December 16, 2024 Good evening po! Today is my birthday po kaya ngayon lang ako nakapag-update. Pasensiya na po. 🥹
Brielle’s POV Kanina ko pa tinatawagan si Mark, ngunit hindi niya sinasagot lahat ng tawag ko. Pagkatapos ng libing ni Mama Aida ay dumiretso na kami kaagad sa bahay nila, pero nagpaiwan muna siya sa sementeryo. Gustohin ko man siyang samahan, ngunit siya na mismo ang nagsabi sa akin na sasamahan ko ang pamilya ko kasi may iba pa siyang gagawin. “Sigurado ka bang hindi ka sasabay sa amin?” tanong ni Ate Kaisha sa akin habang inaayos ang mga gamit nina Sevi at Macky. “Hihintayin ko muna si Mark, Ate Kai,” sagot ko nang hindi man lang siya nililingon. “Anak, pakisabi kay Mark na mauuna na kami. Gabi na rin kasi,” saad naman ni Mommy. Tumango lang ako at ngumiti. Alas diyes na ng gabi, pero hindi pa rin umuuwi si Mark. Lately, palagi na lang siyang wala sa bahay ng kaniyang ina. Habang binuburol ang kaniyang ina ay palagi siyang hinahanap ng mga bisita, pero ang palaging sinasaing mga kasambahay ay nasa kwarto lang nagmumukmok kahit ang totoo ay wala naman talaga siya sa
Brielle’s POV Nakayakap lang ako kay Mark hanggang sa makatulog siya. Pagkatapos niyang ikwento sa akin ang dahilan kung bakit takot na takot siya sa tuwing umuulan ay hinayaan ko siyang kumalma. Umuulan kasi noong aksidente niyang naitulak sa bangin ang anak ni Mama Aida. Nasa Italy sila nang panahong ‘yon. Hindi na ulit nakita ang bata. Simula no’n, dala-dala niya na ang pangalan ng anak ni Mama Aida bilang kabayaran ng kasalanang nagawa niya. Sa tuwing umuulan, palagi niyang naalala ang batang palagi niyang kalaro at tinurin niyang totoong kapatid. Hindi niya nakalimutan ang nangyari noon kaya hindi rin siya pinapatulog ng konsensiya niya. Gustong bawiin ni Lesley si Mark kay Mama Aida, pero mas pinili ni Mark ang manatili sa tabi ng tinuturin niyang ina kesa sumama sa taong umabandona sa kaniya noon. Wala akong ibang nararamdaman sa kaniya ngayong kung ‘di ang maawa. All these years, palagi niyang sinisisi ang sarili niya sa pagkawala ng totoong anak ng mag-asawang Garcia
Brielle’s POV Paulit-ulit kong pinanood ang press conference nila Mark tungkol sa engagement. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang sinabi niya. He just announced in the public that he wants to marry me. Pagkatapos niyang makipagtalik sa babaeng kasama niya sasabihin niya ‘yon? Hindi ako lumabas sa kwarto ko. Nakahiga lang ako habang umiiyak. He cheated on me. Niloko niya ako at pinaniwala. Bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si Kuya TJ. Nagpanggap akong tulog. “Brielle, kakain na tayo. Masama ba ang pakiramdam mo?” Naramdaman kong umupo siya sa kama ko. “Busog pa ako. Mamaya na lang ako kakain.” “Okay. Basta kapag nagutom ka, bumaba ka kaagad.” “Paki-lock na lang ng pintuan kapag lalabas ka,” bilin ko kay Kuya TJ at pinikit ang aking mga mata. Nagdilat ako nang marinig ang pagsara ng pinto. Sumandal ako sa headboard ng kama at tumingin sa phone ko nang mapansing may tumatawag. Kumulo kaagad ang dugo ko nang makita ang pangalan ni Mark. Kinuha ko ang phone ko
Mark’s POV “Hey, ayaw mo ba talaga akong kakausapin?” Pinigilan ko ang sarili kong matawa sa tuwing naalala ko ang ginawa ni Brielle kanina. Pinagbintangan niya akong may ibang babae nang dahil lang sa alarm clock ko. “Hindi mo na ba ako mahal?” “Tigil-tigilan mo ako, Mark. Hindi ako natutuwa sa ginawa mo. Hindi tayo bati!” singhal niya sa akin. “Nagseselos ka pa rin? Wala akong ibang babae, Brielle. Ganoon ka pala magselos?” Tinapunan niya ako ng masamang tingin. “Umalis ka na nga lang sa kwarto ko. Hiwalay na tayo.” Umigting ang panga ko sa sinabi niya. “Hindi tayo pwedeng maghiwalay.” “At bakit hindi pwede?” “Kasi hindi ako pumayag. Walang hiwalayang mangyayari sa atin. Talaga bang ganoon kalaki ang galit mo sa akin dahil lang narinig mo ang ringtone ng alarm clock ko? Boses mo naman ‘yon. Ngayon mo lang ba narinig ang boses mo habang umuungol?” “Shut up!” sigaw niya sa akin. Tinakpan niya ang kaniyang tainga. “Lumabas ka sa kwarto ko!” “I won’t. Hindi ako lalabas
Brielle’s POV Binuhat ako ni Mark habang umiikot siya sa sobrang tuwa. “Magiging Daddy na ako!” masayang sigaw niya. Huminto siya sa pag-ikot at hinalikan ako. “Magkakaroon na ng kapatid si Macky.” Ngumiti ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na mabubuntis ako nang ganito kadali. Noong isang buwan ay hindi rin dinatnan, pero hindi sumagi sa isipan ko na mabubuntis ako. “I’m so happy,” bulong niya sa akin. “Huwag kang makikipaghiwalay sa akin, please.” Palihim akong ngumisi. Ngayon ko lang napagtantong mas OA pala si Mark kesa sa mga kapatid ko. I’m happy that I’m pregnant kasi alam kong paninindigan niya ako. “Ano ang gusto mong kainin?” tanong niya sa akin nang lumabas kami sa kwarto ko. “Kahit ano,” tipid kong sagot. Bago kami lumabas sa kwarto ko, napag-usapan namin na sasabihin namin kaagad sa pamilya ko ang tungkol sa pagbubuntis ko. Today is Christmas, blessing din ang bata sa amin. Unexpected kasi sa araw ng pasko pa talaga namin nalaman. “Mukhang nagkaayos na
Napako ang mga mata ko sa mukha ni Dr. Ramirez. Ang puso ko ay parang sasabog sa dibdib. Tatlong linggo na pala akong buntis. Tatlong linggo! Parang kailan lang, Pasko pa lang, at nagulat kami ni Mark nang makita namin ang dalawang guhit sa pregnancy test. Pero hindi namin alam kung gaano na katagal. “So, Brielle,” panimula ni Dr. Ramirez, ang boses ay kalmado pero may halong saya. “Based on the ultrasound and your last menstrual period, you are approximately three weeks pregnant.” Tatlong linggo. Ang maliit na salitang iyon ay nagbukas ng isang bagong mundo sa akin. Isang mundo na puno ng kaba, excitement, at isang malaking, malaking responsibilidad. Nakita ko ang pag-iiba ng ekspresyon ni Mark sa gilid ko. Ang kanyang mga mata ay puno ng pagmamahal at isang kaunting takot. Hawak niya ang kamay ko, at ang pagkakahawak niya ay nagbigay sa akin ng lakas. “Three weeks…” bulong ko, parang hindi pa makapaniwala. Ang katotohanang may isang maliit na buhay na lumalaki sa loob ko ay nag
Brielle’s POV “Isang linggo akong mawawala. Mag-ingat ka rito. Huwag papalipas ng gutom. Okay?” bilin ni Mark sa akin habang inaayos ko ang mga gamit niya. Pupunta siyang Italy. May aasikasuhin lang daw siya, naiwan na business ng kaniyang ama. “Nakahanda na lahat ang mga kailangan natin sa kasal. Pagkabalik ko ay magpapakasal na tayo,” saad niya. Tumayo siya at lumapit sa akin. Niyakap niya ako at siniksik ang ulo niya sa aking leeg. “Huwag mo na lang isipin ang mga nababasa mo sa social media. Lalong-lalo na kapag tungkol sa amin ni Karina.” “Wala namang issue sa akin ang tungkol doon kasi sinabi mo naman sa publiko kung ano talaga kayo at kung sino ang gusto mong pakasalan. How about you?” Hinarap ko si Mark. “Ikaw ang inaalala ko, Mark. Marami akong nababasa tungkol sa ‘yo. Bina-bash ka ng mga tao dahil anak ka raw sa labas.” “Ako na ang bahala roon. Huwag kang magpa-stress. I can handle it, Brielle.” Hinawakan niya ang aking mga kamay at hinalikan. “Ibibigay ko na lang s
Brielle’s POV Nanatili lang akong tahimik habang niyayakap si Macky. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Gusto niya akong maging Mommy niya. Ibig ba nitong sabihin ay tinatanggap niya na ako? “Gusto mo ba talaga akong maging Mommy?” I clarified. Mabilis na tumango si Macky. “Daddy loves you, Tita Brielle. Gusto kitang maging Mommy. Pwede po bang Mommy rin ang itatawag ko sa ‘yo?” “Yes, of course, Macky.” Ngumiti ako at kinurot ang pisngi niya. “Ang dami mo ng Mommy. Tatlo na kami.” “I love you, Mommy,” mahinang sabi ni Macky. Pakiramdam ko, parang hinihili ang puso ko. First time kong narinig na sabihan niya ako nang I love you. *** Dumaan kami sa simbahan at bumili kami ng mga bulaklak bago dumiretso sa sementeryo kung saan nakalibing si Ate Grace. Nilinisan ko ang kaniyang puntod, habang si Macky naman ay inaayos ang mga pagkaing binili ko pagkatapos niyang ilapag ang malinis na tela sa damuhan. Mahirap. Mahirap ang ganitong klaseng pagbisita. Ang sika
January 11, 2024 TBSB is now signing off na po. Yes po, tinuldukan ko na ang book na ito. Hanggang Book 3 lang siya kasi nakapagpasya na ako na gawing separate books ang Book 4 at Book 5. Baka next week ay masimulan ko na siya at mai-apply. Maraming salamat sa pagsama sa akin nang mahigit pitong buwan. Wala akong balak tapusin ng ganito kaaga ang librong ito kasi nagbabalak pa akong magsulat ng kwento sa mga apo ng Del Fuego, pero lahat ng 'yon ay naglaho sa isipan ko simula noong October 2024. Sa mga taong nagtiwala at patuloy na sumuporta sa akin, maraming salamat po. Sa mga taong nakilala ko rito, ikinagagalak ko po kayong makilala. Isa sa mga dahilan kaya maaga kong tinapos ang TBSB ay dahil magiging abala na ako next month o after ng LET 2025. I'm a student po. A 4th year student taking up a Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics. Magiging abala na po ako sa mock board review kaya baka mawala ako pansamantala sa GoodNovel. Simula po bukas, ipagpapatu
Brielle’s POV Maingat na pinarada ni Mark ang kotse sa labas ng gate ng aming bahay. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at siniil kaagad ang labi ko ng halik. Nangunot ang aking noo nang kagatin niya ang labi ko. Itinulak ko siya palayo sa akin. Nang tingnan ko siya, namumula ang mga mata niya. “May problema ka ba sa akin?” Tinaasan ko siya ng kilay at pinagkrus ang aking mga braso. Ngumisi siya, dahilan kaya uminit ang ulo ko. “It’s our wedding anniversary, pero hindi mo man lang maalala.” Napakagat-labi ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Biglang nanuyo ang aking lalamunan. Sa sobrang busy ko sa ospital ay hindi ko na namalayan kung anong petsa na ngayon. Humakbang ako palapit sa kaniya, mukhang nagtatampo siya sa akin kasi nakalimutan ko ang wedding anniversary namin. “Sorry na. Nakalimutan ko. Alam mo namang marami akong iniisip na problema, ‘di ba?” Niyakap ko siya, pero hinawi niya ang kamay ko. “Sa lahat ng pwedeng makalilimutan, wedding anniversary pa talaga
Brielle’s POV “Baby, come here,” sabi ni Mark akin nang pumasok siya sa aming kwarto. “Hey, ilabas mo lang lahat ng hinanakit mo,” bulong niya at niyakap ako ng mahigpit. “Just cry and cry hanggang sa mawala ang sakit…” “I missed him already,” mahinang sabi ko at kumalas sa yakap niya. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang palad ko at hinawakan ang picture frame ni Daddy. “Can’t believe it that you’re gone, Dad…” Umupo ako sa kama. Napansin ko agad ang pagtabi niya sa akin. Hinawakan niya ang ulo ko at pinasandal sa balikat niya. “Thank you for killing that bastard.” Tiningnan ko si Mark, bakas sa mukha niya ang pagkagulat. “Thank you for saving me, Mark. Kung pareho kaming nawala ni Daddy, baka mas lalong hindi kakayanin ni Mommy at ng mga kapatid ko.” “Hindi mo kailangang magpasalamat. Asawa kita. Obligasyon kita. Responsibilidad ko ang protektahan ka.” Hinaplos niya ang aking mahabang itim na buhok. Bumuntong-hininga ako. Isang taon na ang nakalipas mula nang nawala si D
Mark’s POV Basang-basa ako ng tubig-ilog, halos hindi na makahinga sa pagod at takot. Nakayakap ako kay Brielle, ang katawan niya ay walang buhay na nakasandal sa akin. Ang puso ko ay tila tumigil sa pagtibok. Hindi ko alam kung paano ko siya nailabas sa malamig na tubig, ang tanging nasa isip ko lang ay mailigtas siya. “Brielle,” bulong ko sa kanyang tainga, ang boses ko ay halos hindi marinig. “Brielle, please.” Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, ang kanyang mga labi ay namumutla, at ang kanyang mga mata ay nakapikit. Naalala ko ang lahat ng mga nangyari. Ang pagkidnap sa kanya, ang paghabol ko kay Luigi, ang pag-iwas sa mga bala, at ang pagtalon ko sa ilog para lang mailigtas siya. Lahat ng iyon ay parang isang malabong panaginip. “Brielle…” Pinagpatuloy ko ang pag-alog sa kanya, umaasang kahit papaano ay magising siya. “Gising na, please. Kailangan kita. Huwag mo akong iiwan. Kailangan ka namin. Hinihintay ka ng mga anak natin.” Ginawa ko na ang lahat para masagip siya. Nags
Brielle’s POV Napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa leeg ko. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong panaginip lang ang lahat. Walang kadenang nakatali sa mga kamay at paa ko. Wala ring sugat ang aking paa. Buhay pa ako. Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid. Madilim ang paligid. Hinanap ko ang switch ng ilaw at binuksan ‘yon. Pagkabukas ko sa ilaw, mukha kaagad ni Luigi ang nakita ko. Napaatras ako pabalik sa kama nang makita ang hawak niyang baril. “We are leaving,” matigas niyang sabi at hinawakan ng mahigpit ang braso ko. “Pakawalan mo ako!” Pilit kong binawi ang aking braso sa kaniya. “Tama na! Nasasaktan ako!” Napamura ako nang bigla niya akong sampalin sa pisngi. “Sasama ka sa akin!” sigaw ni Luigi. “Hindi ako sasama sa ‘yo! Pakawalan mo na ako!” Itinutok niya ang baril sa akin. Namilog ang aking mga mata nang maaalala ang nangyari sa panaginip ko. Bigla na lang lumambot at nanginig sa takot ang aking tuhod. Hindi ako pwedeng mamatay dahil kailangan
Brielle’s POV “Let me go!” sigaw ko nang marahas akong hilahin ni Luigi papasok sa loob ng van. I can’t believe it. He kidnapped me. Bagay na hindi ko aakalaing magagawa niya sa akin. He raped me. Ilang gabi niya akong ginagamit. Diring-diri na ako sa sarili ko. “Luigi, I’m begging you. Pakawalan mo na ako,” pagmamakaawa ko. “Nakuha mo na ang gusto mo, ‘di ba? You raped me…” halos hindi ko na makilala ang boses ko nang bumagsak ang mga luha ko. “I won’t do that, Brielle. You’re mine.” Hinawakan niya ang pisngi ko. Hinalikan niya ang labi ko, pero kinagat ko ang labi niya. Tumawa siya at mahigpit na hinawakan ang aking braso. “Kaya pala baliw na baliw ang asawa mo sa ‘yo kasi ang sarap-sarap mo.” Marahas niyang hinalikan ang leeg ko. Ginamit ko ang natitirang lakas sa katawan ko upang pigilan siya sa gagawin niya. “Kill me, Luigi! Huwag mo na akong pahirapan pa!” sigaw ko sa kaniya. “Ano pa ba ang gusto mong gawin sa akin? You touched me multiple times. Please let me go. M
Mark’s POV Mag-iisang buwan na mula nang ma-kidnap si Brielle sa airport. Habang tumatagal ay mas lalo lang akong kinakabahan. Ilang araw na rin akong hindi makatulog at makakain ng maayos sa kaiisip kung saan siya dinala. Sa tuwing may nababalitaan akong may natagpuang katawan sa iba’t ibang lugar ang mga pulis, hindi ko mapigilan ang sarili kong magpunta sa lugar dahil baka si Brielle na ‘yon. Ang kalusugan ng triplets ay naaapektuhan na rin dahil ilang linggo nang nawawala si Brielle. Hinahanap na siya ng mga anak namin. Sa tuwing naririnig ko ang pag-iyak nila, parang hinihiwa ang puso ko. “Wala pa rin bang balita tungkol sa kapatid ko?” matigas na tanong ni TJ nang dumating ang mga pulis sa bahay nila. Nagpaalam ako kay Kaisha na aalis muna dahil may tatawagan lang ako. Dinial ko kaagad ang numero ng tauhan kong nagbabantay sa lahat ng mga kinikilos nina Lander, Jarren, at Karina. Sila lang ang mga taong gagawa ng ganito sa akin. Wala akong ibang taong pwedeng paghinalaan
Mark’s POV Tatlong araw na ang nakalipas at hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kay Brielle. Wala kaming maiturong suspect dahil hindi namin makita ng maayos ang mukha ng taong kumuha kay Brielle sa CR. Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas at nakita kong pumasok sa loob ang aking biological mother. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ang aking atensiyon sa computer. “Hijo, pwede ba tayong mag-usap?” mahinang sabi niya. “Ano naman ang pag-uusapan natin?” Pinatay ko ang computer at humarap sa kaniya. “Para saan?” “Tungkol sa kompanya…” Ngumisi ako. “Hindi pa naman ako namumulubi kahit na nawala ang mga bagay na pinaghirapan ko. Hindi ako interesado sa kompanya ninyo.” Bumuntong-hininga siya at lunapit sa akin. “I need you, hijo…” Nangunot ang aking noo. “Mukhang nakalimutan mo yatang mas pinili mo ang isa pang anak sa labas ni Papa kesa sa akin. Gusto ninyong ibigay ang posisyon na ‘yon para sa akin, pero may kondisyon. Nang hindi ko sinunod ang kagustohan n
Mark’s POV Kanina ko pa tinatawagan si Brielle, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Nandito ako ngayon sa airport, naghihintay sa kanila. Nauna akong bumalik sa Pilipinas dahil inasikaso ko ang mga ari-ariang ninakaw ng aking mga kapatid: hotels and resorts ay nakapangalan na sa kanila. Sa tulong ng aking magaling na lawyer, may posibilidad na mabawi ko ang mga ari-ariang nawala sa akin. Sa ngayon, dahan-dahan ko munang babawiin ang mga bagay na pagmamay-ari ko. Hinding-hindi na ako magpapakaduwag at magpatalo sa takot. Kumaway ako nang makita ko sina TJ at Kaisha, hindi nila kaagad ako napansin kaya tinawagan ko si Kaisha. Kasama nila ang triplets. Mabilis silang tumakbo patungo sa kinaroroonan ko. “Nasaan si Brielle?” tanong ko at nilapitan ang mga bata. “Kanina pa namin siya hinahanap. Nagpaalam siya kanina sa amin na pupunta muna raw siya sa banyo, pero hanggang ngayon aay hindi pa nakabalik,” sagot ni Kaisha. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Dalawang buwan ng