Jared’s POV
“Tre hundra (Three hundred) kinds of guns? Wow! Frackt! (Cool!)” kaharap ko ngayon si Bismuth na nagniningning ang mga mata sa nakikitang iba’t-ibang klase ng baril. Hinanap naman ng mga mata ko si Arthryn, kasama niya pala sila Argon at Aldrin sa may seksyon ng mga Bombs and Missiles. Napansin ko naman sa seksyon ng mga Bows and Crossbows si Antimony. Mahilig talaga ‘yan sa pana. Koleksyon niya ‘yan, e.
“Det ar for dyrt (That’s too expensive) that kind of gun,” si Bismuth at tinuro ang George Washington’s Saddle Pistols “You know how much is that? That’s too expensive! With the cost of 1, 986,000 dollars!” manghang sambit pa nito at mas nilapitan ang pistol. Hindi ito mahawakan ninuman dahil nakalagay ito sa isang glass box, par
-Sembrano’s Empire-Ken’s POV“BLOODY ACCESS IS NOW WORKING”“BLOODY ACCESS IS NOW WORKING’’“BLOODY ACCESS IS NOW WORKING”Pinindot ko ang button na kulay berde para hindi na mag-ulit pa sa pagsasalita si Bloody Access at magpatuloy lang sa ginagawa.“SPEAKER OFF. DO NOT DISTURB THE MASTER”Huling narinig ko kay Bloody Access at nagpatuloy lang ito sa pagtatrabaho, base sa kulay berdeng nakapalibot sa kuwarto na ‘to. Napahawak naman ako sa sentido ko dahil sa nararamdaman kong pananakit
-Bloody South-Jared’s POVKanina pa ako nagsasanay ng CLAWS dito sa isang dummy na ang anyo ay isang Black Headed Spider Monkey. Ang laki nito ay ginawang parang sa isang tao o mas malaki pa sa isang tao. Iilan lang kami ang nagsasanay sa ganitong armas dahil ang karamihan ay mas piniling unahin ang pagsasanay at mas husayin ang sarili sa paggamit ng Pistols, Daggers, at Flail and Maces.Napatingin ako sa katabi kong si Bismuth. Ang dummy na naka-assigned sa kanya ay isang British Shorthair Cat kasing laki rin ito ng tao na kagaya sa’kin. “Bro, is there something wrong?” tawag ‘kong pansin kay Bismuth at umatake ako ng isang sipa sa isang parte ng katawan ng dummy ko. Kanina ko pa kasi ito napapansin na tila wala sa sariling umaatake sa kaharap na dummy. Mabuti naman at tumingin&nb
Grey’s POV“Talaga bang kaya mo na ‘yang gamutin ng mag-isa? Tulungan na kaya kita” si Kuya Sean at pilit na inaagaw ang medical kit ni Kuya Dominic.“Ang O.A. mo! Hahaha. Ako na, okay? Saka galos lang ‘to,” aniya saka ngumisi pa pero mapapansin ang mabilis na pagngiwi.Sigurado ako na hindi basta-basta ang nangyari sa kanila. Duguan ang mga daliri nila.“Kuya Dominic, anong nangyari sa’yo? Sa ibang mga Initiates?”“Parusa”“Ha? Para saan?”“Mahaban
Grey’s POV“Mukhang maganda ‘to!” sambit ni Kuya Dominic at inakbayan ako. “No’ng batch natin ang nanalo sa Bloody Stages ay si Damon. Tapos ang pumapangalawa si Sean tapos Ako. Sino naman kaya ngayon?” nagpatuloy kami sa paglalakad papasok sa loob ng Devil’s Pentagon.“Malay mo si Arthryn or si Ja-Jared?”“Hmmm… puwede ngang sila ang manalo,” napahinto kami sa paghakbang dahil sa paghinto ng mga nasa harapan naming mga Initiates.“MAKINIG KAYONG LAHAT. ISANG BESES KO LANG ITONG SASABIHIN AT AYOKONG PAULIT-ULIT. MALIWANAG BA?” si Prince Marvin na pasigaw kung magsalita mula sa pinakamataas na bahagi
-Bloody Red door-Jared’s POVInilibot ko ang paningin ko. Padagdag nang padagdag ang usok sa paligid, ang kakaibang init sa lugar at pati na rin ang mga pulang likido na dumidikit sa paanan ko ay umiinit na rin. Dumagdag din ang init mula sa itaas, marahil ay mga ilaw na napakatingkad ang kulay at epekto sa mga mata ng tao. Mukhang dinagdagan nila ng Emotional Test ang Bloody Stages bukod sa Mentality test, kung saan ay kakaiba ang mga nakikita namin sa paligid, isang ilusyon lamang.Lakad-takbo na ang ginawa ko dahil sa init na nararamdaman ko. Painit nang painit ang mga dugong narito na talagang nakaka paso sa balat. Kailangan kong mahanap sila Arthryn, Aldrin, at ang triplets, lalo na ang prinsesa, dahil sa’kin siya ipinaubaya ni King.
-Devil’s Pentagon, Bloody Stages-Third Person’s POV“DA SILVA BROTHER’S IS NOW OUT OF THE GAME”“What? Wait. Why?”“Bro, what happened? Why are we out of the game?!”“I don’t know… I’m just following you”“Fuck!”Halos magtaka naman ang triplets dahil sa narinig nilang anunsyo. Hindi rin makapaniwala ang mga Royalties sa nangyayari kung bakit sunod-sunod ang mga lumalabas sa Bloody Stages at hindi na matutuloy pa sa laban. Si Prince
Arthryn’s POV“Reign…” tinaasan ko ng kilay ang lalaking hinaharangan ang dinadaanan ko. Ugh! Kanina pa ako iniinis nito, ah? Simula nung nasa Bloody Blue pa kami, sinundan niya ako sa Bloody Green at ngayon ay papasok na kami sa Bloody Black and White, hindi ako nilulubayan nito at kanina pa niya akong tinatawag na Reign!Sino ba ang babaeng ‘yon?Tapos tinutulungan niya rin akong kalabanin ang mga Initiates na pinupuntirya ako. Ugh! Nakakainis lang kasi sa’kin niya pa binibigay ang mga flaglife na iyon imbes na sa kanya.“Hindi mo ba ako titigilan, ha?”“Reign…”
Aldrin’s POVNagpakawala pa ako ng round kick pero kaagad naman niyang nadepensahan ng pagpunta sa ilalim ko at kasabay no’n ay ang pagsuntok niya sa sikmura ko. Bigla naman akong bumagsak sa lupa at nagsuka ng ilang dugo. Napangiwi ako. Talagang nababasa niya ang mga gagawin kong aksyon.Ipinagpatuloy ko pa ang pag-atake at ang tanging ginagawa lamang niya ay umiwas o hindi kaya ay tapatan ang mga aksyon na ginagawa ko.Napahinto naman kaming pareho nang biglang magdilim ang buong paligid. Ang kaninang pumapatak na ulan na tila asido ay nawala na. Ang mababahong amoy ay naglaho na. Ang maingay na ungol ay nawala na rin at ang bangkay na nagkalat… nawala na rin.Anong nangyayari?
Third Person’s POV Matapos ang naganap na giyera ay lumabas na ang mga tinagong initiates nina Prince Marvin at Prince Patrick. Marami sa blood armies ang nawalan ng buhay dahil maging sila ay nagamit ng dark organization para labanan ang kanilang pinaglilingkurang pamilya. Ang mga pamilya naman nila ay buong tapang na pinagmasdan ang loob ng palasyo. Nagulantang sa nasasaksihang pagbabago na nangyari dahil sa nangyaring digmaan. Napaiyak ang ilan at ang karamihan naman ay natuwa dahil natapos na ang gulo rito. May mga naghihinagpis dahil ang kanilang mga kamag anak ay namatay ng walang laban at pati na ang mga kabataan na maagang binawian ng buhay. Sa isang linggong lumipas matapos ang nangyaring digmaan ng dugo bakas pa rin ang resulta ng mga ito sa buong Sembranos Palace. Pero unti-unting binabalik sa dati, tulong-tulong ang mga kaalyansa upang maibalik ang dating ganda ng palasyong kinatatayuan nila ngayon. Buong akala nila ay sasabog na ang palasyo ngunit laking pasasalamat n
Third Person's POV Tensyon. Iyan ang bumabalot sa panig ng blood organization. Tensyon na mapatay ni Arthyrn sa brutal na paraan at tensyon na mamamatay sa pag pulbos sa buong palasyo. Hinanda naman nina Prince Raymond ang kanilang mga sarili para maisagawa ang kanilang plano na baliktarin ang dapat mapatay ni Arthyrn. Kailangan nilang malinlang si Arthyrn para mapatay nito ang lider ng dark organization at hindi si King Arthur. Kasama sa kanilang plano ay si Teris na siyang gagawa ng taktika upang mailagay si Arthyrn sa harapan ng lider. Ang Da Silva brothers naman na sina Argon, Bismuth at Antimony ang mga gagawa ng magpapa agaw pansin sa mga cyborg pati na kay Arthyrn kasama din nila si Aldrin. Si Prince Raymond naman ang gagawa ng paraan para matanggal ang tali na nakalagay sa mga royalties at sa human innovators. Sina Dominic at Sean naman ang maiiwan sa laboratory. Hindi kasi puwedeng gamitin ni Sean ang katawan ni Grey para makipaglaban lalo pa't hindi niya ito sariling kata
Third Person’s POV “Oh… I like your first choice. Go on, take his blood, Arthyrn.” Sa narinig na ito ni Arthyrn ay sabay niyang itinaas ang dalawang katanang hawak niya. Nakita nilang lahat ang itim na itim na mata ni Arthyrn na kung saan ay tanda na wala ito sa sariling pag iisip. Tinitigan naman ni Emperor ang kanyang anak na tila tulala sa kanyang mukha. Nababahiran ang buong suot nito na kulay puti ng mga nagtatalsikang dugo na mga pinaslang nito. “Anak… Arthyrn, mahal na mahal ka ni Daddy. Patawarin mo ako, patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting ama sa inyo ng Kuya mo. Patawarin mo ako kung napabayaan kita… pero sana kung maalala mo man ako sa mga sandaling tapos na ang lahat, huwag mong sisisihin ang sarili mo. Ako ang may kasalanan ng lahat.” Natawa pa ang lider ng dark organization nang marinig ang mga sinasabi ng Emperor. n aka standby naman ang kamay sa ere ni Arthyrn na may hawak na katana at pababa nang pababa ito habang naglilitanya ang Emperor. “Masaya ako, A
Third Person’s POVHindi nakapagsalita si Emperor sa tanong ni King Arthur sa kanya. Napapikit naman ng mariin ang hari dahil sa kumpirmadong sagot sa tahimik na ama. Tumawa naman ng buong lakas ang lider saka pumalakpak. “Kaya nga maaga mong ibinigay ang posisyon mo as King sa iyong anak dahil para hindi ka mabuko, tama?” “Manahimik ka! Alam kong alam mo ang kung ano ang totoong dahilan ng lahat ng iyon! Balak ninyo kaming patayin at ginagamit ninyo ang mga babae para pabagsakin kami!” nanggagalaiti sa galit ang Emperor dahil mukhang nililinlang din nito ang kanyang panganay na anak sa mga kasinungalingan. Aminado siyang pinagpapatay niya ang lahat ng kababaihan iyon ay dahil sa kasakiman din ng mga ito na magtulong-tulong para mag alsa sa kanilang pamilya. Nais nilang patayin ang dalawang anak ng Emperor na siyang magmamana ng buong kapangyarihan at kayamanan ng Sembrano at Arzaga. “Bakit, anong kasinungalingan ang hindi totoo na pinatay mo silang lahat at tanging natira ay ang
Third Person’s POV Nanghihina ngunit pilit na lumalaban. Iyan ang tanging nararamdaman sa mga sandaling ito ni Aldrin. Ilang beses na niyang sinusubukan na kuhanin mula sa sealed na lagayan ang microchip na kakambal ng nasa loob ng katawan ni Arthyrn. Tila nasusunog ang kanyang kanang kamay dahil sa mga paso na natanggap nang tinatangka niyang ipasok ang kamay at makuha ang bagay na iyon. Ang sealed na kung saan ay magbibigay ng kakaibang init na sensasyon sa balat ang sino mang magtatangka rito. Inilibot naman ni Aldrin ang silid upang makakuha ng ano mang bagay na pupuwedeng magamit niya upang maiwasan na masaktan sa pagkuha nito. Napalingon siya sa wala ng buhay ng kanyang ama. May naisip siyang posibleng magamit niya ang kamay ng ama para kuhanin ang bagay na iyon. Nagdalawang isip pa si Aldrin at inulit muli ang naunang ginawa ngunit ganoon pa rin ang kinakalabasan, kapag mas sinagad niya pa lalo ang kamay sa loob ng sealed, puwedeng maputulan siya ng kamay. Napabuntong hinin
Third Person's POVTila nahilo sa mga sandaling ito si Sync. Hindi dahil sa nararamdaman niyang pagod o panghihina kundi dahil sa mayroong nagpoproseso sa utak niya. Mayroong mga linya na tila nagdidikta ng isang lokasyon sa isip niya na nagpapakita. Napansin naman siya ni Cherry."You okay?" makikita ang pag aalala ng babae sa kaibigan. Sinipa niya pa ang kalabang armado bago muling lingunin si Sync na ngayon ay napapakunot noo. Nilingon naman siya ni Sync saka nagpalinga linga. "She's coming right here… the princess is coming…" aniya saka nakatuon ang tingin sa isang daan. Mukhang narinig naman ni King Arthur ang sinaad ni Sync at nilingon din ang daan na tinitingnan ni Sync. Mabilis namang nakarating si Prince Nathan sa kanilang gawi at napansin niyang mas dumami pa ang kanilang mga nakakalaban. May mga humaharang pa sa kanyang mga armado na agad niyang tinadtaran ng bala. Napalingon naman sa kanya si Prince Patrick na ngayon ay may hawak na espada at pinagpapaslang ang mga armad
Third Person’s POV SA WAKAS ay napansin na rin ni Prince Ken ang kanyang smart watch. Nagtaka pa siya na ito ay halos isang oras nang nag-a-aalert sa kanya. At dahil busy siya sa pagpaslang sa mga cyborg ay hindi niya ito nakita. Muli na naman siyang sinugod ng cyborg at mabilis siyang bumwelo para sipain ito at saksakin sa mata nito. Nang mawalan na ng ilaw ang mata ng cyborg ay mabilis siyang umalis sa kinaroroonan at tumungo sa access room. Bawat madadaanan ni Prince Ken ay may naglalaban na mga kaanib nilang organisasyon at mga kalaban na organisasyon. Hindi niya na inabala ang sarili doon dahil kailangan niyang solusyunan ang nangyayari kay bloody access dahil hindi puwedenh madamay si blood access sa giyerang nangyayari. Puwedeng maulit ang nakaraan na kung saan ay may posibilidad na sumabog ito na delikado sa kanilang lahat. May humarang naman sa kanya na dalawang armado at inaatake siya. Sa gigil niya ay sinugod niya ang mga ito at ginilitan sa leeg. Mabilis namang binagsak
Third Person’s POVBAWAt madaanan nina Dominic at ng Da Dilva brothers ay mayroong mga blood armies na hallucinated na kung saan ay kanilang pinapatulog gamit ang weapon na ginamit kanina nila Dominic. Wala silang kaalam-alam na ang iniwan nilang mga blood armies na walang malay sa kabilang pader ng palasyo ay may mga namatay na dahil sa ginawa ng dalawang nagpapanggap na royalties. Katulong naman ni Dominic si Antimony sa pagbaril sa mga armadong bagong dating. Napag-alaman nilang galing ito sa iba’t-ibang grupo na ngayon ay inaatake sila. Mabuti na lamang at walang cyborg silang nakakasalubong dahil panigurado na mauubusan sila ng bala dahil ang weapon ng Da Silva brothers ay kailangan ng likidong muli na tila bala sa weapon na iyon. At sa mga sandaling ito ay paubos na ang likido sa loob ng weapon na iyon. Normal na baril na lamang ang kanilang hawak-hawak para panlaban. Naunang naglalakad si Bismuth na inaalalayan pa rin si Grey pero medyo umo-okay na rin ang lagay ni Grey kaya n
Third Person's POV Si Prince Timothy naman ay halos madehado sa pakikipaglaban dahil napuruhan siya ng cyborg sa kanyang hita. Bawat galaw niya ay ginagaya ng cyborg na ito hanggang sa atakihin pa siya ng isa pang cyborg. Natumba si Prince Timothy at nabitawan ang weapon na hawak niya. Sasaksakin sana siya ng cyborg mula sa likod nang agapan ni King Arthur. Ipinangharang nito ang metal na kamay sa kamay ng cyborg na nagtransform na espada. Hindi naman iyon inaasahan ng cyborg dahil ang pokus niya ay si Prince Timothy at nakatuon ang system na ginagaya niya ay si Prince Timothy kaya’t umikot ang mata niya para baliktarin ang gagayahin niya. Ngunit umiikot pa lang ang mata nito nang tusukin ni King Arthur ang dalawang mata ng cyborg kaya’t wala itong nakuhang identity ni King Arthur. Hinintay pa ni King Arthur kung may bagong mata ba na papalit sa cyborg na ito ngunit lumipas ang isang minuto ay walang lumabas na pamalit sa mata nito. Tinadyakan naman siya ni King Arthur bago tuluyang