Share

Chapter 19: Si Ate At Si Boss

“Miss Chen?”

“Sir?” umikot si Evina para tingnan siya.

“Pwede mo yan ituloy bukas,” paalala ni Mr. Gu sa kanya.

Dumungaw ang kanyang mga mata sa papalubog na araw, na kitang-kita sa kanilang opisina.

Nanlaki ang mata niya sa gulat.

Agad niyang tinignan ang kanyang relo para kumpirmahin ito.

“5pm na pala? Hindi ko man lang napansin!"

Sa sobrang abala ni Evina sa kanyang trabaho ay hindi niya namalayan na oras na pala ng kanilang pag-uwi.

Lumipad ang kanyang mga daliri sa kanyang masakit na likod habang nag uunat ng kanyang mga balikat.

“Unang araw mo pa lang. Huwag kang masyadong magpagod,” ngumiti si Mr.Gu sa kanya bago umalis.

Napangiti din si Evina.

Habang tinitingnan niya siya paalis, naalala niya si Mr. Li, ang kanyang dating amo sa Sapphire, Inc.

“Kamusta na kaya sila?" bulong ni Evina habang iniimpake ang kanyang mga gamit.

Naalala niya rin si Cynthia. Naisipan niyang tawagan siya nang sumulpot si Mr. Yang sa kanyang harapan.

"You're coming with me," utos niya habang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status