"Thank you, Cait. I'm okay, magmemessage-message ako sa 'yo gamit rin ang number na 'to to update you." Hindi na rin nagtagal ang usapan namin at siniguro lang ni Caitlin na maayos ang lagay ko. She even asked if I need her right now at pupuntahan niya daw ako. Huwag daw akong mag-alala dahil mag-iingat naman daw siya. But I refused because she has an early interview tomorrow. Isa pa, anong oras na rin, at hindi niya naman kabisado ang lugar dito. Nang ibalik ko naman kay Beauty ang cellphone ay hindi pa niya nakukuha nang may pumasok na mensahe galing sa kapatid ko. Tinatanong nito kung anong address ni Beauty in case. Pero nakalagay rin doon na hindi niya sasabihin kay Luther, para lang rin daw mapanatag siya na alam niya kung nasaan akong lugar. "Doon pa rin naman sa dati ang bahay ninyo, 'di ba?" I asked, I was already typing the address para maireply ko kay Caitlin. But what made me stop was when Beauty said no. "A-Ay, hindi na, Miss Thes. Napalayas na kami dun," sagot niya
Nang marating na namin ang apartment nila ay isa-isa na rin naming binitbit ang pinamili namin. Kanina habang papunta ay naisip ko na baka walang mapagparadahan ng sasakyan ko dito, pero mabuti naman at sa gawing dulo pala ang apartment nila. Sa harapan kasi ay one-way lang, pero dito malaki ang space dahil puro mga puno na ng mangga."Ay, Miss Thess. Ito po pala si Lolo Balong. Siya po ang may-ari ng apartment. Mabait po siya!" tawag sa akin ni Karina.Lumapit naman ako kaagad sa kanila at napatingin ako sa matanda. Puti na ang lahat ng buhok, singkit, tapos maputi. "Magandang gabi ho," bati ko at nagmano dito kahit mukhang may lahi."Kaawaan ka ng Diyos, hija. Kaibigan ka kamo ni Ganda? Nag-alala ako dahil wala pa itong bata," baling nito kay Karina. "Umalis pala silang mag-tita."Hindi ako nakasagot agad dahil sa pangalan na binanggit. Ganda. Ikinangiti ko iyon at saka ako tumango."Inimbitahan ko po kasi sila. Recognition po kasi ng dalawang kambal na alaga ko," sagot ko.Mukhang
After parking my car, I grabbed my phone and opened it. Habang hinihintay ko itong magbukas ay lumabas na rin ako ng sasakyan at sumilip sa direksyon ng bahay ko. And there... tama nga ang naisip ko! My eyes tightly closed, and I let out a deep sigh."Luther... Rico..." mahina kong sambit nang makita ang boyfriend—ex-boyfriend—kong lumabas sa may gate ng bahay ko habang may kausap na pulis. Napatigil sandali ang tingin ko sa kaniya. I gulped seeing him look stressed. His hair, that was always brushed neatly up, was now down and messy. He was wearing a white t-shirt and faded blue jeans, paired with slides. He look... still fine for me but his eyes showed worry.Nakaramdam ako ng guilt at bigla akong nakonsensya dahil--No. No, Thes!Ipinilig ko ang ulo ko sa mga naiisip ko.Tapos ka na magpadala sa kagwapuhan ni Luther, sa matatamis niyang mga salita. Alalahanin mo ang dahilan kung bakit ka galit at pinagtataguan siya! You’ve been through enough!But by thinking about it, siguro ay m
I was breathing heavily. Nang sagutin ko na ang tawag ay nakatingin pa rin ako kay Luther. His hand, now out of his pocket, hung loosely by his side after I answered his call. Napansin ko rin na sandali siyang natigilan, his expression shifting slightly—from worry to relief, as if he had been waiting for me to answer after his numerous attempts of calling me.Alam na alam ko naman na ilang beses na niya akong tinatawagan, eh, na kahit "cannot be reached" at alam niyang off ang phone ko, I know... he's still trying. At dahil naman medyo na-appreciate ko 'yon ay nakaramdam ako ng kirot sa puso ko, pero... matigas pa rin ang desisyon ko. Ayoko talagang magpakita.I wanted him to know in his own the reason why I was acting this way, na hindi lang ito basta pag-iinarte o hindi lang ako tinotopak.Napakahalaga sa akin ng mga bagay na tungkol sa kaniya, eh, and it hurts me to realize that I only know less... tapos kung ano pa ang importante, ang mahahalagang bagay na hindi ko alam na dapat ni
"I was worried...""But...are you really... okay?"Rinig kong dahan-dahan pa ang pagsasalita ni Luther. Nakaramdam naman ako ng kirot doon. I press my lips together. Huminga ako ng malalim at nanginig pa ang mga labi ko bago ko siya ulit sagutin. Pakiramdam ko kasi, lumalambot na naman ako.No... ayan ka na naman, Thes, nagiging mahina ka na naman."I'm fine. Mukha ba akong hindi okay?""Catalina--""Tayo ang hindi okay, Luther Rico at alam mo naman siguro ang dahilan, 'di ba?" I asked. Pointing about what happened in the past few weeks. Hindi ko na rin talaga napigilan, ito at inungkat ko na ulit.Hindi na nasundan pa ang tanong ko dahil tumigil muna ako sa pagsasalita. Sa isipan ko, baka sagutin na niya ako, baka sabihin na ni Luther ang tungkol sa kanila ng nanay niya, b-baka magkaroon siya ng ideya kung bakit ako nakipaghiwalay sa kaniya ng basta-basta. Again... I'm still giving him a chance.Another c-chance...Pero sa bawat segundo na lumilipas, sa bawat pagtibok ng puso ko, ay
Nothing bad happened to me while I was driving. Nakabalik naman ako sa apartment nila Beauty at Karina na maayos ako at hindi ako napahamak. Wala rin naman akong naperwisyo sa daan, pero napapreno ako kanina nang nakapasok na ako dito sa baryo dahil muntik na akong makasagasa ng tatlong bibe na tumatawid.Damn. That's so close. Nasaan kaya ang nanay ng mga 'yon? Paano kung hindi ko sila nakita? 'Di nadeads na sila. Konsensiya ko pa 'yon."I'm here na, Karina girl," sambit ko. Katulad ng paalam ko ay hindi ako magtatagal sa bahay ko. Dahil 'yong oras ko rin naman na sana na dapat ikinuha ko ng mga gamit ko ay hindi ko na nagamit dahil sa komosyon doon. I sighed deeply and placed my palm on the wall as I went up, hindi mawala sa isip ko si Luther."Tita Beauty, nakabalik na po si Miss Thes!"Hindi pa ako nakakapasok sa may apartment at paakyat pa lang ako ng maigsing hagdan nang marinig ko na rin ang pagsagot ni Karina. Nandito pa pala siya. Akala ko naman ay nakapasok na siya."Ay, sa
I bit my lower lip. Sa gilid ng mga mata ko ay napansin ko na ibinaba ni Beauty ang mga hawak niya at nilapitan ako. Ako naman ay nakayuko pa rin ang nakatingin sa nanginginig na mga palad ko. "Kulandra, kuha ka ng tubig," Beauty said. Pagka-utos niya non sa pamangkin ay hinawakan niya ang mga kamay ko at minasahe. "May nangyari ba pagkauwi mo sa bahay mo, Miss Thes? Nagkita kayo ni Sir Pogi?"Umiling ako kaagad. My lips are trembling too. Ibinukako ang mga labi ko pero hikbi agad ang lumabas sa akin kaysa paliwanag sa kung ano ang nangyari."Nahe-hurt naman ako makita ka na ganito, Miss Thes. Hindi ako sanay. Miss ko na yung makulit na amo ko. Pero take your time lang to be okay."Malungkot ang tono ng boses ni Beauty pagkasabi niya ng mga 'yon. At nang iabot na sa kaniya ni Karina ang tubig ay ibinigay niya rin 'yon agad sa akin. "Ito. Sa pamumula ng mga mata mo, eh, parang kanina ka pa naiyak rin. Uminom ka muna."I took the glass of water from her. Pagkainom ko doon ay saka a
It's been two days after I decided to stay here in Beauty's place. Dalawang araw na rin nang makita ko ang mga pulis at si Luther Rico sa bahay ko. At… haa dalawang araw na rin nang sabihin ko kay Beauty na hindi ako buntis na ikinalungkot niya dahil akala nga daw niya ay talagang nagdadalang tao na ako dahil sa mood ko. Ngayon naman ay narito lang ako sa apartment, hindi ako lumalabas at nauubos ang oras ko sa pakikipag-usap sa email sa mga tauhan ko kung ano na ang lagay ng mga negosyo ko. Nagsabi rin ako sa kanila na baka kahit sa susunod na buwan ay hindi ako makabisita dahil nga busy ako. Nagbilin na rin ako sa mga employees ko sa bar tungkol sa renovation na nagaganap. Hindi naman ako bored dito kila Beauty, actually. I like the experience of living in this kind of place while interacting to other people. Nagustuhan ko rin bumili sa tindahan, yung tatlong beses kang tatawag ng 'pabili po' bago may bumili na tindera. Saka enjoy rin 'yong panonood namin ni Beauty ng basketball k
Now that I’ve learned about Luther’s past and felt the pain in every word he shared, mas lalo akong nakonsensiya sa ginawa kong pagtakbo na lang sa kaniya. Tama nga si Beauty dahil mabigat at mahirap na basta na lang sabihin ang nangyari sa nakaraan ni Luther. And the reason why Colene knew about it wasn’t entirely because Luther Rico told her everything. Maaaring ang ina mismo ni Luther ang nagsabi dito ng nakaraan at kung ano ang mga ginawa nito.I understand now why it took him so long to tell me, na kahit nagalit na ako ay hindi pa rin niya gustong ikwento ang tungkol sa nakaraan niya. Ngayon ito at kita ko pa rin sa mukha niya ang takot, ang sakit sa kabila ng pagpaparamdam ko na hindi ko siya pinandidirihan, na wala akong balak na iwan siya.It wasn’t easy—it’s really not easy to talk about that kind of past. At kung sa akin man nangyari, t-takot akong malaman ng kahit na sino ang ganoong karanasan noong bata ako.Mali ako. Na nag-isip kaagad ako noon ng hindi maganda. I overtho
"My real name is Rico Deroma..."When I heard about Luther's sufferings from Colene, walang pumasok sa isipan ko noong kung anong mga klaseng paghihirap dahil sa selos agad ang naramdaman ko sa kaniya na una niya pang nalaman ang tungkol doon kaysa sa akin. I didn’t also remember if I thought about what kind of sufferings Luther Rico had gone through because I was too preoccupied with my own pain, with how he chose not to tell me about his past. Pero nakuha ko naman na mabigat 'yon at hindi basta madaling sabihin dahil na rin sa mga pagpapaunawa sa akin ni Beauty. And now that he started to tell me everything, how his mother got pregnant with him made me feel like... I regretted runaway from him. Seryoso siyang nakatingin sa akin ngayon pagkatapos niyang sabihin na ni-rape ang kaniyang ina ng tatlong foreigner sa bar na pinagtatrabahuhan nito, at araw-araw 'yon na ipinapamukha sa kaniya ng kaniyang ina at sinasabi na parang siya mismo ang sinisisi nito. He also told me all the kind
"Lingerie... really?" Luther Rico asked. His eyes showed me just how interested he was.Nagsalubong ang mga kilay ko sa kaniya. Napailing. Alam ko na may pagkamakulit din siya, pero kapag tungkol sa akin, lalo na sa pagiging modelo ko dati, talagang nag-iisang linya ang mga kilay ko sa kaniya. I wonder how many interviews he watched, or how many things he knew about me when I was a model? Hindi ko rin kasi ito inaasahan sa kaniya."Hindi ka naniniwala sa akin?" tanong ko sa kaniya. Nabigla ang itsura niya lalo na sa seryosong tanong ko kaya agad siyang umiling."Naniniwala. It's just that, baka may naitabi ka. Hindi ko kasi alam ang tungkol doon. I thought I already knew everything about you when you were a model."It’s surprising that someone like him would spend time watching my interviews and searching for magazines with my photos. Hindi ko ito talaga inasahan sa kaniya. Natuwa pa ako noong mapag-usapan namin ito sa Cebu at sinabi ko na fan na fan siya ni 'Therese'—he didn't even d
Talaga nga naman na nakakaloko ang itsura. Akalain mo na yung amo ng mukha ni Colene na 'yon ay mayroon pa lang itinatago? I really didn't expect that she's a bitch. I even admired her face when I first daw her, ganda, eh. Tapos lawyer pa, matalino, yung itsura niya masasabi mo na mabuting babae. At pagkatapos ng mga nalaman at narealize ko, parang ako ang nasasayangan sa kaniya dahil lang sa mga pinaggagawa niya. Ramdam ko naman na type niya talaga si Luther, well, I couldn't blame her, iba naman kasi talaga itong si Luther Rico.Napatingin naman ako sa kaniya na halatang kabado."Catalina..." he whispered my name.Luther Rico Valleje is indeed fcking handsome, and a successful man. He has this undeniable presence that makes heads turn whenever he walks into a room. His confidence isn’t arrogant, but it’s magnetic, drawing people in. Ganoon ang nangyari sa akin noong una ko siyang makita sa bar ko na talagang nag-isip pa ako ng paraan para mahalikan siya.Ang gaga ko non pero succes
When I saw Colene, I actually envied her. Naisip ko pa nga noon na ganoong mga tipo ng babae ang nababagay kay Luther. Demure, classy—well, ganoon rin naman ako minsan. Pero pakiramdam ko, sa kabila ng itsura niyang 'yon, talagang may tinatago siya.At kapag napatunayan ko na may intensyon siya na agawin si Luther Rico, at ginagamit niya ang sitwasyon ngayon ng baby ko para lamang makuha ang loob ni Mr. Valleje, at ng nanay nito ay talagang hindi ko 'yon mapapalampas."Ano ang sinabi sa 'yo ng Colene na 'yon nang makarating ka sa ospital? Tell me everything. Lahat-lahat. Ayoko ng may maiiwan pa."I saw him gulped. Ngayon yung pagkasigurado niya kanina na ayos na kami ay parang nawala na at nanumbalik ang kaba sa mukha niya. Na parang kabado siya dahil sa mga aaminin niya. "Hindi mo naman siguro pinagsilbihan ang babaeng 'yon? Hindi mo sinubuan para pakainin o para painumin? Anong ginawa mo doon, nagbantay ka lang?" sunod-sunod na tanong ko.Ang bilis rin ng pagsagot ni Luther ng ilin
Nakasimangot ako hanggang sa marating namin ang bahay ni Luther. Talagang ang lakas ng trip niya. Hindi siya talaga pumayag na bawasan 'yong mga pregnancy test kits kanina. Kahit sinabi ko na magagalit ako sa kaniya, aba, no effect. Ngiting-ngiti siya, parang sa isipan niya talaga itinalaga na niyang buntis ako. "Dapat hindi na tayo bumili ng mga 'yan," pagkababa ko ng paperbag sa center table sa living area ay napabaling sa akin si Luther. "Why?" nakangiti pa rin. Until now. Sinamaan ko siya ng tingin habang napapailing. "Eh, mukhang alam mo na ang resulta agad kung buntis ako o hindi, eh. Sa itsura mo na 'yan, saka, nahiya ka pa doon sa dalawang piraso ng pregnancy test kits na natira, sana kinuha mo na rin." Napatawa naman siya at lumapit sa akin. I leaned on the sofa and crossed my arms. Hawak ni Luther sa isang kamay ang plastic naman ng ice cream. At 'yon pa nga, buti nagpapigil siya. Tatlong galon ba naman ang bibilhin kanina! Eh, mauubos ko bang lahat ng 'yon?! "Are you
"Stop laughing, Luther Rico."Napabuntong hininga ako ng malalim. Kanina pa siya tawa ng tawa pagkatapos ng nangyari kay Rozzean at sa totoo lang, ngayon ko lang siya narinig na ganito kalakas tumawa. Para bang yung pinaka nakakahiyang pangyayari sa buhay ng kapatid niya na matagal na niyang inaabangan eh, nangyari na kaya ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil."I'm sorry, baby."I rolled my eyes at him and shook my head. Natawa rin naman ako, pero nung nakita ko kasi na kinakabahan na rin si Tangi ay siniko ko na talaga si Luther kasi hindi pa niya tinulungan yung kapatid niya na tumayo nang magising ito. Iba rin naman kasi ang tama nitong si Rozzean, ang epic. Imbis na magtatalon sa tuwa na triplets ang anak nila ni Tangi ay ang loko, hinimatay.Ngayon ay pauwi na kaming dalawa, hindi pumayag si Luther na manatili kami sa bahay ni Rozzean hanggang dinner. Nauunawaan ko dahil nga may mga dapat pa kaming pag-usapan. And Tangi was actually eyeing me earlier, iba na yung
"I-I am not pregnant. I already told you that, Luther. I used the pregnancy test kit that I bought when we were in Italy, and it said negative."Pwersahan ko siyang tinulak pagkatapos kong sabihin 'yon sa kaniya. I saw his eyebrows furrow, pero wala akong nakitang gulat o kahit na nasaktan siya sa sinabi ko. Unlike what I felt when I learned that I wasn’t pregnant. Ang inaasahan kong reaksyon sa kaniya ngayon ay malulungkot siya."Did you try it once?" tanong niya, para bang alam niyang kung isang beses ko lang sinubukan ay kailangan kong ulitin 'yon. Napasagap ako ng hangin, mukhang alam ko nang hindi siya basta susuko kahit sinabi kong nag-test na ako.N-Nararamdaman rin ba 'yon ng lalake? Is it possible?I knew I needed to test again to make sure. Kaya nga nang samahan ko si Tangi bumili ng pregnancy test kit, naisipan ko rin na bumili. But because we rushed to get here so she could meet Rozzean, balak ko ay na mamaya na lang kaso ito nga, unexpected things happened. Narito na itong
Don't tell me hindi siya nasaparan? Pinirito ko naman 'to ng maayos! "Bwisit na impakto!" Hindi na lang nagpasalamat! "Thes, we are going to leave for a check-up. Sasama ka ba?" At nang marinig ko 'yon mula kay Tangi ay nagliwanag ang mukha ko at natuwa ako. "What? As in ngayon na? Oo! I'll go!" Pero ang excitement ko ay nawala rin nang marinig ko ulit ang boses ni Luther Rico. That’s when Rozzean told him that Tangi is pregnant. He congratulated them and even said that he will go too. Nagsalubong ang kilay ko at dahil hindi ako pwedeng umangat basta-basta ay nanahimik na lang ako. Basta, hindi pa kami okay. Nag-alala lang rin ako dahil ramdam ko naman kanina na talagang nanghihina naman siya--o baka nag-iinarte lang rin si Luther para pansinin ko kasi nung nilapitan ko siya kanina kausap sila Tangi parang okay naman siya? Ah, basta! Kailangan niya pa rin magpaliwanag sa akin mamaya! At kapag hindi ko nagustuhan ang mga isinagot niya o nanahimik na naman siya, talagang lalayasa