“Let’s go?” sambit ni Samuel ng makagayak na ako. Tiningnan ko naman ang kabuuan niya at ang gwapo niya talaga, hindi siya nakasuot ngayon ng tuxedo na halos araw-araw kong nakikita sa kaniya. Isang simpleng damit lang naman pero bumagay talaga sa kaniya. Lumapit na ako sa kaniya at ikinawit ko na lamang ang kamay ko sa braso niya ng ilahad niya iyun. Kung titingnan mo talaga ay para kaming mag-asawa, mag-asawang nagmamahalan talaga.
Nang makababa kami ng elevator ay inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng paligid at talaga namang nakakamangha. Ito yung lugar na muntik kong tanggihan? My God Tiffany! What happened to you? Lihim akong napapangiti dahil sa ganda ng paligid, my dream. Hindi ko alam na yung pangarap kong bansa na gusto kong puntahan kasama ng makakasama kong tao habang buhay ay kay Samuel ko pa natupad. Okay lang naman at least natupad ko pa rin naman yung dream country ko. Ito yung mga pagkakataon na muntik kong hindi magawa para lang m“Not like that Sam, kahit ilang pictures pa ang kunin sa cell phone ko pero iisa yung posing nating dalawa at ang background useless din. Hinila ko na lamang ang kamay ni Samuel saka sinenyasan ang driver na sumunod sa amin. Nagtungo pa kaming dalawa sa ibang direction saka naghanap ng maganda pang spot. Nang makahanap naman na ako ay tiningnan ko si Samuel saka ako nagtungo sa likod niya. “You’re good in acting, right?” taas kilay ko pang tanong sa kaniya ng lingunin niya ako habang nasa likod niya ako.“What do you want?” tanong niya sa akin pero hindi ko na siya sinagot. Humawak ako sa dalawa niyang balikat saka ako tumalon at sumakay sa likod niya.“I just want a piggy back,” saad ko sa kaniya saka inayos ang pagkakasakay ko sa kaniya. Nanlaki pa ang mga mata ko ng hawakan niya ang pwet ko para mas itaas ako. Hindi naman ako pwedeng magreklamo lalo na at ako ang may plano nito. Naiilang man ako ay ipinagsa
“May balak ka pa bang puntahan?” tanong sa akin ni Samuel ng makababa kami ng sasakyan. Kaninang umaga pa kami namamasyal at halos malibot na namin ang magagandang tanawin dito sa Dubai.“Wala naman akong alam sa lugar na ito, ikaw na lang ang mamili kung saan magandang pasyalan.”“I thought this is your dream country?”“How did you know?”“Just don’t ask, I am asking if you have a place that you want to go before we go back.” Yes, this country is one of my favourite dream pero hindi ko rin alam kung saan ako pupunta.“Wala naman, ikaw na lang mamili kung saan maganda.” Anas ko sa kaniya. Uuwi na kami bukas kaya sinusulit na rin namin ang pananatili namin dito sa bansang ito. Magiging abala na rin si Sam bukas dahil iyun ang simula niya bilang bagong may-ari ng kompanya. Muling umandar ang sasakyan namin, nakatuon lamang ang mga mata ko sa la
*** Lumipas ang mga araw at kahit na nasa iisang bahay kami ni Samuel ay bihira kaming magkita. Maaga siyang umaalis ng bahay pero ginagabi pa rin sa pag-uwi. Wala naman akong pakialam sa bagay na iyun pero gusto ko lang naman siyang kausapin kung papayagan ba niya akong magtrabaho na lang sa kompanya niya. Naboboring na ako dito saka hindi porket asawa niya ako ay obligasyon niya ng lagyan ng pera ang banko ko. Gusto ko rin namang gumastos ng para sa akin na ako mismo ang nagpagod. Hindi porket mayaman na siya ay maglalagay na lang siya ng pera sa banko ko kung kailan niya gusto.Inabala ko na lang ang sarili kong nag-alis ng mga tuyong dahon sa mga halaman sa garden ni Samuel.“Akala ko pa naman para ka ng reyna sa bahay na ito, gardener ka rin pala.” Napalingon na lang ako ng marinig ko ang boses na iyun.“What are you doing here?”“Visiting you my sister, anong pakiramdam ng maging asawa ng i
Mabilis akong tumakbo papuntang banyo ng halukayin ang sikmura ko. Napahawak na lamang ako sa bowl ng cr dahil sa panghihina. Hindi ko alam kung may nakain ba ako kagabing hindi nagustuhan ng tiyan ko. Wala naman akong maalalang kinain ko kagabi kundi ang hapunan lang. Halos gusto ko ng isubsob ang mukha ko sa bowl dahil sa hilong nararamdaman ko. Kinapa ko ang noo ko pero hindi naman ako mainit, baka nga may nakain lang akong hindi maganda. Naghilamos naman na ako saka nagtooth brush at lumabas ng kwarto. Nakaginhawa naman na rin ako. “Good morning ma’am.” bati sa akin ni Anna ng makapasok na ako ng kusina. Nanguha na lang ako ng gatas saka naupo at uminom. Nakaramdam tuloy ako ng gutom dahil sa pagsusuka ko kanina, agang aga iyun ang sumalubong sa akin. Muli sana akong iinom ng gatas ko ng kunot noo kong tiningnan si Samuel na naka-tshirt lang at short. “What are you doing here?” tanong ko sa kaniya. Panandalian niya naman akong tinaasan ng kila
Malinis din ang tubig ng pool, talagang hindi napapabayaan kahit na bihirang gamitin. Nagamit niya na ba ito? parang sa sobrang busy niya ay hindi niya na maharap na libangin man lang ang sarili niya.“Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap.” Napalingon ako kay Samuel, hindi ko naman siya sinagot. “I’m sorry about lately, I just don’t want to hear some things about us. Ayaw ko ng naririnig kong namamayat ka dahil nasa pangangalaga kita, na hindi kita kayang pahalagahan.” Taas kilay ko siyang nilingon pero iniwas niya lang sa akin ang paningin niya. “I hate gossips.” Dagdag pa niya.“What do you mean?”“It spreading in my company na pinakasalan kita dahil sa mana.”“Hindi ba at iyun naman ang totoo so what’s the problem?”“I know but I hate it, I deserve the company. My blood, my sweat, my tears is my capital in that
“Huwag kang feeling reyna kahit saan ka magpunta Tiffany, tandaan mo hindi ka mahal ni Samuel.” Gusto ko na lamang matawa dahil sa mga sinasabi niya. Hindi ko na kilala si Ava ng dahil lang sa lalaki ay nagkakaganito siya. “Ano pa bang pakialam mo Ava? Mahal man ako o hindi ni Sam ay wala ka na dun dahil kasal kami.” “Malandi ka, lahat na lang ng meron ako ay inaagaw mo! hindi ka ba marunong makontento?!” “Look who’s talking. Look at yourself in the mirror Ava saka mo tanungin ang sarili mo. Wala akong inagaw, ikaw ang nang-agaw.” Gusto ko siyang sigawan but I need to control myself, nasa publiko kaming dalawa. “Baka gusto mong sabihin ko pa sa lahat ng mga tao rito na nagpakasal ka lang sa kaniya dahil sa pera dahil ako ang pinakasalan ng fiancé mo.” mariin akong napapikit, hold yourself Tiffany. She’s not worth it. Hindi ko na lang siya sinagot pa dahil alam kong baka lalo lang lumaki ang away naming dalawa sa lugar na ito. “Oh, baki
“Hindi ko naman alam na pupunta rin pala siya, I want to avoid her too dahil sa gulo niya pero hindi ko naman maiiwasan kapag nagkita kami ng hindi namin inaasahan.”“Hindi na ba masakit yung anit mo? sabihin mo lang sa akin kung kailangan kong dagdagan ang nagbabantay sayo, may magbabantay sayo sa loob at sa labas.”“No need to do that Sam, I’m okay, iiwas na lang ako as you said.” Saad ko, naiintindihan ko naman siya. Gusto niya lang naman na iiwas ako sa gulo dahil dawit siya kung sakali. Dala dala ko na ang apilido niya kaya hindi ko siya masisisi kung ganiyan ang reaksyon niya ngayon.“Just be careful next time.” Tumango na lang ako sa kaniya. Hindi naman na kami nag-usap na dalawa ng dumating na ang order namin. Tahimik kaming kumain. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang salitang nabitawan ni Ava, what if she’s right? Marami kaming pagkakaiba ni Ava, ako nga ang laging kasama ni Mo
Umupo naman na muna ako ganun din ang doctora sa harapan ko.“I have this weird feeling kasi Doc, nasusuka ako sa umaga kahit na wala naman akong nakain na panis o hindi magandang pagkain sa gabi. Sa tuwing nakakaamoy din ako ng mga hindi ko nagugustuhan na amoy ay bigla na lang akong masusuka, madalas din akong mahilo o makaramdam ng pagod kahit na wala naman akong ginagawa.” Mahabang paliwanag ko sa kaniya, nakatitig lang naman siya sa akin habang namamangha ang reaksyon ng mukha niya o iyun ba ang tamang term na gamitin ko. Basta parang bakas sa mukha niya ang masaya o excited, I don’t know.“Kailan ka huling niregla Mrs. Del Rosario?” kinunotan ko naman siya ng noo sa tanong niya sa akin pero hinayaan ko na lang at inisip kung kailan nga ba. Napalunok na lang ako ng maalala kong isang buwan na pala akong hindi nireregla.“Noong nakaraang buwan pa Doc.”“Iyun lamang ba ang nararamd
“Para saan ba talaga ang kwintas na yan Samuel?” panggugulo sa akin ni Noah. Ilang gabi ko na itong pinagpupuyatan at gusto ko ako mismo ang nagdesign ng kwintas na ‘to. Alam kong ang alam ni Tiffany ay marami akong ginagawa sa kompanya, ginagabi ako dahil pagkatapos ng trabaho ko ay ito naman ang ginagawa ko. Gusto kong maperfect ang design na ‘to. “Alam mo nagdududa na talaga ako sayo pare eh, pinakasalan mo ba si Tiffany dahil mahal mo siya o dahil lang talaga sa mana?” “Shut up.” “Masyado ka diyang seryoso, pre bagong kasal ka pero nandito ka sa opisina mo gabing gabi tapos yung asawa mo naghihintay sayo, kung naghihintay nga ba.” Napatigil na lang ako sa ginagawa ko dahil sa bwisit na bubwit na ‘to. “Joke lang, di ka naman mabiro.” “Get out, “Biro lang, sige na mananahimik na ako rito sa gilid.” “I said get out!” inis ko ng saad sa kaniya. Wala na siyang ginawa kundi ang bwisitin ako sa tuwing ito na ang ginagawa ko. Kakamot kamot naman siya sa ulong lumabas. Damn you Noah. G
Tahimik naman naming tinahak ang daan patungo sa kaniya. Gusto ko rin siyang makausap muna bago si Ava. Lahat naman kami nagkakamali, nakakagawa ng hindi tama. Nakakapag-isip ng hindi maayos, mapupuno ng galit ang puso mo at ang galit mo ay walang magandang patutunguhan, ang paghihiganti na akala mo ay makakapagbigay sayo ng satisfaction pero mali pala dahil hindi ka kayang pasayahin ng paghihiganti mo. Hayaan mong batas ang gumawa at tadhana na ang bahala.Ang mga akusasyon ni Ava na mali, masyado niya lang kasing napapansin ang mga taong nasa paligid niya. Hindi niya lang nararamdaman ang pagpapahalaga sa kaniya ng ibang tao dahil mas sinisilip niya ang iba.Mabilis naming tinahak ang daan papunta kay Ava matapos namin sa kaniya. Lumabas na rin ako sa kotse ng makarating kami, panay din ang yuko ng mga pulis na nakakasalubong ko.“Dadalawin ko sana si Ava Bautista.” Saad ko sa front desk. Pumasok naman na ako sa silid kung saan pw
Isang linggo na rin ang lumipas simula noong mangyari ang araw na yun. Noong mga nakaraang araw ay ramdam mo pa ang takot sa mga anak ko, halos hindi sila makatulog at makakain ng maayos. Mas pinili rin nilang manatili na lang sa loob ng bahay kaya medyo nahirapan talaga kaming kausapin sila pero ngayon okay naman na. Nakakatawa at nakakapaglaro na uli sila ng maayos at walang iniisip. “Daddy look out!” sigaw pa ni Daniel ng muntik tamaan ng bola ang Daddy niya. Mabilis namang nasalo ni Samuel ang bolang dapat ay tatama sa kaniya. Wala akong narinig kundi ang tawanan nilang mag-aama. “Mommy, ayaw mo po sumali?” “Kayo na lang muna baby, mas nag-eenjoy si Mommy na panoorin kayong naglalaro.” Sagot ko kay Sammy, nilingon naman ako ni Samuel at ngumiti kaya ngumiti na lang din ako. Masasabi kong kompleto na ang pamilya namin, wala ng ibang iniisip kundi ang kasiyahan ng bawat isa. “Bakit ang daya naman? Bakit kayo magkakampi?” rinig ko pan
“Pakiusap Samuel, makinig ka na lang.” “Pero Tiffany,” “Just listen to her, isipin mo ang mga anak natin. Hindi dapat nila ito nararanasan.” Nilingon ko naman siya at ipinakita ko sa kaniyang okay lang, magiging okay lang ang lahat. Wala naman na siyang nagawa at umatras na saka nakihalobilo sa mga taong nasa gilid. Nilingon ko naman si Ava. “Pakawalan mo na ang mga anak ko, ako lang naman ang kailangan mo at hindi sila. Nakikiusap ako sayo bilang ina, pakiusap Ava huwag mo namang iparanas sa mga bata ang ganitong klaseng pangyayari. Parang awa mo na.” “Oh sige, papayag ako. Meet your parents in paradise.” Anas niya saka itinutok sa akin ng mabuti ang hawak niyang baril. Lumandas sa pisngi ko ang maiinit na likido, nilingon ko si Samuel na nag-aalalang nakatingin sa akin. Ang mga anak ko ang mahalaga sa akin sa mga oras na ito, hindi dapat ‘to nangyayari dahil alam kong tatatak sa isip nila ang lahat. Naipikit ko na lamang
Dahil sa pag-uusap naming dalawa kahapon ay nakaramdam ako ng kaunting ginhawa. May ngiti akong pumasok ngayon sa kompanya niya at nababati ko na pabalik ang mga empleyado niyang bumabati sa akin. Ngayon na rin namin itutuloy ang naudlot na photoshoot namin kahapon. “Sigurado ka ng itutuloy natin ang photo shoot?” “Oo naman, ang tagal na nito saka medyo okay na ako oh.” Ipinakita ko pa sa kaniya ang ngiti kong hindi pilit kaya natawa na lang siya. “Okay, let’s go.” Anas niya kaya sabay na kaming nagtungo kung saan gaganapin ang photoshoot. Inayusan naman na ako ng make up artist saka ko isinuot ang damit na gagamitin ko. Alam kong magiging maayos din ang lahat, tiwala lang. “Okay ready!” muling sigaw ng photographer kaya umayos na ako saka ako ngumiti sa camera. “Good, nice one!” pagpupuri niya, inayos ko naman na ang performance ko ngayong araw dahil hindi na pwedeng macancel pa ito. Alam ko rin namang marami pang gagawin ang mga
Tumayo naman na ako at nilibot ang bahay na ‘to. Nakasunod lang naman si Nanay Belen habang kwenekwento niya ang tungkol sa mga magulang ko. Pumasok din kaming dalawa sa kwarto niya at ibinigay sa akin ang isang photo album, kinuha ko naman iyun at binuklat. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang lumalandas ang mga luha ko. Nahaplos ko na lamang ang imahe ng mga magulang ko habang masayang nakatingin sa akin. Base sa nakikita ko ay galing talaga ako sa masaya at mapagmahal na pamilya, ipinagkait lang sa akin ng mga Santos ang bagay na yun.Nakita ko rin ang picture naming dalawa ni Ava ng magkasama at ganun na rin ng mga magulang niya. Magiging matalik sana tayong magkaibigan kapag nagkataon, kapag hindi lang nangyari ang lahat ng ito.“Alam po ba ni Ava ang tungkol sa ginawa ng mga magulang niya?”“Hindi niya alam ang tungkol sa bagay na yun, nalaman niya lang na hindi kayo tunay na magkapatid ay noong bago
“Okay ready!” sigaw ng photographer ng maiset na nila ang lahat. Tumayo naman na ako sa gitna at sinubukan kong ituon dun ang atensyon ko pero parang hindi ko magawa. “Ms. Tiffany, may problema po ba?” umiling naman ako sa photographer saka sinubukan uling ngumiti sa camera pero naibaba na lang niya ang paningin niya sa camera. “Nakangiti ka pero hindi ang yung mga mata, magpahinga na po muna tayo dahil alam ko namang kagagaling niyo lang sa hospital.” “No its’s okay, wala pa tayong nasisimulan tapos pahinga agad?” “Okay lang po Ms. Tiffany hindi rin naman po tayo makakapagsimula kapag ganiyan pa rin ang itsura niyo.” Anas niya, napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko lang talaga maituon yung atensyon ko sa shoot. Naupo naman na muna ako sa couch at uminom ng tubig, hindi ko naman na nilingon kung sino ba ang umupo sa tabi ko. Nakakailang buntong hininga na ako, inaalala ko pa rin sila Mommy at Daddy, naging magulang ko rin naman sil
“Naku Ma’am kami na po rito, magpahinga na lang po muna kayo ron. Kalalabas niyo lang po ng hospital eh.” Pagtatanggi niya naman. “Just listen to her Tiff, magpahinga ka na muna.” Singit naman ni Samuel na bagong pasok ng kusina. “Pero nababagot na ako, pakiramdam ko tuloy hindi na nagana iba kong kalamnan dahil sa tagal kong nakatulog at nakahiga sa hospital.” “Sinabi naman ng Doctor na huwag mong bibiglain ang sarili mo diba? Ano bang gusto mo magtrabaho pagkatapos ay manatili nanaman sa hospital? You choose.” Napabuntong hininga na lang ako, ang galing talaga magpapili. Wala naman na akong nagawa ng hawakan niya ang kamay ko at naglakad kami papasok ng kwarto niya. “Ano bang gagawin natin dito?” “Sinabi ko naman sayong magpahinga ka na muna.” “Pero pwede naman sa pool o sa garden na lang ako, huwag lang sa kwarto.” Pinaupo niya naman ako sa kama niya habang nakatayo siya sa harapan ko kaya tiningala ko siya.
Mabilis namang lumipas ang mga araw. Masaya akong makakalabas na rin ako ng hospital, hindi naman nagmukhang hospital yung room ko dahil feeling ko nasa bahay lang ako. Pinadala naman na lahat ni Samuel ang mga gamit namin sa mga body guard niya kanina kaya wala kaming dala dala ngayong naglalakad palabas ng hospital. “Diretso na ba tayo sa bahay?” “Oo naman, saan mo pa ba balak pumunta? Namimiss ko na ang mga bata kaya sila muna ang pupuntahan ko.” “Baka gusto mo lang kasing pumunta muna sa condo mo.” “Dun na muna tayo sa mga bata. Gusto ko na silang makita.” Saad ko, hindi naman na umimik pa si Samuel. Marami na siyang nabiling mga pasalubong sa mga bata dahil iniutos niya na ito sa mga tauhan niya. Halos tatlong linggo ko silang hindi nakita kaya alam kong katulad ko ay nalulungkot din sila. Halos hindi ako makapaghintay bumaba ng buksan na ng mga security guard niya ang gate. Nang maiparada na rin ni Samuel ang sasakyan