"Pupuntahan ko na lang siya sa kanila para malaman kung nakauwi na siya," paalam ko kay Ally na siyang nag-aalala rin para sa kaibigan."Sasama sana ako kaso baka gabihin na naman. Update mo 'ko agad, Pres!" "Oo, ite-text kita."Mag-isa kong umuwi dahil may lakad pa sina Wilson. Imbes na sa bahay nina Tita Karina ay kina Brandon ako nagpahatid. "Magandang hapon po, Kuya Rommel," bati ko sa naabutang nasa labas.Napatingin siya sa akin at tila hindi inasahan ang pagdating ko. Hindi ko rin siya in-expect dahil palaging si Tito Canor ang bumabati sa akin rito. "Nand'yan po ba si Brandon?""Wala siya, ineng," sagot nito at tinignan ang bahay. "Si Brayden lang ang nand'yan.""Gano'n po ba? Pwede pong pumasok?""Oo naman!" Pinagbuksan niya ako ng pinto at naabutan ko si Ate Cathy. Nanlaki ang mga mata niya at parang hindi rin makapaniwalang nanditoa ko. "Hi, ate!" bati ko sa kanya."Anong ginagawa mo rito?""Trabaho po," paliwanag ko. "Inagahan ko lang kasi hinahanap ko si Brandon. Hindi
Hindi ako nakatulog ng maayos kaya puyat ako kinabukasan. Isinubsob ko ang sarili sa pag-aaral, tulad ng gawain ko noong hindi ko pa nakikilala si Brandon. Kailangan kong magsipag ngayon. Lalo na dahil baka paalisin na kami rito. "Ally, baka may alam kang raket?" "Kailangan mo, Pres? Sagutin mo na lang si Brandon, solve financial problem niyo!" sagot niya at humalakhak pero napabuntonghininga lang ako."Joke lang, Pres! Speaking of Brandon, wala pa rin bang balita sa kanya?"Okay siya. Wala siya kahapon kasi bumalik na si Erika. Buhay 'yong asawa niya, Ally.""For real?!" Nalaglag ang panga niya at napatakip pa ng bibig. "E 'di ano nang score sa inyo ni Brandon?""Wala na," mapait na sagot ko kaya napangiwi siya."Bumalik naman na kasi ang original!" sagot niya dahilan para hindi ako maka-ilag. Original si Erika tapos ako ano?"Si Brandon? Absent pa rin?" tanong ni ma'am nang mag-check ito ng attendance. Napatingin ako sa bakanteng upuan sa tabi ko at tumango."Yes, ma'am.""Paki-co
"Ako na, Ririka. Pahinga ka na lang," sagot niya at lumabas na rin nang makapagpaalam sa lolo at lola ko."Bukas, ah? Susunduin kita rito ng alas-tres tapos uwi tayo ng alas-sais.""Sige, salamat ulit."Nanlaki ang mga mata ko nang halikan niya ako sa labi. Dampi lang iyon pero bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang pamilyar na sasakyan ni Brandon na palapit sa bahay namin."Bye, Ririka!" Kumaway siya sa akin pero nginitian ko lang siya. Tumigil ang kotse sa tapat ng bahay namin at bumaba ang salamin ng kotse nito."Sakay," malamig na utos ni Brandon. "Bakit?" tanong ko sa kanya at naalala ang pambayad ko sa utang sa kanya. "Hindi ka pumasok kahapon sa trabaho."Imbes na sumagot ay pumasok ako sa loob ng bahay namin para kunin ang pera. Narinig ko ang pagtawag niya sa akin pero nagtuloy-tuloy lang ako."Apo, tinatawag ka ni Brandon!" si lola na hinabol ako.Madiin ang hawak ko sa bag kung nasaan ang pera na ibinigay ni Wilson sa akin at hinarap si Brandon. "Ito ang bayad sa u
Nagmadali akong tumakbo palabas sa kwartong iyon. Pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko bago binuksan ang pinto.Napaawang ang labi ko nang makita kung sino ang nakatayo sa tapat no'n. "E-erika," tawag ko sa kanya. Mula sa mukha, bumaba ang tingin niya sa katawan ko at sa likuran ko nang maramdaman ang presensya ni Brandon doon. "Rika!" tawag sa kanya ni Brandon at lumabas ng kwarto para lapitan siya. "What are you doing here?" Pero nasa akin pa rin ang mga mata ni Erika. Nakakapagtaka dahil hindi siya nagsasalita kahit kanina pa bumuka ang bibig niya. Parang gusto niya akong sigawan pero hindi niya magawa. Siguro, galit siya sa akin dahil iniisip niya, may nangyari sa amin ni Brandon sa kwartong iyon."Rika, let's go upstairs," pangungumbinsi sa kanya ni Brandon at humarang pa siya sa pwesto ko para tabunan ako mula sa paningin ni Erika. "You should rest.""Erika," tawag ko sa kanya. "Kung ano mang iniisip mo, mali 'yon. Wala kaming ginagawang masama ng boyfriend mo. Sana 'wag ka n
"Anak!" boses iyon ni Tito Canor. Nang lingunin ko siya ay natakip ako ng bibig nang makitang nakasaksak na sa may kanang dibdib niya ang kutsilyong hawak ni Erika.Hinugot iyon ni Erika at nag-ambang lumapit sa akin pero sumigaw lang ito, sinabunutan ang sarili at tumakbo palabas ng bahay. "Tito!" Nilapitan ko ang ginoo at nanginginig na hinawakan ang sugat niya. Inayos ko siya ng higa bago ako kumuha ng malinis na tuwalya at ipinangtakip iyon sa sugat niya para kontrolin ang pagdurugo. "Brandon! Brandon, tulong!" sigaw ko sa phone nang sagutin niya ang tawag. "Please! Magpadala ka ng ambulansya sa bahay namin. Ngayon na please!""Why? What happened? Are you fine?"Imbes na sumagot ay pinatay ko ang tawag dahil paano siya makaka-contact ng ambulansya kung ako ang katawagan niya?!"T-tito... saglit na lang po, madadala na namin kayo sa Hospital," sambit ko at kaagad na inilagay ang dalawang daliri sa pulso sa leeg niya. Namumuo ang luha sa mga mata kong tinignan ang orasan sa kwart
"Apo!"Dala ko ang tinapay at inumin na ibinigay sa akin nang makita si lola. Kaagad niya akong niyakap. Gano'n din si lolo na nakasuot ng face mask dahil nasa Hospital kami at mahina na ang immune system niya."Anong nangyari? Ayos ka lang ba?""Opo, la. Pero si Tito Canor po, hindi." Namuo ang luha sa mga mata ko at piniling 'wag na munang i-kwento sa kanila ang nangyari dahil katapat lang namin si Erika at si Tita Karina. Walang emosyon sa mga mata niya habang nakatitig sa akin. Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya at piniling kumain na lang dahil nanghihina ako. Tahimik lang akong kumain. Si lola naman ay maingay dahil may kausap sa phone niya. "Oo, kasama ko siya ngayon. Kausapin mo, hijo," aniya at ibinigay sa akin ang keypad na phone niya.Inilagay ko iyon sa tenga ko at pinakinggan ang boses ng kabilang linya. "Ririka, nabalitaan ko 'yong nangyari sa bahay niyo! Okay ka lang?""Oo, Wilson," pagod na sagot ko sa kanya. "Ano bang nangyari?" naiinis na ang tono niya. "Pu
She's calling our names. From her friends to mine. Why did you do that, Ririka? I glance at her who is now peacefully sleeping. I still can't understand why she became agressive a while ago. To the point that she needed a shot to calm down. "Anong ginawa niyo sa apo ko?!" It's her grandma. Napahilamos ako ng mukha bago inutusan ang nurse na papasukin siya. "Magising din po siya mamaya. Don't worry." Napapikit ako nang tumama ang palad niya sa pisngi ko. "Tinatanong ko kung anong ginawa niyo sa kanya?!" "Tinurukan siya ng pampakalma, lola," kalmadong sagot ko. "At bakit niyo 'yon ginawa?!" tanong niya at nilapitan si Ririka. "Apo! Ang kakawa kong apo! Bakit kailangan mong pagdaaan 'to?" I gulp to swallow the hard lump on my throat. "I'm sorry," I whispered and tried to open a conversation with her to fill up my curiosity. "Sabi ho ni Wilson kanina, sumisigaw si Ririka dahil masakit ang ulo niya. At bigla niyang binaggit ang mga pangalan namin. Hindi lang 'to ngayon nangyari, ta
Ang sabi ni Erika, si Ririka ang sumaksak kay Canor. Base naman kay Ririka, tinanggka silang patayin ni Erika. At si Canor, may masamang tao na nanloob sa paliwanag niya!"Namukhaan mo ba siya, mahal?" Tita Karina asked while holding her husband's trembling hands."H-hindi. Pasensya na.""I'll add that information to the investigation team," I explained before I excused myself. I closed my eyes tightly while holding my phone. Two are lying. But who among the three of them? I couldn't sleep while waiting for the news. I am with Erika right now and she's in a deep sleep. I sigh and walks toward Ririka's room. Wala na si lolo sa tabi upuan na nasa tapat ng kwarto niya. Pero pagkapasok ko, wala na rin doon sina Ririka at lola."Where are they? The patient in room 211?""Na-discharge na po sir.""What?" I asked to the nurse in charge. That can't be! I tried calling Ririka on the phone but she's out of the reach! Saan sila nagpunta?"Who paid their bills?""Pasensya na po, sir pero hind
Nang bumukas ang puting kurtina na nasa harapan ko ay ngumiti ako sa lahat ng mga bisita namin ngayon. Kasabay ko si mama na lumakad sa pulang carpet na siyang dati'y dinaraanan lang namin kapag paalis o pabalik kami ng mansyon.Dito kasi namin sa naisipan ni Brandon na magpakasal. Sa harap ng mansyon at sa harap ng magandang burol na mas pinaganda ng palubog na sinag ng araw. Habang nasa ailse ay isa-isa kong ngitian ang mga bisita na nasa bandang likuran. Iyong mga kasambahay na nanatiling tapat at suportado sa amin ni Senyorito. Kaagad na namuo ang luha ko dahil sa pagka-miss ko sa kanila nang makita kung sino mga nasa sumunod na dalawang linya. Sa kanang bahagi ay iyong mga naging kaklase ko sa NU noong ako pa si Ririka Dela Rosa. Sina Wilson, Ally at mga tropa nila. Sa kabilang bahagi ay naroon naman ang mga kaklase ko at naging kaibigan noong senior high, sina Neri at Troy pati na tropa niya. Sa sumunod na grupo ay iyong mga tropa ni Brandon na naging malapit na rin sa akin d
"Brandon! Bagsak ako sa quiz!" iyon ang isinalubong ko sa kanya nang makita ko siya sa harap ng University namin. Bumalik na kasi ako ulit sa pag-aaral. Sa San Juan State University ulit kaya libre ang pampaaral at tanging mga gamit sa Nursing ang gagastusin. "10 over 30!" dagdag ko pa dahil broken bearted ako dahil sa score. Nakakasama ng loob! Nagpuyat ako ro'n kagabi! Pero humalakhak lang siya at hinalikan ang pisngi ko kaya napanguso ako. "Ano 'yan? Proud ka pang bumagsak ako?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.Niyakap niya naman ang bewang ko at nanunuyong hinaplos ang pisngi ko. "Yes, I'm proud of you, baby! 10 is already high 'cause I know how hard Nursing is..." makahulugang aniya. "Remember when I got 1 over 20 back then?" Doon ako natawa. Wala na! Umubra na nga iyong sinabi ng doktor niyang mabilis mababalik ang mga alaala niya basta nawala na iyong bisa ng gamot na pinapainom sa kanya rati.Bigla ko tuloy naalala si Senyora. Naparalisado na siya at balak pa siyan
"Brandon, ipangako mong babalik kayong dalawa ng anak ko. Maliwanag ba?" paalala pa ni papa nang makarating kami. "Marami na siyang pinagdaanan..." muli siyang naging emosyonal kaya hinampas ko na siya. Pagod na kasi akong umiyak."Babalik kami agad, pa! 'Wag ka nang mag-alala r'yan baka tumaas ang BP mo!" puna ko at humalik sa pisngi niya bago ako lumabas para sundan si Brandon.Kabado ako nang muli akong makatapak sa mansyon pero napatingin ako kay Brandon nang hawakan niya ang kamay ko at ipagdaop ang kamay namin."Drop your guns!" maawtoridad na utos niya sa mga guwardyang nakasalubong namin. Kaagad naman silang sumunod kaya napaawang ang labi ko dahil sa pagkamangha. Kung nandito si Brandon kahapon, siguro hindi nangyari iyon kay Mona. Nagtatampo ako sa kanya dahil nagawa niyang magpanggap bilang ako. Muntik niya pa akong patayin dati. Pero mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya bilang kaibigan ko. Siya kasi ang pinaka-close ko sa amin nina Franz at JP. At siguro, gano'n d
"Ikaw ang may ari nito?" 'di makapaniwalang sambit ko nang kinabukasan ay dinala niya kaming lahat sa isang mansyon. Iyong palagi kong tinatanaw dati sa malayo dahil ang ganda no'n, parang palasyo. Marami ring nagpupunta roon para mag-picture kung bibisita sila rito Resort."I bought it for us. I want to give you a comfortable life, Rika," paliwanag niya at muling hinarap si Raica na nasa braso niya.Sinundan ko naman si Brayden na masayang tumatakbo sa malawak at maaliwalas na living room. "Senyorito Brandon, nakahanda na po ang mga pagkain," anang isang kasambahay na hindi pamilyar sa akin."Tutulong na rin ako!" sabay pa sina mama at Ate Cathy pero bago pa siya makapunta sa living room ay nagsalita ulit si Brandon."No need, ma'am. You're here as Rika's family. You're my family too from now on.""Ay taray! Amo na tayo ngayon, Senyora Karina!" halakhak ni Ate Cathy at biniro si mama pero umiling ito. "Ay teka! Paano na 'yan? E 'di wala na tayong trabaho?!" "Don't you have business
"M-mona..."Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kaibigan na nakahandusay sa harap ko. Bukas ang mga mata nito na puno ng luha. "P-pa... patawad, R-rika." Ngumiti siya sa akin at nag-ambang bumangon pero muling umalingawngaw ang tunog ng baril.Napapikit ako at napatakip ng tenga. Hindi ko alam kung sino ang humila sa akin palayo. Basta, dalawang magkasunod na putok ng baril pa ang narinig ko. "Mona!" sigaw ko nang tuluyang nawala ang ingay. Nakita kong nakahandusay sa sahig ang katawan ni Mona na puno ng dugo at sa kabilang banda ay si senyora na dinadaluhan ng mga guwardya dahil may tama sa binti. "Hali ka na, Erika!" sigaw ni Kuya Rommel sa akin at hinila ako palayo ng mansyon ng mga Monteverde. Walang tauhan na humabol sa amin pero mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot mula sa nasaksihan. Si Mona. Wala na siya dahil niligtas niya ako."P-pa... patawad, R-rika."Napapikit ako at hinayaan ang sunod-sunod na pagtulo ng luha sa pisngi ko nang muling pumasok sa isip ang h
Hindi ko na siya pinatulan dahil nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi. Nakakahiya sa anak namin kung sa harap niya kami maglalandian ni Brandon. Nang maghapon ay nakumpleto kami sa bahay dahil dumating na si papa mula sa pangingisda. Pormal naman siyang sinalubong ni Brandon. "I'm Brandon Monteverde, sir." Nakipag-kamayan pa ito."Alam na alam ko iyan, senyorito," mahinahong sagot ni papa at uminom ng tubig. "Anong ginagawa mo rito?""I came to accompany Erika. I want her to visit her family since it's their daff off," paliwanag nito dahilan para umarko ang kilay ng papa ko."Naku!" Maya-maya ay humalakhak siya. "Maraming salamat kung gano'n!""Kumain na tayo!" anyaya ni mama.Humagikgik si Ate Cathy bago niyaya si Brayden na sumunod sa kanya. "Daddy, let's sit beside mama po!"Pero tumayo ako dahil may iba pa akong gagawin. "Mauna na kayo, titignan ko muna si Raica at pakakainin.""You should eat first. Raica will not get enough nutrient she need when you breast feed her with an empty
Doon ko lang naramdaman ang pag-init ng pisngi ko. Bakit parang nakakahiya dahil sa ekspresyon niya? E, normal lang naman na ganito magpa-dede ng bata at nakita naman na niya iyon dati.Matapos ko siyang mapakain at mapag-burp ay lumabas kami. Kaagad kong hinanap si mama para makisuyo. "Ate Cathy, si mama?" "Lumabas, ineng!" sigaw niya at nilapitan ako. "Ano bang kailangan mo?""Paki-laro muna si Raica. Magpapa-init lang ako ng pampaligo niya.""Ay, e 'di ibigay mo kay daddy!" sagot niya at nginuso si Brandon na tahimik sa mahabang upuan. "Si Brayden?" tanong ko muna kay Ate Cathy."Nasa labas, naglalaro!" Tumango ako at dahan-dahang lumapit kay Brandon. Napunta sa akin ang atensyon niya. Malalim ang tingin niya sa akin kaya medyo kinabahan ako. "Gusto mo bang sa 'yo muna si Raica? May gagawin lang ako saglit.""Sure?" may bahif ng pag-alinlangang sagot niya at ipinosisyon ang braso. "How should I carry her?" "Ay ganito lang, senyorito!" si Ate Cathy na ang nagturo sa kanya. Main
Hindi ko maharap si Brandon kinabukasan. Mabuti na lang ay nabawi ko na agad kagabi ang phone sa kanya bago pa niya masabing hindi niya naalala ang anak. Ayaw kong magsinungaling kay Brayden pero ayaw ko rin siyang masaktan. Bata pa siya, ayaw kong sumama ang loob niya sa daddy niya. Hindi ko naman alam kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon dahil ako mismo, hindi ko naiintindihan ang nangyayari."It's your leave today," ani Brandon dahil Linggo pero nanatili ako malapit sa kanya. Ayaw kong may mangyari sa kanyang masama hangga't nandito ako."Okay lang.""Don't you wanna spend Sunday with your child?"Hindi ako nakaimik. Maya-maya pa ay tumayo siya. "Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya dahil may dala siyang papel na pamilyar sa akin. Iyong resume ko."I'll go to your address. You should go there too.""Ha?" hindi makapaniwalang tanong ko at hinabol siya."Rommel, open the gate!" Kahit nagtataka, mabilis na sinunod ni Kuya Rommel ang utos ni Brandon. "Hop in," aniya nang pagbuksan a
Umupo ako at sumandal sa pinto para bantayan siya. Nanatili ako roon hanggang sa mawala na ang ingay. Nalagdesisyonan kong tumayo na at sinimulang ligpitin ang mga kalat sa sahig, lalo na ang mga bubog galing sa pagkabasag. "Ahhh!" daing ko nang makaramdam ng hapdi sa daliri matapos pulutin ang basag na baso sa may countertop. Mabilis na dumaloy palabas ang dugo kaya itinaas ko ang kamay kong may sugat at naghanap ng malinis na tela para ibalot iyon sa sugat ko at pigilan ang pagdurugo. "Brandon, pahingi nga ng medicine kit, please?" sigaw ko mula dahil alam kong nasa kwarto niya iyon. Pagbalik ko ay mas nag-ingat ako sa paglalakad. Sinuot ko na rin ang tainelas ni Brandon para hindi na masugat.Pinagsabay ko ang pagluluto at paglilinis. Marami naman kasing laman ang ref at cabinet niya kaya hindi na ako nahirapan.Muli akong napadaing nang bigla akong napaso dahil sa kakamadali. Hindi ko na alam ang uunahin ko dahil sa pagod at gutom."Brandon?" Muli akong kumatok sa pinto niya. B