Bawi ako bukas guys! Maraming update bukas sure po! Btw sa nagtatanong bat ako busy inaasikaso ko lang po pag pasok ko ulit sa school. Long process pero inuunti unti ko lang po. Bukas po ulit! Thank you sa mga nagbabasa!
KANINA pa nakatayo si Luna sa gitna ng duel ground habang inaantay ang nanghamon sa kaniya sa battle na iyon. Hindi niya alam kung nasaan ang tatlong babaeng iyon samantalang siya ay naiinip na. Kapag inabot siya ng katamaran ay baka alisan niya ang mga ito. Napatingin siya sa paligid at sobrang dami ng tao ang naroroon. Hindi naman niya akalain na ganon sa importante sa kanila ang duel na iyon. Sabagay narinig niya sa mga bubuyog sa tabi-tabi na kilalang malakas at bully ang tatlong babaeng iyon. Hindi na siya magtataka sa bagay na iyon pero ang salitang malakas? She doubts that. Napangisi siya sa isip niya dahil doon ngunit tumayo lang siya ng maayos at nakiramdam sa paligid. Tinitignan niya kung mayroong familiar sa kaniyang aura na naroroon. Maya maya ay bigla siyang napadilat ng mayroon siyang maramdaman na aura na familiar sa kaniya. Napatingin siya sa gawi na pinanggagalingan ng aura na iyon ngunit hindi niya makita ang taong iyon. Maglalakad na sana siya papunta sa ga
NAPATINGIN siya sa mga tao na nasa likuran niya na sigurado siyang tatamaan ng bala ngunit nakita niya na may harang na doonna transparent and bullet proof glass. Nakahinga siya ng maluwag doon, akala niya ay may madadamay sa duel nila na iyon. Ngayon alam na niya ang dahilan kung bakit mayroong tila bilog sa sahig, doon pala lalabas ang harang na iyon. Alam niyang seseryosohin na siya ng babae kung kaya inihanda na niya ang sarili para dito. Aware siya na maaari siyang mamatay sa duel na iyon pero walang problema sa kaniya, sanay siya sa ganong labanan ang kailangan niya lang ay makalapit sa babae at patulugin ito. Samantalang ang mga tao sa labas ay hindi makapaniwala dahil nailagan niya ang bala ni Princess. Kilala nila ang mga sniper na magagaling at walang di tinatamaan ang bala nila. Kaya ang mailagan niya iyon ay isang malaking bagay sa kanila. Dahilan ‘din kung bakit sineryoso na siya ngayon ni Princess. Ang pinakang mas ikinaingay nila ay ang paglaban ni Luna ng barehand
ALAM ni Luna ang gagawin ng babae kaya mabilis siyang nakailang dito at tumalon papunta sa magazine ni Princess na nakakalat sa sahig. Pinulot niya iyon at mabilis na tumakbo papunta sa gawi ni Princess. Masyado itong focus sa pag target sa kaniya. She get’s it, isa itong sniper kaya natural na iyon ang focus niya pero kung siya iyon ay hindi lang iyon ang mamasterin niya. Nang mapunta siya sa likuran ni Princess ay sinipa niya ang paa nito at mabilis na pinatama sa balikat nito ang magazine na nakuha niya. Napaluhod si Princess sa sahig at mabilis na inagaw ni Luna ang baril sa kamay nito’t itinutok ang baril sa ulo ni Princess. “Princess!” sigaw ng kambal sa labas at nagsisimula na nilang kalabugin ang harang na nakapalibot sa kanila ngunit hindi iyon maalis. Walang makakapag paalis niyon pwera nalang kung may matatalo sa kanila. Kapag duel ang usapan ay walang rules, ayaw ng magulang ni Luna na mayroong mahina sa kanilang organization kung kaya kung may mamamatay doon ay walang
NAGLALAKAD si Luna papunta sa kung saan. Hindi niya alam kung asaan si Selene, sinubukan niya itong kontakin ngunit hindi niya ito makontak kaya siya nalang ang maghahanap dito. Alam niya at sigurado siyang aura ni Selene ang naramdaman niya kanina bago sila maglaban.Siguradong nakita siya ni Selene ngunit bakit hindi siya nito pinansin? Dahil ba nasa duel siya? Hindi niya alam. “Queen.” Napahinto siya sa paglalakad ng mayroong magsalita at kilala niya ang boses na ito. “You are Queen, right?” Kinalma niya ang sarili niya at lumingon dito. Doon nakita niya ang ina na nakangiti sa kaniya. “My husband wants to meet you, young lady.” Kung husband ang tinutukoy nito ay ang daddy niya! Makikita na ba niya ang daddy niya? Well, unang-una sa lahat hind inga niya inaasahan na hahanapin at kakausapin siya ng ina ng ganon ganon lang! Ngunit dahil sa pagkabigla ay hindi siya nakapagsalita at tumango lang dito. Naglakad na paalis ang ina niya kung kaya sumunod lang siya dito. Makikita na
“I told you ‘wag kang punta ng punta sa kung saan! Sana nag stay ka nalang kung nasaan ka diba?!” Kanina pa nasakit ang tenga ni Luna dahil sa kakasermon sa kaniya ni Selene. Mayroon ‘daw palang inutos sa kaniya ang daddy niya kaya hindi siya nito agad napuntahan. Wala naman na siyang magagawa dahil tapos na iyon. “Sabagay nakita ka nila kaninang lumaban.” Napalingon si Luna kay Selene dahil sa sinabi nito lalo na’t naalala niya ang sinabi ng magulang na napanood nila kung paano siya lumaban. Ngunit wala naman siyang naramdaman na aura ng mga ito. “Paano? Hindi ko sila naramdaman kanina,” Pinanliitan siya ng mata ni Selene dahil sa tanong niya na tila nagtanong siya ng bagay na obvious naman ang sagot. “I told you marami silang mata sa paligid.” Napatango nalamang si Luna dahil sa sinabi ni Selene. Matapos iyon ay nag-isip sila ng paraan kung anong result ang ibibigay nila sa magulang niya lalo na ngayon na pina-iimbestigahan siya ng mga ito. “Leave it to me, ako ng bahala. K
At dahil nga sa emosyon nito ay nagawa niyang maalis ang kutsilyo sa kamay ng lalaki dahil open ang defenses nito sa katawan tulad ni Princess. Ngunit hindi ito nagpatalo at nilabanan siya ng mano-mano. Ayaw niyang patagalin ang laban na iyon dahil mayroon pa siyang dapat gawin kung kaya sinipa niya ito ng pagkalakas lakas na ikinatalsik nito sa isang tabi. “I have no time for you kid.” Walang buhay niyang sabi at pinagpagan niya ang kamay na tila nadumihan dahil sa ginawa nila. Masamang tingin ang pinukol sa kaniya ng lalaki habang hawak ang tiyan na nasaktan. “I challenge you for a duel! I will make you pay for what you did to my girlfriend!” ‘Girlfriend?’ taka niyang tanong sa sarili hanggang sa maya maya ay marealize niya kung sino ang tinutukoy nito kaya natawa siya. “You mean Princess? So, you are her boyfriend showing up like a knight aww how sweet. You are both a kid.” “I am not a kid! Try to scan me!” tayong sabi nito ay naglakad ito papunta sa kaniya. Dahil mabait s
PILIT na kinokontak ni Luna si Selene para magtanong dito tungkol sa impormasyon na nakuha niya ngunit hindi niya ito makontak. Naalala niya sabi nito ay mayroon siyang hahanaping tao, ang tanong ay sino? Kailangan niya itong makausap sa lalong madaling panahon! Habang naglilibot siya kakahanap kay Selene ay nagtanong na ‘rin siya sa mga makasalubong niya na andoon. Dahil na ‘rin nanalo siya sa duel kanina ay naging madali sa kaniya ang makipagsalamuha sa tao dahil pinapansin na siya ng mga ito. Nagtanong siya kung may alam sila na mayroon pang ibang anak ang mag-asawang Moon. Katulad ng sab isa libro ay walang alam ang mag ito kundi piling tao lang ang nakaka-alam at isa na siya doon!Nang mapagod siya at inabot na ng gabi kakahintay kay Selene at hanap ay nagpasya na siyang umalis doon. Baka naroroon ito sa kanilang bahay ngunit ng makarating siya sa bahay ay wala pa ‘rin doon ang babae. “Luna ano bang nangyayari sa’yo? Kanina ka pa pabalik, balik. Hindi ba ayos ang unang araw m
“BAKIT hindi mo nalang intayin si ate Selene? Malay mo bukas magkita na kayo sa hide out. Sa ngayon kwentuhan mo muna kami sa nangyari sa first day mo!” excited na sabi ni Lisa na ikinatango ‘din ng sunod-sunod ni Riri. Napabuntong hininga nalang si Luna at nagsimulang mag kwento sa dalawa. Tama si Lisa, intayin nalang niya na makita si Selene at baka bukas ay makita na niya ito sa hide out. Matapos nilang mag kwentuhan ay kumain na sila. Nagpadeliver nalamang sila dahil pare-pareho silang pagod at hindi na magawa pang mag luto. Nang matapos sila ay sinabi na ‘rin ni Riri na ready na ang information na ginawa niya. Hindi pa sana balak ni Luna ang ibigay iyon sa magulang pero kapag hindi niya nakita bukas maghapon si Selene ay ang magulang ang pupuntahan niya. Matapos iyon ay maaga na siyang natulog para maaga siyang magising kinabukasan. Katulad ng inaasahan ay maaga siyang nagising at nauna pa siyang umalis sa dalawa para dumeretsyo sa hide out. Una niyang ginawa ng makarating do