Home / Romance / The Chairwoman's Lover [Filipino] / Chapter 4: Conflicted Fates

Share

Chapter 4: Conflicted Fates

Author: MhissMaChy23
last update Huling Na-update: 2022-09-03 17:58:14

"I APOLOGIZE for Autumn's unruly behavior." Iyon ang paulit-ulit na sabi ng ama nina Autumn at Aurora sa matandang babae na kasama nila.

Tahimik na nakamasid si Kristopher habang abala ang asawa niyang si Aurora sa tabi ng ama nitong si Benedict. Batid niyang hindi iyon ang tamang oras upang manghimasok siya sa personal na problema ng mga ito. Subalit hindi rin maalis sa isip niya ang mariing pag-iwas sa kaniya ni Autumn.

"It's okay. Maybe she was just stunned by your news," sagot naman ng sa tingin niya'y ina ng isa pang lalaki na kasama nila.

Kung tama man ang pagkakatanda niya'y Elliot ang pangalan nito. Abala ito sa pag-alo sa ina at wala man ni isa sa kanila ang nagbalak na sumunod man lang kay Autumn. Hindi niya tuloy maiwasang mainis sa mga nangyayari kahit pa sa puntong iyo'y wala siyang karapatan na mag-alala man lang sa dalaga.

"Excuse me," pagputol niya sa mga ito. "I need to go to the restroom."

Sa isang iglap ay sandaling natuon ang atensyon ng lahat sa kaniya. Mabilis din siyang dinaluhan ni Aurora na hindi na bago para sa kaniya.

"Do you want me to accompany you?"

Umiling-iling na lamang siya bilang sagot dito. Isang halik sa pisngi ang iginawad sa kaniya ng asawa bago siya hinayaan na nitong makaalis doon. Binigyan muna niya ng makahulugang tingin ang lahat bago niya tuluyang nilisan ang mismong dining area.

May kalakihan ang restaurant na iyon. Maganda at detalyado ang disensyong panloob, halatang malaking halaga ang inilaan upang maitayo iyon. Kasalukuyan na niyang binabagtas ang daan patungo sa restroom kung hindi nga lang napukaw ang atensyon niya, mula sa nabasag na bagay. Hindi na niya dapat pagtutuunan iyon ng pansin, subalit may kung anong pakiramdam ang siyang nagtulak sa kaniya na usisain kung ano iyon.

Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at mabilis na niyang pinuntahan ang ingay na narinig. Awtomatikong nanlaki ang kaniyang mga mata at hindi siya halos makapaniwala sa kaniyang nasaksihan. Kitang-kita niya kung paano unti-unting hiniwa ni Autumn ang sarili nito na animo'y normal na bagay iyon para rito. Gustuhin man niyang lapitan ito'y tila nabato siya sa kaniyang kinatatayuan.

"Autumn…"

Tanging pangalan na lang ng dalaga ang nasambit niya. At nang mag-angat ito ng tingin sa kaniya'y mabilis na nanlaki ang mga mata nito. Animo'y isa siyang multo na bigla na lamang sumulpot doon. Mabilis din naman itong nag-iwas ng tingin sa kaniya at iyon na marahil ang nag-udyok sa kaniya na lapitan ito.

"Don't come near me!" pagbabanta nito sa kaniya kung kaya't kaagad din siyang natigilan.

Nakita niya kung paano nito binitawan ang hawak na patalim at saka mabilis na tinakpan ang sugatang hita. Pagkuwa'y tumayo na rin ito na parang walang nangyari. Bahagyang kumunot ang noo niya dahil doon.

"Pretend like you didn't see what you just witnessed."

Sa paraan kung paano sinabi iyon ni Autumn ay hindi isang pakiusap kundi isang utos. Mabilis na siyang tinalikuran nito at akmang aalis na, kung hindi niya lang hinawakan ang isang braso nito upang pigilan ang pag-alis nito.

"Autumn, sandali lang!"

Muli ay binalingan siya nito ng tingin sabay bawi sa braso nitong hawak niya. "Don't you ever touch me again or else—"

"—or else, what? Mawawala ka na lang ulit na parang bula, tulad ng ginawa mo noon?"

Diretso silang napatitig sa isa't isa habang dama na niya ang pagbigat ng kaniyang paghinga. Ilang taon na ang nakalilipas at iyon na marahil ang unang pagkakataon na nasilayan niya muli si Autumn. At wala siyang ibang nararamdaman sa mga oras na iyon kundi galit at matinding pagkadismaya.

"It's all in the past, Tupe. You need to move—"

"Tangina, Autumn! Paano ko magagawang umusad kung basta ka na lang nawala nang gano'n?" Sa mga oras na iyo'y gusto niyang sumbatan ang dalaga. Oo, mahigit limang taon na ang nakalilipas pero dahil sa mga nangyari ay daig pa niya ang nakulong sa nakaraan. "Gusto kitang sumbatan pero hindi ko magawa! Kasi alam ko sa sarili ko na wala akong karapatan na gawin 'yon. And that's bullshit!"

Kaagad na napalitan ng pagkabigla ang nagngangalit niyang emosyon nang padapuin ni Autumn ang palad nito sa kaniyang pisngi. Unti-unti niya itong nilingon subalit ang labis niyang ikinagulat ay ang kawalan nito ng emosyon sa mukha.

"Curse me all you want, I don't really care. You're married to my half sister and that's what you should be paying attention to—"

"Autumn!"

Sabay silang napatingin sa hindi kalayuan at mula roo'y nakatayo sina Aurora at Elliot. Sa hilatsa ng mga mukha nito'y nasisiguro niyang nakita ng mga ito ang ginawang pagsampal sa kaniya ni Autumn. Mabilis silang nilapitan ng dalawa, sa kaniya'y ang asawang si Aurora habang kay Autumn naman'y si Elliot.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong sa kaniya ni Aurora. Pagkuwa'y matalim nitong binalingan ng tingin si Autumn. "How dare you slap him! Sino ka ba sa inaakala mo?"

"That's enough, Aurora. Umuwi na lang ta—"

Lahat sila'y natigilan sa biglaang paghalakhak ni Autumn. Sinubukan pa nga siyang pakalmahin ni Elliot subalit tila wala rin iyong saysay. Naglakad ito palapit kay Aurora at bumulong ng kung ano. Naguguluhan man siya'y malinaw niyang nakita kung paano nanlaki ang mata ng asawa. Matapos iyo'y nauna nang umalis doon si Autumn habang tarantang sumunod sa kaniya si Elliot.

Maingat niyang sinuri si Aurora at batid niya ang panginginig ng buong katawan nito. Hindi niya tuloy maiwasang mapaisip — ano'ng sinabi ni Autumn dito?

"Aurora, umuwi na tayo."

Bagama't tila wala pa rin ito sa wisyo'y kusa naman itong nagpatianod sa kaniya. Minarapat niyang alalayan ito paalis doon, hanggang sa marating nila ang parking area ng restaurant na iyon. Maingat niyang pinapasok si Aurora sa loob ng kanilang sasakyan at saka niya tinungo ang driver's seat. Sinulyapan pa niya itong muli bago binuhay ang makina ng sasakyan, at magsimulang magmaneho pauwi.

Pasado alas onse na'ng gabi nang makauwi sila sa kanilang condo unit. Dire-diretsong naglakad si Aurora papasok doon habang siya'y tahimik pa rin na nakamasid. Natigilan lamang siya sa paglalakad nang bigla na lang siyang hinarap ng asawa at matalim na tiningnan.

"I bet you're happy to see her again. Tama ba 'ko?"

Matapos sabihin iyo'y bigla na lamang nagbagsakan ang mga luha sa mata nito. Bagay na lubos niyang ipinagtataka. Subalit dahil alam niyang tutungo na naman ang usaping iyon sa isang argumento kaya minabuti niyang lagpasan na lang si Aurora. Dire-diretso siyang nagtungo sa kaniyang kwarto habang tinatanggal ang kulay asul niyang kurbata.

"Huwag mo 'kong tinatalikuran kapag kinakausap kita!" Marahas siyang hiniklat nito paharap, dahilan para tuluyan nang maubos ang natitira niyang pasensya. Mariin niya itong tinitigan ngunit hindi ito nagpasindak doon. "The look on your eyes clearly states that you're still affected by her."

"Aurora, tumigil ka na." Napabuga siya ng malalim na hininga dahil alam niyang walang patutunguhan na maganda ang argumentong iyon. "Mabuti pang magpahinga ka na lang sa kwarto mo dahil pagod na rin ako."

Muli ay tumalikod na siya rito at nagsimulang hubarin ang suot na polo. Ngunit bago iyo'y akmang isasara na dapat niya ang pinto ng kaniyang kwarto, kung hindi lang iniharang ni Aurora ang sarili nito.

"Aurora, please—"

"You married me, Kristopher!" puno ng galit ang mga mata nitong nakadirekta sa kaniya. "Pero huwag mong ipamukha sa akin na napilitan ka lang sa kasal na ito. I mean, does this even make sense to you? Kasal tayo pero hindi tayo sa iisang kwarto natutulog!"

"Stop being delusional, Aurora!" Sa wakas ay nagawa na rin niyang ibulalas ang kinikimkim na pagkadismaya rito. "Huwag na nating ipilit pa ang alam nating hindi totoo. We both know the real reason behind this marriage. It was a mere responsibility for my own stupidity!"

Isang malakas na sampal ang iginawad sa kaniya ni Aurora, dahilan upang mariin siyang mapapikit. Sa tatlong taon ng pagsasama nila'y sinubukan naman niyang mahalin ito. Subalit sadyang hindi niya kayang linlangin ang sariling nararamdaman. Dahil ang totoo'y kinailangan lang niyang pakasalan si Aurora dahil sa isang gabi ng pagkakamali.

Oo, marahil ay isa siyang gago para paasahin ito sa wala. Pero bilang isang lalaki ay naniniwala siyang iyon ang dapat niyang gawin. Pinili niyang itali ang sarili sa isang huwad na relasyon, alang-alang sa puri ng babaeng nanatili sa tabi niya noong panahong nangungulila siya kay Autumn.

Sumumpa sila sa mata ng Diyos at mga tao, subalit kasal sila sa papel lamang. Nagpapakitang masaya sa harap ng iba ngunit sa loob ng apat na sulok ng condo unit na iyo'y may kaniya-kaniya silang buhay. Sa ganoong paraan umikot ang tatlong taon nilang pagsasama.

"Matatanggap ko kung ibang babae, Kristopher." Muli siyang napatingin kay Aurora at tulad kanina'y hindi pa rin maawat ang mga luha nito. "Pero bakit sa dinami-rami ng babae sa mundo, si Autumn pa? Bakit 'yung kapatid ko pa sa—"

"Alam mo ang nakaraan ko, Aurora. Alam mo kung ano si Autumn sa buhay ko at kung paano ako nasira nang dahil sa pag-alis niya." Tinalikuran na niya ito at saka humugot ng malalim na hininga. "Ikaw ang hindi naging totoo sa ating dalawa, buhat nang inilihim mo ang tunay niyong koneksyon sa isa't isa."

Isasara na niya dapat ang kaniyang pinto nang magsalita pa itong muli. "Kahit minsan ba, hindi mo 'ko nagawang mahalin?"

"I tried, Aurora. But I just can't fool myself anymore…"

Kaugnay na kabanata

  • The Chairwoman's Lover [Filipino]   Chapter 1: Blood, Sweat and Tears

    "MISS Davis, hindi po talaga kayo p'wedeng pu—"Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Autumn sa mga personal bodyguards ng kaniyang ama na si Benedict. Iyon ay dahil sa mariin na pagharang ng mga ito sa kaniya para makapasok sa opisina ng ama."You'll let me in or I'll make a scene here?" May halong pagbabanta na ang kaniyang tono ngunit tila hindi man lang natinag ang mga lalaki. Isang bagay na mas lalong nagpaigting ng kaniyang inis."Pasensya na po ma'am. Mahigpit na bilin ni Mr. Davis na—""Let her through," ani isang malalim na boses hindi kalayuan. Sabay-sabay silang napalingon sa direksyon nito at mula roo'y tumambad sa kanila si Elliot. Nakapamulsa ito habang naglalakad papalapit sa kanila.Parang mga asong sumunod ang mga bodyguards na animo'y mas takot pa ang mga ito sa binata kaysa sa kaniya — siya na anak mismo ng kanilang amo. Mas dumoble ang pagkulo ng kaniyang dugo nang bahagyang yumuko ang mga ito kay Elliot."I have an appointment with Mr. Davis today," muli nitong

    Huling Na-update : 2022-09-03
  • The Chairwoman's Lover [Filipino]   Chapter 2: The Uninvited Guests

    "CONFIRMED! Businessman nga ang daddy mo."Pinandilatan ng tingin ni Autumn ang kaibigan na si Shantal dahil sa patutsada nito. Kasalukuyan silang nasa loob ng kaniyang opisina; siya'y abala sa mga trabahong kailangan niyang tapusin habang ito'y prente lamang na nakaupo sa pulang leather sofa na naroon."I'm not in the mood, Shan. Hindi pa ako moved on sa financial report na natuklasan ko kanina—""Isa pa 'yan! Gaano katagal na bang sinusuportahan ng daddy mo ang business ng kapatid—I mean, ni Aurora?"Tuluyan nang nawala sa kaniyang konsentrasyon si Autumn. Marahan niyang ibinaba ang gamit na fountain pen sa kaniyang mesa at saka sumandal sa inuupuang swivel chair. She's aware that forging financial documents is a piece of cake for her father. Especially when no one dares to question how he runs the whole company. But does that mean the whole board of directors were on his side as well? "Oh, natahimik ka riyan? You find it suspicious too, right?" Umiling-iling siya sa naging tanong

    Huling Na-update : 2022-09-03
  • The Chairwoman's Lover [Filipino]   Chapter 3: A Broken Red String

    "GUSTO kita, Autumn…"Natigilan si Autumn sa ginagawa niyang pagpunas ng mesa at kaagad na nilingon ang binatang si Kristopher. Nangungusap ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Maingay ang paligid dahil huling gabi iyon ng school fair nila, subalit tila tumigil ang lahat para sa kanilang dalawa.Mabuti na nga lang at sila na lang dalawa ang naiwan doon para mag-ayos ng kanilang pop-up snack bar. Ang iba kasi nilang kaklase ay nauna na sa center park para sa fireworks display, bilang hudyat ng pagtatapos ng kanilang taunang event na iyon."Don't joke around, Tupe. Hindi nakakatu—""Bakit ba sa tuwing pipiliin kong magseryoso, iniisip mong nagbibiro ako?" Hindi na ito nakapagpigil pa at kaagad na siyang nilapitan. Maingat nitong inabot ang isa niyang kamay habang nakatitig pa rin sa kaniyang mga mata. "Alam kong hindi ka pa handang makipagrelasyon. Pero hindi ko na kasi alam ang gagawin ko kapag hindi ko pa sinabi sa 'yo ang nararamdaman ko."Nagsimula na siyang makaramdam ng kakai

    Huling Na-update : 2022-09-03

Pinakabagong kabanata

  • The Chairwoman's Lover [Filipino]   Chapter 4: Conflicted Fates

    "I APOLOGIZE for Autumn's unruly behavior." Iyon ang paulit-ulit na sabi ng ama nina Autumn at Aurora sa matandang babae na kasama nila.Tahimik na nakamasid si Kristopher habang abala ang asawa niyang si Aurora sa tabi ng ama nitong si Benedict. Batid niyang hindi iyon ang tamang oras upang manghimasok siya sa personal na problema ng mga ito. Subalit hindi rin maalis sa isip niya ang mariing pag-iwas sa kaniya ni Autumn."It's okay. Maybe she was just stunned by your news," sagot naman ng sa tingin niya'y ina ng isa pang lalaki na kasama nila.Kung tama man ang pagkakatanda niya'y Elliot ang pangalan nito. Abala ito sa pag-alo sa ina at wala man ni isa sa kanila ang nagbalak na sumunod man lang kay Autumn. Hindi niya tuloy maiwasang mainis sa mga nangyayari kahit pa sa puntong iyo'y wala siyang karapatan na mag-alala man lang sa dalaga."Excuse me," pagputol niya sa mga ito. "I need to go to the restroom."Sa isang iglap ay sandaling natuon ang atensyon ng lahat sa kaniya. Mabilis di

  • The Chairwoman's Lover [Filipino]   Chapter 3: A Broken Red String

    "GUSTO kita, Autumn…"Natigilan si Autumn sa ginagawa niyang pagpunas ng mesa at kaagad na nilingon ang binatang si Kristopher. Nangungusap ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Maingay ang paligid dahil huling gabi iyon ng school fair nila, subalit tila tumigil ang lahat para sa kanilang dalawa.Mabuti na nga lang at sila na lang dalawa ang naiwan doon para mag-ayos ng kanilang pop-up snack bar. Ang iba kasi nilang kaklase ay nauna na sa center park para sa fireworks display, bilang hudyat ng pagtatapos ng kanilang taunang event na iyon."Don't joke around, Tupe. Hindi nakakatu—""Bakit ba sa tuwing pipiliin kong magseryoso, iniisip mong nagbibiro ako?" Hindi na ito nakapagpigil pa at kaagad na siyang nilapitan. Maingat nitong inabot ang isa niyang kamay habang nakatitig pa rin sa kaniyang mga mata. "Alam kong hindi ka pa handang makipagrelasyon. Pero hindi ko na kasi alam ang gagawin ko kapag hindi ko pa sinabi sa 'yo ang nararamdaman ko."Nagsimula na siyang makaramdam ng kakai

  • The Chairwoman's Lover [Filipino]   Chapter 2: The Uninvited Guests

    "CONFIRMED! Businessman nga ang daddy mo."Pinandilatan ng tingin ni Autumn ang kaibigan na si Shantal dahil sa patutsada nito. Kasalukuyan silang nasa loob ng kaniyang opisina; siya'y abala sa mga trabahong kailangan niyang tapusin habang ito'y prente lamang na nakaupo sa pulang leather sofa na naroon."I'm not in the mood, Shan. Hindi pa ako moved on sa financial report na natuklasan ko kanina—""Isa pa 'yan! Gaano katagal na bang sinusuportahan ng daddy mo ang business ng kapatid—I mean, ni Aurora?"Tuluyan nang nawala sa kaniyang konsentrasyon si Autumn. Marahan niyang ibinaba ang gamit na fountain pen sa kaniyang mesa at saka sumandal sa inuupuang swivel chair. She's aware that forging financial documents is a piece of cake for her father. Especially when no one dares to question how he runs the whole company. But does that mean the whole board of directors were on his side as well? "Oh, natahimik ka riyan? You find it suspicious too, right?" Umiling-iling siya sa naging tanong

  • The Chairwoman's Lover [Filipino]   Chapter 1: Blood, Sweat and Tears

    "MISS Davis, hindi po talaga kayo p'wedeng pu—"Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Autumn sa mga personal bodyguards ng kaniyang ama na si Benedict. Iyon ay dahil sa mariin na pagharang ng mga ito sa kaniya para makapasok sa opisina ng ama."You'll let me in or I'll make a scene here?" May halong pagbabanta na ang kaniyang tono ngunit tila hindi man lang natinag ang mga lalaki. Isang bagay na mas lalong nagpaigting ng kaniyang inis."Pasensya na po ma'am. Mahigpit na bilin ni Mr. Davis na—""Let her through," ani isang malalim na boses hindi kalayuan. Sabay-sabay silang napalingon sa direksyon nito at mula roo'y tumambad sa kanila si Elliot. Nakapamulsa ito habang naglalakad papalapit sa kanila.Parang mga asong sumunod ang mga bodyguards na animo'y mas takot pa ang mga ito sa binata kaysa sa kaniya — siya na anak mismo ng kanilang amo. Mas dumoble ang pagkulo ng kaniyang dugo nang bahagyang yumuko ang mga ito kay Elliot."I have an appointment with Mr. Davis today," muli nitong

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status