“Anak, ano na namang kalokohan ‘yang niluluto mo?” Nagtataka na tanong ni Mommy ng makita nito na suot ko ang lumang damit ni lolo Elias, ang ama ng aking ina. “Okay ba, Mom?” Nakangiti kong tanong sabay kindat.“Kung ang inaatupag mo ay ang pag-aasawa baka matuw pa ako sa pagmumukha mo.” Nang hahaba ang nguso ng aking ina habang sinasabi ito, kaya napakamot na lang ako sa aking ulo. “Don’t worry, Mom, pagkatapos kong masolve ang problema sa isang branch ng school ko ay sunod kong aasikasuhin ang kasal namin ni Cathy.” Malambing kong sabi sabay halik sa matambôk na pisngi ng aking ina. “Isang taon na lang at wala ka na sa kalendaryo anak. Ang mga kapatid mo ay may kanya-kanya ng pamilya, pero ikaw? Hanggang ngayon ay nandito pa rin sa Mansion. Tsk, go and marry, Iho, dahil napapagod na ako ng kakapaalala sayo.” Nakasimangot na turan ng aking ina. Natatawa na lang ako habang sinusundan ng tingin si mommy na ngayon ay papasok sa loob ng kusina.Kakaiba talaga ang ina kong ito. Ang i
“Natigil sa pagtipâ ang aking mga kamay mula sa keyboard ng laptop nang makatanggap ako ng isang mensahe mula sa isang unknown number. “Hi Sir, how’s your day? Kumain ka na?” “Who are you?” “It’s me, your beautiful student, Aubrey.” Umangat ang kaliwang kilay ko, ngunit kusang lumitaw ang ngiti sa aking mga labi ng mabasa ko ang mensahe nito. Pakiramdam ko tuloy ay bumalik ako sa pagiging teenager ko. “Hi, how are you? Nagawa mo na ba ang mga homework mo?” Taliwas ang sagot ko sa naging tanong nito at habang tinatype ko ito ay hindi ko maiwasang kiligin, na hindi naman dapat. “Yup! Tapos na po, bigla ka kasing pumasok sa isip ko…” “Damn! ang babaeng ito di yata’t magaling magpakilig! Oh come on, Xion, don’t tell me pati ang batang ‘yan ay papatulan mo?” Pang-uusig ko sa aking sarili. Hindi ko na replyan ang makulit na batang ito, bagkus ay itinuon ko na lang ang aking atensyon sa mga files na nakalatag sa aking lamesa. Ngunit minuto lang ang lumipas ay bigla
Matapos suklayin ang maikli niyang buhok ay matiǐm na pinasadahan ng tingin ang kanyang ayos mula sa standing mirror na nasa kanyang harapan. Muli na naman niyang sinuklay ang buhok, bago maayos na itinupi ang mahabang manggas ng kanyang suot na kulay pink na polo. Kinikilig na muling pinasadahan ng tingin ang kanyang kabuuan at matamis na ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi. Pakiramdam ni Xion ay para siyang teenager na aattend sa kanyang unang date. Kaya naman hindi na siya mapakali. Maaga siyang umuwi upang paghandaan ang pagkikita nila ng kanyang estudyante. “Estudyante?” Isang salita na bigla na lang lumitaw sa kanyang isipan. Dahilan kung bakit tila nagising siya mula sa malalim na pagkakatulog. Nabura ang ngiti sa kanyang mga labi at naging seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nakalimutan kasi niya na useless nga pala ang paghahanda na kanyang ginagawa dahil matatakpan lang ito ng kanyang peluka at makapal na salamin sa mata. Labag sa kanyang kalooban na hinuba
“Sir, wala ka bang balak na mag-asawa?” Out of nowhere na tanong ni Aubrey habang nagbabasa ng libro. Mahina lang ang kanyang boses, sapat lang upang marinig ng kanyang professor na nasa kanyang likuran. Magkatalikuran sila ng upo at kapwa busy sa pagbabasa ng libro. “Why did you ask me about that?” Balik tanong ni Mr. Paaldon. “How old are you now, Sir?” Instead of answering his question ay sinagot din niya ito ng tanong. “Why you asking?” Again, question. At this time Aubrey feel irritate na pakiramdam niya ay walang magandang patutunguhan ang kanilang pag-uusap. Ito ang nagtulak kay Aubrey para tapusin na ang paligoy-ligoy na usapan. “I think, I like you.” Buong tapang na inamin ito ni Aubrey dahilan kung bakit natigil sa ere ang sanay pagbuklat ni Mr. Paaldon sa isang pahina ng libro. Sandali siyang natahimik dahil sa labis na pagkabigla. Talagang hindi niya inaasahan ang pagiging prangka ng kanyang estudyante. “Why did I feel this? This is not true… pero bakit
Malungkot na sinundan ko ng tingin ang ilang mga estudyante na naglalakad palabas ng University. Matamlay ang araw ko ngayon dahil hindi pumasok si Mr. Paaldon. Sa totoo lang nitong mga nakalipas na araw ay nawala na sa isip ko ang tungkol sa pustahan naming magkaibigan. Sa katunayan nga niyan ay pinaplano ko na kausapin ang mga kaibigan ko na itigil na ang pustahan na ‘to. Marahil ay mauunawaan naman nila siguro ang nararamdaman ko. Sinulyapan ko ang aking relong pambisig at mas lalo yata akong nakaramdam ng lungkot ng makita ko na alas syete na ng gabi. Binago kasi ang schedule para sa last subject namin, kaya inabot na kami ng gabi. Plano ko sanang dumaan sa bahay ni Mr. Paaldon, upang kumustahin ito. Pero nagdadalawang isip ako, dahil aware naman ako na hindi maganda sa isang babae ang pumupunta sa bahay ng isang lalaki. Nang napansin ko na ako na lang ang tao dito ay mabigat ang mga hakbang na tinungo ang kinapaparadahan ng motor ko. Ngunit, natigilan ako dahil sa isang ani
Napaka tahimik ng buong dining room, walang ibang maririnig kundi puro kalampag ng mga kubyertos sa aming mga pinggan.Ngunit kahit walang imikan na nangyayari sa pagitan namin ng aking madrasta ay ramdam ko ang bawat pag-irap ng mga mata nito sa akin. Maging ang pailalim na tingin sa akin ni ate Felly. Si Papâ naman ay tahimik na nagbabasa ng news paper.Habang ako dito sa kabilang panig ng lamesa ay walang pakialam na patuloy lang na kumakain. Masyadong maganda ang araw ko ngayon at hindi ko hahayaan na masira ito ng mga taong toxic sa buhay ko. “Good morning! What a great day…” si Paloma na biglang pumasok sa pintuan ng dining room.“Good morning, Dad.” Bati nito sa aming ama at mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko na humalik siya sa pisngi ni Papâ. Mukhang maganda ang gising ng kapatid kong ito, at isang himala dahil maaga siyang bumangon ngayon. “Mukhang maganda yata ang gising ng anak ko.” Malambing na pahayag ng madrasta ko habang nakapaskil ang matamis na ngiti sa mga labi
Lumalim ang gatla sa noo ni Xion ng pumasok ang pinakahuling estudyante sa kanyang classroom. “What happened to her?” Nagtataka na tanong niya sa kanyang isipan. Miua sa nakabukas na pintuan ay lumipat ang kaniyang tingin sa mga kaibigan ni Aubrey. Pero, maging ang mga ito ay mukhang nagtataka rin sa hindi pagpasok ng kanilang kaibigan.Buong maghapon ay naging matamlay ang araw ni Xion at halos oras-oras na lang ay tumitingin siya sa bakanteng upuan ni Aubrey. “Okay class, dismiss…” pagkatapos sabihin ‘yun ay nagpakawala siya ng isang mabigat na buntong hininga. Kaagad niyang inayos ang kanyang mga gamit bago lumabas ng classroom. Isang araw pa lang niyang hindi nakita ang dalaga ay tila nasisiraan na siya ng bait.Sa bawat kanto ng classroom kung saan magawi ang kanyang mga mata ay ang nakangiting mukha ni Aubrey ang kanyang nakikita. Dahilan kung bakit mas lalo lang siyang naging frustrated.“Ngayon, nasa loob ako ng aking sasakyan at kasalukuyang tinatanaw ang isang malaking b
“Good morning Sir.” Masayang bati ni Aubrey sabay kindat, Pasimple namang kinagat ni Mr. Paaldon ang kanyang ibabang labi upang pigilan ang pagsilay ng isang ngiti sa kanyang mga labi. Ni hindi na nga niya magawang tumugon sa kanyang estudyante dahil kasalukuyang siyang kinikilig. At ngayong kumpleto na ang lahat ng kanyang mga estudyante ay inihanda na niya ang sarili upang simulan ng magturo. Mula sa tabi ni Aubrey ay nakahalata ang dalawa niyang kaibigan sa kakaibang awra nilang dalawa ni Mr. Paaldon. Maging ang simpleng pasulyap nila sa isa’t-isa ay hindi rin nakaligtas sa matalas na panangin nina Betty at Terry. Pagkatapos magpalipat-lipat ang tingin nila sa mukha ng dalawa ay saka naman magtitinginan sa mukha ng isa’t-isa na wari mo ay iisa ang itinatakbo ng kanilang mga isip. “T-Teka, bakit ganyan kayo makatingin sa akin?” Alanganin na tanong ni Aubrey habang patuloy na umaatras ang kanyang mga paa. Patuloy naman sa pag-abante sina Terry at Betty na ang mga mata ay nakatit
Ako po ay labis na nagpapasalamat sa mga readers na siamahan ako hanggang sa huling yugto ng “The CEO’s Sudden Child” MARAMING 3x SALAMAT PO!!! Sana ay makasama ko kayong muli sa mga susunod ko pang kwento. Lubos akong humihingi ng paumanhin kung hindi ko man naabot ang mataas na expectation n’yo, dahil ito lang ang nakayanan ko. Nasa ibaba po ang susunod na kwento na aabangan ninyo araw-araw. Please follow my page para laging updated sa mga bagong kwento na maibabahagi ko sa inyong lahat. SALAMAT PO! TITLE: His Love from 15th Century BLURB: “You killed me!” - Morzana "I had to do that because I love you, and I can't bear to lose you." - Damian Isang buhay ng pananakop sa tunay na pag-ibig, Kailangang mamatay ng isa alang-alang sa kanilang pag-ibig. Libu-libong taon na ang lumipas, at dumating na ang panahon. Isang makapangyarihang espiritu ng diyosa ang nakulong sa sirkulasyon ng muling pagsilang. Hanggang sa magising siya sa marupok na katawan ng isang piping mor
“Mom, kailangan mong sumamâ sa akin, nakita ko si Daddy may kasamang ibang babae.” Napatayo ng wala sa oras si Lexie ng marinig ang sinabi ng kanyang anak na Xion. “Anong sabi mo!? Ang matandang ‘yun! Sinasabi ko na nga ba at may kinalolokohang babae ang ama mong ‘yan! Hindi na nahiya!” Nanggagalaiti na sabi ni Lexie, naninikip na ang kanyang dibdib. Parang gusto na niyang maglupasay sa sahig at humagulgol ng iyak. Lihim na napalunok ng sarili niyang laway si Xion ng makita ang reaksyon ng kanyang ina. Gumuhit ang matinding pagsisisǐ sa kanyang mukha na para bang gusto na niyang bawiin ang kanyang sinabi.Nagtakâ si Xion ng umalis sa kanyang harapan ang ina, hindi para sumamâ kundi para pumanhik sa hagdan at pumasok sa loob ng silid nilang mag-asawa. “Mom! We need to hurry!” Pigil niya sa kanyang ina pero hindi ito nakinig bagkus ay diretso ito ng pasok sa loob ng silid. Ilang segundo pa ang lumipas ay lumabas ang kanyang ina subalit may dala na itong shotgun.“Patay…” usal ni Xio
Halos hindi na maipinta ang mga mukha nila Aubrey, Vernice, Miles, Maurine, Alesha at Yashveer, Alesha at Samara habang nagpapaligsahan sa pagpapakawala ng marahas na buntong hininga.Sa kabilang bahagi namang ng mahabang lamesa ay maganda ang ngiti ni Misaki. Habang sa tabi niya ay si Song-I na seryosong nakatingin sa pawisang baso na may lamang malamig na pineapple juice. Nandito na naman sila para pag-usapan ang mga kaganapan tungkol sa kanilang mga plano, at iyon ay alamin kung ano ang pinagkakaabalahan ng kanilang mga asawa. “Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Lahat ginawa ko na, pero hindi ko pa rin magawang mapaamin ang asawa ko.” Problemadong saad ni Yashveer.Habang si Samara ay inaalala ang namagitan sa kanila ni Winter.NAKARAAN…“Mabigat ang mga hakbang ng mga paa ni Winter, habang nagpapakawala ng marahas na buntong hininga. Niluwagan niya ang kanyang kurbata upang makahinga ng maluwag. Pakiramdam kasi niya ay nasasakal na siya. Makikita din ang matinding pagod s
“Tsuk!” Mabilis na napaatras ng isang hakbang pabalik sa labas ng pintuan si Xaven. Napalunok pa siya ng wala sa oras ng makita ang isang patalim sa hamba ng pintuan. Sa bilis ng mga pangyayari ay tanging ang impak na lang ng hangin ang naramdaman ni Xaven. Napako ang mga mata niya sa kutsilyo na hinagis ng kanyang asawa. Halos gahibla na lang kasi ang layo nito sa kanyang mukha at medyo malalim din ang pagkakabaôn nito.“Sweetheart?” Kinakabahan na sambit ni Xaven, habang nakatitig sa mukha ni Song-I. Ang mga mata nito ay matalim na nakatitig sa kanya, para bang gusto na siyang balatan nito ng buhay. ““bam 12si 30bun, neoui haengdong-i uisimseuleobso. wonlaeneun ileoji anh-assneunde, beolsseo saheuljjae neujge deul-eoogo issso. naleul eotteohge saeng-gaghao? naega gamanhi anj-aseo gidaligil balao? dangsin hago sip-eun daelo hage dugil balao?”wae nalbogo i gyeolhonsaenghwal-e jichyeossdago malhaji anhso?dangsin-eun tteonado johso, animyeon naega dangsin salm-eseo nagagil balaneun
“Sweetie, bakit gising ka pa? 12:30 na ng madaling araw ah?” Kunot ang noo na tanong ni Storm habang hinuhubad ang kanyang black suit. Mabilis na umalis mula sa pagkakasandal sa headboard si Misaki. Ipinatong sa ibabaw ng side table ang hawak na cellphone at nakangiti na lumapit sa kanyang asawa. Tnulungan niya itong maghubad. “Hinihintay talaga kita, Sweetie, hindi kasi ako makatulog.” Naglalambing na sagot ni Misaki, sabay yakap sa baywang ng kanyang asawa. Naipikit pa nga niya ang mga mata ng maramdaman ang init na nagmumula sa katawan nito. Ngunit ang kanyang ilong ay abala sa simpleng pagsinghot sa bawat parte ng katawan ng kanyang asawa. “Una, ayon sa kaibigan ko, natuklasan niya na may babae ang kanyang asawa ng maamoy niya ang pabango ng ibang babae na dumikit sa damit ng kanyang asawa.” Naalala pa ni Misaki ang sinabi ni Maurine, kaya eto siya ngayon parang aso na walang tigil na inaamoy ang katawan ni Storm. Kapag alam niyang may nalampasan ang kanyang ilong ay talagang b
“Huh? Anong problema mo? Bakit nakasimangot ka?” Nagtataka na tanong ni Yashveer kay Alesha, kararating lang nito. Umupo siya sa kabilang panig ng lamesa ng hindi inaalis ang tingin sa mukha ni Alesha. Nanatiling tulala si Alesha mula sa salaming pader na kung saan ay makikita mo dito ang magandang tanawin mula sa labas ng hotel. Nasa huling palapag sila ng gusali na matatagpuan dito sa Makati. Isa ito sa pag-aari ng pamilyang Hilton. “I was confused, why did my husband suddenly change? After he proposed to me ay bigla na lang siyang naging malamig. So sad, pero pakiramdam ko ay parang may kulang sa akin.” Pagkatapos na magsalita ay nagpakawala pa siya ng isang problemado na buntong hininga. Sa itsura niyang ito ay parang pasân na niya ang mundo. Isang buwan na ang lumipas simula ng makabalik silang mag-asawa nang bansa. Itinalaga nilang presidente ng Draconis ang kaibigan niyang si Feliña, habang siya naman ang tumatayong CEO. Ipinagkatiwala niya sa kaibigan ang pamamalakad
Ako po ay labis na humihingi ng malawak na pang-unawa kung bakit paisa-isa na lang ang update ng “The CEO’s Sudden Childs” dahil pinaghahandaan ko ang susunod na story ko, since na ilang chapter na lang ang kailangan bago matapos ang TCSC. Nasa ibaba po ang susunod na kwento na aabangan ninyo araw-araw. Please follow my page para laging updated sa mga bagong kwento na maibabahagi ko sa inyong lahat. SALAMAT PO! TITLE: His Love from 15th Century BLURB: “You killed me!” - Morzana "I had to do that because I love you, and I can't bear to lose you." - Damian Isang buhay ng pananakop sa tunay na pag-ibig, Kailangang mamatay ng isa alang-alang sa kanilang pag-ibig. Libu-libong taon na ang lumipas, at dumating na ang panahon. Isang makapangyarihang espiritu ng diyosa ang nakulong sa sirkulasyon ng muling pagsilang. Hanggang sa magising siya sa marupok na katawan ng isang piping mortal na babae, walang kapangyarihan, ngunit hinihimok ng nagniningas na pagnanasang maghigant
““Si haces lo que quiero, te prometo un alto puesto. Ya me conoces, con la amplitud de mi influencia, todo lo que parece imposible se convierte en posible para mí.” (Kapag nagawa mo ang gusto ko ay pinapangako ko sayo ang mataas na posisyon. You know me, sa lawak ng impluwensya ko ang lahat ng hindi imposible ay nagiging posible sa akin.) Si Señôr Steiñar, sabay hithit sa kanyang matabang tobacco.“No te preocupes, yo me encargo. Tengo el control del ejército. Mientras esté en el cargo, todos tus negocios estarán a salvo.” (Huwag kang mag-alala ako ang bahala, nasa akin ang kontrol ng militar. Hangga’t nasa posisyon ako ay mananatiling ligtas ang lahat ng mga negosyo mo.) Kumpiyansa sa sarili na sagot naman ni Major. Kasalukuyang nag-iinuman pa ang mga ito habang nakapaskil ang ngiting tagumpay sa kanilang bibig. Ito ang isa sa mga video na nagleak mula sa mga ebidensya na gagamitin sa matanda. Walang ibang laman ang lahat ng tv network sa buong Espña kundi ang mga video tungkol sa
(Sagitsit ng sasakyan…) Mula sa harap ng kumpanya na pag-aari ni Señor Steiñar, ang lahat ng tao sa paligid ay nagambala, dahil sa biglaang pagdating ng limang sasakyan. Halos sabay sila na napalingon sa mga bagong dating na sasakyan. Napako ang tingin ng lahat sa isang mamahalin at itim na kotse na napapagitnaanan ng apat pang sasakyan. Isang malaking katanungan ang naglalaro sa kanilang isipan kung sino ang taong sakay nito. Bumaba ang may nasa labing anim na kalalakihan na pawang mga nakasuot ng black suit. Sa kanang tenga ng mga ito ay isang black earphone. Pawang mga seryoso ang ekspresyon ng kanilang mga mukha, na kung titingnan mo ay wari moy mga galit. Pinalibutan nila ang nasa gitnang sasakyan, kay higpit ng seguridad para sa taong lulan nito. Ilang sandali pa, bumukas ang pinto. Tumapak sa sementadong lapag ang isang makintab at itim na patilus na sapatos. Hanggang sa tuluyan ng bumaba ng sasakyan si Storm, madilim ang awra nito. Ang ekspresyon ng kanyang mukha a