Lilie
I feel empty.
Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko kulang na lamang ay mamanhid ako sa sobrang sakit habang nakatitig lamang ako sa kabaong ni Mama ngayon. Pakiramdam ko, kasalanan ko ang lahat, kung bakit siya nawala sa akin.
Noong oras na tumawag sa akin si Tita at pinaalam sa akin ang nangyari kay Mama ay para akong mababaliw. Hindi ko matanggap, ang bilis ng pangyayari. Noong isang linggo ay kausap ko lamang si Mama pero ngayon… nawala na lamang siya bigla. Iniwan niya ako. Nang-iwan si Mama.
Habang nakatitig lamang ako sa kabaong ni Mama ay bumalik sa alaala ko kung humantong sa ganito ang lahat. Sabi ni Tita, plano niyang bisitahin si Mama sa bahay para kamustahin pero pagdating niya raw doon ay walang sumasagot.
Kaya nagdesisyon siyang pumasok sa bahay pero ng pagbukas niya ang pinto ng bahay namin ay nagulat siya sa nakita niya.
Si Mama nakahiga na sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo.
Dahil doon ay tumawag si Tita ng ambulansya, habang pilit niyang ginigising si Mama ay nakita niyang may mga picture na nakakalat sa sahig.
Nang tingnan niya kung ano ang mga ito ay nagalit siya dahil ang nilalaman ng mga litrato na 'yon ay ang babae ni Papa na magkasama ang dalawa.
Nang malaman ko 'yon ay nanlamig ako at nagalit sa sarili ko. Sinisi ko ang sarili ko dahil humantong sa ganito ang lahat. Kung maaga pa lang ay sinabi ko na kay Mama at hindi ko itinago sa kaniya, nandito pa rin ba siya?
Alam kong naging tanga at duwag ako, pero masisisi niyo ba ako kung kapalit ng pagsasabi ko ay pagkawala naman ng taong mahalaga sa akin.
Pero kahit magsabi pa ako ng totoo ay alam kong mawawala at mawawala sila.
"Lie, condolence." Napatingin ako sa katabi ko na ngayon ay umiiyak. Isa siya sa mga taong naging malapit kay Mama at itinuturing siyang pangalawang anak. Nang makita ko siya ay hindi ko na mapigilang humagulgol. Akala ko ay wala na akong mailuluha pero meron pa pala.
"Dria, it's all my fault. Kasalanan ko ang lahat, kasalanan ko kung bakit nawala si Mama," saad kong habang humahagulgol. Nanginginig ang mga kamay ko at bumibigat na rin ang paghinga ko dahil sa nararamdaman ko.
Niyakap naman ako ni Dria at pilit pinapatahan. "Shhh, hindi mo kasalanan Lie. Walang may kasalanan, okay?" Humiwalay siya sa akin at tinitigan ako ng diretso sa mata kaya marahas akong umiling.
"Hindi, hindi Dria. Kasalanan ko. Sana sinabi ko na kay Mama hanggat maaga pa. Sana ipinaalam ko sa kanya, edi sana nandito pa siya. Naduwag ako, naging selfish ako."
"Lie, listen to me. Tita Hera will not be happy to see you in that kind of situation and you're not selfish. Tinago mo kay Tita kasi alam mong ayaw mo siyang masaktan but in the end nalaman rin niya at humantong sa ganito. Huwag mong sisihin ang sarili mo, wala kang kasalanan." Pang-aalo sa akin ni Dria kaya unti-unti akong kumalma.
Nang tingnan ko ang pwesto ni Tita Ella ay kitang-kita ko sa mata niya ang awa at sakit para sa akin. Alam niyang mag-isa na lang ako sa buhay dahil hindi na muling nagpakita si Papa simula noong unang libing ni Mama.
"Si Papa mo? Dumating ba?" Curious na tanong sa akin ni Dria nang kumalma na ako. Kaya umiling ako at ngumiti ng mapait.
"Hindi, hindi siya dumating kahit huling lamay ngayon ni Mama. Hindi man lamang niya ako dinamayan," sagot ko dahilan para manahimik si Alexandria at napatango na lamang.
…
"Ang kapal talaga ng mukha ng Papa mo! Tingnan mo, dahil sa pambabae niya ay wala na siya mukhang ihaharap. Wala na ngang naitulong sa Mama tapos ganito pa ang gagawin, iiwan ka na lang ng walang paalam!"
Napayuko na lamang ako sa mga naririnig ko kay Tita, alam kong nasasaktan din siya sa sinapit ko at ni Mama. Hindi na ako kumibo at tumingin na lang sa labas ng bintana.
Kahit sino pa ang sisihin ni Tita, sa bandang huli ay kasalanan ko pa rin. Alam kong kasalanan ko. Habang binabaybay namin ang daan papunta sa sementeryo ay unti-unti na namang nagsisitulo ang mga luha ko. Akala ko hindi na ako iiyak pero nagkamali ako, hindi ko pa kaya.
Hindi ko pa matanggap.
"Lie, hawakan mo itong puting bulaklak para mamaya ay ihuhulog mo habang inilalagay ang Mama mo sa lupa," saad ni Tita Ella kaya tumango na lamang ako at marahang kinuha ang hawak niyang bulaklak.
Mas lalong nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang bulaklak na ihahagis ko para kay Mama. Mas lalong naninikip ang dibdib ko habang papalapit sa puntod niya. Nang nasa harapan na ako nang puntod ni Mama ay mahina akong napa-hagulgol kasabay no'n ay nanginginig kong inihagis ang bulaklak.
"Ma, sorry. It's my fault, I'm sorry, I'm sorry…" Mahina kong usal at tahimik na umiyak. Katulad ng ginawa ko ay ganun din ang ginawa nang iba.
Nang matapos na ang lahat ay unti-unting nagpaalam ang iba naming kamag-anak. Napatingin ako kay Dria na ngayon ay nasa tabi ko pa rin, hindi niya ako iniwan.
"Hindi ka pa umuwi? Gabi na, oh. Baka pagalitan ka na," nag-aalala na saad ko pero umiling lang siya at niyakap ako.
"Ayaw ko pa, hindi kita pwedeng iwanan ngayon lalo sa kalagayan mo. Baka mamaya may gagawin kang hindi maganda," sagot niya dahilan para mapangiti ako.
"Wala akong masamang gagawin sa sarili ko, kung mayroon man, deserve ko 'yon," seryosong sabi ko dahilan para mapatingin siya sa akin at binatukan ako.
"Gaga, lalong magagalit sa'yo si Tita. Baka mamaya multuhin ka, sige ka," pananakot niya kaya napailing na lamang ako at natawa.
"Mas mabuti pa 'yon."
Napatingin ako kay Tita Ella ng tawagin niya kami para umuwi na. Bago pa ako tuluyang umalis ay nagpaalam na ako kay Mama. Sabay na kaming sumakay ni Dria sa Van at umalis na sa lugar na 'yon.
Habang yakap-yakap ko ang picture ni Mama ay walang nagsasalita sa amin kaya mas lalong bumigat ang nararamdaman ko. Hindi ko na lamang pinansin at tumingin sa labas ng bintana para kahit papaano ay makakatulong ito para gumaan ang nararamdaman ko.
Pagbaba ko sa Van ay napatingin ako kay Tita Ella na ngayon ay punong-puno ng pag-aalala sa mukha niya.
"Lie, sigurado ka bang kaya mo nang mag-isa sa bahay niyo?" Naka-limang tanong na siya pero tanging pag-tango at pag-ngiti lamang ang ginawa ko.
"Tita, kaya ko na po. Kilala mo po ako, sanay na po akong mag-isa." Naiiyak kong saad kaya magaan niya akong niyakap at inalo.
"It's okay to cry, Lilie. Cry all you want, dahil puwede itong makatulong na gumaan ang nararamdaman mo." Saad niya kaya naiiyak akong ngumiti.
Matapos ang masinsinang pag-uusap namin ni Tita Ella ay kumaway na ako at tumalikod na. Nang buksan ko ang pintuan at pumasok ay doon na akong tuluyang umiyak at napaupo na lamang sa sahig.
Ngayon ko lang naramdaman ang matinding sakit, lalong-lalo na sa puso ko. Alam na ng utak ko na wala na si Mama pero ang puso ko ay hindi pa kayang matanggap. Paulit-ulit pumapasok sa isip ko ang malamig na katawan ni Mama ng nakita ko siya sa morgue. Gusto kong magwala pero hindi ko kaya, sobra ang panghihina ang katawan ko.
Nanghihina akong napaupo sa sofa at doon nahiga. Habang ninamnam ko ang bigat ng nararamdaman ko ay napatingin ako sa isang papel na nasa ilalim ng mesa at may pangalan ko.
Lilie
Nang makita kong sulat kamay ito ni Mama ay nanginginig ko itong binuksan at binasa. Mas lalo pa akong umiyak dahil dito.
Lilie,
Matagal ko nang alam ang panloloko sa akin ng Papa mo, alam kong alam mo na ito pero naghihintay ako ng pagkakataon na sabihin mo sa akin. Sa bawat titig mo sa akin ay alam ko nang gusto mo nang sabihin pero alam kong natatakot ka. Natatakot kang masaktan ako.
Pero anak, tanggap na ni Mama. Tanggap na tanggap na pero ang hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Anong kulang ko bilang isang asawa at ina? May pagkukulang ba ako para gawin niya iyon?
Pinalampas ko 'yon, Anak pero mas hindi ko nakayanan ng makita ko ang mga litrato ng Papa mo kasama ang babae niya. Sobrang saya niya habang ako naman ay nasasaktan. Hindi lamang para sa akin kundi para na rin sa'yo.
Alam kong mahal mo rin ang Papa mo, Lilie. Kaya siguro hindi mo masabi sa akin ay ayoko mo lang akong nakikitang nasasaktan. Hanggang sa umabot na pinaghalo-halo na ang nararamdaman ko. Hindi ko na alam ang ginagawa ko sa sarili ko. Lilie, anak. Kung umabot man si Mama sa isang pamamaalam lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni Mama.
Hindi kita sinisisi, Lilie. Ayan ang huwag na huwag mong itatak sa sarili mo kung bakit humantong sa ganito ang lahat. Patawarin mo si Mama kung hindi ko na natupad ang pangako ko sa'yo na ako ang magsasabit ng medalya mo sa kolehiyo. Pero lagi mong tatandaan na proud na proud ako sa'yo.
Hanggang sa muli, Lilie. Mahal na mahal kita. Sorry, sumuko agad si Mama.
Nagmamahal,
Mama
Napasigaw na lamang ako hindi dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko, kundi dahil nagagalit ako. Nagagalit ako dahil all this time alam na ni Mama. Hinihintay na lamang niyang sabihin ko sa kanya.
Ang tanga kong Anak. Ang sama ko, pakiramdam ko wala akong silbi. Ramdam na ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko dahil sa sobrang pag-iyak ko. Pero hindi ko ito ininda ang napahiga na lamang sa sahig dahil sa sobrang sama ng loob ko para sa sarili ko. Kahit wala na siya ay ako pa rin ang naiisip niya at ang nararamdaman ko.
Habang ako naman ay nagpaka-duwag at hindi man lamang ang iniisip ang nararamdaman niya noong mga panahong naghihintay siya na sabihin ko.
"Ma, paano ko hindi sisisihin ang sarili ko kung sa una pa lang ang may alam ka na pero ang inisip mo pa rin ako ang nararamdaman ko pati na rin ako. Bakit ka ganiyan?"
Lilie "Mamamatay tao ka! You killed her!" Nagulat na lamang ako ng duruin ako ng Ama ko sa noo. Paulit-ulit niyang sinisigaw sa akin na ako ang dahilan ng pagkamatay ni Mama. Ako ang sinisisi niya. Hanggang ang sigaw niya ay mas lalo pang lumakas at paulit-ulit na pumapasok sa utak ko na kasalanan ko ang lahat. "Mamamatay tao ka!" Napabalikwas ako dahil sa masamang panaginip ko. Ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng puso ko na akala mo ay hinahabol ako ni Kamatayan. Miski ang pawis ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sobrang lamig nito. Sa loob ng isang buwang pagkawala ni Mama ay araw-araw kong napapanaginipan si Papa at sinis
Someone POVHabang nagmamaneho ako ay panaka-naka ang tingin ko sa babaeng nakahiga sa tabi ko, habang ang boses ko naman ay kinakabahan habang kausap si Elise na ngayon ay natataranta na sa kabilang linya."Elise... damn, I need your help. I found a girl," kinakabahan kong saad sa kabilang linya kaya nagsimula itong tumili."For you?" Napapikit ako sa sobrang inis nang marinig ko ang sagot ni Elise sa akin. Fuck! This is not the right time for a joke."Fuck, no! She's bleeding!""Omy! Anong ginawa mo sa kaniya. Nakipag-" Hindi ko na tinapos ang sasabihin niya nang sumigaw ulit ako sa kabilang linya dahil sa pagkataranta."Bullshit! Hindi ito ang tamang oras para magbiruan tayong dalawa! She's bleeding and I don't know why. Kung nasaksak ba siya or what. Just... please, go to my house and check her, dapat ikaw ang mauna sa akin dahil malala a
TRIGGER WARNING!Third PersonNagising si Lilie na puro kadiliman ang bumungad sa kaniya dahilan para lalo siyang maiyak at manginig sa takot.Hindi niya namalayang may tumutulong luha na pala sa mata niya, hinayaan niya lamang ito at hindi pinunasan. Mas lalo siyang natakot dahil hindi niya alam kung nasaang lugar siya ngayon. Kung safe ba siya dito o mapagkakatiwalaan ang kumuha sa kaniya.Gusto niyang tumakas, gusto niyang magtago at huwag na lamang mabuhay dito sa mundong ibabaw. Hindi niya alam kung ano ang ginawa niya para ganituhin siya ng mundo.Napanaginipan na naman niya ang nangyari sa kaniya ilang linggo na ang nakakalipas. Pakiramdam niy
TRIGGER WARNING!!!LilieI don't know why I'm still here in this world. I mean, after all the pain that they gave to me I will wake up everyday just to suffer and make myself miserable and worthless.Napatingin ako sa pala-pulsuhan ko nang makitang may benda na naman ito. Inalala ko ang nangyari kagabi at natawa na lamang. Bakit sa tuwing sinasaktan ko ang sarili ko ay nandiyan siya palagi sa akin.Unti-unti kong tinapak ang mga paa ko sa sahig at pumunta sa banyo para tingnan muli ang sarili ko. Dahan-dahan kong hinarap ang sarili ko sa salamin at natulala na lamang.Kitang-kita ko ang malaking pagbabago sa akin, mula sa mukha hanggang sa katawan ko
LilieNandidiri ako sa sarili ko. Pakiramdam ko kahit anong gawin kong paliligo o pagkuskos sa katawan ko ay naandito pa rin ang mga kamay niya.Mga kamay niyang hindi ko gustong maramdaman ang hawak niya. Ayoko na ng ganito. Sa bawat araw na dumadaan mas lalo ko lamang kinamumuhian ang sarili ko.Lagi na lamang ganito ang nararamdaman ko sa sarili ko. Pandidiri, galit, lahat na pwede kong gawin sa sarili ko."Nakakadiri ako, nakakadiri ako," paulit-ulit kong bulong habang sinusuntok ang sarili ko. Lahat ng parte ng katawan ko ay sinasaktan ko. Gusto ko na lang maging manhid."Walang tatanggap sa'yo, walang magmamahal sa'yo, Lilie. Walang tatanggap ng buong pagkatao
LilieI almost cursed when I saw the news at my cellphone. Nanlamig ako ng makita kong kalat na ang litrato namin ni Lucas sa internet. Alam kong kagabi 'to dahil ako lang naman ang kasama ni Lucas.Guilty is slowly eating me. What if Lucas reputation will be destroyed because of me? Paano kung siraan siya hanggang bumagsak siya?All of his hard work will turn into ashes because of me. Dapat naging maingat ako sa pagkilos at inisip bago sumama sa kaniya. Nanginginig kong ibinaba ang cellphone ko at tumayo.Pakiramdam ko ay kailangan kong mag-sorry dahil sa mga natatanggap niyang hates sa iba niyang taga-hanga. May nabasa pa akong hindi bagay sa kaniya na kasama ako at peperahan ko lang si Lucas.
Lilie"Ang lalim ng iniisip mo," sabi ko kay Julie at tumabi sa kaniya kaya napatingin ito sa akin at ngumiti."Sa sobrang lalim hindi ko na alam kung makaka-ahon ulit ako," sagot niya sa akin at nagpatuloy muli. "Lilie, paano kung nakita mo ulit 'yung taong minahal mo?""Ah, ngitian mo?" Napangiwi ako sa sarili kong sagot. Hindi ko naman alam ang gagawin kaya natawa siya."Ito na lang, mapapatawad mo ba ang taong nang-iwan sa'yo?" Napatigil ako sa naging tanong niya. May naalala ako na isang tao. Si Papa."Para sa akin... depende sa'yo kung mapapatawad mo ba siya o hindi. Pero siyempre, alamin mo muna kung bakit ka iniwan ng taong iyon. Baka kasi may malaki siyang d
Lilie"Julie," tawag ko sa katabi ko na ngayon ay nagde-design ng damit niya sa sketchbook. Tumigil siya saglit at tumingin sa akin."Bakit? May masakit ba sa'yo?" Natataranta niyang tanong kaya napairap na lamang ako. Masiyadong overreacting."Wala, may itatanong lang sana ako sa'yo.""Anong itatanong mo?" Nagtataka niyang tanong at pinagpatuloy ang pagda-drawing sa papel. Huminga muna ako nang malalim bago magsalita."Paano mo malalaman kapag inlove ka na?" Mahina kong tanong kaya kumunot ang noo niya at muling lumingon sa akin."Anong sinasabi mo, Lilie? Hindi kita marinig, puwede bang pakiulit."
LilieNang basahin ko ang sulat sa akin ni Lucas ay naiiyak na lamang akong napatingin kay Julie."Kaya ba hindi ako pinapansin ni Lucas dahil dito?" Pagtatanong ko kay Julie na ngayon ay nakatingin lamang sa akin habang nakangiti.Dahan-dahan siyang tumango at sumagot, "Oo, that's the only way para hindi mo mapansin ang mga pinaplano ni Lucas para sa'yo. And I'm sorry for that, Lilie.""Para kayong mga ewan. Ginawa niyo na namang akong tanga. Bakit ganiyan kayo?!" Natatawa kong sagot kaya natawa na rin siya.“Si Lucas ang nakaisip niyan, bilang kapatid niya. Sumunod na lang ako sa utos niya. Sayang 'yong libre niya sa akin na pang-isang buwan,” bulong niya sa akin kaya inirapan ko siya.Napatingin kami sa isang guard na ngayon ay nakatayo sa harapan namin na tila ay hinihintay pa kami.“Ma'am Juli
LucasTime flies so fast. Tuluyan ng naka-recover si Lilie and I am the most happiest person in the world when she's back to the old Lilie that I knew.Pero sa araw-araw na pananatili niya dito sa akin at magkasama kaming dalawa. Alam kong sa sarili kong iba na ang nararamdaman ko sa kaniya. Natatakot lang ako na umamin.For so many years of waiting for her and wanted to see her again. I'm afraid to confess to her. Whenever she's around, she always makes my day. She always makes me laugh, smile, and feel comfortable with her.Every time I feel exhausted, she's always there to lighten up my mood and day. Whenever everything feels wrong, she's always saving me even though she never knew it. For me, when everything feels wrong, she's the one who will make it right.All I can say is... she's always saving me from all the problems I have, from all the circumstances that I'm facing. Basta, ang alam ko lang mahal ko siya.Pinagkati
LucasI'm a mess, I don't know where to go. My mind is in a mess right now. I'm like a puzzle who are finding his missing pieces, until now.I don't know what to do in my life right now, I can't see where the right path and light is. I don't know where the hope they are saying. All I can do is to stare at the river whenever I want to jump in.I'm in a mess.My mind are in darkness.Can someone save me?I feel like I am a lost puppy who are waiting for his owner to find me. I stare at the sky and smiled. All my life, all I can do is to take care of everything, all I can do is to pursue everything they want.They say, my life is perfect, our life is perfect. But they are wrong, I'm wrong. I thought too that our life is perfect but it was not, until my parents died.Noong mga panahon na 'yon, hindi ko na alam kung saan ako pupunta,
Lilie"Pagod ka na ba sa akin, Lucas?" Mahina kong tanong at alam kong narinig niya dahil gumalaw siya ng kaunti. Nakatalikod pa rin siya sa akin kaya hindi ko makita ang reaksiyon niya. Pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko dahil hindi ko masambit ang salitang gusto kong sabihin sa kaniya."L-lucas..." Tanging pangalan niya lamang ang nasambit ko at hinihintay ang sagot niya. Nagsimula na ring magtubig ang mata ko. Kaya lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang braso niya. Nagulat na lamang ako ng bigla na lamang niya itong tanggalin na tila'y napapaso siya sa paghawak ko."Magpahinga ka na Lilie, saka na lang tayo mag-usap," malamig niyang saad kaya tumango ako at umatras ng tatlong hakbang papalayo sa kaniya."S-sige, kapag hindi ka na pagod Lucas," piyok kong saad at pinanood ko lamang siya na umalis sa harapan ko. Tuluyan na akong humagulgol ng mawala na siya. Hindi m
LilieMinsan sa buhay natin may mga taong aalis sa tabi natin na hindi natin aasahan. Minsan naman may bumabalik pero 'yung iba? Hindi na muling babalik pa sa buhay natin.Magugulat na lang tayo isang araw, wala na sila sa tabi natin. Ang masakit pa, kung kailan nakasanayan na nating naandito sila palagi sa tabi natin saka pa sila mawawala na parang bula.Mahirap kalimutan ang isang taong minahal mo kahit sa sandaling panahon lang ang binigay sa inyo. Pero minsan kailangan tanggapin na may mawawala sa buhay natin kahit sobrang sakit.Kailangan nating magpaalam kahit ayaw pa natin, kailangan nating tanggapin kahit masakit sa puso natin at higit sa lahat, kailangan natin maging matatag kahit mahirap.Ako? Kung ako ang tatanungin... noong mawala si Mama sa tabi ko ay sobrang hirap, isama mo pa ang sarili ko. Pero akala ko wala na pa lang mas sasakit pa doon. Meron p
Lilie“Papa,” umiiyak kong saad at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Kitang-kita ko kung gaano siya kasaya nang makita niya ako.Umupo ako sa tabi niya at dahan-dahan niyang pinunasan ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ko. “Lilie, anak. Patawarin mo si Papa,” umiiyak na rin siya katulad ko.“P-papa, matagal na po kitang pinatawad, napatawad na po kita. Wala ka na pong kasalanan sa akin,”saad kong muli pero umiling lamang siya at nagpatuloy.“Patawarin mo ako, Lilie... pinatay ko ang Mama mo.” Dahil sa sinabi niya ay naguluhan ako. Ano ang ibig sabihin ni Papa? Anong pinatay niya si Mama?“Pa, hindi niyo po kasalanan 'yon.” Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Papa.“Pinatay ko ang Mama mo, kung hindi
TRIGGER WARNINGLilie"Miss, masarap 'tong gagawin ko sa'yo," bulong niya sa aking tainga habang ako naman ay nanginginig na sa sobrang takot.“K-kuya, h-huwag po,” pagmamakaawa ko habang inilalayo ko ang katawan ko sa kaniya. Mas lalo akong nanginig sa takot ng hawakan niya ang pambaba ko.“Lilie!” Napasinghap na lamang ako ng may gumising sa akin. Pagtingin ko sa tabi ko ay nakita kong si Lucas na sobra ang pag-aalala sa akin.“Why are you crying?” Tanong niya habang pinupunasan ang luha ko. Bigla ko na lamang siyang niyakap at doon humagulgol, hinaplos naman niya ng marahan ang buhok at likod ko.“Did you have a nightmare again? Did you take your medicine last night?” Sunod-sunod na tanong niya sa akin kaya umiling ako habang yakap-yakap pa rin siya. Naramda
LilieKahit hilam ng luha ang pisngi ko ay lumingon ako kila Keegan na nakangiti sa amin at sinenyasan ko silang ano 'to.Ngumiti at tumango lamang sila sa'king tatlo kaya muli kong hinarap si Lucas na nakanta at nakatingin na sa akin ngayon.Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Nanginginig ang mga tuhod ko, sobrang bilis ng tibok ng puso ko at higit sa lahat, grabe ang kasiyahang namumutawi sa dibdib ko ngayon.Nagpatuloy siya sa pagkanta at kitang-kita ko kung paano tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata. Kaya ang ginawa ko ay unti-unti kong hinakbang ang mga paa ko papalapit sa kaniya.Tinigil niya saglit ang pagkanta at tumayo, may kinuha siyang isang puting rosas at unting-unti lumalapit sa akin. Kaya ang lakad ko ay naging takbo na.Tinakbo ko ang distansiya naming dalawa at kasabay no'n ay niyakap ko siya nang sobrang h
Lilie"Ano Lilie, hindi makapaniwala, talagang nagustuhan nga kita,” saad niyang muli dahilan para mabingi ako.“Keegan, baka nagbibiro ka lang, ayoko ng ganiyan na biro,” kinakabahan kong saad kaya natawa siya sa reaksyon ko.“Te, para kang natatae, past tense na ang sinabi ko. Ang ibig kong sabihin ay nagustuhan, kumbaga ngayon wala na. Jusko ka!”“Bakit mo naman ako nagustuhan?”“Ewan nga eh, nakakatawa nga dahil ikaw ang kauna-unahang babaeng nagustuhan ko. Pero isang buwan lang naman ang pagkagusto ko sa'yo tapos, wala na,” paliwanag niya sa akin at natawa.“Alam mo, hanga rin ako sa'yo Keegan, hindi mo ako tinake advantage,” ani ko kaya tumawa siya.“Hindi naman kasi ako tinuruan ng mga magulang kong mang-agaw ng taong may mahal ng iba, ka