Kaisha’s POV “Bitawan ninyo ako!” sigaw ko nang huminto ang van na sinasakyan ko kasama ang mga taong kumidnap sa akin. Pinagmumura ko sila nang hilahin nila ng maranas ang aking kamay pababa ng sasakyan. “Ano ba ang kailangan ninyo sa akin?!” Sinubokan kong sipain ang lalaking nakahawak sa braso ko, pero kulang na kulang ang lakas ko. “Sumunod ka na lang kasi upang hindi ka masaktan!” sigaw ng lalaki sa akin nang sapilitan nila akong pinapasok sa loob ng gate. Hindi ko alam kung kaninong bahay nila ako dinala. “Dahan-dahan lang.” Luminga-linga ako sa paligid nang marinig ang pamilyar na boses. Namilog ang aking mga mata nang makita kong lumabas ng bahay si Ben. Tiningnan ko siya ng puno ng pagtataka. “It’s been awhile, Kaisha.” Ngumiti siya habang naglalakad palapit sa akin. Nakasilid sa bulsa ng pantalon ang mga kamay niya. “Ben? Ikaw ang nag-utos sa kanila na kidnapin ako?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. “Bitawan ninyo ako!” sigaw ko, ngunit mas lalo lang dinii
Nagmadaling lumabas si Orlando ng kwarto at iniwan kami ni Tito Logan. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang nasa puder niya lang pala si Orlando. Ang buong akala ko ay si Ben ang tinatawag niyang Boss.Umupo siya sa swivel chair habang nagsisindi ng sigarilyo. “Kumusta ka na, hija?” tanong niya sa akin. “Ano ang kailangan mo sa akin? Bakit mo ito ginagawa?” tanong ko sa kaniya. “Gusto ko lang makuha ang bagay na dapat ay sa akin,” malamig niyang sagot. Tumayo siya at humakbang palapit sa akin. “Hindi ako papayag na makuha ng anak ni Raheel ang kompanya matapos akong magpakuba sa paghihirap upang panatilihin ang reputasyon ng kanilang pamilya.” “Ano ang ibig ninyong sabihin?” “Kung hindi ko makukuha ang kompanya nila, mas mabuti sigurong mawala silang lahat sa mundo.” “Mali ‘tong ginagawa ninyo. Kaibigan mo sila, pero pinagseselosan mo ang anak nila. Deserve din naman ni Theo ang kompanya dahil siya ang panganay na anak –”“Hindi niya deserve ang kom
Nang magising ako ay hinanap ko kaagad si Sevi, ngunit nagulat ako nang mapansing nakahubad ako. Namilog ang aking mga mata nang may nakita akong lalaking nakahubad sa tabi ko. Bumaba ako sa kama nang gumalaw ang lalaki. Napahawak ako sa aking ulo dahil wala akong maalala kung ano ang nangyari pagkatapos suntokin ni Mark ang aking tiyan. Sumilip ako sa labas ng bintana. Gabi na at nandito pa rin ako sa puder nila Tito Logan. Umuulan din sa labas.“Walang nangyari sa atin. Don’t worry.” Napalunok ako nang marinig ang boses ni Mark. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Kahit na walang nangyari sa amin ay nakita niya pa rin ang aking katawan. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya. He’s topless habang sinusuot ang damit niya. Nag-iwas ako ng tingin nang bigla siyang lumingon sa akin. “May asawa ka na, Kaisha. Hindi ako pang-kabit. Sorry about earlier. I had no choice. Kung hindi ko ‘yon ginawa baka dalawa na tayong nakakulong ngayon,” mahinang sabi ni Mark. Halos hindi
Theodore Jasper’s POV “Be careful. Kung hindi ka mag-iingat ay baka mas lalong malalagay sa alanganin ang buhay ni Kaisha,” saad ni Mark sa kabilang linya. “Do not you dare touch my wife again,” matigas kong sabi. Bahagya siyang natawa sa kabilang linya. “I respect your relationship. Hindi ako tuso kagaya ng iniisip mo. Sasabihin ko ba sa ‘yo ang ginawa ko kung –” “Huwag mo ng ulitin. Damn it! You kissed my wife! Gugulpihin talaga kita kapag naligtas ko na ang asawa ko!” Napabuga ako ng hangin. “I am watching you, Mark. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag ginawa mo ‘yon ulit sa asawa ko!” pagbabanta ko sa kaniya. “Nasa kabilang room si Sevi. Kalalabas ko lang ng silid kung saan nila dinala si Kaisha. Napainom ko na rin ng sleeping pills ang mga tauhan nila. Maya-maya ay makakatulog na sila.” “Okay. Just make it sure na hindi nila tayo mahuhuli pareho dahil kapag pumalpak ang plano mo, ikaw talaga ang papatayin ko.” “Be ready. Kalalabas lang ni Governor Madelo sa
“Nandito na ako,” saad ko kay Governor Madelo pagkarating ko sa labas ng bahay. Napamura ako nang biglang may humampas ng matigas na bagay sa likod ko. Napaluhod ako sa lupa habang napapadaing sa sakit. Pag-angat ko ng tingin ay nakatayo na sa aking harapan sina Ben at Governor Madelo, sumisimsim ng sigarilyo. “Binalaan na kita, ‘di ba? Paano ba ‘yan? Mas nauna kitang nahuli. Ibig sabihin…” Ngumisi si Ben. “Ikaw ang mauuna sa impyerno sa ating dalawa.” Hinawakan ng kanilang tauhan ang magkabilang braso ko at pinatayo ako. Sinipa ni Governor Madelo ang aking tiyan.“Hindi ko mapatay-patay si Benedict dahil nakabantay ang mga tauhan mo sa pamilya niya!” sigaw ni Governor Madelo. Nabitawan ako ng mga tauhan nila. Parang magatanggal ang baga ko sa lakas ng pagkahampas nila sa akin ng metal.“Kahit ano ang gagawin ninyo, hinding-hindi ko isusuko ang kompanya!” sigaw ko at sinubokang makatayo, ngunit muling hinawakan ng mga tauhan nila ang aking braso.Marahas nila akong hinila papasok
Umahon ako sa tubig upang silipin kung ano ang nangyayari. Inaataki ng mga aso sila Ben at ang iba pang mga tauhan nila. Si Mark naman ay nagtatago dahil pinagbabaril siya. “Dito ka lang,” bilin ko kay Alexus nang hawakan niya ang braso ko. “Tutulongan ko si Mark.” “Delikado ang gagawin mo, Kuya TJ! Hayaan mo na silang mag-away. Umalis na tayo rito baka tayo ang sinunod ng mga asong ‘yan!” Nagtago ulit kami sa ilalim ng tubig nang biglang may hinagis na bomba si Ben. Para akong mabibingi sa lakas ng pagkasabog kahit na nasa fountain kami. Nang nakaahon ako sa tubig ay kaagad kong chineck ang aking kapatid. Nakahawak siya sa tainga niya, binalot ng takot ang mukha niya. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. May nakita akong mga pulis na nakapasok na sa bahay. Nilingon ko si Mark. Namilog ang aking mga mata nang makita si Governor Madelo palapit sa kaniya, nakatutok ang baril. “Mark, dapa!” sigaw ko nang kinasa ni Governor Madelo ang baril nito. Pinulot ko ang baril na nasa lupa
Nagising ako nang marinig ko ang malakas na iyakan. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. Ang huling naalala ko ay dinala namin si Theo sa ospital. “Papa…” sambit ko nang makita ko siyang nakahawak sa kamay ko. Umiiyak si Papa habang pinapatahan naman ni Tia Gretchen ang kanilang mga anak. “Nasaan ako? Nasaan si Theo?” tanong ko nang tumingin siya sa akin. “Nasaan si Sevi?” “Kaisha,” sambit ni Tita Gretchen. “Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa ‘yo?” tanong niya habang pinupunasan ang mukha niya. Tumingin ako sa aking mga kapatid imbes sagutin ang tanong niya. First time ko silang makitang nag-aalala ng ganito ka tindi. “Si Theo?” namamaos kong tanong sa kanila. Napasinghap ako nang wala akong makuhang sagot galing sa kanila. Bumaling ako kay Papa nang hawakan niya ang aking kamay. Bumaba ako sa kama, pero pinigilan nila ako. “I-I need to see him. Nasaan siya? Nasaan si Sevi?” Hinanap ko sa buong kwarto ang aking anak. “Bakit hindi kayo nagsasalita? Nasaan sila?”
“Aray!” sigaw ni Theo pagkatapos kong sampalin ang magkabilang pisngi niya. “Hindi ka ba masaya dahil buhay pa rin ako?” Pinunasan ko ang aking mga luha at napasinghap. Nang lingonin ko ang pamilya niya, nakangiti silang lahat habang nagpupunas ng mga luha. Napansin ko ang pagbukas ng pinto, pero hindi ako lumingon dahil binalot na ako ng hiya. “That’s not a nice joke,” asik ko kay Theo. Bumaba ang paningin ko kay Sevi. “Dinamay mo pa talaga ang pamilya natin sa mga kalokohan mo!” Hindi ako makatingin sa kanila dahil hiyang-hiya ako sa nangyari. Ang galing-galing nilang umarte. Nadala ako sa acting skills nila lalung-lalo na sa sarili kong ama. “Mukhang may kasalanang magaganap ulit,” pang-aasar ni Alexus nang lumapit siya sa amin. Binuhat niya si Sevi. “Ang pogi ng ting bearer. Mana sa akin.” Tatlong araw muna kaming nanatili sa ospital bago pinayagang makalabas. Habang si Mark naman ay hindi pa pinayagan dahil hindi pa gumagaling ang mga sugat niya sa katawan. Hindi ako ma
January 11, 2024 TBSB is now signing off na po. Yes po, tinuldukan ko na ang book na ito. Hanggang Book 3 lang siya kasi nakapagpasya na ako na gawing separate books ang Book 4 at Book 5. Baka next week ay masimulan ko na siya at mai-apply. Maraming salamat sa pagsama sa akin nang mahigit pitong buwan. Wala akong balak tapusin ng ganito kaaga ang librong ito kasi nagbabalak pa akong magsulat ng kwento sa mga apo ng Del Fuego, pero lahat ng 'yon ay naglaho sa isipan ko simula noong October 2024. Sa mga taong nagtiwala at patuloy na sumuporta sa akin, maraming salamat po. Sa mga taong nakilala ko rito, ikinagagalak ko po kayong makilala. Isa sa mga dahilan kaya maaga kong tinapos ang TBSB ay dahil magiging abala na ako next month o after ng LET 2025. I'm a student po. A 4th year student taking up a Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics. Magiging abala na po ako sa mock board review kaya baka mawala ako pansamantala sa GoodNovel. Simula po bukas, ipagpapatu
Brielle’s POV Maingat na pinarada ni Mark ang kotse sa labas ng gate ng aming bahay. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at siniil kaagad ang labi ko ng halik. Nangunot ang aking noo nang kagatin niya ang labi ko. Itinulak ko siya palayo sa akin. Nang tingnan ko siya, namumula ang mga mata niya. “May problema ka ba sa akin?” Tinaasan ko siya ng kilay at pinagkrus ang aking mga braso. Ngumisi siya, dahilan kaya uminit ang ulo ko. “It’s our wedding anniversary, pero hindi mo man lang maalala.” Napakagat-labi ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Biglang nanuyo ang aking lalamunan. Sa sobrang busy ko sa ospital ay hindi ko na namalayan kung anong petsa na ngayon. Humakbang ako palapit sa kaniya, mukhang nagtatampo siya sa akin kasi nakalimutan ko ang wedding anniversary namin. “Sorry na. Nakalimutan ko. Alam mo namang marami akong iniisip na problema, ‘di ba?” Niyakap ko siya, pero hinawi niya ang kamay ko. “Sa lahat ng pwedeng makalilimutan, wedding anniversary pa talaga
Brielle’s POV “Baby, come here,” sabi ni Mark akin nang pumasok siya sa aming kwarto. “Hey, ilabas mo lang lahat ng hinanakit mo,” bulong niya at niyakap ako ng mahigpit. “Just cry and cry hanggang sa mawala ang sakit…” “I missed him already,” mahinang sabi ko at kumalas sa yakap niya. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang palad ko at hinawakan ang picture frame ni Daddy. “Can’t believe it that you’re gone, Dad…” Umupo ako sa kama. Napansin ko agad ang pagtabi niya sa akin. Hinawakan niya ang ulo ko at pinasandal sa balikat niya. “Thank you for killing that bastard.” Tiningnan ko si Mark, bakas sa mukha niya ang pagkagulat. “Thank you for saving me, Mark. Kung pareho kaming nawala ni Daddy, baka mas lalong hindi kakayanin ni Mommy at ng mga kapatid ko.” “Hindi mo kailangang magpasalamat. Asawa kita. Obligasyon kita. Responsibilidad ko ang protektahan ka.” Hinaplos niya ang aking mahabang itim na buhok. Bumuntong-hininga ako. Isang taon na ang nakalipas mula nang nawala si D
Mark’s POV Basang-basa ako ng tubig-ilog, halos hindi na makahinga sa pagod at takot. Nakayakap ako kay Brielle, ang katawan niya ay walang buhay na nakasandal sa akin. Ang puso ko ay tila tumigil sa pagtibok. Hindi ko alam kung paano ko siya nailabas sa malamig na tubig, ang tanging nasa isip ko lang ay mailigtas siya. “Brielle,” bulong ko sa kanyang tainga, ang boses ko ay halos hindi marinig. “Brielle, please.” Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, ang kanyang mga labi ay namumutla, at ang kanyang mga mata ay nakapikit. Naalala ko ang lahat ng mga nangyari. Ang pagkidnap sa kanya, ang paghabol ko kay Luigi, ang pag-iwas sa mga bala, at ang pagtalon ko sa ilog para lang mailigtas siya. Lahat ng iyon ay parang isang malabong panaginip. “Brielle…” Pinagpatuloy ko ang pag-alog sa kanya, umaasang kahit papaano ay magising siya. “Gising na, please. Kailangan kita. Huwag mo akong iiwan. Kailangan ka namin. Hinihintay ka ng mga anak natin.” Ginawa ko na ang lahat para masagip siya. Nags
Brielle’s POV Napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa leeg ko. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong panaginip lang ang lahat. Walang kadenang nakatali sa mga kamay at paa ko. Wala ring sugat ang aking paa. Buhay pa ako. Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid. Madilim ang paligid. Hinanap ko ang switch ng ilaw at binuksan ‘yon. Pagkabukas ko sa ilaw, mukha kaagad ni Luigi ang nakita ko. Napaatras ako pabalik sa kama nang makita ang hawak niyang baril. “We are leaving,” matigas niyang sabi at hinawakan ng mahigpit ang braso ko. “Pakawalan mo ako!” Pilit kong binawi ang aking braso sa kaniya. “Tama na! Nasasaktan ako!” Napamura ako nang bigla niya akong sampalin sa pisngi. “Sasama ka sa akin!” sigaw ni Luigi. “Hindi ako sasama sa ‘yo! Pakawalan mo na ako!” Itinutok niya ang baril sa akin. Namilog ang aking mga mata nang maaalala ang nangyari sa panaginip ko. Bigla na lang lumambot at nanginig sa takot ang aking tuhod. Hindi ako pwedeng mamatay dahil kailangan
Brielle’s POV “Let me go!” sigaw ko nang marahas akong hilahin ni Luigi papasok sa loob ng van. I can’t believe it. He kidnapped me. Bagay na hindi ko aakalaing magagawa niya sa akin. He raped me. Ilang gabi niya akong ginagamit. Diring-diri na ako sa sarili ko. “Luigi, I’m begging you. Pakawalan mo na ako,” pagmamakaawa ko. “Nakuha mo na ang gusto mo, ‘di ba? You raped me…” halos hindi ko na makilala ang boses ko nang bumagsak ang mga luha ko. “I won’t do that, Brielle. You’re mine.” Hinawakan niya ang pisngi ko. Hinalikan niya ang labi ko, pero kinagat ko ang labi niya. Tumawa siya at mahigpit na hinawakan ang aking braso. “Kaya pala baliw na baliw ang asawa mo sa ‘yo kasi ang sarap-sarap mo.” Marahas niyang hinalikan ang leeg ko. Ginamit ko ang natitirang lakas sa katawan ko upang pigilan siya sa gagawin niya. “Kill me, Luigi! Huwag mo na akong pahirapan pa!” sigaw ko sa kaniya. “Ano pa ba ang gusto mong gawin sa akin? You touched me multiple times. Please let me go. M
Mark’s POV Mag-iisang buwan na mula nang ma-kidnap si Brielle sa airport. Habang tumatagal ay mas lalo lang akong kinakabahan. Ilang araw na rin akong hindi makatulog at makakain ng maayos sa kaiisip kung saan siya dinala. Sa tuwing may nababalitaan akong may natagpuang katawan sa iba’t ibang lugar ang mga pulis, hindi ko mapigilan ang sarili kong magpunta sa lugar dahil baka si Brielle na ‘yon. Ang kalusugan ng triplets ay naaapektuhan na rin dahil ilang linggo nang nawawala si Brielle. Hinahanap na siya ng mga anak namin. Sa tuwing naririnig ko ang pag-iyak nila, parang hinihiwa ang puso ko. “Wala pa rin bang balita tungkol sa kapatid ko?” matigas na tanong ni TJ nang dumating ang mga pulis sa bahay nila. Nagpaalam ako kay Kaisha na aalis muna dahil may tatawagan lang ako. Dinial ko kaagad ang numero ng tauhan kong nagbabantay sa lahat ng mga kinikilos nina Lander, Jarren, at Karina. Sila lang ang mga taong gagawa ng ganito sa akin. Wala akong ibang taong pwedeng paghinalaan
Mark’s POV Tatlong araw na ang nakalipas at hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kay Brielle. Wala kaming maiturong suspect dahil hindi namin makita ng maayos ang mukha ng taong kumuha kay Brielle sa CR. Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas at nakita kong pumasok sa loob ang aking biological mother. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ang aking atensiyon sa computer. “Hijo, pwede ba tayong mag-usap?” mahinang sabi niya. “Ano naman ang pag-uusapan natin?” Pinatay ko ang computer at humarap sa kaniya. “Para saan?” “Tungkol sa kompanya…” Ngumisi ako. “Hindi pa naman ako namumulubi kahit na nawala ang mga bagay na pinaghirapan ko. Hindi ako interesado sa kompanya ninyo.” Bumuntong-hininga siya at lunapit sa akin. “I need you, hijo…” Nangunot ang aking noo. “Mukhang nakalimutan mo yatang mas pinili mo ang isa pang anak sa labas ni Papa kesa sa akin. Gusto ninyong ibigay ang posisyon na ‘yon para sa akin, pero may kondisyon. Nang hindi ko sinunod ang kagustohan n
Mark’s POV Kanina ko pa tinatawagan si Brielle, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Nandito ako ngayon sa airport, naghihintay sa kanila. Nauna akong bumalik sa Pilipinas dahil inasikaso ko ang mga ari-ariang ninakaw ng aking mga kapatid: hotels and resorts ay nakapangalan na sa kanila. Sa tulong ng aking magaling na lawyer, may posibilidad na mabawi ko ang mga ari-ariang nawala sa akin. Sa ngayon, dahan-dahan ko munang babawiin ang mga bagay na pagmamay-ari ko. Hinding-hindi na ako magpapakaduwag at magpatalo sa takot. Kumaway ako nang makita ko sina TJ at Kaisha, hindi nila kaagad ako napansin kaya tinawagan ko si Kaisha. Kasama nila ang triplets. Mabilis silang tumakbo patungo sa kinaroroonan ko. “Nasaan si Brielle?” tanong ko at nilapitan ang mga bata. “Kanina pa namin siya hinahanap. Nagpaalam siya kanina sa amin na pupunta muna raw siya sa banyo, pero hanggang ngayon aay hindi pa nakabalik,” sagot ni Kaisha. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Dalawang buwan ng