Share

Kabanata 3

Author: LalaRia
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

“Late na ako!”

Malakas na sigaw ni Nicole nang inaantok pang na silip ang orasan at nakitang halos ilang minuto nalang at mag a-alas syete na, dali dali siyang bumangon mula sa kinahihigaang banig saka dalidaling tiniklop ang ginamit na kumot at saka maayos na inilagay iyon sa cabinet na gawa sa kahoy kasama ang isang pirasong manipis na unan, nirolyo niya rin ang gutay gutay nang banig na sa pagkaka tanda niya ay may pitong taon niya na yatang ginagamit, saka maayos ding itinabi iyon sa ilalim ng sirang sofa na gawa sa kawayan.

Matapos iligpit ang hinigaan ay saka siya kumuha ng pamalit na damit sa isang maliit na karton na na hingi niya pa sa kalapit na tindahan, kinuha niya rin ang tuwalya na maayos na naka hanger saka mabilis na nag tatakbo pa punta sa bahay ng kaniyang tiyang Norma para maligo.

Katulad ng inaasahan ni Nicole, isang lumilipad na plangana nanaman ang sumalubong sakaniya pag pasok na pag pasok niya palang sa loob ng bahay.

Mabuti nalang at katulad kahapon ay mabilis nanaman siyang naka iwas ngayon, sa halip na sa maganda niyang mukha tumama ang plangana ay nasalo niya iyon.

Sa husay niyang sumalo ng mga lumilipad na gamit ay papasa na yata siya bilang isang manlalaro sa isang football team o kaya naman ay sa rugby.

Sa araw araw ba naman na ginawa ng diyos ay palaging lumilipad na gamit nag pang bungad sa kaniya ng tiyahin ay hindi pa siya gagaling sa pag ilag at pag salo? Kung hindi kasi plangana na katulad nito ngayon ang ibabato sakaniya ng tiyahin ay tabo, kung iba naman ay timba minsan pa nga ay tasa o kaya naman basong mababasagin.

Madalas na ipag kibit balikat nalang ni Nicole ang ginagawa ng kaniyang tiyang Norma, iniisip niya na lamang na ganon lang siguro talaga siya kung batiin ng good morning nito.

Sa likod siya dumaan kung nasaan ang kusina, iyon din kasi ang mas malapit na daan pa punta sa bahay ng kaniyang tiyang mula sa tinutuluyan niyang bodega sa likod ng bahay nito.

At oo bodega, sa isang tambakan ng lumang gamit siya naka tira, ano pa nga ba eh doon siya itinapon ng kaniyang tiyang Norma, request na din ng mga bruhang anak nito na palayasin siya sa bahay at doon itira dahil ayon sa kaniyang tatlong nakatatandang mga pinsan ay naalibadbaran daw kasi ang mga ito sa pag mumukha niya sa tuwing nakikita siya ng mga ito.

Palibhasa kasi mas maganda siya ng di hamak sa mga pinsan kaya marahil na iinis lang kapag nakikita siya.

Sabagay, mas mabuti na rin na naroon siya sa bodega dahil kahit papano ay nag kakaroon siya ng katahimikan kesa noong naroon pa siya sa loob ng magarang bungalow ng kaniyang tiyang kasama ang mga m*****a niyang pinsan. Noong naroon pa kasi siya sa loob kahit yata hating gabi na at kasarapan ng tulog niya ay gigisingin pa siya ng isa sa kaniyang mga pinsan para lamang utusan siyang ipag kuha ito ng maiinom na tubig.

Noong nalipat siya sa bodega ay nahirapan siya, wala kasing kuryente doon at masayado pang maraming daga ay lamok dahil na rin siguro sa sobrang dilim at sa kalat ng mga gamit.Pero ilang buwan lang ay nasanay na rin siya lalo pa at nalinis niya ng maayos ang lugar at medyo nawala na rin ang mga daga, nabawasan na rin ang mga lamok at hindi na rin mabaho katulad noong una.

Sa bodega ay nagagawa niyang matulog ng tuloy tuloy at deretso ng walang nang gigising at nang iistorbo sakaniya para utusan siyang kumuha ng tubig o ng kahit na ano pa.

“Good morning ho tiyang.”

Malaki ang ngiti na bati ni Nicole sa tiyahin, nag kibit balikat nalang siya nang sa halip na batiin din siya pa balik nito ay isang masamang tingin lang ang ipinukkol nito sakaniya.

“Ayan, mag hanap ka ng trabaho nang magka pakinabang ka naman dito. Ilang taon ka nang palamunin dito eh!”

Malakas ang boses na sigaw sakaniya ng tiyahin, nag pilit nalang siya ng ngiti sa dito saka tumango.

Hindi pa naman ganon katandaan ang kaniyang tiyang Norma, sa tantiya niya ay mukhang mahigit singkwenta palang naman ito, kaya lang ay ubod ng sungit, wala yatang araw na hindi siya nito sinigawan.

Sabagay, katulad ng mga lumilipad na gamit na palaging pambungad nito sakaniya ay sanay na rin si Nicole sa pag sigaw sigaw nito at pag sabi ng masasakit na salita sakaniya, nariyan kasing minsan kahit wala naman siyang ginagawang masama ay tatadtarin siya nito ng mura.

Pinipilit nalang ni Nicole na intindihin ang tiyahin, siguro ubod lang ito ng sungit dahil wala na itong asawa matagal na at kulang lang ito sa lambing.

Alam ni Nicole na niloloko niya lang ang sarili sa pag iisip na iyon lang talaga ang dahilan ng kaniyang tiyahin, well iyon lang kasi ang dahilan na mas madaling tangapin dahil kahit noong bata pa man siya ay ganon na talaga kung maki tungo sakaniya nag tiyang Norma.

Mabuti nga at hindi na siya nito kinagalitan noong nakaraang nag away sila ng dalawa niyang pinsan, sina Luceferia at Lizabelle. Hinayaan na kasi siya ng tiyahin at sa halip ay pinang tulakan lang siya na mag hanap ng trabaho para daw mag ka pakinabang na siya dahil tapos na rin lang naman ang pag aaral niya.

Ilang araw din siyang nag paka pagod sa pag hahanap ng trabaho, summa cum laude siya sa isang malaking unibersidad ngunit mailap ang trabaho sakaniya, ilang araw niyang sinusubukan at kung saan saan na rin siya nag hanap at nag apply, pati nga sa isang gasoline station ay nag apply siya bilang pump operator.

Pero iba ngayong araw, tinawagan kasi siya ng kumpanyang nag paaral mismo sakaniya at sinabihan siyang mag punta roon ngayong araw para sa kaniyang job interview, feeling ni Nicole ay eto na ang oportunidad na hinihintay niya, halos mag tatalon siya sa tuwa nang makatangap ng tawag.

Alas otso ang interview ni Nicole at heto siya ngayon sa isang coffee shop na malapit sa kumpaniyang sadya niya, hindi mapakaling nag hihintay ng order niyang kape habang pa tingin tingin sa oras, baka kasi ma late na siya eh maging bato pa ang isang malaking oportunidad, pwede namang huwag na siyang mag kape ngayon at dumiretso nalang sa kumpaya kaya lang bukod sa nagugutom na siya dahil hindi rin siya nakaka kain kagabi dahil naubusan siya ng pagkain at hindi rin siya naka pag almusal ngayong umaga dahil mukhang sinaniban nanaman ng masamang espirito ang kaniyang tiyang Norma ay ayaw niya ring mamaho ang kaniyang hininga habang nag i-interview siya dahil sa walang laman ang kaniyang sikmura.

Mabuti na rin na kahit kape lang ay malamanan ang kumakalam niyang tiyan dahil sa gutom.

Napa ngiti si Nicole nang sa wakas at tawagin na ang kaniyang pangalan sa counter ng coffee shop na iyon para sa kaniyang order, masaya pa siyang tumayo at ilang hakbang nalang ay malapit na siya nang isang malaking lalaki na naka suot ng business suit ang humarang sa daan niya.

Nanlaki ang mga mata ni Nicole nang kunin ng lalaki ang kape na para sana sakaniya.

“Miss akin na muna to, nag mamadali kasi ako eh.”

Pa cool na sabi sakaniya ng lalaki saka bahagya siyang nilingon.

Ang gwapo nito. Matangkad, matangos ang ilong, makinis ang balat, maayos ang pananamit at hmm pasimpleng suminghot si Nicole, mabango. Nanunuot sa muscles ng kaniyang ilong ang mabangong amoy ng lalaki.

Ay ano ba yan, bakit na siya nang aamoy? Dapat ay galit na siya ngayon dahil sa pang aagaw nito sa kapeng ilang minuto niyang hinitay, at ano daw? Nag mamadali daw ito?

“Huy mister, kape ko yan, kung nag mamadali ka ganun din ako, akin na yan! Mag hintay ka ng iyo.”

Inis na sabi ni Nicole sa lalaki, pinag taasan lang naman siya nito ng kilay saka pinasadahan siya ng tingin mula ulo hangang paa.

“Hindi ka mukhang busy, akin na tong kape, pareho naman tayo ng order eh.”

Pa cool ulit na sabi nanaman nito sakaniya.

“Ay hindi, tingnan mo nga ang naka sulat na pangalan sa lalagyan, Nicole. Sigurado ako na hindi Nicole ang pangalan mo, akin yan!”

Inis na pag pupumilit ulit ni Nicole, muli lang nanaman siya nitong pinag taasan ng kilay habang seryosong naka tingin sakaniya.

“You are keeping me late with this nonsense.”

Halatang inis na rin na sabi sakaniya ng lalaking gwapo. Bahagya itong yumuko saka dumukot sa bulsa ng suot nitong kulay itim na slacks.

“Here’s 3,000 pesos, get as many coffee as you like I don’t care, I have to go.”

Sabing muli ng lalaki saka sapilitang inabot sakaniya ang pera, nag init lang namang lalo ang ulo ni Nicole dahil sa ginawa ng lalaki.

“Aba’t bastos ka ah? Hoy, hindi porke mas gwapo a pa kay Piolo Pascual, mas matangkad at mas macho kay John Cena, at mas mabango ka pa kesa kay mama Mary wala kang karapatan na maging masama ang ugali!”

Namumula ang pisngi sa inis na sabi ni Nicole saka padabog na ibinato pabalik sa lalaki ang tatlong libong inabot nito sakaniya.

Mukhang naguluhan naman ito sa mga pinag sasabi niya dahil kunot na kunot ang noong tinitigan lang siya nito, saka bumaba ang tingin sa pera nitong nahulog na sa sahig ng coffee shop.

“Ang sabi ko, ang pangit ng ugali mo! Hindi porke mayaman ka eh balewala nalang sayo ang oras ng ibang tao, kung nag mamadali ka, ganon rin ako. At kailangan ko munang mag kape dahil gutom na gutom na ako mula pa kagabi. May interview ako ng alas otso diyan sa kumpanyang yan oh kaya akin na yang kape ko at sayo na yang pera mo!”

Inis na inis pa rin na sabi ni Nicole habang itinuturo ang dereksyon ng kumpanyang sadya niya. Ngunit sa halip na matauhan ang lalaki ay inismiran lang siya nito.

“Don’t worry miss maingay, you won’t get hired!”

Seryosong sabi ng lalaki saka siya tinalikura at nag mamadali nang lumabas sa coffee shop na iyon.

“Aba talagang bastos na lalaki. Madapa ka sana bwisit ka!”

Inis na sabi ni Nicole habang nag papapadyak pa, agad din siyang napa tigil nang ma agaw ang atensyon niya ng tatlong perang papel na nag kalat pa rin sa sahig na marmol ng coffee shoop.

Bahagya siyang yumoko saka pinulot ang pera, sayang naman kasi, tatlong libo rin yun baka ibang tao pa ang maka pulot.

Mabilis na tiniklop ni Nicole ang tatlong perang papel saka iyon isinilid sa bulsa.

Hindi pa rin mawala ang inis niya sa bastos na lalaking iyon na nang agaw ng kape niya, at ano daw? Hindi daw siya ma ha-hire? Peste lang?

Walang nagawa si Nicole kundi umalis nalang sa coffee shop na iyon na bigong maka kuha ng kapeng mag papawi sana sa gutom na nararamdaman niya, mas uunahin niya nalang ngayon ang naka takda niyang interview kesa ang intindihin ang gutom.

Related chapters

  • The CEO's Fling   Kabanata 4

    Agad na sinalubong si Nicole ng isang lalaking guard na nag babantay sa entrance ng malaking building na dapat ay papasukan niya.“Good morning po sir.”Magalang niyang pag bati sa guard na sa tantiya ni Nicole ay nasa kwarenta mahigit palang ang edad.Bumati siya ng good morning dito kahit pa alam niyang siya mismo ay hindi good ang morning dahil sa bastos na lalaking nang agaw na nga ng kape niya binastos pa siya at sinuhulan ng tatlong libo.Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon, kapag nag kita sila ulit ay sisiguraduhin ni Nicole na titirisin niya talaga na parang garapata ang bastos na iyon, kahit pa nga aminado siya sa sarili niya na hindi mukhang garapata ang lalaking iyon. Sa gwapo at macho ng lalaking bastos na naka harap niya kanina ay papasa iyong modelo na crush na niya. Kaya lang sa sobrang gwapo kaya siguro saksakan iyon ng yabang.Pinilit alisin ni Nicole ang bastos na lalaking iyon sa isipan at nag focus nalang sa guard na kas

  • The CEO's Fling   Kabanata 5

    Napaka malas niya, mali mang sabihin ang bagay na iyon dahil lalabas na masyado siyang ungrateful sa lahat ng blessings na natangap niya sa buong buhay niya pero iyon ang nararamdaman ni Nicole ngayon. Alam niyang mali na sabihing malas siya dahil sa mabuting taong tumulong sakaniya para maka pag tapos ng pag aaral sa kolehiyo at sa kaniyang malupit na tiyahin pati na rin sa mga malditang mga anak nito kahit pa nga hindi sigurado ni Nicole kung dapat ba siyang mag pa salamat sa pag kupkop sakaniya ng mga ito o hindi. Isama na rin ang pag graduate niya sa kolehiyo bilang summa cum laude, dapat siyang maging grateful sa lahat ng bagay na iyon pati na rin sa iba pang blessings na natatangap niya araw araw alam niyang wala siyang karapatan na sabihing malas siya.Pero talagang pakiramdam ngayon ni Nicole eh napaka malas niyang tao.Sa lahat ba naman kasi ng taong pwede niyang maging boss kung sakali mang matangap siyang mag trabao sa malaking kumpanyan

  • The CEO's Fling   Kabanata 6

    Buong akala ni Nicole ay ang opisina na ng masama ang ugaling CEO ang pinakamaganda at pinaka malaking opisin sa buong building na iyon, ngunit nang maka pasok siya sa opisina ng kung sino mang nag pa tawag sakaniya ay na-realize ni Nicole na mali siya, hindi ang opisina ng bastos na CEO ang pinaka maganda at pinaka malaki, kung ikukumpara ang opisina ng hambog na iyon sa opisinang pinasukan niya ngayon ay lalabas na langam lang iyon kumpara dito.Namamanghang inilibot ni Nicole ang ulo sa kabuoan ng opisinang iyon, napaka linis niyong tignan dahil sa kulay puti ang theme niyon, kumpleto rin sa mga gamit, mayroon ding maliit na kusina, sala set TV at kung ano ano pa. Papasa na ngang bahay iyon eh, mas malaki pa sa bahay ng kaniyang malditang tiyang Norma.Hindi agad nakita ni Nicole ang taong ipinunta nila doon, mayroon kasing kwarto sa may bandang gilid hula ni Nicole ay iyon marahil ang nag sisilbing tangapan ng taong umuukopa ng kwartong iyon sa malaking kompanyang kinaroroonan niy

  • The CEO's Fling   Kabanata 7

    Alas kwatro palang ng umaga ay gising na si Nicole at abala na sa pag hahanda ng almusal para sa mga dugong bughaw na mga anak ng kaniyang tiyang Norma na pinag sisilbihan niya, marami pa siyang kailangang gawin na mga gawaing bahay ngunit ang iba ay mamaya nalang niya gagawin, pag katapos niya kasi sa pag luluto at pag hihintay na magising ang mga mahal na prinsesa pati na rin ang na inang reyna ay kailangan niya na ring mag handa para sa kaniyang ‘first day of work’ bilang EA ni CEO yabang.Masayang masaya si Nicole kahapon nang maka uwi mula sa kumpanyang iyon, excited na excited pa siya na sabihin sa kaniyang tiyang Norma na may trabaho na siya, malaki pa ang ngiti na inabot niya rito para ipakita ang kaniyang ID na galing kay sir Luis, kaya lang sa halip na i-congratulate siya ng tiyahin ay nilait lait lang siya, kesyo nag pagod daw siya ng ilang taong pag aaral sa kolehoy ng engineering tapos ma uuwi lang pala siya sa pagiging executive assistant.Hindi na rin niya nasabi na

  • The CEO's Fling   kabanata 8

    Mag iisang buwan na rin nang mag umpisang mag trabaho si Nicole sa malaking kumpanyang iyon bilang executive assistant ni CEO Shawn Alexander Montefalco, hindi pa rin sila mag ka sundo ng kaniyang boss dahil para kay Nicole ay ubod pa rin ng sungit at sama ng ugali ng CEO. Pero so far maayos naman, napag tiyatiyagaan pa rin naman ni Nicole dahil kahit saan siya dalhin ay wala naman siyang choice.Kahit pa minsan ay na bubuwisit siya sa ginagawa ng ng Alexander na ito, katulad nalang ngayon, pasado ala una na ay ayaw pa rin siyang payagang kumain ng lunch dahil ang rason ay hindi niya pa daw natatapos i-review ang napaka raming papeles na ibinagsak nito sa lamesa niya kaninang umaga.“Ahh sir, baka naman po pwedeng mag lunch po muna ako babalikan ko nalang po agad ang pag ri-review nitong mga papeles kapag tapos.”Magalang na untag ni Nicole sa masungit niyang boss, nagugutom na kasi talaga siya dahil bukod sa late na ay hindi din siya naka pag almusal sa bahay kanina dahil na late si

  • The CEO's Fling   Kabanata 9

    Hindi mapa lagay si Nicole habang naka upo sa passenger seat ng sasakyan ng kaniyang boss, hindi niya kasi malaman kung mag sasabi ba siya rito ng concern niya o ano.Halos laman ng isang buong closet na kasi ang dami ng mga damit, sapatos at kung ano ano pa ang binili para sakaniya ng CEO. Hindi niya naman malaman kung bakit, oo na at na sabi na nitong kailangan nilang bumiyahe para sa isang business trip bukas kaya lang ay hindi maintindihan ni Nicole kung bakit ganito karaming damit ang kailangang bilhin para sakaniya, isa pang pinag aalala ni Nicole ay araw ng sabado ngayon, tiyak na naroon sa bahay ang tatlong m*****a niyang mga pinsan, hindi niya pwedeng dalhin sa bahay ang mga bagong gamit na iyon dahil baka ma disgrasya lang.Malakas na na napa buntong hininga si Nicole saka sumilip sa bintana ng sasayan, ihahatid daw kasi siya ng kaniyang boss para daw alam na nito bukas kung saan siya susunduin. Hindi naman din kasi ito pumayag na sa opisina nalang sila magkita bukas.“May gu

  • The CEO's Fling   Kabanata 10

    Mag a-alas sinco ng umaga nang magising si Nicole, gusto pa sana niyang bumalik sa pag tulog dahil bukod sa late na siyang naka tulog kagabi sa kangangawa ay nanakit rin ang ilang parte ng katawan niya na mukhang napuruhan yata sa pananakit ng pamilya ni hudas.Impit na napa ungol si Nicole kasabay ng mariing pag pikit nang bahagyang kumirot ang kaliwa niyang braso nang bahagya siyang mag inat, sumabay pa ang pag hapdi ng sugat sa gilid ng kaniyang labi.Napa irap na lamang sa hangin si Nicole nang maalalang may lakad nga pala sila ngayon ng kaniyang boss para business keneme nito sa kung saang lugar.Bigla tuloy siyang na mroblema nanaman kung paano siyang mag papakita sa masungit niyang boss mamaya ng ganito ang itsura, nanakit ang katawan at may mga baon pang pasa sa mukha at gilid ng labi.Malakas na buntong hinga ang pinakawalan ni Nicole saka pilit na kinilos ang katawan para bumangon mula sa hinihigaang banig. Nanakit na nga ang katawan niya pero heto siya at halos kasing tiga

  • The CEO's Fling   Kabanata 11

    Mag ta-tatlumpong minuto na rin ang lumipas matapos lumapag ang sasakyang pang himpapawid na sinakyan nina Nicole ngunit heto pa rin siya at nangangatog pa rin ang mga tuhod, eto naman kasing boss niya ni hindi man lang siya na briefing muna na isa pala itong piloto bago siya inilipad, tuloy sa halip na ma-enjoy ang first time niyang pag sakay sa helicopter ay hindi niya nagawa dahil sa nerbyos, pakiramdam niya ay isang batang paslit ang boss niya kanina na nag mamaneho lang ng de-remote control na eroplano habang kinakalikot ang mga pindutan at kung ano ano pa sa helicopter na iyon kanina.“Hey relax okay? We’re safe we are already in Palawan.”Tila inis na untag sakaniya ng kaniyang boss saka siya inabutan ng isang bottled water, maging ang mga kamay ay nanginginig rin na pilit inabot ang tubig na iyon. Dahil nang hihina at nangangatog ang kalamnan, pakiramdam ni Nicole ay isang napaka tigas na bagay ang plastic na takip ng naka boteng tubig na iyon at kahit anong pilit niya ay hind

Latest chapter

  • The CEO's Fling   Epilogue

    Agad na napa ngiti si Nicole nang magising, mukha kasi agad ni Alexander ang bumungad sa kanya.“Morning beautiful wife.”Naka ngiting bati ni Alexander kay Nicole habang mataman siya nitong tinititigan.“Good morning naughty husband.”Ganting pag bati niya naman dito saka inangat ang kamay para bigyan ito ng mahigpit na yakap na mabilis naman nitong tinangap, agad niya pang iniwas ang mukha nang tangkain siya nitong halikan sa labi, agad namang nangunot ang noo ng kanyang asawa dahil doon.Bago pa man ito mag salita at mag reklamo ay naunahan niya na.“I know this is our honeymoon, alam ko rin na mag asawa na tayo pero hindi pa ako nag to-toothbrush, kaya alis na… mag hihilamos ako.”Sabi niya rito, dahilan ng malakas nitong tawa, pabiro naman itong inirapan ni Nicole saka mahinang itinulak palayo.Muli pang nangunot ang noo niya nang sa halip na lumayo sa kanya si Alexander ay lalo pa itong umusod palapit sa kanya, agad pang napalitan ng mahinang hagikhik ang kunot na kunot niyang

  • The CEO's Fling   Kabanata 55

    Nasa labas pa lamang ng naka sarang pinto ng simbahang iyon ay rinig na ni Nicole ang malamyos na musika sa loob ng simbahan, hindi niya rin mapigilan ang ngumiti dahil sa excitement.Ikakasal na siya sa isang Shawn Alexander Montefalco, sa nag iisang lalaking minahal niya ng sobra sobra.Sa ama ng pinakamamahal niyang anak na si Alexandrea.Sa kanyang CEO.Naramdaman ni Nicole ang pag higpit ng hawak sa braso niya ng kanyang lola, agad niya naman itong tiningnan.“I know I have said this countless times already iha, but congratulations again. I am very happy for you.”Naka ngiting sabi ng matanda, mariin pa siyang napa pikit nang halikan siya nito sa noo kasabay ng pag ayos nito sa suot niyang belo.Hindi na nakuhang mag pasalamat ni Nicole nang marinig ang hudyat ng wedding organizer na mag uumpisa na ang seremonya.Nahigit niya ang pag hinga kasabay ng pag bukas ng pinto ng simabahang iyon, bumungad sa kanya ang napakagandang ayos sa loob ng simbahan, nag kalat ang mga kulay put

  • The CEO's Fling   Kabanata 54

    “Ang ganda mo Besh.”Puri sa kanya ng kaibigang si Leah matapos siyang ayusan ng baklang make-up artist na siya ring nag aasikaso ng lahat.Ngayon ang araw ng kasal nila ni Alexander at pakiradam niya ay kulang ang salitang masaya para ilarawan ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon.Napa ngiti na lamang si Nicole sa kaibigan saka nag pasamat.“Salamat ng marami Leah, Salamat din at pumayag kang maging maid of honor ko.”Sabi niya sa kaibigan saka iminuwestra ang kamay para bigyan ito ng mahigpit na yakap.“Wala iyon ano ka ba, sino pa ba naman ang kukunin mong maid of honor eh ako lang naman nag isang bestfriend mo na ubod ng ganda.”Pabirong sabi nito, sabay pa silang natawa dahil doon.Sabay rin sila halos natigilan nang titigan siya ni Leah.Hindi pa man siya nakakapag salita para mag tanong kung bakit ay naunahan na siya nito.“Wala, hindi lang ako makapaniwalang ikakasal ka na talaga.Masaya ako para sa iyo Nicole, sobrang saya ko para sayo.”Sabi nito saka matamis siyang

  • The CEO's Fling   Kabanata 53

    Hindi mapigilan ni Nicole ang ngumiti ng ubod ng tamis habang matamang tinititigan ang bagong silang niyang sangol, pakiramam niya ay kaya niyang gugulin ang buo niyang mag hapon sa pag titig sa mahimbig na natutulog na anak.“Hey, you should rest too…”Agad na napalingon si Nicole sa kinaroroonan ng pinto nang bumukas iyon kasabay ng pag sasalita ni Alexander.Mas lalo lamang lumaki ang kanyang ngiti nang makita ito.“Alam ko naman, hindi ko lang mapigilan na hindi siya titigan, ang ganda niya Alex, ang ganda ganda ng anak ko.”Masaya niyang sabi, napangiti na rin pabalik si Alexander saka marahang nag lakad palapit sa kanya, ingat na ingat itong huwag maka gawa ng ingay na maaring mag pagising sa bata.“Anak natin, and yes I agree. She’s pretty, I mean what do you expect? Her dad and your soon to be husband is handsome too”Malokong sabi nito, aga naman siyang napa irap dahil doon.“Hindi ka gwapo, at sinong nag sabing papakasalan kita?”Pa biro niya ring sabi na ikinasimangot nama

  • The CEO's Fling   Kabanata 52

    Ilang sandaling katahimikan, hindi makuhang mag salita ni Nicole dahil sa hindi niya inaasahang sasabihin iyon sa kanya ni Alexander.Inaaya siya nitong mag pakasal…Ano nga ba ang isasagot niya doon gayong sa pagkaka alam niya ay mayroon na itong asawa, sa paniniwala niya ay mayroon na itong sariling pamilya.“Say something baby…”Masuyong sabi sa kanya ni Alexander, ngunit katulad kanina ay nanatili lamang naman siyang tahimik, nanlalaki sa gulat ang mga matang matamang naka titig sa binata.“Look, I know our relationship before never turned out fine. Alam ko din na sobrang galit ka saakin, dahil sa ginawa ko, but believe me baby everything has a reason, I only did that to protect you.”Halos pabulong lamang na sabi nito, dahil doon ay hindi malaman ni Nicole kung dapat niya bang paniwalaan ang mga pinag sasabi nito, alam niyang gusto niyang malaman ang lahat, gusto niyang maintindihan ang lahat ngunit hindi niya itatanging hindi iyon ang gusto niyang marinig.“Marry me, Nicole

  • The CEO's Fling   Kabanata 51

    Dalawang oras na ang lumipas mula noong maka uwi sila ni Leah mula sa mall na iyon ngunit hindi pa rin mawala ang kaba ni Nicole mula sa maikling oras na pag uusap nila ni Alexander, hindi niya naisip o inasahan na magkikita sila doon ng binata at lalong hindi niya na kailanman inasahan na makikita nito ang pag bubuntis niya.At dahil hindi niya na inasahan pa iyon ay hindi niya na napag handaan ang dapat niyang sabihin kung sakaling mag kikita sila at malalaman nito ang tungkol sa kanyang pag bubuntis, at ang bagay na hindi niya inaasahan ay nangyari na nga kanina.Sa halip na ilayo si Alexander sa pag iisip na ito nga nag tatay ng batang dinadala niya, sa tingin niya ay mas lalo lamang niya itong inilapit sa paniniwalang ito nga ang ama dahil sa mga sagot niya rito kanina na hindi niya man lang pinag isipan.Sino pa ba naman ang makakapag isip ng matino sa ganong sitwasyon?Mabuti na lamang at hindi na nag salita pa at nag tanong ang kaibigan niyang si Leah at nanatili na lamang

  • The CEO's Fling   Kabanata 50

    Pitong buwan, pitong buwan na ang lumipas at malaki na rin ang tiyan ni Nicole, hangang ngayon ay wala pa ring may alam sa dati niyang trabaho tungkol sa kanyang pag bubuntis, iyon naman talaga ang gusto niya at ipinakiusap niya sa lahat. Pumayag naman ang kanyang mga ka-anak lalo pa noong malaman ng mga ito na ang CEO ng kapartner nilang kumpanya ang ama ng barang dinadala niya. Ayaw niya nang malaman pa ni Alexander ang tungkol sa magiging anak nila at naiintindihan naman iyon ng kanyang pamilya. Hindi na rin nag tanong pa ang mga ito kung bakit nga ba iyon ang gusto niyang mangyari, para sa kanya ay sapat nang alam niya na may sarili nang pamilya si Alexander, pilit niya na lamang sinisiksik sa kanyang sistema na hindi niya kailangan si Alexander at lalong hindi ito kailangan ng magiging anak nila. “Hi, ready ka na?” Agaw sa kanyang pansin ng kaibigang si Leah, mabilis naman niya itong tinanguan saka muli pang pinasadahan ng tingin ang sariling repleksyon sa malaking salamin na

  • The CEO's Fling   Kabanata 49

    Halos manginig ang mga kamay ni Nicole sa sobrang kaba, hindi niya nga rin makuhang galawin ang mga pagkaing nasa plato niya at tahimik lamang na pinakikiramdman ang kanyang paligid, tahimik na nakikinig sa pag uusap ng kanyang mga ka-anak na pinangungunahan ng kanyang lolo at lola.Kasalukuyan silang nasa dining at mag kakasalong nag aalmusal, nariyan ang mga tawanan at biruan ngunit hindi magawang makisali ni Nicole at alam niya kung bakit.Buong gabi niya ring pinag isipan ang balak niyang sabihin na sa mga ito ang tungkol sa pag bubuntis niya, ano man ang magiging resulta niyon maging ang mga magiging reaksyon ng mga ito ay buong puso niyang tatangapin.Mukha ring alam na ng pinsan niyang si Domenic ang balak niya dahil kanina pa siya nitong pasimpleng tinititigan, sasagutin niya naman iyon ng matalim na irap na alam niyang hindi nito nagugustuhan.“Natalia iha, I am glad that you are feeling better now.”Masuyong ang tinig na agaw sa kanyang pansin ng kanyang butihing lola, ma

  • The CEO's Fling   Kabanata 48

    Pag pasok pa lamang sa clinic na iyon ay halos manlambot na ang mga tuhod ni Nicole, hindi siya mapalagay sa magiging resulta ng test na gagawin sa kanya.Tila ba siya isang taong sakitin na nag hihintay na sabihin ng doctor kung ilang araw, buwan o taon na lamang ang itatagal niya.Idagdag pang talagang malakas ang kutob niyang magiging positibo ang pregnacy testing na ginagawa ng mga espisyalista sa clinic na iyon ay halos manginig na siya sa kaba.Tahimik siyang naka upo sa waiting area katabi ang pinsan niyang masama ang tingin sa kanya. Naiintindihan niya naman ang pinag mumulan ng inis at galit nito, alam kasi nito ang halos lahat ng pasakit na pinagdaanan niya kay Alexander, ito pa ang nanguna sa desisyong huwag na niyang lalapitan ang CEO ng kumpanyang dati niyang pinapasukan tapos bigla ay malalaman nitong buntis siya at tiyak na alam din nitong si Alexander ang ama.Agad ang pag ragasa ng kaba sa kanyang sistema nang ibaling nito ang tingin sa kanya, nag madali pa siyang mag

DMCA.com Protection Status