Naalimpungatan ako nang marinig ang boses ni mama na tumatawag sa akin. Suminghot ako nang maramdaman ang sipon at iminulat ang mga mata."Ma?" napapaos kong tanong sa kanya.Hinawakan niya ang mainit kamay ko. Pati ang buong katawan ko pakiramdam ko mainit at masakit. Kaya kanina ay nag-jacket ako at nag-pajama. "Bakit ka naman nagsarado ng pinto mo? Akala namin kung ano nang mangyari sa 'yo," nag-aalalang aniya at hinipo ang noo ko. "Nilalagnat ka, anak?""Medyo po," sagot ko at pinanood siya nang tumayo siya. Naputol lang iyon nang makita ko si senyorito na pumasok. Kaagad na nagtama ang tingin namin at siya na ngayon ang umupo sa gilid kama ko."Are you fine, baby?"Nang hindi agad ako nakasagot ay sumingit si mama. "Medyo masama ang pakiramdam niya, Senyorito. Nakatulog pala siya kaya hindi agad nabuksan 'yong pinto no'ng kumatok ka.""Ako na po ang magpapa-inom sa kanya, tita," sambit niya at lumapit dito."Sige, salamat, senyorito," sagot ni mama at sinulyapan ako bago siya lum
"Isolated? You isolate yourself, baby?" mabilis na tanong ni senyorito."Oo, kasi nga, sa anxiety ko," tangging dahilan ko. "Tapos lagi akong stress noon kasi sabay-sabay lahat ng problema." Huminga ako ng malalim at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "Pero buti na lang nandito ka na ulit!" Napangiti rin siya at hinalikan ako sa pisngi. Nakita ko naman ang pag-blur at pag-itim ng screen ni Franz. "Sis! Ang harot-harot niyo! Leave na ako! Tara na JP, Mona!" sigaw niya at nakita ko ang mukha niya, mukhang binato niya ang phone at ngayon lang pinulot.Natawa kami ni senyorito at nagpaalam na sa kanila. Nagpasalamat naman si senyorito at muli silang inimbitahan na pumunta rito bukas.Nang makapagpahinga ako ay naligo ako at nagbihis para tumulong sa kanila. Ang tagal ko rin kasing nakakulong lang sa kwarto kaya nang tumagal ako sa labas ay kumalma ang pakiramdam ko. Dinama ko ang malamig at sariwang hangin nang hapon na. Pinanood ko ang pagsindi ng pailaw sa mansyon pati na sa katabi
Nagtipon-tipon kami sa malawak na living room nang matapos makapagbihis ang lahat. Nakangiti ko silang binati lahat at niyakap."Mabuti mas ayos ka na ngayon, Rika!" komento nila dahilan para ma-miss ko ang dating sarili. Iyong chill lang, maingay, walang masyadong inaalala pati pag-aaral. Napangiti ako at sumang-ayon sa kanila. "Salamat po sa inyo kasi inalagaan niyo rin ako.""Syempre naman! Ikaw ang bunso namin at ikaw ang maingay rito sa mansyon. Na-miss namin 'yang tawa at ngiti mo!" Napahalakhak tuloy ako roon. "Si Ate Cathy mas maingay!" "Hoy, ineng, bina-backstab mo na naman ako!" sigaw sa akin ni ate nang marinig ang pangalan niya. Ang ingay no'n dahil naka-mic siya. Siya kasi ang MC at may palaro ngayon si senyorito."Wala!" pag-deny ko at nakitawa sa kanila."Game na ba ang lahat?!" tanong niya sa amin nang pahinaan kaunti ang tugtog. Pinanood ko si senyorito na abala sa pagtulong sa pag-set up ng mga lalaruin namin. Inilibot ko ang paningin at hindi nakita si Rhianne.
"Merry Christmas, baby!" Si senyorito ang unang bumungad sa akin paggising ko. Akala ko kung ano na iyong mabigat na nadagan sa tiyan ko, braso niya pala. Yakap niya ako at ang mukha ay agad na isinubsob sa leeg ko.Napangiti ako at humagikgik dahil sa kiliti nang halikan nga ang gilid ng leeg ko. "Merry Christmas, senyorito!"Hinarap ko siya at niyakap. Magkatabi kami kaninang madaling pero alam kong bumalik lang siya ngayon dahil naalimpungatan ako kanina na wala siya sa tabi ko."Let's eat our breakfast now? What time will the mass start?" magkasunod na tanong niya, nagplano kaming magsimba ngayon. Ang tagal ko na nga ring hindi nakapagsimba dahil busy ako sa school works. Linggo lang kasi ang bakante namin."Tara kain na tayo," anyaya ko dahil kailangan pa naming magbihis at mag-ayos.Iyong ininit na handa namin kagabi ang kinain ko. Nagpaluto naman si Rhianne pero hindi pa rin sumabay sa amin."Akin na lang marshmallow ng sa 'yo," bulong ko kay senyorito habang kumakain siya. Gi
"I love you too, baby!" Hinalikan pa niya ako sa pisngi at gigil na pinisil iyon. "How could you be this cute and gorgeous at rhe same time?""In love ka lang kaya nasasabi mo 'yan!" puna ko at binuksan ang Wiggles para kainin. Sinubuan ko pa siya habang natatakam sa kinakain. "Do you want to go outside for a date?""Nextflix and chill na lang tayo sa kwarto mo!" mabilis na sagot ko at muling kumain."Alright! Let's go home, then!" Naramdaman ko rin ang excitement sa boses niya.Nakangiti lang ako sa buong biyahe. Masayang-masaya, e! Ayaw ko sanang masira ang araw ko pero nang makarating kami sa mansyon ay bumungad sa amin si Rhianne."Good morning," bati ko sa kanya pero parang hangin na hindi niya ako pinansin. Ang mga mata niya ay na kay senyorito lang."Brand, thank you for letting me stay here for a while," nakangiting aniya at lumapit pa sa lalake. Akmang aalisin ko na ang pagkakahawak ko kay senyorito at tumabi muna para makapag-usap sila pero humigpit lang ang kapit niya sa a
WARNING: SPG"Wala pa!" mabilis na sagot ko. "Promise ring pa lang 'to ni senyorito sa akin. Matagal pa kayo magiging ninang sa kasal!" "Grabe na talaga kayo, sis!" tukso nila sa akin at nag-tanong tungkol sa amin ni senyorito habang kumain kami at naglaro.Masayang-masaya ako sa araw na iyon. Puro tawa lang kami pati na nang mga sumunod na araw. Lalo na nang magbagong taon dahil magkakasama kami namin itong sinalubong."Happy New Year!" sigaw namin nang mag-alas dose. Nagtorotot ako at tumalon-talon para mag-ingay. Nakatingin lang sa akin si senyorito at tumatawa.Humiyaw kami nang sindihan ang fountain at nagpalipad ng pailaw sa langit. Nakita kong inilabas ni senyorito ang phone at itinutok sa amin iyon. "Happy new year, senyorito!" bati ko sa kanya."Happy new year, baby!" masayang bati niya at niyakap ang bewang ko, ang kabilang kamay naman niya ay nasa pisngi ko bago siya yumuko at inangkin ang labi ko. "I love you!""I love you too! Ikaw pa rin next year at sa marami pang sus
"Senyorito, nakapasa ako!" gulat at masayang balita ko sa kanya nang makita ang resulta. "As I expected, baby! Magaling ka kasi!" puri niya pa at niyakap ako.Narinig ko naman ang pag-ubo nila Franz sa tabi namin. "Bawal ang PDA rito, sis!""Sorry naman!" sagot ko at humiwalay na. Nagpaumanhin din si senyorito pero humble na sumagot ang dalawa at umiling. 'Pag sa akin, galit na galit sila! Parang si senyorito ang kaibigan nila, ah?January 8 ngayon, isang linggo na mula noong nagpasa kami ng requirements para sa paglipat ko rito. Nagpapirma pa ako sa dati kong school pero dahil kasama ko si senyorito, hindi na ako kinabahang bumalik doon. Mabuti na lang ay hiniling namin na tangging mga nakakataas lang ang may alam ng kaso kaya hindi ako napag-usapan. Pero iyong mga ibang estudyante roon, kaparehas din ng mga nandito. Panay ang tingin nila kay senyorito! Medyo nakakainis tuloy!"Siguro heartthrob ka noong nag-aaral ka pa, Senyorito Brandon! Lakas ng appeal mo! Daming girls, o!" tanon
Buntis? Doon napantig ang tenga ko. Kanino? May proteksyon naman kami ni senyorito noong ginawa 'yon. Pero si Nico..."Pagpasensya niyo na po ang anak ko, senyora. Hindi na po mauulit," si mama at lumapit pa siya sa akin. "Talagang hindi na ito mauulit, Karina! Ayusin mo 'yang anak mo!" bulyaw pa sa mama ko kaya mas lalo akong napaiyak ng tahimik. "Sorry, ma," bulong ko sa kanya sabay hikbi nang iwan kami."Masama ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong niya at inayos ang buhok ko."Opo. Kaninang umaga rin tsaka kahapon," dagdag ko."Kahapon pa? Bakit hindi ka nagsabi?" tumaas pa ng kaunti ang boses niya."Tuwing umaga lang naman po masama ang pakiramdam ko. Nawawala rin kaya—""Kailan ka huling niregla?" tanong niya kaya napatigil ako."Ma..." iyon lang ang tanging nasambit ko nang maalalang delayed ako ngayong buwan. "Sagutin mo ako, Erika," mariing ulit niya."Noong 10 po. Pero may mga buwan naman pong delayed ako ng ilang week," pangungumbinsi ko sa kanya. "'Di pa po, wala n
Nang bumukas ang puting kurtina na nasa harapan ko ay ngumiti ako sa lahat ng mga bisita namin ngayon. Kasabay ko si mama na lumakad sa pulang carpet na siyang dati'y dinaraanan lang namin kapag paalis o pabalik kami ng mansyon.Dito kasi namin sa naisipan ni Brandon na magpakasal. Sa harap ng mansyon at sa harap ng magandang burol na mas pinaganda ng palubog na sinag ng araw. Habang nasa ailse ay isa-isa kong ngitian ang mga bisita na nasa bandang likuran. Iyong mga kasambahay na nanatiling tapat at suportado sa amin ni Senyorito. Kaagad na namuo ang luha ko dahil sa pagka-miss ko sa kanila nang makita kung sino mga nasa sumunod na dalawang linya. Sa kanang bahagi ay iyong mga naging kaklase ko sa NU noong ako pa si Ririka Dela Rosa. Sina Wilson, Ally at mga tropa nila. Sa kabilang bahagi ay naroon naman ang mga kaklase ko at naging kaibigan noong senior high, sina Neri at Troy pati na tropa niya. Sa sumunod na grupo ay iyong mga tropa ni Brandon na naging malapit na rin sa akin d
"Brandon! Bagsak ako sa quiz!" iyon ang isinalubong ko sa kanya nang makita ko siya sa harap ng University namin. Bumalik na kasi ako ulit sa pag-aaral. Sa San Juan State University ulit kaya libre ang pampaaral at tanging mga gamit sa Nursing ang gagastusin. "10 over 30!" dagdag ko pa dahil broken bearted ako dahil sa score. Nakakasama ng loob! Nagpuyat ako ro'n kagabi! Pero humalakhak lang siya at hinalikan ang pisngi ko kaya napanguso ako. "Ano 'yan? Proud ka pang bumagsak ako?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.Niyakap niya naman ang bewang ko at nanunuyong hinaplos ang pisngi ko. "Yes, I'm proud of you, baby! 10 is already high 'cause I know how hard Nursing is..." makahulugang aniya. "Remember when I got 1 over 20 back then?" Doon ako natawa. Wala na! Umubra na nga iyong sinabi ng doktor niyang mabilis mababalik ang mga alaala niya basta nawala na iyong bisa ng gamot na pinapainom sa kanya rati.Bigla ko tuloy naalala si Senyora. Naparalisado na siya at balak pa siyan
"Brandon, ipangako mong babalik kayong dalawa ng anak ko. Maliwanag ba?" paalala pa ni papa nang makarating kami. "Marami na siyang pinagdaanan..." muli siyang naging emosyonal kaya hinampas ko na siya. Pagod na kasi akong umiyak."Babalik kami agad, pa! 'Wag ka nang mag-alala r'yan baka tumaas ang BP mo!" puna ko at humalik sa pisngi niya bago ako lumabas para sundan si Brandon.Kabado ako nang muli akong makatapak sa mansyon pero napatingin ako kay Brandon nang hawakan niya ang kamay ko at ipagdaop ang kamay namin."Drop your guns!" maawtoridad na utos niya sa mga guwardyang nakasalubong namin. Kaagad naman silang sumunod kaya napaawang ang labi ko dahil sa pagkamangha. Kung nandito si Brandon kahapon, siguro hindi nangyari iyon kay Mona. Nagtatampo ako sa kanya dahil nagawa niyang magpanggap bilang ako. Muntik niya pa akong patayin dati. Pero mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya bilang kaibigan ko. Siya kasi ang pinaka-close ko sa amin nina Franz at JP. At siguro, gano'n d
"Ikaw ang may ari nito?" 'di makapaniwalang sambit ko nang kinabukasan ay dinala niya kaming lahat sa isang mansyon. Iyong palagi kong tinatanaw dati sa malayo dahil ang ganda no'n, parang palasyo. Marami ring nagpupunta roon para mag-picture kung bibisita sila rito Resort."I bought it for us. I want to give you a comfortable life, Rika," paliwanag niya at muling hinarap si Raica na nasa braso niya.Sinundan ko naman si Brayden na masayang tumatakbo sa malawak at maaliwalas na living room. "Senyorito Brandon, nakahanda na po ang mga pagkain," anang isang kasambahay na hindi pamilyar sa akin."Tutulong na rin ako!" sabay pa sina mama at Ate Cathy pero bago pa siya makapunta sa living room ay nagsalita ulit si Brandon."No need, ma'am. You're here as Rika's family. You're my family too from now on.""Ay taray! Amo na tayo ngayon, Senyora Karina!" halakhak ni Ate Cathy at biniro si mama pero umiling ito. "Ay teka! Paano na 'yan? E 'di wala na tayong trabaho?!" "Don't you have business
"M-mona..."Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kaibigan na nakahandusay sa harap ko. Bukas ang mga mata nito na puno ng luha. "P-pa... patawad, R-rika." Ngumiti siya sa akin at nag-ambang bumangon pero muling umalingawngaw ang tunog ng baril.Napapikit ako at napatakip ng tenga. Hindi ko alam kung sino ang humila sa akin palayo. Basta, dalawang magkasunod na putok ng baril pa ang narinig ko. "Mona!" sigaw ko nang tuluyang nawala ang ingay. Nakita kong nakahandusay sa sahig ang katawan ni Mona na puno ng dugo at sa kabilang banda ay si senyora na dinadaluhan ng mga guwardya dahil may tama sa binti. "Hali ka na, Erika!" sigaw ni Kuya Rommel sa akin at hinila ako palayo ng mansyon ng mga Monteverde. Walang tauhan na humabol sa amin pero mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot mula sa nasaksihan. Si Mona. Wala na siya dahil niligtas niya ako."P-pa... patawad, R-rika."Napapikit ako at hinayaan ang sunod-sunod na pagtulo ng luha sa pisngi ko nang muling pumasok sa isip ang h
Hindi ko na siya pinatulan dahil nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi. Nakakahiya sa anak namin kung sa harap niya kami maglalandian ni Brandon. Nang maghapon ay nakumpleto kami sa bahay dahil dumating na si papa mula sa pangingisda. Pormal naman siyang sinalubong ni Brandon. "I'm Brandon Monteverde, sir." Nakipag-kamayan pa ito."Alam na alam ko iyan, senyorito," mahinahong sagot ni papa at uminom ng tubig. "Anong ginagawa mo rito?""I came to accompany Erika. I want her to visit her family since it's their daff off," paliwanag nito dahilan para umarko ang kilay ng papa ko."Naku!" Maya-maya ay humalakhak siya. "Maraming salamat kung gano'n!""Kumain na tayo!" anyaya ni mama.Humagikgik si Ate Cathy bago niyaya si Brayden na sumunod sa kanya. "Daddy, let's sit beside mama po!"Pero tumayo ako dahil may iba pa akong gagawin. "Mauna na kayo, titignan ko muna si Raica at pakakainin.""You should eat first. Raica will not get enough nutrient she need when you breast feed her with an empty
Doon ko lang naramdaman ang pag-init ng pisngi ko. Bakit parang nakakahiya dahil sa ekspresyon niya? E, normal lang naman na ganito magpa-dede ng bata at nakita naman na niya iyon dati.Matapos ko siyang mapakain at mapag-burp ay lumabas kami. Kaagad kong hinanap si mama para makisuyo. "Ate Cathy, si mama?" "Lumabas, ineng!" sigaw niya at nilapitan ako. "Ano bang kailangan mo?""Paki-laro muna si Raica. Magpapa-init lang ako ng pampaligo niya.""Ay, e 'di ibigay mo kay daddy!" sagot niya at nginuso si Brandon na tahimik sa mahabang upuan. "Si Brayden?" tanong ko muna kay Ate Cathy."Nasa labas, naglalaro!" Tumango ako at dahan-dahang lumapit kay Brandon. Napunta sa akin ang atensyon niya. Malalim ang tingin niya sa akin kaya medyo kinabahan ako. "Gusto mo bang sa 'yo muna si Raica? May gagawin lang ako saglit.""Sure?" may bahif ng pag-alinlangang sagot niya at ipinosisyon ang braso. "How should I carry her?" "Ay ganito lang, senyorito!" si Ate Cathy na ang nagturo sa kanya. Main
Hindi ko maharap si Brandon kinabukasan. Mabuti na lang ay nabawi ko na agad kagabi ang phone sa kanya bago pa niya masabing hindi niya naalala ang anak. Ayaw kong magsinungaling kay Brayden pero ayaw ko rin siyang masaktan. Bata pa siya, ayaw kong sumama ang loob niya sa daddy niya. Hindi ko naman alam kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon dahil ako mismo, hindi ko naiintindihan ang nangyayari."It's your leave today," ani Brandon dahil Linggo pero nanatili ako malapit sa kanya. Ayaw kong may mangyari sa kanyang masama hangga't nandito ako."Okay lang.""Don't you wanna spend Sunday with your child?"Hindi ako nakaimik. Maya-maya pa ay tumayo siya. "Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya dahil may dala siyang papel na pamilyar sa akin. Iyong resume ko."I'll go to your address. You should go there too.""Ha?" hindi makapaniwalang tanong ko at hinabol siya."Rommel, open the gate!" Kahit nagtataka, mabilis na sinunod ni Kuya Rommel ang utos ni Brandon. "Hop in," aniya nang pagbuksan a
Umupo ako at sumandal sa pinto para bantayan siya. Nanatili ako roon hanggang sa mawala na ang ingay. Nalagdesisyonan kong tumayo na at sinimulang ligpitin ang mga kalat sa sahig, lalo na ang mga bubog galing sa pagkabasag. "Ahhh!" daing ko nang makaramdam ng hapdi sa daliri matapos pulutin ang basag na baso sa may countertop. Mabilis na dumaloy palabas ang dugo kaya itinaas ko ang kamay kong may sugat at naghanap ng malinis na tela para ibalot iyon sa sugat ko at pigilan ang pagdurugo. "Brandon, pahingi nga ng medicine kit, please?" sigaw ko mula dahil alam kong nasa kwarto niya iyon. Pagbalik ko ay mas nag-ingat ako sa paglalakad. Sinuot ko na rin ang tainelas ni Brandon para hindi na masugat.Pinagsabay ko ang pagluluto at paglilinis. Marami naman kasing laman ang ref at cabinet niya kaya hindi na ako nahirapan.Muli akong napadaing nang bigla akong napaso dahil sa kakamadali. Hindi ko na alam ang uunahin ko dahil sa pagod at gutom."Brandon?" Muli akong kumatok sa pinto niya. B