Tinapos na din nila ang paliligo, matapos ang matinding bakbakan . Nakahinga naman ng maluwag si Sandra ng alam niyang nawala na ang galit ng kanyang partner. Matindi ang selos nito kay Arnaldo, bakit nga ba hindi. Napakagwapo naman kasi talaga ni Arnaldo bukod pa dito napaka ganda ng kanyang katawan. Makikita sa kanyang pananamit ang matikas nitong katawan na alam mong banat sa pag-gym.Ng makabalik sila sa silid upang magbihis. Lumabas itong si Tim at naghanda ng kanilang maiinom. Pinasunod na din nito kagad si Sandra sa kanya. Mabilis din naman itong nagbihis at sumunod sa kanya sa salas."sweetheart! ano ng susunod na plano mo? napaniwala mo ba naman itong si Arnaldo na may ngyari na sa inyo" binuhusan ni Tim ng alak ang basong kapit ni Sandra.Tinungga muna ni Sandra ang inuman sa kanyang baso bago siya sumagot dito. "sa tingin ko naman naniwala talaga sya, malakas ang hinalo ko sa inumin niya kaya bagsak siya kagabi. Kaya ikaw sweetheart wag ka ng mag-isp ng kung ano-ano. Tayo l
AMELIAHindi mo maintindihan ang nararamdaman ko. Ilang araw na din kasing hindi maayos ang pakiramdam ko magmula ng gabing hinaluan ng mga kaibigan kong loko-loko ang aking inumin. Masakit ang mga kasu-kasuan ko tila lagi akong tinatrangkaso. Lalo na pagdating sa umaga, matinding pagkahilo ang nararamdaman ko , minsan ay nasusuka pa ako. Marahil ay sinisikmura ako. Grrrrrr naiinis talaga ako sa isiping ginawa sakin iyon ng mga kaibigan ko. Parang gusto ko silang kalbuhin. Pero naiisip ko pa rin ang lalaking nakasama ko ng gabing iyon. Sino kaya sya?! nakakainis din kasi hindi ko masyadong matandaan ang kanyang itsura. Balak ko sanang pauwiin ng maaga at makipagkita kila Ian at Sophia, gusto kong sabunin tong dalawang ito. Busy din naman kasi kami sa trabaho namin. Madami kasing trabaho dito sa opisina na hindi ko pedeng iwanan, isa kasi ako sa inaasahan pagdating sa finance monitoring. Kaya kahit na nilalagnat-lagnat ako ay pumapasok pa rin ako. May ilang araw ng ganito ang aking p
Kumain na din ng Pizza at Burger sila Ian at Sophia. Favorite naman nila ang chicken wings na binili nitong si Sophia. Hindi matapos ang kwentuhan at tawanan nilang magkakaibigan, puro kalokohan ang mga ibinibida ni Ian na ngyari sa kanya nitong mga nagdaang mga araw. Kaya naman pala lagi itong wala sa kanilang bahay dahil nawiwili na itong makipag-date sa bagong boylet na nakilala nito. Hindi naman mapakali itong si Amelia sa tuwing maamoy ang chicken wings na dala ni Sophia. Pakiramdam niya ay mabaho ito. Ayaw niyang mapalapit ito sa kanya dahil sa amoy pa lamang nito ay tila babaliktad na ang sikmura niya. Hindi naman niya sinasabi ito sa kanyang mga kaibigan dahil baka sabihan siyang maarte. Inabutan siya ni Ian ng chicken wings napansin kasi nilang hindi siya dumadampot dito samantalang ito ang paborito niyang kainin. Tumanggi naman siya sa alok na iyon ng kaibigan.Napansin nilang nagbago ang mood ng kaibigan pagdating sa pagkain, medyo namumutla din ito na pinag-alala ng dalaw
Balisang-balisa si Amelia na naghihintay ng resulta ng kanyang Pregnancy Test. Paikot-ikot siya sa loob ng CR. Hindi siya mapakali. Samantalang sa labas naman ay nakaabang ang kanyang mga kaibigan sa pagbubukas ng pinto ng banyo. Nakatingin sila Ian at Sophia sa pinto. “Sissy na-gu-guilty ako sa ginawa natin kay Amelia. Bakit ba kasi tayo pumayag sa mga lalaking yun. Hindi naman natin kilala mga iyon.” Malungkot na bulalas ni Sophia. “Ako din sis nakokonsensya. Bakit ba kasi dinamay pa natin si Amelia sa kalokohan natin?! Kawawa naman kaibigan natin kung sakaling buntis nga sya walang ama ang magiging anak niya!” inis sa sariling napapabuntong hininga si Ian. “Tingin mo sissy may laman kaya yung tiyan niya?” “kasi sis sa nakikita ko kay Amelia ganyang-ganyan ung mga senyales nung nagbuntis ate Marineth ko!. Diba ilang araw na daw siyang nahihilo saka nag acid reflax tapos nilalagnat lagnat din. Parang morning sickness yan ee!” “Oo nga napansin ko nga din na parang namumut
Humahulgol naman bigla ng iyak si Amelia. Panay ang pag-iyak nito sa naging resulta. Inalo ito ng kanyang mga kaibigan. “Sis! Its ok! Everything will be fine” malungkot na wika ni Sophia. “Huhuhu! Pano na ko sis! Naguguluhan ako. Anong gagawin ko ngayon?! Huhuhu “patuloy na pag iyak nito. “hindi ka namin papabayaan sis! Andito lang kami para sayo.” Paninigurado ni Ian “Oo nga sis. Tutulungan ka namin , sorry sis! Kung hindi dahil sa kalokohan namin ng gabing yon hindi sana mangyayari lahat ng ito sayo. Huhuhu!” Umiiyak na sabi ni Sophia. Hindi na nito mapigilan na maiyak ng dahil sa guiltness na nararamdaman. Panay pa rin naman ang iyak ni Amelia ngunit ng makita niya ang mga kaibigan na sinisisi nito ang kanilang mga sarili ay naawa din siya sa mga ito. Mabait ang kanyang mga kaibigan. Karamay na niya ang mga ito noon pa man. Alam niyang hindi siya pababayaan ng mga ito gaya ng pagdamay nito sa kanya ng araw na pinaslang ang kanyang mga magulang na magpasa-hanggang ngayon
Dumiretso na sila Amelia at Ian sa clinic ng Ob-Gyn na sinasabi nito sa kaibigan. Siya lang muna ang kasama ng kaibigan sa mga oras na iyon dahil busy itong si Sophia sa kanyang trabaho. Magkikita-kita na lamang sila mamaya pag-uwi nito sa bahay. Maaga na lang siyang uuwi para makasabay maghapunan ang mga ito.Excited silang pumasok sa loob ng clinic. Malaki at maaliwalas ang loob ng clinic na iyon. Maraming dekorasyon na pambata sa bungad bago sila tuluyang makarating sa receptionist! Bukod kasi sa private clinic ito isa din kasi talaga si Dra.Renata sa respected Doctor sa Medical History, famous ito dahil sa taglay niyang husay. Kaya hindi na nakakapagtakang mahal ang bawat check-up dito. Magaganda din ang feedback ng i-check niya ang website nito. Pagdating naman sa usaping bills ay hindi ito big deal. Gaya ng sinabi ni Ian tinotoo niya na siya ang bahala sa mga chek up nito! Bukod kasi sa doctor ito ng kanyang ate ay kaibigan din ito ng kanilang pamilya. Kumuha ng plan si Ian dire
"sis! tignan mo, ang cute ni baby!" pagmamalaki ni Amelia kay Sophia. Paulit ulit na tinititigan ng dalaga ang picture mula sa ultrasound na binigay ng doctor sa kanya. Maliit pa ang embryo ng sanggol pero visible na ito sa ultrasound na isinagawa. "wow! sissy nagpakita na talaga sya, totoo na talaga ito!" "dapat girl bumili na tayo ng mga gamit ni baby. excited na kong malaman kung girl or boy ba si baby. Dito natin lalagay ung crib niya girl! Tapos bibili tayo ng parang swing na lalagay natin dito!”feeling nanay si Ian para sa baby na ito ni Amelia hindi ito magkanda ugaga sa pag-iisip ng mga bibilhin niyang gamit para sa baby ni Amelia. "hahahha ano sis mas excited ka pa sa nanay?!" "pano na pala yan sissy?! anong plano mo ngayon sa trabaho?" pagtatanong ni Sophia habang hinihimas ang belly ni Amelia. "nagpaalam na muna ako kay Mam Isabel, binigyan naman niya ako ng 1 week leave, update na lang muna kami sa emails." wika nito. "ah ok naman pala sis! atleast alam na pal
“Hello sweetheart!” “Oh sweetheart bakit biglang napatawag ka?” Nagtatakang tanong ni Tim “Sweetheart I wanna see you! We need to talk about something!” Paglalambing ni Sandra kay Tim “Magkita tayo mamaya sa condo! Medyo malalate lang ako ng uwi, may malaking transaction kasi ako ngayong araw na ide-deal kailangan makuha ko to, hindi kami maaring mabulilyaso sa lakad na to. Malaki ang kikitain ko dito sweetheart!” “Ok sweetheart basta umuwi ka mamayang gabi! Hihintayin kita. Ihahain ko sayo ang soup number 5” “Sya sige na sweetheart, ihanda mo sarili mo mamayang gabi lalamugin na naman kita! Gusto ko nakaligo ka na pagdating ko, isuot mo yung red nighties mo! “ nanggigigil na wika ni Tim dito. Kung hindi lang malaki ang transaction na ito hindi na sana sya sasama sa mga tauhan niya. Napapagkatiwalaan naman niya ang mga ito. Nagpaalam na si Tim kay Sandra, nagmamadali ito dahil tinatawag na sila ng kanysng ka partner sa negosyong ito. Kailangan na kasi nilang pumunta sa site kas