Share

PROLOGUE

Author: Hxnnxhssi
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Younis POV

Napakamot ako sa ulo ko at hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Hindi ko makita ang address na binigay sa akin ni Snipe. Gusto ko syang supportahan kahit na wala na kami. Nandito pa rin ako para sa kanya alam kong kaya nya yun.

Magaling si Snipe kaya magtatagumpay sa sa lahat ng plano nito. Naglakad lakad ulit ako para hanapin ang building na sinasabi nya sa address.

"Are you lost?!" Napaharap ako bigla dahil sa gulat ko ng may boses na biglang sumulpot sa likudan ko. Nakablack suit ito at sobrang formal ng suot nya. Nakasun glasses din sya.

"Hindi po!" Tumalikod ako sa kanya para sana umalis na pero may dalawa pang lalaking na ganun din ang suot medyo matangkad yung nasalikudan ko ngayon kesa sa dalawang ito.

Napaatras ako ng maglakad sila palapit sa akin. Napahawak ako ng nahigpit sa phone ko dahil sa kaba.

"Kailangan ko na po umalis!" Paalam ko at hahakbang na palayo sa kanila pero.

"hsvajavsjanakan!" Tinakpan ng lalaking nasalikod na may suot na sun glasses ang bibig ko at hindi ko alam kung saan nya ako dadalin. Nakabantay ang dalawa sa amin.

Nagpupumiglas ako at tinatanggal ang pagkakatakip nya sa bibig.

"Shhh di ka namin sasaktan!" Rinig kong bulong nya sa akin. Bobo ba sya, kahit sabihin nya sa akin iyon ay hindi nya ako mapapakalma.

Tinanggal nya ang pagkakahawak nya sa akin pero nasa isang kwarto na kami ngayon. Tumakbo ako papunta sa pinto para lumabas pero hinarangan nya yun at tinulak ulit ako papunta sa loob.

"Ano bang kailangan nyo sa akin? Kung pera wala ako nun!" Mukha ba akong mayaman para kunin nila eh mas mukha pa naman silang mayama sa akin dahil sa mga suot nito.

"Shhh! Ayoko ng maingay!" Napaatras ako ng hinawi nya ang blazer nito at lumitaw duon ang baril na nakasuot sa belt nito.

Natahimik na ako dahil baka hindi sya nagbibiro ang iputok sa akin ang baril na yun. Lumakas ang tibok ng puso ko ng nakatitig lang ito sa akin. Kaming dalawa lang ang nandito kaya hindi ko mapigilan ang kaba ko.

"Maganda ka pala pag tinititigan!" Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Mukhang manyak yata ang lalaking ito. Kasalanan ito ni Snipe eh bakit pa kasi pumunta pa ako dito sana tahimik ako ngayon sa bahay, pero mahalaga ang araw na ito para kay Snipe.

"Hindi na ako nagtataka kung bakit nagustuhan ka nya!" Tinignan ko ang lalaking ito at kumunot ang noo ko sa mga sinasabi nya. Sino ba tinutukoy nya. Malay ko ba na merong mayaman ang nagkagusto sa akin tapos pinakidnap ako.

Aish loyal tayo kay Snipe, hindi man milyonaryo si Snipe pero alam kong yayaman sya dahil sa talento at talino nya.

Bumukas ang pintuan at napakunot ang noo ko ng makita ko ang lola ni Snipe. Binigyan sya ng upuan at umupo ito sa harap ko. Maraming taong nakaformal suit ang nakabantay sa kanya kaya na guluhan ako.

"Younis Killpack right?!" Natauhan ako ng marinig ko ang malamig at nakakatakot nitong boses. Sya yung tipong teacher na matapang kaya kahit wala pa sa room ay natatakot ka na.

"O-opo!" Nauutal ko sagot at nagbow ng kaunti para irespeto sya. Sya ang nagsabi na wala na kami ni Snipe at klinaro naman yun ni Snipe dahil sa ikakasal na sila ni Julie.

"Alam kong alam mo na, na hindi tuloy ang kasal!" Napalutok ako dahil sa kaba ko. Binanggit sa akin ni Snipe yun nang gabing pumasok ito sa kwarto ko na hindi ko alam kung paano.

"Bata palang si Snipe alam na namin na maging Doctor ang gusto nya!" Pagpapatuloy nito.

"Kung hindi ka na magpapakita sa kanya papayagan ko sya sa lahat ng gusto nito at susupportahan ko sya sa pangarap nya!" Kumunot ang noo ko sa sinabi ng lola ni Snipe. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.

Tumaas ang isang kilay nito at mukhang hinihintay ang sagot ko.

"Balita ko wala na kayo! Iniwan ka na nya right?!" Napayuko ako at napahawak sa dulo ng damit ko.

"Paano pag hindi ko sinunod?!" Ngumisi sya sa akin at tumayo. Nakuha ni Snipe ang awra nitong sobrang seryoso, pero alam kong masmabait si Snipe kesa sa kanya.

"Simple lang, hindi matutupad ni Snipe ang gusto nya at papahirapan ko sya hanggang gusto ko. Gusto mo ba yun?!" Tanong nya sa akin. Tumayo ito at naglakad palapit sa akin kaya napaatras ako. Iba talaga ang awra nito feeling ko pag malapit sya sa akin may mangyayaring hindi maganda.

"Bukod dun damay ang magulang nya at magulang mo!" Isang nakakakilabot na ngiti ang iniwan nya sa akin dahil para di ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Pero masmaganda kung pipiliin natin kung saan sasaya si Snipe ang aking nag-iisang apo!" Umiwas ako ng tingin dito at nag-isip. Marami ng pinaghirapan si Snipe at ginagawa nya ang lahat ng ito para masunod ang pangarap nya. Ayoko naman mabaliwala lang ang lahat dahil sa akin.

"Gusto ko sanang makita si Snipe kahit sa huling pagkakataon!" Naramdaman ko ang kamay nito sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanya.

"David!" Tawag nito sa isang lalaki na may dalang attache case. Binuksan nya ito sa harapan ko at tumambad sa akin ang bundles of money.

"Dahil sa masunurin ka sayo na yan!" Lumayo ako sa kanila.

"Walang halata si Snipe kaya kahit magkano pa ang ibigay nyo sa akin wala akong tatanggapin. Gagawin ko ang pag iwan sa kanya para sa pangarap nito at hindi dahil sa pera na yan!" Inis kong sabi sa kanila. Nilagpasan ko ang mga ito at lumabas sa kwartong iyon. Hindi naman nila ako pinigilan pa at nang makalayo ako ay napasandal ako sa pader.

Hinawakan ko ang dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko pero sa tingin ko ito ang nararapat. Ayokong masayang ang pinaghirapan ni Snipe. Kasama nya ako sa lahat at nakita ko kung gaano nya iyon pinaghirapan.

Napatalikod ako ng mapansin ko si Snipe na naglalakad pero sa phone nya ito nakatingin kaya hindi nya rin ako na pansin. Galing ito sa isang kwarto.

Umilaw ang phone na hawak ko at napatingin ako kay Snipe na naglalakad na palayo. Tinignan ko lang ang phone ko na nagriring hanggang sa mawala na ang pangalan nya sa screen ng phone ko. Halos 20 missed calls na ito.

Pumasok ako sa loob ng kwartong nilabasan ni Snipe at tumambad sa akin ang maraming tao duon. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at tinakip ko iyun sa bibig ko para hindi ako makilala nila Rifle na nakaupo sa bandang gitna. Malamang na susupportahan nila si Snipe.

Sa pinakadulo ako pumwesto para hindi ako mapansin. Muli na namang umilaw ang phone ko kaya tinakpan ko ng kamay ko ang screen baka kasi hindi ako makapagpigil masagot ko si Snipe.

Ilang minuto lang ay nagsimula ng magsalita ang mga taong hindi ko naman kilala. Lahat ng tinutukoy nila dito ay about sa pen. Pinakinggan ko lang ito hanggang sa.

"Si Emer yun ahh!" Mahina kong sabi. Kumunot ang noo ko ng makita sya duon. Nagsimula syang maglita at may pinakitang itong pen. Tinakpan ko ang bibig ko ng tumingin sa sa gawi ko. Hindi ko alam kung nakita nya ba ako pero ilang beses itong tumingin sa akin.

Tinignan ko si Snipe. Kitang kita ko sya mula dito dahil hindi rin naman gaanong kadamihan ang tao na mukhang mga bigatin talaga.

Pinakinggan ko ang gawa ni Emer at walang halong pag eechos ay maganda nga ang gawa nya at ang plano nito. Nagpalakpakan ang mga tao kaya pumalakpak na rin ako.

Nagtataka talaga ako na ginagawa nya rin pala itong mga bagay na gaya ng ganito. Sa tagal ko syang sinusubaybay ngayon ko lang nalaman na may hilig pala sya sa business.

Tumayo si Snipe at biglang napako ang tingin ko sa kanya dahil lalo syang gumwapo dahil sa suot nitong black tuxedo. Lumabas ang maputi nyang balat at malakas nitong appeal. Umakyat sya sa stage at na para bang nagmomodel ito.

Natawa ako ng mapansin ko ang seryoso nyang mukha. Hindi nya pa rin iyon binabago kahit saan syang lugar. Snipe ay si Snipe at walang makakabago duon.

"Before we start lemme introduce myself first!" Panimula nito. Namiss ko tuloy ang boses nya kahit madalang lang itong magsalita at seryoso pa ay gusto ko pa ring marinig.

"My name is Snipe Emerald Swaggerty I'm the only one grandson who owned the top company in the business industry. The Swaggerty Corporation!" What?! Swaggerty Corporation? May company sila. Halata naman sa kanya na anak sya ng may kaya or mga high class pero hindi ko inakala na ganuon sila.

Tinitigan ko si Snipe dahil sobra nya akong pinahanga. Ang tagal naming nagkasama pero hindi nya pinagyabang na ganun pala syang klaseng tao. Ngayon ko na naintindihan kaya hindi kami bagay ni Snipe. Masyado na pala syang mataas para sabayan ko.

Napakunot ang noo ko at nagulat din ang mga tao ng ipakita na nya ang pen na gawa nito. Iyon din ang pinakita ni Emer kanina ah. Nagbulungan ang ibang tao dahil iyon talaga ang diniscuss ni Emer. Nakita kong seryosong nakatingin si Snipe kay Emer.

Ang alam ko ang Emer pen ang ipapakita nya. Kahit na nakaw iyun sa kanya ay kaya naman nya iyung gawin dahil nasakanya ang idea ng lahat.

"A little bit shocking right?" Ngumisi ito.

"But don't worry it was my error made. I want to show up the journey of my product!" Nakuha nya pang maglaro dito ang daming seryosong taong nakikinig sa kanya.

"Here's the original and successful version!" Tinignan ko ng mabuti ang nakalagay sa malaking screen na pen na wala namang pinagbago dun sa sinabu nyang error made.

May kinuha itong box at tinaas nya yun para ipakita.

"A small tube here, in my hand was a common writing intrument, but don't try to look out that it is like a small pen!" Pagsisimula nyang magpaliwanag. Napakagat labi ako ng makaramdam ako ng sakit sa puso ko.

Hindi ko malubos maisip ngayon na ito na ang huling pagkakataon na makikita at naririnig ko si Snipe.

"I'm pretty this small thing make your future succeessful." Nagpatuloy sya sa pagsasalita. Yumuko ako ng maramdaman ko na ang luha sa mata ko. Ayoko syang iwan, gusto kong makasama sya sa mga pangarap nya pero pag ako ang katabi nya hindi nya magagawa yun. Higit sa lahat hindi ko kayang makita si Snipe na nahihirapan pa.

"To all people here. Lemme tell you a brief story. Look at this pen if you unhold and put the pen down somewhere. it was make you feel something wierd and unfill!" Tama ang sinabi nya. Pag binitawan ko sya iba na ang pakiramdam ng lahat magkakaroon ng ng kulang dahil wala na sya.

"I know some of you have been heard this phrase! The pen is mightier than the sword! Why? Here's the story!" Pinunasan ko ang luha ko dahil baka mayroong makakitang ganito ako baka isipin nila nababaliw na ako.

"Mayroong isang studyante na mag eexam kaso wala syang pen, pag hindi ito nakapag exam babagsak ito at pag bumagsak ito hindi sya makakagraduate at pag hindi ito nakagraduate may possible na wala syang makuhang trabaho pag wala syang nakuhang trabaho hindi sya makakakain pag hindi ito nakakain mamamatay ito!" Kahit na may konting luha sa mata ko ay natawa ako sa sinabi nya.

"Hindi lahat ng bagay ay sword ang kailangan natin para lumaban!" Sorry, Snipe kung hindi kita kayang ipaglaban.

"Binuo ko ang pen na ito ay para protektahan kayo!" Ang bumuo nuong pen na yun ay prinotektahan ako at kahit konti ay hindi ko pa napalitan iyon.

Umiwas ako ng tingin ng may namumuo na namang luha sa mata ko. Hindi ko kayang pigilan lalo na pag naiisip kong mawawala na sya sa akin.

"Masyadong delikado ang panahon na ito at maraming nakapaligid sa atin na nagpapanggap na mabait!" Rinig kong sabi nya. Kahit na wala ako sa kanya. Kaya nyang magtagumpay at sinisimulan na nya yun ngayon.

"Meron itong hidden camera, vioce recorder and here the third layer of the barrel ay makikita kung saan pwedeng icharge, gamitan ng earphone at saksakan ng USB/Flashdrive!" Bakit ko ba kasi nagustuhan ang lalaking ito. Hindi naman sya ang pinapantasya ko dati pero bakit ngayon sya ang pinakagusto ko sa lahat.

"This pen has a memory inside this end cap!"

"And lastly the hidden phone!" Nanlaki ang mata ko ng magtama ang mata namin ni Snipe. Bumilis ang tibok ng puso at dumoble yun ng ngumiti ito sa akin. Nakita nya ako.

"The named of this pen was Arme Pen!" Napangiti ako ng marinig ko ang pangalan ng pen na yun.

"Arme pen!" Mahina kong sabi at napangiti ako dahil dun. Natapos syang magsalita kaya isa ako sa malakas ang palakpak duon. Magkamukha man ang design ng pen ni Emer at Snipe pero sobrang ganda ng ipresent na ito ni Snipe.

Bumalik sa dating pwesto si Snipe kaya tumayo na ako para umalis, pero bago ko yun nilisan ay isang tingin ang binigay ko kay Snipe. Lumabas na ako habang busy sya sa pakikinig. Alam kong sya ang mananalo duon.

Pumunta akong C.R para tignan ang sarili ko na may bakas pa ng luha sa mga mata ko. Naghilamos at tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

"Kaya mo yan!" Pinilit kong ngumiti kahit na ang lungkot ng mata ko.

Nagstay ako sa cubicle para mag-isip at tumunganga duon hanggang sa napagdesisyonan kong bumaba para lumabas.

Tinignan ko muna ang building, bago ako tuluyang umalis.

"Wait!" Sa kanan ba o sa kaliwa dapat ako. Napakamot ako sa ulo ko ng hindi ko matandaan ang daan.

Sa kanan na lang ako nagtungo para maglakad. Saglit akong napatigil ng parang may sumusunod sa akin kaya binilisan ko ang paglalakad ko.

"Hi!" Napatigil ako ng mayroong umakbay sa akin kaya nilingon ko iyon. Napakunot ang noo ko ng makita ko si Emer at kasunod nito si Glenn at isa pang lalaki na hindi ko kilala.

Tinanggal ko ang pagkakaakbay nya sa akin at hindi sila pinansin. Pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa makalayo ako duon.

"Saan ka ba pupunta?" Bumaling ako dahil mukhang hindi ito ang tamang daan.

"Uuwi!" Tipid kong sagot sa kanya. Kinuha nya ang kamay ko at hinila ako kung saan. Kinukuha ko ang kamay ko sa kanya pero ayaw nyang bitawan iyon.

"Mali ang pinupuntahan mo, ihahatid na kita!" Hinila ko ang kamay ko mula sa kanya. Tinignan ko ang likuran namin kung sumusunod pa ba ang dalawang asungot nyang kasama.

"Bakit magkamukha kayo ng pen ni Snipe?!" Taka kong tanong dito. Halatang nagulat sya sa tanong ko kaya tinitigan ko ito.

"Kinuha nya ang idea ko!" Tinignan ko sya ng seryoso.

"What?!" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. Hindi magagawa ni Snipe yun.

"Hindi nya magagawa yun!" Dagdag ko pa. Kayang gumawa ni Snipe ng maraming pen kung gugustuhin nya at kahit kelan hindi nya gagawin ang ganung bagay lalo't na alam nya ang pakiramdam na kuhanan ng ganung bagay.

"Ginawa na nya!" Seryoso nyang sagot sa akin. Umiling ako sa kanya at tumalikod. Hindi nya ako mapapaniwala dahil duon. Naglakad lakad ako para hanapin kung paano ba umuwi at buti na lang ay meron akong nakitang bus na papunta sa lugar namin.

Sa tabi ako ng bintana umupo at tumingin sa labas. Huminga ako ng malalim. Bakit sya ngumiti ng makita nya ako, dapat sinamaan nya ako ng tingin eh. Masyadong mabait si Snipe para sa akin.

Kinuha ko ang panyo ko para itakip sa kalahati ng mukha ko. Kaya ayokong syang isipin, sobrang baba ng luha ko pagdating sa kanya. Ayaw nya akong umiiyak pero iniisip ko palang kasi na iiwan ko sya sobrang sakit na.

Nagulat ako ng tumunog ang phone ko at lumabas ang pangalan nito. Napangiti ako dahil duon. Hindi ko ito sinagot, kailangan ko ng sanayin ang sarili ko na wala sya sa tabi ko at kalimutan ang boses n'ya.

"Hey, Younis!" Napaangat ang tingin ko ng may gumalaw sa akin. Pagtingin ko si Jennie lang pala.

"Bakit?" Taka kong tanong at napatingin ako sa gilid ko na maingay na tumutunog ang phone ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa room.

"Kanina pa tunog ng tunog 'yan!" Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung sino. Napahinga ako ng malalim ng makita ko ang pangalan ni Snipe.

"Sagutin mo na baka importante 'yan!" Tumayo ako sa pagkakaupo ko at lumabas ng room.

Ayokong sagutin ang tawag na ito baka maiyak lang ako pag narinig ko na naman ang boses n'ya, pero gusto ko s'yang makita kahit sa huling pagkakataon na ito.

Sinagot ko ang tawag n'ya.

"Hello!" Bungad ko dito. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at hinihintay na magsalita s'ya.

"Nasaan ka?!" Agad na tanong n'ya sa akin.

"School, bakit?" Walang buhay ko rin tanong. Ayokong ipahalata na gusto ko na s'yang makita.

"Lumabas ka, susunduin kita!" Napakunot ang noo ko.

"Hindi pwed-"

"Basta lumabas ka!" Bigla n'yang pinatay ang phone kaya hindi na ako nakaapila pa.

Naglakad ako palabas ng school para hintayin s'ya sa labas. Ilang saglit ay dumating s'ya dala ang motor nito. Napakunot ang noo ko ng palapit ito ng palapit sa akin ay nakikita ko sa mukha n'ya ang pasa at sugat sa kan'ya.

"May sasabihin ka ba?!" Bungad ko sa kan'ya.

"Anong nangyari sayo?!" Dagdag ko pa. Nag-aalala ako sa kan'ya at paano n'ya na kuha iyon. Hindi kaya mayroon na namang pumasok sa bahay n'ya.

"Sumama ka sa akin!" Hinawakan n'ya ang kamay ko pero agad ko iyon binawi.

"Saan tayo pupunta? Saka ano bang nangyari sayo?!" Muli n'ya akong hinawakan at tinignan n'ya ako sa mata, kaya bigla akong napaiwas. Bakit ang lungkot ng mata nito.

"Sasabihin ko sayo lahat pero sumama ka muna sa akin, Younis!" Hinila n'ya ako papuntang motor kaya hindi na rin ako pumalag pa. Ito na siguro ang tamang oras para tapusin namin ang lahat.

"Saan ba tayo pupunta?!" Tanong ko sa kan'ya.

"Hindi ko alam!" Biglang napakunot ang noo ko sa sagot n'ya.

"Paanong hindi mo alam?" Tanong ko pa ulit sa kan'ya.

"Snipe, hinto mo nga muna!" Napahigpit ang kapit ko sa kan'ya ng bilisan n'ya pa lalo ang pagpapatakbo sa motor n'ya.

"SNIPE MAY TAO!" Sigaw ko ng may lalaking biglang tumawid. Tumingin ito sa akin kaya bumaba ako sa motor hanggang sa nakahinto lang ito.

"Ano bang nangyayari sayo?!" Tanong ko sa kan'ya ng hawakan n'ya ulit ako sa kamay. Naguguluhan na ako sa kinikilos n'ya ngayon.

"Kailangan na natin umalis!" Tinignan ko s'ya ng mabuti. Ano bang nangyayari sa kan'ya.

"Ok lang ba? Saan ba kasi tayo pupunta? Saka bakit di mo muna gamutin yang sugat mo?!" Sunod sunod kong tanong. Bumaba ito sa motor n'ya at hinila n'ya ako papunta sa motor nito, pero tinulak ko s'ya ay taka ko itong tinignan.

"Please!" Biglang kumirot ang puso sa boses n'ya. Umuling ako sa kan'ya at tumalikod. Ayoko na hindi ko na kayang makita pa s'yang gan'yan dapat hindi na ako sumama sa kan'ya pareho lang kaming nahihirapan makita ang isa't isa.

Hinamblot nito ang kamay ko at pilit na hinila papunta sa motor n'ya. Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak n'ya sa akin at sinamaan ko ito ng tingin. Ayoko man gawin ito pero gusto ko ng lumayo na s'ya sa akin.

"Sumama ka na sa akin!" Seryoso nitong sabi at lumapit sa akin. Humakbang ako patalikod para lumayo sa kan'ya.

"Snipe, hindi kita maintindihan! Hindi ko alam kung anong nangyayari sayo o kung bakit ka ganyan. Tinatanong kita pero kahit anong sagot wala kang binibigay!" Tinignan n'ya ako sa mata. Hindi ko magawang iiwas ang tingin ko sa kan'ya na para bang meron itong magnet.

"Gusto kong sumama ka sa akin, magpakalayo na tayo!" Kumunot ang noo ko sa sinabi nito at wala akong masabi sa kan'ya. Bumalik ang blangko n'yang mukha. Nakahit ano ay wala kang mababasa.

"Bakit hindi mo muna sinabi sa akin?" Hindi n'ya ako sinagot at binalak na naman n'ya akong hawakan kaya umiwas ako.

"Sagutin mo ako!" Huminga ito ng malalim sabay seryosong tingin sa akin.

"Bakit pag sinabi ko ba sayo sasama ka?!" Seryoso nitong sagot nito sa akin. Napatigil ako at hindi ko alam ang gagawin kaya umiling ako.

"Hindi!" Hinawakan n'ya ako, pero hinila ko ulit iyon napapikit ito at tinignan ako ng seryoso.

"Mahal mo ako dib-"

"Hindi!" Putol ko sa kan'ya. Sobrang hirap para sabihin ko sa kan'ya iyon pero ito lang ang alam kong paraan. Tinignan n'ya ako sa mga mata kita ko na nasasaktan s'ya sa mga sinabi ko at gusto ko na lang itong bawiin at yakapin s'ya bigla.

Parang hindi ako makahinga dahil sa ginagawa ko sa kan'ya. Please Snipe be happy.

Nagulat ako ng bigla itong tumawa pero halata duon ang bigat na nararamdaman n'ya.

"Nagbibiro ka lang diba?!" Bigla itong naging seryoso kaya seryosong tingin ang binigay ko sa kan'ya.

"Hindi!" Mabilis kong sagot

"Nagbibiro ka lang, Younis!" Hinawakan n'ya ako sa magkabilang balikat at tinitigan n'ya ako sa mga mata ko. Ang sama ko para gawin ito kay Snipe.

"Sabihin mo na nagbibiro ka lang!" Nakaramdam ako ng namumuong luha sa mata ko kaya iniwas ko ang tingin ko sa kan'ya. Hindi ko na kayang makita pa si Snipe sa ganitong sitwasyon.

Naramdaman ko ang paghawak nito sa mukha ko at ang paglapat ng labi nito sa labi ko. Bigla akong nanghina at bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto kong pahintuin ang oras para masmatagal ko pa s'yang makasama.

Alam kong malabong ang lahat ng 'yon. Gusto kong maging masaya si Snipe at tuparin n'ya ang mga pangarap n'ya.

Dinilat ko ang mata ko at tinulak s'ya palayo sa akin sabay sampal dito. Bigla itong natigilan sa ginawa ko na maski ako ay hindi ko gusto.

"Alam mong 'yung sinabi mo sa akin na iba ang tinatakbo ng utak ko sa tinitibok ng puso ko." Seryoso kong sabi sa kan'ya bumalik ang tingin nito sa akin na para bang hindi makapaniwala sa ginawa ko.

"Ikaw ang tinatakbo ng utak ko at si Emer ang tinitibok ng puso ko!" Umiling ito sa akin. Na nanatiling seryoso ang tingin ko sa kan'ya at pinipigilan ang sarili ko.

"Sabihin mo na lang kung ayaw mong sumama, Younis!" Mahina akong natawa at para na akong mababaliw sa nararamdaman ko. Tinignan ko s'ya.

"Ayokong sumama sayo dahil hindi naman ikaw ang mahal ko! Saka wala na tayo diba? Hindi mo na kailangan magpakita pa sa akin!" Umiwas ako ng tingin sa kan'ya. Hindi ko na talaga kayang makita s'yang nasasaktan.

"Alagaan mo ang sarili mo at tuparin mo ang pagiging doctor mo, sorry kung ginamit kita. Sinubukan kong gustuhin ka pero si Emer talaga ang totoo kong gusto!" Napalunot ako sa mga salitang binitawan ko. Gustong sabihin sa kan'ya na si Emerson ang gusto ko at s'ya ang mahal kom

"HINDI TOTOO YAN!" Tumalikod ako sa kan'ya dahil naramdaman ko na ang luha kong malapit ng bumaksak dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

Napahinto ako ng naramdamannko ang pagkakayakap n'ya sa akin na baka ito na ang huling mararamdaman ko ang yakap n'ya. Parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita. Patuloy ang pagbagsak ng luha ko sa mga mata ko na hinahayaan ko na lang.

"Younis, please wag mo akong iwan ikaw na lang ang natitira sa akin!" Napakagat labi ako sa sakit na nararamdaman ko. Hinawakan ko ang kamay n'ya at pilit ko itong tinatanggal sa pagkakayakap sa akin.

"Patawad!" Halos wala ng boses na lumalabas sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sakit ng nararamdaman ko. Tumakbo ako palayo at hinayaan ko na lang ang sarili ko na umiyak ng umiyak.

"Snipe!" Bigla akong natapa at wala ng makita dahil sa tubig sa mga mata ko.

"Patawad, Snipe!" 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ava
sad naman ng nangyari sa kanila
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Broker Series #1.2: ARME    CHAPTER 1.1

    Younis's POV"Ms. Younis Killpack congratulations you're hired, Welcome to Arme company." Napatayo bigla ng marinig ko ang salitang iyon.nagbow ako at hindi maalis ang ngiti ko sa mga labi. Finally I got hired in a years of searching a job."Thank you so much, sir and ma'am. Pagbubutihin ko pa ang trabaho ko!" Lumapit ako sa kanila para kamayan. Tumango lang sila sa akin bago bilang sagot.Luma

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Broker Series #1.2: ARME    CHAPTER 1.2

    Younis's POV"Tsk!" Bigla itong tumayo na masama pa rin ang tingin sa akin."Whatever!" Bigla akong natawa sa sinabi n'ya."Bakla ka ba?" Sabi ko at kinuha ang unan sa sofa at hinampas ko sa kan'ya."You bitch!" Sabi nito kaya napatigil ako at naging seryoso ang mukha. Tinitig

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Broker Series #1.2: ARME    CHAPTER 1.3

    Snipe's POV"Bring me to the office!" Utos ko kay David pagsakay ko sa back seat ng kotse. Sumandal ako duon at pinikit ang mata ko."Snipe Swaggerty's innovative genius! Pataas na ng pataas ang pangalan mo ah!" Dinilat ko ang mata ko at tinignan si David."I don't need your statement!" I said to him. Muli kong pinikit ang mata ko. Hindi ako matutulog ayoko lang makakita ng problema. I have bee

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Broker Series #1.2: ARME    CHAPTER 1.4

    Snipe's POV"Ang swerte mo naman kumpadre at magkakaroon ka ng anak na gaya n'ya!" Napatingin ako sa phone ko ng tumunog ito. Napakunot ang noo ko ng makarecieve ako text mula kay Rifle."Kasalanan na ba pinag-uusapan n'yo?"Napatingin ako sa kasama ko at baka mabasa nila ang text ng abnormal."Shut up!"I replied.

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Broker Series #1.2: ARME    CHAPTER 2.1

    Younis's POV"Here's your food!" I yawned since I just woke up in my bed and sat here in the dining table. Kent gave me a food."Lalayas ka na?" I asked with sleepy vioce. Tinignan ako ni Kent ng wierdong tingin kaya napatingin ako sa sarili ko kung ano ang mali."Tingin ka d'yan!" Singhal ko at kumuha ako ng kutsara at tinidor para kainin ang binigay ni Kent sa akin na ham and fried rice

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Broker Series #1.2: ARME    CHAPTER 2.2

    Younis's POV"Ano pang silbi mo at nandito ka?" Singhal ko at kinuha ang pagkain n'ya."Gusto lang kitang samahan." Binaba ko ang tinidor at kutsara na hawak ko ng makaramdam ako na busog na ako."Anong oras na?" Tanong ko kay Kevin. Tumingin s'ya sa wrist watch n'ya at binalik din sa akin ang tingin n'ya.

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Broker Series #1.2: ARME    CHAPTER 2.3

    Snipe's POV"Younis Killpack!" Napahigpit ang hawak ko sa papel hanggang sa malukot iyun sa kamay ko."What is she doing in my company?" Nilukot ko ng tuluyan ang resume ni Younis dahil sa inis. Wala s'ya dapat dito. Hindi na dapat kami magkita pa. Napatingin ako sa pinto ng office ko at nilabas nuon si Secretary Cruz."Cancel all my meeting today!" Pagkasabi ko noon a

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Broker Series #1.2: ARME    CHAPTER 2.4

    Snipe's POVDinilat ko ang mata ko ng may liwanag na tumama sa mata ko. Hinarang ko ang kamay ko sa mukha ng masilaw ako dahil sa sinag ng araw.Bumangon ako sa pagkakahiga at bigla akong napahawak sa ulo ko ng may kirot akong nararamdaman. Shit hang over.Pagtayo ko ay nakaramdam ako ng hilo kaya saglit akong tumigil sa kinatatayuan ko. I check my body temperature and a bit cold

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • The Broker Series #1.2: ARME    CHAPTER 20

    Younis's Point of view"S-Snipe!" sabi ko ng biglang lumitaw si Snipe.Patuloy pa rin ang pag tulo ng luha ko, pero hindi ko maiwasan ang napangiti dahil ng makita ko si Snipe.

  • The Broker Series #1.2: ARME    CHAPTER 19.2

    Younis's Point of view"Hindi! Dadating s'ya para iligtas ako!" sigaw ko. Patuloy lang ang pagluha ko."Hintayin natin s'ya," nakangising sabi sa akin ni Emer.

  • The Broker Series #1.2: ARME    CHAPTER 19.1

    Younis's Point of view"Hoy!" tawag ko kay Kent.Nandito kami ngayon sa parking lot kasama si Uzi at Rifle. Nakasandal si Kent sa kotse ni Snipe. Tahimik lang s'yang nakatayo duon.

  • The Broker Series #1.2: ARME    CHAPTER 18.2

    Younis's Point of view"Ang gwapo ko talaga."Tinignan ko si Rifle sa sinabi n'ya. Nasaloob na kami ng kotse n'ya at mabilis na nagpapatakbo si Rifle para sundan sila Snipe. Nag-aalala na ako kay Julie, pero si Rifle kung ano-ano pa ang sinasabi.

  • The Broker Series #1.2: ARME    CHAPTER 18.1

    Younis's Point of viewNagising ako sa malambot na kama na may ngiti sa labi. Ginalaw ko ang kamay ko para sana yakapin si Snipe, pero napadilat ang mata ko ng wala akong maramdaman.Nilibot ko ang mata ko parahanapin s'ya. Gamit lang ni Snipe ang nakita ko. Tinignan ko ang sarili ko na mayroon na akong suot na oversize plain white shirt. Tinignan ko ang loo

  • The Broker Series #1.2: ARME    CHAPTER 17.2

    Younis's Point of viewNapadilat ako ng mayroon akong marinig na ingay na nagmumula sa labas. Napatayo agad ako ng mapagtanto ko na nasa ibang kwarto ako, sa kwarto ni Snipe.Napaatras ako ng makita kong gumalaw ang doorknob. Dali-dali akong tumakbo papuntang bathroom dito. Dinikit ko ang tenga ko sa pintuan para marinig ang pinag-uusapan nila. Hindi ko alam

  • The Broker Series #1.2: ARME    CHAPTER 17.1

    Younis's Point of view"Gising!"Napadilat ako ng mayroon akong naramdaman na malamig na tubig na sinaboy sa akin. Pagtingin ko kung sino ang may gawa noo ay napabalikwas ako.

  • The Broker Series #1.2: ARME    CHAPTER 16.2

    Snipe's Point of view"Bitawan mo ako!"Hinila ni Julie ang pagkakahawak ko sa kan'ya. Hinarap ko si Julie na seryoso ang tingin ko sa kan'ya.

  • The Broker Series #1.2: ARME    CHAPTER 16.1

    Younis's Point of view"Hey!"Umangat ang tingin ko sa tumawag sa akin. Huminto naman ako sa pagsusulat ko. Nandito ako ngayon sa office at patuloy na nagtratrabaho kahit na hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko sa maliit na box na binigay sa akin ni Snipe.

DMCA.com Protection Status