Home / Romance / The Broken Magnate / Chapter 19: Paghaharap

Share

Chapter 19: Paghaharap

Author: TheDarkPrince
last update Last Updated: 2021-05-11 20:35:17

[19]

Paghaharap

***

Ngayon ang araw ng farewell party ni Marjorie. Hindi pa rin ako sure kong pupunta ako o hindi. 'Di ko kasi alam kong kaya ko na siyang harapin sa kabila ng ginawa niya sa akin. Nandoon pa rin 'yong takot na baka masaktan lang ulit ako.

Nasa office ako ngayon dahil may tinatapos akong mga paper works nang biglang nag-ring ang phone ko. It was kuya Brett. I know it already that he calls me to remind about the event today which is the farwell party of Marj.

Bumuga muna ako ng malakas na hangin bago siya sinagot. "Kuya?"

"Dude, saan ka na? The party is about to start," sabi niya sa kabilang linya.

"Kuya, kasi..."

"Don't tell me naduduwag kan a naman. Dude, hanggang kailan mo dadalhin 'yan?" Pangaral niya sa akin. "Hindi nakakabuti sa iyo 'yan. Sisirain niyan ang future mo."

Matagal ako bago sumagot. Pinag-iisipan kong mabuti kung ano ba ang dapat kong gawin. "Sige, Kuya. Susunod na lang ako. Malapit na rin akong matapos," wika ko saka binaba na ang tawag.

Huminga ako ng malalim sa hindi mawaring gulo na tumatakbo sa loob utak ko. Naisapo ko na ang aking ulo at halos sabunutan ko na ang aking sarili dahil sa mga bumabagabag sa isip ko. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ba talaga itong nararamdaman ko. Takot at kaba na tila rin ay may panghihinayang.

"Roj,"

Napalingon ako sa aking lukuran nang sumulpot si Kuya Kheno. Siya ang nakakatandang kapatid ni Brett at ang Vice President dito sa Santillan Group of Companies na dating CEO ng Santillan Food Corporation.

"Kuya," tugon ko saka siya hinarap.

"Bakit nandito ka pa? Hindi ka ba pupunta sa party ng mga De Guszan?" He asked.

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi bago sumagot. "May tinatapos lang ako," tugon ko sa kanya.

"Pupunta ka ba sa party?" Tanong niya ulit?

"Hindi pa ako sigurado, eh," pag-amin ko sa kanya.

"Invited rin kasi ako. Kung gusto mo, sumabay ka na sa akin."

"Sige, Kuya. Para may kasama rin ako," tugon ko.

Mabilis kong niligpit at inayos ang mga nagkalat na papers sa desk ko. Umuwi muna kami ni Kuya Kheno sa bahay upang maghanda at sabay na pumunta sa bahay ni Marj kung saan gaganapin ang party.

"Hindi ka pa ba papasok sa loob?" Tanong niya nang mapahinto ako sa harap ng gate.

"Sege, Kuya. Mauna ka na sa loob. Magpapahangin na lang muna ako dito," tugon ko sa kanya. Hindi ko pa rin alam kung kaya ko ba. Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko na tila ba gustong kumawala sa dibdib ko.

"Sige," aniya at pumasok na sa loob.

Bumuga ako ng hangin habang pinagmamasdan siyang naglakad papasok sa loob. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Sobrang kinakabahan ako at anytime baka maihi pa ako sa sarili kong salawal.

Malaya kong pinagmamasdan ang pagdating at pagpasok ng ilang mga bisita. Mga elites ito na nanggaling din sa ibang mayayamang kompaya. Kilala ko ang iba sa kanila dahil nakaka-meeting ko na sila at ang iba ay partners namin.

Nagulat ako ng biglang sumulpot sa likuran ko si Apple. Napanganga ako at napahanga sa simpleng ganda niya. Naka-white dress ito na hanggang tuhod ang haba. Pinaresan pa ng light make up at nakaayos ang buhok sa likod. Malawak ang ngiti niyang lumapit sa akin.

"Rojan?" Untag niya sa pagkatulala ko.

"Apple, ikaw pala. Sino ang kasama mo?" Tanong ko sa likod ng pagkahiya. "Nasaan si Kuya?"

"Naiwan niya kasi ang cellphone niya sa bahay kaya binalikan niya," sagot nito.

"Uh, gano'n ba?" Medyo nakasimangot kong sabi.

"Ikaw? Bakit 'di ka pa pumasok sa loob?" Tanong niya sa akin.

Hindi ko siya nasagot agad. Nanatili akong tahimik at naging sunod-sunod ang paghinga ng malalim. Hindi ko kasi alam kong ano ang isasagot ko sa kanya.

"Alam ko na. Kinakabahan ka, noh?" Pang aasar niya sa akin na halos mapunit na ang bibig sa kakatawa.

Kumunot ang noo ko. Halata ba sa hitsura ko na kinakabahan ako? Bad trip naman, Rojan!

"Wait, ako ang bahala sa 'yo." Nakangiti niyang sabi.

"Anong gagawin mo?" Tanong ko na puno ng pagtataka.

"Sumunod ka na lang." Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Malambot ito at parang may kuryente na mabilis na kumalat sa buong kalamnan ko.

"Hold my hand. Ako ang bahala sa 'yo," nakangiti niyang sabi at nauna na siyang humakbang pumasok sa loob. Hindi na ako naka-imik pa. Napapasunod na lang ako sa kanya.

"Apple," sambit ko sa pangalan niya.

"Don't worry. Just relax," sabi niya na deri-deretso ang pagpasok sa loob ng venue.

Hindi na ako nakapalag sa ginawa niya. Sa totoo lang, biglang gumaan ang pakiramdam ko na kanina lang ay sobrang kinakabahan.

"Apple, anong ginagawa mo?" Hindi ko pa rin mapigilang mapatanong sa kanya kung bakit ginagawa niya ito ngayon. Masarap man sa pakiramdam dahil hawak ko siya sa kamay niya pero naguguluhan pa rin ako.

"Ako na nga ang bahala sa 'yo," paninigurado niya.

Napahinto kami sa aming paghakbang nang makasalubong namin si Marjorie.

"Roj," sambit niya na ang mga mata ay natingin sa kamay namin ni Apple.

Natamimi naman ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Ang tanging nagawa ko lang ay ang titigan siya sa mukha. She's still beautiful like before. Walang paring nagbago sa kanya.

"Roj, how are you?" Tanong niya.

Hindi pa rin ako nakasagot. Hindi ko alam pero parang may bumabara sa lalamunan ko dahilan upang hindi ako magkapagsalita. Para rin akong na estatuwa sa kinakatayuan ko at 'di makakilos.

Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh. 'Yong paghaharap naming dalawa. Na hindi ko alam kong kakayanin ko ba o hindi. Sa tingin ko hindi pa talaga ako handa.

"Roj, are you okay?" Tanong niya ulit sa akin.

Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak ni Apple sa kamay ko. Nakangiti siya nang lingunin ko ngunit hindi ko mabasa kung ano ang laman ng isip niya.

"Babe, tinatanong ka niya. Kumusta ka na raw?" Malambing niyang sabi sa akin.

Tinitigan ko siya ng masama dahil sa mga pinagsasabi niya. Babe? Really tinatawag niya akong 'babe'. Ano 'to, magpapanggap kami?

Pinandilatan niya ako ng mata nang lingunin ko siya.

"Hi, I'm Apple. Rojan's new girlfriend." Sarcastic niyang bati kay Marj.

Mukha namang effective ang ginawa niya. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha Marjorie. Kumunot ang noo nitong tinitigan si Apple mula ulo hanggang paa.

Natuwa man ako sa naging reaksiyon niya, mas nagulat naman ako sa ginawa ni Apple.

"You might be, Marjorie. Right? The ex-girlfriend," sabi niya sabay lahad ng kamay kay Marjorie. "Nice meeting you."

Kitang-kita ko pa rin ang pagkagulat ni Marj. Kahit ako nagulat sa ginawa niya pero wala na akong oras na pigilan siya. Hinayaan ko na lang siya sa plano niya.

"Yes, Marjorie de Guzman. Nice meeting you too." Sabi nito at tinanggap naman ang kamay ni Apple. "Salamat sa inyong pagpunta. Enjoy the night."

"Thank you," sagot ni Apple.

"Excuse me," aniya at mabilis na umalis para puntahan pa ang ibang mga bisita.

"Anong bang ginagawa mo?" Kunot-noo kong tanong kay Apple nang maka-alis na si Marjorie.

"Ginawa ko lang 'yon para sa 'yo. Halatang kinakabahan ka, eh. Hindi ka nga makasagot sa mga tanong niya." Sermon niya. "Nakita mo naman ang mukha niya 'di ba. Gulat na gulat siya. Magaling kaya akong umarte. Pang-best actress," nakangiti niyang paliwanag.

"Hindi mo pa rin dapat ginawa 'yon." Irita kong sabi sa kanya.

"Bakit hindi?" Tumaas ang isang kilay niya.

"Apple!"

Sabay kaming napalingon kay Kuya Brett. Agad din namang naghiwalay ang kamay naming dalawa.

"Brett," sambit ni Apple.

"Nandito lang pala kayo. Kanina ko pa kayo hinahanap," bungad nito.

Iniwan ako ni Apple at lumapit ito kay Kuya Brett. Ang tanging nagawa ko lang ay ang tingnan silang dalawa.

"Nakausap namin si Marjorie kani-kanina lang," kwento ni Apple kay kuya.

"Mabuti naman kong gano'n," wika niya saka bumaling sa akin. "Okay ka lang, dude?"

Nginitian ko siya. "Yes, Kuya. Okay lang ako."

"Ladies and gentlemen." Anunsiyo ng lalaking nasa stage. Si Mr. De Guzman. Ang tatay ni Marjorie. "May I have your attention, please. Gusto ko lang malaman niyong lahat na special ang gabing ito dahil hindi lang ito farewell party ng anak kong si Marjorie."

Nakatuon ang attention ng mga bisita kay Mr. De Guzman. Halatang inaabangan ang special announcement nito.

"May I call on, my lovely daughter Marjorie de Guzman and my future son in-law Jaspher Mariano."

Umakyat naman ang dalawa sa stage. Kumunot ang noo ko dahil pamilyar sa akin ang lalaking kasama ni Marj. Tama, siya nga ang anak ng ka-kompetensiya namin sa business. Ang Mariano Holdings. Ibig sabihin siya ang ipinalit ni Marj sa akin?

"Tonight is the special night to the both of them. I happily to announce that Jaspher and Marjorie are engaged and planned their wedding soon in San Francisco." Dugtong ni Mr. De Guzman.

Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid maliban sa akin. Nakakuyom ng mariin ang kamay ko.

Totoo ba? Engaged na siya? Ang babaeng sobra kong minahal noon?

Biglang nanariwa sa akin ang lahat. Si Jaspher pala ang ipinalit niya sa akin?

" Just tell me, why?"

"Gusto mong malaman ang totoo? May mahal na akong iba. Yes Roj, niloloko kita kaya tigilan mo na ako!" ~

Nanariwa sa akin ang lahat. Bumabalik ang hapdi, sakit, pait at galit na dulot niya. Sobrang dinurog niya ang puso ko.

Ikinuyom ko pa ng mahigpit ang aking mga kamao para pigilan ang aking galit. Hindi ko maiwasan at tuluyan nang nag-uunahang magbagsakan ang mga luha mula sa aking mga mata.

The pain are still there.

***


Related chapters

  • The Broken Magnate   Chapter 20: Facing The Truth

    [20]Facing the Truth***Hindi ako nakatiis sa aking nasaksihan. Nagmamadali akong umalis hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko sa isang madilim na garden. Mabilis at sunod-sunod ang paghinga ko ng malalim na tila ba hinahabol ako. Mahigpit kong ikinuyom ang aking mga palad marahang sinuntok ang halamang nasa harapan ko."F*ck!" Anas ko.Huminga ako ng malalim. Mabuti na sigurong dito ako nagpunta para hindi nila ako makikitang umiiyak. Bakit nasasaktan pa rin ako? Bakit ang sakit pa

    Last Updated : 2021-05-11
  • The Broken Magnate   Chapter 21: Pag-iwas

    [21]Pag-iwas***Naging mailap sa akin si Apple. Hindi ko alam kung bakit umiiwas siya sa akin. Dahil kaya sa nakita niya noong gabing iyon? Hindi ko lubos maisip na gano'n katindi ang epekto sa kanya sa mga nakita niya sa amin ni Marjorie. Hindi ko pa siya nakakausap pagkatapos ng gabing iyon. Gusto kong magpaliwanag tungkol sa mga nakita niya pero wala akong pagkakataon na makausap siya. Una dahil iniiwasan niya ako at pangalawa ay nangangamba ako.Pero bakit? Bakit kailangan niya akong layuan? Bakit kailangan niyang umiwas sa akin sa tuwing nagtatagpo ang landas naming dalawa? Ano ba ang problema niya? Galit ba siya sa akin? Galit ba siya sa ginawa ni Marjorie sa akin? Ang daming tumatakbong mga katanungan sa utak ko at siya lang mismo ang mak

    Last Updated : 2021-05-14
  • The Broken Magnate   Chapter 22: Hurt by Love

    [22]Hurts by Love***Lumipas ang dalawang linggo na hindi pa rin ako pinapansin ni Apple.Ako naman ay gulong-gulo na sa aking nararamdaman. Hindi ko alam kong ano ang aking gagawin. Feeling ko anytime pwede akong sumabog na parang bomba dahil sa dami ng iniisip.Hindi ito maaari. Kailangan kong ayusin ang lahat. Habang pinapatagal ko pa ay mas lalo akong nahihirapan. Tama si Apple, nagiging selfish ako dahil sa pagkulong ko ng aking sarili mula sa nakaraan.Two days before ang alis ni Marjorie papuntang USA ay nakipagkita ako sa kanya. Sa isang coffee shop malapit sa kamuning. Nakipagkita ako hindi upang balikan siya kundi ang tuluyan nang palayain ang isa

    Last Updated : 2021-05-19
  • The Broken Magnate   Chapter 23: Covering Mistake

    [23]Covering Mistakes***Ang sakit ng ulo ko nang imulat ko ang aking mga mata kinabukasab. Hindi na ako nakauwi kagabi kaya dito na ako nakatulog sa sofa. Mabuti na lang at binigyan ako ni Apple ng kumot at unan para naman komportable ang pagtulog ko.Sa totoo lang, ang sakit ng likod ko. Magdamag kasi akong nakayoko dahil 'di hamak na mas mahaba pa ako sa sofa na tinulugan ko. Hindi ko na lang ininda iyon dahil kasalanan ko naman kung bakit nandito ako.Narinig ko siyang nasa kitchen. Nagluluto ito base aa naririnug kong pagtunog ng ilang kasangkapan sa kusina. Nagutom tuloy ako nang makaamoy ng masarap n

    Last Updated : 2021-05-19
  • The Broken Magnate   Chapter 24: Hanggang Kailan

    [24]Hangang Kailan***Dahil sa mga ginagawa ko ay parang niloloko ko na rin si Apple. Hanggang kailan ko ito gagawin sa kanya? Hanggang kailan ako magtatakip ng kasinungalingan alam ko ikakasakit ng damdamin niya?Masakit para sa akin ito. Hanggang kailan ko ito dadalhin? Sobra na akong nahihirapan. Lumipas ang dalawang linggo, patuloy pa rin akong umaasa kay Apple. Talagang despirado na ako. Pinupuntahan ko pa rin siya sa trabaho niya. Dinadalaw ko pa rin siya sa unit niya. Sinisiguro ko namang hindi malalaman ni Kuya ang lahat ng ginagawa ko kay Apple.

    Last Updated : 2021-05-19
  • The Broken Magnate   Chapter 25: Huli Ka!

    [25]Huli ka!***Nakasunod lang ako kay Apple habang papunta sa office ni Kuya Brett. Tahimik lang ako, gano'n din siya. Walang imikan at walang pansinan dahil sa nangyari kanina. Gustuhin ko man ngunit wala akong magagawa. Iyon lang ang naisip kong paraan upang hindi niya makita sina Kuya at Diane.Pagdating namin sa loob ay tahimik lang akong umupo sa harap ng desk ni kuya samantalang si Apple ay nanatiling nakatayo at inikot ng tingin ang buong office. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin.I decided to stand up upang lumipat sa office ko nang bumukas ang pinto. Iniluwa ang nagugulat na mukha ni kuya."Babe! What a surprise!" Hindi maitago ang pagkagu

    Last Updated : 2021-05-19
  • The Broken Magnate   Chapter 26: Kapahamakan

    [26]Kapahamakan***Halos paliparin ko na ang aking kotse sa bilis ng takbo nito. Ang nais ko lang ay makarating agad sa kinaroroonan ni Apple. Halos nabibingi na rin ako sa tunog ng dibdib ko na animo'y isang tambol na pinapalo ng malakas.Wala na akong oras pa upang mag-isip ng maayos sa kung ano ang dapat kong gawin. Kaya't pagkaparada ko ng aking sasakyan sa parking area ng St. Joseph Hospital ay agad akong bumaba at patakbong tingungo ang emergency room.Hindi ko lubos maisip na mangyayari ang lahat ng 'to. Bakit ko ba siya hinayaang umalis? Bakit ko ba siya hinayaang makalayo? Kung pinigilan ko lang sana siya ay hindi ito mangyayari sa kanya. It's was heart breaking.Sabi kanina sa babaeng naka-usap ko, naa

    Last Updated : 2021-05-25
  • The Broken Magnate   Chapter 27: Tears For Her

    [27]Tears for Her***"Doc, kumusta na po siya? Okay lang po ba siya?" Agad kong tanong sa doctor as quickly as I can. Hoping that she's okay. Hoping that she made it. I don't understand myself, naroon ang pag-aalala at kaba sa aking dibdib sa aasahang sagot ng doctor. Hindi ko magawang pakalmahin ang aking sarili gayong nasa bingit ng kamatayan ang sitwasyon ni Apple. I can't forgive myself kapag may nangyaring masama sa kanya. But still I'm hoping that she's fine.Tumitig sa mga mata ko ang doctor. I tried to read his mind pero hindi ko makuha kung ano ang iniisip niya. "She's okay, but she's still unconscious."Halos mabunutan ako ng tinik sa magandang i

    Last Updated : 2021-05-25

Latest chapter

  • The Broken Magnate   Final Chapter

    Final Chapter***Nakasilip ako sa siwang ng bintana habang pinagmamasdan ang matamlay na paglalakad ni Rojan palayo. Bagsak ang balikat nito at mabagal ang mga hakbang na tila ba natalo ng malaking halaga sa isang sugal. Wala itong gana at nanghihina.Nasasaktan ako sa nakikita ko. Napapasandal na lang ako sa likod ng pinto at hindi mapigilan ang pagbagsak ng aking mga luha.Aaminin ko, sobra akong nasaktan kay Rojan noon. Sa pagsisinungaling at panloloko nila ng pinsan niya sa akin pero hanggang doon lang 'yun.Naka-move on na

  • The Broken Magnate   Chapter 40: Reunited

    [40]Reunited***I was in the office nang biglang pumasok si daddy. "Uh, Rojan. Free ka ba this weekend? Baka pwedeng ikaw na lang muna ang mag-asikaso ng expansion natin sa Cebu," untag niya sa akin.Tinatanong niya ako tungkol sa itatayong restaurants branch sa Cebu which are the expansion ng Santillan Group sa Cebu City."Since hindi pwede si Kuya Kheno mo, ikaw na lang. Hindi kasi pwedeng i-cancel ang flight niya sa US," dugtong niya.Bilang CEO ng kumpanya, malaki ang responsibilidad ko dito. Maybe ako ang nakikita ni daddy

  • The Broken Magnate   Chapter 39: Chase or Move On

    [39]Chase or Move on?***Dinampot ko ang white envelope na nakapatong sa upuan at binuksan ito. Isa itong liham. Liham na mula kay Apple. Agad ko itong binasa.Dear Rojan,Una sa lahat, gusto kong magpasalat sa 'yo sa lahat ng tulong na nagawa mo sa akin at sa pamilya ko. Tinatanaw ko iyong utang na loob. Gusto ko lang maging honest sayo, mahirap magkunwari. Mahirap magpanggap. Kahit ako mismo, parang niloloko ko na ang sarili ko. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako nagkaroon ng Amnesia. Ginawa ko lang 'yu

  • The Broken Magnate   Chapter 38: The White Envelope

     [38]The White Envelope *** Kahit malalim na ang gabi, hindi pa rin ako makatulog dahil sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, ang maamong mukha ni Apple ang aking nakikita. Naisipan kong bumangon na lang. Bumaba ako at nagpunta sa wine cellar namin saka kumuha ng wine. Agad kong tinungo ang balcony upang doon magpalipas ng oras. Favorite spot ko ito dito sa bahay dahil malamig ang simoy ng hangin dito. Maganda pa ang tanawin dahil nakaharap ito sa pool at sa garden na si mommy mismo ang nag design.

  • The Broken Magnate   Chapter 37: She said I love you

    [37]She Said 'I love you'***Nababakas ko ang tuwa sa mukha niya habang pinagmamasda ang paglubong ng araw. Sabi ko na nga't magugustuhan niya dito. Tama lang na dito ko siya dinala. Kahit papaano ay nabawasan ang dinadala niyang lungkot. The cold breeze wind, the romantic view and the golden orange color of the sky makes her smile and relax. Napapangiti na lang din ako to see her joyfully.Nang makaramdam kami ng pagod, umupo kami sa mga sinadyang mga upuan na nakapwesto sa lilim ng mga punong kahoy. Ramdam mo ang bawat paghampas ng malamig na hanging nagmula sa dagat. Kaya hindi maiwasang mapapayakap si Apple sa sarili. Tinanggal ko ang suot na leather jacket at isinukbit sa kanya."Thank you,

  • The Broken Magnate   Chapter 36: Memories

    [36]Memories***Mabuti na lang at hindi nagalit si amin si tita, dahil sa nakita niya kanina. Pero sa totoo lang, nakakahiya na makita niya kaming nasa gano'ng sitwasyon. Mabuti na lang, naniwala siyang dahil lang iyon sa ipis.Gaya ng sabi ni tita, doon na ako nag-lunch sa kanila. Ayaw kasi pumayag ni tita na aalis akong 'di kumakain. Kaya naman pinagbigyan ko na siya dahil hindi rin ako makakatanggi sa kanya.After naming kumain ay nagpaalam na ako kaagad dahil susunduin ko pa si Sab sa school niya. Padating ko sa school ay ag

  • The Broken Magnate   Chapter 35: Pangamba

    [35]Pangamba***Gaya ng sabi ni Apple, hayaan ko raw muna sila ng nanay niya habang hindi pa bumabalik ang mga alaala niya.Pero hanggang kailan ba? Hanggang kailan ako maghihintay na darating ang araw na iyon? Tatlong araw pa nga ang lumipas para na akong mababaliw. Eh, kailan pa?Syempre, hindi pa rin maalis ang pangamba sa isip ko. Natatakot ako na baka hindi na niya ako maalala, na baka tuluyan na niya akong makalimutan. Natatakot akong mangyari 'yon, kaya kailangan kong gumawa ng paraan.Saglit kong pinagmasdan ang ap

  • The Broken Magnate   Chapter 34: Starting Over Again

    [34]Starting Over Again***Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa hospital upang sunduin si Apple. Abot tainga ang ngiti ko dahil sa labis na excitement.Naabutan ko siyang nakatuon ang mga mata sa hawak na sa cellphone. Hindi ko alam kong ano ang tinitingnan niya pero parang nagulat siya nang dumating ako. Mabilis niya itong itinago sa ilalim ng unan niya saka ibinaling ang mga mata sa akin."Bakit ka nandito?" Tanong niya na nakataas ang isang kilay."Ako na ang maghahatid sa inyo sa condo." Tugon ko saka nginitian siya. "Kumusta ka na pala?"Nagsalubong ang kilay niya. "Hindi mo na kailangan gawin 'yun. Kasama ko naman si nanay. Kaya na naming umuwi kahit wala ka." Mariin niya

  • The Broken Magnate   Chapter 33: Pagpapaubaya

    [33]Pagpapaubaya***Dahil sa nangyari ay nagsitakbuhan ang apat na lalaking naka-engkwentro ko. Pati sila ay nagulat sa nangyari at sa ginawa nila. Ramdam kong gumagamit sila ng ipinagbabawal na droga kaya nila nagawa iyon."Mga duwag pala kayo, eh!" Sigaw niya sa mga ito."Okay ka lang, dude?" Tanong niya sa akin.Hindi ko siya sinagot. Tumango lang ako kahit alam kong hindi ako okay dahil sa natamo ko. Pero mas nakadama ako ng awa sa kanya. Umaagos ang dugo sa tagiliran niya na ngayon ay hawak niya."Kuya! Pumunta tayo ng hospital." Sabi ko sa kanya."Sus, okay lang ako. Malayo ito sa bituka." Nakuha pa niyang magbiro sa kabila ng kalagayan niya."Bakit mo ba

DMCA.com Protection Status