Scarlet’s POV
KASALUKUYAN na kaming nasa byahe papuntang Maynila. Naging okay naman ang nangyari kagabi, maagang umuwi ang mag-asawang sina Nico at Sharmaine dahil bawal na rin sa buntis ang nasa labas paggabi, kami rin ni Aira at Lily ay nauna na rin. Hinayaan namin sina Gio at Tom doon na umiinom. Kunti lang naman ang natirang alak, uubusin daw nila iyon kasi sayang. Pinagalitan ko nga dahil mag-bya-byahe pa kami kinabukasan.
Mabuti na nga lang at smooth ang pagpapatakbo ng sasakyan. Nasa iisang kotse lang kami. Nasa harapan ang dalawang lalaki kami naman ay nasa backseat nila Aira at Lily.
“Okay lang ba kayo riyan?” tanong ni Tom sa amin.
“Oo naman, bakit?” tanong ni Aira sa kaniya.
“Wala lang para kasi kayong maruya riyan nagsisiksikan,” saad niya sa amin at tumawa.
“Tumahimik ka! Makakatikim ka talaga sa akin mamaya!” saad niya sa kaniyang fiance at umirap.
Sa totoo lang
Scarlet’s POV Naalimpungatan ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Tiningnan ko kung anong oras na, alas syete na pala ng umaga. Tulog na tulog pa ang aking kasama kaya naman ay napangiti ako. Pagod na pagod siguro ito dahil sa byahe kahapon tapos nagpipilit pa siyang magkuwentuhan kami kagabi. Napailing na lamang ako sa kakulitan niya. “Good morning, honey,” bulong ko sa kaniya at mabilis siyang hinalikan sa noo. Hindi naman ito nagising kaya lumabas na ako sa aking kwarto para paghandaan siya ng almusal. Sobrang namiss ko ito, iyong pinagsisilbihan siya tuwing umaga at magkasama kaming mag-aalmusal. Ang sarap lang sa feeling. Kasalukuyan akong nasa kitchen ng aking condo, nagluluto ng sinangag, hotdog, egg, tocino at ham. Mga simpleng pagkain lamang na madaling lutuin. Kailangan ko na rin kasing mag-double time dahil mayroon pa kaming trabaho mamayang 8:30. “Good morning, honey.” Naramdaman ko ang mainit at maingat na yakap
Scarlet’s POVTila ba naging isang bolang apoy ang galit ko sa nakikita ko ngayon.“ANONG NANGYAYARI RITO?” sigaw na tanong ko sa kanila.Kaagad namang napalingon ang dalawa. Kita ko ang takot na ekspresyon ng aking assistant. Nanlalaki ang kaniyang mga mata nang makita ko. Halata rito ang namamaga niyang mga mata dahil sa pag-iyak.“Ma’am Scarlet!” sigaw ni Ms. Tuazon sa akin at mabilis na lumapit sa akin.“Mabuti po nakauwi na kayo, I’m sorry po!” naiiyak na saad niya sa akin.“Gumilid ka muna, Ms. Tuazon,” saad ko sa kaniya at tiningnan ng seryoso ang babaeng nakaupo sa aking table.“Anong ginagawa mo rito?” galit na tanong ko sa kaniya.“Bakit? Masama bang bisitahin ang restaurant ng pamangkin ko? In the first place pera ko ito, pera ng kompaniya ko ang pinanggastos dito,” saad niya sa akin at ngumisi.“Hindi mo ito pagmam
Scarlet’s POVHalos naubos naming ang aming pagkain sa mesa. Nakakatuwa dahil sarap na sarap sila sa luto ko. Even Lily posted the foods sa social media niya. Hindi namin alam na sikat pala ito sa iba’t-ibang social media kagaya ng Itube. She’s a famous vlogger in America kaya pala minsan ay nakikita ko itong nag-sho-shoot mag-isa minsan naman ay kinukuhanan ang mga magagandang scenery. Mahigit limang milyon na ang followers niya roon and we are so amazed to her.Kasalukuyan kaming kumakain nang siniko ako ni Gio. Napalingon ako sa kaniya at napakunot ng noo.“Bakit?” tanong ko sa kaniya.“Anong nabalitaan ko kay Mr. John na may commotion daw na nangyari rito kanina?” tanong ni Gio sa akin na nagpalingon kina Aira, Lily at Tom.“A-ano? Ba-bakit niya nalaman?” tanong ko sa kaniya.“You don’t know? Pinapabantayan kita kay Mr. John since alam kong narito na si Leila sa Pilipinas,
Scarlet’s POVHindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi sa akin ni Lily. Hindi ko alam kung dapat baa ko kabahan o ano. Naalala ko kasi ang sinabi niyang maghihigante daw siya sa akin. Napapikit ako ng aking mata ng mariin. Iniisip ko ang kalagayan ng aking pamilya sa Siargao alam na kasi ni Leila kung sa’n kami nakatira hindi na sa kan’ya mahirap na hagilapin ang pamilya ko.“Okay ka lang ba, honey?” tanong ni Gio sa akin. Kasalukuyan kaming nasa office ko nakaupo sa maliit na sofa. Umalis na sina Lily, Tom at Aira kani-kanina lang. Ito namang isa ay nagpupumilit na hindi pumasok sa kompaniya niya. Palibhasa siya ang C.E.O. He can do whatever he wants kahit isang linggo pa siyang umabsent.“Yes, I’m okay,” saad ko sa kaniya at napabuntong hininga.“Para hindi ka naman ata okay. Tell me, what’s bothering you?” tanong niya sa akin.Napaiwas ako ng tingin at napayuko. Sasabihin ko ba?
Scarlet’s POVMABILIS kong tinawagan si nanay para kumbinsihin na dumito muna magbakasyon sa Maynila. Mas okay nang narito sila kaysa naman nasa nasa Siargao palagi ang isip ko. Hindi ako makapag-focus sa trabaho lalo na sa pag-ha-handle ng restaurant ko.Kaagad rin naming ni-report ang nangyari kanina, kasalukuyan pa nga ring kausap ni Gio ang mga pulis mayamaya lang ay pupunta na rin sila para tingnan ang C.C.T.V., nag-request din ako na sa pagsara na lamang ng aking restaurant tingnan nila ang footage. Malaking palaisipan din kasi kapag nakita ng mga costumers ko na may mga pulis na pumasok sa office ko.Ilang ring lamang ay agad na sinagot ni nanay ang aking tawag.“Hello, ‘nay?” bungad kong saad sa kabilang linya.“Oh, bakit ‘nak? Napatawag ka?” tanong niya sa akin.“Uhm, namimiss ko po kasi kayo,” saad ko sa kaniya.Napatingin ako kay Gio na nakatitig lamang sa akin. Ta
Scarlet’s POVLAST NIGHT was amazing. Sobrang nakakatuwa dahil marunong na nga talaga siyang magluto. His adobo was delicious and savory, mukhang matatalo na nga ata ako sa pagiging best cook. He really made sure na magugustuhan ko ang niluto niya at kinikilig ako dahil doon. He never fails to amaze and makes me happy.Napangiti ako habang naaalala ko ang nangyari kagabi. Sobrang saya naming na para bang ayaw ko nang matapos iyon. Sa kinatagal-tagal ng panahon ay naranasan ko rin ang isang dinner date at ang kasintahan ko pa ang nagluto. Palagi kasi ako ang nagluluto at hindi pinaglulutuan.“Ms. Scarlet, mukhang ang ganda ng ngiti niyo ngayon ah, ano pong mayro’n?” usisang tanong ni Marites este Diana.“Wala lang, bawal bang ngumiti?” natatawang tanong ko sa kaniya.“Hindi naman po, iba kasi ang ngiti mo ngayon kaysa noong nakaraang araw. Nadiligan ka po ba kagabi?” bulong niyang saad sa
Scarlet’s POV“Okay ka lang ba, honey? Sinaktan ka ba niya?” nag-aalalang tanong ni Gio sa akin.Napakunot ang aking noo dahil narito siya, wala akong sinasabi sa kaniya na pupunta ako sa presinto. Napalingon ako kay Mr. John na nakayuko.“Mr. John, sinabi mo sa kaniya?” tanong ko kay Mr. John.“Pasensiya na Ms. Scarlet, lahat kasi ng nangyayari ay sinasabi ko sa boss ko,” saad niya sa akin. Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi niya.“Anong nangyayari rito?” tanong ni Gio sa amin.“Gio! Thank God you are here! Iyan kasing si Scarlet, sasampahan daw ako ng kaso,” saad ni Leila na nagpakunot ng noo sa akin.“Honey, siya ang unang nagsampa ng kaso sa akin na wala namang katuturan,” saad ko sa kaniya.“Totoo namang ninakaw mo ang perang pinaggastos mo sa restaurant. That was mine! Pera ko iyon!” sigaw niya sa akin.“Aba’t
Ilang araw ang lumipas noong pumunta kami sa presinto. Hanggang ngayon ay hindi na nagpakita sa amin si Leila kahit hearing ay hindi man lang ito sumisipot. Kaya nangangamba ako baka nag-pla-plano na iyon kung paano siya makakahigante sa amin.Kanina rin ay dumating na sila Nanay at mga kapatid ko rito sa apartment ko. Tuwang-tuwa ako nang makita sila. Salamat naman at ligtas sila sa byahe, hanggang ngayon ay labis ang aking tuwa dahil kasama ko na sila. Hindi pa alam ni Gio na narito sila kaya kailangan ko pa siyang tawagan.Natutulog sila ngayon sa aking kwarto dahil sa pagod at puyat sa byahe. Kinuha ko ang aking telepono para tawagan ang aking fiancé na si Gio. Nasa sofa lamang ako at nanunuod ng T.V., hininaan ko muna ang iyon dahil nag-ri-ring na ang kaniyang telepono. Ilang ring lamang ay sinagot niya na ang kaniyang telepono.“Hello, honey? Is there something wrong?” tanong niya sa akin na may bahid na pag-alala.“Wala nam
Gio Tapik na mahina ang pumukaw sa akin kaya napalingon ako sa aking likuran. “Darating din iyon, bro. Huwag kang mag-alala, hindi ka no’n tatakasan,” natatawang saad ni Tom sa akin habang karga-karga ang kaniyang cute na cute na anak. Ganito pala ang feeling ng ikakasal na, sobrang nakakaba na natatae ako. Tangina mixed emotions. Kasalukuyan kaming nasa altar at hinihintay ang aking mapapangasawa. “Tangina kasi, namimiss ko na siya, gusto ko na siyang makita. Ilang araw ko nang hindi nakikita ang asawa ko, miss na miss ko na siya,” saad ko sa kaniya na ikinatawa niya. “Relax, bro. Darating din iyon!” pangungumbinsi ni Tom sa akin. Lahat ay narito na maliban na lang sa aking mapapangasawa. Mayamaya ay napatayo ako ng tuwid dahil unti-unting binuksan ang pintuan ng simbahan at iniluwa noon ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Ang aking mapapangasawang si Scarlet Hart Berkshire. “Damn! Bakit ang ganda niya
Scarlet Mabilis na na-discharge si Gio sa hospital. Kunti lang naman ang tama niya sa katawan, ang isa tagiliran at ang isa naman ay braso. Labis akong nagpapasalamat sa Diyos dahil hindi niya ako binigo. Hindi niya kinuha ang aking mahal sa akin. Napangiti ako nang may pumulupot na braso sa aking beywang. Kasalukuyan kaming nasa terrace ng kaniyang condo. Bumalik na kasi ako sa condo niya dahil nga ako ang nag-aalaga sa kaniya. “Ano ang iniisip mo, honey?” tanong niya sa akin habang nakasiksik ang kaniyang mukha sa aking leeg at hinahalik-halikan iyon ng marahan. Medyo nakikiliti ako pero okay lang naman. “Naiisip ko lang ang lahat ng paghihirap nating dalawa noon. Simula noong magkakilala tayo hanggang ngayon, marami tayong pinagdaanan na trials ngunit heto tayo magkasama pa ring dalawa,” saad ko. “Alam mo, kahit ano man ang pagsubok na dumating sa atin, tayo at tayo lang naman ang magkakatuluyan, honey kasi we belong to ea
Scarlet Labis ang pagbuhos ng aking luha nang makita kong natamaan ng bala si Gio. Panay tibok ng aking puso dahil sa sakit at takot na nararamdaman ko. ‘OH, GOD! HUWAG NIYO PONG KUNIN SA AKIN SI GIO’ “G-Gio, huwag mo akong iwan! Huwag kang pipikit,” saad ko sa kaniya habang hawak-hawak ang kaniyang dalawang pisngi. Namumungay ang kaniyang mga mata, halos puno ng dugo ang kaniyang pisngi dahil sa mga kamay kong may dugo dahil sa balang tumama sa kaniya. “HUWAG NIYO AKONG HAWAKAN! PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!” rinig kong sigaw ni Leila. Hindi ko na lang ito pinansin dahil tanging kay Gio lamang ako naka-focus. Dahan-dahan niyang hinawakan ang aking pisngi at ngumiti ng marahan. “You’re… safe… at… last,” saad niya sa akin. Tumulo ang kaniyang luha sa kaniyang pisngi. Napaaray naman siya at napahawak sa kaniyang tagiliran. Rinig ko ang ambulansiyang sa labas kaya kumalma na ang aking pakiramdam. “Oo, pero you’re not
GIO Wala kaming sinayang na oras, mabilis kong kinontak ang aking mga tauhan para papuntahin sa location ni Leila. Mabilis ko naman silang sinabihan sa plano namin. Sila na ang bahala sa mga tauhan ni Leila at kami naman ni Tom kay Leila. “Mag-iingat kayo roon, kung kailangan niyo ng tulong tawagan niyo lang kami ni Lily,” seryosong saad ni Aira sa amin habang nagsusuot kami ng bulletproof. “Mag-iingat ako para sa’yo at para sa baby natin, babe. Huwag kang mag-alala uuwi ako ng walang galos, promise!” saad ni Tom sa kaniya t mabilis niyang hinalikan sa noo ang kaniyang kasintahan na si Aira. “Mag-iingat ka rin, Gio. May tiwala ako sa iyo,” saad ni Lily sa akin. “Salamat. Para sa ating kalayaan at kay Scarlet.” Napangiti nama nito at napatango. Matapos kaming naghanda ay agad na kaming nagpaalam sa dalawa. Namimilit pa nga itong gustong sumama ngunit hindi namin pinayagan dahil delikado. Kasalukuyan kaming nasa ko
GIOMABILIS akong umalis sa club para maabutan sina Scarlet. Mabilis akong sumakay sa aking kotse at bumyahe papuntang Siargao. Kanina pa tawag ng tawag sa akin si Leila ngunit hindi ko man lang ito pinansin. Wala akong pakialam kung ano na naman ang problema niya, gawin niya lahat ng gusto niya para sa kasal pero hindi ako sisipot. Baliw siya.Pilit kong tinatawaga ang cellphone ni Scarlet ngunit nakapatay ito. Nawalan na ako ng pag-asang makontak siya kaya tinigil ko na lang. Makikita ko naman siya sa Siargao nasisiguro ko iyon. Kailangan kong magpaliwanag sa kaniya kung alam ko lang na dadating siya ay inabangan ko na lang sana siya sa labas ng club para makaiwas sa mga babae sa loob. Damn!I will never cheat on her. Iyan na siguro ang pinaka imposible kong gagawin, takot ko na lamang sa kaniya na baka iwan niya ulit ako. Ayaw ko nang mangyari iyong nakaraan, baka hindi ko kayanin. Wala akong sinayang na oras at mabilis din ang pagkakat
I immediately went to Royal Night Club, marami pa rin ang mga taong nagsisipasukan sa loob, mga mayayamang businessman at businesswoman. Nang makapasok ako ay agad na hinanap ng aking mga mata ang kaibigang si Tom ngunit hindi ko siya mahanap. Lumapit ako sa bartender, kilala ko na rin kasi ito.“Long time no see, boss! Matagal na kitang hindi nakita rito ah, miss ka ng grupo!” saad niya sa akin nang makita ako. Isa rin kasi siya sa stripper dito, minsan bartender at minsan din naman ay stripper. Kailangan niyang kumayod dahil may sakit ang kaniyang ina, pareho kami ng sitwasyon ngunit magkaiba nga lang ng status sa buhay.“Medyo naging busy eh, ikaw? Ang nanay mo? Kumusta?” tanong ko sa kaniya.“Mabuti na ang lagay ng nanay, mga ilang buwan daw ay makakalabas na siya sabi ng doctor. Maraming salamat pala boss sa pagdo-donate ah, malaking tulong iyon sa akin,” ngiti niyang saad na ikinatango ko na lamang.“Mabuti
ILANG araw na ang nakalipas simula noong nagkahiwalay kami ni Scarlet. Hindi ko na rin siya ma-contact pati sina Aira at Tom. Tanging kay Lily lamang ako nakikibalita. Sabi niya, hindi raw niya nakikita na si Scarlet sa condo at wala na raw tao roon. Sina Aira at Tom naman ay palaging busy, hindi ko na rin sya naabutan sa kompaniya. Alam kong iniiwasan ako nito at alam ko naman ang dahilan. Kasalukuyan akong nasa office ko at tinitingnan ang mga ebedinsiyang gagamitin ko sa korte laban kay Leila. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko nasa harap ko na ang lahat kulang na lamang ang presensiya ko sa police station ngunit hindi ko magawang ilakad ang aking mga paa roon dahil natatakot ako na hindi na naman ako papaniwalaan ng pulis. I never trust police officers. Natatandaan ko noon nung nagsumbong ako sa mga pulis, I was 18 years old that time. Na-realize ko noon na mali ang ginagawa sa akin ni Leila at hindi ko na iyon masikmura. I really have to do something para ma
GIOLABIS akong nasaktan nang makita ko si Scarlet na umiiyak habang akay-akay ni Aira. Masakit para sa akin na makita niya ang ginawa ko kanina, I have no choice kung hindi ko sinunod si Leila , magagalit siya baka masaktan pa niya ang aking kasintahan. I was so mad at the same time scared dahil wala man lang kaming kalaban-laban sa mga tauhan ni Leila. Mas maigi na itong malayo ako sa kanila dahil mas ligtas sila kapag kasama nila ako.Yakap-yakap ni Leila ang aking braso ngunit wala akong pakialam sa kaniya. Nandidiri ako sa kaniya sobra gusto ko siyang itulak pero hindi puwede. Isang kanti ko lang sa kaniya ay gagawa na naman ito ng masama at kababalaghan sa mga mahal ko sa buhay.“Don’t worry, Gio. Bukas na bukas ay ikakasal na tayo, akin ka na at wala nang makakaagaw sa iyo. Wala na si Scarlet dahil iniwan ka na niya,” saad niya sa akin. Mas lalong uminit ang aking ulo dahil sa sinabi niya. Para bang bumalik ako sa nakara
Scarlet POVKasalukuyan kaming nasa park at hinihintay si Leila. Hindi ako mapakali dahil ang tagal niyang dumating. Kanina pa kaming alas nuebe rito ngunit wala pa rin siya, mag-aalas dyes na.“Pupunta pa ba ang mga kumuha kay Patpat, anak?” naiiyak na tanong ni nanay sa akin.“Opo, alam kong pupunta iyon, tiwala lang po, nanay,” saad ko sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay. Ang totoo, kanina pa ako kinakabahan dahil hanggang ngayon hindi pa nag-re-reply si Leila. Iniisip kong baka nagbago ang kaniyang isip o kung ano man. Tadtad na siya ng text ko, imposibleng hindi niya mabasa iyon. Napatingin ako sa kamay naming ni Gio na magkahawak. Mayamaya lamang ay maghihiwalay na kaming dalawa at hindi ko alam kung kakayanin ko bang mawalay sa kaniya. Subalit tatatagan ko ang aking loob para sa kapakanan ng aking kapatid na si Patpat. Alam kong hindi papayagan ng Diyos na maghihiwalay kaming dalawa, may tiwala akong gagawa siya ng paraan par