Share

Kabanata 32

Pasado alas syete na at pauwi pa lamang si Nicole sa bahay ni Alexander kung saan siya nakiki tuloy. Sinundo kasi siya ng kaibigan niyang si Leah pag tapos ng trabaho kaninang alas sinco ng hapon.

Si Leah ang nag paalam sa kanya kay Alexander na isasama siya sa isang family gathering, wala din namang nagawa ang kanyang boss kundi ang pumayag, wala din naman siyang nakikitang dahilan para hindi siya nito payagan isa pa ay kilala din naman ni Alexander si Leah bilang matalik niyang kaibigan.

“Totoo ba Nicole?”

Nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni Leah, sandali rin siyang kinabahan dahil sa pag alis ng tingin nito sa kalsada habang nag mamaneho.

“O-oo eh.”

Nahihiyang sagot ni Nicole, naikwento kasi niya rito ang tungkol sa sasakyan na ibinigay sa kanya ni Alexander na nalaman nyang isa palang BMW.

“Gosh besh, tingnan mo nga naman diba? Kung anong malas mo doon sa pamilya ng tiyang Norma mo bumawi naman ang swerte sa iyo. Sana mag tuloy tuloy nang maging maay
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status