“Dahil gusto kong malaman mula sayo na anak ko nga siya. Bakit mo siya itinago? Bakit hindi mo sinabi kaagad sa’kin? Sana nung nalaman mong buntis ka hinanap mo na sana ako!” “Dahil kahit ako hindi ko alam na ikaw pala ang Ama niya! Saka malaman ko man ng maaga na ikaw ang Ama ng anak ko, bakit ko
Halos hindi makatulog si Selene pagkauwi niya dahil gumugulo sa isipan niya ang sinabi ng Boss niya. Nakakailang buntong hininga na siya pero parang wala man lang pumapasok sa utak niya. Hindi niya alam ang gagawin niya. Ayaw niyang mawala sa kaniya si Flynn, hindi niya gustong malayo ito sa kaniya
“Opo,” masiglang sagot ni Flynn. Nang matapos maligo si Selene ay sabay-sabay na silang kumain at gaya ng dati magpapaalam na siya para pumasok sa trabaho niya. Nagdadalawang isip si Selene kung papasok ba siya sa trabaho niya ngayon o magkulong na lang siya sa kwarto niya. Pinag-iisipan niya na ri
Blangko ang mukha ni Axel na nakatitig kay Selene at isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Alam niyang nahihirapan si Selene na magdesisyon dahil masyadong biglaan ang lahat. Gusto lang naman ni Axel na makasama ang anak niya. Wala na siyang pakialam sa gusto ng Lolo niya, hindi yun ang dahil
“No Sir, I know that you just want to make sure na hindi kita tatakasan. Sa katayuan mo sa lipunan, anong laban ko sa kaya mo?” matapang niyang wika rito. Oo, siguro nga tila nawawalan na siya ng respeto sa Boss niya pero hindi niya yun mapigilan lalo na kung sangkot ang anak nilang dalawa sa usapan
Nakaupo na si Selene sa pwestong ibinigay sa kaniya ni Axel. Mag-isa niya lang sa napakalaking opisina ng Boss niya dahil may dinaluhang meeting ito sa labas. Isang buntong hininga na naman ang pinakawalan ni Selene. Wala siyang ginagawa ngayon ay nakahilig lang ang ulo niya sa lamesa habang ginawa
Hinayaan niya na itong matulog dahil wala naman talaga siyang ipapagawa ngayon kay Selene. Gusto niyang makapag-isip ng maayos si Selene at ayaw niyang dagdagan na muna ang mga iniisip nito. Hinarap na lang ni Axel ang laptop niya at muling ginawa ang trabaho niya. Ilang oras ang lumipas pero mahi
Nang makarating sila sa apartment nila Selene ay nauna nang bumaba si Selene. Gaya nang nakasanayan ni Flynn ay hinihintay niya ang Ina niya sa labas ng pintuan kapag hapon na. “Mommy!” masaya nitong tawag kay Selene. Naupo naman si Selene para magpantay sila ng anak. Napangiti na lang si Selene na