Madilim na ang gabi nang maka uwi si Nicole sa bahay ng kanyang tiyang Norma, dahan dahan pa ang ginawa niyang pag lalakad dahil bukod sa hindi pa rin maayos ang pakiramdam niya na tila lalo lamang yatang lumala nang matulog siya mag hapon ay sinabayan rin siya ng takot na mag pakita sa kanyang tiyang.Sandali pa siyang nag sisi na hindi pa siya sumama kay Leah nang sunduin siya nito sa kanyang opisina kanina, at nag sisi na hindi pa siya nakinig kay Alexander na huwag na munang umuwi.Marahas siyang napa buntong hininga nang sa wakas ay makalapit sa kahoy na pinto ng bahay ng kanyang tiyang, ibinuhos niya na marahil ang lahat ng natitirang lakas ng loob na kumatok doon nang mapa hinto lang rin nang marinig ang ingay ng usapan sa loob agad na nagunot ang kanyang noo nang marinig ang kanyang pangalan at tila hindi ang pag lalayas niya ang pinag uusapan ng kanyang tiyang at ng pinsan niyang si Lucy.Sa halip na ituloy ang balak na kumatok ay marahan na lamang ang ginawa niyang pag ki
“Paano bebs, mauna na ako ah? Sigurado ka bang ayos ka lang dito?”Paalam ni Leah sa kaibigan habang bakas pa rin ang pag aalala sa tinig.Nag pilit naman ng ngiti si Nicole sa kaibigan saka nag pahid ng luha at tumango.Kanina niya pa kasi hindi mapigil ang pag tulo ng luha habang pinipilit na mag kwento tungkol sa nalaman niyang tinatago ng kanyang mga kaanak.“Ikaw na muna bahala sa kaibigan ko Mr CEO ah? She’s been through a lot, huwag ka sanang gagawa ng kahit anong ikasasama niya pa.”Muli pang bilin ni Leah sa tahimik lamang na si Alexander, tango lamang naman ang sinagot ng kanyang boss dito.“Magiging maayos ako dito Leah, maraming salamat sa tulong mo ah?”Seryoso niyang sabi dito saka sincere itong nginitian, tumayo na rin siya para ihatid palabas si Leah, muli pa siya nitong niyakap bago tumuloy nang nag lakad pa tungo sa sasakyan nito.Ilang minuto rin siyang nanatili sa labas mula nang maka alis si Leah nang maramdaman niya ang masuyong mga brasong yumakap mula sa kany
“Late na ako!”Halos pa sigaw na sabi ni Nicole nang pag mulat ng mata ay bumungad sa kanya ang orasan na nag sasabing pasado alas nueve na ng umaga.Mabilis siyang bumangon para lamang muling bumalik sa higaan nang bukod sa masakit ang ulo at katawan niya na sa tingin niya ay mukhang hindi pa rin maka bawi sa pananakit ng kanyang tiyang at ng pinsan niyang si Lucy ay naramdaman niya rin ang malaking brasong naka dagan sa baywang niya, agad na nalipat ang tingin niya sa lalaking katabi niya na himbing na himbing sa pag tulog.Bakit ba hindi niya naalalang pinili nga pala ni Alexander na sa tabi niya matulog kagabi?Nawala lang marahil sa isip niya dahil sa isiping late na siya sa trabaho nakatuon ang kanyang pansin.Sandaling tumigil sa pag kilos si Nicole para pag masdan ang gwapong CEO na himbing na himbing sa tabi niya, bahagya pang naka kunot ang noo nito ngunit hindi maitatanggi niyon ang tila ba perpektong hubong ng mukha nito.Makakapal na kilay, mapupulang labi maging ang t
Halos isang lingo na ang lumipas mula noong naki tuloy siya sa bahay ni Alexander at para kay Nicole ay wala namang nag bago.May kasungitan pa rin ang kanyang boss pag dating sa trabaho na agad din namang nababawi ng pag lalambing nito kapag sila na lamang dalawa ang magkasama.Tatlong araw lamang siyang nawala sa trabaho, labis na rin kasi ang ginawa niyang pag tutol nang sabihin ni Alexander na isang lingo siyang hindi mag ta-trabaho at kung iniisip daw niya ang masasayang na sweldo ay ibibigay na lamang daw nito iyon.Para kay Nicole ay masyado naman nang pag mamalabis iyon at tila hindi na maganda.Mabuti na rin at na intindihan naman agad ni Alexander ang gusto niyang iparating dito at wala na ring nagawa kundi ang payagan siya.Ilang araw na rin siyang nag tatago sa tuwing pumapasok siya sa opisina, nauubusan na siya ng dahilan na sasabihin kay Alexander kapag pipilitin niyang sa isang kanto bago makarating sa opisina siya baba, kasabay kasi siya ni Alexander sa pag alis sa
Pasado alas syete na at pauwi pa lamang si Nicole sa bahay ni Alexander kung saan siya nakiki tuloy. Sinundo kasi siya ng kaibigan niyang si Leah pag tapos ng trabaho kaninang alas sinco ng hapon.Si Leah ang nag paalam sa kanya kay Alexander na isasama siya sa isang family gathering, wala din namang nagawa ang kanyang boss kundi ang pumayag, wala din naman siyang nakikitang dahilan para hindi siya nito payagan isa pa ay kilala din naman ni Alexander si Leah bilang matalik niyang kaibigan.“Totoo ba Nicole?”Nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni Leah, sandali rin siyang kinabahan dahil sa pag alis ng tingin nito sa kalsada habang nag mamaneho.“O-oo eh.”Nahihiyang sagot ni Nicole, naikwento kasi niya rito ang tungkol sa sasakyan na ibinigay sa kanya ni Alexander na nalaman nyang isa palang BMW.“Gosh besh, tingnan mo nga naman diba? Kung anong malas mo doon sa pamilya ng tiyang Norma mo bumawi naman ang swerte sa iyo. Sana mag tuloy tuloy nang maging maay
Mataas na ang araw nang magising si Nicole, agad pa siyang nag kumahog na bumangon nang makitang wala sa tabi niya si Alexander na kagabi lamang ay walang malay sa kalasingan.Inilibot niya pa ang tingin sa kabuoan ng silid ng binata ngunit wala siyang nakitang bakas ni Alexander doon.Gusto niya mang hanapin pa ang kanyang boss ay hindi na iyon ang dapat niyang unahin ngayon ilang minuto na lamang kasi ay late na siya sa trabaho, kailangan niya nang mag ayos lalo pa at mukhang kailangan niya nang makapag ipon agad para maka alis na rin siya agad dito at makalipat sa ibang matutuluyan.Mapait siyang napa ngiti nang maalala ang naging drama niya kasama ang sinungaling na girlfriend ng kanyang boss kagabi, masakit man isipin na darating ang panahong siya ang mababalewala kung papipiliin si Alexander sa kanya o sa girlfriend nito ay kailangan niya iyong tangapin, masakit nga lang isipin na mukhang malapit nang mangyari iyon.Nailing na pilit niya na lamang inalis ang negatibong isipin
Lunes ng umaga, handang handa nang pumasok sa opisina si Nicole, may pakanta kanta pa siya habang nakangiti at kulang na lang ay samahan pa niya ng pag sayaw habang nag lalakad pababa sa mataas na hagan ng bahay ni CEO Shawn Alexander Montefalco na nito lamang nakaraan ay nag tapat ng pag mamahal sa kanya.Mas lalo lamang lumaki ang kanyang ngiti nang maalala ang maikli ngunit masaya niyang bakasyon nito lamang weekend sa Palawan kasama si Alexander, wala naman sila halos ginawa doon kundi ang mag lambingan at mag harutan kung hindi naman ay mag damag na nag lampungan sa kama.Agad na namula ang mukha ni Nicole nang maalalang halos hindi na nga siya makapag lakad ng maayos matapos ng halos buong gabi nilang ‘pag babanat ng buto’ ni Alexander sa Palawan.Naiiling na nag tuloy na lamang sa pag lalakad si Nicole sa pag-aakalang marahil ay nag hihintay na si Alexander sa kanya sa baba dahil ang sabi nito kahapon ay sabay na lamang daw silang pumasok sa opisina ngayong araw.“Good morni
Halos manginig ang mga tuhod ni Nicole nang maka balik siya sa opisina para kunin ang kanyang mga gamit.Utos din kasi ni sir Luis Montefalco na umuwi na muna siya ngayon at ipahinga ang araw at pagka tapos ng isang lingo na din ay hindi na siya papasok bilang EA ng CEO kundi isa nang engineer.Lalo lamang nag wala ang kanyang puso nang makita si Alexander na naka upo sa swivel chair nito.Nag aalala ang agad na tingin nito sa kanya at sa halip na pansinin ay pinili niya na lamang itong talikuran at lumapit sa kanyang lamesa para kunin ang lahat ng kanyang mga gamit.Ramam niya ang pag kilos ni Alexander mula sa kinauupuan maging ang tunog ng sapatos nitong papalapit sa kanya.“Nicole-““Ah ano, uhm dadaan lang ako sa bahay mo para kunin ang ilang mga gamit ko, aalis rin ako agad.”Agad niyang sabi na piniling putulin ang kung ano man ang sasabihin nito.Alam niyang hindi naman siya pinapalayas ni Alexander pero hindi naman siya ganon ka tanga para hindi mag kusang umalis gayong a