Hanggang sa nakapasok kaming lahat sa yate para bumalik sa resort ay hindi ko pinansin si Gio. Naiinis naman ako dahil imbis na tumabi ito sa akin ay bigla namang pumagitna si Anne sa amin.
Nananadya na talaga ito, pero pinipigilan ko lang.
“Kung sa akin ginawa ‘yan, nako! Kanina pa siya nakahalik sa sahig,” bulong na saad ni Aira sa akin. Inismiran ko na lamang siya.
“Tumahimik ka,” mataray kong saad sa kaniya.
“Ikaw naman, Scarlet. Nadiligan ka lang ang maldita mo na––Aray!”
Kinurot ko kasi ang kaniyang tagiliran. ‘Yan ang nararapat sa mga madadaldal, kinukurot sa tagiliran.
“Tumahimik ka nga,” saad ko sa kaniya. Napadila naman ito sa akin.
Wala na ni isa sa amin ang umimik. Nang makabalik kami sa resort ay agad akong bumaba at dali-daling pumunta sa resthhouse. Pumasok ako sa aking kwarto at napahiga. Hindi ko inaasahang gaganituhin ako ni Gio. Matapos nang nan
Kasalukuyan kaming nasa hapagkainan, nakaupo sa tabi ko si Gio at kalong-kalong nito si Patpat. Tuwang-tuwa naman ang aking kapatid sa kaniya.Si tatay at nanay naman ay masusing tiningnan si Gio. Tila ba sinusuri nito ang pagkatao niya."Kailan pa naging kayo ng anak ko?" tanong ni tatay sa kaniya."Tay! Hindi po kami ni Sir Gio. Boss ko po siya sa trabaho," kinakabahan kong wika kay tatay. Kasi naman pumunta pa talaga siya rito."Tumahimik ka, Scarlet. Hindi kita kinakausap," seryosong saad ni tatay sa akin kaya napatikom nalang ako ng bibig. Sinamaan ko ng tingin si Gio ngunit chill lamang ito. Aba, hindi ata siya kinakabahan."Matagal na po, I'm sorry po kung hindi nasabi sa inyo ni Scarlet ang lahat. Pasensiya na rin po dahil hindi ako nakapagpaalam sa inyo na liligawan ko po siya." Kita ko ang pagka-sincere ng kaniyang mukha, seryoso nga talaga
Kasalukuyan kaming kumakain ng aming hapunan."Pagpasensiyahan mo na ang ulam natin, iho. Alam kong hindi ka sanay sa ulam namin pero wala na kasi kaming mahanap na karne ngayon, bibihira lang kasing may maglako rito sa aming baranggay," wika ng aking nanay.Tuyo, sardinas at pritong talong kasi ang aming ulam ngayon. Hindi ko alam kung bakit ganito ang ulam namin. Mayro'n naman kasing nakatagong karne, isda, alimango, hipon, manok, longganisa at tocino sa refrigerator. Naando'n nga lang iyon sa tindahan.Napapakunot ang aking noo pero nang makita ko ang ngisi ni tatay sa kaniya ay alam ko na kung bakit. Ito na siguro ang trial ng panliligaw ni Gio sa akin. Si tatay talaga. Natatawa nalang ako sa kaniya."O-okay lang naman po. Hindi naman ho ako mapili sa kakainin," saad ni Gio sa kanila. Natuwa naman si Nanay pati na rin ang aking ama."Oh siya, kum
Nang makapasok kami sa loob ng kwarto ay namamangha naman siyang nakatingin sa dingding. Puno kasi iyong ng mga medalya na nakuha ko simula noong Grade 1 hanggang nasa kolehiyo ako."Wow, ang dami mo palang medals," manghang saad niya sa akin. Napangiti ako sa sinabi niya."Yup, simula Grade 1 'yan hanggang nasa kolehiyo na.""Nice ang talino naman pala ng honey ko," saad niya. Naramdaman kong yumakap ito sa akin. Napayakap na rin ako sa kaniya."I miss you," saad niya."I miss you, too." Napangiti siya ng matamis sa akin at halatang namumula ang kaniyang tainga."Hm, nakapasok ka na sa kwarto ko, you can sleep na po outside. Alam kong lasing ka," saad ko sa kaniya ngunit umiling lamang ito."I want to stay here," malambing niyang wika."Hindi puwede, baka makita ka nila Nanay
Matapos niyang magsibak ng kahoy ay umigib kami ng tubig. Ako ang tiga-bumba at siya naman ang tiga-buhat ng balde.Nang matatapos na kami ay agad kong binuhat ang isang maliit na balde."Ako na, honey. Huwag ka nang magbuhat," ani ni Gio sa akin, ngunit nagmatigas ako."Ako na kaya ko namang buhatin eh, maliit lamang ito," saad ko sa kaniya."Hindi—" Hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin nang nabitawan ko ang aking balde at nadulas. Napahiyaw ako sa kaba at takot.Handa na sana akong maramdaman ang sakit sa pagkakadulas pero imbis na sa semento ako bumagsak ay matitipunong bisig ang naramdaman. Ang kaniyang kamay ay nasa aking beywang mahigpit itong nakayakap.Biglang tumibok ng mabilis ang aking puso dahil sa lapit ng aming mukha sa isa't-isa. Nakatitig ito sa akin at ako nama'y napapanganga dahil sa gulat.
Nang matapos kaming kumain ay napagpasyahan naming mamasyal sa tabing dagat. Malapit lang naman kasi ang dagat sa aming bahay. Habang naglalakad kami ay panay silip ng ibang babae sa amin, hindi pala–sa kaniya lang pala. Napasimangot agad ako. Kung pagdudukutin ko kaya ang mga mata nila ano?“Relax, honey. Alam ko ang nasa isip mo,” natatawa niyang saad sa akin at hinapit ang aking beywang. Lahat ay napapasinghap sa aming tabi, ano kayo ngayon? Pagmamay-ari ko ito.“Naku! Sabi ko sa’yo eh, nobyo ‘yan ni Scarlet!” rinig kong saad ng isa.“Sus! Una lang iyan, magbre-break din sila, mga ganiyang lalaki ay hindi tayo niyan seseryosuhin dahil taga probinsya tayo!” Napangiwi ako nang marinig iyon.“Don’t mind them, hindi kita iiwan. Seryoso ako sa’yo kaya nga pumunta ako rito,” saad ni Gio sa akin.“Tanga! Tingnan mo ngang pumunta pa rito para lang ma-meet ang pamilya ni
“’Nay, pupunta po sana kami sa parke, kami po ay magbabayle. Puwede po ba?” paalam ko kay Nanay.“Walang problema, iha. Basta’t mag-ingat lang kayo.” Napangiti ako kay Gio at na “yes” at napa-appear naman kami sa isa’t-isa ng palihim.Mahigpit din kasi si nanay sa mga ganiyang bagay lalo na kapag ganitong may ganap na bayle sa parke. Baka raw kasi ay mapahamak kami, mag-aalala lang siya. Himala nga at pumayag siya.“Buti naman at pumayag si nanay,” saad ko sa kaniya.“Eh, syempre. Gwapo ang nobyo mo,” sagot niya at napabelat siya sa akin.“Aba! Ang hangin ah!” wika ko sa kaniya.“Totoo naman, halika nab aka nag-start na iyong party, este bayle.” Hinila niya ako paalis.“’Nay alis na po kami!” sigaw niyang saad kay nanay.“Sige, mag-iingat kayo!”“Opo, ‘nay!” sigaw kong saad
Nang makauwi kami sa bahay ay halatang tulog na ang mga tao roon. Sarado na ang tindahan ni nanay at ang mga ilaw sa loob ng bahay. Dahan-dahan kaming pumasok sa bahay para hindi kami makaisturbo kila nanay.Nang malaya kaming makapasok at walang ingay na na nilikha ay napahangos kami ng maluwag. Medyo lasing na ang aking kasama kaya pasuray-suray na itong naglakad papuntang kwarto ko. Bigla ko naman siyang pinigilan.“Hindi ka riyan matutulog,” saad ko sa kaniya.“Gusto kong katabi kita, hindi naman ako makatulog sa sofa,” nakangusong saad niya sa akin. Napabuntong hininga ako. “Basta kapag madaling araw ay babangon ka na?” tanong ko sa kaniya.“Opo,” sagot niya.Sabay kaming pumasok sa aking kwarto. Nagpalit naman ako ng pampatulog, madilim naman kaya hindi na ako nailang na maghubad sa harap niya. Nang matapos akong magpalit ay agad na sumampa ako sa aking kama. Nakahiga na ito at titig na titig it
“’Nay at ‘tay, mauna na po kami,” saad ni Gio sa kanila at nagmano. Uuwi na kasi kami ng Maynila.“Sige, anak mag-iingat kayo sa pagmamaneho,” saad ni nanay kay Gio at Tom.“Tita, huwag kayong mag-alala, kami na po ang bahala kay Scarlet,” saad naman ni Aira sa kanila.“Maraming salamat, iha sa pasalubong mo. Sobrang natuwa kami lalo na’t si Patpat.” Bigla na lamang pumalahaw ng iyak si Patpat. Karga-karga ko kasi ito.“Ate, mimiss kita!” iyak na saad niya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.“Mamimiss din kita Patpat, huwag kang mag-alala babalik din si ate. Bibilhan ka ni ate ng napakaraming tsokolate pagbalik ko. Gusto mo ba iyon?” tanong ko sa kaniya. Tumango ito sa akin, halata ang pamumula at pamamaga ng kaniyang mga mata.“Opo,” saad niya.“Kaya huwag ka nang umiyak ha, tingnan mo si Tita Aira oh, nagiging monster na naman
Gio Tapik na mahina ang pumukaw sa akin kaya napalingon ako sa aking likuran. “Darating din iyon, bro. Huwag kang mag-alala, hindi ka no’n tatakasan,” natatawang saad ni Tom sa akin habang karga-karga ang kaniyang cute na cute na anak. Ganito pala ang feeling ng ikakasal na, sobrang nakakaba na natatae ako. Tangina mixed emotions. Kasalukuyan kaming nasa altar at hinihintay ang aking mapapangasawa. “Tangina kasi, namimiss ko na siya, gusto ko na siyang makita. Ilang araw ko nang hindi nakikita ang asawa ko, miss na miss ko na siya,” saad ko sa kaniya na ikinatawa niya. “Relax, bro. Darating din iyon!” pangungumbinsi ni Tom sa akin. Lahat ay narito na maliban na lang sa aking mapapangasawa. Mayamaya ay napatayo ako ng tuwid dahil unti-unting binuksan ang pintuan ng simbahan at iniluwa noon ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Ang aking mapapangasawang si Scarlet Hart Berkshire. “Damn! Bakit ang ganda niya
Scarlet Mabilis na na-discharge si Gio sa hospital. Kunti lang naman ang tama niya sa katawan, ang isa tagiliran at ang isa naman ay braso. Labis akong nagpapasalamat sa Diyos dahil hindi niya ako binigo. Hindi niya kinuha ang aking mahal sa akin. Napangiti ako nang may pumulupot na braso sa aking beywang. Kasalukuyan kaming nasa terrace ng kaniyang condo. Bumalik na kasi ako sa condo niya dahil nga ako ang nag-aalaga sa kaniya. “Ano ang iniisip mo, honey?” tanong niya sa akin habang nakasiksik ang kaniyang mukha sa aking leeg at hinahalik-halikan iyon ng marahan. Medyo nakikiliti ako pero okay lang naman. “Naiisip ko lang ang lahat ng paghihirap nating dalawa noon. Simula noong magkakilala tayo hanggang ngayon, marami tayong pinagdaanan na trials ngunit heto tayo magkasama pa ring dalawa,” saad ko. “Alam mo, kahit ano man ang pagsubok na dumating sa atin, tayo at tayo lang naman ang magkakatuluyan, honey kasi we belong to ea
Scarlet Labis ang pagbuhos ng aking luha nang makita kong natamaan ng bala si Gio. Panay tibok ng aking puso dahil sa sakit at takot na nararamdaman ko. ‘OH, GOD! HUWAG NIYO PONG KUNIN SA AKIN SI GIO’ “G-Gio, huwag mo akong iwan! Huwag kang pipikit,” saad ko sa kaniya habang hawak-hawak ang kaniyang dalawang pisngi. Namumungay ang kaniyang mga mata, halos puno ng dugo ang kaniyang pisngi dahil sa mga kamay kong may dugo dahil sa balang tumama sa kaniya. “HUWAG NIYO AKONG HAWAKAN! PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!” rinig kong sigaw ni Leila. Hindi ko na lang ito pinansin dahil tanging kay Gio lamang ako naka-focus. Dahan-dahan niyang hinawakan ang aking pisngi at ngumiti ng marahan. “You’re… safe… at… last,” saad niya sa akin. Tumulo ang kaniyang luha sa kaniyang pisngi. Napaaray naman siya at napahawak sa kaniyang tagiliran. Rinig ko ang ambulansiyang sa labas kaya kumalma na ang aking pakiramdam. “Oo, pero you’re not
GIO Wala kaming sinayang na oras, mabilis kong kinontak ang aking mga tauhan para papuntahin sa location ni Leila. Mabilis ko naman silang sinabihan sa plano namin. Sila na ang bahala sa mga tauhan ni Leila at kami naman ni Tom kay Leila. “Mag-iingat kayo roon, kung kailangan niyo ng tulong tawagan niyo lang kami ni Lily,” seryosong saad ni Aira sa amin habang nagsusuot kami ng bulletproof. “Mag-iingat ako para sa’yo at para sa baby natin, babe. Huwag kang mag-alala uuwi ako ng walang galos, promise!” saad ni Tom sa kaniya t mabilis niyang hinalikan sa noo ang kaniyang kasintahan na si Aira. “Mag-iingat ka rin, Gio. May tiwala ako sa iyo,” saad ni Lily sa akin. “Salamat. Para sa ating kalayaan at kay Scarlet.” Napangiti nama nito at napatango. Matapos kaming naghanda ay agad na kaming nagpaalam sa dalawa. Namimilit pa nga itong gustong sumama ngunit hindi namin pinayagan dahil delikado. Kasalukuyan kaming nasa ko
GIOMABILIS akong umalis sa club para maabutan sina Scarlet. Mabilis akong sumakay sa aking kotse at bumyahe papuntang Siargao. Kanina pa tawag ng tawag sa akin si Leila ngunit hindi ko man lang ito pinansin. Wala akong pakialam kung ano na naman ang problema niya, gawin niya lahat ng gusto niya para sa kasal pero hindi ako sisipot. Baliw siya.Pilit kong tinatawaga ang cellphone ni Scarlet ngunit nakapatay ito. Nawalan na ako ng pag-asang makontak siya kaya tinigil ko na lang. Makikita ko naman siya sa Siargao nasisiguro ko iyon. Kailangan kong magpaliwanag sa kaniya kung alam ko lang na dadating siya ay inabangan ko na lang sana siya sa labas ng club para makaiwas sa mga babae sa loob. Damn!I will never cheat on her. Iyan na siguro ang pinaka imposible kong gagawin, takot ko na lamang sa kaniya na baka iwan niya ulit ako. Ayaw ko nang mangyari iyong nakaraan, baka hindi ko kayanin. Wala akong sinayang na oras at mabilis din ang pagkakat
I immediately went to Royal Night Club, marami pa rin ang mga taong nagsisipasukan sa loob, mga mayayamang businessman at businesswoman. Nang makapasok ako ay agad na hinanap ng aking mga mata ang kaibigang si Tom ngunit hindi ko siya mahanap. Lumapit ako sa bartender, kilala ko na rin kasi ito.“Long time no see, boss! Matagal na kitang hindi nakita rito ah, miss ka ng grupo!” saad niya sa akin nang makita ako. Isa rin kasi siya sa stripper dito, minsan bartender at minsan din naman ay stripper. Kailangan niyang kumayod dahil may sakit ang kaniyang ina, pareho kami ng sitwasyon ngunit magkaiba nga lang ng status sa buhay.“Medyo naging busy eh, ikaw? Ang nanay mo? Kumusta?” tanong ko sa kaniya.“Mabuti na ang lagay ng nanay, mga ilang buwan daw ay makakalabas na siya sabi ng doctor. Maraming salamat pala boss sa pagdo-donate ah, malaking tulong iyon sa akin,” ngiti niyang saad na ikinatango ko na lamang.“Mabuti
ILANG araw na ang nakalipas simula noong nagkahiwalay kami ni Scarlet. Hindi ko na rin siya ma-contact pati sina Aira at Tom. Tanging kay Lily lamang ako nakikibalita. Sabi niya, hindi raw niya nakikita na si Scarlet sa condo at wala na raw tao roon. Sina Aira at Tom naman ay palaging busy, hindi ko na rin sya naabutan sa kompaniya. Alam kong iniiwasan ako nito at alam ko naman ang dahilan. Kasalukuyan akong nasa office ko at tinitingnan ang mga ebedinsiyang gagamitin ko sa korte laban kay Leila. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko nasa harap ko na ang lahat kulang na lamang ang presensiya ko sa police station ngunit hindi ko magawang ilakad ang aking mga paa roon dahil natatakot ako na hindi na naman ako papaniwalaan ng pulis. I never trust police officers. Natatandaan ko noon nung nagsumbong ako sa mga pulis, I was 18 years old that time. Na-realize ko noon na mali ang ginagawa sa akin ni Leila at hindi ko na iyon masikmura. I really have to do something para ma
GIOLABIS akong nasaktan nang makita ko si Scarlet na umiiyak habang akay-akay ni Aira. Masakit para sa akin na makita niya ang ginawa ko kanina, I have no choice kung hindi ko sinunod si Leila , magagalit siya baka masaktan pa niya ang aking kasintahan. I was so mad at the same time scared dahil wala man lang kaming kalaban-laban sa mga tauhan ni Leila. Mas maigi na itong malayo ako sa kanila dahil mas ligtas sila kapag kasama nila ako.Yakap-yakap ni Leila ang aking braso ngunit wala akong pakialam sa kaniya. Nandidiri ako sa kaniya sobra gusto ko siyang itulak pero hindi puwede. Isang kanti ko lang sa kaniya ay gagawa na naman ito ng masama at kababalaghan sa mga mahal ko sa buhay.“Don’t worry, Gio. Bukas na bukas ay ikakasal na tayo, akin ka na at wala nang makakaagaw sa iyo. Wala na si Scarlet dahil iniwan ka na niya,” saad niya sa akin. Mas lalong uminit ang aking ulo dahil sa sinabi niya. Para bang bumalik ako sa nakara
Scarlet POVKasalukuyan kaming nasa park at hinihintay si Leila. Hindi ako mapakali dahil ang tagal niyang dumating. Kanina pa kaming alas nuebe rito ngunit wala pa rin siya, mag-aalas dyes na.“Pupunta pa ba ang mga kumuha kay Patpat, anak?” naiiyak na tanong ni nanay sa akin.“Opo, alam kong pupunta iyon, tiwala lang po, nanay,” saad ko sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay. Ang totoo, kanina pa ako kinakabahan dahil hanggang ngayon hindi pa nag-re-reply si Leila. Iniisip kong baka nagbago ang kaniyang isip o kung ano man. Tadtad na siya ng text ko, imposibleng hindi niya mabasa iyon. Napatingin ako sa kamay naming ni Gio na magkahawak. Mayamaya lamang ay maghihiwalay na kaming dalawa at hindi ko alam kung kakayanin ko bang mawalay sa kaniya. Subalit tatatagan ko ang aking loob para sa kapakanan ng aking kapatid na si Patpat. Alam kong hindi papayagan ng Diyos na maghihiwalay kaming dalawa, may tiwala akong gagawa siya ng paraan par