Share

CHAPTER 3

last update Last Updated: 2023-08-13 13:06:14

ZOE's POV

Ang weird! Pinapunta nya ako sa Ell's restaurant para kumain pero hindi naman ako nakakain. Pinabalot nya lang ang lahat ng pagkain na to at ipinabitbit sakin.

Haaaay! Gusto pala nya ng alalay, sana hindi secretary ang kinuha nya. Psh!

"Saan po ba tayo pupunta madam?" Tanong ko sa kanya.

"Idaan muna natin yung mga pagkain sa bahay nyo.." sagot nya sakin na ikinagulat ko.

Tama ba ako ng narinig?? Sa bahay namin?? Bakit sa bahay namin??

"Bakit po sa bahay namin??" Tanong ko.

"Alangan sa bahay ko, walang kakain nyan." Inis na sagot nya sakin habang nagda-drive sya. Kaya naman hindi na ako nagsalita pa.

Pagkahatid namin ng pagkain sa bahay ay dumiretso kami sa isang sementeryo..

"When I'm in pain, this is the first place I go... Nandito kasi yung nag iisang kakampi ko.. My mom.." malungkot na kwento nya sakin.

Nung nakita ko sya kanina sa Ell's Restaurant, para syang strong woman na hindi kayang pabagsakin ng kahit na sino. Pero bakit ibang personality ang nakikita ko sa kanya ngayon? Parang naghahanap sya ng mahihingahan..

Ganito ba talaga kalungkot ang buhay nya?

"Funny right? I am a strong woman in the eyes of the people around me. But they don't know that I also had a breakdown. So when I need someone to lean on, no one is there to listen.. That's why this is the first place I go when I'm in pain, kasi alam kong may nakikinig sakin dito.." malungkot na kwento nya sakin habang pinipigilan ang pagpatak ng luha sa mata nya. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng lungkot sa mga sinabi nya.

"It's okay to be weak, to have a breakdown, to cry sometimes, wala namang mali dun eh.. Hindi mo naman kailangan maging malakas sa lahat ng oras eh.. Minsan kailangan mo lang magpakatotoo.. Kapag masaya ka, tumawa ka. Kapag nasasaktan ka, umiyak ka. Wag mong itago yung nararamdaman mo dahil lang sa akala mo na walang makikinig sayo..." sabi ko sa kanya.

"Ano bang alam mo? Hindi ka naman nakakaranas ng lungkot.." sabi nya sakin.

"Who told you? I'm only human.. Minsan napapagod rin akong ngumiti para lang itago yung lungkot na nararamdaman ko.." malungkot na sabi ko sa kanya.

"Eh ikaw pala tong nagpapanggap eh.. Bakit ka ngumingiti kung hindi ka naman pala masaya?" Tanong nya sakin.

"Hindi naman ako nagpapanggap.. Nasanay lang ako na tawanan ang mga problema.." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Nawawala ba ang problema mo kapag nginingitian mo sila? Kasi sa ganda ng mga ngiti mo, im sure na mas lalo lang lalapit ang problema sayo.." biro nya sakin nang hindi ngumingiti. Hindi ko tuloy alam kung kikiligin ba ako o matatawa. Marunong din pala syang mag biro?? Hindi nga lang halata sa mukha nya.

"Papuri ba yan o insulto?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Pareho.." seryosong sagot nya sakin. Haaaay! Ang labo nya talaga.

Pagkatapos namin sa sementeryo ay may pinuntahan kaming isang simpleng bahay. Pero nakakapagtaka dahil hindi kami bumaba sa kotse, pinagmasdan nya lang ang babaeng nagsasampay ng mga damit.

"Hindi po ba tayo bababa?" Tanong ko sakanya habang nakatitig sya sa babaeng nagsasampay ng damit. Tumingin lang sya sakin pero hindi nya sinagot ang tanong ko. Pagkatapos ay pinaandar na nya ang kotse saka kami umalis.

Nakakapagtaka.. Ano ang meron sa babaeng yon? Bakit kami pumunta dun kung hindi naman pala nya kakausapin yung babaeng tinitignan nya kanina? Psh! Ang labo talaga nya..

ELLIAH's POV

Kahit alam kong masasaktan lang ako kapag nakita ko sya ulit, patuloy ko pa rin syang pinupuntahan sa twing nakakaramdam ako ng lungkot.. Sya yung nagpapawi ng lungkot ko noon, pero ngayon ay isa na sya sa dahilan kung bakit ako malungkot ngayon..

"Samahan mo kong uminom.." sabi ko sa kanya pagkarating namin sa Rome's Restobar.. Busy kasi si Rome ngayon kaya hindi ko sya maaya.. Kadalasan kasi ay sya ang kasama ko sa mga ganitong pagkakataon..

"Pero nakakahiya po, baka kung anong kahihiyan na naman ang magawa ko kapag uminom ako... Ayoko pang mawalan ng trabaho.." nakangiting sabi nya sakin.

"Who told you na iinom ka rin? Ang sabi ko ay samahan mo ako.. Wala akong sinabi na iinom ka rin.." seryosong sabi ko sa kanya saka ako pumasok sa loob.

Umorder ako ng isang bucket ng beer para sakin at juice naman ang inorder ko para kay Zoe.

"Pwede ko bang malaman kung sino yung babaeng tinitignan mo kanina?" Tanong nya sakin.

"Bakit mo tinatanong?" Tanong ko sa kanya bilang pag iwas sa tanong nya.

"Nakita ko kasi kung gaano kalungkot ang mata mo habang tinitignan mo sya kanina.." sabi nya sakin. Inaamin kong napapahanga ako sa kanya. Pati ang mga ganung bagay ay napapansin nya. Very detailed.

"Have you ever experienced the feeling of being rebuilt after being destroyed? Well, sya yung dahilan kung bakit nabuo ako ulit.. Sya yung dahilan kung bakit naging masaya ako ulit.. Sya ang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng rason para magpatuloy sa buhay." Kwento ko sa kanya habang nakatitig sya sa mga mata ko.

"Kung ganon, bakit hindi mo sya hinarap?" Tanong nya sakin.

"Dahil sya rin ang dahilan kung bakit ako nawasak ulit.." cold na sagot ko saka ko tinungga ang alak.

"Nakakapagod yung bubuuin ka tapos iiwan ka lang din na wasak.." sabi ko sa kanya.

"Kaya ba ayaw mo ng masanay na may taong nandyan para sayo?" Tanong nya sakin.

"Hindi naman sa ayaw, ayoko lang madurog ulit.. Ang hirap bumangon eh.." malungkot na sagot ko sa kanya.

"I respect your point of view in life, pero sa tingin ko ay hindi mo dapat gawing miserable ang buhay mo dahil lang sa iniwan ka ng taong mahalaga sayo.." sabi nya sakin.

What the hell, ano bang alam nya? Sino ba sya para sabihin sakin ang bagay na to? Miserable?? Mukha ba akong miserable??

"Oh nakikita ko na naman yang kunot mong noo.." sabi nya sakin saka nya pinindot ang noo ko. Ang lakas talaga ng loob ng babaeng to.. bihira na nga syang gumamit ng 'po' kapag kausap nya ako, nakuha nya pa akong hawakan sa noo??

"Wag kang magalit kapag nakakarinig ka ng mga advice mula sa ibang tao na hindi mo itinuturing na kaibigan.. Makinig kang mabuti.. Masakit maiwan pero hindi dapat doon magtatapos ang lahat.. Piliin mong magpatuloy, piliin mong maging masaya.. Maiksi lang ang buhay para lunurin ang sarili sa lungkot.." sabi nya sakin habang kumakain ng pulutan. Hindi ko tuloy maiwasan na mapaisip sa mga sinabi nya.

ZOE's POV

Panay kwento na ni Madam, siguro ay dahil lasing na ito. Paano ko naman sya ihahatid pauwi kung hindi naman ako sanay mag maneho?

"Alam mo yung feeling na alam mong pagod ka? Pero dimo alam kung ano ang kailangan mong pahinga..." sabi nya sakin habang unti-unti ng pumipikit ang mga mata nya.

"Alam mo kung bakit pakiramdam mo ay palagi kang pagod? Kasi palaging mabigat yang dinadala mo.." sabi ko sa kanya saka ko itinuro ang puso nya. Pansin ko kasi na marami syang hinanakit na masyado nyang dinidibdib.. Hindi nya magawang pakawalan kaya naiipon at nagiging mabigat..

Maya-maya ay dumating na si Rome pero hindi na nya naabutang gising si Elliah. Nakadukdok na ang ulo nito sa mesa kung saan nakapatong ang mga bote ng alak na ininom nya.

"Hi Zoe.." bati nya sakin pagkadating nya.

"Hi.. Pasensya na.. Hindi ko sya napigilan na magpakalasing.." sabi ko sa kanya.

"It's okay.. wala namang nakakapigil dyan.." nakangiting sagot nya sakin na tila nasanay na sya na ganito si Madam.

Inalalayan nya si Madam patungo sa sofa at doon nya ito inihiga.

"Ako palagi ang kasama nya pag umiinom sya.. nagkataon lang na may importanteng meeting ako ngayon kaya di ko sya nasamahan. But thanks to you, sinamahan mo sya.. Kahit papaano ay alam kong hindi sya nag isa ngayong araw.." sabi ni Rome sakin ng nakangiti pagkatapos nyang ihiga si madam sa sofa. Grabe.. Sobrang swerte ni Madam kasi meron syang ganitong kaibigan na concern sa kanya.

"Mabait yan si Ell.. mukha lang hindi..." nakangiting biro nya sakin kaya naman ngumiti na lang din ako.

"Sa mga nakwento nya ngayong araw, mas naiintindihan ko na sya ngayon.." sabi ko kay Rome habang nakatitig ako kay Madam...

"Her mom died when she was a kid.. Nakita ko kung gaano sya kalungkot noon.. I was there.. I tried to make her smile through my jokes but all of that was not effective.. because I didn't make her smile. She mourned the death of her mother for almost five years. And then she met Andrea, her ex girlfriend.. Andrea gave her a reason to live. That was the first time I saw her smile after her mom's death..." Malungkot na kwento ni Rome sakin. Hindi na ako nag salita at hinayaan ko syang mag kwento.

"But one day, she caught Andrea kissing a man inside her condo.. Imagine?? It was Ell's condo.. Tapos dun pa nila ginawa yung kahalayan nila.." inis na sabi ni Rome saka sya nag bukas ng bote ng alak para sa sarili at tinungga nya ito.

"She was betrayed while her heart was pure.. she will never forget that.." dugtong pa ni Rome saka sya nagbukas ng panibagong bote ng alak.

"Kung nagtataka ka kung bakit ex girlfriend lang ang meron sya, its because she doesn't like men...  Her father was her first heartbreak. Her father was the first man who broke her trust..." Sabi sakin ni Rome nag mapansin nya na nagtataka ako.. Inalok nya ako ng alak pero tinanggihan ko sya dahil maaga pa ang pasok ko bukas. Ayokong madisappoint ko na naman si madam..

"Meron kaming bahay na pinuntahan kanina.. pero tinignan nya lang yung babae mula sa malayo.. hindi sya bumaba ng kotse para lapitan yung babae.. Si Andrea ba yung babae na yun?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit parang interesado ka sa buhay ni Ell? Gusto mo ba sya?" Nakangiting tanong sakin ni Rome na agad nagpakunot ng noo ko.

"Huh?? Hindi ah.." sagot ko.

"So hindi mo sya gusto?" Nakangiting tanong nya sakin.

"Teka.. hindi naman sa ganon.." sagot ko..

"Eh ano ba talaga?" Tumatawang tanong ni Rome na tila pinagtitripan ako.

"I mean.. babae ako.. at hindi pa ako nagkakagusto sa babae..." paliwanag ko sa kanya.

"Pero nainlove ka na sa lalaki?" Tanong nya sakin na para bang interesado sya sa buhay ko.

"Hindi pa rin.. hindi ko pa nararanasan ang mainlove.." sagot ko sa kanya pero ngumiti lang sya saka tumungga ng alak.

"Bakit ba napunta sakin ang usapan? Hindi mo sinagot ang tanong ko.." nakangiting sabi ko sa kanya..

"Isang babae lang naman ang pinupuntahan nya.. at sigurado akong si Andrea yon.." nakangiting sagot nya sakin.

"Kung niloko sya nung babae, bakit patuloy nya pa ring pinupuntahan??" Tanong ko. Kasi kapag sinaktan ka ng tao, diba dapat ayaw mona syang makita?

"It's hard to forget the person who made you experience all your first times.." nakangiting sagot sakin ni Rome pero hindi ko pa rin ma-gets.  Siguro ay dahil hindi ko pa nararanasan ang mag mahal.

"Grabe.. kaya siguro sya natatakot na mag mahal ulit.." malungkot na sabi ko habang nakatitig sa mukha ni Madam. Mahimbing ang tulog nya, paano ko naman sya ihahatid nyan?

"Ipahahatid ko na lang kayo sa driver ko, marami pa kasi akong gagawin eh.." sabi ni Rome sakin kaya hindi na ako tumanggi. Tinulungan nya akong alalayan si madam patungo sa kotse, ngunit hindi na sya

SA BAHAY NI MADAM ELLIAH

Pagdating namin sa bahay ni madam ay agad ko syang inalalayan patungo sa kwarto nya. Mabuti na lang at sinamahan kami ni yaya patungo sa kwarto nya. Ang laki kasi ng bahay nya, hindi ko naman pwedeng isa-isahin ang bawat kwarto para lang malaman kung nasaan ang kwarto nya.

Dahan dahan ko syang inihiga sa kama nya upang hindi ko maistorbo ang tulog nya. Nagpakuha ako kay yaya ng bimpo at maligamgam na tubig upang mapunasan ko sya.

Psh! Pasaway.. Ganon ba kasakit ang nararamdaman nya ngayon para magpakalasing sya ng ganito?

Habang pinupunasan ko ang noo nya ay bigla nyang hinawakan ang kamay ko kaya naman saglit akong napatigil sa pagpunas sa kanya.

"Stay here.." mahinang sabi nya sakin habang nakapikit at nakahawak sa kamay ko.

Psh! Im sure na nananaginip lang sya kaya nya sinasabi to.. Kasi kung kung alam nyang kamay ko ang hawak nya, sigurado akong pagbibintangan nya pa ako na nagte-take advantage sa kanya.

"Stay here.. please.. don't leave me.." mahinang sabi nya ulit habang umiiling.. Tama nga ako, nananaginip sya.. Pero kahit ganon, gusto kong mag stay sa tabi nya kahit ngayon lang.. Wala naman sigurong masama kung gusto kong iparamdam sa kanya na hindi sya nag iisa..

"Alam mo? Cute ka sana eh.. kung marunong ka lang sana ngumiti palagi.." sabi ko sa kanya habang malapit ang mukha ko sa mukha nya. Sinubukan kong pindutin ang ilong nya upang malaman ko kung mababaw lang ang tulog nya. Pero hindi sya nagising kahit pinaglaruan ko na ang mukha nya. Ganon kalalim ang tulog nya? Psh! Sya pala tong hindi pwedeng uminom. Masyado syang mahina kumpara sakin.

Bumaba ako ng hagdan para kumuha ng tubig na inumin para kung sakaling magising si madam ay hindi na ito bumaba.

"Maam. Ano po ang kaikangan nila?" Tanong ng isang kasambahay nya na ikinagulat ko. Expected ko kasi ay wala ng gising sa mga kasambahay nya dahil masyado ng late.. Bakit gising pa sila ng ganitong oras? Hindi ba sila nagpapahinga?

"Bakit gising pa po kayo? Oras na po ng pahinga.." sabi ko sa kanila.

"Hindi po kasi ako makatulog dahil may ibang gumagawa ng gawain ko.." nakangiting sagot ni manang.

"Anong gawain po?" Tanong ko na abot langit ang pagtataka.

"Yung pag-aalaga po kay madam.. Ako po kasi ang nag aalaga at nag aasikaso sa kanya sa tuwing umuuwi syang lasing.. kaya po nahihiya ako sayo dahil ikaw ang gumagawa ng gawain ko." nakangiting sagot nya sakin.

"Okay lang po iyon manang, wag nyo pong isipin... Hindi po ba sya hinahatid ni Rome sa twing uuwi syang lasing?" Tanong ko kay manang dahil alam kong si Rome ang kasama nya palagi kapag umiinom sya, yun kasi ang sinabi ni Rome sakin.

"Hinahatid po sya ni maam Rome.. pero hindi po sya pumapasok sa loob.. tinatawagan nya lang po ako para alalayan si madam sa pagpasok ng bahay.." Paliwanag ni madam na lalong nagpaisip sakin. Bakit hindi nya inalalayan si madam? Bakit isang matanda ang pinag aalalay nya kung pwede namang sya ang mag alalay? Ang bigat kaya ni madam..

"Mabuti po at kaya nyong alalayan si madam, napakabigat po nya.." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Medyo mabigat sya... Pero ayos lang.. Gusto kong inaalagaan sya.. Parang anak na rin kasi ang turing ko sa kanya dahil ako ang nag alaga sa kanya mula nung isinilang sya ng mommy nya.. Napakabait na bata.." nakangiting kwento sakin ni manang habang kumukuha ako ng tubig sa ref.

Pagdaan namin sa sala, bago umakyat ng hagdan ay naroon ang mga picture frame na umagaw ng atensyon ko. Nung unang punta ko kasi dito ay puro picture nya lang na nakasimangot ang naka-display dito. Pero ngayon ay mga picture nyang nakangiti ang naka-display. Meron ding picture ng isang babae, siguro ay ito ang mommy nya.

"Sino po itong nasa picture?" Tanong ko saka ko itinuro ang larawan ng isang bata at isang babae.

"Ahh.. Si madam po yan at ang mommy nya.. Nagtataka nga po ako kung bakit nya pinapalitan ang lahat ng mga pictures na naka-display dito.. Dati naman ay wala syang pakielam dahil wala naman syang hinahayaang makapasok dito.." sabi sakin ni manang. Kaya naman napangiti ako dahil naalala ko yung mga sinabi ko sa kanya nung nakaraan tungkol sa mga picture na naka-display dito. Pero bakit walang picture ang daddy nya?

Masyado nang naging mahaba ang pag uusap namin ni manang kaya hindi na ako nagtanong.

"Sige na po manang, magpahinga na po kayo. Ako na po muna ang bahala kay madam.." nakangiti kong sabi kay madam kaya naman tumango sya ng nakangiti bilang tugon.

ELLIAH's POV

Pag gising ko ay naramdaman ko agad ang pag sakit ng ulo ko. Medyo naparami ang nainom ko kagabi. Wala akong matandaan sa nangyari, hindi ko rin alam kung paano ako nakauwi. Pagbangon ko ay nakita kong may paa sa tabi ng paa ko kaya napasigaw ako ng malakas.

Waaaaaaaaaaaaaaaaaahhh!!!!!!!!!

Sa sobrang lakas ng sigaw ko ay nagising sya ng natataranta.

"Madam.. ano pong nangyari??" Tarantang tanong ni Zoe.

"Anong ginagawa mo dito?" Nakakunot noong tanong ko sa kanya kaya naman napakamot sya sa ulo nya.

"Hinatid po kita kagabi dahil lasing na lasing ka... Paalis na sana ako pero hinawakan mo ang kamay ko saka mo sinabing mag stay ako.." sagot nya sakin habang bakas sa mukha ang pagkaantok.

"Sinabi ko yon?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ako makapaniwala na sinabi ko ang mga salitang yon.

"Yes po madam.." nakangiting sagot nya sakin.

Inaamin ko na ayaw kong nagpapapasok ng kahit na sino sa bahay ko, pero bakit pag si Zoe  ay okay lang sakin? Bakit hindi ako nakakaramdam ng galit sa twing pumapasok sya dito?

"I told you, wala akong pinapapasok sa bahay ko.." sabi ko sa kanya.

"Pasensya na po kung pumasok ako sa bahay nyo.." seryosong sagot nya sakin. Bakas sa mukha nya ang lungkot kaya medyo nakonsensya ako. Sanay naman akong maging cold sa lahat ng tao, pero pagdating sa kanya bakit parang nagui-guilty ako?

"But thank you for taking care of me..." Sabi ko sa kanya na agad nagpaalis ng lungkot sa mukha nya. Agad syang ngumiti ng narinig nya ang sinabi ko.

"Welcome.." nakangiti nyang sagot sakin na tila natuwa sa sinabi kong pagpapa-salamat.. At shempre hindi ako sanay na may natutuwa sakin kaya naman inirapan ko sya saka ako tuluyang bumangon sa higaan.

Pagkatapos kong maligo at mag ayos ng sarili ay bumaba na rin ako agad. Nasa ibaba na rin kasi si Zoe at ayaw ko naman na maghintay sya ng matagal sakin.

Pagkababa ko ay nakita ko syang nakatingin sa mga picture frame na naka-display. Paglapit ko sa kanya ay agad nya akong nginitian na hindi ko naman alam ang dahilan. Minsan nakakatakot na tong babaeng to eh..

"Bakit mo ko nginingitian ng ganyan?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Kunwari ka pa na hindi mo kailangan ng opinyon ng iba, pero sinunod mo naman yung sinabi ko.." nakangiting sabi nya sakin.

"You said that its not an opinion, but a suggestion.." seryosong sagot ko sa kanya na agad nagpangiti ulit sa kanya. Kaya naman napaisip ako sa sinabi ko. Narealize ko na parang sinang ayunan ko yung sinabi nyang sinunod ko ang sinabi nya at hindi yun pwede..

"For your information, hindi ko pinalitan ang mga pictures dyan dahil nag suggest ka. Pinalitan ko yan dahil gusto ko lang.." sabi ko sa kanya habang nakataas ang kilay.

"Okay.." nakangiti nyang sabi sakin na tila hindi naniniwala sakin. Naglakad na sya palabas ng bahay at doon ako hinintay.

SA LOOB NG KOTSE

Sa gitna ng katahimikan habang papunta kami sa bahay nila ay bigla syang nagsalita.. hindi pa naman ako sanay na may maingay sa kotse ko habang nagda-drive ako.

"Pwede po ba akong mag tanong?" tanong nya na bumasag sa katahinikan naming dalawa.

"Nagtatanong ka na.." pilosopong sagot ko kaya naman ngumiti sya.

"Bakit wala pong picture yung daddy mo sa mga naka-display na picture frame?" Tanong nya sakin.

Hay! Bakit ba tuwing magtatanong sya ay laging patungkol sa personal kong buhay?

"Haaay. Bakit ba napaka tsismosa mo.. Pati buhay ng iba, inaalam mo.." seryosong sagot ko sa kanya.

"Grabe ka naman sa tsismosa madam.. curious lang ako.." nakangiting sabi nya sakin.

"Wag mo ng alamin ang mga bagay na walang kinalaman sa trabaho mo.. at kung pwede lang na tumahimik ka habang nagda-drive ako dahil ayoko ng maingay.." pagsusungit ko sa kanya. Pero hindi nya ako sinunod.. Nagulat ako nang bigla syang nag soundtrip sa kotse ko. Kumanta at sumayaw rin sya na para bang nasa disco sya.

Pasaway! Talaga bang sinusuway nya ako? Ang lakas ng loob ng babaeng to ah.. Pero kahit ganon ay hindi ako nakaramdam ng galit o pagkainis. Gusto kong matawa pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil mas gusto kong masungit ang tingin sakin ng tao para hindi sila mapalapit sakin, sa ganung paraan ay hindi na ako masasaktan..

Nang mapansin nyang hinayaan ko lang sya na sumayaw sa loob ng kotse ko ay agad nyang in-off ang music.

"Wag ka ng magalit, gusto ko lang namang pangitiin ka.." nakangiting sabi nya sakin pero hindi ako nag response sa sinabi nya. Nanatili lang akong tahimik katulad ng dati.

"Habang nag kukwento ka sakin kagabi, hindi ko maiwasang malungkot rin.. Ngayon, mas naintindihan ko kung bakit bihira lang kita makitang ngumiti.." sabi nya sakin.

"We're here.." tanging nasabi ko nang makarating kami sa bahay nila. Hindi ako nag response sa sinabi nya dahil ayokong pag usapan ang nakaraan.

"Gusto kong malaman mo na hindi ka nag iisa.. kapag nakaramdam ka ng lungkot, pwede mo akong tawagan para may kasama ka.." nakangiti nyang sabi sakin. Pababa na sana sya ng kotse pero agad kong hinawakan ang kamay nya.

"Salamat.." sabi ko habang nakahawak sa kamay nya..

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit hinawakan ko ang kamay nya. Isa lang ang masasabi ko, sa mga oras na to habang hawak ko ang kamay nya, kumakabog ng malakas ang dibdib ko.. hindi dahil sa kaba.. kundi dahil sa tuwa..

Shesh! Elliah, what happened to you?? Bakit mo to nararamdaman??

Related chapters

  • The Boss and her Perfect Secretary   CHAPTER 4

    ZOE's POVPagkatapos kong mag bihis ay agad din kaming umalis upang pumasok sa trabaho. Dumiretso si madam sa opisina nya, habang ako naman ay dumiretso sa pwesto ko. "Zoe.. mukhang napapadalas ang pagiging late mo.. Baka malaman ni madam yan.. Ayaw pa naman nya ng nale-late sa trabaho.." sabi ni HR sakin na tila inabangan ang pagdating ko upang bigyan ako ng babala. Gusto ko sanang sabihin na dahil rin naman kay madam kung bakit ako late pumasok ngayon. Pero shempre hindi ko pwedeng gawin yon lalo na't nagtiwala sya sakin. "Pasensya na po, hindi na po mauulit.." sabi ko kay HR kaya naman umalis na rin ito agad. Pagkaalis ni HR ay agad namang lumapit sakin si madam habang nakatitig ng matalim sa mga mata ko. Kung nakakamatay lang talaga ang titig, first day ko pa lang sa trabaho ay siguradong pinaglalamayan na ako. "May kailangan po kayo madam?" Tanong ko sa kanya. "Anong schedule ko ngayon?" Tanong nya sakin na para bang hindi nya alam kung ano ang schedule nya. Psh! "From morn

    Last Updated : 2023-08-18
  • The Boss and her Perfect Secretary   CHAPTER 5

    ELLIAH's POVPagkatapos ng meeting ay dumiretso na agad ako sa resto ni Rome. Naroon kasi sina Cathy at Mandy. "What did you do to her?" Tanong sakin ni Cathy na bakas sa mukha ang pagka dismaya. Unang beses palang kasi nilang makasama si Zoe ay nakuha na nito ang loob nila. "Yeah.. What did you do? Bakit sya mag reresign?" Tanong naman sakin ni Mandy. "Siguro ay pinahirapan mo sya ng husto kaya sya nag resign.. Elliah, kung patuloy mong itatrato ng ganyan ang mga secretary mo, wala talagang tatagal sayo..." sabi ni Rome sakin. Pero nanatili akong tahimik. Nakakagtaka.. Ako ang kaibigan pero wala sila sa side ko.. Psh! Ganon ba talaga kagustu-gusto ang babaeng yon?"Ano ba kasing ginawa mo??" Inis na tanong ni Cathy. "Bakit ba kayo nagagalit sakin? Wala naman kayong karapatan.." sabi ko sa kanila. "Psh! You're so annoying.. We need to know because she's important to us...." sabi ni Mandy sakin na para bang matagal na silang magkakilala. "Sinigawan ko sya.." tanging sagot ko. "B

    Last Updated : 2023-08-19
  • The Boss and her Perfect Secretary   CHAPTER 6

    ELLIAH's POVNang makarating na kami sa bahay nila ay nananatili pa ring tahimik si Zoe. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nya. "Salamat po sa paghatid, madam.." nakangiti nyang sabi sakin. Bakit ba napaka-pormal nya masyado? Hindi ba nya alam na nag punta ako dito hindi bilang boss nya? Psh! May boss bang gagawa ng ganito sa empleyado? "Elliah.." sabi ko sa kanya kaya't bigla syang napatingin sakin na puno ng pagtataka. "Elliah ang itawag mo sakin kapag wala tayo sa trabaho.. at isa pa hindi ako nag punta ngayon dito bilang boss mo.." sabi ko sa kanya. "Salamat.. Na-appreciate ko po lahat madam.." sabi nya kaya naman tinignan ko agad sya ng masama. Kakasabi ko lang kasi na Elliah ang itawag sakin, pero tinawag pa rin nya akong madam. "Ahmm.. I mean.. Elliah.." nakangiti nyang dugtong kaya naman agad akong ngumiti. "Ang bait mo sakin ngayon, dahil ba gusto mo akong bumalik?" Nakangiting tanong nya sakin. "Hindi ka pa naman umaalis, at hindi ko hahayaan na umalis ka.

    Last Updated : 2023-08-21
  • The Boss and her Perfect Secretary   CHAPTER 7

    ELLIAH's POVPagkatapos kong kumanta ay may napansin akong kakaiba kay Zoe.. Bigla syang naging tahimik na tila malalim ang iniisip. "It's the first time na marinig namin si Ell na kumanta.. Thanks to you, Zoe!" Nakangiting sabi ni Rome kay Zoe pero hindi ito sumagot. Ngumiti lang ito bilang response kay Rome. "Maganda pala ang boses mo Ell, bakit hindi ka sumasali dati sa mga singing contest nung highschool tayo?" Tanong ni Cathy sakin. "Oo nga, si Cathy nga kahit boses palaka, panay pa rin ang pag sali sa mga singing contest.." tumatawang pang aasar ni Mandy kay Cathy. "Oo nga, imagine.. pwede naman nyang itago na lang yung talent nya.. pero pinili nya pa talagang pasakitin ang tenga ng mga nanunuod.." humahalakhak na pang aasar ni Rome kay Cathy kaya naman natawa na rin si Zoe.. "Grabe kayo sakin.. kaibigan ko ba talaga kayo ha?" Inis na tanong ni Cathy. "Kaibigan mo kami kaya sinasabi namin to sayo.." sabi ni Rome na hindi mapigilan ang sarili sa pag halakhak.. "Tumigil na

    Last Updated : 2023-08-27
  • The Boss and her Perfect Secretary   CHAPTER 8

    ELLIAH's POVHindi ko sinasadya na mapagtaasan sya ng boses. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko dahil sa inis ko kay Rome. Kaya naman na-guilty agad ako nang makita kong may biglang namuo na luha sa mga mata nya. Tumingin sya sa labas ng bintana kaya hindi ko nakita kung umiiyak ba sya. "Honestly, I don't like you.. I don't like the way you dress, I don't like the way you talk to other guys out there.. but surprisingly.. I found myself looking for you when you're not with me... Funny right??." mahinahong sabi ko sa kanya. Pero hindi nya ako nililingon. Alam kong mali na naman tong nagawa ko, pero anong magagawa ko? Naiinis ako kapag nakikita kong close sya sa ibang tao.. "I don't like you... But now I feel a sudden change of mood whenever you smile at other people... I hate it so much.." mahinahon kong sabi sa kanya saka ako tumingin sa labas ng bintana. Hindi rin naman kasi sya tumitingin.. Siguro ay galit na talaga sya sakin.. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya sa mga inamin

    Last Updated : 2023-08-30
  • The Boss and her Perfect Secretary   CHAPTER 9

    ELLIAH's POVDahil late na kami natulog ay late na rin ako nagising. It's already 10:00 in the morning, gumising akong mag isa sa kwarto ni Zoe kaya naman agad na rin akong lumabas ng kwarto. Paglabas ko ay nakita kong naghihiwa ng mga gulay si Zoe habang ang nanay nya naman ang nag luluto. Yung tatay naman nya ay nakaupo sa sofa habang nanunuod ng TV. "Oh gising ka na pala iha.. halika maupo ka na muna.." nakangiting sabi sakin ng tatay ni Zoe.. Ngumiti lang ako sa kanya pero hindi ako naupo sa tabi nya upang manood. Dumiretso ako kusina kung saan naghihiwa ng mga gulay si Zoe. "Gutom ka na ba?" Nakangiting tanong ni Zoe sakin kaya naman ngumiti ako bago umiling bilang sagot. "Aayain sana kita na mag luto kaso sabi ni Zoe ay late na raw kayo nakatulog.. Kaya nahiya akong gisingin ka.." nakangiting sabi ng mama ni Zoe. "Okay lang po, yung pagpapatuloy nyo po sakin dito kagabi ay sapat na.." nakangiting sagot ko. "Elliah.. hindi ba ito ang step mother mo? Ikakasal na pala sila n

    Last Updated : 2023-09-01
  • The Boss and her Perfect Secretary   CHAPTER 10

    ELLIAH's POV"Siguro mukha akong tanga sa paningin mo ngayon kasi hindi mo ko maiintindihan.. but if you could see it from my point of view, you would understand why it hurts so bad.. you would understand why I can't forget.. and why I can't forgive.." sabi ko sa kanya habang nakatitig sya sa mga mata ko. Alam kong gusto nya akong intindihin.. pero alam ko rin na mahirap akong intindihin.. "Tama ka.. hindi ko maintindihan kung ano ang pinanggagalingan ng galit mo.. kung gaano kalalim ang pinanggagalingan ng mga hinanakit mo.. Pero kahit marami akong hindi maintindihan sayo, gusto ko nandito ako pag kailangan mo ng makikinig sayo.. kahit marami akong hindi maintindihan sayo, hindi yun magiging dahilan para mawala ako sa tabi mo.. Hindi ko alam kung gaano katindi yang nararamdaman mo.. pero sana one day magkaroon ng kapayapaan sa puso mo.. coz you deserve that.." nakangiting sabi nya sakin. Sobra akong nadala sa mga sinabi nya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin sya.. "

    Last Updated : 2023-09-06
  • The Boss and her Perfect Secretary   CHAPTER 11

    ZOE's POVInihahanda ko na ang pagkain sa mesa nang bumaba si Elliah. "The dinner is ready.." nakangiti kong sabi habang naglalakad papunta sa mesa upang ilagay ang hawak kong mangkok na may laman na chicken curry. Hindi sya kumibo, umupo sya nang hindi man lang ngumingiti. Psh! Sino naman kaya ang gaganahan kumain kung ganyan ang mukhang makikita.. maganda nga.. ang damot naman sa ngiti.. tsss! "Join us..." Aya nya sa limang kasambahay na nakapalibot samin. Sa totoo lang, napapabilib nya ako sa mga ganitong bagay.. Bihira lang ang katulad nya na may pagpapahalaga sa empleyado. "Ay naku wag na po madam.. Ipinagtabi naman na po kami ni Ms. Zoe ng para sa amin.." nakangiting sabi ni manang.. "Kung ganon ay pwede nyo na kaming iwan.." sabi nya sa mga kasambahay kaya naman sabay sabay itong umalis.. Ngayon ay kaming dalawa na lang ang nasa dining table.. kaya naman ipinag sandok ko sya ng kanin at ulam upang makapag simula na syang kumain. "Paano mo nalaman na ito ang paborito ko?"

    Last Updated : 2023-09-16

Latest chapter

  • The Boss and her Perfect Secretary   CHAPTER 12

    ELLIAH's POVHabang nagbabasa ako ng mga ipinasang proyekto ay biglang sumulpot sa harapan ko ang lalaking naka polo na may hawak na bulaklak.. Si Aldrin.. ang kababata kong nagpadala sa romantikong imahinasyon ng mga magulang namin. "What are you doing here?" Kunot noong tanong ko sa kanya saka ako tumayo sa kinauupuan ko. "Eto naman parang hindi masaya na nakabalik na ako sa pilipinas.. " nakangiting sagot nya sakin saka nya iniabot ang bulaklak sakin, pero hindi ko yun kinuha. Naglakad ako papunta sa kanya saka ko sya hinila papunta sa pinto. "Wait, what are you doing??" Nakangiting tanong nya sakin. Alam na alam nya kung pano ako iinisin. "Im busy right now, ayoko ng istorbo kaya umalis ka na.." inis na sabi ko sa kanya. "Woah! Eto naman.. kakabalik ko lang ng pilipinas.. hindi mo man lang ba ako yayakapin?? Hindi mo man lang ba ako namiss?" Nakangiting tanong nya sakin. Palagi talaga syang ganito kakulit. Palagi nyang pinipilit sa utak nya na may pag asa na magustuhan ko sy

  • The Boss and her Perfect Secretary   CHAPTER 11

    ZOE's POVInihahanda ko na ang pagkain sa mesa nang bumaba si Elliah. "The dinner is ready.." nakangiti kong sabi habang naglalakad papunta sa mesa upang ilagay ang hawak kong mangkok na may laman na chicken curry. Hindi sya kumibo, umupo sya nang hindi man lang ngumingiti. Psh! Sino naman kaya ang gaganahan kumain kung ganyan ang mukhang makikita.. maganda nga.. ang damot naman sa ngiti.. tsss! "Join us..." Aya nya sa limang kasambahay na nakapalibot samin. Sa totoo lang, napapabilib nya ako sa mga ganitong bagay.. Bihira lang ang katulad nya na may pagpapahalaga sa empleyado. "Ay naku wag na po madam.. Ipinagtabi naman na po kami ni Ms. Zoe ng para sa amin.." nakangiting sabi ni manang.. "Kung ganon ay pwede nyo na kaming iwan.." sabi nya sa mga kasambahay kaya naman sabay sabay itong umalis.. Ngayon ay kaming dalawa na lang ang nasa dining table.. kaya naman ipinag sandok ko sya ng kanin at ulam upang makapag simula na syang kumain. "Paano mo nalaman na ito ang paborito ko?"

  • The Boss and her Perfect Secretary   CHAPTER 10

    ELLIAH's POV"Siguro mukha akong tanga sa paningin mo ngayon kasi hindi mo ko maiintindihan.. but if you could see it from my point of view, you would understand why it hurts so bad.. you would understand why I can't forget.. and why I can't forgive.." sabi ko sa kanya habang nakatitig sya sa mga mata ko. Alam kong gusto nya akong intindihin.. pero alam ko rin na mahirap akong intindihin.. "Tama ka.. hindi ko maintindihan kung ano ang pinanggagalingan ng galit mo.. kung gaano kalalim ang pinanggagalingan ng mga hinanakit mo.. Pero kahit marami akong hindi maintindihan sayo, gusto ko nandito ako pag kailangan mo ng makikinig sayo.. kahit marami akong hindi maintindihan sayo, hindi yun magiging dahilan para mawala ako sa tabi mo.. Hindi ko alam kung gaano katindi yang nararamdaman mo.. pero sana one day magkaroon ng kapayapaan sa puso mo.. coz you deserve that.." nakangiting sabi nya sakin. Sobra akong nadala sa mga sinabi nya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin sya.. "

  • The Boss and her Perfect Secretary   CHAPTER 9

    ELLIAH's POVDahil late na kami natulog ay late na rin ako nagising. It's already 10:00 in the morning, gumising akong mag isa sa kwarto ni Zoe kaya naman agad na rin akong lumabas ng kwarto. Paglabas ko ay nakita kong naghihiwa ng mga gulay si Zoe habang ang nanay nya naman ang nag luluto. Yung tatay naman nya ay nakaupo sa sofa habang nanunuod ng TV. "Oh gising ka na pala iha.. halika maupo ka na muna.." nakangiting sabi sakin ng tatay ni Zoe.. Ngumiti lang ako sa kanya pero hindi ako naupo sa tabi nya upang manood. Dumiretso ako kusina kung saan naghihiwa ng mga gulay si Zoe. "Gutom ka na ba?" Nakangiting tanong ni Zoe sakin kaya naman ngumiti ako bago umiling bilang sagot. "Aayain sana kita na mag luto kaso sabi ni Zoe ay late na raw kayo nakatulog.. Kaya nahiya akong gisingin ka.." nakangiting sabi ng mama ni Zoe. "Okay lang po, yung pagpapatuloy nyo po sakin dito kagabi ay sapat na.." nakangiting sagot ko. "Elliah.. hindi ba ito ang step mother mo? Ikakasal na pala sila n

  • The Boss and her Perfect Secretary   CHAPTER 8

    ELLIAH's POVHindi ko sinasadya na mapagtaasan sya ng boses. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko dahil sa inis ko kay Rome. Kaya naman na-guilty agad ako nang makita kong may biglang namuo na luha sa mga mata nya. Tumingin sya sa labas ng bintana kaya hindi ko nakita kung umiiyak ba sya. "Honestly, I don't like you.. I don't like the way you dress, I don't like the way you talk to other guys out there.. but surprisingly.. I found myself looking for you when you're not with me... Funny right??." mahinahong sabi ko sa kanya. Pero hindi nya ako nililingon. Alam kong mali na naman tong nagawa ko, pero anong magagawa ko? Naiinis ako kapag nakikita kong close sya sa ibang tao.. "I don't like you... But now I feel a sudden change of mood whenever you smile at other people... I hate it so much.." mahinahon kong sabi sa kanya saka ako tumingin sa labas ng bintana. Hindi rin naman kasi sya tumitingin.. Siguro ay galit na talaga sya sakin.. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya sa mga inamin

  • The Boss and her Perfect Secretary   CHAPTER 7

    ELLIAH's POVPagkatapos kong kumanta ay may napansin akong kakaiba kay Zoe.. Bigla syang naging tahimik na tila malalim ang iniisip. "It's the first time na marinig namin si Ell na kumanta.. Thanks to you, Zoe!" Nakangiting sabi ni Rome kay Zoe pero hindi ito sumagot. Ngumiti lang ito bilang response kay Rome. "Maganda pala ang boses mo Ell, bakit hindi ka sumasali dati sa mga singing contest nung highschool tayo?" Tanong ni Cathy sakin. "Oo nga, si Cathy nga kahit boses palaka, panay pa rin ang pag sali sa mga singing contest.." tumatawang pang aasar ni Mandy kay Cathy. "Oo nga, imagine.. pwede naman nyang itago na lang yung talent nya.. pero pinili nya pa talagang pasakitin ang tenga ng mga nanunuod.." humahalakhak na pang aasar ni Rome kay Cathy kaya naman natawa na rin si Zoe.. "Grabe kayo sakin.. kaibigan ko ba talaga kayo ha?" Inis na tanong ni Cathy. "Kaibigan mo kami kaya sinasabi namin to sayo.." sabi ni Rome na hindi mapigilan ang sarili sa pag halakhak.. "Tumigil na

  • The Boss and her Perfect Secretary   CHAPTER 6

    ELLIAH's POVNang makarating na kami sa bahay nila ay nananatili pa ring tahimik si Zoe. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nya. "Salamat po sa paghatid, madam.." nakangiti nyang sabi sakin. Bakit ba napaka-pormal nya masyado? Hindi ba nya alam na nag punta ako dito hindi bilang boss nya? Psh! May boss bang gagawa ng ganito sa empleyado? "Elliah.." sabi ko sa kanya kaya't bigla syang napatingin sakin na puno ng pagtataka. "Elliah ang itawag mo sakin kapag wala tayo sa trabaho.. at isa pa hindi ako nag punta ngayon dito bilang boss mo.." sabi ko sa kanya. "Salamat.. Na-appreciate ko po lahat madam.." sabi nya kaya naman tinignan ko agad sya ng masama. Kakasabi ko lang kasi na Elliah ang itawag sakin, pero tinawag pa rin nya akong madam. "Ahmm.. I mean.. Elliah.." nakangiti nyang dugtong kaya naman agad akong ngumiti. "Ang bait mo sakin ngayon, dahil ba gusto mo akong bumalik?" Nakangiting tanong nya sakin. "Hindi ka pa naman umaalis, at hindi ko hahayaan na umalis ka.

  • The Boss and her Perfect Secretary   CHAPTER 5

    ELLIAH's POVPagkatapos ng meeting ay dumiretso na agad ako sa resto ni Rome. Naroon kasi sina Cathy at Mandy. "What did you do to her?" Tanong sakin ni Cathy na bakas sa mukha ang pagka dismaya. Unang beses palang kasi nilang makasama si Zoe ay nakuha na nito ang loob nila. "Yeah.. What did you do? Bakit sya mag reresign?" Tanong naman sakin ni Mandy. "Siguro ay pinahirapan mo sya ng husto kaya sya nag resign.. Elliah, kung patuloy mong itatrato ng ganyan ang mga secretary mo, wala talagang tatagal sayo..." sabi ni Rome sakin. Pero nanatili akong tahimik. Nakakagtaka.. Ako ang kaibigan pero wala sila sa side ko.. Psh! Ganon ba talaga kagustu-gusto ang babaeng yon?"Ano ba kasing ginawa mo??" Inis na tanong ni Cathy. "Bakit ba kayo nagagalit sakin? Wala naman kayong karapatan.." sabi ko sa kanila. "Psh! You're so annoying.. We need to know because she's important to us...." sabi ni Mandy sakin na para bang matagal na silang magkakilala. "Sinigawan ko sya.." tanging sagot ko. "B

  • The Boss and her Perfect Secretary   CHAPTER 4

    ZOE's POVPagkatapos kong mag bihis ay agad din kaming umalis upang pumasok sa trabaho. Dumiretso si madam sa opisina nya, habang ako naman ay dumiretso sa pwesto ko. "Zoe.. mukhang napapadalas ang pagiging late mo.. Baka malaman ni madam yan.. Ayaw pa naman nya ng nale-late sa trabaho.." sabi ni HR sakin na tila inabangan ang pagdating ko upang bigyan ako ng babala. Gusto ko sanang sabihin na dahil rin naman kay madam kung bakit ako late pumasok ngayon. Pero shempre hindi ko pwedeng gawin yon lalo na't nagtiwala sya sakin. "Pasensya na po, hindi na po mauulit.." sabi ko kay HR kaya naman umalis na rin ito agad. Pagkaalis ni HR ay agad namang lumapit sakin si madam habang nakatitig ng matalim sa mga mata ko. Kung nakakamatay lang talaga ang titig, first day ko pa lang sa trabaho ay siguradong pinaglalamayan na ako. "May kailangan po kayo madam?" Tanong ko sa kanya. "Anong schedule ko ngayon?" Tanong nya sakin na para bang hindi nya alam kung ano ang schedule nya. Psh! "From morn

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status