“Hindi na po kailangan Sir, magsstay pa po kasi ako rito kay Mama eh. Hindi naman masyadong malayo yung bahay mula rito. Isang sakayan lang naman siya ng tricycle.” “Huwag mo na akong i-sir, pareho lang naman tayong empleyado ng Madrigal Corporation. Hunter na lang,” ani ni Hunter. “Okay, mauna ka
Sumunod naman na si Sandra sa kaniya. “Dapat lang yan sa inyo, buti nga.” pang-aasar pa ni Siena. Susugurin sana siya ni Rachel nang matigilan siya dahil sa sinabi ni Siena. “Sige, subukan mo kung ayaw niyong ilahad ko lahat kay Ma’am ang mga ginagawa niyo kay Sandra.” Pananakot niya. “Mga bwisit
Matapos ang presentation ni Sandra ay nagpaalam na rin siya kay Rocco saka siya bumalik ng department nila. Nagulat pa siya nang bigla siyang sampalin ni Rachel. “Rachel, ano bang ginagawa mo?!” sigaw ni Siena sa kaniya nang makita niya kung anong ginawa ni Rachel kay Sandra. Hawak-hawak ni Sandra
“Sinabi nang tumigil ka na eh! Ipapakain ko talaga sayo lahat ng mga papeles na nasa cubicle mo!” nanggigigil na sigaw ni Rachel. “Edi gawin mo! Alam mo napakatoxic niyong kasama, na katrabaho. Wala akong pakialam kung mawalan ako ng trabaho rito kesa naman kayo ang makasama ko! Basta masabi ko lah
“Akala ko matalino ka pero bakit mo hinahayaan na gawin ka lang utusan ng ibang tao?” hindi mapigilang hindi mainis ni Rocco sa mga babaeng hindi marunong lumaban, na hindi man lang kayang ipagtanggol ang sarili. “Hindi ako pwedeng maalis sa trabaho Sir.” simpleng sagot ni Sandra. “Damn it! Are th
Humugot siya ng malalim na buntong hininga. Bakit pa nga ba niya iyun iniisip? Matagal naman na yun at okay naman na siya. Hindi niya na kailangan ang lalaking nanakit sa kaniya. “Wala pa akong panahon para sa pag-ibig na yan. Nasa hospital pa si Mama.” Nagbago naman ang reaksyon ng mukha ni Siena
Nagtatakang nakatingin si Sandra sa mga katrabaho niya. Kahapon pa sila mga tahimik at simula nang pumasok siya ay wala pa ring nag-uutos sa kaniya. May nangyari ba? Nasanay na kasi siya sa araw-araw na pag-uutos sa kaniya kahit na kakapasok pa lang niya ng kompanya. “Anong tinitingnan mo?” tanong
“Ang sabi ni Sir, gawan mo yan ng report. Ipasa mo sa kaniya bukas.” Wika ni Hunter. Kinuha naman ni Sandra ang mga papeles. “Ito lang ba?” pagtatanong niya. “Kulang ba?” natawa naman si Sandra. “Hindi naman sa ganun. Sige, sabihin mo sa kaniya ihahatid ko na lang bukas ng umaga sa office niya.”