“What?” tila hindi makapaniwalang tanong ni Axel. Para bang ayaw maniwala ng sistema niya pero nang maalala niyang sinabi ni Detective na sumali sa auction si Selene ay hinarap niya na ito ng maayos. Salubong na ang mga kilay niyang nakatingin kay Detective. Inilibot naman muna ni Detective ang pan
Simula nang malaman ni Axel na siya ang Ama ni Flynn. Hindi niya alam kung paano lalapitan at kakausapin si Selene. Hindi niya mapigilang hindi maalala ang lahat ng mga sinabi sa kaniya noon ni Flynn. Flynn really wants to meet o see his father pero hindi niya magawang itanong sa Ina niya dahil nat
Malamang pareho sila ng nararamdaman kahit na hindi pa nila alam ang tungkol sa tunay na relasyon nila. “Mabuti po at nakadalaw ka po.” Masayang wika niya kay Axel. Lumapit naman si Selene sa kanilang dalawa saka niya kinuha si Flynn kay Axel. “Ano pong ginagawa niyo rito Sir?” tanong ni Selene sa
“Bakit? Ilan ba ang anak mo para linawin ko pa sayong si Flynn nga ang tinutukoy ko?” hinarap na ni Axel si Selene at hindi makatingin ng diretso si Selene sa mga mata ni Axel. “Bakit hindi mo sinabi sa’kin na that he is my son.” May diing wika ni Axel pero hilaw lang na tumawa si Selene. Buong tap
“Dahil gusto kong malaman mula sayo na anak ko nga siya. Bakit mo siya itinago? Bakit hindi mo sinabi kaagad sa’kin? Sana nung nalaman mong buntis ka hinanap mo na sana ako!” “Dahil kahit ako hindi ko alam na ikaw pala ang Ama niya! Saka malaman ko man ng maaga na ikaw ang Ama ng anak ko, bakit ko
Halos hindi makatulog si Selene pagkauwi niya dahil gumugulo sa isipan niya ang sinabi ng Boss niya. Nakakailang buntong hininga na siya pero parang wala man lang pumapasok sa utak niya. Hindi niya alam ang gagawin niya. Ayaw niyang mawala sa kaniya si Flynn, hindi niya gustong malayo ito sa kaniya
“Opo,” masiglang sagot ni Flynn. Nang matapos maligo si Selene ay sabay-sabay na silang kumain at gaya ng dati magpapaalam na siya para pumasok sa trabaho niya. Nagdadalawang isip si Selene kung papasok ba siya sa trabaho niya ngayon o magkulong na lang siya sa kwarto niya. Pinag-iisipan niya na ri
Blangko ang mukha ni Axel na nakatitig kay Selene at isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Alam niyang nahihirapan si Selene na magdesisyon dahil masyadong biglaan ang lahat. Gusto lang naman ni Axel na makasama ang anak niya. Wala na siyang pakialam sa gusto ng Lolo niya, hindi yun ang dahil