“Ano ba talaga ang problema mong peste ka ha?”Inis at malakas na sigaw ni Nicole nang sa wakas ay ibaba siya ni Alexander, ni hindi niya nga pansin na nasa loob na sila ng mala palasyong bahay ng CEO dahil sa inis niya rito.Agad niya rin itong sinamaan ng tingin at buong tapang na sinalubong ang naka kunot nitong noo, alam niyang naiinis na rin si Alexander dahil sa pagiging maingay niya.Bukod doon ay tinawag niya rin itong peste.Totoo naman kasi iyon, wala yatang magawa itong boss niya kaya siya ngayon ang pinag didiskitahang kulitin.Gusto niyang isigaw sa pag mumukha ni Alexander na hindi siya interesado sa pangungulit nito ngunit ewan niya ba kung bakit hindi niya magawa.“Tell me what’s going on.”Utos nito sa kanya habang kunot na kunot pa rin ang noo at matamang nakka titig sa kanya.“What’s going on with what ba? Kanina ka pang tanong ng tanong!”Inis din at malakas ang boses na sigaw niya rito.Alam niya naman na ang kung bakit siya nagagalit pa rin ang itinatanong n
Mariing napa pikit si Nicole nang walang kahirap hirap siyang buhatin ni Alexander pa akyat sa second floor ng malaking bahay nito.Pigil na pigil niya ang huwag mapa ngiti, sa paraan kasi ng pag buhat nito sa kanya ay pa bridal style, para lamang silang bagong kasal at ito ang unang gabi na mag sasama sila.Marahas siyang napa iling bilang pag saway sa sariling isipin.‘Ano ba kasing kasal ang iniisip ko? Mag hunos dili ka nga self! Ayan ka nanaman sa mga walang silbi mong pangarap eh!’Kastigo niya sa sarili.Alam niya naman na hindi mangyayari kung ano man itong iniisip niya, bakit ba hindi siya matuto?Naiiling na napa mulat na lamang ng mata si Nicole para lamang makitang nasa tapat na pala sila ng isang malaki at tila mamahaling pintuang gawa sa magandang uri ng kahoy, kulay puti ang pintura niyon at na di-disenyohan ng mga bakal na pininturahan ng matingkad na kulay gold ang bawat patern niyon.Saglit na nag isip si Nicole kung totoo kayang mga ginto ang naroon.Balak sana
“Ohhh…”Halos sabay na ungol nina Alexander at Nicole nang sabay din nilang ma abot ang kaluwalhatiang hatid ng kanilang pag niniig.Mataman siyang tinitigan ng binata bago ito pa bagsak na nahiga sa kama sa tabi niya.Hindi na napigilan ni Nicole ang mapa irap nang makita ang malaking ngiti sa mga labi ni Alexander.“Ang pangit mo!”Hinihingal na sabi niya rito na agad namang ikinawala ng ngiti sa mga labi nito at napalitan ng pag simangot.“Aww!”Reklamo niya nang pingutin siya nito sa ilong, agad niya rin itong sinamaan ng tingin.“Ang hilig mong manakit bwisit ka.”Inis niyang sabi rito.“Ang hilig mo rin namang mang lait ah?”Parang batang reklamo nito na sinamahan pa ng pang hahaba ng nguso.“Hoy hindi panlalait ang mag sabi ng totoo.”Naka ngisi niyang sabi na siya namang dahilan ng lalong pag simangot nito.“First, you call me peste, then you called me boring and now you are calling me pangit? I am so not ugly!”Napa hagalpak siya ng tawa dahil sa itsura ni Alexander, nang hah
Pasado alas kwatro ng madaling araw nang maka uwi si Nicole sa bahay ng kanyang tiyang Norma, marahan ang ingat na ingat niyang kilos na tila ba siya isang mag nanakaw na ingat na ingat upang huwag mahuli.Inaantok niyang binuksan ang pinto ng madilim na bodega kung saan siya natutulog, nahihirapang pilit na inaninag ni Nicole ang kabuoan ng madilim na bodegang iyon na naliliwanagan lamang kaunti ng isang lumang poste ng ilaw sa may di kalayuan, dumagdag din sa hirap ng pag kilos ang nararamdaman niyang sakit ng kalamnan na tila ba siya binugbog ng paulit ulit.Wala sa sariling napa ngiti si Nicole nang hindi sinasadyang masagi sa isipan kung ano nga bang klaseng pambubogbog ang naranasan niya sa piling ng kanyang gwapo at matipunong boss kagabi.Aba eh halos ubusin nila ang buong mag damag ng magka yakap at pag niniig.Agad na namula nag mukha ni Nicole sa isiping iyon, pilit niya ring inalis sa sariling isipan ang ginawa niyang pag iwan kay Alexander kanina para umuwi.Hindi alam n
Mag a-alas nueve na nang maka pasok sa opisina si Nicole, sobrang sama ng pakiramdam niya dumagdag pa ang pananakit ng kanyang katawan.Wala rin kasing nagawa si Leah nang mag pumilit siyang pumasok kahit paulit ulit itong nakiusap na mag pahinga na lamang muna siya sa bahay nito ng ilang araw.Napa simangot si Nicole nang maalala ang kasungitan ni Alexander sa telepono kanina, halatang masama ang gising ng CEO habang kausap niya ito.Sabagay naman, naiintintihan niya naman kung bakit hindi siya nito pinayagang um-absent ngayon, hindi niya naman din kasi sinabi na masama ang pakiramdam niya at masakit ang kanyang katawan dahil sa ginawa sa kanya ng kanyang tiyang at ng pinsan niyang si Lucy kanina.Marahas na napa buntong hininga si Nicole saka sandaling tumunganga sa harap ng entrance ng kumpanya, sandali pang nag laban ang puso’t isipan niya kung tutuloy ba siyang pumasok sa loob.Alam niyang nakaka hiya ang itsura niya mukha siyang masamang babae na binubogbog ng asawa, balot na
Madilim na ang gabi nang maka uwi si Nicole sa bahay ng kanyang tiyang Norma, dahan dahan pa ang ginawa niyang pag lalakad dahil bukod sa hindi pa rin maayos ang pakiramdam niya na tila lalo lamang yatang lumala nang matulog siya mag hapon ay sinabayan rin siya ng takot na mag pakita sa kanyang tiyang.Sandali pa siyang nag sisi na hindi pa siya sumama kay Leah nang sunduin siya nito sa kanyang opisina kanina, at nag sisi na hindi pa siya nakinig kay Alexander na huwag na munang umuwi.Marahas siyang napa buntong hininga nang sa wakas ay makalapit sa kahoy na pinto ng bahay ng kanyang tiyang, ibinuhos niya na marahil ang lahat ng natitirang lakas ng loob na kumatok doon nang mapa hinto lang rin nang marinig ang ingay ng usapan sa loob agad na nagunot ang kanyang noo nang marinig ang kanyang pangalan at tila hindi ang pag lalayas niya ang pinag uusapan ng kanyang tiyang at ng pinsan niyang si Lucy.Sa halip na ituloy ang balak na kumatok ay marahan na lamang ang ginawa niyang pag ki
“Paano bebs, mauna na ako ah? Sigurado ka bang ayos ka lang dito?”Paalam ni Leah sa kaibigan habang bakas pa rin ang pag aalala sa tinig.Nag pilit naman ng ngiti si Nicole sa kaibigan saka nag pahid ng luha at tumango.Kanina niya pa kasi hindi mapigil ang pag tulo ng luha habang pinipilit na mag kwento tungkol sa nalaman niyang tinatago ng kanyang mga kaanak.“Ikaw na muna bahala sa kaibigan ko Mr CEO ah? She’s been through a lot, huwag ka sanang gagawa ng kahit anong ikasasama niya pa.”Muli pang bilin ni Leah sa tahimik lamang na si Alexander, tango lamang naman ang sinagot ng kanyang boss dito.“Magiging maayos ako dito Leah, maraming salamat sa tulong mo ah?”Seryoso niyang sabi dito saka sincere itong nginitian, tumayo na rin siya para ihatid palabas si Leah, muli pa siya nitong niyakap bago tumuloy nang nag lakad pa tungo sa sasakyan nito.Ilang minuto rin siyang nanatili sa labas mula nang maka alis si Leah nang maramdaman niya ang masuyong mga brasong yumakap mula sa kany
“Late na ako!”Halos pa sigaw na sabi ni Nicole nang pag mulat ng mata ay bumungad sa kanya ang orasan na nag sasabing pasado alas nueve na ng umaga.Mabilis siyang bumangon para lamang muling bumalik sa higaan nang bukod sa masakit ang ulo at katawan niya na sa tingin niya ay mukhang hindi pa rin maka bawi sa pananakit ng kanyang tiyang at ng pinsan niyang si Lucy ay naramdaman niya rin ang malaking brasong naka dagan sa baywang niya, agad na nalipat ang tingin niya sa lalaking katabi niya na himbing na himbing sa pag tulog.Bakit ba hindi niya naalalang pinili nga pala ni Alexander na sa tabi niya matulog kagabi?Nawala lang marahil sa isip niya dahil sa isiping late na siya sa trabaho nakatuon ang kanyang pansin.Sandaling tumigil sa pag kilos si Nicole para pag masdan ang gwapong CEO na himbing na himbing sa tabi niya, bahagya pang naka kunot ang noo nito ngunit hindi maitatanggi niyon ang tila ba perpektong hubong ng mukha nito.Makakapal na kilay, mapupulang labi maging ang t