ISAWALA pang alas-sais ng umaga, nasa kusina na ako at naghahanda ng pagkain na gustong lamunin ni Gwen. Hindi ko alam kung bakit gusto niya ng nilagang kamote at lecheflan sa ganito kaaga, pero sigurado akong gusto niya lang akong pahirapan."Ni hindi nga siya kumakain ng ganitong mga pagkain! Alam ba niya kung ano ang kamote? I bet not!"Pagkatapos kong lutuin ang dalawang pagkain, nilagay ko ito sa tray at saka umakyat na sa kanilang kuwarto."Come in."Binuksan ko ang pintuan at pumasok sa loob. Ganoon na lang ang pagkatigil ko nang makita si Uno... nakatuwalya lang at basang-basa pa ang katawan ng tubig. Kalalabas lang nito mula sa shower."Pinagnanasahan mo ba ang asawa ko? Stop staring at him!"Ilang beses akong kumurap nang makuha ni Gwen ang atensyon ko. Napahiya ako sa mga sinabi niya. Nakatungo akong lumapit sa kaniya at ibinigay ang mga pagkain.Hindi niya tinanggap ang tray na inaabot ko, pero tinitigan niya ako nang masama. "Malandi.""Ha?""Ha? Don't ha me! Hindi mo na
ISA"Maraming salamat, Dos."Maggagabi na nang ihatid ako ni Dos sa mansion nina Uno. Ang totoo niyan, gusto ko sanang mauna nang umuwi kanina pero bilang pasasalamat daw sa nagawa niya, samahan ko muna siya at sagutin ang ilang tanong tungkol kina Gwen at Uno."Next time, you don't have to help me. I can take care of myself.""I would do it again if I have to, Isa. Pinakaayoko sa lahat ang mga bully."Napangiti ako sa narinig. "Dos, iyong totoo? Kilala mo ba sina Gwen at Uno?""Bakit mo naman nasabi iyan?""Interedasong-interesado ka kasi sa kanila."Ilan segundo siyang natahimik bago ngumiti. "Kapag sinagot ko ang tanong mo, sasagutin mo rin ba ang tanong ko?""Tanong? Anong tanong?"Itinuro niya ang mansion bago tumingin uli sa akin. "Hindi ka lang basta katulong sa bahay na iyan?"Natahimik ako sa narinig. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya. Dapat bang sabihin ko ang totoo kahit ngayon pa lang kami nagkakilala?"Ano bang pinagsasabi mo?" Peke akong tumawa. "Katulong nila ako.
ISA"Tulog na si Gwen sa kuwarto."Napangiwi ako nang isa-isang gamutin ni Uno ang mga latay ko sa katawan. May pinapahid siyang gamot na sobrang mahapdi."Sa susunod, ayaw kong sumasama ka sa iba.""S-sorry."Tumigil siya sa ginagawa at tumingin sa akin. Wala nang galit sa mga mata niya. At halata sa mukha niya na nagsisisi siya sa nagawa niya."Masakit pa rin?"Umiling ako. "Hindi na gaano.""Kung bakit ba kasi kailangan mo pang sumama sa lalaking iyon."Tumayo siya matapos gamutin ang mga sugat ko. Palabas na siya ng kuwarto nang hawakan ko siya sa kamay."Uno, gusto ko lang makita ang anak ko. Please, hayaan mo akong makita siya, kahit sandali lang."Hindi man lang niya ako sinulyapan, pero hindi niya binawi ang kamay niya. Mariin siyang pumikit bago nagbuga ng hangin."Matulog ka na. We'll see him tomorrow."Nabuhayan ako ng loob sa narinig. Hindi ako makapaniwala at halos hindi ako nakatulog noong gabing iyon. Excited na excited akong mag-umaga para makita kong muli si Alas!***
ISANAGSIMULA akong manginig sa takot nang makita si Senyora Celestia sa bungad ng pintuan. Kahit ang ngiting ibinibigay niya ay kinikilabutan ako. Isa-isang bumabalik ang mga bangungot ko mula sa nakaraan."Why are you here?" napatingin ako kay Uno nang itanong niya iyon."Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Mama? Dito muna siya titira," si Gwen ang sumagot.Sa labis na takot ay mabilis akong naglakad papunta sa kusina para makaiwas kay senyora. Nahihirapan akong huminga dahil sa takot na nararamdaman ko sa presensya niya.Anong gagawin ko? Dito na titira si Senyora Celestia? Paniguradong pahihirapan niya ako! Baka maulit pa ang dati na pagkukulong niya sa akin!"Isa?"Napalingon ako nang marinig ang boses ni Uno. Nilapitan niya ako at hinagod sa likod."Uno, natatakot ako.""Huwag kang matakot. Hindi ka niya masasaktan dito." Lumamlam ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Nabalot ng pag-aalala ang mukha niya.Hindi na ako pinagtrabaho ni Uno noong gabing iyon. Pinaakyat niya ak
UNOMabilis akong tumayo at pinulot ang mga damit ko sa sahig. Nakatingin ako sa naluluhang mukha ni Gwen na masamang nakatingin sa amin."Sa sarili ko pang pamamahay! Mga baboy! Ikaw! Hayop kang kabit ka! Puta!" Akmang susugurin niya si Isa pero agad akong humarang sa harap niya."Gwen, stop it!" Pinigilan ko siya at hinila palabas ng kuwarto."Bitiwan mo ako! How dare you do this to me, Uno! After everything I've done for you! Cheater! Cheater ka!"Itinulak ko siya sa kama nang makapasok kami sa kuwarto. "Tumigil ka na! Naririndi na ako sa iyo!""Hayop ka!" Mabilis siyang tumayo at pinagsusuntok ako sa dibdib ko.I just let her do what she wants. Kung ano-anong salita ang ibinato niya sa akin pero hinayaan ko lang siya."Paano mo nagawa sa akin ito? I did nothing but love you!" Pagod siyang naupo sa gilid ng kama. Umiiyak."Pero hindi kita mahal."Naningkit ang mga mata niya. "At sinong mahal mo? Ang katulong na iyon? Ang babaeng iniwan ka pagkatapos kang pagnakawan at sumama sa iba
ISA"Make love to me, Uno."Natigilan ako nang marinig ang sinabi ni Gwen. Nasa loob sila ng kuwarto nila at hinihintay kong matapos sila sa pag-uusap, pero hindi ko inaasahan ang maririnig ko.Inakala kong tatanggi si Uno. Na lalabas ito ng silid nila at pupunta sa akin. Pero nagsimulang pumatak ang mga luha ko nang marinig ang sunod-sunod na ungol sa loob.Mga ungol nilang dalawa ni Gwen.Makaraan ang halos kalahating oras, lumabas si Uno mula sa kuwarto nila. Naabutan niya akong nakaupo sa sahig habang patuloy ako sa tahimik na pag-iyak.Walang salitang kinuha niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa kuwarto ko."Uno—hmmp!"Bigla niya akong siniil sa mga labi. Sinubukan niya akong hubaran ng damit pero mabilis ko siyang itinulak."A-ayaw kong maging kabit."Natigilan siya sa sinabi ko. Mababakas ang awa sa mga mata niya habang nakatitig sa akin.Nag-iwas ako ng mukha. Ngayon kapag nakikita ko siya, naaalala ko lang ang mga narinig ko kanina. Ang sinabi ni Gwen, at ang mga ungol n
ISADUMAAN ang halos tatlong araw na walang nagbabago, pinapahirapan pa rin ako ni Senyora Celestia. Although hindi na gaano ganoon kasama sa akin si Gwen, dahil siguro sa usapan namin."Kailangan kong mag-shopping. Samahan mo ako.""Some other time, Gwen. I need this muchacha here to clean my shoes. May party akong a-attend-an."Napatingin ako kay Gwen dahil sa sinabi ni Senyora Celestia. Gwen smiled at her but I can tell that she's faking it."I'm sorry, mama. I need her to come with me. Malapit nang matapos ang shooting namin. May mga events akong kailangan daluhan sa labas ng bansa."Hindi na niya hinintay na makasagot si Senyora Celestia. Tinalikuran niya agad ito at umakyat sa hagdan. Mabilis ko namang iniwan ang pagmamasahe kay senyora saka nagmamadaling umakyat sa kuwarto ko.Pagdating namin sa mall, namili kami ng maraming gamit. Puro kaartehan ni Gwen. As usual, ako pa rin ang tagabitbit niya."Stay here."Tumingin ako sa paligid matapos iyon sabihin ni Gwen."Saan ka pupunt
ISADUMAGUNDONG ang malakas na kulog sa katahimikan ng gabi. Patuloy lang ako sa pagtakbo habang walang ibang iniisip kundi ang mga anak ko at si Uno.Sigurado akong mag-iimbento ng istorya si Gwen tungkol sa akin. At magagalit na naman si Uno. Kailangan ko siyang makausap! Kailangan kong magpaliwanag bago pa malason ulit ang isip niya tungkol sa akin.Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko na napansin ang daang tinatahak ko. Bumalik lang ako sa reyalidad nang biglang may lumabas na kotse mula sa kung saan. Sa bilis ng takbo nito ay huli na para umiwas ako."Hija? Gumising ka."Unti-unti akong nagkamalay dahil sa mahihinang pagtapik ng kamay sa pisngi ko. Napabalikwas ako ng bangon nang makita ang mukha ng isang matanda."S-sino ka? Nasaan ako?"Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Nasa isang hindi pamilyar na kuwarto ako. Paano ako napunta rito?Ngumiti ang matandang babae. "Huminahon ka, hija."Kinuha nito ang tasa sa ibabaw ng table sa tabi ng kama at inabot sa akin."Ano iyan?
TRESMAGKAHAWAK-KAMAY kami ni Tiana habang nanunumpa sa harap ng Diyos at ng mga tao—sa pangalawang pagkakataon, na mamahalin at aalagaan namin ang isa't isa hanggang sa kami ay tumanda.After the priest pronounced us as husband and wife, I took Tiana's hand and brought it to my lips, told her how much I love her before giving her a kiss on the lips.After months of fixing everything, we finally decided to get married again in Nuestra Señora de Gracia Church. It's considered one of the oldest catholic churches in Manila.The color theme of our wedding were rustic hues paired with brown and burnt orange, combining it with creamy linen hue and dove gray. So the inside of the church was filled with white and brown flowers that feels light and warm.Tiana was wearing an A-line wedding dress that flatters her hourglass bodyshape. She looks heavenly beautiful today. I can't believe how stunning she is while standing next to me.Nakangiti kaming humarap sa mga tao sa loob ng simbahan. Tiana
TRESDumating kami ni Uno sa isang lumang bahay sa Baguio. Nasa malalim na parte ito ng gubat, sa ibabaw ng burol. Sinalubong kami ng apat na mga lalaking may malalaking pangangatawan at nakasuot ng black tux. Nakilala ko ang isa—si Peter.Dinala nila kami sa likuran ng malaking bahay kung nasaan ang swimming pool. At kulang na lang ay mawala ako sa sarili nang makita si Tiana kasama sina Isa at Yuji, nakatali sa upuan sa loob ng pool na walang tubig. Naka-duct tape ang bibig."Wala kang kaluluwa, Celestia! Pakawalan mo sila!""Oh, Uno! Anak! So good to see you again!"Sa gilid ng swimming pool, saka ko lang napansin ang babaeng nakatayo. Maikli ang buhok nito, katamtaman ang laki ng katawan, pero halos maligo na sa mamahaling alahas na suot. This is the first time I see her in person."Hindi mo man lang ba muna babatiin si Mommy? Didn't you miss me?" Malakas itong tumawa."Tama ang sinasabi nila, baliw ka!" sigaw ko.Natigilan ito sa pagtawa at napatingin sa akin. "Ah, ang pangatlong
TIANANAKAUPO kaming lahat sa loob ng dining room habang nagkakape. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman. Kasinungalingan lang ang lahat. Kahit ang pangalan niya'y imbento rin.Naramdaman ko ang paghawak ni Tres sa kamay ko. Bahagya niya itong pinisil kaya napatingin ako sa kaniya. He smiled at me as if telling me that everything is going to be okay.Hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya at muling lumuha. Halos masira ko ang buhay nila. Nang dahil sa kagustuhan kong maghiganti, maraming tao ang nadamay.Pumasok si Dos sa dining room. Tumango ito sa aming lahat. "Nakausap ko na ang police na kakilala ko. Everything is ready. Kikilos sila mamayang gabi sa utos natin."Tumango si Uno pagkatapos ay tumayo ito. "Kaming tatlo ang pupunta sa address na ibinigay ni Tiana. I want you two to stay here with Isa. Hangga't hindi namin naibabalik sa kulungan si Celestia, hindi kayo puwedeng umalis ng bahay na ito.""I can't," mabilis kong sabi na ikinatigil n
TIANAHAWAK ni Tres ang kamay ko at para bang ayaw na itong bitiwan pa. Sinabi ko kasi sa kaniya na may kailangan akong kumpirmahin para mawala na ang lahat ng agam-agam sa isip ko, pero inakala agad niyang may gagawin akong delikado kaya ayaw na akong iwan."Tres, will you let go of my hand? Hindi naman ako aalis.""No. Delikadong nag-iisa ka. Just yesterday, Golden Hotel was on fire. Hindi yata titigil ang Celestia na iyon hangga't hindi tayo napapatay."Kinilabutan ako sa sinabi niya lalo pa't naisip ko si Sixto."Kaya nga ginagawa ko ito, para mapatunayan na magkasabwat sina Mama Carmen at si Celestia.""You don't need to go anywhere just to prove it. Magkikita tayo ngayon nina Uno. Sasabihin mo sa kanila ang lahat."Huminga ako nang malalim bago tumingin sa entrance ng mall. Kailangan ko munang mapatunayan sa sarili ko na talagang nagsisinungaling si Mama Carmen. Marami siyang nagawa para sa amin ng anak ko, hindi ko basta-bastang makakalimutan ang lahat nang iyon."Sandali. Why
DOSNATIGILAN ako sa ginagawang pagtatrabaho nang tumunog ang alarm na hudyat ng warning. Bago ko pa mahawakan ang intercom, mabilis na pumasok sa office ko si Odette."Sir! Nasusunog ang hotel!""What did you say?" Bigla akong napatayo."Nagsimula ang sunog sa 4th floor! Medyo malaki at mabilis na kumakalat!""Get everyone out! Ensure their safety!"Mabilis kong pinindot ang red button sa ilalim ng desk ko at nagmamadaling inilagay ang importanteng mga papeles sa loob ng secret room. Agad akong lumabas ng office dala ang walkie-talkie sa isang kamay. Inutusan ko ang mga nakatalagang staff na i-double check kung nakasarado na ang lahat ng pintuan at bintana, maging kung naka-turn off na ang mga electrical equipment sa kanilang area.Kasalukuyang in-i-escort ang mga guest sa fire stairs and exits, patungo sa evacuation assembly point. Hindi nagtagal ay dumating na ang mga ambulance at fire trucks. Inutusan ko ang lahat ng tao ko na siguraduhing walang naiwan o na-trap na tao lalo na sa
TIANAMATAGAL kong pinagmasdan si Mama Carmen matapos nang sinabi niya. Tatlo? Bakit tatlo? Akala ko, si Tres lang ang pinaghihigantihan niya at hindi niya kilala ang mga kapatid nito?Nahalata niya siguro ang pagdududa sa mga mata ko kaya bigla siyang kumalma. She turned away from me."I'm sorry, mama. M-mali po ako."Sa sinabi ko ay muli niya akong tiningnan. She tried to hide the anger in her eyes, pero dama ko pa rin ang inis niya.Pilit niya akong nginitian at hinagod sa buhok. "Huwag mo nang uulitin iyon, okay?"Pagkalabas niya ng kuwarto, agad kong kinandado ang pinto. Kinuha ko ang gatas ni Sixto at pinainom ito habang hinihele.Ang ibig sabihin lang nito, si Mama Carmen ang nagpasunog sa bahay nina Uno. Nagsinungaling siya sa akin nang sabihin niyang hindi niya kilala sina Uno at Dos. Nagsisinungaling siya sa akin hanggang ngayon.Nang makatulog muli si Sixto, iniwan ko ito sa pangangalaga ng yaya niya saka mabilis na umalis.Mugto ang gilid ng mga mata ko habang naglalakad s
TIANANAKATAYO ako sa labas ng mall kung saan ko nakita noon ang babaeng sa mga larawan ko lang nakilala. Ilang araw na rin nawala sa isip ko ang tungkol sa kaniya, pero dahil sa mga nangyayari, at sa mga sinabi ni Tres, hindi ko mapigilang hindi isipin kung totoo ba ang nakita ko noong araw na iyon o hindi.Bawat babaeng lumalabas at pumapasok sa mall, mataman kong tinitingnan. Nagbabakasakali akong muli siyang makita. Gusto kong kumpirmahin na namalik-mata lang ako at hindi totoong buhay siya.Mahigit kalahating oras ko nang ginagawa ito, nang bigla na lang akong matigilan. Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha sa pisngi ko. Nangangatog ang mga tuhod ko at kumikirot ang puso ko.Bakit ko pa ba ginawa ang paghihiganti na ito? Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, na doble ang sakit na mararamdaman ko, nagpakalayo-layo na lang sana kami ni Sixto.How can I let him go now? Ang lalaking tangi kong minahal, ang ama ng anak ko. Araw-araw na lang, nagigising akong siya ang hinahanap
TIANAAGAD kong pinuntahan ang mall ni Tres pagkatapos malaman na nakabalik na siya. As soon as I entered his office, nalukot agad ang mukha ko sa naamoy. His office reeks of alcohol. Sa harap ng desk nito ay naroon si Tres, nakaupo sa silya niya, nakapikit ang mga mata at may hawak na baso ng alak sa kamay.I took a deep breath. "What happened? Kay aga-aga, umiinom ka na?""Oh, it's you," he said without even glancing at me. "What are you doing here?"Malalim at namamaos ang boses niya. Ni hindi siya makakilos nang tama habang sinusubukang umupo nang maayos. Ano bang nangyari sa kaniya sa beach house at nagkakaganito siya ngayon? Is it because of me?"I'm here to take the mall.""Ah, the mall. Syempre, iyon lang naman ang rason kung bakit ka nandito. Iyon lagi ang rason kung bakit mo ako pinupuntahan."Tinungga nito ang natitirang alak sa laman ng baso niya bago tumayo. Halos sumuray-suray na siya sa paglalakad, makarating lang sa sofa at makaupo."Sit down," he said while massaging
YUJIDos deserves someone better. Someone he can be proud of, and that's not someone who is like me. Maraming issues sa buhay, maraming trauma at insecurities.But I still want to be with him. Just for tonight, I wanna be in his arms. Bukas, promise, gigising ako sa reyalidad.Hinalikan ko siya sa mga labi. "I want you."Parang nagulat pa siya sa sinabi ko. Sinimulan kong hubarin ang suot kong damit until I was naked in front of him. I slowly layed on the bed and smiled. Umibabaw naman siya sa akin matapos maghubad ng sarili niyang kasuotan.Halata ang pananabik at pagnanasa sa mga mata ni Dos habang nakatingin sa hubad kong katawan. I know he missed me, and I missed him, too. So much.Nang makaibabaw siya sa akin ay hinalikan niya ako sa noo at saka sa labi. He started caressing my naked body from my chest down until he found my womanhood. Binawi niya ang mga labi at tumitig sa akin nang mataman.Dos bit his lower lip when I found his shaft and started stroking it. Ungol kami nang un