Chapter 05
3rd Person's POVSa kalaliman ng gabi may narinig siyang bumabangga sa pinto. Napabangon si Sonia at napababa ng kama."France?" tawag ni Sonia. Lumapit siya sa pinto na kadugsong lang ng room ni France.Binuksan niya iyon. Napasubsob si France sa hita niya. Agad na binuhat ito ni Sonia at tiningnan mabuti. Tulog pa nga ang bata."Mommy," bulong ni France. Niyakap ni Sonia ang bata at bumulong na nandoon ang mommy.Naglakad si Sonia patungo sa kama ni France at inihiga ulit doon ang bata. Nakita niyang namumula ang noo ng bata."Hindi ko na dapat isara ang pinto," bulong ni Sonia. Umupo si Sonia sa gilid ng kama. Nanatiling nakahawak si France sa kamay niya."Siguradong nangungulila ka din sa mommy mo hindi ba?" bulong ni Sonia. Biglang pumasok sa isip niya ang anak na si Vladimir. Parang pinupunit ang puso ni Sonia matapos maalala ang anak."Nalulungkot din sigurado ang mommy mo lalo na nakikita kang ganito," bulong ni Sonia. Hinaplos ni Sonia ang buhok ni France.Hindi umalis doon si Sonia. Binantayan niya si France hanggang sa makatulog nga siya sa tabi ni France.Saktong 3am— tumungo si Fabian sa room dahil sa ganoon na oras nagigising si France. Nawala sa isip niya na nandoon na si Sonia at may bagong nanny si France.Binuksan niya ng pinto ng room ni France. Napatigil si Fabian matapos makita si Sonia. Ang mga paa nito ay nasa sahig at nakahiga sa tabi ni France. Hawak ni France ang kamay ni Sonia.Tulog ang dalawa. Dahan-dahan lumapit si Fabian sa kama. Inayos ang kumot ni France. Kumuha din si Fabian ng isa pang kumot at nilagay iyon kay Sonia.Mukhang pagod na pagod din Sonia at hindi ito nagising. Tinitigan ni Fabian si Sonia at ang anak.Aabutin ni Fabian ang pisngi ni Sonia. Agad iyon ni Fabian binawi at niyukom ang kamao."Anong ginagawa mo Fabian? Nababaliw ka na," bulong ni Fabian at masama ang timpla ng mukha na tumalikod. Naglakad na si Fabian paalis at walang lingon-lingon na tinungo ang pinto.Pagkasara ng pinto bahagyang binuksan ni Sonia ang mga mata. Dahan-dahan bumangon at tiningnan ang kumot na pinatong ni Fabian sa katawan niya."Bakit ba masyado kang mabait sa akin."—Weekend kinabukasan, walang pasok ang alaga ni Sonia. Noong umaga na din iyon pinatawag ni Fabian ang apat na maid at dalawang butler."May quarter para sa mga maid at butler na nasa kabilang building. Kapag wala kami ni France dito nandito sila para maglinis. Kapag wala ako sila ang nagluluto ng pagkain para kay France na magiging gawain mo na din dahil ikaw na ang nanny ni France," ani ni Fabian. Isa-isa ang mga ito na nagpakilala."Ako si Sonia. Bagong kasambahay— kinagagalak ko kayo makilala," ani ni Sonia. Inutusan ni Fabian ang butler at sinabing ito ang bahala mag-ikot kay Sonia sa buong mansion at sumagot ng ilang katanungan nito kung meron."Late na talaga ako sa work. Sonia, kung may mga tanong ka tawagin mo lang si Ariel," ani ni Fabian at tiningnan ang wrist watch."Alis na ako. Tatawag ako before noon para i-check si France," ani ni Fabian at dali-daling tinungo ang pinto ng living room palabas ng mansion."Sonia right? Ako pala ulit si Teressa pwede mo akong tawagin Tere. Almost 4 years na ako nagwo-work dito. Scholar din ako ng mga Martinez," ani ng babae. Mukhang estudyante lang din ito.Agad ba pinalibutan ng apat na babae si Sonia at tinanong kung paano nito nakilala ang boss nila."Bakit mukhang close kayo ni young master?"Ngumiwi si Sonia. Paano niya sasabihin na napagkamalan siya ni France na ina nito."Teressa at Vivian. Tigil na ang katatanong— linisin niyo na ang kusina. Magigising na si young master maya-maya lang," ani ng matandang butler. Mukhang nasa 60s na ito."Marunong ka magluto?" tanong ng butler. Tumango-tango si Vivian. Siya ang madalas magluto sa mansion nila para sa mag-ama niya.Hindi niya akalain na magagamit niya ang pagiging housewife niya sa trabaho.Nag-start na magluto si Sonia. Bacon, hotdog egg, gumawa din siya ng sandwitch para sa bata, cookies at milk."Mommy? Where's mommy!"Napatigil si Sonia sa pagbaba ng plato sa table. Nakita niyang tumatakbo si France."France!""Young master!"Agad na lumabas si Sonia. Pinipigilan ng butler ang batang lalaki na lumabas ng living room."Mommy!"Agad na tumakbo ang batang si France at niyakap si Sonia. Akala ni France ay umalis na si Sonia.Binuhat ni Sonia ang bata at sinabing nag-prepare siya ng maraming yummy foods.Napatigil si France at tumingin sa kusina. Kuminang ang mata ng bata."Mommy ikaw nag-prepare?" tanong ni France. Ngumiti si Sonia at binaba ang bata. Sinabing siya ang nagluto.Alam ni Sonia na alam na ni France na hindi siya ang mommy nito. Ngunit patuloy pa din ito sa pagtawag sa kaniya ng mommy. Hinayaan niya na dahil naaawa siya sa bata— mukhang namimis na nito ang ina.Pinaghanda ni Sonia ng makakain si France at mukhang gusto nito ang mga niluto niya."Masarap si daddy magluto ng foods pero hindi ng mga dry foods. Ayoko nagluluto siya ng dry foods kahit favorite ko iyon dahil last na nagluto siya— kung hindi super sunog— hilaw," ani ni France habang kumakain. Natawa si Sonia matapos marinig ang nga hinaing ni France.Napangiti ang mga naglilinis na katulong. Sa araw na iyon may nagbago sa mansion ng mga Martinez. Naririnig na nila ang boses ng young master nila tumatawa at nagkukwento."Kapag narinig iyan ng daddy mo sure ako sasama ang loob 'non," ani ni Sonia. Humagikhik si France at sinabing kahit ang mommy niya nilalait ang luto ni daddy niya pagnasusunog ni daddy iyong bacon.Lumambot ang expression ni Sonia matapos marinig iyon. Tinanong ni Sonia kung namimis ni France ang mommy niya. Napatigil si France. Napaayos ng upo si Sonia."Pasensya na dapat hindi ko sinabi iyon," ani ni Sonia. Bigla kasing bumakas ang lungkot sa expression ni France."I miss my mom but— I'm so thankful because she choose to give up para hindi na siya nasasaktan," ani ni France. Nagulat si Sonia. Gusto niya pa magtanong ngunit sa tingin niya wala siya sa lugar para itanong pa iyon. Bata pa si France.Chapter 6HINDI ko alam kung anong oras na 'nong nagising ako. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa tabi ni France at tiningnan ang batang lalaki na mahimbing na natutulog. Tingingnan ko ang table at nakita doon ang alarm clock na may penguin na design. Alas kwatro na ng umaga. Naghihikab ako na binaba ang mga paa sa sahig at tumayo. Sa gabi na 'yon hindi ako nagising sa pagi-sleepwalk ni France. Mukhang effective iyong paglalakad-lakad namin tuwing gabi bago matulog. Inayos ko muna ng higa ang bata at aalis ako nang may maliit na kamay ng humawak sa daliri ko. Paglingon ko nakita ko si France na gising na. "Mommy," inaantok na sambit ni France. Napatakip ako ng bibig dahil sa sobrang cute ni France. Ayaw ni France na umalis ako kaya sinama ko na ito sa kusina. Buhat ko ang bata habang nagpi-prepare ako ng breakfast. "Manager, lower your voice. Tulog na mga tao dito."Napatigil ako 'nong makarinig ako ng pagbukas ng pinto at mga boses sa living room. Nagpababa si France at tumaw
Chapter 07NAKATAYO ako ngayon sa harap ng pintuan ng room ni Fabian. Kumatok ako sa pinto at noong marinig ko ang boses ni Fabian ay binuksan ko iyon dala ang tray. Nakita ko siya na nakaupo sa gilid ng kama, may suot na salamin nakapantulog at mukhang nagbabasa ng script. "Sir Fabian," tawag ko. Napatigil si Fabian at napatingin sa akin. Sinabi nito na ibaba na lang sa coffee table 'yong tray. "Kumain na ba kayo ng dinner sir?" tanong ko after ko ilapag ang tray. Sinabi ni Fabian na nag-lunch siya ng kaunti kanina. Nilipat nito ang script at mukhang nahihirapan mag-focus. "Anyway, busy ka ba Sonia? Pwede mo ba ako tulungan sa script ko? Kung hindi naman nakakahiya sa iyo," ani ni Fabian at bumuga ng hangin. Sinabi nito na nahihirapan siya sa new project niya. Nakatingin lang ako kaya napatingin siya then sinabi na dadagdagan niya sweldo ko."Papayag ako sir sa isang kondisyon," ani ko. Biglang nagkaroon ng hope sa expression nito at hindi ko maiwasan matawa dahil kamukhang- kam
Chapter 08Lumabas kami ng room ni France. Sinabi ni Fabian na secretly nagpapa-check up si France sa psycharatist at under ito sa treatment. Gusto ko magtanong kung bakit nagkakaganoon si France ngunit— napahawak ako sa isang braso ko at tahimik na lang bumaba ng hagdan. Sinundan ko si Fabian. Wala ako sa lugar para magtanong pa. Nanny lang ako ni France at sigurado na kung dapat ko malaman ang reason hindi magdadalawang isip si Fabian sabihin sa akin iyon. "Magiging ayos lang si France hindi ba?" tanong ko. Umupo si Fabian sa sofa sinabi na maya-maya pagkagising ni France ayos na ito. "Mostly sa nangyayari nakakalimutan niya."Sa reaksyon ni Fabian mukhang hindi iyon ang unang pagkakataon. Hindi ko alam kung wala ito pake, kampante or talagang wala lang ito magawa kung hindi maging kalmado. Tinanong ni Fabian kung pwede na sila mag-proceed ulit sa scene nila. Napatigil ako at tinanong si Fabian kung maglalagay pa ba ako ng benda. Mukha kasi siya hindi komportable kanina 'nong
Chapter 09Dinampot ko ang newspaper na nasa pinto lang ng mansion at pumasok ulit sa loob. Sinara ko ang pinto at tumungo sa dining table para ilagay iyon sa lamesa katabi ng cup of coffee ni Fabian. Tuwing umaga kasi habang naguumagahan ay nakikita ko nagbabasa si Fabian ng newspaper kaya naman ako na kumukuha 'non sa labas at inilalagay iyon sa table. Hindi naman ako mahilig sa mga news at gossips kaya naman hindi ko inabala silipin iyon ngunit— nahagip ng mga mata ko ang litato ng husband at bestfriend ko. Nasa front page iyon. Nanlamig ako after mabasa ang about sa engagement ni Victor at Themarie. Hindi ko pa napipirmahan ang divorce paper at wala pa isang buwan 'nong pinalayas nila ako sa mansion. Biglang nawalan ng lakas ang tuhod ko at bago pa ako bumagsak may humawak sa braso ko. Napalingon ako at nakita ko si Fabian. Agad niya na nabawi ang kamay niya at kinuha ang hawak ko na newspaper. "A-alam mo ang about dito?" nanginginig na tanong ko. Biglang sumikip ang dibdib k
Chapter 10"Masama magsayang ng pagkain. Ako na kakain."Kinuha ko ang mga nasunog na bacon. Dapat chineck ko ang kawali. Nakalimutan ko. Sayang ang pagkain. Napatigil ako 'nong kuhanin ni Fabian ang plato na hawak ko. "Ako na kakain. Ako nagsalang nito kanina at dapat pala sinabi ko sa iyo," ani ni Fabian. Pareho kami natawa ni Fabian after ma-realize na napaka-useless ng Pinag-aagawan namin na dalawa. "Nasaan na 'yong bacon?"Napatingin ako sa plato na nasa harapan ni Fabian. Nawala 'yong sunog na bacon. Sabay kami lumingon kay France na kasalukuyang may nilalantakan. "Stop fighting. I already eat them," ani ni France at ngumiti ng malapad. Napatigil kami pareho ni Fabian. "Baby, nasunog 'yon. Masyado matapang ang lasa," ani ko na nanlalaki ang mata at hinawakan ang panga ni France. Hinawakan ni France ang wrist ko then tumawa. "Lagi sunog ang luto ni daddy. Sanay na ako mommy!"Napalingon ako kay Fabian. Agad nito tinaas ang kamay sinabi na hindi talaga siya marunong magluto.
Chapter 11"Sir Fa—Fabian," mas lalo ako naiyak after makita si Fabian na agad binitawan ang hawak na payong. Walang pagdadalawang isip nito na ibinalot ako sa malaki niya na coat at binuhat na lang ako. Pareho kami basa na ngayon ay naglalakad palayo sa mansion. Hindi ko na nagawa pa maka-react. Hindi ko nga alam kung paano nakauwi ako dahil nakita ko na lang sarili ko na nasa ibabaw ng kama at nakaupo. Inaabutan ako ni Fabian ng maiinom. Dahan-dahan ko iyon kinuha at ikinulong ko iyon sa mga palad ko. Ang lakas ng loob ko na pumunta doon at mataas ang confidence ko na hindi nila ako makikita na umiyak ngunit— lahat yata ng tapang ko parang bula na nawala after ko makita ang anak ko. Bilang ina nakakadurog ng puso makita ang anak mo na umiiyak at tinawag ka. Muli ko naramdaman ang mga luha galing sa mata at pumatak iyon sa likod ng palad ko. "Hindi ko maintindihan sir Fabian. Ano ba nagawa ko mali sa kanila para gawin ito sa akin?""Iyong bestfriend ko na since highschool na p
Chapter 12"How about i-start mo na tawagin ako na Fabian? Sir ka ng sir," ani ni Fabian. Magkaharap kami ngayon sa dining table. Nahihiya na umiling ako. "Hindi pa ako komportable," ani ko na ngayon ay nakayuko. In some reason bigla tumawa si Fabian. "Nahihiya ka pa din? After the we share a kiss and—"Nagulat ako at mabilis na tinakpan ang bibig ni Fabian. Namumula ang mukha na sinabihan ko ito na huwag maingay. Tiningnan ko si France na katabi ang manager. Sinusubukan ng manager si France at mukhang mga wala naman narinig. Hinawakan ni Fabian ang wrist ko at bahagya binaba iyon. "Muntikan mo na matabig ang mug."Napatigil ako then napatingin sa lamesa. Hawak ni Fabian ang mug na nasa harapan ko. Sakto kasi na pag-uklo ko mukhang matatabig ko 'yong mug. "Nagbibiro lang ako. Umupo ka na," ani ni Fabian. Nahihiya na umupo ako— tiningnan ko si Fabian na bigla na lang sumeryoso ang mukha. Gusto ko magtanong kung may split personality ba ito. Pinanood ko lang si Fabian na kumuha n
Chapter 13Hindi ko na napansin ang oras dahil sa energy ni France at Fabian na parang hindi mga napapagod. Wala naman sila ginawa maghapon kung hindi bumili ng mga accessories, bags at shoes ko. Noong pare-pareho na kami nakaramdam ng gutom pumunta kami sa isang restaurant. Agad kami nakakuha ng table dahil nagpa-reserved na nga doon si Fabian 2 hours ago. Malapit kami sa glasswall tapos kitang-kita ko doon ang ibaba ng shop. Nasa third floor kami at base sa pagkakarinig ko vip area ang floor na 'yon at may napakaganda na view. Masyado napalalim ang pag-iisip ko at narinig ko na nago-order si Fabian. Iyong part na walang beans lang narinig ko. Napatingin ako kay Fabian. "Gusto mo ba ng wine?" tanong ni Fabian sa akin. Agad ako na umiling. Nag-order na lang si Fabian ng juice. Ilan sa mga babae na nandoon ay nakatitig kay Fabian na parang nasa isang fashion show. Pretenteng nakaupo ang lalak, naka-cross arm at cross leg habang tinatanaw ang labas. Sino ba hindi mapapatitig sa lal
Special Chapter"Oh my! Si Sonia!"Nagsigawan ang mga fans after makita ang sasakyan na papasok sa set kung saan gaganapin ang next drama ni Sonia. Pagkababa ni Sonia agad siya pinalibutan ng mga bodyguard niya at sinabihan ang mga fans na huwag lalapit. "Ang ganda talaga ni Sonia! Mukha siyang anghel!"Ngumiti lang si Sonia at kumaway. Nag-sorry siya dahil bawal siya magbigay ng autograph. "Nagmamadali ako," ani ni Sonia at nag-thank you. Dire-diretso si Sonia sa loob at sinalubong agad siya ng mga staff para ayusan. Dinala si Sonia sa tent at sinimulan lagyan ng make up. After ng maraming treatment at operation bumalik na din sa dati ang mukha ni Sonia. Mas gumanda pa nga ito dahil doon. Mas naging flawless ang face ni Sonia kaya kahit saan ito pumunta ay agaw pansin agad ito. "Mas maganda si Sonia sa personal."Napa-wow ang ilang artist din ngayon na nasa set at nakatitig kay Sonia na kasalukuyang nagbubukas ngayon ng script. "Sonia, himala wala dito asawa mo."Napaangat si
EpilogueLumipas ang mga buwan at taon. Pagkatapos ng aksidente at makalabas ng hospital si Fabian bumalik na kami sa work. Agad namin inasikaso ang drama na magkasama kami na dalawa and as expected super naging smooth iyon to the point na abo't abot ang natatanggap namin mga compliment sa mga director bukod kasi sa smooth parehong napaka-flawless ng acting namin na dalawa ni Fabian. Hindi ako naga-assume pero mas nakita namin iyong 100% acting skills ni Fabian 'nong maka-partner niya ako. Hindi din ni Fabian masyado need mag-effort sa character niya kasi natural na lumalabas pagiging sweet, caring at childish ni Fabian kapag nasa harapan ko. Halos maglupasay si Hirayu sa harapan namin na dalawa after makita ang whole series ng buong drama at biniro pa nito na kami na pwede na siya mamatay. Perfect na perfect daw talaga kami sa drama. Ngayon nasa isa kaming conference at maraming nakapaligid sa amin na camera nagsimula na magtanong ang mga reporter siyempre about iyon lahat sa dr
Chapter 59"Look i'm okay. Ayoko kumain."After magising ni Fabian sa aksidente bigla na lang ito nanlamig sa akin at kapag kasama niya ako gusto niya ako palagi paalisin. Ganito siya sa mga lumipas na araw 'nong una iniintindi ko siya dahil baka iritable lang ito dahil nasa hospital lang ito buong araw pero nagtagal— feeling ko nanadya na siya at kapag kakausapin niya ako hindi niya ako tinitingnan sa mata. "Gusto mo ba lumabas? Kukuha ako ng wheel chair. May magandang garden sa baba," ani ko na may kalmado na boses kahit ang totoo naiinis na ako. Agad na sumagot ng no si Fabian. "Gusto ko matulog," bulong ni Fabian at bahagya umikot paharap sa kabilang side. Nahawakan ko ng mahigpit iyong hawak ko na tray. "Ayaw mo na ba sa akin?" tanong ko. Nakita ko na bigla nanigas katawan ni Fabian. Sa inis ko malakas ko na hinagis iyong tray sa sahig dahilan para mapaharap ito sa akin dahil may laman din iyon na soup natapon ang iba 'non sa kamay ko. Masakit at mahapdi pero hindi iyon maik
Chapter 58"Sonia."May gumising kay Sonia kaya napabalikwas ang babae sa bangon. Nakita niya si Amara at Sophia na nag-aalala nakatingin sa kaniya. "Dinner na, kumain ka muna. Nagdala kami ng pagkain kainin niyo ni France habang mainit pa," ani ni Amara. Napatigil si Sonia at luminga-linga. "Nasaan si France?"Napatayo si Sonia. Nagtataka siya tiningnan nina Sophia sinabi na katabi lang ni Sonia kanina doon si France. Abo't abot ang kaba ni Sonia dahil sa pagkakaalala niya ay tulog si France sa lap niya kanina. "Oh my god! France!"Napatakbo si Sonia sa kabilang bahagi ng hallway at ginala-gala ang paningin sa paligid. Abo't abot ang kaba ni Sonia dahil nawala sa isip niya na nagi-sleep walk si France at baka mapaano ito. "France—"Napalingon si Sonia at nakita niya si Francis. Gusot ang mukha ni Francis tinanong si Sonia kung ano sa tingin nito ang ginagawa niya. Naiiyak na napaupo si Sonia sa sahig after makita si France na natutulog sa mga braso ni Francis. "Ano ba ginagawa
Chapter 57"Ayos lang ba outfit ko?"Nag-aalala ako lumingon kina Sophia at Amara na nakaupo sa sofa then umikot sa harap nila. "How is it?" tanong ko. Nag-thumbs up si Amara at sumigaw ng slay. "Ang ganda! Bagay na bagay sa iyo Sonia!"Napangiti ako then tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Itim iyon na dress na may mga disenyo ng bulaklak at nababalutan ng pulang mga burda. Wort it iyong apat na oras na pamimili namin ng mga dress at pag-aayos. "You're so pretty mommy," komento ni France. Napangiti ako at nag-thank you sa mga baby ko na super gwapo din ng gabi na iyon. Naka-suot ang mga ito ng tuxedo na halos pareho lang ng design sa akin. "Ayos na ba kayo? 2 hours na lang before mag-start ang screening," ani ni Fabian na bigla na lang tinulak ang pintuan at napako ang tingin sa akin. Nagtaka ako dahil hindi na ito gumalaw at parang natulala sa akin. Natawa ako at nako-curious ano naman sunod na drama nito. "Miss, single ka ba? Can i get your number?" tanong ni Fabian afte
Chapter 56Noong ipapasok na ni Victor si Sonia sa sasakyan may humawak sa batok ni Victor at bigla ito hinila. Nabalya si Victor sa sahig na kinamura ng lalaki. Napatigil si Sonia at lumingon sa lalaki na nagbalya kay Victor sa sahig. May kahabaan ang buhok nito at puno ng tattoo. Familiar ang amoy nito na may pinagsamang amoy ng kalawang at lumang kahoy. "Anong—""Ang lakas naman ng loob mo na kidnap-pin ang sister in law ko sa sarili nilang mansion," ani ni Francis. Halos mawalan ng kulay ang mukha ni Victor after niya makita si Francis at titigan siya nito sa mata. Sa isip ni Sonia pareho sila ng naging reaksyon 'nong makita niya si Francis 'nong unang besee. Bukod kasi sa kamukha ito ni Fabian kakaiba ang dating ni Francis. Tila kaya ka nito patayin sa titig lang. Sumugod si Victor ngunit agad siya naiiwasan ni Francis at noong nagkaroon ng pagkakataon si Francis hinawakan niya sa ulo si Victor at hinampas ang ulo sa pinto ng sasakyan. Napatakip ng bibig si Sonia after mawa
Chapter 55"Dahil ayaw din ni Serenity ipaalam sa iyo. Masyado masama loob sa iyo ni Serenity to the point na kahit pangalan mo ayaw niya marinig," ani ni Fabian. Nanginginig na sinabi ni Francis na wala siyang kasalanan. Aksidente ang nangyari. "Alam ko at alam ko na naniniwala si Serenity na wala ka kasalanan," ani ni Fabian pagkatapos bumuga ng hangin at pinantayan si Francis. "Kahit hindi sinasabi ni Serenity alam ko na walang araw na hindi ka niya hinihintay kahit imposible na dumating ka," ani ni Fabian. Napatigil si Francis at inangat ang tingin. Napatayo si Francis at sinigawan ito sinabi na huwag siya lokohin ni Fabian. "Alam ko galit na galit sa akin si Serenity! Kasalanan ko ang lahat bakit—""Cut it out kung iyan ang sinabi sa iyo nina mom at dad," ani ni Fabian na kinatigil ni Francis. "Kami ni Serenity ang pinakanakakakilala sa iyo at siguro nga masama loob ni Serenity pero alam ko na hindi iyon dadating sa punto na sa galit niya gusto ka niya mahirapan at maging ma
Chapter 54"Fabian!"Inatake ni Fabian si Vincent. Before pa makapagpaputok ng baril iyong isang pulis ay agad ito sinipa ni Jomari na siyang nag-aral din ng self defense. Naglabas ng tubo ang batang lalaki sa rehas at nakita iyon ni Sonia. Agad iyon kinuha ng babae. "Malakas na hinampas ni Sonia ng tubo ang braso ng isang pulis nang papaputukan nito si Fabian na nakikipagsuntukan kay Vincent. Napatumba ni Vincent si Fabian. Nanlaki ang mata ni Sonia after makita iyon. Sinipa pa ni Vincent sa mukha si Fabian. "Lumayo ka sa asawa ko! You demon!"Nanlaki ang mga mata nina Fabian at Jomari after walang pagdadalawang isip na hinampas ni Sonia ng tubo sa ulo si Vincent. Hinawakan ng babae mula sa airvent ang paa ni Vincent at hinila iyon. Na-outbalance si Vincent at humampas ang ulo nito sa lumang fountain na nasa gilid ng airvent. Napalunok sina Jomari like bigla yata sila nagkaroon ng trauma sa mga babae pati iyong dalawang pulis na ngayon ay nakadapa sa sahig natulala. Isa sa m
Chapter 53Hinawi ni Fabian ang mga sanga na nadadaanan nila sa gayon ay hindi matamaaan ang asawa. "I'm fine," ani ni Sonia at nilingon ang asawa na nasa likuran niya. "Masyado madami sanga dito masusugatan ka," ani ni Fabian na pinapagpagan ang coat niya. "Lovebird mukhang puro pader lang talaga nandito," ani ni Jomari na nakatayo sa harapan ng pader at tumitingin sa paligid. Lumapit na si Sonia kasunod si Fabian. Inikot nila ang mga pader hanggang sa makarating sila malapit sa gate. "Nasaan na si Madrigal? Hindi naman niya siguro nakita si father Vincent hindi ba?" Napatigil sina Sonia. Narinig nila usapan ng mga officer na nakatayo malapit sa gate. "Pinatawag siya sa office kanina sigurado wala na iyon dito."Nagkatinginan sina Sonia at Jomari. Sigurado sila na may tinatago nga sina Vincent sa lugar na iyon. Bumalik sila sa sasakyan at tinawagan ni Fabian ang ina niya para sunduin sina France at dalhin muna sa mansion nila. "Hindi namin alam ni Sonia ano oras kami makaka