KABANATA 52: SUNOD SUNURAN SA ASAWA Nakapikit ang mga mata ni Nixon at tumingin kay Kriza at sa iba pa. Halos nangangatog na sa takot ang mga kasama ni Kriza, kabilang naman niya ay ang kanyang kapatid na babae, na nakatayo sa gilid at nanginginig rin.Sabi ni Nixon, "Sabihin mo sa akin ang totoo hon, kung wala ka talagang kasalanan, kahit patayin pa ako ng pinsan ko, ipagtatanggol kita. Pero huwag kang magsisinungaling!"Umiling iling at tumanggi si Kriza na aminin ang kanilang nagawa."Siya ang nagsisinungaling! Anak niya ang nagtulak sa anak ko, pero ayaw niyang mag-sorry. Kaya lumapit ako sa kanya para humingi ng paliwanag. Hindi ko inaasahan na magiging gano'n siya katindi at agad na sinugod ako honey maniwala ka sakin tingnan mo, nasugatan ang paa ko dahil sa kanya, huhuhu..." nag papaawa na sabi ni Kriza kay Nixon.Nagtaas ng kilay si Chellsey at nagsabi, “Imposibleng walang CCTV dito. Bakit hindi natin tingnan ang footage?"Nang marinig iyon, nanginginig si Kriza at mga kas
KABANATA 53: ACT KINDNESS Habang nagsasalita si Rhea, namumula ang kanyang mga mata.“Sa totoo lang, malalaman mo lang ang hirap ng pagiging magulang kapag may anak kang katulad nito. Sa loob ng nakaraang dalawang taon, hindi ako nagkaroon ng maayos na tulog o kahit man lang makakain ng tama sa oras nakakawalang gana sobrang bigat sa pakiramdam.”“Noong dalawang taon pagkatapos kong ipanganak si Luke, hindi ko magawang kontrolin ang pagkain ko dahil nagpapasuso ako. Kalaunan, nagkaroon ako ng labis na pagkain. Noong pinakamalaki ang timbang ko, umabot ako ng halos 250 pounds. Pero mula nang magkaroon siya ng problema, pumayat ako ng 80 pounds sa loob lamang ng dalawang buwan… Ang hirap… sobrang hirap…”Tahimik na nakikinig si Chellsey at nagsalita lamang nang matapos si Rhea,“Alam kong napakahirap ng pinagdaanan mo nitong mga nakaraang taon Mrs. Chavez.”Ang pagunawa ay madalas na mahirap ipaliwanag. Ang mga taong hindi pa nakaranas ng ganoong sitwasyon ay hindi lubos na maiintindih
KABANATA 54: MALING AKALA LANG ANG LAHAT“Gumawa ka lang ng mabuting gawain araw-araw, at ikaw ay magiging mabuting tao paglaki mo. Kapag lumaki na si Cyrex kailangang maging mabuti siyang tao na tumutulong sa iba. Ang pagtulong sa iba ay pagtulong din sa sarili tandaan mo yan baby ko ha.” sabi ni Chellsey na nakatitig sa anak habang nakangiti.“Opo Mommy si Cyrex ay makinig palagi kay mommy at maging mabuting tao po ako hindi ako tutulad sa mga babae na nang away satin Mommy, sobrang bad po nila!”Ngumiti si Chellsey at sinabi,“Tapos na ang nangyari ngayon wala ng mangaaway pa sa atin. Kapag nakasama mo na ang iyong ninang at mga kapatid mamaya, huwag mo nang sasabihin ito okay lang ba?”“Okay po mommy.”Ayaw ni Chellsey na magalit si Lovely pati na sina Calex at Carlex dahil sa nangyari. Sa huli, lahat ng ito ay nakaraan na. Bahagyang kumunot ang noo ni Cyrex , ngunit tumango siya nang may pag-aatubili.Gusto rin niyang magsumbong sa kanyang mga kuya upang makahanap ng paraan na i
KABANATA 55: GALIT NA TIGREHabang nag iisip ng isang bagay, muling nagtanong si Nigel,"Hindi mo gustong mapalapit sa kanya, paano naman si Sandro? Lumapit ka ba kay Luke para lang mapalapit kay sandro?"Agad na umiling si Chellsey,"Aksidente lang na natulungan ko si Luke! Nagkataon na nakita ko siya sa kalsada at may sakit siya, kaya’t tinulungan ko siya ng kusa. Tapos nalaman ko sa magulang niya na nagwawala siya. Nag-alala ako sa kalagayan niya, kaya pumunta ako sa ospital para makita siya, at doon kami nagkakilala pero bago iyon, hindi ko pa kilala si sandro! Kinalaunan, ang ama ni Sandro mismo ang nagdala sa akin sa kanya. Kung hindi siya nag kusang-loob, hindi ko malalaman ang tungkol sa kanya, lalo na’t hindi ko siya makikilala. Hindi ko na kasalanan kung naniniwala ka o hindi basta hindi ndi ako nagsisinungaling!"Tiningnan siya ni Nigel halatang naiinis. Pagkaraan ng ilang minuto, sinabi niyang may halong iritasyon,“Tell her to go upstairs to pick up her child.”Agad naman
KABANATA 56: MAY TAMA KA NA BA?Mabilis na tumingin si Nigel kay Chellsey at hinawakan ang kanyang pulso! Pero, dahil may hawak siyang sigarilyo sa kabilang kamay, natakot siyang baka mapaso niya ito, kaya't inilayo niya ang kanyang kamay.Dahil dito, nagtagumpay si Chellsey. Habang hawak ang isang pulso ni Chellsey, ginamit niya ang kabilang kamay upang hampasin si Nigel —hampas, kalmot at kagat! Na para bang isang tigre! Napanganga sina Kalil at Nixon sa kanilang nakita at hindi alam ang gagawin. Makaraan ang ilang segundo, natauhan si Kalil at sinubukan silang awatin"Miss Chellsey! kumalma ka. Pwede nating pag-usapan kung anuman ang nangyari kanina.""’Wag kang makialam sa usapan ng iba wala kang kinalaman dito," sabi ni Nixon habang tumayo at, hinila si Kalil palabas, at isinara ang pinto."Ano ba ang ginagawa mo Sir Nixon? Si Sir Nigel at si Miss Chellsey ay-...’’ "Private na usapan nila 'yan. 'Wag tayong makialam tara na." sabi ni Nixon at hinila siya palabas.Pagkahila ni N
Kabanata 57: HINDI KA DAPAT KAAWAAN!Dinampot ni Nigel ang unan sa kanyang kamay at itinapon ito nang malakas !Hindi pa siya nakuntento, kaya kinuha niya ang tasa ng kape sa table at itinapon din ito.Mabilis namang nakailag si Nixon, at sa halip na magalit, kinuha ang kanyang cellphone at kumuha ng ilang picture."Sa susunod na gusto mong tirahin ako, isipin mo muna kung ano ang hawak ko. Eto ang ebidensyang ikaw ay walang palag sa isang babae. Kapag naisend ko ito sa mga kaibigan natin' paano mo lulusutan o ipapaliwanag ito haha?” nang aasar na sabi ni Nixon.“Ang presidente ng Sandoval Group, ang isa sa pinakamayamang tao ngayon sa buong asia, binugbog ng isang babaeng hindi kilala, nakakatawa haha!"May halong panunukso ang tono ni Nixon, at bago pa siya maabot ni Nigel, mabilis itong tumakbo palayo. Galit na galit si Nigel, ang dibdib niya ay parang tambol sa galit at inis."Nixon! Get out of here!" sigaw ni Nigel at pinaalis ito.Nasa gilid lang si Kalil, tahimik ngunit tila nal
KABANATA 58: NAGSASABI KAYA SIYA NG TOTOO? “Hindi mo talaga malalaman hanggat di mo siya nakikita. Sobrang na gulat ako! Sinasabi nila na si Sir Nixon ay walang kinatatakutan maliban sa pinsan niyang babae. Akala ko tsismis lang iyon, pero totoo pala! Sana pinsan nalang din ako ni Sir Nixon hehe.” “Ayoko maging pinsan niya. Gusto ko maging girlfriend niya, haha!” “Nako tigilan mo ang pag kahibang mo. Hindi tayo papasa. Si Sir Nixon ay ang panganay. Hindi natin kayang abutin ang antas niya malabo iyon.” May mga babaeng mukhang nalilito sa pagkatao ng mag kakapatid. “Bakit mo sinabi ng panganay ibig sabihin may kapatid pa siya? Sino naman?” “Si Sir Nigel ang pangalawa ano kaba!. Sila ang ipinagmamalaking mukha ng Sandoval Family at ang bunso naman ay si Doc Nikko. Narinig ko pa nga na mas gwapo si Sir Nigel kaysa kay Sir Nixon at Doc Nikko eh. Maganda ang itsura ni Sir Nixon pero si Sir Nigel ay sobrang nakakakilig ang kagwapuhan!.” Nang marinig ni Chellsey ang pangalang Nigel, b
KABANATA 59: COUSIN?"Sabi ng doctor ay may dipekto ang sanggol at inirerekomenda nila ang pagpapalaglag dito." malungkot na sabi ni Liam.“Ngayon niyo lang nalaman na may depekto ang sanggol?” gulat na tanong ni Chellsey at nahawak sa kanyang dibdib."Oo, ngayon ko lang din nalaman."Hindi napigilan ni Chellsey na muling tingnan ang dalaga, may halong pagtataka at komplikadong ekspresyon sa kanyang mukha hindi niya malaman ang dahilan.Para bang may pag-aalinlangan ang dalaga habang nakatingin ito sa kanya. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Kumunot ang noo ng dalaga, saka ibinaba ang ulo at umiwas ng tingin.Bakit ganoon ang tingin niya sa akin? Wala namang dahilan para magalit siya sa akin. Hindi pa nga kami nagkakilala, bakit ganito ang pagtrato niya sa akin sa kilala niya ba ako?” kunot noo na tanong ni Chellsey."Masama lang siguro ang mood niya ngayon, huwag mo na lang pansinin," biglang sabi ni Liam, tila nababasa ang iniisip ni Chellsey.Inalis na ni Chellsey na ang tingin at hi
KABANATA 74: KUSANG LOOBSamantala, sa Gold City Residential District,Naupo si Nigel sa tabi ng kama ni Sandro at kinausap ito."Hindi mo ba gusto yung babae na nakilala ko kaninang umaga?""Hindi!""Pero siya'y nahanap ni Tito Nikko mo. Naglaan siya ng maraming oras para hanapin siya. Alam mong mahal na mahal ka ni Tito Nikko diba? Para kay Tito Nikko pwede mo bang payagan siya na alagaan ka pa ng ilang araw?""No!""Kung paalisin mo siya ng ganito, malulungkot si Tito Nikko ."Pumaatras si Sandro at tiningnan siya, "Sino po ba ang malulungkot, si Tito Nikko o ikaw?""Huh?" bakas ang gulat sa mukha ni Nigel."Si Tito Nikko po ba ang nag hanap sa kanya, o ikaw daddy?"Si Nigel ay napatigil. Bigla na namang nagtanong si Sandro,"Gusto mo po ba siya?"Nag iba ang mukha ni Nigel at agad na sumagot,"Hindi anak!""Bakit ka po kaya mabait sa kanya?""Mabait ako sa kanya?""Nagpunta ka para ihatid siya kanina daddy. Si Aunt Audrey ang laging kasama ko, pero tuwing aalis siya, siya lang an
KABANATA 73: PARA LANG KAY SANDRONagulat si Chellsey sa sinabi ni Calex “May solusyon ka? Anong solusyon iyan anak?”Sinabi ni Calex ang lahat sa kanyang ina,“Dahil siya ay irritable, autistic, at takot sa mga hindi niya kilalang tao, hindi mo po dapat basta na lang magpakita sa harap niya. Unahin niyo po ipakita na ikaw ay mabuti at hindi mo siya sasaktan. Kapag nagkaroon siya ng magandang impresyon sayo, saka mo po siya unti-unting lapitan.”Napaisip si Chellsey. May punto ang sinabi ni Calex.pero...“Kung hindi ako magpapakita, paano ko siya mapapaniwala na isa akong mabuting tao?”“Tulungan mo siya nang palihim mommy, o ipakita ang kabutihan mo sa kanya. Gumawa ka ng mga paborito niyang pagkain o laruan kung saan po siya comfortable, at ipaabot mo sa kanya sa pinakamalapit sa kanya”“Pero hindi ko alam kung ano ang mga gusto niyang kainin o kung anong laruan ang gusto niya. Sabi ng pamilya niya, wala siyang interes sa kahit ano maliban sa mga bagay na may kaugnayan sa mommy ni
KABANATA 72: I HAVE SOLUTION Nagulat si Lovely.“Hindi ba’t binisita mo na ang batang iyon kaninang umaga? Bakit hindi mo pa rin siya nakausap?”Malalim ang buntong-hininga ni Chellsey.“May sasabihin ako at baka hindi ka maniwala sa sasabihin ko.”“Huh?” nalilitong sabi ni Lovely.“Bago ako pumunta kanina, sinabi ng lalaking iyon na kung makakasama ko ang anak niya ng ten minutes bibigyan niya ako ng 10,000 in cash hindi para sa pangbabayad ng utang ko.”“Oh my god Chellsey! parang namimigay na ng pera ang lalaki iyon!”“Iyon din ang naisip ko noon. Pero hindi ko inasahan... ni hindi umabot ng limang minuto. Sa totoo lang, wala pang tatlong minuto, itinaboy na ako ni Sandro.”“Ha? Anong nangyari?”Ipinaliwanag ni Chellsey ang nangyari. Laking gulat ni Lovely.“May violent tendencies ba siya?”“May bipolar disorder siya at madalas na nagiging impulsive. Kapag umatake ang sakit niya, nagiging marahas siya. Hindi lang siya naninira ng gamit, sinasaktan din niya ang sarili niya kaya sob
KABANATA 71: LABIS NA PANANABIKPagkalabas sa hospital ay dumiretso agad sa School si Chellsey lpara puntahan si Lovely at ang mga bata.Una, gusto niyang makita ang mga bata sa kindergarten. Nag-aalala siya sa unang araw ng mga ito sa school.Pangalawa, hindi pa rin siya mapakali sa sinabi ni Moana tungkol kay Alice.Pagkatapos niyang maikwento ang nangyari hindi maiwasan na magulat at magalit si Lovely."Napakabuti ni Ali sa pinsan ni Liam noon, pero sinumpa pa siya nitong si Moana? Napaka-walang utang na loob niya! Anong klase ng ugali ang meron siya? At ngayon, pati ikaw ay kinamumuhian niya sa walang kwentang dahila? Ha! Napakabait mo pa nga sa kanya sa lagay na yan ha! Kaya sinasabi ko, may kasabihan na, 'Sa bawat taong kaawa-awa, may nakatagong dahilan para sila ay kasuklaman” nakakainis!” sabi ni Lovely na mag kasalubong ang dalawang kilay.“Ngayon, mukha siyang kaawa-awa dahil hindi niya naalagaan ang anak niya kahit kasalanan naman niya ang lahat, pero tingnan mo ang ugali
KABANATA 70: HINDI SIYA MAKAKATANGGI SA AKIN Bahagyang gumalaw ang labi ni Chellsey,"Kung ganoon, tawagan mo na ang pamilya niya. Hindi maganda na itinatago ang ganitong sitwasyon. May suicidal tendencies na siya ngayon. Kapag may nangyaring masama, paano mo ipapaliwanag sa pamilya niya?" sabi ni Chellsey na bahagyang nakataas ang isang kilay.Tumango si Liam, "Humahanap pa ako ng pagkakataon na makausap si Tita."Matapos niyang sabihin iyon, seryoso siyang tumingin kay Chellsey, may halong paghingi ng tawad sa kanyang ekspresyon."I'm so sorry Che. Humingi pa ako ng tulong mo, pero hindi ko inaasahan na nagdudulot pala ito ng sama ng loob sayo." Galit pa rin si Chellsey dahil sa sinabi ni Moana tungkol kay Alice at sa point na iyon, gusto pa rin niyang magalit.Kung hindi lang dahil sa kalagayan ni Moana baka nakipag-away na siya rito. Kahit hindi pisikal na away, siguradong sinigawan na niya ito para mabawasan ang galit niya na meron siya."Ayos lang ako. Sorry kung hindi kita n
KABANATA 69: ANONG NANGYARI KAY ALICE? Nalilito ang mga doctor at nurse, parang baliw na ang isa, ganoon din ang isa pa, ganon ang eksena umang umaga pa lang. Dalawang batang babae na nurse ang mahigpit na humahawak kay Chellsey. "Miss, kalma lang po kayo, kaka-injection lang niya ng pampakalma at pampatulog. Natutulog siya ngayon, hindi niyo siya pwedeng gisingin." sabi ng isang babaeng nurse na pinapakalma siya. "Gisingin niyo siya! Kailangan niya magising! May kailangan akong itanong sa kanya! Importante ito! Kailangan ko siyang maka usap!” pilit na nag pupumiglas na sabi ni Chellsey at ayaw mag pa awat. "Hindi siya magigising agad Miss. Kung may kailangan ka, hintayin mo muna siya magising. Ikalma mo ang sarili mo, kung magpapatuloy ka sa ganito, mapipilitan kaming bigyan ka rin ng pampatulog." Maya maya lang sa wakas ay kumalma si Chellsey. Bumagsak siya sa upuan, diretsong nakatingin kay Moana ang mukha’y maputlang-maputla at pinag papawisan. Mabilis na tumakbo pa
KABANATA 68: LAHAT KAYO MAMATAY NA LANG SANA! Ang video call ng kanyang mga anak ang nakapag pakalma kay Chellsey. Pagkatapos niyang ganap na makabawi, agad niyang naisip si Nigel. Ang pagkikita nila ng isang hindi niya kilalang lalaki ay aksidente lamang. Si Nigel ang layunin niya sa pagkakataong ito. Sinabi ni Nigel na bawal niya itong guluhin, Pero hindi ba’t ang pagtawag upang magtanong ay hindi naman maituturing na panggugulo? Hindi naman niya ito pupuntahan dahil gusto niya ito! Inayos ni Chellsey ang kanyang emosyon at muling tumawag sa Villa Dulalia. Binaba niya ang kanyang pride at mahina niyang tinanong, "Pasensya na po, may oras ba si Nigel para makipag divorce ngayong araw?" Magalang naman ang sagot ng kabilang linya, "Wala po. Kung may oras si Sir Nigel, siya mismo ang tatawag sa inyo. Hintayin n’yo na lamang ang tawag, hindi niyo na po kailangang tumawag ulit salamat" Pagkatapos nito, ibinaba na ang tawag. Napangiwi si Chellsey at napahawak sa kanyang sentido. ‘
KABANATA 67: ANG TATLONG MABABAIT Biglang itinaas ni Nigel ang kanyang mga mata at tumingin kay Chellsey ng deretso. "Nalaman kong nag-aral ka ng architect design sa isang University dito sa Laguna noon. Walang kinalaman iyon sa medicine. Paano mo biglang natutunan ang mga gawain sa medicine?" Nagulat si Chellsey. “Pina Imbestigahan mo ba ako?" Diretso siyang tinitigan ni Nigel walang itinatanggi at walang pag-aalinlangan. Ang puso ni Chellsey ay biglang bumilis ang tibok, parang umakyat ito sa kanyang lalamunan papunta sa utak. "Ano ang inimbestigahan mo?" "May bagay ba na ayaw mong malaman ng iba?" Siyempre! Takot siyang malaman niya ang tungkol kina Calex at Carlex! "Ikaw... ikaw ba'y nagtanong-tanong tungkol sa mga anak ko?!" Alam ni Nigel na alalang-alala si Chellsey para sa kanyang mga anak, kaya’t nag-ingat siyang huwag gamitin ang mga bata para galitin siya. Sinabi niya ang totoo, "Hindi." walang ganang sagot nito. "Sigurado ka?" Tinitigan siya ni Nigel. "Gusto
KABANATA 66: OBSESSION TO HIS MOM Biglang dinampot ni Sandro ang isang bakal na tinidor at mabilis naitinutok ito sa kanyang leeg at galit na sumigaw ito. “Aalis ka ba o hindi? Aalis ka ba o hindi?!” Napasinghap si Chellsey sa takot at nanatiling nakatayo, hindi magawang gumalaw na parang naninigas na yelo. Nakita ito ni Nigel at malakas na sinigawan siya, “Lumayas ka na! Umalis kana dito!” Nagbalik sa ulirat si Chellsey. Nang makita ang galit na mag-ama, dali-dali siyang tumalikod at umalis ng bahay, hindi na nag-abala pang magpalit ng damit o mag-sapatos. Huminga siya nang malalim habang nakasandal sa pinto... Si Sandro at Carlex ay magkamukhang magkamukha, kaya nang bigla itong nagalit, natigilan siya at hindi alam ang gagawin. Bilang isang ina na kusa nang napasok sa papel, siya’y natakot at nag-panic. Tuluyan niyang nakalimutan na isa rin siyang doctor... Dahil dito, hindi niya nagawang pakalmahin si Sandro bilang isang doktor, tulad ng ginawa niya kay Luke Gavin. Mala