Maaga akong bumangon ngayong araw at nagpaalam sa mga anak ko. Nagtungo naman na ako ng opisina ni Shine, hindi na rin ako nagulat ng muli kong makita si Samuel dun at naghihintay. Tiningnan ko pa si Shine at tinanguan lang ako, alam kong pipilitin din niya akong pumayag na sa offer. Nilingon ko si Samuel at seryoso siyang nakatingin sa akin.
“Let’s talk, follow me.” anas ko sa kaniya saka ko sila tinalikuran, naglakad naman ako patungong hagdan, ramdam ko naman ang pagsunod niya sa akin kaya nagpatuloy ako. Binuksan ko ang pintuan ng roof top ng building na ito saka nagtungo sa pinakangdulo kung saan kita ko ang ibaba. Tumayo naman sa tabi ko si Samuel at may kalahating dipa ang layo namin sa isa’t isa. “I will accept your offer but in one condition.” Saad ko, kita ko sa gilid ng mga mata ko ang paglingon niya sa akin.“Go on,” napabuntong hininga naman ako saka ko siya hinarap. Nakakunot ang noo niya ng magsTHIRDPERSON POV“May ipapagawa ako sayo Noah,” saad ni Samuel kay Noah ng nasa opisina silang dalawa. Salubong na salubong ang mga kilay ni Samuel dahil sa mga iniisip niya. Naghihintay naman si Noah ng idadagdag pa ni Samuel. “Gusto kong alamin mo kung ano pang dahilan ni Tiffany kung bakit gusto niyang bumagsak ang kompanya ni Bautista, alam kong may iba pang dahilan bukod sa niloko siya nito anim na taon na ang nakakalipas.” Saad nito, naalala niya ang reaksyon ng mukha ni Tiffany dahil desidido itong mapabagsak ang kompanya ng kaniyang ex-fiance.Palaisipan na sa kaniya simula pa lang kung bakit ganun na lang ang galit niya sa mga ito.“Maaasahan ba kita rito?” tanong niya kay Noah na tahimik lang.“Oo naman,”“Sa sobrang abala ko sa trabaho ko ni hindi ko man lang nalaman na isa siyang sikat na model sa London. May balita ka ba tungkol sa nagin
Nang matapos silang makakuha ay humarap na silang dalawa kay Samuel.“Okay na po, can we find now our yaya?” hindi makapaghintay na saad ni Daniel saka niya hinawakan sa kamay ng mahigpit ang kaniyang kapatid. Ayaw niyang mawala ito sa kaniya dahil hindi niya na alam kapag nawala ang kapatid niya sa malawak na lugar na ito.“Sure,” naglakad naman na sila patungong counter saka binayaran ni Samuel ang lahat ng mga nakuha ng mga bata. Binitbit niya naman na iyun ng mailagay na sa paper bag. Inilibot niya ang kaniyang paningin ng makita niya ang dalawang guard na tila may hinahanap. Nilapitan naman nila ito.“Hi, may hinahanap kayo?”“Yes Sir, kambal ang hinahanap namin na nawala sa supermarket. May nakita po ba kayo?”“Saan ko makikita ang yaya nila?” seryoso nitong tanong. Itinuro naman ng guard ang isang direksyon. Hindi naman na nagsalita si Samuel at hinawak
TIFFANY POV“Paniguradong pagkakaguluhan ka sa show ninyo, are you ready?” napabuntong hininga ako dahil sa tanong ni Shine.“Yeah, I know that.” iyun na lang ang nasabi ko sa kaniya.“Hindi ka lang pagkakaguluhan dahil sa model ka kundi dahil sa naging asawa ka ni Samuel. Sigurado ka bang okay ka lang kapag nakakabit sa bawat tanong sayo ang pangalan ni Samuel kasi hindi lang naman sayo eh, pati kay Samuel ganun din. Sana mapag-usapan niyo ang tungkol sa bagay na iyan.” Inihilig ko na lamang ang ulo ko sa sofa, alam ko namang kagulo ito sa mundo ng media. Ang naging asawa ni Samuel ay hindi nakita ng maraming taon kaya malamang kahit saan ako magpunta at nakita nila ay tatanungin ako.“Hindi namin kailangang mag-usap, bahala na.” sagot ko sa kaniya, napapailing naman sa akin si Shine. Hindi ko kayang magtagal sa tabi ni Samuel, hindi naman namin minahal ang isa&rsquo
Tumikhim na lamang ako at tinalikuran siya, kinuha ko ang heels at isinuot ko na lang iyun. Nagulat na lang ako ng agawin niya sa akin ang heels ko saka siya lumuhod sa harapan ko.“What are you doing?” tanong ko sa kaniya, pinagpagan pa niya ang heels ko saka niya ako tiningala.“Hayaan mong isuot ko ito sayo,” anas niya saka niya hinawakan ang paa ko at dahan dahan niyang isinuot iyun. Akala mo ay isang babasagin ang paa ko kung paano niya ingatan iyun. Heto nanaman ang puso ko, hindi ko nanaman maintindihan para akong nababaliw kapag ang isang Del Rosario ang kaharap ko. Ang mga maliliit na bagay na ginagawa niya ay hindi ko alam pero parang ang laking epekto sa akin. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kaniya ng tingalain niya nanaman ako. “Huwag mong susubukang takasan ako uli Mrs. Del Rosario.” Malambing ngunit may pagbabanta niyang aniya. Tumayo na rin siya, ako naman ngayon ang napapatingala sa kaniya. “Wait m
“Okay ready ready, any minute ay mag-uumpisa na tayo.” Halos aligaga ang lahat ng tao ngayon dahil sa event ng kompanya ni Samuel. Napabuntong hininga na lamang ako dahil maging ako ay nakakaramdam ng kaba dahil ito ang pinakamalaking event na gaganapan ko. Ako rin ang center kaya hindi ko maiwasang hindi rin kabahan.Mag-isa ko rito sa silid na ito at isang make-up artist. Hindi ako isinama ni Samuel sa mga model pa niyang iba. Tapos naman na ako ayusan at ano mang oras ay magsisimula na. Hindi naman ako ang unang lalabas dahil mamaya pa ako.“Do you want water ma’am?” abot sa akin ng isang staff. Kinuha ko na lamang ang iniaabot niya sa aking bottled water saka ako uminom ng kaunti lang. Nakakailang buntong hininga na lang ako sa kinauupuan ko.“Magsisimula na ang show!” sigaw mula sa labas ng silid na ito. Umayos na ako sa pagkakaupo, tiningnan ko na lamang ang mga alahas na isusuot ko at ganun na ri
“Nagkalayo lang tayo Tiffany at hindi tayo naghiwalay, walang divorce na nangyari at sa mga tanong mo iisa lang ang sagot ko, yes.” Napapikit na lamang ako, ano ba talagang plano ng lalaking ito? nagalit siya sa akin noon, pinalayas niya ako kahit na hindi kami nagkaroon ng divorce hindi niya na dapat ako trinatrato na akala mo ay mag-asawa pa nga kaming dalawa! “Please,” nakikiusap niyang aniya. Napabuntong hininga na lang ako.“Fine,” suko kong sagot. Kukunin ko na sana ang iba ko pang gamit ng kunin na iyun ni Samuel. Sabay naman na kaming naglakad palabas. Kalalabas pa lamang namin ni Samuel ng bigla niya akong itago sa likod niya dahil sa mga reporters na dinumog kami.“Mrs. Del Rosario, maaari niyo po bang sabihin sa amin kung anong nangyari sayo sa nakalipas na anim na taon?”“Mrs. Del Rosario, kahit kaunting pahayag lamang po mula sa inyo. Ang akala namin ay naghilaway kayo ni Mr. De
“Wala ka talagang ginawa kundi ang magpasikat no? Alam mo ang ganda na nga ng buhay mo sa ibang bansa diba? Kaya bakit ka pa bumalik dito at magpapasikat? Feeling Del Rosario ka pa rin?” napabuntong hininga na lamang ako dahil sa sinabi ni Ava. Papasok na ako ng kompanya ni Samuel ng harangin niya ako, sinubukan siyang harangin ng mga body guard ko pero pinigilan ko na lang sila. Gusto kong makita ang nabwibwisit na mukha ni Ava. “Mas maganda kung bumalik ka na lang kaya?”“Ano bang ikinagagalit mo sa pagbabalik ko Ava? Hindi ba at taga rito naman talaga ako at wala akong dahilan para hindi bumalik.”“May dahilan ka kung bakit ka bumalik, gusto mo pa ring magpapansin at angkinin si Samuel. Bakit? Kaya ba hindi mo pinirmahan yung divorce niyo kasi gustong gusto mong tinatawag kang Del Rosario? May kahihiyan ka pa ba sa katawan mo?” tinaasan ko naman siya ng kilay at bahagya pang natawa.“Anon
Lumabas naman na ako ng opisina ko at nakasalubong ko pa si Noah na papunta pa lang sa opisina ni Noah. Napatingin naman ako sa mga papel na itinago niya sa likuran niya.“Ano yang itinatago mo?” tanong ko sa kaniya dahil mabilis niya iyung itinago ng makita niya ako.“Wala lang naman, mga ilang dokumento ito ng kompanya.”“Dokumento lang naman pala pero kung itago mo akala mo naman kukunin ko.”“Ah hindi naman sa ganun,”“So why did you hide it?”“It’s nothing, matagal na kayong kasal ni Samuel, naghiwalay kayo pero walang naganap na hiwalayan sa papel. Alam mo bang hindi pa rin sa kaniya ang kompanyang ito?” napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Hindi pa rin sa kaniya ang kompanyang ito? Akala ko ba ay ibinigay na sa kaniya ito noong ikinasal na kaming dalawa?“What do you mean?”&ldqu
“Para saan ba talaga ang kwintas na yan Samuel?” panggugulo sa akin ni Noah. Ilang gabi ko na itong pinagpupuyatan at gusto ko ako mismo ang nagdesign ng kwintas na ‘to. Alam kong ang alam ni Tiffany ay marami akong ginagawa sa kompanya, ginagabi ako dahil pagkatapos ng trabaho ko ay ito naman ang ginagawa ko. Gusto kong maperfect ang design na ‘to. “Alam mo nagdududa na talaga ako sayo pare eh, pinakasalan mo ba si Tiffany dahil mahal mo siya o dahil lang talaga sa mana?” “Shut up.” “Masyado ka diyang seryoso, pre bagong kasal ka pero nandito ka sa opisina mo gabing gabi tapos yung asawa mo naghihintay sayo, kung naghihintay nga ba.” Napatigil na lang ako sa ginagawa ko dahil sa bwisit na bubwit na ‘to. “Joke lang, di ka naman mabiro.” “Get out, “Biro lang, sige na mananahimik na ako rito sa gilid.” “I said get out!” inis ko ng saad sa kaniya. Wala na siyang ginawa kundi ang bwisitin ako sa tuwing ito na ang ginagawa ko. Kakamot kamot naman siya sa ulong lumabas. Damn you Noah. G
Tahimik naman naming tinahak ang daan patungo sa kaniya. Gusto ko rin siyang makausap muna bago si Ava. Lahat naman kami nagkakamali, nakakagawa ng hindi tama. Nakakapag-isip ng hindi maayos, mapupuno ng galit ang puso mo at ang galit mo ay walang magandang patutunguhan, ang paghihiganti na akala mo ay makakapagbigay sayo ng satisfaction pero mali pala dahil hindi ka kayang pasayahin ng paghihiganti mo. Hayaan mong batas ang gumawa at tadhana na ang bahala.Ang mga akusasyon ni Ava na mali, masyado niya lang kasing napapansin ang mga taong nasa paligid niya. Hindi niya lang nararamdaman ang pagpapahalaga sa kaniya ng ibang tao dahil mas sinisilip niya ang iba.Mabilis naming tinahak ang daan papunta kay Ava matapos namin sa kaniya. Lumabas na rin ako sa kotse ng makarating kami, panay din ang yuko ng mga pulis na nakakasalubong ko.“Dadalawin ko sana si Ava Bautista.” Saad ko sa front desk. Pumasok naman na ako sa silid kung saan pw
Isang linggo na rin ang lumipas simula noong mangyari ang araw na yun. Noong mga nakaraang araw ay ramdam mo pa ang takot sa mga anak ko, halos hindi sila makatulog at makakain ng maayos. Mas pinili rin nilang manatili na lang sa loob ng bahay kaya medyo nahirapan talaga kaming kausapin sila pero ngayon okay naman na. Nakakatawa at nakakapaglaro na uli sila ng maayos at walang iniisip. “Daddy look out!” sigaw pa ni Daniel ng muntik tamaan ng bola ang Daddy niya. Mabilis namang nasalo ni Samuel ang bolang dapat ay tatama sa kaniya. Wala akong narinig kundi ang tawanan nilang mag-aama. “Mommy, ayaw mo po sumali?” “Kayo na lang muna baby, mas nag-eenjoy si Mommy na panoorin kayong naglalaro.” Sagot ko kay Sammy, nilingon naman ako ni Samuel at ngumiti kaya ngumiti na lang din ako. Masasabi kong kompleto na ang pamilya namin, wala ng ibang iniisip kundi ang kasiyahan ng bawat isa. “Bakit ang daya naman? Bakit kayo magkakampi?” rinig ko pan
“Pakiusap Samuel, makinig ka na lang.” “Pero Tiffany,” “Just listen to her, isipin mo ang mga anak natin. Hindi dapat nila ito nararanasan.” Nilingon ko naman siya at ipinakita ko sa kaniyang okay lang, magiging okay lang ang lahat. Wala naman na siyang nagawa at umatras na saka nakihalobilo sa mga taong nasa gilid. Nilingon ko naman si Ava. “Pakawalan mo na ang mga anak ko, ako lang naman ang kailangan mo at hindi sila. Nakikiusap ako sayo bilang ina, pakiusap Ava huwag mo namang iparanas sa mga bata ang ganitong klaseng pangyayari. Parang awa mo na.” “Oh sige, papayag ako. Meet your parents in paradise.” Anas niya saka itinutok sa akin ng mabuti ang hawak niyang baril. Lumandas sa pisngi ko ang maiinit na likido, nilingon ko si Samuel na nag-aalalang nakatingin sa akin. Ang mga anak ko ang mahalaga sa akin sa mga oras na ito, hindi dapat ‘to nangyayari dahil alam kong tatatak sa isip nila ang lahat. Naipikit ko na lamang
Dahil sa pag-uusap naming dalawa kahapon ay nakaramdam ako ng kaunting ginhawa. May ngiti akong pumasok ngayon sa kompanya niya at nababati ko na pabalik ang mga empleyado niyang bumabati sa akin. Ngayon na rin namin itutuloy ang naudlot na photoshoot namin kahapon. “Sigurado ka ng itutuloy natin ang photo shoot?” “Oo naman, ang tagal na nito saka medyo okay na ako oh.” Ipinakita ko pa sa kaniya ang ngiti kong hindi pilit kaya natawa na lang siya. “Okay, let’s go.” Anas niya kaya sabay na kaming nagtungo kung saan gaganapin ang photoshoot. Inayusan naman na ako ng make up artist saka ko isinuot ang damit na gagamitin ko. Alam kong magiging maayos din ang lahat, tiwala lang. “Okay ready!” muling sigaw ng photographer kaya umayos na ako saka ako ngumiti sa camera. “Good, nice one!” pagpupuri niya, inayos ko naman na ang performance ko ngayong araw dahil hindi na pwedeng macancel pa ito. Alam ko rin namang marami pang gagawin ang mga
Tumayo naman na ako at nilibot ang bahay na ‘to. Nakasunod lang naman si Nanay Belen habang kwenekwento niya ang tungkol sa mga magulang ko. Pumasok din kaming dalawa sa kwarto niya at ibinigay sa akin ang isang photo album, kinuha ko naman iyun at binuklat. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang lumalandas ang mga luha ko. Nahaplos ko na lamang ang imahe ng mga magulang ko habang masayang nakatingin sa akin. Base sa nakikita ko ay galing talaga ako sa masaya at mapagmahal na pamilya, ipinagkait lang sa akin ng mga Santos ang bagay na yun.Nakita ko rin ang picture naming dalawa ni Ava ng magkasama at ganun na rin ng mga magulang niya. Magiging matalik sana tayong magkaibigan kapag nagkataon, kapag hindi lang nangyari ang lahat ng ito.“Alam po ba ni Ava ang tungkol sa ginawa ng mga magulang niya?”“Hindi niya alam ang tungkol sa bagay na yun, nalaman niya lang na hindi kayo tunay na magkapatid ay noong bago
“Okay ready!” sigaw ng photographer ng maiset na nila ang lahat. Tumayo naman na ako sa gitna at sinubukan kong ituon dun ang atensyon ko pero parang hindi ko magawa. “Ms. Tiffany, may problema po ba?” umiling naman ako sa photographer saka sinubukan uling ngumiti sa camera pero naibaba na lang niya ang paningin niya sa camera. “Nakangiti ka pero hindi ang yung mga mata, magpahinga na po muna tayo dahil alam ko namang kagagaling niyo lang sa hospital.” “No its’s okay, wala pa tayong nasisimulan tapos pahinga agad?” “Okay lang po Ms. Tiffany hindi rin naman po tayo makakapagsimula kapag ganiyan pa rin ang itsura niyo.” Anas niya, napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko lang talaga maituon yung atensyon ko sa shoot. Naupo naman na muna ako sa couch at uminom ng tubig, hindi ko naman na nilingon kung sino ba ang umupo sa tabi ko. Nakakailang buntong hininga na ako, inaalala ko pa rin sila Mommy at Daddy, naging magulang ko rin naman sil
“Naku Ma’am kami na po rito, magpahinga na lang po muna kayo ron. Kalalabas niyo lang po ng hospital eh.” Pagtatanggi niya naman. “Just listen to her Tiff, magpahinga ka na muna.” Singit naman ni Samuel na bagong pasok ng kusina. “Pero nababagot na ako, pakiramdam ko tuloy hindi na nagana iba kong kalamnan dahil sa tagal kong nakatulog at nakahiga sa hospital.” “Sinabi naman ng Doctor na huwag mong bibiglain ang sarili mo diba? Ano bang gusto mo magtrabaho pagkatapos ay manatili nanaman sa hospital? You choose.” Napabuntong hininga na lang ako, ang galing talaga magpapili. Wala naman na akong nagawa ng hawakan niya ang kamay ko at naglakad kami papasok ng kwarto niya. “Ano bang gagawin natin dito?” “Sinabi ko naman sayong magpahinga ka na muna.” “Pero pwede naman sa pool o sa garden na lang ako, huwag lang sa kwarto.” Pinaupo niya naman ako sa kama niya habang nakatayo siya sa harapan ko kaya tiningala ko siya.
Mabilis namang lumipas ang mga araw. Masaya akong makakalabas na rin ako ng hospital, hindi naman nagmukhang hospital yung room ko dahil feeling ko nasa bahay lang ako. Pinadala naman na lahat ni Samuel ang mga gamit namin sa mga body guard niya kanina kaya wala kaming dala dala ngayong naglalakad palabas ng hospital. “Diretso na ba tayo sa bahay?” “Oo naman, saan mo pa ba balak pumunta? Namimiss ko na ang mga bata kaya sila muna ang pupuntahan ko.” “Baka gusto mo lang kasing pumunta muna sa condo mo.” “Dun na muna tayo sa mga bata. Gusto ko na silang makita.” Saad ko, hindi naman na umimik pa si Samuel. Marami na siyang nabiling mga pasalubong sa mga bata dahil iniutos niya na ito sa mga tauhan niya. Halos tatlong linggo ko silang hindi nakita kaya alam kong katulad ko ay nalulungkot din sila. Halos hindi ako makapaghintay bumaba ng buksan na ng mga security guard niya ang gate. Nang maiparada na rin ni Samuel ang sasakyan