Malapit nang magfinale at nang lumabas ang mga model mula sa stage ay mabilis na naman silang nagbihis. “Ahh!” rinig nilang da/ing ng isang babae. “Aeriza!” sigaw ng manager nila nang makita nilang nakaupo na sa sahig ang isa sa mga model nila. Napatingin na rin si Sandra at nanlaki na lang ang mg
Napatingin sa kaniya ang lahat maging ang mga model. Tiningnan na rin nila si Sandra at napatango-tango nang makita nila ang magandang katawan nito. “Miss Sandra, lahat ng model ay may kaniya-kaniya silang isusuot. Hindi naman natin alam na mangyayari ito kay Aeriza. Sa tingin ko naman ay kasya say
Pakiramdam ni Rocco ay hinihila siya ng mga mata ni Sandra, tila ba nang-aakit ang mga ito, para bang nahihipnotismo siya ng mga magagandang mata ni Sandra. Bagay na bagay sa kaniya ang gown niya, ang mga lakad niya na tila ba isa na siyang professional na model. Para siyang kumikinang sa suot niya
Galit ba ito o hindi? Mukha namang hindi galit diba? Saka bakit naman sana siya magagalit? Edi siya na lang pala sana ang naghanap ng model na pwede nilang ipalit kay Aeriza. Problemado na silang lahat sa backstage habag siya ay nanunuod lang sa harap. Tinulungan na nila si Sandra na alisin ang gow
“Siya nga pala, wala ka bang balak na sumali sa pagmomodel?” tanong ni Rocco nang umalis na ang waiter para asikasuhin ang mga order nila. “Naku Sir, wala po akong balak at never ko pong binalak.” Napatango-tango naman si Rocco. Sayang naman, may potential kasing maging international model si Sandr
Nang makahiga si Sandra sa kama ay hindi pa siya nakatulog kaagad. Ramdam niya ang pagod niya dahil sa pagtatrabahong ginawa niya sa maghapon pero hindi niya maramdaman ang antok. Posibleng dahil nasa bahay na naman siya ng ibang tao. Ilang beses na siyang dito natutulog. Hindi pa sila masyadong ma
Isa ka na siguro sa mga babae sa mundo kapag mga lalaking katulad ni Rocco ang mapapangasawa mo. Hindi lang siya sa trabaho magaling, marunong din siya sa mga gawaing bahay. “Kanina ka pa ba diyan? Maupo ka na at kumain na tayong dalawa.” Nabalik lang sa wisyo si Sandra ng magsalita ang Boss niya.
Marunong naman siya kahit papaano pero mas maganda pa rin kung professional ang magtitingin ng mga design ni Kate. Siya pa kasi inutusan gayong marketing lang ang sakop niya at ang mga utos ni Rocco sa kaniya. “Magaganda ang mga designs mo, sayang naman hindi sila nakaabot before the show. Panigura