“Bakit may mga pulis, iha? Ano ang ginawa nila rito?” tanong ni Nanay sa akin. Hindi ko alam na nagising na pala siya at lumabas na ng kwarto.
“Kumain muna tayo ‘nay alam kong gutom na rin kayo,” saad ko sa kaniya at inakay siya papuntang mesa. Naroon na rin ang aking mga kapatid naghihintay sa amin.
“’Nay!” tawag ni Patpat na kasalukuyang sinusubuan ni Mikaela. Napailing na lamang si Nanay sa kaniya.
“Patpat kailangan mo nang matutong kumain ng mag-isa. Mikaela turuan mo ang kapatid mo huwag mong baby-hin malaki na iyan.Balang-araw ay tayo na lang dalawa rito sa bahay dahil ang mga ate ay pupuntang Maynila, kaya dapat ay matuto ka na,” pangaral ng aking ina kay Patpat.
Bigla naman akong nalungkot dahil sa sinabi niya. Puwede naman kasing doon na kami tumira sa Maynila para sama-sama kami.
“’Nay bata pa po si Patpat, apat na taong gulang palang siya,” mahinahong saad ko sa kaniya.
“Iyon na nga eh, noong bata pa kayo edad na tatlong tao
Hello! Kung nagustuhan niyo po ang kabanatang ito o ang storyang ito, maari po ba kayong maglagay ng gems or review sa aking istorya? Sobrang ma-a-appreciate ko po iyon. Maraming salamat!
Scarlet’s POVKinabukasan ay agad kong sinamahan si Nanay sa himpilan ng mga pulis upang sadyain ang litrato na sinasabi ko sa kaniya. Maaga pa lang ay agad kaming pumunta roon. Hindi rin naman kalayuan ang headquarters kaya agad kaming nakapunta roon.Hanggang ngayon wala pa akong balita kay Gio. Hindi ko pa siya nakakausap. Hindi rin naman siya tumatawag sa akin simula ng huling pag-uusap naming noong nakaraang araw.“Magandang umaga po,” bati naming sa isang pulis na nasa labas.“Magandang umaga rin ano pong maitutulong ko sa inyo?” tanong ng pulis sa amin.“Gusto lang po naming makausap si Mr. Nuevas iyong nag-aasikaso ng kaso ng tatay ko,” saad ko sa kaniya.“Ah, si Mr. Nuevas ba? Nasa loob po, teka pasok po muna tayo tatawagin ko na rin si Mr. Nuevas. Umupo na rin kayo roon habang naghihintay kayo,” ani nito at agad na pumasok sa loob.“Maraming salamat, sir,” wik
“Isang eroplano ang nag-crash sa silangang bahagi ng Pilipinas.Marami ang nasawi sa naturang plane crash, ang iba ay sugatan at ang iba ang hindi pa nahahanap, isa na nga roong ang isang sikat tycoon business man na si Giovanni Berkshire–” Agad na pinatay ni Aira ang T.V. sa harap namin. Kakarating lang nila galing Manila kasama niya si Tom.Nang malaman nila ang nangyari kay Gio ay agad silang lumuwas sa Maynila para puntahan ako.“Okay ka lang ba, BFF?” nag-aalang tanong ni Aira.Walang imik ko siyang tiningnan sa totoo lang, hindi. Sino ba naman ang taong magiging okay ang pakiramdam kung ang mahal niya sa buhay ay nawawala?“Huwag kang mag-alala makikita rin si Gio, masamang damo kaya iyon,” saad niya sa akin.Napatango na lang ako sa kaniya at napabuntong hininga.Tiningnan ko naman ang litrato naming dalawa sa aking wallpaper. Sana ay okay lang siya. Huwag na sana niya akong iwan dahil hindi ko kakayanin.
Kanina pa ako nagtataka sa aking kasintahan dahil kanina pa ito sobrang balisa. Tila malalim ang kaniyang iniisip. Paulit-ulit kong tinatawag ang kaniyang pangalan ngunit hindi man lang ito natitinag.“Is there something wrong? Kanina ka pa tulala,” saad ko kay kaya napalingon siya. Kaagad siyang umiwas ng tingin sa akin at napabuntong hininga.“Wala ito,” saad niya sa akin.“Puwede bang sabihin mo sa akin? Hindi ba nangako kang magiging open na sa akin lalo na sa problema at nararamdaman mo?” tanong ko sa kaniya.“Iniisip ko lang iyong nangyari sa akin kahapon. Hindi ko akalaing masasagip pa ako, marami na akong kasalanan sa’yo pati na sa Diyos ngunit binigyan pa rin niya ako ng pagkakataon para mabuhay at para makasama ka.”Napangiti ako sa kaniyang sinabi. Totoo, napakabuti ng panginoon.“Malakas ka kasi kay Lord. Hindi ka niya papabayaan na kahit ano man ang kasalanan mo ay ilil
SCARLET’s POVAgad kaming pumunta sa presinto para makausap ang taong nakakita sa babaeng kausap ni tatay matapos siyang atakihin sa puso. Kasama ko sina Aira, Tom at Gio. Nagpaiwan naman si nanay at aking kapatid sa bahay.Medyo kinakabahan ako, sana ay malutas na agad itong kaso namin. Ilang minuto lamang ang nakalipas nang makapunta kami sa presinto.“Huwag kang kabahan, narito lang kami,” saad ni Aira sa akin. Magkahawak ang aming kamay habang bumabyahe.“Salamat, Aira,” saad ko sa kaniya.Bumaba kami sa kotse at agad na pumasok sa loob. Mabuti na lamang at nakita agad namin si Mr. Nuevas na nakaupo sa kaniyang desk. Nang makita niya kami ay agad siyang tumayo kasama ang ang babaeng hindi pamilyar sa akin. Napaka-sophisticated ng kaniyang postura halatang mayaman ang babaeng ito.“Ms. Hart Mabuti ay pumunta kayo rito kaagad paalis na sana itong si Ms. eh. Ano nga ulit ang pangalan niyo?” tanong n
Scarlet’s POVNasa kama lang ako at nakaupo, iniisip kung ano ang koneksiyon ni Gio sa babaeng nasa litrato. Medyo familiar ang hubog ng kaniyang katawan ngunit nakatalikod kasi ito kaya hindi ko talaga siya makilala.Katok na marahan ang pumukaw sa aking pag-iisip. Hinihintay ko sana kung may sasabihin siya ngunit kumatok lamang ulit ito.“Pasok,” saad ko sa taong kumatok. Agad na nagbukas ang pintuan ng aking kwarto at nakita kong si Gio pala iyon. Kinunotan ko siya ng noo nang tumingin ito sa akin. Pinapakita ko talagang inis ako sa kaniya.“Anong ginagawa mo rito?” malamig na tanong ko sa kaniya. Napatikhim siya at umupo sa akin tabi. Wala akong pakialam kung tumabi pa siya sa akin bastang inis talaga ako sa kaniya.“Puwede ba tayong mag-usap?” tanong niya sa akin.“Nag-uusap na tayo, hindi ba?” tanong ko sa kaniya. Ilang minuto lang ang nakalipas na ni isa sa amin ang hindi nagsalita
Gio’s POVHabang naghahanda ang nanay ni Scarlet ay naupo muna kami sa sala habang nagkukwentohan. Magkatabing naupo sila Aira at Tom sa harap ni Scarlet. Ako naman ay naupo na rin sa tabi ni Scarlet.“Kanina pa niya ako hindi pinapansin ah. Ano kaya problem anito sakin?” sambit ko sa aking sarili habang ako ay papaupo sa kanyang tabi.Malamang sa malamang dahil sa napagusapan namin kanina .“Heto magmerienda na muna kayo” pag – aaya sa amin ng nanay ni Scarlet.“Maraming salamat po Nana,” pasasasalamat ni Scarlet.“Maraning salamat po” sabay – sabay naming sambit nila Tom. Tumango naman siya at nakangiti kaming iniwanan sa sala. Si Tom naman ay parang gutom na batang kumakain na akala mo ay mauubusan ng pagkain.“magdahan – dahan ka nga sa pagkain mo!” pagpapaalala ni Aira sa kanya. “Gutom ako love eh. At saka ang sarap ng
GIO’s POVNang makauwi kami ni Scarlet sa kanilang bahay ay agad ko siyang pinasan papuntang kwarto niya. Tulog na sina nanay at kaniyang mga kapatid. Sama-sama kasi silang matulog sa kwarto ng nanay at tatay.Hindi nga alam ni nanay na pumunta si Scarlet sa bar, mabuti na lang ay maaga silang nagsitulog. Sinakto rin ni Scarlet na wala ako kaya hindi ko namalayang umalis pala siya para uminom. Napailing na lamang ako. Sina Lily, Tom at Aira ay nasa isang kwarto, roon sa kwarto ng kapatid ni Scarlet. Dalawa naman ang kama roon magkakasya naman sila.Amoy na amoy ko ang alak sa kaniyang bibig kaya parang nalalasing na rin ako. Bakit kasi nagpakalasing siya? Hindi ba niya alam na bawal siyang uminom kapag wala ako? Mabuti na lamang at naabutan ko iyong kanina baka kung ano pa ang gawin ng lalaking iyon sa kaniya. Nakakainis man ngunit kailangan kong kumalma. Alam kong may kasalanan ako ngunit hindi naman siguro sapat na magpakalasing siya because of that. I h
GIO’s POVHindi ko alam kung okay na nga ba kami ni Scarlet or not. Nang matapos siyang kumain kanina ay agad siyang lumabas sa kaniyang kwarto. Sinabi niya lang na maghuhugas siya muna ng pinagkainan niya at maghahanda ng almusal. Napatango na lang ako sa kaniyang sinabi, hinayaan ko na muna siya mapag-isa. Maybe she needs time at ibibigay ko iyon sa kaniya.Nasa sofa lamang ako nakaupo at tinitingnan lang siya. Napakingiti ako nang makita siyang naghahanda ng pagkain sa mesa. Para bang na-i-imagine ko na mag-asawa na kami at hinahandaan niya ako ng almusal ngayong umaga. She really is a material girl. Nasa kaniya na ang lahat.“Bro,” mahinang tawag sa akin ni Tom, napalingon naman ako sa kaniya, nag-i-inat pa ito ng kaniyang kamay, halatang kagigising pa lang.“Bakit?” tanong ko sa kaniya. Napanguso siya kay Scarlet na nakatalikod na sa amin.“Okay na kayo?” bulong niya sa akin.“Hindi ko nga
Gio Tapik na mahina ang pumukaw sa akin kaya napalingon ako sa aking likuran. “Darating din iyon, bro. Huwag kang mag-alala, hindi ka no’n tatakasan,” natatawang saad ni Tom sa akin habang karga-karga ang kaniyang cute na cute na anak. Ganito pala ang feeling ng ikakasal na, sobrang nakakaba na natatae ako. Tangina mixed emotions. Kasalukuyan kaming nasa altar at hinihintay ang aking mapapangasawa. “Tangina kasi, namimiss ko na siya, gusto ko na siyang makita. Ilang araw ko nang hindi nakikita ang asawa ko, miss na miss ko na siya,” saad ko sa kaniya na ikinatawa niya. “Relax, bro. Darating din iyon!” pangungumbinsi ni Tom sa akin. Lahat ay narito na maliban na lang sa aking mapapangasawa. Mayamaya ay napatayo ako ng tuwid dahil unti-unting binuksan ang pintuan ng simbahan at iniluwa noon ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Ang aking mapapangasawang si Scarlet Hart Berkshire. “Damn! Bakit ang ganda niya
Scarlet Mabilis na na-discharge si Gio sa hospital. Kunti lang naman ang tama niya sa katawan, ang isa tagiliran at ang isa naman ay braso. Labis akong nagpapasalamat sa Diyos dahil hindi niya ako binigo. Hindi niya kinuha ang aking mahal sa akin. Napangiti ako nang may pumulupot na braso sa aking beywang. Kasalukuyan kaming nasa terrace ng kaniyang condo. Bumalik na kasi ako sa condo niya dahil nga ako ang nag-aalaga sa kaniya. “Ano ang iniisip mo, honey?” tanong niya sa akin habang nakasiksik ang kaniyang mukha sa aking leeg at hinahalik-halikan iyon ng marahan. Medyo nakikiliti ako pero okay lang naman. “Naiisip ko lang ang lahat ng paghihirap nating dalawa noon. Simula noong magkakilala tayo hanggang ngayon, marami tayong pinagdaanan na trials ngunit heto tayo magkasama pa ring dalawa,” saad ko. “Alam mo, kahit ano man ang pagsubok na dumating sa atin, tayo at tayo lang naman ang magkakatuluyan, honey kasi we belong to ea
Scarlet Labis ang pagbuhos ng aking luha nang makita kong natamaan ng bala si Gio. Panay tibok ng aking puso dahil sa sakit at takot na nararamdaman ko. ‘OH, GOD! HUWAG NIYO PONG KUNIN SA AKIN SI GIO’ “G-Gio, huwag mo akong iwan! Huwag kang pipikit,” saad ko sa kaniya habang hawak-hawak ang kaniyang dalawang pisngi. Namumungay ang kaniyang mga mata, halos puno ng dugo ang kaniyang pisngi dahil sa mga kamay kong may dugo dahil sa balang tumama sa kaniya. “HUWAG NIYO AKONG HAWAKAN! PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!” rinig kong sigaw ni Leila. Hindi ko na lang ito pinansin dahil tanging kay Gio lamang ako naka-focus. Dahan-dahan niyang hinawakan ang aking pisngi at ngumiti ng marahan. “You’re… safe… at… last,” saad niya sa akin. Tumulo ang kaniyang luha sa kaniyang pisngi. Napaaray naman siya at napahawak sa kaniyang tagiliran. Rinig ko ang ambulansiyang sa labas kaya kumalma na ang aking pakiramdam. “Oo, pero you’re not
GIO Wala kaming sinayang na oras, mabilis kong kinontak ang aking mga tauhan para papuntahin sa location ni Leila. Mabilis ko naman silang sinabihan sa plano namin. Sila na ang bahala sa mga tauhan ni Leila at kami naman ni Tom kay Leila. “Mag-iingat kayo roon, kung kailangan niyo ng tulong tawagan niyo lang kami ni Lily,” seryosong saad ni Aira sa amin habang nagsusuot kami ng bulletproof. “Mag-iingat ako para sa’yo at para sa baby natin, babe. Huwag kang mag-alala uuwi ako ng walang galos, promise!” saad ni Tom sa kaniya t mabilis niyang hinalikan sa noo ang kaniyang kasintahan na si Aira. “Mag-iingat ka rin, Gio. May tiwala ako sa iyo,” saad ni Lily sa akin. “Salamat. Para sa ating kalayaan at kay Scarlet.” Napangiti nama nito at napatango. Matapos kaming naghanda ay agad na kaming nagpaalam sa dalawa. Namimilit pa nga itong gustong sumama ngunit hindi namin pinayagan dahil delikado. Kasalukuyan kaming nasa ko
GIOMABILIS akong umalis sa club para maabutan sina Scarlet. Mabilis akong sumakay sa aking kotse at bumyahe papuntang Siargao. Kanina pa tawag ng tawag sa akin si Leila ngunit hindi ko man lang ito pinansin. Wala akong pakialam kung ano na naman ang problema niya, gawin niya lahat ng gusto niya para sa kasal pero hindi ako sisipot. Baliw siya.Pilit kong tinatawaga ang cellphone ni Scarlet ngunit nakapatay ito. Nawalan na ako ng pag-asang makontak siya kaya tinigil ko na lang. Makikita ko naman siya sa Siargao nasisiguro ko iyon. Kailangan kong magpaliwanag sa kaniya kung alam ko lang na dadating siya ay inabangan ko na lang sana siya sa labas ng club para makaiwas sa mga babae sa loob. Damn!I will never cheat on her. Iyan na siguro ang pinaka imposible kong gagawin, takot ko na lamang sa kaniya na baka iwan niya ulit ako. Ayaw ko nang mangyari iyong nakaraan, baka hindi ko kayanin. Wala akong sinayang na oras at mabilis din ang pagkakat
I immediately went to Royal Night Club, marami pa rin ang mga taong nagsisipasukan sa loob, mga mayayamang businessman at businesswoman. Nang makapasok ako ay agad na hinanap ng aking mga mata ang kaibigang si Tom ngunit hindi ko siya mahanap. Lumapit ako sa bartender, kilala ko na rin kasi ito.“Long time no see, boss! Matagal na kitang hindi nakita rito ah, miss ka ng grupo!” saad niya sa akin nang makita ako. Isa rin kasi siya sa stripper dito, minsan bartender at minsan din naman ay stripper. Kailangan niyang kumayod dahil may sakit ang kaniyang ina, pareho kami ng sitwasyon ngunit magkaiba nga lang ng status sa buhay.“Medyo naging busy eh, ikaw? Ang nanay mo? Kumusta?” tanong ko sa kaniya.“Mabuti na ang lagay ng nanay, mga ilang buwan daw ay makakalabas na siya sabi ng doctor. Maraming salamat pala boss sa pagdo-donate ah, malaking tulong iyon sa akin,” ngiti niyang saad na ikinatango ko na lamang.“Mabuti
ILANG araw na ang nakalipas simula noong nagkahiwalay kami ni Scarlet. Hindi ko na rin siya ma-contact pati sina Aira at Tom. Tanging kay Lily lamang ako nakikibalita. Sabi niya, hindi raw niya nakikita na si Scarlet sa condo at wala na raw tao roon. Sina Aira at Tom naman ay palaging busy, hindi ko na rin sya naabutan sa kompaniya. Alam kong iniiwasan ako nito at alam ko naman ang dahilan. Kasalukuyan akong nasa office ko at tinitingnan ang mga ebedinsiyang gagamitin ko sa korte laban kay Leila. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko nasa harap ko na ang lahat kulang na lamang ang presensiya ko sa police station ngunit hindi ko magawang ilakad ang aking mga paa roon dahil natatakot ako na hindi na naman ako papaniwalaan ng pulis. I never trust police officers. Natatandaan ko noon nung nagsumbong ako sa mga pulis, I was 18 years old that time. Na-realize ko noon na mali ang ginagawa sa akin ni Leila at hindi ko na iyon masikmura. I really have to do something para ma
GIOLABIS akong nasaktan nang makita ko si Scarlet na umiiyak habang akay-akay ni Aira. Masakit para sa akin na makita niya ang ginawa ko kanina, I have no choice kung hindi ko sinunod si Leila , magagalit siya baka masaktan pa niya ang aking kasintahan. I was so mad at the same time scared dahil wala man lang kaming kalaban-laban sa mga tauhan ni Leila. Mas maigi na itong malayo ako sa kanila dahil mas ligtas sila kapag kasama nila ako.Yakap-yakap ni Leila ang aking braso ngunit wala akong pakialam sa kaniya. Nandidiri ako sa kaniya sobra gusto ko siyang itulak pero hindi puwede. Isang kanti ko lang sa kaniya ay gagawa na naman ito ng masama at kababalaghan sa mga mahal ko sa buhay.“Don’t worry, Gio. Bukas na bukas ay ikakasal na tayo, akin ka na at wala nang makakaagaw sa iyo. Wala na si Scarlet dahil iniwan ka na niya,” saad niya sa akin. Mas lalong uminit ang aking ulo dahil sa sinabi niya. Para bang bumalik ako sa nakara
Scarlet POVKasalukuyan kaming nasa park at hinihintay si Leila. Hindi ako mapakali dahil ang tagal niyang dumating. Kanina pa kaming alas nuebe rito ngunit wala pa rin siya, mag-aalas dyes na.“Pupunta pa ba ang mga kumuha kay Patpat, anak?” naiiyak na tanong ni nanay sa akin.“Opo, alam kong pupunta iyon, tiwala lang po, nanay,” saad ko sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay. Ang totoo, kanina pa ako kinakabahan dahil hanggang ngayon hindi pa nag-re-reply si Leila. Iniisip kong baka nagbago ang kaniyang isip o kung ano man. Tadtad na siya ng text ko, imposibleng hindi niya mabasa iyon. Napatingin ako sa kamay naming ni Gio na magkahawak. Mayamaya lamang ay maghihiwalay na kaming dalawa at hindi ko alam kung kakayanin ko bang mawalay sa kaniya. Subalit tatatagan ko ang aking loob para sa kapakanan ng aking kapatid na si Patpat. Alam kong hindi papayagan ng Diyos na maghihiwalay kaming dalawa, may tiwala akong gagawa siya ng paraan par