Nakahiga ang dalaga sa isang napakalambot, napakalaki, napakalawak at napakagandang kama na pagmamay-ari sana ng kapatid ng kanyang Kuya Brent. Kakatapos lang kasi niya maglibang. Napagod kasi siya sa kakalaro ng kung ano-ano. Nagtennis ball, nag jumping rope kasama ang mga anak ng mga armadong lalaki na nakabantay sa labas. Talagang ipinilit niya sa kanyang Kuya Brent na maging kalaro ang mga 'yon. Nag open sesame sa malaking walk in closet na pagmamay-ari na daw niya, naglutu-lutuan at bahay-bahayan. Nakipagtakbuhan sa malawak na hallway, kasama ang mga armadong lalaki.. Nagmata-mataya, tagu taguan, piko, patintero na tinuro pa talaga sa kanya. At nanuod ng mga DvD's na dinownload ni Grey.
*tok*tok*tok*
Napabangon ang dalaga at binuksan ang malagintong pintuan ng silid. Pagbukas niya ay bumungad
-Rome, Italy- Kasalukuyang nanunuluyan ang Ice Breakers sa isang kilalang hotel dito sa Rome, ang Grand Hotel de la Minerve, isang Classic Luxury na pagmamay-ari ng isa sa Royalties, si Nathan Alonzo. Kakarating lang nila galing sa biyahe, at may mga jetlag pa sila. Ang kuwarto na pinaglugaran nila ay sa Room 304, 8th floor, isang superior lang ang kanilang kinuha at ani nila'y magkakatabi na lang sila. Si Sean ay agad sumalampak sa sofa. Hindi pa rin niya tinatanggal ang damit na pinangbiyahe niya dahil sa sobrang hilo niya. Hindi kasi siya sanay sa mahabang biyahe at iyon ang kahinaan niya. Si Dominic naman ay pumasok sa isang kuwarto at agad nagbihis. Nagluto naman siya kaagad ng kanilang kakainin. Si Grey naman ay agad tinawagan ang kanilang ka-transaction dito sa Rome,
"500,000 thousand dollars!" "Any bid?" Napataas naman ang isang lalaking may mahabang balbas at may matipunong katawan. Makikita din ang mga nakabantay na mga bodyguards nito na nakapalibot sa paligid. Nagmamasid. "Mon offer est de 700 mille dollars (my bid is 700 thousand dollars)” "Wow! So much bid! Mr. Montreal. Any offer?" "Une million de dollars (One million dollars)" Napalingon ang lahat sa nagsalita. Mula sa likudan. Makikita ang mapang
" Brush, brush, brush three times a day Brush with Barbie~ Shikishikishik" MATIRIK na ang sikat ng araw magising si Alyana. Masyado kasi siyang nasiyahan sa panunuod ng mga Barbie series na dinownload ni Grey pagkatapos niyang maglaro ng Bubble wand ay dumiretso na siya sa kuwarto. Halos madaling araw na siya natapos sa panunuod sa tatlong tema ng Barbie. Kasalukuyan siyang nagtotoothbrush habang pakanta-kanta pa siya at giling-giling sa harap ng salamin ng banyo na tinutuluyang kuwarto. Napahinto naman ang dalaga sa pagtutoothbrush, nagmumog at pinunasan niya ang kanyang bibig bago tumungo sa pintuan nang makarinig ng tatlong katok. Pagkabukas niya ay bumungad sa kanya ang ngiting-ngiti na si Timothy, isa sa kaibigan ng kanyang Kuya Brent, nakasuot ito ng isang uniform pang eskwelahan. Ngin
"Kuya, Saan tayo pupunta? Kanina pa tayo naglalakad, e" "Waaah! Talaga, Kuya Tim? Yieee! Gusto ko rin diyan." "Oo ba, kaya nga tayo pupunta, pfft" Huminto sa paglalakad si Arthur na siyang ikinahinto din ng mga kasabay niya. "Kuya, bakit?" napalingon naman si Arthur sa katabi niya na dalaga at hinalikan ito sa noo "Kayo na muna bahala sa kanya, may kailangan lang akong gawin— Baby sis, 'wag ka hihiwalay sa kanila okay? Babalik agad si Kuya, ayos ba?" nagtataka man ay tumango nang dahan-dahan ang dalaga sabay ng pagsaludo at p
"Baby, when is your birthday?" "Hmmm... hindi ko po alam" nakangusong sambit ni Alyana saka pinaglalaruan ang dulo ng kaniyang buhok. "What?!" "Kakasabi ko lang Kuya, hindi ko po alam" "Why?" "Kasi nga po Kuya hindi ko alam" "Okay— But, how did you know your age if you didn't know your birthday?" "Kasi po... s’yempre Kuya taon-taon binibilang ko pero 'yong dati ko pong Yaya, a
One week later... "Kuya! Kuya! Ang babait po ng mga classmate ko hehehe" "Really? Hindi ka ba nila inaasar?" "Hindi po! Ang ganda ko raw po, e" "Hahahaha" "Hmmm, Kuya?" "Yes?" "Paturo ako sa assignments ko *pout*” "Of course, baby"
"It's your turn, Ice Basher" "Yow, Areglado!" "Ice Tricker. Red, on the second floor and wait for my signal before you move" "Copy, Leader!" "Silent Breaker, go to the parking area now!" "Copy!" KASALUKUYANG nagtatagisan ng labanan ang magkabilang panig na EOO at Blood Organization. Halos lahat ay wala nang makita sa monitor si Zylan dahil sa labis na usok na nakapalibot sa lugar. Nawala na rin ang connection niya sa ibang miyembro ng kanilang organisasyon, mabuti na laman
"Kung hindi ka lang sana tumiwalag sa grupo, hindi ka namin kalaban ngayon," napangisi si Zylan sa sinambit sa kanya ng dating kaibigan, si Kean Leondrei Sandoval. Kasalukuyang nababalutan na ang paligid ng mga usok at apoy dahil sa mga bombang sumabog sa bawat sulok. Marami na ang nabawian ng buhay na kasapi sa EOO at sa Blood Organization. Iilan na lang ang patuloy na nakikipaglaban at ipinagpapatuloy ang kanilang responsibilidad bilang miyembro ng isang Mafia organization. Madilim na rin ang buong paligid dahil na rin sa gabi na ang kalangitan at nawala na ang responde ng kuryente dahil sa pag shut down nito kanina na bago pa lang magsimula ang labanan. "Kung 'di ako tumiwalag sa grupo, siguradong pinatay niyo na ako, noon pa man," napakunot-noo si Kean sa sinabi ni Zylan. Tila ba pinoproseso pa niya ang mga binitiwang salita sa kanya ng dating kasamahan. Napang
Third Person’s POV Matapos ang naganap na giyera ay lumabas na ang mga tinagong initiates nina Prince Marvin at Prince Patrick. Marami sa blood armies ang nawalan ng buhay dahil maging sila ay nagamit ng dark organization para labanan ang kanilang pinaglilingkurang pamilya. Ang mga pamilya naman nila ay buong tapang na pinagmasdan ang loob ng palasyo. Nagulantang sa nasasaksihang pagbabago na nangyari dahil sa nangyaring digmaan. Napaiyak ang ilan at ang karamihan naman ay natuwa dahil natapos na ang gulo rito. May mga naghihinagpis dahil ang kanilang mga kamag anak ay namatay ng walang laban at pati na ang mga kabataan na maagang binawian ng buhay. Sa isang linggong lumipas matapos ang nangyaring digmaan ng dugo bakas pa rin ang resulta ng mga ito sa buong Sembranos Palace. Pero unti-unting binabalik sa dati, tulong-tulong ang mga kaalyansa upang maibalik ang dating ganda ng palasyong kinatatayuan nila ngayon. Buong akala nila ay sasabog na ang palasyo ngunit laking pasasalamat n
Third Person's POV Tensyon. Iyan ang bumabalot sa panig ng blood organization. Tensyon na mapatay ni Arthyrn sa brutal na paraan at tensyon na mamamatay sa pag pulbos sa buong palasyo. Hinanda naman nina Prince Raymond ang kanilang mga sarili para maisagawa ang kanilang plano na baliktarin ang dapat mapatay ni Arthyrn. Kailangan nilang malinlang si Arthyrn para mapatay nito ang lider ng dark organization at hindi si King Arthur. Kasama sa kanilang plano ay si Teris na siyang gagawa ng taktika upang mailagay si Arthyrn sa harapan ng lider. Ang Da Silva brothers naman na sina Argon, Bismuth at Antimony ang mga gagawa ng magpapa agaw pansin sa mga cyborg pati na kay Arthyrn kasama din nila si Aldrin. Si Prince Raymond naman ang gagawa ng paraan para matanggal ang tali na nakalagay sa mga royalties at sa human innovators. Sina Dominic at Sean naman ang maiiwan sa laboratory. Hindi kasi puwedeng gamitin ni Sean ang katawan ni Grey para makipaglaban lalo pa't hindi niya ito sariling kata
Third Person’s POV “Oh… I like your first choice. Go on, take his blood, Arthyrn.” Sa narinig na ito ni Arthyrn ay sabay niyang itinaas ang dalawang katanang hawak niya. Nakita nilang lahat ang itim na itim na mata ni Arthyrn na kung saan ay tanda na wala ito sa sariling pag iisip. Tinitigan naman ni Emperor ang kanyang anak na tila tulala sa kanyang mukha. Nababahiran ang buong suot nito na kulay puti ng mga nagtatalsikang dugo na mga pinaslang nito. “Anak… Arthyrn, mahal na mahal ka ni Daddy. Patawarin mo ako, patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting ama sa inyo ng Kuya mo. Patawarin mo ako kung napabayaan kita… pero sana kung maalala mo man ako sa mga sandaling tapos na ang lahat, huwag mong sisisihin ang sarili mo. Ako ang may kasalanan ng lahat.” Natawa pa ang lider ng dark organization nang marinig ang mga sinasabi ng Emperor. n aka standby naman ang kamay sa ere ni Arthyrn na may hawak na katana at pababa nang pababa ito habang naglilitanya ang Emperor. “Masaya ako, A
Third Person’s POVHindi nakapagsalita si Emperor sa tanong ni King Arthur sa kanya. Napapikit naman ng mariin ang hari dahil sa kumpirmadong sagot sa tahimik na ama. Tumawa naman ng buong lakas ang lider saka pumalakpak. “Kaya nga maaga mong ibinigay ang posisyon mo as King sa iyong anak dahil para hindi ka mabuko, tama?” “Manahimik ka! Alam kong alam mo ang kung ano ang totoong dahilan ng lahat ng iyon! Balak ninyo kaming patayin at ginagamit ninyo ang mga babae para pabagsakin kami!” nanggagalaiti sa galit ang Emperor dahil mukhang nililinlang din nito ang kanyang panganay na anak sa mga kasinungalingan. Aminado siyang pinagpapatay niya ang lahat ng kababaihan iyon ay dahil sa kasakiman din ng mga ito na magtulong-tulong para mag alsa sa kanilang pamilya. Nais nilang patayin ang dalawang anak ng Emperor na siyang magmamana ng buong kapangyarihan at kayamanan ng Sembrano at Arzaga. “Bakit, anong kasinungalingan ang hindi totoo na pinatay mo silang lahat at tanging natira ay ang
Third Person’s POV Nanghihina ngunit pilit na lumalaban. Iyan ang tanging nararamdaman sa mga sandaling ito ni Aldrin. Ilang beses na niyang sinusubukan na kuhanin mula sa sealed na lagayan ang microchip na kakambal ng nasa loob ng katawan ni Arthyrn. Tila nasusunog ang kanyang kanang kamay dahil sa mga paso na natanggap nang tinatangka niyang ipasok ang kamay at makuha ang bagay na iyon. Ang sealed na kung saan ay magbibigay ng kakaibang init na sensasyon sa balat ang sino mang magtatangka rito. Inilibot naman ni Aldrin ang silid upang makakuha ng ano mang bagay na pupuwedeng magamit niya upang maiwasan na masaktan sa pagkuha nito. Napalingon siya sa wala ng buhay ng kanyang ama. May naisip siyang posibleng magamit niya ang kamay ng ama para kuhanin ang bagay na iyon. Nagdalawang isip pa si Aldrin at inulit muli ang naunang ginawa ngunit ganoon pa rin ang kinakalabasan, kapag mas sinagad niya pa lalo ang kamay sa loob ng sealed, puwedeng maputulan siya ng kamay. Napabuntong hinin
Third Person's POVTila nahilo sa mga sandaling ito si Sync. Hindi dahil sa nararamdaman niyang pagod o panghihina kundi dahil sa mayroong nagpoproseso sa utak niya. Mayroong mga linya na tila nagdidikta ng isang lokasyon sa isip niya na nagpapakita. Napansin naman siya ni Cherry."You okay?" makikita ang pag aalala ng babae sa kaibigan. Sinipa niya pa ang kalabang armado bago muling lingunin si Sync na ngayon ay napapakunot noo. Nilingon naman siya ni Sync saka nagpalinga linga. "She's coming right here… the princess is coming…" aniya saka nakatuon ang tingin sa isang daan. Mukhang narinig naman ni King Arthur ang sinaad ni Sync at nilingon din ang daan na tinitingnan ni Sync. Mabilis namang nakarating si Prince Nathan sa kanilang gawi at napansin niyang mas dumami pa ang kanilang mga nakakalaban. May mga humaharang pa sa kanyang mga armado na agad niyang tinadtaran ng bala. Napalingon naman sa kanya si Prince Patrick na ngayon ay may hawak na espada at pinagpapaslang ang mga armad
Third Person’s POV SA WAKAS ay napansin na rin ni Prince Ken ang kanyang smart watch. Nagtaka pa siya na ito ay halos isang oras nang nag-a-aalert sa kanya. At dahil busy siya sa pagpaslang sa mga cyborg ay hindi niya ito nakita. Muli na naman siyang sinugod ng cyborg at mabilis siyang bumwelo para sipain ito at saksakin sa mata nito. Nang mawalan na ng ilaw ang mata ng cyborg ay mabilis siyang umalis sa kinaroroonan at tumungo sa access room. Bawat madadaanan ni Prince Ken ay may naglalaban na mga kaanib nilang organisasyon at mga kalaban na organisasyon. Hindi niya na inabala ang sarili doon dahil kailangan niyang solusyunan ang nangyayari kay bloody access dahil hindi puwedenh madamay si blood access sa giyerang nangyayari. Puwedeng maulit ang nakaraan na kung saan ay may posibilidad na sumabog ito na delikado sa kanilang lahat. May humarang naman sa kanya na dalawang armado at inaatake siya. Sa gigil niya ay sinugod niya ang mga ito at ginilitan sa leeg. Mabilis namang binagsak
Third Person’s POVBAWAt madaanan nina Dominic at ng Da Dilva brothers ay mayroong mga blood armies na hallucinated na kung saan ay kanilang pinapatulog gamit ang weapon na ginamit kanina nila Dominic. Wala silang kaalam-alam na ang iniwan nilang mga blood armies na walang malay sa kabilang pader ng palasyo ay may mga namatay na dahil sa ginawa ng dalawang nagpapanggap na royalties. Katulong naman ni Dominic si Antimony sa pagbaril sa mga armadong bagong dating. Napag-alaman nilang galing ito sa iba’t-ibang grupo na ngayon ay inaatake sila. Mabuti na lamang at walang cyborg silang nakakasalubong dahil panigurado na mauubusan sila ng bala dahil ang weapon ng Da Silva brothers ay kailangan ng likidong muli na tila bala sa weapon na iyon. At sa mga sandaling ito ay paubos na ang likido sa loob ng weapon na iyon. Normal na baril na lamang ang kanilang hawak-hawak para panlaban. Naunang naglalakad si Bismuth na inaalalayan pa rin si Grey pero medyo umo-okay na rin ang lagay ni Grey kaya n
Third Person's POV Si Prince Timothy naman ay halos madehado sa pakikipaglaban dahil napuruhan siya ng cyborg sa kanyang hita. Bawat galaw niya ay ginagaya ng cyborg na ito hanggang sa atakihin pa siya ng isa pang cyborg. Natumba si Prince Timothy at nabitawan ang weapon na hawak niya. Sasaksakin sana siya ng cyborg mula sa likod nang agapan ni King Arthur. Ipinangharang nito ang metal na kamay sa kamay ng cyborg na nagtransform na espada. Hindi naman iyon inaasahan ng cyborg dahil ang pokus niya ay si Prince Timothy at nakatuon ang system na ginagaya niya ay si Prince Timothy kaya’t umikot ang mata niya para baliktarin ang gagayahin niya. Ngunit umiikot pa lang ang mata nito nang tusukin ni King Arthur ang dalawang mata ng cyborg kaya’t wala itong nakuhang identity ni King Arthur. Hinintay pa ni King Arthur kung may bagong mata ba na papalit sa cyborg na ito ngunit lumipas ang isang minuto ay walang lumabas na pamalit sa mata nito. Tinadyakan naman siya ni King Arthur bago tuluyang