Napaka malas niya, mali mang sabihin ang bagay na iyon dahil lalabas na masyado siyang ungrateful sa lahat ng blessings na natangap niya sa buong buhay niya pero iyon ang nararamdaman ni Nicole ngayon.
Alam niyang mali na sabihing malas siya dahil sa mabuting taong tumulong sakaniya para maka pag tapos ng pag aaral sa kolehiyo at sa kaniyang malupit na tiyahin pati na rin sa mga malditang mga anak nito kahit pa nga hindi sigurado ni Nicole kung dapat ba siyang mag pa salamat sa pag kupkop sakaniya ng mga ito o hindi. Isama na rin ang pag graduate niya sa kolehiyo bilang summa cum laude, dapat siyang maging grateful sa lahat ng bagay na iyon pati na rin sa iba pang blessings na natatangap niya araw araw alam niyang wala siyang karapatan na sabihing malas siya.Pero talagang pakiramdam ngayon ni Nicole eh napaka malas niyang tao.Sa lahat ba naman kasi ng taong pwede niyang maging boss kung sakali mang matangap siyang mag trabao sa malaking kumpanyang ito ay ito pang bastos at walang modong lalaki na ito na bukod sa inagawan na siya ng almusal kanina eh ininsulto pa siya, at lalong sa lahat naman ng taong pwedeng mag interview sa kaniya ay ang parehong bastos at walang modong lalaki pa.Kaya pala ang lakas ng loob nitong mang alipusta ng kapwa dahil bukod sa saksakan na nga ng gwapo eh mayaman pa pala.Gwapo? No hindi niya sinabing gwapo ang lalaking kaharap niya ngayon na naka upo sa swivel chair, may hawak na ballpen, naka tuxedo habang naka hawak sa sa baba ang kaliwang kamay at mataman siyang tinitiigan.Halos mabingi si Nicole sa tunog ng marahang pag click na galing sa ballpen na hawak at pinag lalaruan ng lalaki sa harap niya, naririnig na rin niya ang malakas na kabog ng dibdib niya.Pwede naman siguro siyang mag request na ibang tao at ibang boss nalang ang mag interview sakaniya diba?Bakit ba naman kasi ang lalaking ito pa ang mag i-interview sakaniya ngayon eh pwede namang ibang tao basta boss nalang.Parang tangang tanong ni Nicole sa sarili, napa iling rin naman sya sa huli nang ma-realize na hindi pwede ang gusto niyang mangyari at lalong hindi siya pwedeng sa bastos na lalaking nasa harap niya ngayon mismo siya mag request niyon.Nakaka inis ang itsura nito ngayon, naka smirk ito sakaniya na para bang sinasabing ‘I know who you are and you are in trouble now’.At ang mas nakaka inis pa doon ay gusto niyang batuhin ng luma niyang sapatos ang lalaki sa mismong mukha nito nang mawala naman ang naka inis nitong ngiti pero syempre, hindi niya pwedeng gawin iyon kasi nga boss ang lalaki at hindi lang iyon ito pa ang mag i-interview sakaniya at kailangan niyang mag paka bait kung gusto niyang makuha ang trabahong ito.Mas lalo lang siyang nainis nang makita ang baso ng kape na naka patong sa lamesa nito, sa itsura ng kape ay alam niyang wala pang bawas iyon at alam niya ring malamig na iyon, naroon pa naka sulat ang pangalang ‘Nicole’ ang pangalan niya, ibig sabihin iyon ang kape na inagaw nito sakaniya kanina.Napaka sama talaga ng ugali, hindi rin naman pala iinumin nang agaw pa. Kung hidi nito inagaw ang kape na para dapat sakanya eh di sana nainom niya pa, hindi sana nasayang at mas lalong hindi sana siya gutom at naiinis sa lalaking ito ngayon.“So you are Miss Natalia Nicolette Lorenzo? From the coffee shop this morning am I right?”Halos manlamig ang buong katawan ni Nicole nang marinig na mag salita ang lalaking kaharap niya, aaminin niya natatakot siya, well sino ba naman ang hindi matatakot sa itsura ng lalaking ito eh kulang na lang yata ay isang pares ng sungay at buntot eh papasa nang demonyo?“O-opo sir. Ako po iyong sa co-coffee shop kanina.”Nauutal na pinilit ni Nicole ang sumagot, tinatanong kasi siya kaya malamang na sasagot siya.“Hmm just so I though, so tell me hindi mo ba naalala ang sinabi ko sayo kanina?”Muling sabi nito na mas lalo pang lumaki ang nakaka lokong ngiti sa mga labi, saglit naman na nag isip si Nicole kung ano nga ba ang sinabi nito kanina, ilang sandali rin ang ginugol ni Nicole sa pag iisip at kulang nalang ay lumaki ang kaniyang mga mata nang maalala ang tungkol sa sinabi nito.‘Don’t worry, you won’t get hired!’Parang echo na muling narinig ni Nicole ang mga salitang iyon na sinabi ng lalaki sakaniya kanina.Kaya pala sinabi iyon ng lalaki dahil dito pala ito nag ta-trabaho. At hindi lang ito basta impleyado dito, boss pa pala ito.Saglit na nag angat ng ulo si Nicole at napa tingin sa direksyon ng lamesa nito, mayroong isang parang trophy na naka patong doon at may naka sulat na pangalan, agad iyong binasa ni Monique.‘Shawn Alexander Montefalco- CEO’Gustong sumigaw ni Nicole sa inis at sabihin sa sarili na ‘ang malas mo, ang malas malas mo!’.Wala na, pinahamak nanaman siya ng walang filter niyang bibig, aba malay niya ba naman kasi na ang lalaking bastos na ito ang mismon CEO ng kumpanyang pag a-aplayan niya, kung alam niya lang naman eh di sana siya pa mismo ang nag timpla ng kape nito kanina.Muling napa iling si Nicole, hindi. Kahit CEO pa ito o kahit pa nga ito pa ang may ari ng kumpanya ay mali pa rin ito kaya tama lang na inaway niya ito kanina.Pero teka, Montefalco? Kaano ano kaya ito ni sir Luis Montefalco? Mag ka pareho kasi ito ng apelido tsaka iyong matandang mabait na nag pa aral sakaniya.Saglit na nag isip si Nicole ngunit napa talon rin lang sa gulat nang muling mag salita ang lalaki.“Graduate ka pala sa isa sa malaking unibersidad na sakop ng aming kumpanya Miss Lorenzo? And oh, summa cum laude of aeronautical engineering?”Basa nito sa kaniyang resume, kunot na kunot ang noo nito na tumingin sakaniya.“O-opo, graduate po ako sa unibersidad na sakop ng pangangalaga ng kumpaniya ninyo s-sir, at opo din po, s-s-summa cum laude po ako sa kursong aeronautical engineering.”Nauutal na sagot ni Nicole sa lalaki, gusto niyang sumimangot dahil habang nag tatagal siya sa harap nito ay mas lalo lamang niyang na papatunayan ang kagaspangan ng ugali nito.Hindi man lang kasi siya ayain na ma upo muna bago siya tanungin ng tanungin katulad ng alam niyang nagaganap sa pormal na mga job interview.Syempre ayaw niya rin namang mag kusang maupo dahil baka sabihin pa nito na masyadong makapal ang mukha niya, ang sama pa naman ng ugali ng lalaking ito.Naku lang, kung hindi lang kailangan na kailangan ni Nicole ang trabahong pwedeng maibigay sakaniya ng ganito ka laki at ka asensong kumpanya ay hindi siya mag tiyatiyagang tumayo sa harap nito ngayon.“I can see in your resume that you are under this multi-billion company’s study now pay later program, am I right Miss Lorenzo?”Muling sabi nito matapos basahin ang kaniyang baong resume, at muli nanaman siyang tinitigan.“Y-yes sir, tama p-po kayo.”Sa hindi malamang dahilan ni Nicole ay nahihirapan siyang gumalang sa lalaking ito, sa ugali naman kasi nito ay mukhang hindi naman karapat dapat na galangin.Pero siyempre nga dahil isang CEO ang kaharap niya o mas tamang sabihing bastos at hambog na CEO ang kaharap niya ngayon ay kailangan niyang gumalang dito labag man sa loob niya.“Hmm I see, I see.”Sabi nito habang may pa tango tango pang nalalaman.‘Yabang, pilipitin ko kaya leeg neto?’Na pipikang bulong ni Nicole sa sarili.“To be honest with you miss Lorenzo, we are looking for employees who are more you know, magalang, mabait, hindi palingkera at asal kalye. Sa inasta mo kanina sa coffee shop ay malayong malayo ka sa hinahanap na empleyado ng kumpanyang ito. Bale wala ang mataas na parangal mula sa iskwelahan kung basura naman ang ugali mo.Isa pa, nag tataka ako kung paano kang naka pasok sa program ng kumpaniya sa unibersidad na iyon. Hmm let me guess, inaway mo rin ba ang taong nag bibigay ng scholarship?”Mahabang sabi nito na puro lang naman pang lalait, napipikon na tiningnan niya ito ng masama. Gusto ni Nicole na iparamdam dito ang galit at inis niya sa pang hahamak nito sakaniya.Aminado naman si Nicole na mahirap siya, mas mahirap pa nga yata siya kumpara sa daga eh, matapang rin siya at walang preno ang bibig kung mag salita lalo pa at nasa tama ang ipinag lalaban niya.Pero walang karapatan ang kahit na sino na laitin at tapak tapakan siya, sawang sawa na siya doon dahil iyon nalang palagi ang natatangap niya mula sa mga taong itinuturing niyang pamilya.Humugot ng malalim na pag hinga si Nicole saka lakas loob na nag salita.“With all due respect sir, kahit hindi naman po ka rispe-rispeto ang ugali ninyo. Hindi po ako nag punta dito para pakingan kayong laitin, insultuhin at tapak tapakan ang pagkatao ko. Nandito po ako para sa isang job interview dahil nag hahanap po ako ng matinong trabaho, trabaho na alam kong qualified ho ako, at mali ho kayo, ikaw po ang mali sa nangyari sa coffee shop kanina, kayo po ang may bastos at walang modong ugali. Alam ko pong mali na sabihin ito sainyo pero mukhang ako po yata ang dapat na mag tanong kung paano po kayong naloklok sa ganito kataas na posisyon sa kumpanyang ito gayong ganyan ho ka bastos ang ugali ninyo? May malaking taong backer ho ba kayo dito? Kasi kung oo hindi ako mag tataka na dahil lamang doon kaya naka apak kayo sa posisyon bilang CEO ng kumpanyang ito!”Mahabang lintanya ni Nicole, galit siya at alam niya iyon. Tatangapin iya rin kung isang malaking YOU”RE NOT HIRED ang isigaw nito sa mukha niya at wala na siyang paki alam doon.Pakiramdam ni Nicole ay nanginginig ang bawat kalamnan niya dahil sa sobrang galit at inis, muli niyang binalingan ang bastos at walang modong CEO na tiim bagang lang na naka titig sakaniya.‘Oh di natahimik ka ngayon?’Gustong isigaw ni Nicole ang mga salitang iyon sa mismong pag mumukha ng hambog na Alexander na ito ngunit bago pa man niya gawin iyon ay na agaw na ang atensyon nila pareho nang biglang bumukas ang pinto, hindi kilala ni Nicole ang isang matandang lalaki na pumasok pero pamilyar ang mukha nito, naka suot ito ng kulay grey na tuxedo at itsura palang ay makapangyarihan na.Marahan itong pumapalakpak habang papalapit sakaniya, naguguluhan na sinulyapan ni Nicole ang mayabang at bastos na CEO na katulad niya ay mukhang hindi rin naiintindihan ang nangyayari.“Bravo Miss Lorenzo, welcome to our company. You are hired!”Malaki ang ngiti na sabi nito sakaniya.“P-po?!”“What?!”Sabay na sabi nila ng bastos na CEO na bakas sa mukha ang pag tutol.“You heard me Alexander, Miss Lorenzo will be working with us.”Ang kaninang naka ngiting matanda ay naging seryoso, saglit na natakot si Nicole dahil nangangamoy away ang dalawa.“Hell no, you can’t just hire that woman!”Galit na sigaw ng bastos na CEO sa matanda, napa irap naman si Nicole at inis na inis nanaman itong tinitigan, for a minute gusto nanaman niyang kunin ang sapatos mula sa pagkaka suot sa paa at ibato iyon ng malakas lakas sa mukha ng lalaki.Napaka bastos kasi talaga ng ugali, pati matanda ay sinisigawan sa halip na gumalang.Napa buntong hininga nalang si Nicole at tahimik na nakinig sa usapan,ay hindi naman pala siya nakikinig dahil hindi naman nag uusap ang dalawang tao sa harap niya ngayon, nag titigigan lang sila, literal.Kung nakaka matay nga lang ang masamang titig ay pareho at sabay nang bumulagta ang dalawang ito.Sa halip na manood sa titigan contest ng walang modong CEO at ng matandang lalaki na siyang nag nag hire sakaniya ay inilibot nalang ni Nicole ang mata sa magarang opisina ng CEO na walang modo at nag ngangalang Alexander Montefalco.Montefalco…Napa titig si Nicole sa CEO saka muli nanamang nag isip kung kaano ano nga kaya nito si sir Luis Montefalco?“Utos ng iyong papa na siya mismo nag mag i-interview kay Miss Lorenzo, bakit ka nakiki middle sa trabaho na dapat ang iyong ama mismo ang gagawa? Apparently napakingan at napanuod namin ang interview na ginagawa mo kay miss Lorenzo and your father asked me to tell you that miss Alonzo is hired.”Mahabang litanya ng matandang lalaki na nag pa agaw sa atensyon ni Nicole, hindi na rin sumagot ang mayabang na si Alexander at nag tiim bagang nalang, nalipat ang tingin nito sa kung saan at sinundan naman ni Nicole ang tinitignan nito, nakita niya ang isang camera na malapit sa pinto, nang marahil ay makuntento sa pag tingin sa camera ay siya naman ang sinamaan nito ng tingin.“Miss Lorenzo, please follow me.’Baling sakaniya ng lalaki, agad namang sumunod si Nicole, bago lumabas ay tiningnan muna niya ang CEO, gusto niyang dilaan ito pero pinigil niya ang sarili, sa halip ay nginitian niya nalang ito ng ubod ng tamis.Umakma naman itong babatuhin siya ng isang picture frame kaya nag madali na siyang lumabas sa opisina nito at tahimik na sumunod sa matandang lalaki na inutusan daw ng daddy ni CEO Sungit.Muling napa isip si Nicole.Daddy? Baka anak ni sir Luis ang hambog na iyon?Buong akala ni Nicole ay ang opisina na ng masama ang ugaling CEO ang pinakamaganda at pinaka malaking opisin sa buong building na iyon, ngunit nang maka pasok siya sa opisina ng kung sino mang nag pa tawag sakaniya ay na-realize ni Nicole na mali siya, hindi ang opisina ng bastos na CEO ang pinaka maganda at pinaka malaki, kung ikukumpara ang opisina ng hambog na iyon sa opisinang pinasukan niya ngayon ay lalabas na langam lang iyon kumpara dito.Namamanghang inilibot ni Nicole ang ulo sa kabuoan ng opisinang iyon, napaka linis niyong tignan dahil sa kulay puti ang theme niyon, kumpleto rin sa mga gamit, mayroon ding maliit na kusina, sala set TV at kung ano ano pa. Papasa na ngang bahay iyon eh, mas malaki pa sa bahay ng kaniyang malditang tiyang Norma.Hindi agad nakita ni Nicole ang taong ipinunta nila doon, mayroon kasing kwarto sa may bandang gilid hula ni Nicole ay iyon marahil ang nag sisilbing tangapan ng taong umuukopa ng kwartong iyon sa malaking kompanyang kinaroroonan niy
Alas kwatro palang ng umaga ay gising na si Nicole at abala na sa pag hahanda ng almusal para sa mga dugong bughaw na mga anak ng kaniyang tiyang Norma na pinag sisilbihan niya, marami pa siyang kailangang gawin na mga gawaing bahay ngunit ang iba ay mamaya nalang niya gagawin, pag katapos niya kasi sa pag luluto at pag hihintay na magising ang mga mahal na prinsesa pati na rin ang na inang reyna ay kailangan niya na ring mag handa para sa kaniyang ‘first day of work’ bilang EA ni CEO yabang.Masayang masaya si Nicole kahapon nang maka uwi mula sa kumpanyang iyon, excited na excited pa siya na sabihin sa kaniyang tiyang Norma na may trabaho na siya, malaki pa ang ngiti na inabot niya rito para ipakita ang kaniyang ID na galing kay sir Luis, kaya lang sa halip na i-congratulate siya ng tiyahin ay nilait lait lang siya, kesyo nag pagod daw siya ng ilang taong pag aaral sa kolehoy ng engineering tapos ma uuwi lang pala siya sa pagiging executive assistant.Hindi na rin niya nasabi na
Mag iisang buwan na rin nang mag umpisang mag trabaho si Nicole sa malaking kumpanyang iyon bilang executive assistant ni CEO Shawn Alexander Montefalco, hindi pa rin sila mag ka sundo ng kaniyang boss dahil para kay Nicole ay ubod pa rin ng sungit at sama ng ugali ng CEO. Pero so far maayos naman, napag tiyatiyagaan pa rin naman ni Nicole dahil kahit saan siya dalhin ay wala naman siyang choice.Kahit pa minsan ay na bubuwisit siya sa ginagawa ng ng Alexander na ito, katulad nalang ngayon, pasado ala una na ay ayaw pa rin siyang payagang kumain ng lunch dahil ang rason ay hindi niya pa daw natatapos i-review ang napaka raming papeles na ibinagsak nito sa lamesa niya kaninang umaga.“Ahh sir, baka naman po pwedeng mag lunch po muna ako babalikan ko nalang po agad ang pag ri-review nitong mga papeles kapag tapos.”Magalang na untag ni Nicole sa masungit niyang boss, nagugutom na kasi talaga siya dahil bukod sa late na ay hindi din siya naka pag almusal sa bahay kanina dahil na late si
Hindi mapa lagay si Nicole habang naka upo sa passenger seat ng sasakyan ng kaniyang boss, hindi niya kasi malaman kung mag sasabi ba siya rito ng concern niya o ano.Halos laman ng isang buong closet na kasi ang dami ng mga damit, sapatos at kung ano ano pa ang binili para sakaniya ng CEO. Hindi niya naman malaman kung bakit, oo na at na sabi na nitong kailangan nilang bumiyahe para sa isang business trip bukas kaya lang ay hindi maintindihan ni Nicole kung bakit ganito karaming damit ang kailangang bilhin para sakaniya, isa pang pinag aalala ni Nicole ay araw ng sabado ngayon, tiyak na naroon sa bahay ang tatlong m*****a niyang mga pinsan, hindi niya pwedeng dalhin sa bahay ang mga bagong gamit na iyon dahil baka ma disgrasya lang.Malakas na na napa buntong hininga si Nicole saka sumilip sa bintana ng sasayan, ihahatid daw kasi siya ng kaniyang boss para daw alam na nito bukas kung saan siya susunduin. Hindi naman din kasi ito pumayag na sa opisina nalang sila magkita bukas.“May gu
Mag a-alas sinco ng umaga nang magising si Nicole, gusto pa sana niyang bumalik sa pag tulog dahil bukod sa late na siyang naka tulog kagabi sa kangangawa ay nanakit rin ang ilang parte ng katawan niya na mukhang napuruhan yata sa pananakit ng pamilya ni hudas.Impit na napa ungol si Nicole kasabay ng mariing pag pikit nang bahagyang kumirot ang kaliwa niyang braso nang bahagya siyang mag inat, sumabay pa ang pag hapdi ng sugat sa gilid ng kaniyang labi.Napa irap na lamang sa hangin si Nicole nang maalalang may lakad nga pala sila ngayon ng kaniyang boss para business keneme nito sa kung saang lugar.Bigla tuloy siyang na mroblema nanaman kung paano siyang mag papakita sa masungit niyang boss mamaya ng ganito ang itsura, nanakit ang katawan at may mga baon pang pasa sa mukha at gilid ng labi.Malakas na buntong hinga ang pinakawalan ni Nicole saka pilit na kinilos ang katawan para bumangon mula sa hinihigaang banig. Nanakit na nga ang katawan niya pero heto siya at halos kasing tiga
Mag ta-tatlumpong minuto na rin ang lumipas matapos lumapag ang sasakyang pang himpapawid na sinakyan nina Nicole ngunit heto pa rin siya at nangangatog pa rin ang mga tuhod, eto naman kasing boss niya ni hindi man lang siya na briefing muna na isa pala itong piloto bago siya inilipad, tuloy sa halip na ma-enjoy ang first time niyang pag sakay sa helicopter ay hindi niya nagawa dahil sa nerbyos, pakiramdam niya ay isang batang paslit ang boss niya kanina na nag mamaneho lang ng de-remote control na eroplano habang kinakalikot ang mga pindutan at kung ano ano pa sa helicopter na iyon kanina.“Hey relax okay? We’re safe we are already in Palawan.”Tila inis na untag sakaniya ng kaniyang boss saka siya inabutan ng isang bottled water, maging ang mga kamay ay nanginginig rin na pilit inabot ang tubig na iyon. Dahil nang hihina at nangangatog ang kalamnan, pakiramdam ni Nicole ay isang napaka tigas na bagay ang plastic na takip ng naka boteng tubig na iyon at kahit anong pilit niya ay hind
Madilim na nang magising si Nicole, saglit niyang pinakiradaman ang sarili, wala pa rin namang nag babago sa pakiramdam niya masakit pa rin halos ang buo niyang katawan dahil sa nangyari kagabi, dumagdag pa ngayon ang ulo niyang bahagyang kumikirot, malakas siyang napa buntong hininga saka inilibot ang tingin sa kabuoan ng malaking silid na iyon.Sandali pa siyang nanibago sa paligid ngunit naka pag adjust din naman kaagad nang maalalang nasa hotel nga pala siya sa Palawan kasama si CEO Alexander Montefalco.Wala sa silid ang kaniyang boss kaya tiningnan niya na rin maging ang malaking sofa na naroon sa pag babaka sakaling naroon ito, napa irap siya sa pag ka dismaya nang wala siyang nakitang Alexander, bahagya ring naka bukas ang pinto ng banyo kaya sigurado siyang wala din doon ang kaniyang boss, agad ang pag ragasa ng kaba sa dibdib ni Nicole nang maisip na baka iniwan na siya doon ng CEO dahil sa sobrang pagka bad trip nito saniya.Kaunting pag iisip nalang tungkol doon ay mat
Halos mamula na ang pisngi ni Nicole dahil sa pag ubo, dahil kasi sa nerbyos niya sa biglang pag lapit at pag kausap sa kanya ng kanyang boss ay walang pag dadalawang isip na agad niyang kinuha ang inaabot nitong akala niya ay beer iyon pala ay isang matapang na alak ang laman. “Come on Lorenzo it’s just a beer.” Tila inis pang sabi nito sa kanya, ngani ngani niya naman itong kaltokan ng malaks lakas sa ulo at sigawan ng ‘beer lang? Eh halos mamatay matay na ako sa sama at tapang ng lasa niyan eh’ kaya lang syempre hindi niya pwedeng gawin iyon. Dahil una, boss niya ito at alalay lamang siya nito, magka trabaho lamang sila ni hindi nga sila mag kaibigan, pangalawa siya naman din talaga ang may kasalanan. Siya ang kusang kumuha ng ibinigay nitong alak sa kanya at hindi din naman siya nito pinilit na uminom. “A-ang tapang ng-ng l-lasa.” Hindi pa rin maituwid ang salitang sabi ni Nicole, wala na siyang pakialam kung tunog pag ri-reklamo man iyon para kay Alexander Montefalco, hindi
Agad na napa ngiti si Nicole nang magising, mukha kasi agad ni Alexander ang bumungad sa kanya.“Morning beautiful wife.”Naka ngiting bati ni Alexander kay Nicole habang mataman siya nitong tinititigan.“Good morning naughty husband.”Ganting pag bati niya naman dito saka inangat ang kamay para bigyan ito ng mahigpit na yakap na mabilis naman nitong tinangap, agad niya pang iniwas ang mukha nang tangkain siya nitong halikan sa labi, agad namang nangunot ang noo ng kanyang asawa dahil doon.Bago pa man ito mag salita at mag reklamo ay naunahan niya na.“I know this is our honeymoon, alam ko rin na mag asawa na tayo pero hindi pa ako nag to-toothbrush, kaya alis na… mag hihilamos ako.”Sabi niya rito, dahilan ng malakas nitong tawa, pabiro naman itong inirapan ni Nicole saka mahinang itinulak palayo.Muli pang nangunot ang noo niya nang sa halip na lumayo sa kanya si Alexander ay lalo pa itong umusod palapit sa kanya, agad pang napalitan ng mahinang hagikhik ang kunot na kunot niyang
Nasa labas pa lamang ng naka sarang pinto ng simbahang iyon ay rinig na ni Nicole ang malamyos na musika sa loob ng simbahan, hindi niya rin mapigilan ang ngumiti dahil sa excitement.Ikakasal na siya sa isang Shawn Alexander Montefalco, sa nag iisang lalaking minahal niya ng sobra sobra.Sa ama ng pinakamamahal niyang anak na si Alexandrea.Sa kanyang CEO.Naramdaman ni Nicole ang pag higpit ng hawak sa braso niya ng kanyang lola, agad niya naman itong tiningnan.“I know I have said this countless times already iha, but congratulations again. I am very happy for you.”Naka ngiting sabi ng matanda, mariin pa siyang napa pikit nang halikan siya nito sa noo kasabay ng pag ayos nito sa suot niyang belo.Hindi na nakuhang mag pasalamat ni Nicole nang marinig ang hudyat ng wedding organizer na mag uumpisa na ang seremonya.Nahigit niya ang pag hinga kasabay ng pag bukas ng pinto ng simabahang iyon, bumungad sa kanya ang napakagandang ayos sa loob ng simbahan, nag kalat ang mga kulay put
“Ang ganda mo Besh.”Puri sa kanya ng kaibigang si Leah matapos siyang ayusan ng baklang make-up artist na siya ring nag aasikaso ng lahat.Ngayon ang araw ng kasal nila ni Alexander at pakiradam niya ay kulang ang salitang masaya para ilarawan ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon.Napa ngiti na lamang si Nicole sa kaibigan saka nag pasamat.“Salamat ng marami Leah, Salamat din at pumayag kang maging maid of honor ko.”Sabi niya sa kaibigan saka iminuwestra ang kamay para bigyan ito ng mahigpit na yakap.“Wala iyon ano ka ba, sino pa ba naman ang kukunin mong maid of honor eh ako lang naman nag isang bestfriend mo na ubod ng ganda.”Pabirong sabi nito, sabay pa silang natawa dahil doon.Sabay rin sila halos natigilan nang titigan siya ni Leah.Hindi pa man siya nakakapag salita para mag tanong kung bakit ay naunahan na siya nito.“Wala, hindi lang ako makapaniwalang ikakasal ka na talaga.Masaya ako para sa iyo Nicole, sobrang saya ko para sayo.”Sabi nito saka matamis siyang
Hindi mapigilan ni Nicole ang ngumiti ng ubod ng tamis habang matamang tinititigan ang bagong silang niyang sangol, pakiramam niya ay kaya niyang gugulin ang buo niyang mag hapon sa pag titig sa mahimbig na natutulog na anak.“Hey, you should rest too…”Agad na napalingon si Nicole sa kinaroroonan ng pinto nang bumukas iyon kasabay ng pag sasalita ni Alexander.Mas lalo lamang lumaki ang kanyang ngiti nang makita ito.“Alam ko naman, hindi ko lang mapigilan na hindi siya titigan, ang ganda niya Alex, ang ganda ganda ng anak ko.”Masaya niyang sabi, napangiti na rin pabalik si Alexander saka marahang nag lakad palapit sa kanya, ingat na ingat itong huwag maka gawa ng ingay na maaring mag pagising sa bata.“Anak natin, and yes I agree. She’s pretty, I mean what do you expect? Her dad and your soon to be husband is handsome too”Malokong sabi nito, aga naman siyang napa irap dahil doon.“Hindi ka gwapo, at sinong nag sabing papakasalan kita?”Pa biro niya ring sabi na ikinasimangot nama
Ilang sandaling katahimikan, hindi makuhang mag salita ni Nicole dahil sa hindi niya inaasahang sasabihin iyon sa kanya ni Alexander.Inaaya siya nitong mag pakasal…Ano nga ba ang isasagot niya doon gayong sa pagkaka alam niya ay mayroon na itong asawa, sa paniniwala niya ay mayroon na itong sariling pamilya.“Say something baby…”Masuyong sabi sa kanya ni Alexander, ngunit katulad kanina ay nanatili lamang naman siyang tahimik, nanlalaki sa gulat ang mga matang matamang naka titig sa binata.“Look, I know our relationship before never turned out fine. Alam ko din na sobrang galit ka saakin, dahil sa ginawa ko, but believe me baby everything has a reason, I only did that to protect you.”Halos pabulong lamang na sabi nito, dahil doon ay hindi malaman ni Nicole kung dapat niya bang paniwalaan ang mga pinag sasabi nito, alam niyang gusto niyang malaman ang lahat, gusto niyang maintindihan ang lahat ngunit hindi niya itatanging hindi iyon ang gusto niyang marinig.“Marry me, Nicole
Dalawang oras na ang lumipas mula noong maka uwi sila ni Leah mula sa mall na iyon ngunit hindi pa rin mawala ang kaba ni Nicole mula sa maikling oras na pag uusap nila ni Alexander, hindi niya naisip o inasahan na magkikita sila doon ng binata at lalong hindi niya na kailanman inasahan na makikita nito ang pag bubuntis niya.At dahil hindi niya na inasahan pa iyon ay hindi niya na napag handaan ang dapat niyang sabihin kung sakaling mag kikita sila at malalaman nito ang tungkol sa kanyang pag bubuntis, at ang bagay na hindi niya inaasahan ay nangyari na nga kanina.Sa halip na ilayo si Alexander sa pag iisip na ito nga nag tatay ng batang dinadala niya, sa tingin niya ay mas lalo lamang niya itong inilapit sa paniniwalang ito nga ang ama dahil sa mga sagot niya rito kanina na hindi niya man lang pinag isipan.Sino pa ba naman ang makakapag isip ng matino sa ganong sitwasyon?Mabuti na lamang at hindi na nag salita pa at nag tanong ang kaibigan niyang si Leah at nanatili na lamang
Pitong buwan, pitong buwan na ang lumipas at malaki na rin ang tiyan ni Nicole, hangang ngayon ay wala pa ring may alam sa dati niyang trabaho tungkol sa kanyang pag bubuntis, iyon naman talaga ang gusto niya at ipinakiusap niya sa lahat. Pumayag naman ang kanyang mga ka-anak lalo pa noong malaman ng mga ito na ang CEO ng kapartner nilang kumpanya ang ama ng barang dinadala niya. Ayaw niya nang malaman pa ni Alexander ang tungkol sa magiging anak nila at naiintindihan naman iyon ng kanyang pamilya. Hindi na rin nag tanong pa ang mga ito kung bakit nga ba iyon ang gusto niyang mangyari, para sa kanya ay sapat nang alam niya na may sarili nang pamilya si Alexander, pilit niya na lamang sinisiksik sa kanyang sistema na hindi niya kailangan si Alexander at lalong hindi ito kailangan ng magiging anak nila. “Hi, ready ka na?” Agaw sa kanyang pansin ng kaibigang si Leah, mabilis naman niya itong tinanguan saka muli pang pinasadahan ng tingin ang sariling repleksyon sa malaking salamin na
Halos manginig ang mga kamay ni Nicole sa sobrang kaba, hindi niya nga rin makuhang galawin ang mga pagkaing nasa plato niya at tahimik lamang na pinakikiramdman ang kanyang paligid, tahimik na nakikinig sa pag uusap ng kanyang mga ka-anak na pinangungunahan ng kanyang lolo at lola.Kasalukuyan silang nasa dining at mag kakasalong nag aalmusal, nariyan ang mga tawanan at biruan ngunit hindi magawang makisali ni Nicole at alam niya kung bakit.Buong gabi niya ring pinag isipan ang balak niyang sabihin na sa mga ito ang tungkol sa pag bubuntis niya, ano man ang magiging resulta niyon maging ang mga magiging reaksyon ng mga ito ay buong puso niyang tatangapin.Mukha ring alam na ng pinsan niyang si Domenic ang balak niya dahil kanina pa siya nitong pasimpleng tinititigan, sasagutin niya naman iyon ng matalim na irap na alam niyang hindi nito nagugustuhan.“Natalia iha, I am glad that you are feeling better now.”Masuyong ang tinig na agaw sa kanyang pansin ng kanyang butihing lola, ma
Pag pasok pa lamang sa clinic na iyon ay halos manlambot na ang mga tuhod ni Nicole, hindi siya mapalagay sa magiging resulta ng test na gagawin sa kanya.Tila ba siya isang taong sakitin na nag hihintay na sabihin ng doctor kung ilang araw, buwan o taon na lamang ang itatagal niya.Idagdag pang talagang malakas ang kutob niyang magiging positibo ang pregnacy testing na ginagawa ng mga espisyalista sa clinic na iyon ay halos manginig na siya sa kaba.Tahimik siyang naka upo sa waiting area katabi ang pinsan niyang masama ang tingin sa kanya. Naiintindihan niya naman ang pinag mumulan ng inis at galit nito, alam kasi nito ang halos lahat ng pasakit na pinagdaanan niya kay Alexander, ito pa ang nanguna sa desisyong huwag na niyang lalapitan ang CEO ng kumpanyang dati niyang pinapasukan tapos bigla ay malalaman nitong buntis siya at tiyak na alam din nitong si Alexander ang ama.Agad ang pag ragasa ng kaba sa kanyang sistema nang ibaling nito ang tingin sa kanya, nag madali pa siyang mag