Sa pakiramdam ko ay matagal tagal na din akong nahimbing. Mga pagtulog na matagal ko na ring ipinagkait sa aking sarili. Nakarinig ako ng mga nagsasalitang mga tao sa paligid. Mga kaliwa’t kanan na may nag uusap. Iba’t ibang topic, ibat ibang emosyon. May nagkwenwkento ng naiinis at meron namang chill lang. Kung ano pinag uusapan nila ay di ko malaman. Di pamilyar ang mga boses na yun. May lalaki, babae o kaya ay matanda. Di naman ganun kaingay ngunit sapat na para marinig ng iba.
Napaungol ako ng mahina ng bigla akong nakaramdam ng kirot sa ulo sa aking paggalaw. Unti unti kong minulat ang aking mga mata. Sa una ay malabo pa ang pagrehistro ng liwanag ngunit makalipas lang ang ilang beses kong pagsubok na malinawan ang aking paningin ay nakita ko na unti unti ang puting kisame. Iginala kong bahagya ang aking paningin upang mapagtanto ko kung nasasaan na nga ba ako. Sa kasawiang palad ay para bang ayaw pa ata gumana ng utak ko sa pagkakabagok.
Pinilit ko ring igalaw ang aking mga daliri na tila may kabigatan sa aking palagay.
"Gising ka na pala." Pagbati ng pamilyar na boses na yon.
Si Buboy!
Galing sa pagkakasubsob nya sa aking kanang kamay. Nakatulog ito at naalimpungatan lang dahil sa paggalaw ko.
“Nasan ako?” maang maangan kong tanong.
“Nawalan ka ng malay,” tipid na sagot ni Buboy sa akin ng hindi direktang sinagot ang tanong ko.
Inilinga ko ang ulo sa kaliwat kanan ko at dun ko nakuha ang sagot sa kanina ko pang tinatanong. Nasa pampublikong ospital ako. Nasa ward ako nakakwarto kaya naman madami akong kasama at di makapag iisa. Anim ang kama at lima lang ang naookupahan sa ngayon. Nasa ikalawang kama ako mula sa dulo.
“Humigop ka muna ng sabaw. Mag request lang ko ng mainit na tubig sa nurse station para sa noodles. “ sabay paglabas pa nito ng cup noodles sa backpack na para bang batang may pasurpresa pa. "Charan!"
Inilabas nya ang paborito naming cup noodles na madalas naming kinakain sa twing masama ang mga loob namin sa buhay.
Palabas na sana siya ng hinawakan ko ang kamay ni Buboy para magtanong…
“Ang inay alam ba nya na naandito ako?” pag aalala ko.
Ngumiti si Buboy na humarap sa akin at naupo sa tabi ko. Hinawakan ang aking noo at hinawi ang buhok na naroroon.
“Alam nya…pero sabi ko ako ng bahala sayo. Kasi baka kapag siya ang magbantay sayo dito sa akin pa nya ipaalaga ang masungit mong kuya.” at lumawak pa ang pagkakangiti nun sa akin. “Ayoko nga,” sabay tawa pa nito sa akin. “Wag ka na ring mag alala, nakapagbigay na ko sa kanila ng pain reliever at yung isang gamot ng kuya mo.”
Pinisil ko ng bahagya ang palad ni Buboy para magpasalamat. Ano pa nga ba ang mahihiling ko sa buhay ----maliban sa sana ay yumaman na ako. Pero ang totoo, masaya naman sana ako sa kung anung meron ako. May ina akong mapag aruga at may kuya sana akong maalaga at napaka responsible sa buhay bilang isang kuya.
Mataas ang pangarap ng kuya ko sa akin. Mas pinili pa nga nyang ako ang pag aralin kesa ang sarili nya dahil naniniwala itong mas malayo ang mararating ko kesa sa kanya. Dinaig pa ni kuya ang may sariling asawa at mga anak sa pag aalaga samin ni inay. Hindi ko ininda na wala kaming ama habang lumalaki dahil prinovide lahat ng kuya ang needs namin sa bahay at sa pag aaral ko. Hanggang sa na diagnose siyang may alkaptonuria. Rare disorder siya na kung saan nagkakaroon ng problema ang mga joints at cartilage ng tao. Ang akala lang namin nung una ay simpleng rayuma lang ito, pero habang tumatagal ay parang inuupos na sigarilyo ang kuya sa mga sintomas na meron ito.
Walang gamot sa sakit nya but we can prolong his life at ma-lessen ang mga sintomas na di kaaya aya. Tatlo na lang kami nila mama ang magkakasama kaya naman buong puso kong niyakap ang responsibilidad na naiwanan ng kuya.
Mahirap ang sitwasyon pero dahil meron akong Buboy na natatakbuhan nagiging magaan ang lahat ng bagay. Buboy is always there for me. Ang kababata kong si Buboy.
Si Buboy na kahit kelan ay di rin ako iniwan sa kahit na ano pang nangyari sa buhay ko. Siya ata ang guardian angel ko dahil kahit nung mga bata pa kami ay lagi na siyang naririyan para saluhin ako sa manggahan ng kapitbahay na madalas kong pinagtataguan kapag lasing si tatay at gusto na namang gawing punching bag ang mga mukha namin.
Si Buboy din ang masipag na maglalako ng kakanin para hatiin nya lang ang kita para sa pambaon ko.
Si Buboy na lagi kong kasama…
Si Buboy na best friend ko…
Si Buboy na kahit nasaan man ako, handang sundan ang mga yabag ko.
Malaki ang pasasalamat ko sa lahat dahil sa mga oras na gusto ko ng bumigay ay naandyan ang mga taong pilit na umaalalay sakin.
Di ko na namalayan ang pag-alis ni Buboy para kumuha ng tubig, pero ang kanyang pagbalik ang mas napansin ko.
Napansin ko siyang lumalakad palapit sa akin na malawak ang pagkakangiti habang hawak hawak ang noodles na mainit init pa. Maganda ang mga mata ni Buboy kahit mahaba ang buhok nitong halos laging nakaharang sa kanyang mukha. Prominente ang ilong at moreno. Expressive ang mga mata at mahaba ang mga pilikmata. Lalaking lalaki ang kurba ng mukha nito at katamtaman ang laki ng mga labi at may nag iisang dimple sa pagngiti.
Humahangos siyang lumapit sa akin habang nasa malalim akong nag iisip. Gwapo pala ang kaybigan at kung mag aayos ito may makakamukha itong gwapong artista siguro na di ko mapagtanto kung sino. May datingan ang itsura ni Buboy, kulang lang talaga sa ayos.
“Titig na titig ka?” may halong pang aasar at biro ang tono ng lalaki. “Crush mo ko no?”
“Gwapo ka pala , Buboy no?” seryoso kong sambit sa kanya habang siya naman ay tila napatigagal sa sinabi ko. First time nya lang narinig ang papuring yon mula sa akin .
At first time ko lang din napansin , kapuri puri pala ang features nya.
Oo tama...gwapo nga talaga si Buboy. Sa isip ko.
Hello mga ka-ANN LEE READERS! Naku, Buboy sabihin mo na ang totoo para di na nag iisip ng matindi si Solenn. Ano nga ba ang sinabi ng doctor habang mahimbing siyang natutulog? You may read the next chapters by watching Ads. Kaya ano pang hinihintay nyo?(ANN LEE) READ na!!
Mag aalas dos na ng madaling araw ay di pa din makatulog si Marcus. Ginagambala ata siya ng kung anu anong isipin mula sa problema sa kumpanya hanggang sa maaari nyang kaharaping problema matapos nyang dalhin si Trish sa kanyang tinutuluyang condominium. It was a wrong decision lalo na at alam nyang masyadong agresibo ang babae at positibo itong makuha ang lahat ng gustuhin nito. Yes, hindi siya basta basta nadadala ng kung anu anong threat sa kanya but he makes sure na he is always thinking ahead all the time. Napaka organisado nyang tao kaya naman di pa nangyayari ang isang bagay ay may plano na siya sa lahat. Name it. Plan A to Z pa nga kung maaari. Kaya hindi siya basta basta nag dedesisyon at nagpapaikot ikot sa palad ng kung sinu sino. Ngunit lalaki siya at may pangangailangan. Alam nya sa sariling meron siyang kahinaan gaya ng iba at di sya naiiba sa lahat ng Adan. Ang pinagkaiba nya lang ay kayang kaya nyang lusutan ang lahat ng kalokohan na meron sya o pagkadapa man kung mai
“Bu… buntis ba ako?” Ulit ko pa sa kaybigan, na sa pakiwari ko ay di nito malaman kung ano talaga ang isasagot. C’mon Buboy… tell me the truth…Bulong nya sa sarili. Gusto kong ilabas sa aking sariling bibig ang mga salitang yon ngunit mas pinili ko na lamang manatiling tahimik. Hinihintay kong Buboy ang magdeliver ng katotohanan. Gusto kong magkaroon ng kumpirmasyon mula sa kababata. Nagdadalang tao ba ako sa bilyonaryo? Gustong gusto ko nang malaman. Buboy’s stared at me without any emotion. Nakatulala lang siya sa akin at titig na titig. Ang kaninang nakangiti nitong mukha na nakatingin sa akin ay napalitan ng pagkunot noo sa harapan ko at tila nababaliw na biglang humalakhak ng malakas lakas. “Seryoso ka sa tanong mo, bakit? Kelan ka pa naging virgin Mary?” Iiling iling pa ito matapos magsalita. Hinawakan nya ang ulo ko at ginulo gulo. “Ahahaha, mukhang dala yan ng gamot na ibinigay sayo ahh. Paalala ko lang sayo ha, wala kang boyfriend. “ Isang malakas na tawa na lang a
She froze. Pakiramdam nya ay nanlamig ng tuluyan ang buo nyang katawan. Akala nya ay delusyon lang ang nakikita nya kakaisip sa lalaki. Nang mga oras na yun ay tila napako na ang mga mata namin sa isa’t isa. Si Marcus sa akin at ako sa kanya. Bumagal ang oras at nagsipag bagalan ang mga lakad ng mga tao. Hindi siya pwedeng magkamali si Marcus nga ang nasa harapan nya. “Miss?” bungad ni Marcus sa kanya. At dun ay tila natauhan si Solenn, nagulat at napatayong bigla sa kinauupuang wheel chair para tuluyan ng talikuran ang lalaki. Nawala sa isip nyang di pa siya okay at mahina hina pa. Akala ni Solenn ay sapat na ang lakas nya at nanumbalik na. Ngunit sa pagkakatayo nya ay na out of balance ito na sinalo naman ni Marcus. Napayakap si Solenn sa lalaki ng hindi sadya. Nakapa nya ang malaki laking bisig nito at dibdib na halata mong kurbado ng masel na tamang tama naman talaga sa katawan ng lalaki. Bahagyang naka unbutton ang shirts nito sa bandang dibdib at napahawak siya sa tela
More than a year after... Kinuha ni Solenn ang kanyang simpleng smart phone sa kanyang kanang bulsa at ang kanyang portable speaker sa kanyang knapsack. She turned on the bluetooth at kinonekta ang bawat isa. Unti unting naririnig na nya ang music na nakakaindak sa kanyang pandinig. Tamang tama para isabay sa gawaing bahay at pagpapapawis. Masarap isabay ang pag indak sa pagpupunas ng mga mwebles. Kasabay ng kanyang pagpapatugtog ay ang paglabas ng kanyang apron na dagliang ipinatong sa kanyang katawan at itinali sa kanyang likuran. Isinuot nya na rin ang mask para sa kanyang ilong. At iniabot ang feather duster na naka hang sa likod ng main door. Sinimulan na nyang mag linis at magpunas punas ng mga furniture na nandoon habang iniindak ang sarili sa masayang tugtugin. Napagitla siya sa doorbell na narinig sa loob ng bahay kung saan siya nagtratrabaho ngayon. Inalis nya ang mask na nasa bibig nya at ang kanyang apron. Naghugas din ng kamay na nagmamadali bago pa tumungo sa may pi
Hindi ko nga ba alam kung bakit parang pinaglalaruan ako ng tadhana. Minsan ang mga bagay na gustong gusto na nating kalimutan at iwasan ay kusang magpaparamdam sa mga buhay natin. Sino nga ba naman ang may gustong masaktan ng paulit ulit? O kaya naman ay mahalungkat pang muli ang nakaraan na gusto na nating kalimutan. Eto ako ngayon. Nasa harapan ko ngayon ang lalaking unang nagpatibok ng aking puso at umangkin sa aking pagkababae. Naglalakad palapit sa akin na tila ba nagka amnisya. Walang bahid sa kanyang mukha na naaalala pa nya ako. Nagkukunwari lang ba ito? o talagang ibang iba lang talaga ang hitsura ko ngayon kesa nung nasa ospital? Ganun ata talaga ang mga mayayaman. Sa pantaha ko, sa dami ng nakikilala nilang mahahalagang tao sa pang araw araw nilang pamumuhay ay hindi na nila alintana ang mga maliliit na bagay o tao para pahalagahan. Ibang iba sa mga katulad naming mga laki sa hirap. Kitang kita ko si Marcus na palapit sa akin. Malaki ang pagkakangiti. Wala pa ding n
"Take me home, Solenn." Na lalong nagpalaki sa mga mata ni Solenn sa narinig mula kay Marcus. "Please..." dugtong pa ng binata habang hawak hawak sya nito sa beywang at marahang isinasayaw. Napatigagal si Solenn sa harap ng binata at tinignan ang kabuuan nito. Bahagyang lumayo ang dalaga sa lalaki. Mukhang lasing na nga ito at mapula na ang mukha. Kanina pa rin kasi ito umiinom at walang tinatanggihan na cheers ng mga bisita. Tila patapos na rin naman ang party na kanina pa din naman nagsimula. Ang ibang mga bisita ay pawala na halos. Di rin naman kaila sa kanyang sarili na kanina pa din nya sanang gustong umuwi ngunit ayaw siya talagang tantanan ng binata. Nagsimula lang ito sa simpleng pag aya ng pagsasayaw na sa akala niya ay kaya niyang malusutan. Naalala pa nya ang mga pangyayari kanina. "Can I dance with you?" Biglang tumugtog ang isang love song at nakita niya na lang ang paglahad ni Marcus ng kanyang palad towards her. She just looked and sighed. She tried harder not to s
"Miss Solenn, hindi nga pwede yung sinasabi mo?" "Anong hindi pwede? Eh di ba ikaw ang driver nya?" Tiim bagang na pagsasabi ni Solenn kay George. Hindi malaman ng dalaga kung anu ang personal na relasyon ng dalawang lalaki pero ito ang kanina nyan unang nakitang magkasama sa party na nag iinuman ng dumating siya. Hindi mapigilan iemphasize ni Solenn ang salitang driver sa kaharap. "Ayyy oo nga pero hindi nya ko alalay para ihatid ko pa siya sa condo unit nya. " pagsimangot pa nito sa harap ni Solenn. Hindi maipaliwanag ni Solenn ang sitwasyon. Tauhan na maituturing si George ng binata pero ayaw man ito pagmalasakitan na iuwisa condonito kahit na lasing na lasing pa ang sariling amo. "Yung amo mo lasing, tapos nagpapahatid sa akin. Babae ako and I am wearing this." sabay turo sa magarbo pa nitong sexy dress. Tinignan siya mula ulo gang paa ng lalaki at mula ulo gang sa malulusog nitong dibdib. "Stop!" sabay pag muestra pa nito ng kanyang kamay na malapit sa pagmumukha ng driver
(Point of view ni Marcus) "Who's that woman?" Gulat na gulat na tanong ko sa driver kong si George habang titig na titig sa babaeng nakadress na puti. Hapit na hapit sa katawan ng babae ang dress na iyon at kumikinang ang mga brilyanteng nakakabit sa tela nito. Ang kada paggalaw ng babae ay lalong nagpapakinang sa kanya. Hindi ito katabaan ngunit lalong di payat. Tamang pangangatawan lamang na handang magpakinang ng kahit na anong damit na naroroon .Papasok pa lang ito sa garden ngunit takaw attention na ang babae. Litaw na litaw ang ganda nya sa aking paningin at sa ibang bisitang naroroon."Ang ganda nya no?" komento ni George. "Oo. Napakaganda." sagot ko. Hindi ko nilubayan ang dalaga sa pagtanaw. Na tila ba ngayon lang ako nakakita ng isang napaka gandang babae. HINDI! Mali! Ngayon lang ako nakakita ng totoong diyosang ipinagkaloob ng langit. Ang pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay para bang naeengganyo ako ng husto sa mga kilos nito. Lalo akong na attract sa pagngiti nito n
Pauwi na sila Solenn at habang palapit na palapit si Solenn pa Maynila ay mas lalong dumadagundong ang kaba niya sa dibdib at para ba siyang hihimatayin ng biglang nag ring ang kanyang telepono ng paulit ulit. Si inay. Tumatawag si Inay. Gusto nya sanang wag sagutin ang tawag na yun pero para bang mas malakas na dumadagundong sa kanyang pakiramdam ang puso nya. In the first place, di ugali ng kanyang ina ang tawagan siya lalo nat alam nitong she is working. She clicked the answer button at duon ay mas lalo pa siyang natulala sa nakita.Hindi makakurap kurap si Solenn sa bumungad sa kanya sa video call. Si nanay at si kuya... Dinaig ang lamig na nararamdaman nya kanina sa isipin kung paano nya sasabihin sa boyfriend nya ang katotohanan. Gumapang ang lamig na iyon mula sa kanyang mga kamay hanggang sa buo niyang pagkatao. Sa pakiramdam nya ay pinagpapawisan siya ng tubig na may yelo. She was frozen at hindi nya rin magalaw ang kahit na anong parte ng kanyang katawan. "Solenn, and
Flashback***(9 months ago)Eto na ata ang pinakamasayang araw ni Solenn na kasama nya ang lalaking pinakatatangi tangi nya. Nagrehistro sa langit ang mga salitang Will you marry me, Solenn? Kinusot nyang bahagya ang kanyang mga mata sa nakita at sumulyap sa binata.Nakita niya itong nakaluhod sa gilid niya.Napasinghap na lang siya sa nakitang gesture nito.He is proposing?Gaya ng ibang nag propropose. Nakaluhod ito sa harap nya at ang mga staff ay nasa likuran nila. May dala dalang mga letters at nakalagay dun ang mga salitang "Please say YES baby."Totoo ang mga video na napapanuod natin sa facebook at anupaman. Walang ni isa man salita masabi si Solenn sa nakita. Kusang dumaloy ang mga luha nya sa mga mata. She's trembling. She can't even utter any word."Will you marry me, baby?" muling pagtatanong ni Marcus.Tanging pagtango na lamang ng paulit ulit ang nagawa ni Solenn at inilahad nya ang pala
"Pwede nyo na pong tignan ang kambal bago po namin sunugin." Huling sinabi ng lalaking may nakasukbit pang sigarilyo sa bibig. Maliit lang na crematory ang lugar na nasa gitna ng pampublikong sementeryo sa syudad. Tila wala bang narinig si Solenn na sinabi ng lalaki. "Solenn, anak." mahinahong pagkalabit pa ng Auntie Vicki sa kanya. "Magpaalam ka na sa mga anak mo." Malumanay ang boses ng matanda na nagpabalik sa ulirat ni Solenn. Tinignan lamang ni Solenn ang auntie na kanina pa maga ang mga mata sa kakaiyak para sa mga sanggol na nasa harapan nila at bahagyang nakatakip ang mga mukha ng kapirasong tela. Okay na po. Pwede nyo na pong i-cremate. Eto sana ang gusto nyang sabihin sa lalaki na naroroon. Ayaw na niya sanang makita ang mga sanggol na minsan nyang naramdaman sa kanyang katawan. Hindi nya matanggap na ang mga mumunting nilalang na minsan nagbigay sa kanya ng pag asa ay daglian namang binawi sa kanya.Pakiramdam nya ay naging madamot sa kanya ang mundo at ang mga pagkaka
Hindi na matiis ni Solenn ang halos ilang oras na niyang pagkakahiga sa hospital bed. Kabuwanan na niya at hindi nya inaasahang na ganito pala kahirap magluwal ng bata. Lahat na ata ng santo ay itinawag na nya sa isip niya. Pati ang pangalan ng kuya at nanay nya sa mga oras na iyon. Ngayon lang niya naranasan ang tumagaktak ang pawis nya na butil butil. Pakiramdam ni Solenn ay malalagutan na siya ng hininga alinmang oras."Diyos ko po..." Hagulgol ng dalaga habang nakahawak sa unan nito sa uluhan."Kesa magtawag ka ng diyos eh iire mo na lang yan. Mali kasi ang pag ire mo." Iritableng sabi pa ng doctor. "Konti na lang at i-ccs ka na namin, kaya mo pa ba?"Tila mas natakot si Solenn sa narinig. Marami siyang di magandang naririnig sa pag CCS kaya naman pipilitin nyang ilabas ng normal ang sanggol nya."Kakayanin po doc." lakas loob nyang pagsagot kahit alam niyang may pagkabahala siyang nararamdaman."isang ire pa ng malakas. Hinga
Simple lang ang buhay na meron ako. Simple at mahirap pero di kumplikado. pero ng nakilala at mimahal ko si Marcus nagbago ang takbo ng buhay ko. at binago din nito ang pananaw ko sa buhay. ********************** "Hoy bagong salta! Tumayo ka nga diyan." Ilan buwan na nga ba siya sa lugar na yon pero bago pa din ang tingin sa kanya ng mga tao na naaandon. Napasinghap si Solenn ng halos tila malunod siya sa pagkabuhos ng tubig sa kanyang mukha sa higaan habang natutulog. "Masarap ang pagkakahiga mo diyan, habang kami siksikan dito sa paanan. Magkakaamoy na kami dito sa pawis habang ikaw buhay prinsesa." habang nagtatawanan pa ang ibang kasamahan nila sa nakakarinig. At ang iba naman ay naiiling na lamang at kibit balikat sa lahat ng nangyayari." Ano? Di ka pa din tatayo dyan?" mataas taas na ang tono ng babae sa harapni Solenn."Pasensya na, masama kasi pakiramdam ko." pagdidipensa pa ng dalaga."Pasensya na, masama kasi pakiramdam ko." pangungutya pa ng malaking babae ng in
"Marcus?""Yes, baby?"Walang tingin tingin na pagsagot ni Marcus kay Solenn habang nag da-drive. Pauwi na sila sa mga Gutierrez at tila nakaramdam naman si Marcus na hindi na rin gusto ni Solenn ang masyadong magtagal pa sa mansion. Habang si Solenn naman ay naghahanda na kung paano aamin sa boyfriend.Ilang beses na rin niyang pinag iisipan sa kung paanong paraan ba niya kakausapin ang lalaki tungkol dito.Dapat ba sa mas tahimik na lugar?Dapat ba sila lang dalawa?"May sasabihin sana ako sayo." lakas loob ni Solenn."Ako din eh." sabay ngiti pa nito sa dalaga ng sumulyap."Ano yun? Ikaw muna." She was trying to buy more time for herself.But instead sumagot agad ay hinawakan lang ng mahigpit ni Marcus ang kamay na kanina pa nanlalamig."Ang lamig ng kamay mo hahaha." Puna ni Marcus sa dalaga."Ikaw din naman eh. " pabalik na puna ni Solenn.At nagkangitian ang dalawa ng
Ilang beses nya ng tinatawagan ang mga Gutierrez ngunit patuloy pa ding hindi nya makontak ang mga ito. Pinasahod na sya ng mag asawa at sa palagay ni Solenn ay tapos na ang trabaho nya sa mga ito pero sa palagay naman ni Solenn ah siya ang mas nangangailangan naman sa mga ito. Ganun na lang ang tindi ng panalangin nyang sana ay kontakin pa sya ng mga ito. Hindi dahil sa trabaho o kahit anong raket. Kailangan nya ang mga ito para makauwi at maaya nya ng walang kahirap hirap ang lalaki bumalik pa manila. Sa pakiwari ni Solenn , the more na nag iistay sya sa mansion ay mas lalo nyang nararamdaman na sinisilaban sya sa mga tingin ng ina ni Marcus. Mas Nahalata nyang hindi sila binibigyan ng pagkakataon na makasarili ang isa't isa ng ina nito ngayong araw na ito. Pagabi at mas nagkaroon pa ng pagkakataon si Mrs. walton na kunwari ay magpakaina sa anak. Habang sinasamantala naman ni Mrs. Walton ang pagkakataon , ay mas lalo hindi humhiiwalay kay Marcus si Solenn. Ganun
Namuhay ako na puro paglaban lang ang ginagawa ko sa buhay. Hindi uso sakin ang panay pagbawi dahil wala naman akong choice kundi ang lumaban. Ganyan ata talaga ang buhay ng mga mahihirap na tao. Ang buhay nating mga ordinaryong tao. We were given with no choice but to move forward and fight. Kasi wala naman tayong ibang paraan di ba? Pinaghihirapan natin ang mga bagay na napakadali lang para sa mga mayayaman. Pinagtratrabahuan natin ultimo gasingkong halaga. We work hard. And we work harder sa mga bagay kahit gaano pa kaliit o kalaki ito lalo na kung sobrang mahalaga ito sa buhay natin. We are not as fortunate as they are. Mamamatay na lumalaban at namumuhay ng laging may ipinaglalaban. Ganyan tayo. At ganyan tayo mamumuhay habang may hiningang dumadaloy sa atin. Hanggang may dugong patuloy na umaagos sa ating mga katawan. Ako si Solenn... at ipaglalaban ko kung ano ang akin. And Marcus is mine. **********************************************************************************
Umaga na pala at nadilatan ni Solenn na wala sa tabi ang kinikinilalang nobyo. Iginala nya ang kanyang paningin ngunit ni ang anino nito ay hindi nya makita. Pangalawang araw pa lang ni Solenn sa mansion ay para bang namamalikmata sya sa lahat ng nakikita at nararanasan nya. Ganito pala ang buhay ng mga mayayaman. You will definitely see how beautiful life is. Walang problema sa isiping pagkain pagkagising. Habang ang mga mahihirap naman ay hindi mapakali kakahanap kung saan kakayod para malamanan ang sikmura ng pamilya. Bigla niyang naisip ang buhay na naiwanan nya sa Manila. Ilang araw na siyang tumatawag sa dalawang Gutierrez pero out of coverage area ang mga ito. Muli niyang kinuha ang telepono at i-dinial ang mga numero nito ngunit hindi nya pa rin ito makontak. Out of town pa rin kaya sila? O baka naman umalis na naman ng bansa na hindi nagsasabi? Ilan