Pareho sila ng blood type. Ang akala ni Selene ay nakaalis na ito pero ano pang ginagawa niya sa hospital? Hindi niya naman na kailangang malaman diba? Hindi niya naman na kailangang sabihin pa ang tungkol kay Flynn. Nakuha na ni Selene ang kailangan niya. Ang dugo lang naman ang kailangan niya kun
Nang makalabas ang isang doctor mula sa loob ng kwarto ni Flynn ay napatayo silang lahat maliban kay Axel na nakikinig lang. Nananatiling nakapikit ang mga mata niya. “How is he, Doc? Is he okay now?” tanong kaagad ni Selene. “He’s fine now Ma’am. He just needs a rest. Next time, make sure na maip
Masama na ba siyang ina kapag mas pipiliin niyang itago na lang ang tunay na relasyon ni Axel at Flynn? Kaya pala ganun na lang kalapit ang puso nila sa isa’t isa kahit sa unang pagkakasama pa lang nilang dalawa. Kitang kita ni Selene ang saya sa mga mata ni Flynn noong gabing nakapaglaro sila ni A
Pangatlong araw na rin ni Flynn sa hospital at mas nagiging maayos naman na ang lagay niya. Tatlong araw na rin siyang hindi pumapasok sa trabaho niya. Mabuti na lamang at naiintindihan siya ng Boss niya dahil kung hindi, hindi niya alam kung paano niya hahatiin ang oras niya sa anak niya at sa trab
Nag-aalangan kasi si Selene sa maraming bagay. Gusto niya lang manatili sa kung ano lang sila ngayon dahil kapag nalaman ni Axel ang tungkol sa anak nilang dalawa, hindi niya alam kung anong pwedeng mangyari. Panigurado siyang maraming magbabago at maraming mangyayari. “Kapag po naging okay na ako.
Nang maalala ni Selene na kailangan niyang asikasuhin ang bill ng anak niya ay bumalik na siya sa loob. Dumiretso na siya sa nurse station para malaman kung magkano ang babayaran nila para makalabas kaagad. “Wait lang po Ma’am ha? Check ko lang po.” Saad ng nurse sa kaniya. Naghintay naman si Selen
“Gago ka pare,” bungad kaagad sa kaniya ni Frank kaya napakunot ng noo si Axel. Tiningnan niya na ang dalawa niyang kaibigan na salubong din ang kilay. Sumandal si Axel sa swivel chair para ituon ang atensyon niya sa dalawa. “Ano bang problema niyo? Ang aga aga tapos yan ang ibubungad niyo sa’kin?”
Pagbalik ni Selene sa kompanya, tila ba naaligaga siya dahil sa takot at kaba na nararamdaman niya. Humugot siya ng malalim na buntong hininga. Nakailang delete na siya sa tinatype niya sa computer niya dahil masyadong okupado ang isip niya. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin siya makapaniwalang si