Full of energy na naman ang mga 'to! hahahaha Thank you so much po for reading!
We didn’t stay in Cebu as planned because Luther had to return to Manila immediately due to an emergency at his company. Apparently, one of their projects had an accident involving around ten construction workers, wala namang malalang nakatamo ng sugat pero nakakabahala pa rin. At nang makita ko talaga ang reaksyon ni Luther ay nag-alala ako, parang ito ang unang beses na may nangyaring ganitong problema sa kumpanya niya dahil sa nakita ko sa kaniya. He's really worried. 10:00 am na at nagkausap naman kami kanina. Kagabi kami nakabalik ng Manila at agad siya na tumungo non sa site dahil umaga nangyari ang aksidente. Wala pa siyang pahinga non, nag-aalala nga ako pero ito at nagpadala naman siya ng message sa akin na nakita na niya isa-isa ang mga trabahador nila at okay na nga naman daw. "Ms. Thes, ito po pala ang data natin sa nakaraang tatlong buwan." I looked at Kyla, the manager of my bar, as she placed a folder in front of me. I immediately picked it up and stared at it. I’m
"Thank you, Princess!""You are welcome po, Ms. Thes!" ngiting sagot niya naman at lumabas na muli ng opisina ko.Ako naman ay pinagdiskitahan na ang cookies. Enjoy na enjoy talaga ako. Nang sumimsim naman ako ng lemonade ay napataas ang mga kilay ko dahil mas sumarap pa 'yon kaya naman tumawag ulit ako ng tao para magpala pa ng another glass.At habang kumakain ako ay nakatanggap naman ako ng bagong mensahe. I thought it was from Luther pero nang mabasa ko na galing 'yon sa jumbothotdog ni Tangi ay muntik pa akong masamid sa pag-inom."Kakagulat naman 'to."I opened Rozzean's message at sa mensahe ay mukhang hindi na rin siya makapaghintay na magpropose kay Tangi. Eh kauuwi lang ng kaibigan ko don sa bahay niya, 'di ba? Katatapos lang rin ng unforgettable yacht trip nila. Mukhang nagmamadali itong si Rozzean itali ang bestfrien ko sa kaniya.Ngayon ito at tinatanong ni Rozzean kasi kung today daw ba ay free ako. Nagreply naman ako na okay ako after lunch kasi magkikita kami ni Luther
What I heard really shocked me. Akala ko ay alam ko na ang lahat ng nangyari kay Tangi at dito kay Rozzean noong mga panahon na nagkaroon sila ng problema. Because I was there, I saw how my bestfriend was devastated, nakita ko kung paano umiyak, magsisi sa nagawa niyang kasalanan at kung paano niya sinabi sa akin na ilang beses niyang sinubukan na humingi ng tawad kay Rozzean. Pero wala siyang nabanggit sa akin na kahit ano tungkol kay Luther. And that night when I met Luther in my bar, ang alam ko nga non ay sinundan niya si Tangi. Was it because he was worried about her? A-At nung mga panahon ba na 'yon ay magfiance na silang dalawa? God... hindi ko gusto itong nararamdaman ko. I felt like something hard and sharp pierced my heart. Ayoko makaramdam ng selos kay Tangi pero ito na umaahon na 'yon kaagad sa akin. At kahit nang nagsasalita na ngayon si Rozzean sa harapan namin ni Luther at sinasabi ang plano niya ay ang isipan ko, nasa nakaraan pa rin. Kung paano naging fiance ni Tang
I think I've heard enough. Parang sapat na sa akin ang narinig ko para umalis ng sasakyan ni Luther at lumayo muna sa kaniya. My anger intensified, and jealousy and pain filled me when I heard what he said. Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko at alam ko na malapit nang magbadya ang mga luha. "Baby..."Napatango ako at napapikit ng mariin sandali. Pilit kong kinakalma ang sarili ko dahil kahit 'yon pa lang ang narinig ko, sobra na akong nasasaktan.He knows damn well that Thaliana Tangi is my best friend, at alam niya... a-alam niya na dapat niyang sinabi sa akin ito mula pa lang sa simula!"Catalina, I liked her, yes. But not in a way that I would steal her from my brother or that I truly wanted her to be mine. Hindi ganoon dahil alam ko kung ano ang lugar ko. Ayokong gumawa ng mas ikagagalit sa akin ni Cyron dahil nakita ko na kahit galit siya noon kay Thaliana, mahal niya pa rin ito. And i-it was a different feeling, not like this. Hindi katulad ng nararamdaman ko sa 'yo.""Kahit na
Kinabukasan ay magang-maga ang mukha ko. I can't even open my eyes because of crying so hard the whole night. Inis na inis ako kasi syempre, ang ganda na ng nangyayari sa pagitan namin ni Luther tapos biglang masisira ang moment namin na dalawa.At nagpapasalamat naman ako kay Rozzean dahil kung hindi niya 'yon nabanggit ay baka talagang mas tumindi pa yung galit ko kay Luther kung tumagal pa na nalaman ko. Nakita ko naman na talagang nagsisi ang boyfriend ko na 'yon--ex na pala. Napadaing ako at subsob sa unan ko nang marealize kong hindi na kami ni Luther. Gaga, desisyon mo 'yan. Panindigan mo.Nung umuwi ako ng bahay ay talagang nag-iiyak na agad ako kasi ang dami nang pumasok sa isipan ko noong mga panahon na hindi pa okay si Rozzean at Tangi--nung time na may gusto pa sa kaniya si Luther. Parang hindi ko rin matanggap na hindi ako ang unang babae na nagustuhan niya, eh, t-tapos bestfriend ko pa.Iba naman kasi talaga ang ganda ng kaibigan ko na 'yon, to the highest level. At kung
Hindi talaga ako nakipagbalikan. Pinandigan ko naman yung breakup namin ni Luther kahit pa feeling ko eh hindi niya sineseryoso. Parang chill-chill lang siya. Hindi ko siya pinapansin, hindi kami nagkikita, pero natatanaw ko siya minsan mula sa second floor ng bahay ko kapag nariyan siya sa labas, may hawak na bulaklak. Nanunuyo pa rin naman siya, madalas mag message at tumawag pero deadma ako. Ewan ko, nagustuhan ko na ata ang pagtatampo. Ilang araw pa lang rin naman. Syempre, baka isipin ni Luther na ganoon ako kapatay na patay sa kaniya kaya ang bilis ko siya patawarin."Sabihin mo ba naman na 'break na muna.'"Napabuntong-hininga ako at nagsimulang maglinis ng bahay ko. I have no plans for today. Tinatamad rin ako. Medyo magulo rin yung feeling ko—tinatamad pero naglilinis ng buong bahay. Naisipan ko rin magpalit ng mga kurtina. Hindi ko bet yung inilagay ng nag-ayos dito. Oo nga pala, ngayon ko lang napansin na okay na nga itong bahay ko. Sa bwisit ko ay ngayon ko lang napansin. A
Maaga akong umalis ng bahay dahil nakatanggap ako kagabi ng message kay mommy na doon ako magb-breakfast. And I was surprised, honestly. Ito ang unang beses na nangyari na inimbitahan niya ako na kumain kasabay nila, lalo na at ramdam ko na madalas ayaw niya akong makita. The words she said to me before made me feel like that. It cuts deep, and even after a few years had passed, the pain is still here, lingering.Pero sa hindi inaasahang pag-imbita niya na 'to, bigla akong nagkaroon ng pag-asa. Baka nga maaayos pa ang pamilya namin. Baka naramdaman na rin niya na hindi lang iisa ang anak niya.Or maybe dad talked to her.Ngayon, nandito na ako sa tapat ng bahay namin. Hindi pa rin ako bumababa sa kotse ko dahil sa kaba, I don't know. This is not a stranger's place but our own house. Pero siguro ay dahil na rin nga sa mga hindi magandang naranasan ko. Nang tumingin naman ako sa oras ay, 7:00 am na. Ang sabi ni mom ay 8:00 am ako pumunta. Hindi naman halata na excited ako, 'no?Napangit
Nang makapasok na kami sa loob ng bahay, kasabay namin ang daddy. His eyes are sparkling in happiness. I know, because he wanted to see this for a long time. Na maayos kami ng kapatid ko. At nakatingin lang siya talaga sa amin! Hindi pa rin siya nagsasalita hanggang sa makaupo kami sa sofa. Then, he called a maid and asked me kung gusto ko ng coffee, and I just answered na hot choco na lang.“Oh, ako na ang gagawa! Ikaw po, Daddy? Coffee?” ang alok ni Caitlin.“Yes, anak. Thank you,” sagot ng daddy na may malawak na ngiti. Nang makaalis ang kapatid ko ay tumingin siya sa akin. Naka-ngiti pa rin ang dad mula kanina at pinapanood kami ni Caitlin habang papalapit.“I know you are shocked, Catalina.”Napayuko ako at tumango. Naglalaro ang mga daliri ko na nakapatong sa aking mga hita. Nang umangat ang tingin ko, bahagya akong ngumiti sa aking ama. Siya ang nakakaalam ng mga pinagdaraanan ko sa pagtanggap sa pamilya ito. Kahit hindi niya alam ang lahat ng hindi maganda na ginawa ng mom at n