The long wait is over Kimmie's! Nakapag rest na me ng maayos at nakapag-isip na ng magandang flow ng story! Thank you so much sa paghihintay! Asahan niyo araw araw na ang update po! Pero 'wag asahan na marami lagi update okay? So, by end of May matatapos na ang story ni Luna at Sebastian kaya kapit lang! Comment down kimmie's tagal kong 'di nabasa mga feedbacks niyo hehe. Para mas ganahan pa 'rin ako sa pagsusulat. Thank you po!
KATULAD ng inaasahan ay mabils na kumalat ang balitang si Sebastian Anderson at Luna Fenandez ay sila na. Kung noon ay marami ang nanghinayang dahil sa balitang mayroon ng bagong babaeng pakakasalan si Sebastian ngayon ay masasaya na ang mga ito. Actually, karamihan nga sa kanila ay naniniwala at umaasa na sila pa ‘rin ang magkakatuluyan. Hindi naman sila nagkamali dahil ilang araw lang ang lumipas ay iyon na ang balitang lumabas sa news. Nang matapos nga ang scene na iyon sa mall ay umuwi ang mga ito sa bahay nila Luna. Dahil lahat sila ay masaya para sa pagkakataon na iyon ay kaagad silang nag celebrate lalo na sa sobrang tuwa ni Celine ay ito pa ang nagluto para sa kanila. At syempre dahil naroroon si Sebastian ay tinulungan niya ang anak sa pagluluto kung kaya ang dinner nila ay ang mag-ama ang nag prepare. Katulad ng inaasahan ay sobrang sarap ng luto ng mga ito, luto pa nga lang ni Celine ay nasasarapan na sila ngayon pa kaya na nagluto ‘rin si Sebastian. Hindi nga makapa
NAPALINGON sa kaniya si Sebastian dahil hindi manlang nito naramdaman na naroroon siya. Pero kalaunan ay ngumiti ‘rin ito sa kaniya at tumango. Kita ni Luna na hindi manlang umabot sa tenga ang ngiti na iyon ni Sebastian kaya napabuntong hininga muna siya bago tuluyang lumapit sa kinalalagyan nito. Nakita niya na may baso sa lamesa na naroroon na nakataob. Tila hinanda iyon para sa kaniya kung kaya nilagyan niya iyon ng alak bago tuluyang tumayo sa tabi ng lalaki. Tumingin muna siya sa paligid habang humuhugot ng lakas ng loob. Masyadong malaking sekreto ang sasabihin niya kay Sebastian. Nang makakuha na ng lakas ng loob ay deretsyong ininom niya ang alak na hawak at humarap sa lalaki. Dahil nakalingon siya dito ay maging si Sebastian napalingon sa kaniya at tila inaantay siyang magsalita. “I own the Moon C.B. and I am also a mafia.” Mabilis na sabi niya habang walang kurap na nakatingin dito. Biglang pumalibot ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa at ang tanging naririnig n
“OH? Bat parang takot ka jan?” kunot noo na tanong ni Riri ng makita niya ito sa salamin dahil nag bo-blower siya ng buhok niya. “Bigla kasing pumasok sa isip ko si Luna. Hindi kaya siya ang nagbanggit saakin? Nakakatakot pa naman siya!” Natawa si Riri dahil sa naging reaction ng boyfriend niya. “Malamang nga ikaw ang pinag-uusapan nila. Ngayon pa naman aamin si Luna kay Ian.” “Ngayon?!” gulat na sabi ni Rocky na ikinatango ni Riri. “Ang sabi niya ayaw niyang magsinungaling kay Ian. Ganon niya kamahal ang kaibigan niyo babe,” Tila nakahinga ng maluwag si Rocky sa narinig. Hirap na hirap pa naman siya na pigilan ang sarili na aminin sa kaibigan ang totoo. Close na close pa naman sila ni Sebastian kaya hindi niya talaga kayang maglihim dito. Paano kung madulas siya edi talagang lagot siya kay Luna. “Don’t overthink too much babe,” Napalingon siya sa tabi niya at naroroon na si Riri na tapos ng mag ayos ng sarili. “Okay, basta ba tulungan mo ako na ‘di mag-overthink.” Sabi niya
“SEBASTIAN listens to me, I am sorry dahil naglihim ako sa’yo. And yes, kaya hindi kita nasagot kanina dahil ang balak ko talaga ay magpaiwan dito pero hindi kasama doon ang anak natin. Masyado akong maraming dapat gawin, kaming tatlo nila Riri at Lisa. That is why naisip ko na isama mo pabalik si Celine and enroll her again on her school. Alam kong masaya ang anak mo sa pag-aaral sa Moon University.” Yes, naalala niya ang lungkot sa mata ni Celine ng sabihin niya na lilipat na ito ng school. Nakangiti ‘man ito sa kaniya at sabihin nito na ayos lang ay alam niyang hindi. Kita naman niya na nag lit-up ang muka ni Sebastian dahil sa sinabi niya ngunit maya maya ay napasimangot ‘din. “That means hindi ka namin kasama ni Celine.” Tila batang nawalan ng candy na sabi nito kaya natawa ng mahina si Luna. “It will just take a while my love. Kapag natapos agad kami sa mga dapat naming gawin dito babalik ako agad.” Napaisip si Sebastian dahil sa sinabi ni Luna at maya maya ay napatango nal
MAS lalong bumilis ang tibok ng puso niya at naramdaman niya ang pagpula ng pisnge niya. Mas nakakahiya pala kung tatanungin ka pa ng partner mo kung pwede ka ba niyang halikan! Pinagsisisihan na niya iyon!Dali-dali nalang siyang tumango hanggang sa unti-unting bumaba ang muka nito papalapit sa labi niya. Alam na niya ang mangyayari kung kaya kusa siyang napapikit at inantay ang labi nito. Napangisi naman si Sebastian dahil sa nakita niyang naging reaction ni Luna. Hindi na niya inaksaya ang pagkakataon na iyon at idinampi ang labi niya sa labi ni Luna. Noong una ay banayad na halik lamang ang namamagitan sa kanila at tila ninanamnam ang tamis ng labi ng isa’t-isa hanggang sa maging mapusok ang mga iyon. Hindi naman nagpatalo si Luna dahil sinabayan niya ang ritmo na ginagawa ng labi ng nobyo hanggang sa namalayan nalang niya na malambot nak ama na ang nasa likuran niya. “Please stop me before I did something to you my love,” tila hirap na bulong ni Sebastian sa kaniya ng humiwala
Nang lumabas siya bandang 6 ng gabi ay abot-abot na asar ang nakuha niya sa mga kaibigan nila. Halos gusto na niyang magpalamon sa lupa pero ng maalala niyang mayroon pa siyang alas ay agad niya iyong ginawa. Ano? Walang iba kundi ang pagiging mafia niya. Sigurado siyang alam na ng mga ito ang tungkol doon kaya ginamit niya iyon na ikinatahimik naman ng mga ito. Ngiting tagumpay siya dahil doon habang si Celine ay tawa ng tawa dahil tila mga maamong tupa ang mga tito at tita niya. “Tama ka nga.” Sabi ni Vince kay Rocky at ibinigay nito ang pera na ikinatalo niya. Nagpustahan kasi sila na kung nakakatakot ba si Luna o hindi. Hindi naman naniwala si Vince doon dahil para sa kaniya si Sebastian ang nakakatakot kaya hindi siya makapaniwala ng makita at maramdaman niya ang nakakatakot na aura ni Luna. Dapat naniwala na siya sa aura ni Luna noong unang kita nila e! Sino ba kasing mag-aakala na Mafia pala ito! “They are powerful couple.” Biglang sabi niya na ikinatango ng mga kata
“CELINE, anak malapit na tayo.”Ginising na ni Sebastian ang kaniyang anak na mahimbing na natutulog. Gamit ang kaniyang jet ay mabilis silang nakauwi sa pilipinas. Habang nag aayos si Celine ng kaniyang sarili ay napatitig si Sebastian sa anak.Kanina pa bumabagabag sa isip niya kung paano sasabihin dito ang katotohanan sa pamilya niya.“Uhm Celine?”Napalingon si Celine sa ama dahil doon. Ng makita niya ang tila nag aalala nitong expression ay napakunot ang noo nito.“Is there any problem daddy?”“Anak, hindi ba alam mo na buhay ang mommy ko?”Tumango naman ng sunod-sunod si Celine dahil doon.“She’s Caroline’s mom. Inampon ni mommy si Caroline at ang tita Caroline mo ang nag alaga kay mommy dahil nagkasakit siya. Ngayon sigurado ako na inaasikaso na para maging legal na kapatid ko ang tita Caroline mo.”Nanlaki ang mat ani Celine dahil sa kaniyang narinig at nagtitili ito sa sobrang tuwa. Gulat na napatingin sa kaniya sina Vince at Rocky ngunit ng malaman nito ang dahilan ay napail
PAGBUKAS nila ng pintuan kung saan naroroon si Selena at Ricci, bumungad agad sa kanila ang ginang na kumakain ng prutas na ipinagbalat ni Caroline sa kaniya. Sabay na napalingon ang dalawa sa bagong dating at sabay ‘din na nanlaki ang mata nila ng makilala ang mga ito.“Mom!”“Sebastian anak!”Mabilis na lumapit si Sebastian sa kinalalagyan ng kaniyang ina at niyakap ito.“Celine!” Habang si Caroline naman ay si Celine ang una niyang napansin sa mga ito.“Tita Caroline!”Lumapit ang dalawa sa isat-isa at nagyakapan. Hindi ‘rin kasi nakausap ni Caroline si Celine bago sila tuluyang umalis ng Pilipinas papuntang Canada kaya ganoon niya ka-miss ang bata.“Tita I miss you! Marami akong nalaman about you an Imyso happy for you po! Magiging legal na tita na kita tita Caroline!” bibong sabi ni Celine na ikinalaki ng ngiti ni Caroline at pinisil ang ilong nito.“Ikaw talaga Celine ang tali-talino mo!”Natawa sila pareho pagkasabi niyon ni Caroline. Habang sina Selena at Sebastian naman ay na