan kaya hindi siya nagsasalita. (flashback)
ng mga makabagong teknolohiya at defense sa labanan. Ang pamilyang Collins kasi ang nagsu-supply ng mga chemicals na ginagamit para makabuo ng bomba o iba pang pampasabog sa mas high tech na strategy. Malayo pa lang ay kitang-kita na ang malaking vertical shape ng pangalang Collins Manor. Hindi maitatanggi na talagang marangya ang pamumuhay ng kambal kahit na kasapi sila sa Blood Organization. Hindi naman maitatanggi na ang yaman ng Collins at ng iba pang miyembro ng Ice Breakers ay karampot lamang sa yaman at kapangyarihan ng mga Sembrano o ang may ari ng Blood Organization. Kumbaga ang buong Sembranos Clan hanggang sa susunod pang henerasyon ay kailangang paglingkuran ng mga guards o mga
Third Person’s POV Matapos ang naganap na giyera ay lumabas na ang mga tinagong initiates nina Prince Marvin at Prince Patrick. Marami sa blood armies ang nawalan ng buhay dahil maging sila ay nagamit ng dark organization para labanan ang kanilang pinaglilingkurang pamilya. Ang mga pamilya naman nila ay buong tapang na pinagmasdan ang loob ng palasyo. Nagulantang sa nasasaksihang pagbabago na nangyari dahil sa nangyaring digmaan. Napaiyak ang ilan at ang karamihan naman ay natuwa dahil natapos na ang gulo rito. May mga naghihinagpis dahil ang kanilang mga kamag anak ay namatay ng walang laban at pati na ang mga kabataan na maagang binawian ng buhay. Sa isang linggong lumipas matapos ang nangyaring digmaan ng dugo bakas pa rin ang resulta ng mga ito sa buong Sembranos Palace. Pero unti-unting binabalik sa dati, tulong-tulong ang mga kaalyansa upang maibalik ang dating ganda ng palasyong kinatatayuan nila ngayon. Buong akala nila ay sasabog na ang palasyo ngunit laking pasasalamat n
Third Person's POV Tensyon. Iyan ang bumabalot sa panig ng blood organization. Tensyon na mapatay ni Arthyrn sa brutal na paraan at tensyon na mamamatay sa pag pulbos sa buong palasyo. Hinanda naman nina Prince Raymond ang kanilang mga sarili para maisagawa ang kanilang plano na baliktarin ang dapat mapatay ni Arthyrn. Kailangan nilang malinlang si Arthyrn para mapatay nito ang lider ng dark organization at hindi si King Arthur. Kasama sa kanilang plano ay si Teris na siyang gagawa ng taktika upang mailagay si Arthyrn sa harapan ng lider. Ang Da Silva brothers naman na sina Argon, Bismuth at Antimony ang mga gagawa ng magpapa agaw pansin sa mga cyborg pati na kay Arthyrn kasama din nila si Aldrin. Si Prince Raymond naman ang gagawa ng paraan para matanggal ang tali na nakalagay sa mga royalties at sa human innovators. Sina Dominic at Sean naman ang maiiwan sa laboratory. Hindi kasi puwedeng gamitin ni Sean ang katawan ni Grey para makipaglaban lalo pa't hindi niya ito sariling kata
Third Person’s POV “Oh… I like your first choice. Go on, take his blood, Arthyrn.” Sa narinig na ito ni Arthyrn ay sabay niyang itinaas ang dalawang katanang hawak niya. Nakita nilang lahat ang itim na itim na mata ni Arthyrn na kung saan ay tanda na wala ito sa sariling pag iisip. Tinitigan naman ni Emperor ang kanyang anak na tila tulala sa kanyang mukha. Nababahiran ang buong suot nito na kulay puti ng mga nagtatalsikang dugo na mga pinaslang nito. “Anak… Arthyrn, mahal na mahal ka ni Daddy. Patawarin mo ako, patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting ama sa inyo ng Kuya mo. Patawarin mo ako kung napabayaan kita… pero sana kung maalala mo man ako sa mga sandaling tapos na ang lahat, huwag mong sisisihin ang sarili mo. Ako ang may kasalanan ng lahat.” Natawa pa ang lider ng dark organization nang marinig ang mga sinasabi ng Emperor. n aka standby naman ang kamay sa ere ni Arthyrn na may hawak na katana at pababa nang pababa ito habang naglilitanya ang Emperor. “Masaya ako, A
Third Person’s POVHindi nakapagsalita si Emperor sa tanong ni King Arthur sa kanya. Napapikit naman ng mariin ang hari dahil sa kumpirmadong sagot sa tahimik na ama. Tumawa naman ng buong lakas ang lider saka pumalakpak. “Kaya nga maaga mong ibinigay ang posisyon mo as King sa iyong anak dahil para hindi ka mabuko, tama?” “Manahimik ka! Alam kong alam mo ang kung ano ang totoong dahilan ng lahat ng iyon! Balak ninyo kaming patayin at ginagamit ninyo ang mga babae para pabagsakin kami!” nanggagalaiti sa galit ang Emperor dahil mukhang nililinlang din nito ang kanyang panganay na anak sa mga kasinungalingan. Aminado siyang pinagpapatay niya ang lahat ng kababaihan iyon ay dahil sa kasakiman din ng mga ito na magtulong-tulong para mag alsa sa kanilang pamilya. Nais nilang patayin ang dalawang anak ng Emperor na siyang magmamana ng buong kapangyarihan at kayamanan ng Sembrano at Arzaga. “Bakit, anong kasinungalingan ang hindi totoo na pinatay mo silang lahat at tanging natira ay ang
Third Person’s POV Nanghihina ngunit pilit na lumalaban. Iyan ang tanging nararamdaman sa mga sandaling ito ni Aldrin. Ilang beses na niyang sinusubukan na kuhanin mula sa sealed na lagayan ang microchip na kakambal ng nasa loob ng katawan ni Arthyrn. Tila nasusunog ang kanyang kanang kamay dahil sa mga paso na natanggap nang tinatangka niyang ipasok ang kamay at makuha ang bagay na iyon. Ang sealed na kung saan ay magbibigay ng kakaibang init na sensasyon sa balat ang sino mang magtatangka rito. Inilibot naman ni Aldrin ang silid upang makakuha ng ano mang bagay na pupuwedeng magamit niya upang maiwasan na masaktan sa pagkuha nito. Napalingon siya sa wala ng buhay ng kanyang ama. May naisip siyang posibleng magamit niya ang kamay ng ama para kuhanin ang bagay na iyon. Nagdalawang isip pa si Aldrin at inulit muli ang naunang ginawa ngunit ganoon pa rin ang kinakalabasan, kapag mas sinagad niya pa lalo ang kamay sa loob ng sealed, puwedeng maputulan siya ng kamay. Napabuntong hinin
Third Person's POVTila nahilo sa mga sandaling ito si Sync. Hindi dahil sa nararamdaman niyang pagod o panghihina kundi dahil sa mayroong nagpoproseso sa utak niya. Mayroong mga linya na tila nagdidikta ng isang lokasyon sa isip niya na nagpapakita. Napansin naman siya ni Cherry."You okay?" makikita ang pag aalala ng babae sa kaibigan. Sinipa niya pa ang kalabang armado bago muling lingunin si Sync na ngayon ay napapakunot noo. Nilingon naman siya ni Sync saka nagpalinga linga. "She's coming right here… the princess is coming…" aniya saka nakatuon ang tingin sa isang daan. Mukhang narinig naman ni King Arthur ang sinaad ni Sync at nilingon din ang daan na tinitingnan ni Sync. Mabilis namang nakarating si Prince Nathan sa kanilang gawi at napansin niyang mas dumami pa ang kanilang mga nakakalaban. May mga humaharang pa sa kanyang mga armado na agad niyang tinadtaran ng bala. Napalingon naman sa kanya si Prince Patrick na ngayon ay may hawak na espada at pinagpapaslang ang mga armad
Third Person’s POV SA WAKAS ay napansin na rin ni Prince Ken ang kanyang smart watch. Nagtaka pa siya na ito ay halos isang oras nang nag-a-aalert sa kanya. At dahil busy siya sa pagpaslang sa mga cyborg ay hindi niya ito nakita. Muli na naman siyang sinugod ng cyborg at mabilis siyang bumwelo para sipain ito at saksakin sa mata nito. Nang mawalan na ng ilaw ang mata ng cyborg ay mabilis siyang umalis sa kinaroroonan at tumungo sa access room. Bawat madadaanan ni Prince Ken ay may naglalaban na mga kaanib nilang organisasyon at mga kalaban na organisasyon. Hindi niya na inabala ang sarili doon dahil kailangan niyang solusyunan ang nangyayari kay bloody access dahil hindi puwedenh madamay si blood access sa giyerang nangyayari. Puwedeng maulit ang nakaraan na kung saan ay may posibilidad na sumabog ito na delikado sa kanilang lahat. May humarang naman sa kanya na dalawang armado at inaatake siya. Sa gigil niya ay sinugod niya ang mga ito at ginilitan sa leeg. Mabilis namang binagsak
Third Person’s POVBAWAt madaanan nina Dominic at ng Da Dilva brothers ay mayroong mga blood armies na hallucinated na kung saan ay kanilang pinapatulog gamit ang weapon na ginamit kanina nila Dominic. Wala silang kaalam-alam na ang iniwan nilang mga blood armies na walang malay sa kabilang pader ng palasyo ay may mga namatay na dahil sa ginawa ng dalawang nagpapanggap na royalties. Katulong naman ni Dominic si Antimony sa pagbaril sa mga armadong bagong dating. Napag-alaman nilang galing ito sa iba’t-ibang grupo na ngayon ay inaatake sila. Mabuti na lamang at walang cyborg silang nakakasalubong dahil panigurado na mauubusan sila ng bala dahil ang weapon ng Da Silva brothers ay kailangan ng likidong muli na tila bala sa weapon na iyon. At sa mga sandaling ito ay paubos na ang likido sa loob ng weapon na iyon. Normal na baril na lamang ang kanilang hawak-hawak para panlaban. Naunang naglalakad si Bismuth na inaalalayan pa rin si Grey pero medyo umo-okay na rin ang lagay ni Grey kaya n
Third Person's POV Si Prince Timothy naman ay halos madehado sa pakikipaglaban dahil napuruhan siya ng cyborg sa kanyang hita. Bawat galaw niya ay ginagaya ng cyborg na ito hanggang sa atakihin pa siya ng isa pang cyborg. Natumba si Prince Timothy at nabitawan ang weapon na hawak niya. Sasaksakin sana siya ng cyborg mula sa likod nang agapan ni King Arthur. Ipinangharang nito ang metal na kamay sa kamay ng cyborg na nagtransform na espada. Hindi naman iyon inaasahan ng cyborg dahil ang pokus niya ay si Prince Timothy at nakatuon ang system na ginagaya niya ay si Prince Timothy kaya’t umikot ang mata niya para baliktarin ang gagayahin niya. Ngunit umiikot pa lang ang mata nito nang tusukin ni King Arthur ang dalawang mata ng cyborg kaya’t wala itong nakuhang identity ni King Arthur. Hinintay pa ni King Arthur kung may bagong mata ba na papalit sa cyborg na ito ngunit lumipas ang isang minuto ay walang lumabas na pamalit sa mata nito. Tinadyakan naman siya ni King Arthur bago tuluyang