Chapter 9 (15) Sayruz Future In-Laws
(Sayruz POV)
Matigas talaga ang ulo ng babaing yun.
Kaya hindi ko na nakayanan, nagpakuha ako kay Michael ng alak na magbubura ng pag-aalala ko para sa babaing yun. Klaro naman ata na sa dinadala lang talaga niya ako nag-aalala. At alam niya yun.
Akala ko ba hindi siya marunong tumangi? Ngunit ano ito? Nakikipaglaro siya sa akin. Tss.
(Michael POV)
Halos 48 hrs. na ngang naka-standby ang mga tauhan ni Master Sayruz at ako rin. Wala parin kaming pahinga. Mag-isang umiinom ng alak ang boss namin, at katahimikan nga ang hanap niya. Sumisilip na rin si Haring araw. Nakikipaglaro ang malagintong sinag nito sa kurtina na nililipad ng hangin.
Kapag umiinom siya, ito ang senyales na talagang naguguluhan na siya at di niya alam ang gagawing pagpapasya.
Muli kong sinalinan ang baso niya, at pina-ikot ikot ang laman nito.
“Si
Chapter 9 (15) Sayruz Future In-Laws(Angie POV)Nakompirma ko na wala na nga si Sayruz sa probinsya. Pinakingan niya ang sinabi ko na mas gugustuhin kong malapit nga ako sa aking pamilya. Nakahinga ako kahit papaano. Wala namang masamang mangyayari sa akin dito sa probinsya diba? Wala.May ilan ngang bantay siyang iniwan, ngunit sa tingin ko matatakasan ko sila lalo na wala pa silang pahinga. Kapag nakatakas ako, ipapakita ko kay Sayruz na wala siyang dapat ipag-alala.Sana naman hindi rin niyang nagawang ilipat sa malayong hospital si Papa.Di nga ako nahirapan na takasan ang mga tauhan niya. Kumuha ako ng taxi sa pamagitan ng isang driving apps. Naghihintay na ito sa labasan. Matagumpay na nakasakay ako sa taxi, at uuwi ako ngayon din sa bahay namin. May kung ano sa akin ang nanabik na makita ulit ang bahay namin. Makapasok roon, at mahiga sa sarili kong silid na sa tingin ko yung dalawa ko nang kapatid ang umuu
Chapter 9 (16) Sayruz Future In-Laws(Angie POV)Nahihilo ako. Di ko nga mapigilang mapabanghing. Daratnan na naman ata ako ni sipon at magmumukha na naman ako nitong basang sisiw. Sana hindi gumaya sa akin ang dinadala ko. Pero nakita ko naman na malakas ang daddy niya. Kaya sana doon na lang siya kumuha.Pero hindi ko napigilan ng bigla akong masuka dahil sa biglang pagpapabango ni Tin. Dumiretso ako sa lababo na hindi naman kalayuan sa tinatayuan ko kanina.“Ate, may masama ka bang nakain?”“Magtatanong pa ang batang ‘to. Nakita mo namang nahihilo sa pabango mo ang ate mo.”“Ay hala. Sorry ate.”“Magbihis ka nga. Kapag andito ang ate niyo, wag na wag na muna kayo magpapabango.”“Dalawa na sila Mama.” Sabat ni Chin. “Kapag andito si Papa, wag magpapaganda at magpapabango masyado dahil baka ano na naman maalala niya. Tapos
Chapter 9 (17) Sayruz Future In-Laws(Sayruz POV)Muli na namang mag-uumaga ng makarating kami sa probinsya ng Palawan. Tahimik ang lugar dahil nga hindi ito isang klase ng lugar na masyadong abala. Pagkalapag ng chopper, agad akong tumungo sa sasakyan na naghihintay. Natigilan ako sa pagpasok at napalingon sa sekretarya ko na halatang nanginginig na sa presensya ko. Ngumisi ako sa kanya. meron siyang sasabihin sa akin, ngunit napayuko na lamang ito.Dinala nila ako sa hospital kung nasaan nga ang ama ni Angie. Si Angie ang pakay ko, ngunit ang aking nadatnan ang kanyang ina at kapatid na nakatulog na sa labas ng emergency room. Napalingon ako kay Michael.“Si Angelica.” Hindi na ito nagsalita ng makita ko sa isang bintana ang hulma ng isang babae na nakatayong nakatulala sa may hardin ng gusali. Saka ko naaninag na siya ang babaing hinahanap ko. Susunod sana sa akin ang mga tauhan ko, ng pinigilan ko sila sa
Chapter 9 (18) Sayruz Future In-Laws(Angie POV)Dahil sa sinabi ni Mr. Choi, natigilan ang aking ama. Seryoso ba talaga siya sa kanyang sinabi? Handa na sana ako na ilihim ang pagkatao ng ama ng aking dinadala dahil halata namang nadadamay na siya. Andito na naman siya, sa kabila na alam ko, napaka-abala niyang tao. At may oras pa ba siya sa kanyang kasintahan? Kagaya ko ba natatakot din siya sabihin dito ang komplikasyon na nangyayari sa pagitan naming dalawa?“Ikaw?” Tanong ulit ni Papa na napaduro sa kanya. Napatango si Sayruz bilang tugon.“Papa, hindi po.”“Angie!” Saway niya sa akin. Naiyuko ko na lamang ang aking paningin. “Wag mong ipagkakaila na ako ang ama ng batang dinadala mo. Yan ba ang balak mo? Itangi na ako ang ama niyan?”Di ko alam ang isasagot ko. Naninikip ang dibdib ko. Oo siya ang ama ng dinadala ko, ngunit hindi naman siya handang tangap
Chapter 9 (19) Sayruz Future In-Laws(Sayruz POV)Sa sinabi ng mga bibwit, para na naman akong sinampal. Sino ba sila para sampalin ako ng ganito?! Mga stranghera at stranghero lang naman sila sa akin? F*uck!“Nahanap niyo na si Angie?!” Nagsalita na ako dahil kanina pa si Michael sa harapan ng monitor at narito nga kami sa security room. Hindi nila ako sinagot, nagpatuloy parin sa pagtingin ng footage si Michael, hangang sa ako na naman itong nakakita kung nasaan si Angie.“Saan ang lugar na yan?!” Turo ko sa pinasukan niya. Isang Christian Chapel. Agad silang tumingin sa itinuro kong monitor.“Isang maliit na Chapel sa loob ng Hospital Master Sayruz. Nasa ground floor.” At hindi na nga ako nagdalawang -isip na talikuran sila upang mapuntahan kaagad ang lugar.Nadatnan ko nga siya sa maliit na Chapel. Siya lang ang naririto. Nais ko siyang tawagin, ngunit ma
Chapter 10 A Sudden Marriage(Sayruz POV)Hindi ko namalayan ang aking sarili, pinagmamasdan ko kung paano kumain nga si Angie. Para siyang dalagita na tipong nag-iingat parati sa kinakain niya at baka nga hindi makabali ng tingting ang mga kamay niya.Napa-iling na lamang ako ng pasubo na siya. Ipinikit ko ang aking mga mata. May kung ano kasi sa akin na nabubuhay at gustong… Tss. Mali ito. Impossible na mag-isip ka ng ganyan Sayruz sa harapan ng isang kagaya niya. Hindi naman ito kagandahan, at talagang napaka-manang niya tignan dahil… sa magulong pagkatali ng kanyang buhok, na parang wala na ngang oras na matali yun ng maayos o kung hindi man, hayaan lang niyang di nakatali. Saka ang malalaki nitong salamin, ala Betty Lafia ang dating. Tss. At sa kapayatan labas na labas ang collar bone nito. Ano kaya ang makukuha ng anak ko sa kanya.Napabuntong hininga na lamang ako at binitiwan ang kutsara saka tinidor
Chapter 10 (2) A Sudden Marriage(Trisha POV)Nagmamadali ako makaalis sa bahay, dahil simula ng maka-uwi ako palagi na lang ako nakakarinig kay Mama. Galit na galit ito sa akin, dahil wala man lang akong perang maibigay sa kanya, at kahit nasa Manila ako, hindi ko man lang daw nagawang magpadala sa kanya. Tss. Sinungaling!Halos lahat nga ng sweldo ko at mga napapanalunan ko sa sagulan, sa kanya ko binibigay. Tapos gaganituhin lang niya ako? Porque ba wala akong trabaho at pera sa ngayon? Tss. Sa Minalas lang naman dahil sa Angie na yan.Lumabas ako ng nakamaong na short, at pinailaliman ng jacket ang spagheting kulay pula. Mapupula ang labi at nakalugay ang maitim kong buhok. Saka hindi na mawawala ang sobrang pagmamaka-up ko, lalo na magkikita-kita kami ng tropa. Welcome back party man lang daw sa akin kahit wala akong panlibre sa kanila. Mabuti pa ang mga barkada ko, naiintindihan ako. Sarili kong magulang at pamilya,
Chapter 10 (3) A Sudden Marriage(Angie POV)Nakalabas na nga ng hospital si Papa at makikita mo sa mukha niya ang lubos na kaligayahan. Paulit-ulit niyang sinasabi sa mga nadadaanan naming mga kumpare nito na ikakasal na ako at niyaya nilang lahat na pumunta bukas sa amin.Bukas na nga pala ako ikakasal. At kung iisipin parang hindi ako makakatulog ng maayos mamayang gabi.Nang makauwi kami sa bahay, marami ang naghihintay sa amin. Binati nila ako, at higit sa lahat si Papa na talagang napakasigla nito. Hindi mawala sa labi niya ang ngiti at minsan maririnig mo na lang na masayang tumatawa. Sana nga ganito na lang si Papa parati.Hindi na rin kami nagpahinga. Kailangan namin maglinis at mag-ayos ng bakuran at buong bahay. Nangaling pa naman si Mr. Choi sa isang mataas na pamilya, at naiintindihan ko na maiintindihan niyang simple lang talaga ang pamumuhay dito sa probinsya.Sa paglilinis lang naman, mabilis
(Angie POV)Dumaan ang pitong buwan… Nasa harapan ako ngayon ng napakalaking larawan ni Grandma… Nitong isang linggo lang, pumanaw na din siya at sumunod na sa mga ninuno nito. Tandang-tanda ko pa ang mga salitang iniwan niya sa akin…Mahal na mahal ako ni Sayruz…Sa hindi namin inaasahan, isang araw, iiwan na nga kami ng tahimik ni Grandma… Tahimik at maayos. Pagkatapos ako nito hintayin sa harapan ulit ng altar kasama si Sayruz. Oo, ang singsing sa palasingsingan ko… Ay muling nagpakasal nga kami ni Sayruz. Masayang-masaya noon si Grandma.Sa wakas na ayos niya ang pamilyang di naman niya inaasahan na mawawasak niya. Tahimik ang pagkamatay ni Grandma, natulog ito pagkatapos makipaglaro kay Zade, at di namin inaasahan na hindi na pala siya magigising.“Masayang-masaya si Grandma na pupuntahan ang ninuno namin at sasabihin na maayos niya tayo
(Angie POV)Natakot ako kanina…Hindi ko man lamang naitangi kay Sayruz na anak niya si Zade… At mabuti na lang nagawa kong magsinungaling kahit paano, at ipakita na wala na akong nararamdaman sa kanya. Pero ngayon, nakatulala akong nakatitig sa mga maliliit na bulaklak…“Ang Ate, bumabalik na ata ang pag-ibig. Ayieeee.”“So, Mommy, siya yung daddy ko na sinasabi ninyong pinapa-iyak kayo. Bugbugin ko po para sa inyo?” Napangiti ako sa sinabi ni Zade. Saka umiling ako.“Kahit anong mangyari, pabaliktarin man ang mundo Zade, daddy mo yun. Diba? Respect your Mom and Dad?”“I do. But sabi niyo pinapa-iyak niya kayo.”“Halika nga dito baby ko.” Na ikinalapit kaagad sa akin ni Zade at niyakap ko ito. “Kung ano man yun, sa amin na lang yun ni Daddy. Hindi kailangan na madamay ang baby Zade namin. Hindi naman ako sinasaktan physically ni Da
(Sayruz POV)Pagpasok ko sa loob, napaka-presko… Parang inuwi ako nito sa bahay ng dati kong asawa… Gawa sa matitibay na kahoy, simple ngunit elegante. Humingi ako ng pamphlets tungkol sa restaurant na ito, at nabasa ko roon ang pinag-daanan ng restaurant sa France. Mga Frances ang karamihan na major sponsor, at ng lumaon naging mga shareholder.Kaya dapat lang na hindi ko tantanan ang may-ari nito.“Good afternoon, our very first guest.” Kuha ng attention ko ng isang batang lalaki na may mapusok na pisngi at ang mga mata nito may kalakihan. Natatawa nga ako sa sarili ko dahil… bakit parang nakikita ko lang ang sarili ko noon habang nakatitig ako sa refleksyon ng salamin. May kasamang waiter ang batang lalaki. Saka nga ang batang lalaki mismo ang lumapag ng tsaa sa harapan ko.“Jasmin tea, na special tea ni Chef Unni.”“Thank you,” At napabow nga ang batang chef sa harapan ko
(Angie POV)Six years passed by… Pinitas ko ang ilang kumpol ng Jasmin sa puno nito. Saka bumalik ako sa kusina para gawin nga itong tea. Naghihintay ang customer para matikman ang sariwa at organic tea ng bulaklak na pinitas ko.Anim na taon nga ang lumipas hindi ko aakalain na diretso lang ako sa magagandang layunin na nais ko sa aking buhay. Hindi ko din akalain na magandang buhay ang ibibigay sa akin ng isang banyagang bansa sa akin. Siguro hindi ako tumigil at nagpatalo na lamang ng basta-basta upang matupad itong pangarap ko……Pangarap na ang nagbigay sa akin ng inspiration, ang bukod tanging naging lalaki ko sa buhay… Si Sayruz nga, at hindi ko yun itatangi. Pero ang alaala kahapon, ay parte na ng kahapon na kailangan tangapin, namnamin kung masakit, patawarin, at tuluyan ngang kalimutan.Inamoy ko ang aroma ng bulaklak pagkatapos ko nga pakuluan. Perpekto!Napangiti na l
(Angie POV)“Mahal ko talaga si Sayruz. Sa ating dalawa ang talaga namang nagmamahal sa kanya, ay ako. Naipit lamang kayo sa sitwasyon na ito dahil buntis ka. Sana mapakingan mo Angie ang hiling ko ito. Mahal ko si Sayruz.”“Miss Sarah…” Lumapit siya sa akin at kinuha nito ang kamay ko.“Nakiki-usap ako sayo. Luluhod pa ako sa harapan mo para makita mo kung gaano ko kamahal si Sayruz. O sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin para tuluyan mo nang mapa-ubaya sa akin ang mahal ko.” Hindi ako makapagsalita. Sa sinasabi ni Miss Sarah parang hindi ko pa tuluyan na pinakawalan si Sayruz. Hindi na ako diba gumugulo, ano ang ginagawa nila ngayon?“Miss Sarah wala na kaming communication ni Sayruz. Hindi ako gumugulo na ako gumugulo sa inyo.”“Hindi ka na nga gumugulo, ngunit ang isipan ni Sayruz, ay yang dinadala mo! Di mo ba nakikita? Hindi na niya ako magawang ma
(Sayruz POV)Iminulat ko ang aking mga mata. Pamilyar sa akin ang silid na ito… Hangang sa napangisi ako. Ang silid na ito… Ay Ang silid ko sa pamamahay ng Choi.Bumangon ako, ngunit hindi ko inaasahan na ang paa ko merong kadena na sapat lang pumunta sa banyo, at malapitan ang bintana. Nakita ko din sa paligid na bantay-sarado ako ng mga tauhan ni Grandma. Lumapit ako sa pinto, at pilit na binubuksan ito, ngunit nakasara sa labas. Bulsh*t!“Grandma! Buksan niyo ito! Fuck!”(Angie POV)Naghintay ako kay Sayruz, at nakalatag na nga sa harapan ko ang pagkain namin. Halos kalahating oras na ang nagdaan, hindi pa siya bumabalik. Inabot ko ang inuming tubig at napa-inom ako.Nasaan na kaya siya? Wag naman sana may nangyaring masama sa kanya.Susundan ko na sana siya na sa pagtayo ko, may nagsidatingan na mga lalaking naka-business suit, at gumawa sila ng daan para ng
(Sharmaine POV)“May sinumpaan kang katungkulan dito Senen. Please, gawin mo naman.”“Sa pagka-alam ko meron ka din namang sinumpaan diba Sharmaine? Yun kung hindi ka kay kamatayan nanumpa na maging kakampi nito.”“Senen!”“Nilalason mo ang Chairwoman.” Na biglang ikinasingkit ng mga mata niya. Natahimik ako. Saka naman nito kinuha ulit ang kanyang tsaa. “At kamuntikan mo pang lasunin din ang asawa ni Sayruz.” Saka hinigop nito ang tsaa.“Paano mo yan nalaman?”“So, totoo?”“Sabihin mo sa akin paano mo yan nalalaman?!”“Doctor ako na nanumpang ibigay ang lahat ng makakaya ko para kalabanin ang anghel ng kamatayan. Hindi ba Sharmaine? Ikaw Sharmaine, hindi lang para kay kamatayan nanumpa, kundi sumamba ka din sa pera. Kaya nga yan ang tumutulak sayo para gawin ang mga kamalian na ito.”“Hindi!
(Angie POV)“Angie, kailangan kong puntahan ang tatay mo at ang kapatid mong si Chin, dito na muna kayo ni Sayruz.” Si Mama, habang tinatali niya ang kanyang buhok. “Sayruz, pasensya ka na iho sa nangyayari.”“Hindi na ho sila sa akin iba, kapamilya ko na din naman kayo.”“Maraming salamat iho.”Kaya si Mama nga ang umalis para bumalik sa hospital. Sasakyan na ng tauhan ni Sayruz ang ginamit ni Mama para maayos at mabilis nga na makapunta ito sa hospital.May ngilan-ngilan na kapitbahay namin ang sumilip kay Tin, at may kinuhang mga tauhan na galing sa catering si Sayruz para maayos nga ang burol ng kapatid ko.“Kumain na tayo Angie. Ako mismo ang nagluto noon para sayo.”“Sayruz…”“Shhh. Kailangan mo kumain, kahit kunti lang. Hindi magugustuhan ng kapatid mo na nagpapa-gutom ka. Diba?Kaya kumain ako kahit kunti lang. Sinigurado naman ni Sayruz na nanatiling umiinom ako ng bitamina ko saka sapat na tubig na kailangan ng aking katawan.“Ngayon naiintindihan ko na hindi ka maayos makak
(Angie POV)Hindi pa bumabalik si Tin, kaya napagdesisyunan namin ni Sayruz na umuwi sa bahay. Nagbabakasakali na umuwi ito. Ngunit wala kaming nadatnan, kundi isang ale pa ang dumating at sinabi na dumating na ang bayaran sa kuryente at tubig.“Saka iha, yung tatay mo merong loan, pumunta yung maniningil dito kanina, hindi na namin napigilan, may mga kinuha nang gamit sa loob ng bahay niyo. Matagal na daw yung due-date. At hindi daw nagpakita kailan man ang tatay mo doon sa kooperatiba. Hay naku, kaya ayaw kong pa-utangin ang pamilya niyo, kasi ginagawa na lamang na biro ang mga utang nila.” Huling sinabi nito na napatalikod na nga…Napabuntong-hininga si Sayruz…Pumasok naman ako sa bahay at halos hindi ako makapagsalita sa nakikita ko… Parang may kung anong mga magnanakaw ang pumasok sa bahay namin. Napaka-gulo. Nawala yung TV, ilang simpleng appliances sa bahay namin… Sa nakikita ko, kung si Mama ang naririto tuluyan na siyang nadismaya.“Sabihin mo sa akin kung saan kayo mayroon