Naging abala ang lahat sa HR Department ng mga sumunod na araw. Masaya naman ako dahil pakiramdam ko welcome na welcome ako sa aming Team. Gina-guide pa rin naman nila ako.Hanggang sa isang araw kausapin ako ni Miss Ariyah."Hello, Euphemia. It's your turn to change your job. Kailangan ka na ni Sir Yohann as a Secretary. Halika na." aniya sa malumanay na boses. Kinakabahan akong tumango at sumunod.Pag dating namin roon kinausap ni Miss Ariyah si Sir Yohann."Good morning, Sir. Eto na po si Euphemia ang bago niyong Secretary. Naturuan na naman po namin siya ng mga dapat niyang gawin nung isang araw. Maasahan niyo po siya." magaling na rekomendasyon ni Miss Ariyah."Good. You may go." isang malamig at baritonong boses ang aking narinig. Nangilabot ang buo kong pagka-tao nang marinig ko ang boses niyang iyon.Humarap ang swivel chair nito pagka-alis ni Miss Ariyah at natigilan ako sa sobrang pagka-mangha sa angking kakisigan ng aking Boss. May makapal itong kilay, almond na matang kula
Nang mga sumunod na araw ay normal ang aking trabaho. Kapag uwian, sinasabay ako ni Sir Yohann. Hindi naman binibigyan ng malisya ng mga kasamahan ko sa Company ang ganoon. May ibang nag hihinala na pero hindi magawang mag salita dahil bawal ang tsismis sa trabaho. Matatanggal sila agad."Anong iniisip mo?" kuryosong tanong ni Sir Yohann.Tumingin lang ako sa may bintana bago sumagot."Wala naman, maliban sa buti hindi ka nababadtrip sa'kin dahil sa ugali ko at prinsipyo ko. Samantalang sa iba, para kang dragon kung magalit." malumanay kong sambit."Hindi ko rin alam, pag dating sa'yo kalmado ako. Hindi ako nakakaramdam ng inis o galit. Unless pinag selos mo 'ko. Huwag na huwag mong susubukan ang pagiging seloso ko. Nag mana ako kay Daddy. Higit na mas seloso lang kaysa sa kanya." mahabang litanya niya. I sighed."Oo na. Ayoko rin masesante, may mga magulang akong gustong i-ahon sa hirap. Without someone's help. Mas gusto kong mag sikap nang sarili ko. Bilang ganti sa lahat ng sakripi
Ang mga normal kong araw ay biglang nag bago nang dumating si Miss Wendy Clark. Ang business partner ni Sir Yohann. May gusto ito kay Sir Yohann. At napapansin niya ang kakaibang trato sa'kin ng aking amo."Yohann, can you fire her?" turo sa'kin ni Miss Wendy. Bumaling ang seryosong mukha ni Sir Yohann sa'kin."And Why?" malamig na tanong ni Sir Yohann."Wala lang, ayoko lang siyang nakikita sa tuwing pupunta ako rito kapag nakipag usap ako sa'yo about sa Business Deal." maarte nitong turan."No one can dictate me. Ako lang ang maaring mag tanggal sa kaninumang nag tatrabaho sa aking kompanya. At maganda ang job performance ni Miss Euphemia. Hindi ako magta-tanggal ng assets ng kompanya." seryosong turan ni Sir Yohann. Napaka lamig ng boses nito at mababakas roon ang matinding pagka-inis sa inaasal ng kanyang kaharap. Kahit sino naman mababanas sa ugali ni Miss Wendy. Sobrang arte pa nito kung umasta. Akala mo ay siya ang may ari ng L&G Empire.Kitang kita ko naman ang pamumula ng m
Nakarating kami sa isang Private Subdivision tanging mayayaman lamang ang maaring manirahan."I have my property here. Dito na kayo titira, sa inyo ko na ibibigay ang Mansion ko sa Bachelor's Village na ito." saad ni Sir Yohann. Napa-singhap kami ni Mama sa gulat. "Nakaka-hiya naman, Boss/Sir." seryosong sabi ni Mama at Papa."Oo nga, Sir. Baka mapagalitan kayo ng Daddy niyo." sabi ko naman. "Dad will understand. Isa pa, akin ang Mansion riyan. Sariling pera at pinag hirapan ko ang ginastos ko hindi galing sa bulsa ng mga magulang ko." seryosong tugon ni Sir Yohann.Hindi na kami naka-tanggi pa dahil buo na talaga ang desisyon niya. Imbes na kontrahin pa ay hindi na namin ginawa. "Tell me anything you need. I'll buy them." saad ni Sir Yohann pag pasok namin sa loob ng Mansion. Namangha kami nila Mama at Papa sa laki noon at lawak. May lounge, swimming pool, mini garden at Bungalow. "Sobrang ganda!" hindi ko mapigilan ang aking sariling mag komento."I will name this property to yo
Maraming mga tao sa loob at lahat sila ay nakaka-intimidate."Boss?" sabi ng isa."Girlfriend ko, si Euphemia." pakilala ni Yohann saka bahagyang pinisil ang aking kamay. Hinayaan ko nalang muna siya. Dahil panigurado akong sinabi niya iyon to avoid a lot of questions and suspicions."Welcome, Ma'am." seryosong sabi nila at yumuko.Tumango lang ako. Hindi ko kasi alam ang aking sasabihin.Nag simula ang kanilang meeting. Nanatili lang akong nakikinig."What now, Atlas?" malamig na tanong ni Yohann sa kaibigan."According to the informations I got, kinuha ng Hatico Corporation ang usb using someone. Nasa kamay na ngayon ni Lesley Hatico ang usb.. Pero dahil mas mabilis si Yuriko nagawa niyang makuha ang usb. Same strategy. Steal and hide.. Mabuti nalang rin at hindi pa nao-open nito ang usb kung hindi mahirap na." Ibinigay ni Atlas ang usb kay Yohann at napangisi ang hudyo."Good job! Maasahan ka talaga, A." seryosong puri ni Yohann."Basic, anong balak mo ngayon?" mayabang na sagot ni
Yohann Point Of ViewKakaibang saya ang nararamdaman ko sa mga oras na magkasama kami ni Euphemia. Ilang gabi akong hindi nakaka-tulog mula noong makita ko siya at nakilala. Kaya nga ba, hindi ko nakalimutan ang maganda niyang mukha. Lumundag ang puso ko sa saya nang mag apply siya mismo sa aking kompanya. Walang pag sidlan ang tuwa sa aking puso nang mga oras na iyon.Ganito pala ang pakiramdam ni Daddy noon kay Mom. Ang swerte lang ni Dad dahil compatible sila ni Mommy. Tipong sobrang match nilang dalawa. Pero base sa kuwento nila, hindi naging ganoon kadali ang lahat. Marami silang pag subok na pinag daanan.Sana lang hindi ko na iyon maranasan pa. Ayokong sukatin ang pag iibigan namin pag nagka-taon. Ayokong maranasan niya ang sakit. Naabutan ko ang hirap na naranasan ni Daddy noon. "Anong iniisip mo?" tanong ni Euphemia. Narito kami ulit sa People's Park sa Tagaytay."Wala naman, naalala ko lang iyong nangyari noon kina Mom at Dad. Nakita ko kung paanong masaktan si Daddy sa pa
Ilang beses tinulungan ni Yohann si Euphemia at naging mas malapit sila sa isa't isa. Unti unting nararamdaman ni Euphemia ang kakaibang dulot ni Yohann sa kanyang puso. Nag ha-harumentado ito sa tuwing mag kasama sila at nag wa-wala ang kanyang mga paruparo sa tiyan sa tuwing sweet sa kanya si Yohann."Ayiee, mukhang nahuhulog ka na kay Yohann ah." natatawang asar ni Dryce kay Euphemia."Uhh. Sa tingin ko nga, unti-unti na akong nahuhulog sa kanya. Ayos lang naman siguro iyon ano?" nahihiyang tanong ni Euphemia. Natawa naman si Dryce sa tanong nito."Ayos na ayos! Kasi boto ako sa'yo para sa kakambal ko." seryosong sabi ni Dryce. Napangiti na lang si Euphemia at nag patuloy sila sa pamimili ng mga damit ni Dryce.. Nilibre si Euphemia ni Dryce sa mga branded na Shop sa Mall. Ganito ito ka-galanteng kaibigan at kailanman hindi iyon isinumbat ni Axendryce kay Euphemia.Naging masaya ang kanilang pag sa-shopping kahit na isang araw lamang iyon. Ramdam ni Euphemia ang pagod at sakit ng
Umattend sila Yohann at Euphemia ng Business Party. Maraming tao roon at mga kilalang personalidad sa Industriya ng Business. May mga artista at young entrepreneur na dumalo. Napaka lively ng paligid at talagang nagkaka-sayahan ang lahat. May mga Successful Business Tycoon na nag sa-salita sa may Stage. Para i-inspire ang lahat ng dumalo."Nag simula ang business ko sa isang maliit na coffee shop. Alam mo 'yon? Iyong wala kang malaking capital pero madiskarte ka. Nag laan ako ng oras para mag hanap ng magandang puwesto. Hindi lang puwesto ang pinag laanan ko. Nag observe at nag survey rin ako sa paligid kung ano ang madalas kainin at inumin ng mga nag tatrabaho roon.. Malapit sa Company sa Epza ang aking naging unang shop. Noong una bihira ang napunta dahil hindi nga kilala at nag aalinlangan sila. Pero nang makita nila ang presyo na patok sa kanilang bulsa. Nag simula na silang pumasok sa aking shop at order ng iba't ibang klase ng kape, donut, cookies at cake. Asawa ko ang matiyaga