Share

Chapter 9 Package

Author: Aurum Jazmine
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

MAY dumating raw na package. Nalaman niya 'yun, nang isa sa mga maid ang magsabi sa kanya kaya na excite siya. Bababa na sana siya para makita ang sinasabi ng mga ito pero sabi ng maid, dadalhin daw iyon sa kuwarto nila ni Lestre kaya maghintay na lamang raw siya doon. Ilang sandali pa nga ay may kumatok na sa pintuan at nang pagbuksan niya, ang expected niyang simple at nag-iisang package ay malaki pala.

"Ito 'yun? Sure kayong para sa akin ito?" tanong niya pa. Ito kasi ang unang pagkakataon na makakatanggap siya ng regalo sa tanang buhay niya na ganitong kamahal. Noon kasi, makakatanggap siya ng regalo noong nasa ampunan pa siya ay mga bigay pa ng mga missionary at puro pinaglumaan mula sa mga nalikom nila na galing sa iba't ibang tao. Laking pasasalamat niya nga sa kung sinong mga nag-do-donate sa kanila dahil kung hindi, wala siguro siyang ni isang damit na maayos at hindi niya siguro mae-experience ang ma-regaluhan ng kahit na ano.

"Opo young madame," anito sabay bow sa kanya bilang pagpapakita ng respeto. "Para namang mga taga-ibang planeta ang mga taong sora na 'to," bulong ng isip niya. Naninibago pa rin kasi siya sa kaugalian dito hanggang ngayon. Feeling niya tuloy ay nasa isang foreign movie siya na may katulad nitong kaugalian.

Nang mapag-isa na siya at binuksan ang kahon ay namangha siya sa nakita doon. Halos ayaw pa nga niyang hawakan ang isa man doon dahil puros signatured item ang nasa loob na sa tingin niya ay worth million ang halaga. Sigurado siya kung kanino galing ang mga iyon. Pero bakit naman siya bibigyan ng mga gano'n ni Lestre?

Mayamaya nga lang ay rumehistro ang pangalan nito sa cellphone niya.

Husband calling . . .,

Nangunot ang noo niya sa nabasa. Husband? Ayos naman pala. Naisip niya na ang asawa niya ang nag-save niyon bago ibigay sa kanya. Kinikilig naman tuloy siya. Sinagot niya agad ang tawag dahil siguradong mahalaga ang pakay nito. Ito ang unang beses na tumawag ito sa kanya sa cellphone sa loob ng dalawang linggong pamamalagi niya roon.

"Hello?" sagot niya rito.

"Get ready. Manong will send you to the salon for your make-up. We only have three hours left for you to prepare." Magtatanong pa sana siya pero nag-end call na agad. Mahusay.

HINDI na siya nagtataka na sa isang mamahaling salon siya dinala ni manong driver. Ipinadala rin sa kanya ni Lestre ang package na obviously, ito ang may bigay.

Sinalubong siya ng usher doon. Mukhang alam na ng mga ito ang gagawin. Wala na kasing tanungan na nangyari.

"Welcome young madame," lamang ang narinig niyang sabi ng mga ito. Nakakapagtaka nga kung bakit young madame rin ang tawag sa kanya doon. Iniisip tuloy niya kung mga fox din ba ang mga ito na tauhan ni Lestre. Gusto niya sanang itanong kaya lang, nauumid naman ang kanyang dila. Baka mamaya, imbes na sagutin siya ay interesin din ng mga ito na kainin siya. Wala siyang ligtas kung mangyari 'yon.

"Thank you," aniya na lang.

"This way madame," puno ng paggalang na muestra nito sa kanya sa isang VIP sit.

Ang daming session na nangyari. Sunod lamang siya ng sunod sa lahat ng sabihin ng mga ito. At nang matapos ay namangha siya sa kanyang naging hitsura. Hindi niya na halos makilala ang kanyang sarili. Alam niyang maganda siya noon pa. Kung may maipagmamalaki siyang katangian niya, iyon ay ang talino at ganda niya. Sayang nga lang ang mga pangarap niya noon. Ang akala niya pa ay pagtatapusin siya ng adoptive family niya hanggang college pero hindi nangyari 'yon. Maraming beses na rin naman na may nagsasabing maganda nga raw siya, pero hindi niya inakala na may igaganda pa pala siya lalo. Siguradong kung makikita siya ni Nora na siyang anak na tunay ng mga umampon sa kanya ay lalo pa siyang aapakan ng babaeng 'yon. Ayaw kasi ng isang 'yon na nalalamangan niya lalo na sa usapang kagandahan. Nang minsan kasi na may dumalaw sa bahay ng mga ito na amiga ng adopted mom niya ay siya ang pinuri sa halip na si Nora. Maganda raw siya, may etiquette at hindi nakakasawang tingnan. Gusto raw nito na ipakilala siya sa unico hijo nito. Too bad kasi, lalo nang sumama ang mga trato sa kanya ng pamilya specially ng mag-ina. Si Nora kasi ay matagal na palang may gusto sa anak nito. Plus, panay ang papansin nito sa matandang babae ay siya ang napansin sa halip na ito.

Winaglit niya sa isip ang pamilyang iyon. Ayaw niya na nga palang maalala ang mga iyon dahil sa masasamang alaala niya na kasama sila.

Paglabas niya ay naroon pa pala at matiyagang naghihintay si Manong driver sa kaniya. It's past four in the afternoon na at mahigit tatlong oras na pala ang nakararaan.

Sandaling parang na estatwa sa kinatatayuan ang matandang driver kaya iwinagayway niya ang harap ng palad sa tapat malapit mismo sa mukha nito. Para namang natatauhan ang huli at hindi mangandatutong pinagbuksan siya ng pinto.

"Tara na ho, young madame. Hinihintay na tayo ng Sire," may pagmamadali na sa boses ng huli.

Agad naman siyang sumakay dahil baka si manong ang mapagalitan. Pagkatapos noon ay sumibad na ang sasakyan.

Nang makarating na sila sa venue ay namangha siya. Hindi niya naitanong kay Lestre kung ano bang ganap ngunit ngayon na naroon na siya sa venue ay mukhang nagkakaroon na siya ng idea. It is indeed a party para sa mayayamang tao, gaya ng sa mga movie na napapanood niya.

"Nasa main entrance raw ang Sire, young madame. Sundan nyo lang po ang red carpet," bilin nito. Mukhang kailangan niyang maglakad mag-isa papasok.

Namangha siya sa mga nakakasabay niyang papunta sa main entrance. May ilan pa siyang nakikita na nagsisidatingang sakay ng magagarang sasakyan at hindi niya mapigilang mapatanga dahil sa class ng mga ito. Feeling niya tuloy ay siya lamang ang naligaw na bukod sa mahirap na babae na nga ay abandonadong bata pa.

Napatigil pa siya sandali dahil sa hagdan paakyat mismo sa main entrance ay may humintong sasakyan at iniluwa noon ang isang sa tingin niya ay sikat din na tao. Nagkinangan ang mga flash ng camera ng mga paparazi. Para tuloy gusto niya na lang umatras. Alam niya sa kanyang sarili na hindi siya bagay sa lugar na iyon.

Nang naglalakad na siya pabalik sa parking lot ay kinapa niya ang cellphone sa kanyang pursed. Balak niyang mag-text na lang kay Lestre at sabihin dito na hindi niya kayang humarap sa madla dahil baka mapahiya lamang ito dahil sa kanya. Hindi 'yon kakayanin ng konsensya niya. Nang makuha niya ito ay agad na hinanap ang number ng lalaki, ngunit nahinto siya sa kanyang paglalakad nang may humawak sa kanyang braso. Lumukso naman ang puso niya nang mapag-sino ito.

"Ah, hehe …ano kasi," itinaas niya ang kamay na may hawak na cellphone ngunit walang mamutawing paliwanag galing sa bibig niya. Para kasing palyado ang utak niya kapag kaharap ito. Bakit ba gano'n?

Napansin niya naman ang itsura ng lalaki na mukhang na eengkanto habang nakatitig sa kanya pero hindi niya alam kung bakit. Gusto niya sanang sargohin ng kanyang kamao sa mukha ito dahil nakakailang ito kung manitig kaya lang kasi, naisip niya ang ninety billion dollars niya. Baka mamaya, pera na maging bato pa, sayang naman. Tapos, baka rin mamaya, kasuhan pa siya nito at … "Gaga, sa tingin mo ba masasaktan mo ang isang nilalang na gaya niya? Hayyy!" Gusto niyang tuktukan ang sariling ulo pero huwag na lang dahil baka isipin na ng lalaki na may sakit na siya sa pag-iisip. Nakakahiya naman.

Gaya ng ginawa niya kay manong driver kanina ay iwinagayway niya ang palad sa mismong tapat malapit mismo sa mukha nito at doon pa lamang din ito parang nagbalik sa kasalukuyan.

"Ano ka ba, nanuno ka ba?" tanong niya rito.

Kumurap-kurap pa ito saka pa lamang nagsabing, "Where are you going? You are —"

"Tagalog please?" windang na putol niya sa sinasabi nito. Nakakaintindi naman siya ng English pero sa pagkakataong ito ay gusto niya ng iwas stress. Para kasing imbes na ma enjoy niya ang lahat ng nakikita ay mas gusto niya na lang maging patatas at magpahinga sa ilalim ng lupa.

Humugot ng malalim na hininga ang lalake na para bang kanina pa ninenerbiyos. Pagkatapos ay luminga ito sa lahat ng direksyon bago muling ibinalik ang tingin sa kanya.

"Mali ang direksyon mo. Hindi d'yan ang daan papasok— dito . . .," sabay muestra nito sa kanina ay tatahakin niya sanang daanan. Nasa tagong bahagi pa sila at hindi pa lumalantad. Mabilis at malalaki ang mga hakbang ni Lestre habang takbo na ang kanyang ginagawa. Malaking lalaki kasi ito.

"T—teka, bagalan mo naman ng konti! Ang sakit na kasi ng pa—" hindi niya na natapos ang sinasabi nang biglang pumihit ang lalake paharap sa kanya at kargahin siya nito in bridal style na walang kaabog-abog.

Kumabog ang puso niya. "Teka, bakit parang nakakakilig?" hiyaw ng kanyang isip. Parang may mga paru-parong kumikiliti bigla sa kanyang tiyan. Hindi naman siya ang may karga pero bakit tila siya ang hinihingal?

Iglap lamang ay bitbit na siya nito habang binabagtas ang ibang daanan.

"Teka, ang sabi mo doon tayo dadaan? Bakit dito?" takang tanong niya nang mapansin na iba na ang daan na kanilang tinatahak.

"I cha—"

"Tagalog please?" paalala niyang muli rito.

Mukha na namang natalo sa pusta ang mukha nito nang muli na naman itong magsalita.

"Nagbago na ang isip ko. Masyadong maraming camera doon sa main entrance. I hate exposure," may pinalidad na sagot nito.

"Shit! Bakit ang cute-cute niya magtagalog?" hiyaw ng isip niya.

Kaugnay na kabanata

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 10 Party

    MUKHANG kasisimula pa lamang ng party dahil may mga ilan pang nagdaratingnan na mga mahahalagang panauhin. Umuugong sa paligid ang pangalan ni Lestre Sylverstain na kanina lamang ay kasama niya.Nang makapasok kasi sila kanina sa loob ay nakakita siya ng comfort room. Pinayagan siya nito dahil malapit naman na pala doon ang daan papasok sa loob mismo ng bulwagan kung saan ang mismong party. Itinuro na lang nito sa kanya ang daan papasok at sinabing hihintayin daw siya nito roon. Ngunit ilang minuto na siyang palibot-libot doon ay hindi niya makita ni anino ni Lestre at ni Juris."Excuse me," pukaw sa kanya ng isang boses lalaki mula sa kanyang likuran. Mabilis siyang nakapihit sa direksyon nito at nakita niya ang isang hindi niya kilalang lalaki. Guwapo ito at mukhang nasa early thirties ang age."H—hi," ngumiti na lang siya rito at hindi makatingin ng diretso sa mga mata nito. Hindi niya naman kasi alam kung paano ba makihalubilo sa ganiton

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 11 Collapsed

    Three weeks ago …"WHAT happened‽" puno ng magkahalong galit at pag-aalalang dumalo si Enrico sa ina nitong nakahandusay na sa ibaba ng mataas at mahabang hagdanan habang nakadagan sa paralisado nitong mga binti ang wheel chair nito. Duguan ang ulo ng matandang babae at wala nang malay tao.Nakatulala lamang si Celestina sa daanang paibaba ng hagdan habang si Nora naman ay nasa ibaba at umiiyak na nakadalo sa walang malay na matanda.Siyam na taon na ang nakakaraan nang madaanan ng mag-asawa ang sampung taong gulang pa lamang na si Celestina na pagala-gala sa madilim na kalsada. Umiiyak ito habang nanginginig sa lamig at gutom at hindi alam kung saan pupunta. Naawa ang mag-asawa sa batang Celestina kaya pinasakay ng mga ito ang bata at inuwi sa bahay. Mabuti ang naging trato ng mga ito sa kanya. Toddler pa noon si Nora at bilang pasasalamat niya sa pagpapatuloy ng mga ito sa kanya ay inalagaan niya ang batang si Nora. Isang araw ay umuwi ang mag-asawa at ibinabalita sa kanya na legal n

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 12 Date

    "THANK you officer," ang nabungaran niya nang magising siya sa kuwarto nila ni Lestre. Hating gabi na pala. Bumalik sa isip niya kung ano ang nangyari kanina."Gising ka na pala," ani Lestre sa kanya na nakalapit na pala sa tabi niya. Pinilit niyang tumayo kaya tinulungan na siya nito. Nakakailang ang naging puwesto nila. They are too close together at naamoy niya na ang panlalaki nitong amoy. Nakaka-akit. His smell makes her feel good as if nothing happened."What happened?" agad niyang tanong dito. Wala na siyang alam sa nangyari kanina since hindi niya namalayan kung kailan siya nakatulog."Your sister Nora Nathaniel is now imprisoned and not allowed to be bail," tipid at maikling sagot nito sa kanya na ikinagulat naman niya. "Ha? Kailan pa?" tanong niya rito. "Anong petsa na ba? Gano'n ba ako katagal nakatulog? Bakit daw siya nakulong?" sunud-sunod na niyang tanong dito. Natatawa naman nitong nilapitan siya at niyakap.

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 13 Date

    ANG simpleng pananghalian ay na uwi sa isang date. This is the first time na nag date sila at hindi ito planado."Mahaba pa naman ang maghapon so, mamasyal muna tayo." Nang matapos silang kumain kanina ay ito ang sinabi ni Lestre. Mukhang seryoso ito kaya wala na siyang nagawa."Celestina," biglang pagbubukas nito ng usapin habang magkasama silang naglalakad sa malaki at malawak na garden Caseum Garden sa isang medyo malayo-layong lugar.Nahiwagahan pa nga siya dahil hindi niya na alam kung saang lupalop sila naroon. Mapuno kasi doon at medyo mabako ang mahabang daanan pero ganoon lamang sila kadali na nakarating sa pinuntahan nila. Doon sa may bandang matarik na daan na paakyat na rito sa Caseum garden ay masyado nang mahirap akyatin. "Stay still," sabi lang nito sa kanya at binuhat siya bridal style saka parang wala lang dito na umakyat at tumatalon-talon lamang. Sabi ng ilan, sikat daw itong garden sa mga turista ngunit pili lamang ang pinapa-akyat dahil kailanga

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 14 Cave

    "ANO‽" umalingawngaw yata sa bawat sulok ng kuweba ang kanyang boses dahil sa lakas ng pagkakasabi niya. Sabi kasi nito kanina, "Umalis ako saglit at nagpunta sa City to buy foods. I don't want to end up eating you because of hunger. Otherwise, I'll be dead in agony." Spell creepy and sweet? Nakakatakot pero nakakakilig. Puwede naman palang mangyari 'yon ng sabay. First time niyang maranasan 'yon."So, gaano mo pala ako katagal iniwan dito?" tanong niya. Unconscious siya ng iwan nito kanina kaya hindi niya alam."Well, more than an hour?" tila sinusubukan nitong tantiyahin sa isip kung gaano nga ba siya katagal nito iniwan.Lalong sumama ang itsura ng kanyang mukha sa sinabi nito. Natigilan tuloy si Lestre at napatitig sa kanya.Ilang sandali pa ay binasag nito ang katahimikan ng gabi at humagalpak ng tawa. Nakakainis lang kasi. Guwapo pa rin ito habang nang-iinis at guwapo pa rin kahit tawang sira-ulo ang tawa nito. Sobrang bi

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 15 Encounter

    WALANG nagbukas ng gate para sa kanila, dahil halos wala nang matirang buhay sa bukana. Mayroon man ay duguan na rin ang iba at hindi na makagulapay, habang ang ilan naman ay nakikipaglaban pa. It feels dangerous everywhere she turn her eyes at bukod doon ay nagbabadya pa yatang umulan dahil madilim ang langit na para bang nakikiramay sa nakakalungkot na kasalukuyang nangyayari sa paligid. Puro dugo sa kahit saan at hindi niya maiwasang manginig sa takot. Ang mga nakikita niyang noon ay buhay at nagsisilbi sa mansyon, ngayon ay mga nakahandusay na sa sahig. Ang iba ay naghihingalo at ang iba ay wala nang buhay. Kabit-kabila ang sigawan, iyakan, mga tunog ng nababaling buto at halakhak ng kasamaan. Masangsang ang buing paligid at punung-puno ng pighati. Ang saya lang nila kahapon at kanina habang magkasama. Pero bakit sa isang iglap lamang ay biglang nagbago ang lahat?Naagaw nila ang pansin ng lahat nang sila ay dumating. Taga mansiyon man o mga nanloob ay nakatutok an

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 16 The part ways.

    NAKALIGTAS ang mga driver, ang matandang butler at ang ilan pang mga tauhan ng mansyon. Ang iba ay naghihingalo at ang iba ay sugatan naman. Marami-rami ang nasawi at dahil doon ay dalawang araw nang mainit ang ulo ni Lestre. Wala rin itong pahinga marahil at ilang araw na nitong inaayos ang lahat upang magbalik na sa normal ang mansyon dahil sa rami na rin ng naging sira.Sabi naman ni Juris sa kanya noong mag-usap sila matapos ng engkuwentro ay nangyari na rin daw ang ganoong klase ng kaguluhan noon."Bakit mo pala kilala si Durango?" tanong nito sa kanya."Kasi beks, siya 'yung gustong umampon sa akin noon sa bahay ampunan. Natakot ako sa kanya kaya tumakas ako, dahil sa takot ko. Noon pa man, hindi ko na gusto ang pakiramdam ko sa matanda na 'yon eh." Nakita niya ang pagkagulat na bumalatay bigla sa mukha ni Juris ngunit hindi niya iyon binigyan ng pansin."Beks, sabihin mo nga . . ., Sa Marry God Child Orphanage ka ba nanggaling na ampunan?" tanong nito sa kanya bigla. Siya naman

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 17 The question

    "I'LL make sure na magkikita at mag-uusap din tayo sa susunod at ipapaliwanag mo sa akin ang lahat Celestina." Nginisihan siya nito kaya sinagot niya ito."In your f***ing dreams, Mr. Sylverstain. Wala akong dapat ipaliwanag sa 'yo." She greeted her teeth at kinarga ang anak niya paalis sa lugar na iyon. Susundan pa sana siya ng dalawa pero sinenysan niya ang mga ito na huwag nang subukan dahil baka pagsisihan pa ng mga ito.Nagpapasalamat siya na hindi na nagpumilit pa ang dalawa. Inis na napahugot na lamang siya ng marahas na hininga habang inaalala ang mga sinabi ni Lestre kanina sa engkwentro nila sa airport. How dare he do that‽ Pagkatapos ng ginawa nito limang taon na ang nakakaraan, magpapakita itong bigla sa kanya na para bang may claim ito sa kanyang buhay.Mahigit isang oras na silang nakaalis doon at naiinis siya dahil bakit ba kailangan pang magpakita nito agad sa kanya? It is not her original plan. Never in her dreams na ginusto niyang ipakita ang anak niya rito. Wala siya

Pinakabagong kabanata

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 27 Reunite

    HINDI na kinaya ni Lestre ang pagbabaling ng kanyang pansin sa ibang bagay upang maging abala at hindi maisip si Celestina. Sino ba kasing niloko niya? Alam na alam niya at halatang halata na rin siya ni Juris na walang ibang umookupa ng kanyang isip kung hindi si Celestina lamang. Kung kamusta na ba ito, kumain na ba ito? Ano na ang mga naging improvements ng babae at kamusta na ba ang kanilang anak. Kanilang anak. Hindi niya mapigil na ngumiti kapag naaalala na ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan noon ay kamukhang kamukha niya. Naaalala niya pa ang lumang kasabihan noong unang panahon pa na kapag ang supling ninyo ay kamukhang kamukha ng lalake ay mahal na mahal siya ng babae and vice versa. He green sheepishly thinking Celestina being in love with him that much. Eh ngayon kaya? Hindi niya sigurado.Habang tinatalunton niya ang mahabang pasilyo ng kanyang bagong gawang mansyon ay hindi niya mapigil ang kabahan. Alam niya naman sa sariling masyado na siyang matanda sa kanyang ed

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 26 Wounded

    MINSAN pa ay minalas ni Celestina kung paano kontrolin ni Lestre ang mga kawawang alipin ni Durango sa kanyang mga palad na ani mo'y laruan. Ang inakala kasi nilang malawak na pasilyong walang bantay ay mayroon palang mga nakaabang. Mabuti na lang at mabilis ang kilos at pakiramdam ni Lestre, kung hindi ay pareho na silang tadtad ng palaso sa katawan."Sa itaas!" hiyaw ni Celestina nang mamataan ang isang tauhan na hindi pala nadamay sa mahikang ginawa ni Lestre.Mabilis ang mga pangyayari. Saglit lamang na kumislap ang mga mata ng walang kagalaw-galaw sa puwestong si Lestre ngunit parang tuod na tangkay ng punong bumagsak sa malamig na sahig ang tila paralisadong nilalang na sumugod mula sa itaas.Nagsimulang mangamoy malansang dugo muli sa parte ng mansion na iyon na katulad sa una nilang dinaanan. Gustong humanga ni Celestina sa mga nangyayari ngunit wala nang oras. Mas nananaig na sa kanyang dibdib at isip ang sari-saring isipin at pag-aalala. Wala pa sa kanila ang anak niya at hin

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 25 - The entrance

    HINDI na mabilang ni Celestina kung ilang ulit nang nagmura si Lestre. Halos bambuhin na nito ang manibela ngunit kita ang pagpipigil dahil marahil alam nitong mawawasak ang sasakyan kapag ginawa nito iyon.Si Celestina naman ay marami nang tumatakbo sa isip sa sobrang pag-aalala. Ayaw tumigil ng agos ng mga luha niya at pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa takot."Saan natin sila hahanapin?" wala sa loob niyang tanong. Ayaw niyang tumingin sa mukha ni Lestre dahil pakiramdam niya, lalong nadaragdagan ang takot niya."I don't know. Let's just—" natigil bigla ang sinasabi ni Lestre nang tumunog ang cellphone nito. Pinulot nito ang headset na nasa harapan lamang nito na naka konekta sa cellphone at sinagot ang tawag.Saglit na kinausap ni Lestre ang tumawag ngunit wala siyang maintindihan kundi "Yes, alright, I see at thank you" lang."Nahanap ko na ang location. Don't worried," anito sa kanya nang matapos ang tawag."Talaga?" tila nagkaroon ng munting pag-asa sa puso niya. Hindi niya

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 24 Kidnap

    ILANG minuto rin ang itinagal ng paghihintay ni Celestina sa isang restaurant na malapit sa school ni Leone. Kitang kita niya nang pumasok sa entrance ang hinihintay na lalaki. Si Lestre. Napaka guwapo nito sa suot na business attire kaya naman ang bawat babae sa lugar na iyon ay hindi maiwasang mapatingin sa kanya. Napapa irap siya sa tanawin lalo na nang mahuli siya nitong nakatingin rito. Malapad itong ngumisi sa kanya."Matagal ba ako?" tanong ni Lestre sa kanya.Tinaasan niya lamang ito ng kilay saka uminom ng tubig mula sa kopitang idinulot ng waiter sa kanya kanina. "I understand. Para saan ba ang meeting na 'to? Bakit tayong dalawa lang?" diretsong tanong niya rito.Actually, siya sana ang tatawag talaga rito noong sinabi ng impakta nitong asawa na may anak na sila. Gusto niya sanang tanungin dahil hindi niya kasi makitaan ng resemblance ang bata pero isinantabi na lamang niya dahil baka naman kung ano pang isipin nito sa kanya. Wala naman na

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 23 School

    ILANG araw na rin buhat nang muli niyang makita ang matandang iyon sa ampunan. Para hindi niya maisip kahit paano ang takot ay tinutuon niya na lang ang kanyang oras at isip sa trabaho. Kahit kasi nasa Pilipinas siya ngayon ay may mga clients pa rin siya sa ibang bansa na patuloy siyang kino-contact.Si Leone naman, in-enroll niya muna sa isang kinder school ngunit dahil sa antas ng learning ability nito ay hindi ito tinanggap sa kinder at diretso na ito ng grade one dahil marunong na itong bumasa at sumulat sa English, Filipino at marunong na rin ng basic Math. Hindi naman na siya nagulat dahil talaga namang tinuruan niya ito ng mga basic. Mahigpit naman ang bilin niya na kung hindi siya o si Caspiana ang susundo ss bata, walabg ibang sasamahan ang bata. Nagbigay rin siya ng mga picture ng mga Authorized na tao na puwedeng samahan ng anak niya sa mga teachers at sa buong pamunuan ng school. Sa Tate kasi, ayaw niyang ipagkatiwala ang anak sa mga school doon habang bata pa

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 22 Orphanage

    PAG-ALIS niya galing sa LS Group building ay dumiretso siya sa isang mall, gamit ang bagong bili niyang motor. Ubos na kasi ang gamit niyang make up. Naubos kanina lang. Gusto niya ring bumili ng ilan pang damit nilang mag-ina kaya naisipan niya na rin na dumaan sa mga shop doon.Una niyang pinuntahan ang kids wear at nang matapos siya doon ay agad siyang nagtungo sa women's boutique.Habang nagpipili siya roon ay hindi niya inaasahan kung sino ang kanyang makikita.Ilang taon na rin ang lumipas at malaki na rin ang ipinagbago ng hitsura ng mag-asawang umampon sa kanya. Umulan ang lahat ng mga alaala sa kanya mula noong naroon pa siya sa piling ng mga ito. Tandang tanda niya pa na parang kahapon lang ang lahat ng nangyari. Lahat ng sakit at pangmamaliit ng anak ng mga ito na si Nora. Ang pagturing ng mga ito sa kanya na isang katulong sa halip na isang kapamilya. Hindi niya lahat malilimutan iyon. Kung mayroon man isang kabutihan na naibigay ang mga

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 21 Conference

    ILANG araw niya ring tinrabaho ang plano para sa proyekto at kagabi nga ay tinapos niya na ito. Maaga siyang nagbangon dahil may dadaanan pa siya bago magpunta LS Group. Kailangan niyang bumili ng motor dahil nahihiya na siyang palaging iniistorbo ang kaibigan para ihatid siya sa mga lakad niya.Sinadya niyang magsuot ng black leather jeans and black sando na humahakab sa kanyang katawan. Pinarisan niya ito ng leather semi formal blazer and black boots. para akma naman siyang magmaneho ng motor at makipag business appointment.Pinagtitinginan pa siya ng mga taong nababaan niya pagdating sa isang malaking tindahan ng mga luxury brand ng mga motor siklo at iba pang uri ng sasakyan. Name it, they are famous because they all have it except the low class. Dito pumupunta ang mga bigtime para bumili ng mamahaling sasakyan. Some of their products here are from abroad and they sometimes have newly launched from different manufacturers. They are known here as one o

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 20 VISIT

    WALANG nagawa si Celestina kung hindi ang papasukin si Lestre sa loob ng bahay. Kung hindi lang masamang ipakita sa bata ang away matanda ay kanina niya pa sinabon ang lalaki. Nuncang maka apak ito sa loob ng bahay na tinutuluyan niya."Ano bang ginagawa mo rito? Bakit hindi ka man lang tumawag muna sana na pupunta ka at paano mo nalaman ang address ko?" tanong niya rito dahil sigurado siya na hindi niya ibinigay ang address ni Caspiana. Hindi pa siya sira pala ipaalam dito kung saan sila nag-satay na mag-ina. Kaya lang ang dami na niyang sinasabi pero para naman itong walang naririnig, dahil abala ang loko na ilibot ang mga mata sa buong kabahayan habang parang umaamoy-amoy pa ito. Malaya niya kasing awayin ang lalaki, dahil saglit munang umakyat ang anak niya at nagpalit ng damit. Masaya ang anak niya at hindi niya iyon kayang sirain dahil para sa kanya, si Leone ang lahat sa kanya. Ito lang ang nag-iisa at tangi niyang kakampi sa mundo at wala nang iba. Kaya nga

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 19 Father and son

    NARATNAN niyang tulog ang kanyang anak sa malaking kama nilang dalawa. Nakabukas pa ang laptop nito ngunit nang kalikutin niya na para sana tingnan ang activity nito buong oras na wala siya ay hindi niya na ma access iyon dahil naka lock. Nakunot naman ang kanyang noo. Naisip niya na baka may napindot ang bata kaya na lock. Tatanungin niya na lamang ito mamaya paggising kung natatandaan nito ang password. At kung hindi ay pabubuksan na lamang nila ito sa technician mamaya. Umaga pa naman kaya naisipan niya na bumaba muna ulit at magpunta sa kusina.Hindi niya kasi nadatnan si Caspiana pero nakita niya na nasa garahe naman ang sasakyan nito kaya malamang na nasa kuwarto pa ito at natutulog. Ten o'clock na kasi kaya naisip niyang magluto na ng pananghalian. Naisipan niyang magluto ng isang simple dish dahil siguradong paggising ng anak niya ay magugutom ito. At si Caspiana naman ay siguradong o-order na naman online. Sayang lang naman kasi mahal nga pero hindi naman masarap

DMCA.com Protection Status