Share

Chapter 2: Gone

Author: Hope
last update Huling Na-update: 2021-08-09 15:38:15

Lilie

Isang linggo. Isang linggo na ang nakalipas simula ng makita ko si Papa na may kasamang babae. Grabe 'ang sakit na nararamdaman ko noong araw na 'yon. Gusto kong sugurin silang dalawa pero duwag ako kaya ang nagawa na lang namin ni Dria ay kuhanan sila ng picture na magkasama.

Sa isang linggo na 'yon ay lagi kong sinusundan si Papa, pero sa bawat pagsunod ko sa kanya ay mas lalo lang akong nasasaktan hindi para sa'kin kundi para na rin kay Mama. At sa isang linggo na 'yon ay itinatago ko sa kaniya 'yon.

Ayoko lang masaktan si Mama.

"Lie, anak. Ayos ka lang ba?" Napapitlag ako nang marinig kong tinatawag pala ako ni Mama nang tingnan ko siya ay nasa tabi ko na pala at bakas ang sobrang pag-aalala sa mukha niya.

"Kanina pa kita tinatawag, hindi ka man lamang gumagalaw o lumilingon sa akin. May problema ka ba? O baka nahihirapan ka ng pagsabayin ang trabaho at pag-aaral mo?" Sunod-sunod niyang tanong kaya pilit kong ngumiti at umiling.

"Wala po, Mama. Nahihirapan lang po ako sa nire-review ko po," saad ko sabay turo sa notebook ko na ngayon ay blanko pala at walang kasulat-sulat.

Lihim akong napangiwi dahil maling notebook pala ang nakuha ko. Napatingin ako kay Mama na ngayon ay tumatawa sa sinabi ko. 

"Ikaw ha, niloloko mo si Mama." Pang-aasar niya kaya natawa na lang ako. Ngayon ko lang napansin na may dala pala siyang isang baso ng gatas. Nang makita niyang nakatingin ako doon ay marahan niya itong ibinigay sa akin. 

"Naalala ko kasi na lagi kang umiinom ng gatas kapag alas-otso na. Napansin kong hindi ka pa bumababa kaya naisipan kong dalhan ka na. At naabutan kong nagre-review ka pala," paliwanag niya kaya napatango na lamang ako habang iniinom ang gatas na kinanaw niya para sa akin.

"Lie, napapagod ka na ba? Resign ka na lang para makapag-focus ka sa pag-aaral mo. Si Mama na lang ang magta-trabaho." Pangungulit niya kaya marahas akong umiling. 

"Mama, ilang beses ko na pong sinabi na kaya ko pa po. Dapat ay ikaw nga po ang nagpapahinga. Pero promise Ma, kapag nakapagtapos ako. Ako naman ang magta-trabaho tapos ikaw magpapahinga na lang. Magrelax ka," pagbibiro ko pa kaya hinaplos niya ang buhok ko at ngumiti.

Habang pinagmamasdan ko ang mukha ni Mama ay nanunubig ang mata ko. Kaya mabilis akong umiwas ng tingin at nagkunwaring umubo. Ramdam ko ang paninitig sa akin ni Mama pero ang atensyon ko ay nakatuon lamang sa notebook na hawak ko ngayon. 

"Ma, kunwari nalaman mong may babae si Papa  A-anong gagawin mo?" Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil bakit 'yon pang tanong ang lumabas sa bibig ko.

Dahan-dahan akong tumingin kay Mama para tingnan ang reaksyon niya. Nakangiti lamang siya na akala mo ay nagbibiro ako.

"Imposible naman na gawin sa'kin 'yan ng Papa mo. At saka parang itinapon na rin niya 'yung ipinangako niya sa akin na kahit anong hirap ay hinding-hindi siya mangangaliwa," nakangiting saad ni Mama para mas lalo pa akong masaktan. 

Paano ko sasabihin sa kaniya na sinira ni Papa ang ipinangako sa kaniya. Ayoko, ayokong masaktan si Mama. Natatakot akong sabihin sa kaniya ang totoo.

"Kunwari lang naman po, Mama. Ano pong gagawin mo?" Peke kong pagtawa kaya tumitig siya ng deretso sa mga mata ko. Pakiramdam ko hinahalukay niya ang buong pagkatao ko.

"I would rather die than to see your father cheating on me, Lilie," saad niya sa seryosong boses dahilan para manginig ang kamay ko at matapon ang gatas na iniinom ko ngayon.

Nang marinig ko ang sinabi ni Mama ay mas lalo akong natakot, mas lalong naninikip ang dibdib ko.

Natatakot ako na sa oras na malaman niya ang ginagawa ni Papa ay gawin 'to ni Mama. Ayokong mangyari 'yon.

"Miss, chocolate cake po, hindi po chiffon cake." 

"Miss, maling order po ang binigay mo po sa akin."

"Miss lutang ka ba?" 

Napakagat-labi na lang ako nang makapasok ako sa kusina ng Cafeteria namin. Naiinis ako sa sarili ko dahil puro kamalian ang naggagawa ko ngayong araw. 

Ang iba kong katrabaho ay nagtataka na sa akin dahil puro kamalian ang ginagawa ko ngayon na hindi tulad dati na ayos naman ang performance ko. Miski si Dria ay nag-aalala na rin sa akin.

"Te, ayos ka lang ba? Pahinga ka kaya muna," suhestiyon niya sa akin kaya pinigilan ko siya sa pagkuha ng tray at nginitian siya.

"I'm okay. Bumalik ka na sa trabaho mo, baka mamaya ay magalit pa si Boss." Paninigurado ko kaya tumitig siya sa akin ng matagal. Kaya ang ginawa ko ay nag-thumbs up ako para ipakitang ayos lang ako.

"Sige na, Dria. Okay lang ako. Isang oras na lang at uuwi naman na tayo." Nang sabihin ko 'yon ay wala na siyang naggawa at tuluyan ng umalis sa harapan ko. Kaya nang umalis na siya ay napayuko na lamang ako napahinga ng malalim.

'Wag kang iiyak dito, Lilie. Kaya mo 'yan.

"Te, nasabi mo na sa Mama mo? Kay Tita Hera?" Pagtatanong sa akin ni Dria kaya naiiyak akong umiling. Bigla naman niya akong nilapitan at niyakap. Naandito kaming dalawa sa Food Court para magpalamig at kumain.

"Hala te, sorry. Bakit pa kasi nagtanong ako. Bakit hindi mo pa nasasabi kay Tita Hera?" Nagtatakang tanong ni Dria habang pinupunasan ang luha ko. 

"I can't. Hindi ko kayang mawala sa akin si Mama. Hindi ko kayang masaktan siya," paliwanag ko habang inaalala ang napag-usapan namin noong isang gabi.

Nang lingunin ko si Dria ay puno ng pagtataka ang mukha niya kaya hindi ko na mapigilang matawa dahil sa reaksyon na ipinapakita niya sa akin ngayon.

"Masaya ka niyan, te? Pero mas lalo mo lang masasaktan si Tita kasi itinatago mo sa kaniya ang pambabae ng Papa mo!" Paliwanag niya kaya napatingin ako sa kuko ko dahil sa sinabi niya.

"Pero ayoko siyang mawala sa akin! Ang sabi niya, mas gugustuhin niya pang mawala kaysa makita si Papa na may kasamang iba! Sa tingin mo hahayaan ko na lang na gawin 'yon ng Mama ko? Mawala na sa akin ang lahat, 'wag lang si Mama…" Unti-unting humina ang boses ko at napalitan ito ng hagulgol. 

Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng ibang tao dito. Ang mahalaga ay nailalabas ko ang saloobin ko.

"Pucha? Sinabi 'yan ni Tita?" Hindi makapaniwala na tanong sa akin ng katabi ko kaya marahan akong tumango. Narinig ko pa ang malakas niyang pagbuntong hininga. 

"May narealize ako, sasabihin ko ba kay Mama o hahayaan ko na lang na ako ang mag-suffer? O itatago ko na lang sa kaniya?"

"Pero hindi habang buhay ay ililihim ko 'to kay Mama. Alam kong malalaman niya pero ayoko… ayoko siyang masaktan at mawala sa akin. Anong gagawin ko, Dria?" 

Base pa lang sa boses ko ay alam kong konting-konti na lang ay parang nawawalan na ako ng pag-asa. Naramdaman kong tinapik ni Dria ang balikat ko. Nang tingnan ko siya ay nakangiti na siya sa akin.

"Lie, sabihin mo na kay Tita bago pa mahuli ang lahat. Alam kong kaya mo 'yan. Sabihin mo na, bago pa mahuli ang lahat." Pagpapagaan niya sa loob ko at ngumiti.

Sasagot na sana ako pero nawala ito nang tumunog ang cellphone ko na senyales na may tumatawag sa akin. Nang tingnan ko kung sino ang caller ay nagtaka ako dahil minsan lang tumawag ang Tita ko. Ang kapatid ni Mama.

Nagkatinginan pa kami ni Dria bago ko sagutin ang tawag. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko pero ipinag-isa walang bahala ko ito.

"Hello po, Tita Ella. Bakit po kayo napatawag? May emergency po ba?" Taka kong pagtatanong pero mahihinang iyak ang naririnig ko sa kabilang linya. Miski si Dria ay nagtataka na rin.

"Tita? Bakit po?" Pag-uulit ko pero mas lalong lumakas ang pag-iyak niya.

"Lilie… lilie, ang Mama mo…" Nang marinig ko ang pangalan ni Mama ay nagsimula nang kumabog ang dibdib ko. Nang tingnan kong muli ang katabi ko ay bakas na rin ang takot sa mga mata niya. Napapikit ako at inalis ang naiisip ko ngayon.

Alam kong walang nangyaring masama kay Mama. May tiwala ako sa kaniya.

"Lilie… wala na ang Mama mo."

Kaugnay na kabanata

  • The CEO Admiration (Montiero Series 1)   Chapter 3: The Letter

    LilieI feel empty.Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko kulang na lamang ay mamanhid ako sa sobrang sakit habang nakatitig lamang ako sa kabaong ni Mama ngayon. Pakiramdam ko, kasalanan ko ang lahat, kung bakit siya nawala sa akin.Noong oras na tumawag sa akin si Tita at pinaalam sa akin ang nangyari kay Mama ay para akong mababaliw. Hindi ko matanggap, ang bilis ng pangyayari. Noong isang linggo ay kausap ko lamang si Mama pero ngayon… nawala na lamang siya bigla. Iniwan niya ako. Nang-iwan si Mama.Habang nakatitig lamang ako sa kabaong ni Mama ay bumalik sa alaala ko kung humantong sa ganito ang lahat. Sabi ni Tita, plano niyang bisitahin si Mama sa bahay para kamustahin pero pagdating niya raw doon ay walang sumasagot.

    Huling Na-update : 2021-08-09
  • The CEO Admiration (Montiero Series 1)   Chapter 4: Lost

    Lilie "Mamamatay tao ka! You killed her!" Nagulat na lamang ako ng duruin ako ng Ama ko sa noo. Paulit-ulit niyang sinisigaw sa akin na ako ang dahilan ng pagkamatay ni Mama. Ako ang sinisisi niya. Hanggang ang sigaw niya ay mas lalo pang lumakas at paulit-ulit na pumapasok sa utak ko na kasalanan ko ang lahat. "Mamamatay tao ka!" Napabalikwas ako dahil sa masamang panaginip ko. Ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng puso ko na akala mo ay hinahabol ako ni Kamatayan. Miski ang pawis ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sobrang lamig nito. Sa loob ng isang buwang pagkawala ni Mama ay araw-araw kong napapanaginipan si Papa at sinis

    Huling Na-update : 2021-08-10
  • The CEO Admiration (Montiero Series 1)   Chapter 5: Awake

    Someone POVHabang nagmamaneho ako ay panaka-naka ang tingin ko sa babaeng nakahiga sa tabi ko, habang ang boses ko naman ay kinakabahan habang kausap si Elise na ngayon ay natataranta na sa kabilang linya."Elise... damn, I need your help. I found a girl," kinakabahan kong saad sa kabilang linya kaya nagsimula itong tumili."For you?" Napapikit ako sa sobrang inis nang marinig ko ang sagot ni Elise sa akin. Fuck! This is not the right time for a joke."Fuck, no! She's bleeding!""Omy! Anong ginawa mo sa kaniya. Nakipag-" Hindi ko na tinapos ang sasabihin niya nang sumigaw ulit ako sa kabilang linya dahil sa pagkataranta."Bullshit! Hindi ito ang tamang oras para magbiruan tayong dalawa! She's bleeding and I don't know why. Kung nasaksak ba siya or what. Just... please, go to my house and check her, dapat ikaw ang mauna sa akin dahil malala a

    Huling Na-update : 2021-08-14
  • The CEO Admiration (Montiero Series 1)   Chapter 6: Pain

    TRIGGER WARNING!Third PersonNagising si Lilie na puro kadiliman ang bumungad sa kaniya dahilan para lalo siyang maiyak at manginig sa takot.Hindi niya namalayang may tumutulong luha na pala sa mata niya, hinayaan niya lamang ito at hindi pinunasan. Mas lalo siyang natakot dahil hindi niya alam kung nasaang lugar siya ngayon. Kung safe ba siya dito o mapagkakatiwalaan ang kumuha sa kaniya.Gusto niyang tumakas, gusto niyang magtago at huwag na lamang mabuhay dito sa mundong ibabaw. Hindi niya alam kung ano ang ginawa niya para ganituhin siya ng mundo.Napanaginipan na naman niya ang nangyari sa kaniya ilang linggo na ang nakakalipas. Pakiramdam niy

    Huling Na-update : 2021-08-16
  • The CEO Admiration (Montiero Series 1)   Chapter 7: Heal You

    TRIGGER WARNING!!!LilieI don't know why I'm still here in this world. I mean, after all the pain that they gave to me I will wake up everyday just to suffer and make myself miserable and worthless.Napatingin ako sa pala-pulsuhan ko nang makitang may benda na naman ito. Inalala ko ang nangyari kagabi at natawa na lamang. Bakit sa tuwing sinasaktan ko ang sarili ko ay nandiyan siya palagi sa akin.Unti-unti kong tinapak ang mga paa ko sa sahig at pumunta sa banyo para tingnan muli ang sarili ko. Dahan-dahan kong hinarap ang sarili ko sa salamin at natulala na lamang.Kitang-kita ko ang malaking pagbabago sa akin, mula sa mukha hanggang sa katawan ko

    Huling Na-update : 2021-08-16
  • The CEO Admiration (Montiero Series 1)   Chapter 8: Thank You

    LilieNandidiri ako sa sarili ko. Pakiramdam ko kahit anong gawin kong paliligo o pagkuskos sa katawan ko ay naandito pa rin ang mga kamay niya.Mga kamay niyang hindi ko gustong maramdaman ang hawak niya. Ayoko na ng ganito. Sa bawat araw na dumadaan mas lalo ko lamang kinamumuhian ang sarili ko.Lagi na lamang ganito ang nararamdaman ko sa sarili ko. Pandidiri, galit, lahat na pwede kong gawin sa sarili ko."Nakakadiri ako, nakakadiri ako," paulit-ulit kong bulong habang sinusuntok ang sarili ko. Lahat ng parte ng katawan ko ay sinasaktan ko. Gusto ko na lang maging manhid."Walang tatanggap sa'yo, walang magmamahal sa'yo, Lilie. Walang tatanggap ng buong pagkatao

    Huling Na-update : 2021-08-16
  • The CEO Admiration (Montiero Series 1)   Chapter 9: Leaving

    LilieI almost cursed when I saw the news at my cellphone. Nanlamig ako ng makita kong kalat na ang litrato namin ni Lucas sa internet. Alam kong kagabi 'to dahil ako lang naman ang kasama ni Lucas.Guilty is slowly eating me. What if Lucas reputation will be destroyed because of me? Paano kung siraan siya hanggang bumagsak siya?All of his hard work will turn into ashes because of me. Dapat naging maingat ako sa pagkilos at inisip bago sumama sa kaniya. Nanginginig kong ibinaba ang cellphone ko at tumayo.Pakiramdam ko ay kailangan kong mag-sorry dahil sa mga natatanggap niyang hates sa iba niyang taga-hanga. May nabasa pa akong hindi bagay sa kaniya na kasama ako at peperahan ko lang si Lucas.

    Huling Na-update : 2021-08-16
  • The CEO Admiration (Montiero Series 1)   Chapter 10: Ring

    Lilie"Ang lalim ng iniisip mo," sabi ko kay Julie at tumabi sa kaniya kaya napatingin ito sa akin at ngumiti."Sa sobrang lalim hindi ko na alam kung makaka-ahon ulit ako," sagot niya sa akin at nagpatuloy muli. "Lilie, paano kung nakita mo ulit 'yung taong minahal mo?""Ah, ngitian mo?" Napangiwi ako sa sarili kong sagot. Hindi ko naman alam ang gagawin kaya natawa siya."Ito na lang, mapapatawad mo ba ang taong nang-iwan sa'yo?" Napatigil ako sa naging tanong niya. May naalala ako na isang tao. Si Papa."Para sa akin... depende sa'yo kung mapapatawad mo ba siya o hindi. Pero siyempre, alamin mo muna kung bakit ka iniwan ng taong iyon. Baka kasi may malaki siyang d

    Huling Na-update : 2021-08-16

Pinakabagong kabanata

  • The CEO Admiration (Montiero Series 1)   Special Chapter

    LilieNang basahin ko ang sulat sa akin ni Lucas ay naiiyak na lamang akong napatingin kay Julie."Kaya ba hindi ako pinapansin ni Lucas dahil dito?" Pagtatanong ko kay Julie na ngayon ay nakatingin lamang sa akin habang nakangiti.Dahan-dahan siyang tumango at sumagot, "Oo, that's the only way para hindi mo mapansin ang mga pinaplano ni Lucas para sa'yo. And I'm sorry for that, Lilie.""Para kayong mga ewan. Ginawa niyo na namang akong tanga. Bakit ganiyan kayo?!" Natatawa kong sagot kaya natawa na rin siya.“Si Lucas ang nakaisip niyan, bilang kapatid niya. Sumunod na lang ako sa utos niya. Sayang 'yong libre niya sa akin na pang-isang buwan,” bulong niya sa akin kaya inirapan ko siya.Napatingin kami sa isang guard na ngayon ay nakatayo sa harapan namin na tila ay hinihintay pa kami.“Ma'am Juli

  • The CEO Admiration (Montiero Series 1)   Epilogue: Part 2

    LucasTime flies so fast. Tuluyan ng naka-recover si Lilie and I am the most happiest person in the world when she's back to the old Lilie that I knew.Pero sa araw-araw na pananatili niya dito sa akin at magkasama kaming dalawa. Alam kong sa sarili kong iba na ang nararamdaman ko sa kaniya. Natatakot lang ako na umamin.For so many years of waiting for her and wanted to see her again. I'm afraid to confess to her. Whenever she's around, she always makes my day. She always makes me laugh, smile, and feel comfortable with her.Every time I feel exhausted, she's always there to lighten up my mood and day. Whenever everything feels wrong, she's always saving me even though she never knew it. For me, when everything feels wrong, she's the one who will make it right.All I can say is... she's always saving me from all the problems I have, from all the circumstances that I'm facing. Basta, ang alam ko lang mahal ko siya.Pinagkati

  • The CEO Admiration (Montiero Series 1)   Epilogue: Part 1

    LucasI'm a mess, I don't know where to go. My mind is in a mess right now. I'm like a puzzle who are finding his missing pieces, until now.I don't know what to do in my life right now, I can't see where the right path and light is. I don't know where the hope they are saying. All I can do is to stare at the river whenever I want to jump in.I'm in a mess.My mind are in darkness.Can someone save me?I feel like I am a lost puppy who are waiting for his owner to find me. I stare at the sky and smiled. All my life, all I can do is to take care of everything, all I can do is to pursue everything they want.They say, my life is perfect, our life is perfect. But they are wrong, I'm wrong. I thought too that our life is perfect but it was not, until my parents died.Noong mga panahon na 'yon, hindi ko na alam kung saan ako pupunta,

  • The CEO Admiration (Montiero Series 1)   Chapter 35: Surprise

    Lilie"Pagod ka na ba sa akin, Lucas?" Mahina kong tanong at alam kong narinig niya dahil gumalaw siya ng kaunti. Nakatalikod pa rin siya sa akin kaya hindi ko makita ang reaksiyon niya. Pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko dahil hindi ko masambit ang salitang gusto kong sabihin sa kaniya."L-lucas..." Tanging pangalan niya lamang ang nasambit ko at hinihintay ang sagot niya. Nagsimula na ring magtubig ang mata ko. Kaya lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang braso niya. Nagulat na lamang ako ng bigla na lamang niya itong tanggalin na tila'y napapaso siya sa paghawak ko."Magpahinga ka na Lilie, saka na lang tayo mag-usap," malamig niyang saad kaya tumango ako at umatras ng tatlong hakbang papalayo sa kaniya."S-sige, kapag hindi ka na pagod Lucas," piyok kong saad at pinanood ko lamang siya na umalis sa harapan ko. Tuluyan na akong humagulgol ng mawala na siya. Hindi m

  • The CEO Admiration (Montiero Series 1)   Chapter 34: Pagod

    LilieMinsan sa buhay natin may mga taong aalis sa tabi natin na hindi natin aasahan. Minsan naman may bumabalik pero 'yung iba? Hindi na muling babalik pa sa buhay natin.Magugulat na lang tayo isang araw, wala na sila sa tabi natin. Ang masakit pa, kung kailan nakasanayan na nating naandito sila palagi sa tabi natin saka pa sila mawawala na parang bula.Mahirap kalimutan ang isang taong minahal mo kahit sa sandaling panahon lang ang binigay sa inyo. Pero minsan kailangan tanggapin na may mawawala sa buhay natin kahit sobrang sakit.Kailangan nating magpaalam kahit ayaw pa natin, kailangan nating tanggapin kahit masakit sa puso natin at higit sa lahat, kailangan natin maging matatag kahit mahirap.Ako? Kung ako ang tatanungin... noong mawala si Mama sa tabi ko ay sobrang hirap, isama mo pa ang sarili ko. Pero akala ko wala na pa lang mas sasakit pa doon. Meron p

  • The CEO Admiration (Montiero Series 1)   Chapter 33: Gone

    Lilie“Papa,” umiiyak kong saad at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Kitang-kita ko kung gaano siya kasaya nang makita niya ako.Umupo ako sa tabi niya at dahan-dahan niyang pinunasan ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ko. “Lilie, anak. Patawarin mo si Papa,” umiiyak na rin siya katulad ko.“P-papa, matagal na po kitang pinatawad, napatawad na po kita. Wala ka na pong kasalanan sa akin,”saad kong muli pero umiling lamang siya at nagpatuloy.“Patawarin mo ako, Lilie... pinatay ko ang Mama mo.” Dahil sa sinabi niya ay naguluhan ako. Ano ang ibig sabihin ni Papa? Anong pinatay niya si Mama?“Pa, hindi niyo po kasalanan 'yon.” Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Papa.“Pinatay ko ang Mama mo, kung hindi

  • The CEO Admiration (Montiero Series 1)   Chapter 32: Papa

    TRIGGER WARNINGLilie"Miss, masarap 'tong gagawin ko sa'yo," bulong niya sa aking tainga habang ako naman ay nanginginig na sa sobrang takot.“K-kuya, h-huwag po,” pagmamakaawa ko habang inilalayo ko ang katawan ko sa kaniya. Mas lalo akong nanginig sa takot ng hawakan niya ang pambaba ko.“Lilie!” Napasinghap na lamang ako ng may gumising sa akin. Pagtingin ko sa tabi ko ay nakita kong si Lucas na sobra ang pag-aalala sa akin.“Why are you crying?” Tanong niya habang pinupunasan ang luha ko. Bigla ko na lamang siyang niyakap at doon humagulgol, hinaplos naman niya ng marahan ang buhok at likod ko.“Did you have a nightmare again? Did you take your medicine last night?” Sunod-sunod na tanong niya sa akin kaya umiling ako habang yakap-yakap pa rin siya. Naramda

  • The CEO Admiration (Montiero Series 1)   Chapter 31: Masterpiece

    LilieKahit hilam ng luha ang pisngi ko ay lumingon ako kila Keegan na nakangiti sa amin at sinenyasan ko silang ano 'to.Ngumiti at tumango lamang sila sa'king tatlo kaya muli kong hinarap si Lucas na nakanta at nakatingin na sa akin ngayon.Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Nanginginig ang mga tuhod ko, sobrang bilis ng tibok ng puso ko at higit sa lahat, grabe ang kasiyahang namumutawi sa dibdib ko ngayon.Nagpatuloy siya sa pagkanta at kitang-kita ko kung paano tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata. Kaya ang ginawa ko ay unti-unti kong hinakbang ang mga paa ko papalapit sa kaniya.Tinigil niya saglit ang pagkanta at tumayo, may kinuha siyang isang puting rosas at unting-unti lumalapit sa akin. Kaya ang lakad ko ay naging takbo na.Tinakbo ko ang distansiya naming dalawa at kasabay no'n ay niyakap ko siya nang sobrang h

  • The CEO Admiration (Montiero Series 1)   Chapter 30: Surprise

    Lilie"Ano Lilie, hindi makapaniwala, talagang nagustuhan nga kita,” saad niyang muli dahilan para mabingi ako.“Keegan, baka nagbibiro ka lang, ayoko ng ganiyan na biro,” kinakabahan kong saad kaya natawa siya sa reaksyon ko.“Te, para kang natatae, past tense na ang sinabi ko. Ang ibig kong sabihin ay nagustuhan, kumbaga ngayon wala na. Jusko ka!”“Bakit mo naman ako nagustuhan?”“Ewan nga eh, nakakatawa nga dahil ikaw ang kauna-unahang babaeng nagustuhan ko. Pero isang buwan lang naman ang pagkagusto ko sa'yo tapos, wala na,” paliwanag niya sa akin at natawa.“Alam mo, hanga rin ako sa'yo Keegan, hindi mo ako tinake advantage,” ani ko kaya tumawa siya.“Hindi naman kasi ako tinuruan ng mga magulang kong mang-agaw ng taong may mahal ng iba, ka

DMCA.com Protection Status