“SUMUNOD ka lang saakin!” Sigaw na sabi ni Selene kay Luna dahil sobrang ingay na ng paligid. Maraming tao sa loob, sinong mag aakala na mayroon palang pumaparty ng ganoong oras? Sabagay, nasa ibang bansa sila mas liberated mga tao doon. Katunayan na jan ang walang pansinan ng mga ito sa paligid. Wala silang pakilam basta sila ay masayang sumasayaw at umiinom. Syempre hindi nakaligtas sa mata ni Luna ang mga bantay sa paligid. Limang nag papanggap na customer, limang nakasuot ng guard na tshirt, ang bartender na alam niyang kabilang sa org at ang anim na waiter na pakalat kalat sa paligid. Maya maya ay pakonti na ng pakonti ang tao dahil papasok na silang muli sa isang hallway na wala ng gaanong tao. “This is the hallway through the VIP rooms dito sa bar. This is an exclusive and legal bar, running to 24/7 kaya ganiyan. And of course dahil hawak to ng magulang mo maraming bantay sa paligid tulad ng—” “Anim na waiter, isang bartender, limang guard at limang nagpapanggap na custome
KANINA pa inaantay ni Luna si Selene ngunti hindi pa ‘rin ito dumarating. Actually hindi niya alam kung paano sila mag kikita pero alam niyang tatawagan naman siya nito kung sakali. Ngayon na mag-isa lang siya ay siguro’y magsisimula na ‘rin siya tumingin sa paligid. Tunay talagang malawak ang lugar na iyon at habang siya ay naglilibot nag titingin tingin na ‘rin siya ng idea kung paano tumakbo ang lugar na iyon. Mayroon mga lugar para sam ga tila hacker ng organization at busy ang mga ito sa pag pindot ng kanilang computer. Gusto niya sanang alamin ang ginagawa ng mga ito ngunit hindi siya pinapasok sa loob. Naglakad nalang muli siya at nakita niya ang malawak na training ground. Matagal na noong huling nag training siya kung kaya namimiss na niya ito ngunit wala siya sa wisyo ngayon. Umalis siya doon at tumingin pa sa ibang mayroon ng magsawa siya at magutom. Dahil wala pa so Selene ay nagpasya siyang humanap ng makakainan. Hindi naman siya nahirapan dahil naituro na iyon ni Sel
KANINA pa nakatayo si Luna sa gitna ng duel ground habang inaantay ang nanghamon sa kaniya sa battle na iyon. Hindi niya alam kung nasaan ang tatlong babaeng iyon samantalang siya ay naiinip na. Kapag inabot siya ng katamaran ay baka alisan niya ang mga ito. Napatingin siya sa paligid at sobrang dami ng tao ang naroroon. Hindi naman niya akalain na ganon sa importante sa kanila ang duel na iyon. Sabagay narinig niya sa mga bubuyog sa tabi-tabi na kilalang malakas at bully ang tatlong babaeng iyon. Hindi na siya magtataka sa bagay na iyon pero ang salitang malakas? She doubts that. Napangisi siya sa isip niya dahil doon ngunit tumayo lang siya ng maayos at nakiramdam sa paligid. Tinitignan niya kung mayroong familiar sa kaniyang aura na naroroon. Maya maya ay bigla siyang napadilat ng mayroon siyang maramdaman na aura na familiar sa kaniya. Napatingin siya sa gawi na pinanggagalingan ng aura na iyon ngunit hindi niya makita ang taong iyon. Maglalakad na sana siya papunta sa ga
NAPATINGIN siya sa mga tao na nasa likuran niya na sigurado siyang tatamaan ng bala ngunit nakita niya na may harang na doonna transparent and bullet proof glass. Nakahinga siya ng maluwag doon, akala niya ay may madadamay sa duel nila na iyon. Ngayon alam na niya ang dahilan kung bakit mayroong tila bilog sa sahig, doon pala lalabas ang harang na iyon. Alam niyang seseryosohin na siya ng babae kung kaya inihanda na niya ang sarili para dito. Aware siya na maaari siyang mamatay sa duel na iyon pero walang problema sa kaniya, sanay siya sa ganong labanan ang kailangan niya lang ay makalapit sa babae at patulugin ito. Samantalang ang mga tao sa labas ay hindi makapaniwala dahil nailagan niya ang bala ni Princess. Kilala nila ang mga sniper na magagaling at walang di tinatamaan ang bala nila. Kaya ang mailagan niya iyon ay isang malaking bagay sa kanila. Dahilan ‘din kung bakit sineryoso na siya ngayon ni Princess. Ang pinakang mas ikinaingay nila ay ang paglaban ni Luna ng barehand
ALAM ni Luna ang gagawin ng babae kaya mabilis siyang nakailang dito at tumalon papunta sa magazine ni Princess na nakakalat sa sahig. Pinulot niya iyon at mabilis na tumakbo papunta sa gawi ni Princess. Masyado itong focus sa pag target sa kaniya. She get’s it, isa itong sniper kaya natural na iyon ang focus niya pero kung siya iyon ay hindi lang iyon ang mamasterin niya. Nang mapunta siya sa likuran ni Princess ay sinipa niya ang paa nito at mabilis na pinatama sa balikat nito ang magazine na nakuha niya. Napaluhod si Princess sa sahig at mabilis na inagaw ni Luna ang baril sa kamay nito’t itinutok ang baril sa ulo ni Princess. “Princess!” sigaw ng kambal sa labas at nagsisimula na nilang kalabugin ang harang na nakapalibot sa kanila ngunit hindi iyon maalis. Walang makakapag paalis niyon pwera nalang kung may matatalo sa kanila. Kapag duel ang usapan ay walang rules, ayaw ng magulang ni Luna na mayroong mahina sa kanilang organization kung kaya kung may mamamatay doon ay walang
NAGLALAKAD si Luna papunta sa kung saan. Hindi niya alam kung asaan si Selene, sinubukan niya itong kontakin ngunit hindi niya ito makontak kaya siya nalang ang maghahanap dito. Alam niya at sigurado siyang aura ni Selene ang naramdaman niya kanina bago sila maglaban.Siguradong nakita siya ni Selene ngunit bakit hindi siya nito pinansin? Dahil ba nasa duel siya? Hindi niya alam. “Queen.” Napahinto siya sa paglalakad ng mayroong magsalita at kilala niya ang boses na ito. “You are Queen, right?” Kinalma niya ang sarili niya at lumingon dito. Doon nakita niya ang ina na nakangiti sa kaniya. “My husband wants to meet you, young lady.” Kung husband ang tinutukoy nito ay ang daddy niya! Makikita na ba niya ang daddy niya? Well, unang-una sa lahat hind inga niya inaasahan na hahanapin at kakausapin siya ng ina ng ganon ganon lang! Ngunit dahil sa pagkabigla ay hindi siya nakapagsalita at tumango lang dito. Naglakad na paalis ang ina niya kung kaya sumunod lang siya dito. Makikita na
“I told you ‘wag kang punta ng punta sa kung saan! Sana nag stay ka nalang kung nasaan ka diba?!” Kanina pa nasakit ang tenga ni Luna dahil sa kakasermon sa kaniya ni Selene. Mayroon ‘daw palang inutos sa kaniya ang daddy niya kaya hindi siya nito agad napuntahan. Wala naman na siyang magagawa dahil tapos na iyon. “Sabagay nakita ka nila kaninang lumaban.” Napalingon si Luna kay Selene dahil sa sinabi nito lalo na’t naalala niya ang sinabi ng magulang na napanood nila kung paano siya lumaban. Ngunit wala naman siyang naramdaman na aura ng mga ito. “Paano? Hindi ko sila naramdaman kanina,” Pinanliitan siya ng mata ni Selene dahil sa tanong niya na tila nagtanong siya ng bagay na obvious naman ang sagot. “I told you marami silang mata sa paligid.” Napatango nalamang si Luna dahil sa sinabi ni Selene. Matapos iyon ay nag-isip sila ng paraan kung anong result ang ibibigay nila sa magulang niya lalo na ngayon na pina-iimbestigahan siya ng mga ito. “Leave it to me, ako ng bahala. K
At dahil nga sa emosyon nito ay nagawa niyang maalis ang kutsilyo sa kamay ng lalaki dahil open ang defenses nito sa katawan tulad ni Princess. Ngunit hindi ito nagpatalo at nilabanan siya ng mano-mano. Ayaw niyang patagalin ang laban na iyon dahil mayroon pa siyang dapat gawin kung kaya sinipa niya ito ng pagkalakas lakas na ikinatalsik nito sa isang tabi. “I have no time for you kid.” Walang buhay niyang sabi at pinagpagan niya ang kamay na tila nadumihan dahil sa ginawa nila. Masamang tingin ang pinukol sa kaniya ng lalaki habang hawak ang tiyan na nasaktan. “I challenge you for a duel! I will make you pay for what you did to my girlfriend!” ‘Girlfriend?’ taka niyang tanong sa sarili hanggang sa maya maya ay marealize niya kung sino ang tinutukoy nito kaya natawa siya. “You mean Princess? So, you are her boyfriend showing up like a knight aww how sweet. You are both a kid.” “I am not a kid! Try to scan me!” tayong sabi nito ay naglakad ito papunta sa kaniya. Dahil mabait s
“Girls, hindi pwedeng maingay sa loob. Baka tulog ang triplets at magising niyo.”Puna sa kanila ni Selena na ikinatahimik ng mga ito. Natawa nalang ang kani-kanilang boyfriend dahil doon.Si Caroline at Vince ay official na ‘rin na mag boyfriend at girlfriend. Si Riri at Rocky naman ay engaged na at malapit ng ikasal. Si Selene at Ivan ay ganoon ‘din while si Lisa ay wala pang boyfriend. Si Princess at Apollo naman ay nasa kanilang honeymoon sa ibang bansa kung kaya wala sila doon ngayon ng manganak si Luna.Umiiyak na nga si Princess dahil gustong gusto na niyang umuwi sa pilipinas para makita ang triplets ngunit ang flight nila ay bukas pa. Kakakasal lang ng dalawa at isang buwan na ‘rin magmula ng umalis sila para sa kanilang honeymoon.“Ako po ang mauuna!” agad na sabi ni Celine na sumingit sa kaniyang mga tita dahil nagkakagulo ang mga ito.Nang pumasok si Celine ay sunod-sunod na ‘rin ang mga ito at tahimik lamang sila habang papasok. Naabutan nila na buhat ni Sebastian ang isa
HUMINTO sandali si Luna para tignana ng mga tao na naroroon ngunit nagulat siya ng biglang mamatay ang ilaw at ang mic na gamit niya ay gumawa ng ingay na ikinatakip niya sa tenga. Ngunit agad niyang naisip ang anak kaya mabilis niyang kinapa si Celine ngunit wala na ito doon.Rinig niya ang pagkagulat ng mga tao at ganon ‘din siya. Aalis na sana siya sa pwesto niya dahil wala doon si Celine ng matigilan siya dahil biglang mayroong spotlight sa pwesto niya.Nasilaw pa siya doon na ikinatakip niya sa kaniyang mata.“Pwede ko bang baguhin ang huli mong sinabi? ‘Girlfriend ng sikat na bilyonaryo’ gawin na nating fiancé and soon to be Mrs.Anderson ‘yan.”Natigilan si Luna dahil sa narinig niyang sinabi ni Sebastian. Kilalang kilala niya ang boses nito at ng maka adjust ang kaniyang paningin ay napaatras siya ng makita si Sebastian na nakaluhod sa harap niya at may hawak na singsing tyaka mic.Hindi niya napigilan ang kaniyang luha at agad iyong tumulo dahil sa tagpong iyon.“Habang busy k
NAPAKARAMING tao lalo pa’t naka live ‘din ito upang mapanood ng lahat at marami ang nag-aabang sa nawawalang anak ng mga Moon.“Welcome to the sixth birthday celebration of Celine Fernandez!”Marami ang nagulat lalo na nag mag appear sa malaking LED ng muka ni Celine na kilalang kilala ng lahat. Sinong hindi makakakilala dito dahil anak ito ni Sebastian at Luna!At doon ay napagtanto ng lahat na ang nawawalang Luna na anak ng mga Moon ay walang iba kundi si Luna na may ari ng Moonlight C.B.Maraming na-excite lalo dahil sa information na iyon at halos lahat ay nanonood na sa live ng mga ito.Hanggang dumating ang time na nagsalita na ang magulang ni Luna para ipakilala sila ng mga ito.“I know all of you has a clue what was going on right?” panimulang sabi ni Lorenzo habang nakangiti.“Maging kami ay hindi makapaniwala noong una katulad niyo but it is right, walang duda siya nga ang anak namin. After years matapos niyang wala ay natagpuan na namin si Luna!Pero bago iyon gusto ko muna
Sina Luna at Celine naman ay ligtas ng mga oras na nagkakagulo sa lugar na iyon. Si Vivian at Luke ay tuluyan ng namatvy at pinagbayaran ang kasalanang kanilang ginawa. Sinubukan pa nilang kunin si Celine pero ang hindi nila alam ay kayang kaya sila ng bata kung kaya bago pa sila makagawa ng kahit na ano ay naunahan na sila at nabaril nila Selene.Mabuti at walang nasaktan sa kanila kahit isa lalo pa’t naging madali sa kanila ang lahat dahil kakaunti lang ang tauhan nila Fernan. Halos karahiman kasi ay kumampi na kay Yannie nang malaman nila ang totoo sa pagkamatvy ng kanilang tunay na amo.Masaya si Luna at walang napahamak sa kanila lalo pa’t nasunod ang lahat ayon sa kaniyang plano. Kahit na nagkainitan sa pagitan ni Riri at Seera mabuti nalang at nagkaayos agad ang dalawa. Kasalanan niya ‘din naman dahil inilihim niya lahat ng plano niya kay Riri. Ayaw niya lang mag-alala pa ito dahil siya na ang humahawak sa negosyo niya.Ngayon na maayos na ang lahat at wala ng problema, nagpasy
NANG malaman nilang dalawa ang katotohanan ay mabilis na umuwi ang dalawa dahil na ‘rin sa gusto ng babae. Wala namang magawa si Apollo dahil iyon ang gusto ng girlfriend niya at sumunod sila sa lugar kung saan nila nalaman na naroroona ng mga ito.Ang scene na babarilin na ng ama ni Princess ang mommy at kapatid niya ang inabutan nito. Hindi napansin ni Apollo na tumakbo ng mabilis si Princess at hinarang ang sarili dito, huli na para pigilan ito.Ang mga andoon ay nagulat ‘din dahil sa nangyari lalo na si Yannie na siyang nasa harapan ni Princess.“P-princess!”“O-okay lang ako ate,” ngiting sabi ni Princess at hinawakana ng sugat niya.Mabilis na nakarating si Apollo doon at agad na tinakpan ang pag agos ng dugo niya. Dahil sniper si Princess ay kalkula niya ang segundo ng pagtama ng baril sa target nito kung kaya mabilis ang kilos niyang sinalo ito gamit ang balikat niya.“B-bakit mo ginawa ‘yun?!” sigaw na tanong ni Yannie na ikinangiti ni Princess sa kaniya.“Dahil pamilya ko ka
NATIGILAN si Ginnie dahil sa kaniyang narinig at nagsimula ng kabahan dahil doon.“A-anong ibig mong sabihin anak? H-hindi totoo ang sinasabi ni Luna…”“Sinungaling!” sigaw ni Yannie na siyang ikinaatras ni Ginnie. “Tinitignan ko kung aamin ka kanina pero hindi! Hanggang sa huli ay ipinagtatanggol mo pa ‘rin ‘yang si tito Fernan! Hindi ka na naawa kay daddy mommy! Hindi mo manlang binigyan ng katarungan ang pagkawala niya!”Napailing si Ginnie dahil sa sinabi ng anak niya at nagsimula ng tumulo ang luha niya.“Eto! Napanood ko dito ang katotohanan!” inihagis ni Yannie ang USB na agad nakilala ni Ginnie kaya natigilan siya.Bigla siyang lumuhod sa harap ng anak niya at umiyak ng umiyak.“Patawarin mo ako anak! Patawarin mo ako at tinago ko ang katotohanan! Nagsisisi ako! Nagsisisi ako sa ginawa ko!”Hinawakan pa ni Ginnie ang magkabilang paa ni Yannie ngunit inalis lang iyon ni Yannie at umatras sa ina.“Huli na ang pagsisisi mo mommy. Kung hindi ka pa mahuhuli ay hindi mo sasabihin s
“HINDI totoo ‘yan!” sigaw na sabi ni Luna.“Shut up!” sigaw ni Fernan kay Luna at muling tinignan si Ginnie. “Ginnie!” tawag pansin niya sa asawa na ikinatauhan nito at unti-unting tumango.“O-oo! A-ang daddy ni Luna ang gumawa niyon sa daddy mo. K-kitang kita ko mismo.” Utal na sabi nito sa anak.“See? I told you ‘wag kang maniniwala sa kaniya.” Ngiting sabi ni Fernan at niyakap si Yannie.Gusto na iyong itulak ni Yannie at gawin ‘din dito ang ginawa niyang pagpatay sa kaniyang ama ngunit hindi iyon sapat. Gusto niyang pahirapan muna ito at magmaka-awa na patayin nalamang siya.“Seems like totoo ang sinasabi ni Luna. Look at our lady’s boss reaction.” Bulong ni Vivian sa boyfriend niya.“I agree. Bulag nalang si Yannie kung hindi niya mapapansin ‘yun.” Sagot ni Luke dito.Nagulat silang lahat ng bigla nalamang tumawa si Luna ng pagkalakas lakas.Humiwalay si Fernan sa pagkakayakap kay Yannie at naglakad ito papunta sa gawi ni Luna.“Tito—” hindi natuloy ni Yannie ang pagtawag niya di
SAMANTALANG sa lugar kung saan andoon sila Luna ay kanina pa sila naghihintay na dumating sila Ginnie at Fernan. Alam ni Luna at Celine na ang mga ito ang inaantay nila ngunit ang kambal ay hindi.Tumigil na ‘rin sa pag-iyak ang mga ito kung kayat tahimik na.“Sorry I’m late everyone!”Napatingin sila sa nagsalita at walang iba kundi si Yannie habang bitbit si Lisa na nakatali at mayroong mga pekeng sukat sa muka.Sinabi niya kila Vivian at Luke na siya nalamang ang pupunta sa lugar na napag-usapan nila dahil muntikan na silang mahuli kung saan ang bagong location.“Akala namin patvy ka na,” ngising sabi ni Vivian na ikinatawa ni Yannie.“Matagal mamatvy ang masamang damo, Vivian.”“Yes! Kaya nagkakasundo tayo e! Best friend na talaga kita!” tuwang sabi ni Vivian at niyakap pa si Yannie.Sa loob loob ni Yannie ay gusto niyang masuka dahil sa ginagawa nito ngunit kailangan niyang umarte dahil naroroon si Luke at nakamasid sa kanila.Gustong matawa ni Luna dahil alam niya na gusto ng it
Si Rocky naman ay inalis ang kamay ni Vince sa bibig niya at sinamaan ito ng tingin. Naputol lang iyon ng lapitan siya ni Riri at mahinang kinurot sa tagiliran.“Actually, mayroon pa po akong sasabihin sa inyo bago ang plano.” Paunang sabi ni Yannie na ikinataka nila.Napatingin si Yannie sa kanilang lahat at kita niya na nag-aabang ang mga ito ng kaniyang sasabihin habang si Seera naman ay nakangiti sa kaniya at nag thumbs up. Ganoon ‘din ang ginawa ni Lisa dahil alam na nilang dalawa ang katotohanan.Napahinga ng malalim si Yannie bago siya tuluyang magsalita.“Mayroon po akong half-sister sa side ni mommy. Nagkaroon sila ng anak ni tito Fernan at bata pa ako noon pero tandang tanda ko pa na iniwan niya ang kapatid ko sa ibang bansa pagkatapos niya itong maipanganak. Akala ko ay kapatid ko siya kay daddy pero nito ko lang nalaman na hindi dahil hinahanap nila ito ngayon lalo na si tito Fernan.”Nagulat ang mga ito sa sinabing iyon ni Yannie na mayroong anak ang dalawa!“Grabe! Nagaw