Home / Romance / The Billionaire's Two Wives / Chapter Twenty-four

Share

Chapter Twenty-four

Author: Cinnamon
last update Last Updated: 2021-11-09 17:28:48

HINDI nagsasalita si Megara habang abalang nagtitimpla ng kape para kay Russel. Nakaupo na ang lalaki sa silya nito at kanina pa nakatingin sa kaniya. Alam niyang gusto siyang kausapin ng asawa ngunit naghahanap lang ito ng tamang tiyempo.

Kagabi nang makabalik ito mula sa party'ng pinuntahan ay nagpanggap siyang tulog na. Ang paalam nito ay sandali lang sa dadaluhan subalit inabot ito nang ilang oras.

Masiyado nang maraming problema ang iniisip niya kaya ayaw na niyang dagdagan pa ang mga ito. Isa pa, kung ano man ang dahilan kung bakit hindi alam ni Aliyah ang party na dinaluhan nito, sigurado siyang may dahilan. Hindi na nila kailangan pang pag-usapan iyon dahil alam niyang hindi siya magagawang lokohin ni Russel.

She married Russel Lacuesta; the rich womanizer who changed himself for the better just for her. Kung lolokohin lang din siya nito, hindi na ito dapat pang nagpakasal sa kaniya.

Nang ilapag niya sa tabi nito ang tasa ng kape, mabilis na hinaw

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lalaine Rambo
Paktay na Russel mahuhuli kn ata..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Twenty-five

    ALAS-SAIS na ng gabi ngunit nasa daan pa rin si Megara, tila wala sa sariling naglalakad at hindi alam kung saan pupunta.Kanina nang malaman mula sa babaeng si Aliyah na ilang araw nang umuuwi nang maaga si Russel, kahit na gabi na ito laging dumadating sa bahay nila, tila siya nabibingi at hindi magawang mag-isip nang tama.Hindi niya alam kung ano ang iisipin sa lalaki. Malaki ang tiwala niya rito at hindi niya kayang maniwala na may ginagawa itong kalokohan. Pero ano pa bang rason? Bakit ito umaalis sa opisina nang maaga pero late nang umuuwi sa kaniya?Muli siyang tumigil sa paglalakad nang makakita ng isang coffee shop sa kabilang kalye. Ilang ulit siyang lumunok bago tumawid ng daan at pumasok sa loob. Ang plano niya ay uupo muna roon at magpapalipas ng oras.Matinding emosiyon ang nararamdaman niya. Hindi niya kayang umuwi sa bahay nila dahil paniguradong hindi maganda ang kalalabasan. Baka kapag umuwi siya at nagkita sila ni Russel, kung hindi si

    Last Updated : 2021-11-10
  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Twenty-six

    TATLONG araw na rin ang lumilipas, puno na ng text messages at missed calls ang cell phone ni Russel dahil sa paulit-ulit na pag-contact sa kaniya ni Narissa. Tatlong araw na rin siyang hindi nakikipagkita sa babae.Lagi niyang ginagawang busy ang sarili at nakikipag-meeting sa mga kliyente nila sa labas ng opisina. Ginawa niya iyon upang kahit magpunta si Narissa sa office niya, hindi sila magkikita ng babae. Pagkatapos naman ng mga trabaho niya, agad na siyang umuuwi sa bahay para makasama si Megara.Ilang ulit niyang nilinaw kay Narissa na kailangan muna niya ng espasiyo. Sa katutuon niya ng atensiyon sa dalagang modelo, hindi na niya nababantayan ang asawa. Malakas ang pakiramdam niya na may inililihim sa kaniya ang babae.Sa loob ng tatlong araw, naging normal naman ang kilos ni Megara, maliban na lamang sa ilang beses nitong pagpasok sa banyo dala ang cell phone nito. Minsan ay matagal itong nananatili sa loob, minsan naman ay mabilis lang, ngunit alam niy

    Last Updated : 2021-11-11
  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Twenty-seven

    "MAY lalaki ka ba?"Salubong ang dalawang kilay, lumingon si Meg at tinitigan siya na parang hindi makapaniwala. Bakas ang pinaghalong inis at pagkalito sa mukha ng babae."Are you seriously asking me that?"Matagal niya itong tinitigan. Siya man, gustong saktan ang sarili dahil sa mga naiisip niya. Asawa niya si Megara, kilala niya ito. Hindi magagawa sa kaniya ng babae ang magloko, pero napa-paranoid na siya. Siguro dahil ginagawa niya kaya takot siyang gawin sa kaniya."Sino ang lalaking iyon?""Sinong lalaki ba ang tinutukoy mo?" Bahagyang tumaas ang boses ni Megara. Halata niyang hindi na ito komportable sa pinag-uusapan nila."Iyong lalaking nagmamatyag sa iyo sa labas. Sino siya? Stalker mo ba? Dati mong karelasiyon, o baka naman may namamagitan sa inyo?"Lalong lumalim ang mga gitla sa noo ng babae. "Ayusin mo nga iyang pananalita mo, Russel! Of all people, ikaw dapat ang nakaaalam na hindi ko magagawa iyang pinagsasabi mo!"

    Last Updated : 2021-11-12
  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Twenty-eight

    MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Megara matapos marinig ang paliwanag ng lalaki sa harap niya."Pasensiya ka na talaga, Meg. Pinaghahanap na ako ng mga pinagkakautangan ko. Dahil sa takot, napilitan akong magsinungaling sa lahat ng taong naghahanap sa akin."Pinagmasdan niya ang mukha ng binatang si Roy. Halata nga roon na problemado ito. Malalim ang itim sa ilalim ng mga mata nito at humpak din ang magkabilang pisngi."Pero ano ba talaga ang nangyari sa kaniya? Namatay ba talaga siya?"Hindi ito makatinging nagbaba ng mukha. "O-oo. Nandoon ako sa ospital nang ideklara ng doctor na dead on arrival siya."Malalim siyang nagpakawala ng hangin sa narinig. Tila hindi makapaniwalang napahawak siya sa sintido at pumikit.Kung talagang patay na ang ex niya, sino ang nagpapadala sa kaniya ng mga litrato nila na tanging siya at ang dating karelasiyon lamang ang mayroon!"Bakit mo nga pala naitanong? May nangyari ba?" usisa ng lala

    Last Updated : 2021-11-13
  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Twenty-nine

    GULAT ang mababakas sa mukha ni Narissa matapos nitong buksan ang pintuan ng condo unit nito at bumungad siya sa dalaga. Wala naman siyang paalam nang tuluyang pumasok sa loob at umupo sa mahabang sofa malapit sa balkonahe.Iyon ang condo unit ng babae na malapit sa opisina nila. Madalas itong maglagi roon sa tuwing may photoshoot itong gagawin.Sumunod naman sa kaniya ang dalaga. Naupo ito sa armchair sa kaliwa ng mahabang sofa na kinauupuan niya at mataman na tumitig sa kaniya."Bakit ka nandito? I already told you, may photoshoot ako ngayong araw.""Huwag kang pumunta," mabilis niyang saad rito at itinuon ang mga mata sa nakabukas na telebisiyon.Sumilay ang ngiti sa mga labi ng babae. Nakaarko ang kilay na inangat nito ang isang paa at ipinatong sa isa pa."Pinapapili mo ba ako?"Tumalim ang mga mata niya nang ibaling dito ang paningin. "Inuutusan kita."May ilang segundong natahimik ang babae dahil sa sinabi niya. Umikot a

    Last Updated : 2021-11-15
  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Thirty

    PAGSAPIT ng alas-sais y medya, nakaligo at nakapagbihis na rin si Russel nang abutan niya ito sa kuwarto nila. Pumasok siya sa kanilang walk-in closet at inilagay sa gilid ng pintuan ang laundry basket bago muling umalis.Hindi pa man tuluyang nakalalabas ng silid, huminto siya at nilingon ang lalaking abala sa pagsusuot ng mamahalin nitong relo habang nakatingin sa malaking salamin sa harap nito. Matagal niya itong tinitigan habang nagdadalawang-isip kung yayayain itong mag-agahan o hindi.Sa huli, nagpakawala siya ng hangin at tuluyang kinausap ang asawa. "Ready na ang breakfast. Bumaba ka na.""Sa office na lang ako mag-aagahan."Nawalan siya ng gana nang marinig ang sinabi nito. Nasaktan siya at sa parehong pagkakataon, nakaramdam din ng inis. Gusto niya itong lapitan at komprontahin. Kung anu-anong senaryo ang pumapasok sa isipan niya.Kumuyom ang mga kamao niya bago kinagat ang ibabang labi. "Gumising ako nang maaga para lang ipagluto ka ng b

    Last Updated : 2021-11-16
  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Thirty-one

    MATAGAL na pinag-isipan ni Russel ang mga sinabi ng kaibigang si Vicente. Mahigit kalahating araw na rin siyang nag-iinom sa loob ng restobar ng bagong nobya nito. Pilit niyang iniisip kung ano nga ba talaga ang dapat niyang gawin sa sitwasiyon na iyon.Sa loob nang limang taon, nagawa niyang pigilan at itago kay Megara ang totoong kalagayan niya. Ayaw niyang iparanas dito ang isang pagkatao niya na pilit na niyang ibinabaon sa limot.Sa tulong ng pagmamahal ng asawa, nagagawa niyang kontrolin ang halimaw sa loob niya. Pero simula nang dumating sa buhay niya si Narissa, tila nagising nito ang isang parte ng madilim niyang nakaraan. Ngayon na nagkakaroon na sila ng problema ni Megara, mas lalong tumitindi ang kagustuhang makawala ng halimaw mula sa loob niya.Nagbuga siya ng hangin nang maalala si Narissa. Ang dalaga ang tanging nakapagbibigay sa kaniya ng satisfaction na hinihingi ng katawan niya. Dito niya nailalabas ang init niya, pero sa tuwing napapalapit si

    Last Updated : 2021-11-17
  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Thirty-two

    MATAPOS ilapag ng waitress ang isang tasa ng kape, dalawang juice at tatlong sliced ng cakes sa ibabaw ng table nila, nagpasalamat siya sa babae na sinuklian naman nito ng isang ngiti. Nang makaalis ang waitress, saka niya binalingan sina Becka at ang asawa nitong private investigator. "Salamat talaga sa pagpunta." "Naku, wala iyon! Napakabait mo sa akin noong highschool pa tayo. Oras na rin para makabawi ako sa iyo." Malapad na ngumiti ang babaeng si Becka. Hindi pa niya nasasabi sa dalawa ang sadya niya. Iniisip niya pa rin kasi kung sakaling tanungin siya ng mga ito sa posibleng dahilan ng pagmamanman sa kaniya ng lalaki, ano ang sasabihin niya? Nakita niya ang pag-inom ng kape ng asawa ng kaibigan niya. Matangkad ito, medyo malaki ang pangangatawan at namumutla sa kaputian ang kutis. Matapos nitong ilapag ang kape, binalingan naman siya nito ng tingin. "Tungkol saan ang gusto mong imbistigahan ko?" Mahinahon ngunit malaki ang boses nito.

    Last Updated : 2021-11-18

Latest chapter

  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Ninety-three |3|

    MALAKAS siyang humiyaw nang makita ang nakabulagta na katawan ng lalaki sa sahig. Ilang ulit siyang umiling habang nangingilid ang mga luha sa magkabila niyang pisngi.Ilang segundong walang lumabas na boses mula sa bibig niya. Nakaawang lamang ang mga labi niya at sunod-sunod sa pag-agos ang luha sa magkabilang pisngi."R-Russel!" Sa wakas ay nagawa niyang isatinig habang nanginginig ang katawan niya sa labis na kilabot na nararamdaman. "Russel!"Muling tumawa si Narissa. Nangingilid ang luha sa magkabila nitong pisngi. Marahas siya nitong hinawakan sa braso at buong puwersang hinatak palayo roon."Bitiwan mo ako! Russel! Huwag!" Pilit inaabot ng kamay niya ang katawan ng lalaki, subalit marahas siyang hinatak ni Narissa.Kahit pa nang bumagsak siya sa sahig dahil sa pagpipilit na makawala rito, kinaladkad pa rin siya nito patungo sa pintuan.Pilit siyang pinatayo ng babae hanggang sa makalabas sila ng beach house."Ano'ng tinitingin

  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Ninety-three |2|

    NGUMISI ang babaeng si Narissa matapos niyang mahablot sa buhok si Megara. Hinigpitan niya ang pagkakakapit sa buhok nito bago nito bago kinuha ang baril na itinatago niya sa kaniyang likod."Ilang taon man ang lumipas, kahit kailan, hindi kita magagawang kalimutan, Meg! Kung hindi ka na rin lang magiging akin, hindi ka rin mapupunta sa kaniya!"Sa sinabi niyang iyon, malakas na humiyaw si Megara bago tinabig ang baril na hawak niya. Hindi sinasadyang mapaputok niya iyob kaya mabilis na nagtakip ng magkabilang tainga nito si Megara nang makawala sa kaniya.Napalingon naman siya sa pinto nang marinig ang paghinto ng isang kotse sa labas ng bahay. Mabilis niyang pinulupot ang mga braso sa leeg ng babae at tinutukan ito ng baril.Sumunod ay bigla na lamang bumukas ang pintuan ng bahay at bumungad sa kanila ang gulat na mukha ni Russel."Megara!"Ngumisi siya nang marinig ang nag-aalalang boses ng lalaki. Akmang lalapitan sila nito pero agad niy

  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Ninety-three

    MALAPAD na ngumiti si Narissa bago nginuso ang silyang katapang nito. Tila inuutusan siyang maupo roon."Mag-uusap tayo."Binawi niya ang paningin at binitiwan ang hawak na siradura. Huminga siya nang malalim bago tuluyang lumapit dito, subalit hindi na siya naupo at nanatili na lang na nakatayo."Hindi ko naisip na aabot ka sa ganito.""Ako rin," mabilis nitong tugon. "Ni minsan ay hindi ko inakalang magkakaganito ako. Ang dami kong tao na nagamit, para lang makaabot sa kung nasaan ako ngayon. Nagpanggap pa akong buntis ako, sinulsulan ang mga doctor, maipalabas lang na totoo ang kasinungalingan ko."Umiling siya sa babae. "Itigil mo na ito, Narissa. Tama na. Magbagong-buhay na tayo.""Nasasabi mo iyan kasi masaya ka. Paano naman ako?" Lumamlam ang mga mata ng babae.Mariin siyang lumunok. Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin, para lang makumbinsi ang babae na tumigil na."Hindi puwede, Meg. Hangga't hindi ka bumabalik sa

  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Ninety-two |2|

    MATAPOS maligo ni Russel ay naabutan nito ang asawa sa dulo ng kama. Nakaupo habang nakatulala sa kawalan. Agad siyang nakaramdam ng kaba nang maisip na baka may nangyari dito nang iwan niya.Mabilis niyang nilapitan ang asawa at lumuhod sa paanan nito. "Baby, what's the matter? I-inaway ka ba ni Narissa? May ginawa ba siya sa iyo?"Mabilis itong umiling nang mapansin ang galit at pag-aalala sa tono niya. Mariin itong lumunok bago yumakap sa kaniya nang mariin."Russel." Nagsimula itong umiyak habang yumuyugyog ang balikat.Nang dahil dito ay mas lalo siyang kinabahan. Mula sa pagkakaluhod, tumayo siya at naupo sa tabi nito."Ano ba'ng nangyari? Sabihin mo sa akin." Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at nag-aalalang tinitigan.Humihikbi itong lumuluha. Hindi ito nagsalita pero nagpatuloy lang sa pag-iyak. Lalo siyang nakaramdam ng takot nang dahil doon."Meg, tinatakot mo ako. Sabihin mo na sa akin, ano ba'ng problema?"P

  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Ninety-two

    MATAGAL binalot ng katahimikan ang dalawang babae matapos silang maiwan ni Russel. Nakakrus ang dalawang braso ni Narissa sa tapat ng dibdib nito, siya naman ay mataman na nakatitig sa babae.Nag-umpisang mangilid ang luha sa magkabilang pisngi niya. Nang makita iyon ni Narissa ay napapalunok itong nag-iwas ng tingin.Huminga siya nang malalim bago lumapit sa harap nito. Ilang ulit pa siyang huminga bago tuluyang lumuhod sa paanan ng babae. Patuloy sa pag-agos ang mga luha sa magkabilang pisngi niya.Tumalim naman ang mga mata ni Narissa. Pilit nitong iniiwas ang mukha sa kaniya ngunit hindi nito naitago ang pamumula ng mga mata."Please, please, nagmamakaawa ako. Riss, pabayaan mo na kami!"Kumuyom ang mga kamao ng babae, pero hindi ito natinag sa kinatatatuan"Please, huwag mong sirain ang pamilya na gusto kong buuin!" Ilang ulit siyang umiling pero tila walang pakialam si Narissa sa pag-iyak at pagluhod niya.Huminga ito nang malal

  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Ninety-one |2|

    HALOS manlisik ang mga mata ni Narissa habang nakatitig sa pader na nagsisilbing tanging harang sa silid na tinutuluyan niya at sa kuwarto nina Megara at Russel.Nanginginig ang mga kamao niya sa bawat ungol at halinghing na ginagawa ng dalawa. Nasisiguro niya na sinasadya ng mga ito ang ginagawa para marinig niya."Magbabayad ka sa ginawa mo. Sisiguraduhin ko na mababawi ko siya mula sa iyo!"Nangilid ang luha sa magkabila niyang pisngi, subalit marahas niya itong pinalis. Malayo na ang narating niya. Hindi siya papayag na mauwi lang sa wala ang pagtitiis niya.Noong gabing iyon, matagal siyang nanatiling gising habang nakatitig sa kawalan. Nang umabot ang alas-tres ng madaling araw, walang ingay siyang lumabas ng silid at bumaba sa kusina.Mabilis niyang tiningnan ang sariling cell phone para i-check kung may natanggap ba siyang mensahe. Mahina siyang nagmura nang makitang walang ni isang text doon.Kinuha niya ang baso ng tubig at mabilis

  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Ninety-one

    PAGSAPIT ng alas-siete ng gabi, nasa ibaba na si Russel at nagluluto ng pagkain, habang siya, nasa loob pa rin ng silid at iniisip ang mga dapat gawin. Nang lumipas ang mahigit limang minuto mula nang bumaba ang lalaki, mabilis siyang lumapit sa kulay mahogany na cabinet, saka kinuha ang ilang underwear niya sa loob.Mula sa suot niyang damit, mabilis siyang nagpalit sa isang kulay pulang bikini na bumagay sa kulay at hubog ng katawan niya. Nagsuot pa siya ng see-through white kimono bago tuluyang lumabas ng silid."Russel, makinig ka sa akin!"Naabutan naman niyang nagtatalo sina Russel at Narissa. Ayon sa narinig niya, pinagpipilitan ng babae na iwan na siya ni Russel at piliin ito at ang bata ng asawa niya.Tumalim ang mga mata niya. Hindi nga siya nagkamali sa hinala. Mabilis siyang lumabas mula sa pinagkukublihan. Nakatalikod mula sa kaniya si Russel at abala sa paghuhugas ng mga gulay kaya hindi siya agad napansin nito.Nakuha niya ang atensi

  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Ninety |2|

    NAPAPIKIT siya ng mga mata nang marinig ang gustong mangyari ni Narissa. Inuutos nito na magsasama silang tatlo sa iisang bahay hangga't hindi pa nito naipapanganak ang bata.Mariin siyang tumutol sa gusto nitong mangyari. "Kung gusto mo ng makakasama, ikukuha kita ng katulong.""Ayoko nga!" mataray nitong tugon nang balingan siya. "Dalawa tayong gumawa nito, dapat dalawa tayo ang mag-asikaso.""Narissa!""Ano ka, sinusuwerte? Matapos mong gumawa ng bata, ibibigay mo sa iba ang responsibilidad?" Inirapan siya nito bago pinagkrus ang dalawang braso sa tapat ng dibdib.Tapos na silang mag-agahan at kasalukuyang pinag-uusapan ang dapat gawin dahil sa sitwasiyon ni Narissa. Nang balingan naman niya ng tingin si Megara, mahinahon itong nakaupo sa silya. Nakatutok ang mga mata nito sa mesa, minsan naman ay mag-aangat ng mukha sa babae."Hindi ako papayag sa gusto mo. Mas nanaisin ko pang sirain mo na lang ako sa mga tao, kaysa hayaan kang tumira k

  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Ninety

    NANATILI sa loob ng silid si Megara habang nakatanaw siya sa pader. Yakap niya ang unan sa dibdib. Puno ng pangamba ang dibdib niya.Buong akala niya ay tapos na siya sa problemang ito, pero ngayong dumating na ang pinakahihintay niya, hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Ang galit na mayroon siya sa kaniyang dibdib, sa isang iglap, mabilis na naglaho.Ngayon ay kinukuwestiyon na niya ang sarili. Pakiramdam niya, siya ang may kasalanan ng lahat. Para bang siya pa ang nagdala ng problema sa kanila ni Russel.Nang hindi siya mapakali sa kinauupuan. Tumayo siya at nagpalakad-lakad sa harap ng kama. Nasa labas si Russel at nakikipag-usap sa babae, habang siya ay piniling magkulong sa kuwarto.Ramdam niya ang panginginig ng mga kamay niya. Nangingilid ang luha sa magkabila niyang pisngi, hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa takot.Tumigil siya sa paglalakad at naupo sa dulo ng kama. "Diyos ko, ano'ng gagawin ko?"Tumingala siya at umusal nang

DMCA.com Protection Status