"Take me home, Solenn." Na lalong nagpalaki sa mga mata ni Solenn sa narinig mula kay Marcus. "Please..." dugtong pa ng binata habang hawak hawak sya nito sa beywang at marahang isinasayaw. Napatigagal si Solenn sa harap ng binata at tinignan ang kabuuan nito. Bahagyang lumayo ang dalaga sa lalaki. Mukhang lasing na nga ito at mapula na ang mukha. Kanina pa rin kasi ito umiinom at walang tinatanggihan na cheers ng mga bisita. Tila patapos na rin naman ang party na kanina pa din naman nagsimula. Ang ibang mga bisita ay pawala na halos. Di rin naman kaila sa kanyang sarili na kanina pa din nya sanang gustong umuwi ngunit ayaw siya talagang tantanan ng binata. Nagsimula lang ito sa simpleng pag aya ng pagsasayaw na sa akala niya ay kaya niyang malusutan. Naalala pa nya ang mga pangyayari kanina. "Can I dance with you?" Biglang tumugtog ang isang love song at nakita niya na lang ang paglahad ni Marcus ng kanyang palad towards her. She just looked and sighed. She tried harder not to s
"Miss Solenn, hindi nga pwede yung sinasabi mo?" "Anong hindi pwede? Eh di ba ikaw ang driver nya?" Tiim bagang na pagsasabi ni Solenn kay George. Hindi malaman ng dalaga kung anu ang personal na relasyon ng dalawang lalaki pero ito ang kanina nyan unang nakitang magkasama sa party na nag iinuman ng dumating siya. Hindi mapigilan iemphasize ni Solenn ang salitang driver sa kaharap. "Ayyy oo nga pero hindi nya ko alalay para ihatid ko pa siya sa condo unit nya. " pagsimangot pa nito sa harap ni Solenn. Hindi maipaliwanag ni Solenn ang sitwasyon. Tauhan na maituturing si George ng binata pero ayaw man ito pagmalasakitan na iuwisa condonito kahit na lasing na lasing pa ang sariling amo. "Yung amo mo lasing, tapos nagpapahatid sa akin. Babae ako and I am wearing this." sabay turo sa magarbo pa nitong sexy dress. Tinignan siya mula ulo gang paa ng lalaki at mula ulo gang sa malulusog nitong dibdib. "Stop!" sabay pag muestra pa nito ng kanyang kamay na malapit sa pagmumukha ng driver
(Point of view ni Marcus) "Who's that woman?" Gulat na gulat na tanong ko sa driver kong si George habang titig na titig sa babaeng nakadress na puti. Hapit na hapit sa katawan ng babae ang dress na iyon at kumikinang ang mga brilyanteng nakakabit sa tela nito. Ang kada paggalaw ng babae ay lalong nagpapakinang sa kanya. Hindi ito katabaan ngunit lalong di payat. Tamang pangangatawan lamang na handang magpakinang ng kahit na anong damit na naroroon .Papasok pa lang ito sa garden ngunit takaw attention na ang babae. Litaw na litaw ang ganda nya sa aking paningin at sa ibang bisitang naroroon."Ang ganda nya no?" komento ni George. "Oo. Napakaganda." sagot ko. Hindi ko nilubayan ang dalaga sa pagtanaw. Na tila ba ngayon lang ako nakakita ng isang napaka gandang babae. HINDI! Mali! Ngayon lang ako nakakita ng totoong diyosang ipinagkaloob ng langit. Ang pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay para bang naeengganyo ako ng husto sa mga kilos nito. Lalo akong na attract sa pagngiti nito n
Sunod sunod na pag do door bell ang siyang nagpagising sa himbing na himbing na pagkakatulog ni Solenn. Sino ba tong door bell ng door bell na to? napaisip siya at napatingin sa cell phone. 8 am pa lang ng umaga at kulang pa siya sa tulog dahil 4 am na siya nakapag pahinga kagabi. "Saglit lang," pupungas pungas pa siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Nagsuot ng step in na pambahay at tuluyang inunlock ang door knob at inikot ikot ang double lock sa itaas. Hindi niya mapigil ang tahulan ng mga aso na lalong nagpataranta sa kanya. Maluwang nyang binuksan ang pinto ng condo unit na halos silaw pa sya sa liwanag. walang hilamos.walang suklay..."Ano pong..." Hindi pa natatapos si Solenn sa pagtatanong ay para ba siyang lalagnatin sa nakita. "Ikaw???" Gulat na gulat na pagtatanong ni Marcus sa kanya. "AKO???" Gulat din na pagtatanong ng dalaga sa di inaasahang bisita. Nagpalinga linga pa ito sa likuran to check kung may nakikita ba ito na di nya nakikita na nagpapagulat sa kanya.
Bago pa man din makasagot si Solenn sa makahulugang tanong ni Marcus ay tuluyan ng bumitaw ang lalaki sa pagkakahawak sa kanya. Tuluyan na nitong hinawakan ang door knob to get out na di naman pinigilan ni Solenn. Naiwang tulala si Solenn at napasandal na lamang ito sa likod ng pinto habang hawak hawak ang sariling dibdib. She lied. Everything is a lie. His lips are so soft and yet too addictive. Yun ang mga labing hinding hindi nya pagsasawaang halik halikan. Para bang isang magnet na kapag naglapit ay ayaw ng maghiwalay. Matamis ang mga likidong nasa bibig ng binata na siguradong hahanap hanapin mo. Ang paggalaw ng kanyang bibig at dila ay parang awtomatikong nag si- synch sa kanya. Hinawakang muli ni Solenn ang kanyang mga labi at muling napaisip. Sa isip nya ay tila may kilig siyang naramdaman. Ngunit sa kabilang banda ay may takot. Last night was a different thing. Para kay Solenn, masaya siya na kaharap nya ang lalaking unang umangkin sa kanya na di na kailangan p
Humahangos na pumasok si George sa loob ng kwarto ng amo nyang si Marcus. Nakatayo ito sa may bintana at walang pang itaas habang nakapamulsa naman na nakadungaw sa kawalan. Seryoso ito at hindi maipinta ang mukha. "Boss Marcus?" pagmamadali pa ng driver habang hawak hawak ang kaliwanag dibdib nito sa hingal. "Bat ang tagal mo?" seryosong pagtatanong ng binatang bilyonaryo. :Kanina pa kita tinatawagan and I texted you several times." Seryoso pa nitong sabi habang naglakad sa gilid ng kama para punan ang liquor glass na nasa tabi nito. Sinulyapan ni George ang malaking orasan sa loob ng kwarto at nakita niyang 8:30 pa lamang naman ng umaga. 9 am naman madalas ang pasok nya sa amo dahil wala naman ito gaanong ginagawa pa sa ngayon. Napaisip siya sa kung anu bang dahilan ng pagmamadali nito. May party bang pupuntahan? May meeting na biglaan? May restaurant na gustong kainan? He was thinking a lot of possible things pero Marcus is not like that. Lahat ng bagay ay naka schedule. ka
"Magandang umaga Mrs. and Mr. Gutierrez!"masiglang pagsalubong pa ni Solenn sa mag-asawa habang ngiting ngiti at winawagayway pa ang feather duster na hawak hawak nya. Tulala si Mrs. Gutierrez sa pagkabungad sa dalaga at para ba itong hindi mapakali kakanguso na tila ba sinasabing manahimik ka. Para bang nagmistulang estatwa si Solenn na mata lang ang kayang igalaw. Hindi nya maintindihan kung bakit parang gulat na gulat ang mag asawa at pigil ang mga labing nakatitig sa kanya eh samantalang lagi naman nyang binabati ng ganun ang mga yun sa tagal ng pag raraket nya sa mag asawa. "WELCOME BACK!!!" tila pag cheer pang pagbati nito sa dalawa ng di ito natinig sa pagkakatitig sa kanya. "Kamusta ang..." dugtong pa ni Solenn ngunit di na nya itinuloy dahil sa di sinasadyang pagkatanaw nya sa papasok na bisita mula sa likuran ng mag asawa. Si George...at si Marcus...Napakunot ang noo ni Solenn sa harap ni Mrs. Gutierrez at pigil ang pagtatanong ng mahinahon "Anong ginagawa nila dito?"
"Where do you want to go?" may lambing sa boses ni Marcus ang mga salitang yun."Ha? Ikaw." wala sa loob na pagsagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba talagang exact na nararamdaman ko. Alam kong sa puso ko ay may tinatagong kilig. Pero para lang kasing ambilis ng mga nangyari at di man lang ako nakapag isip. Pakiramdam ko ay para akong napasunod na lang sa agos at ngayon ay nasa loob na ako ng sasakyan ni Marcus. Walang anu ano. Walang paliguy ligoy. Para bang matapos kong magpaka Cinderella ng mga nakaraang araw ay eto naman ang continuation. Masarap pala ang buhay ng isang Disney Princess sa totoong buhay.Pilit kong inaalala kung anu bang nangyari bago ko natagpuan ang sarili na nasa front seat na ng sasakyan at si Marcus naman ang katabi ko para mag drive. Ang natatandaan ko lang ay nagmadali akong nag ayos ng mukha at nagpantalon ng sige sige ang pagtawag sa kanya ng matandang babae. Kinatok pa ako ni Mr. Gutierrez nung huli bago pa tuluyang lumabas. Hindi ko alam kung a
Pauwi na sila Solenn at habang palapit na palapit si Solenn pa Maynila ay mas lalong dumadagundong ang kaba niya sa dibdib at para ba siyang hihimatayin ng biglang nag ring ang kanyang telepono ng paulit ulit. Si inay. Tumatawag si Inay. Gusto nya sanang wag sagutin ang tawag na yun pero para bang mas malakas na dumadagundong sa kanyang pakiramdam ang puso nya. In the first place, di ugali ng kanyang ina ang tawagan siya lalo nat alam nitong she is working. She clicked the answer button at duon ay mas lalo pa siyang natulala sa nakita.Hindi makakurap kurap si Solenn sa bumungad sa kanya sa video call. Si nanay at si kuya... Dinaig ang lamig na nararamdaman nya kanina sa isipin kung paano nya sasabihin sa boyfriend nya ang katotohanan. Gumapang ang lamig na iyon mula sa kanyang mga kamay hanggang sa buo niyang pagkatao. Sa pakiramdam nya ay pinagpapawisan siya ng tubig na may yelo. She was frozen at hindi nya rin magalaw ang kahit na anong parte ng kanyang katawan. "Solenn, and
Flashback***(9 months ago)Eto na ata ang pinakamasayang araw ni Solenn na kasama nya ang lalaking pinakatatangi tangi nya. Nagrehistro sa langit ang mga salitang Will you marry me, Solenn? Kinusot nyang bahagya ang kanyang mga mata sa nakita at sumulyap sa binata.Nakita niya itong nakaluhod sa gilid niya.Napasinghap na lang siya sa nakitang gesture nito.He is proposing?Gaya ng ibang nag propropose. Nakaluhod ito sa harap nya at ang mga staff ay nasa likuran nila. May dala dalang mga letters at nakalagay dun ang mga salitang "Please say YES baby."Totoo ang mga video na napapanuod natin sa facebook at anupaman. Walang ni isa man salita masabi si Solenn sa nakita. Kusang dumaloy ang mga luha nya sa mga mata. She's trembling. She can't even utter any word."Will you marry me, baby?" muling pagtatanong ni Marcus.Tanging pagtango na lamang ng paulit ulit ang nagawa ni Solenn at inilahad nya ang pala
"Pwede nyo na pong tignan ang kambal bago po namin sunugin." Huling sinabi ng lalaking may nakasukbit pang sigarilyo sa bibig. Maliit lang na crematory ang lugar na nasa gitna ng pampublikong sementeryo sa syudad. Tila wala bang narinig si Solenn na sinabi ng lalaki. "Solenn, anak." mahinahong pagkalabit pa ng Auntie Vicki sa kanya. "Magpaalam ka na sa mga anak mo." Malumanay ang boses ng matanda na nagpabalik sa ulirat ni Solenn. Tinignan lamang ni Solenn ang auntie na kanina pa maga ang mga mata sa kakaiyak para sa mga sanggol na nasa harapan nila at bahagyang nakatakip ang mga mukha ng kapirasong tela. Okay na po. Pwede nyo na pong i-cremate. Eto sana ang gusto nyang sabihin sa lalaki na naroroon. Ayaw na niya sanang makita ang mga sanggol na minsan nyang naramdaman sa kanyang katawan. Hindi nya matanggap na ang mga mumunting nilalang na minsan nagbigay sa kanya ng pag asa ay daglian namang binawi sa kanya.Pakiramdam nya ay naging madamot sa kanya ang mundo at ang mga pagkaka
Hindi na matiis ni Solenn ang halos ilang oras na niyang pagkakahiga sa hospital bed. Kabuwanan na niya at hindi nya inaasahang na ganito pala kahirap magluwal ng bata. Lahat na ata ng santo ay itinawag na nya sa isip niya. Pati ang pangalan ng kuya at nanay nya sa mga oras na iyon. Ngayon lang niya naranasan ang tumagaktak ang pawis nya na butil butil. Pakiramdam ni Solenn ay malalagutan na siya ng hininga alinmang oras."Diyos ko po..." Hagulgol ng dalaga habang nakahawak sa unan nito sa uluhan."Kesa magtawag ka ng diyos eh iire mo na lang yan. Mali kasi ang pag ire mo." Iritableng sabi pa ng doctor. "Konti na lang at i-ccs ka na namin, kaya mo pa ba?"Tila mas natakot si Solenn sa narinig. Marami siyang di magandang naririnig sa pag CCS kaya naman pipilitin nyang ilabas ng normal ang sanggol nya."Kakayanin po doc." lakas loob nyang pagsagot kahit alam niyang may pagkabahala siyang nararamdaman."isang ire pa ng malakas. Hinga
Simple lang ang buhay na meron ako. Simple at mahirap pero di kumplikado. pero ng nakilala at mimahal ko si Marcus nagbago ang takbo ng buhay ko. at binago din nito ang pananaw ko sa buhay. ********************** "Hoy bagong salta! Tumayo ka nga diyan." Ilan buwan na nga ba siya sa lugar na yon pero bago pa din ang tingin sa kanya ng mga tao na naaandon. Napasinghap si Solenn ng halos tila malunod siya sa pagkabuhos ng tubig sa kanyang mukha sa higaan habang natutulog. "Masarap ang pagkakahiga mo diyan, habang kami siksikan dito sa paanan. Magkakaamoy na kami dito sa pawis habang ikaw buhay prinsesa." habang nagtatawanan pa ang ibang kasamahan nila sa nakakarinig. At ang iba naman ay naiiling na lamang at kibit balikat sa lahat ng nangyayari." Ano? Di ka pa din tatayo dyan?" mataas taas na ang tono ng babae sa harapni Solenn."Pasensya na, masama kasi pakiramdam ko." pagdidipensa pa ng dalaga."Pasensya na, masama kasi pakiramdam ko." pangungutya pa ng malaking babae ng in
"Marcus?""Yes, baby?"Walang tingin tingin na pagsagot ni Marcus kay Solenn habang nag da-drive. Pauwi na sila sa mga Gutierrez at tila nakaramdam naman si Marcus na hindi na rin gusto ni Solenn ang masyadong magtagal pa sa mansion. Habang si Solenn naman ay naghahanda na kung paano aamin sa boyfriend.Ilang beses na rin niyang pinag iisipan sa kung paanong paraan ba niya kakausapin ang lalaki tungkol dito.Dapat ba sa mas tahimik na lugar?Dapat ba sila lang dalawa?"May sasabihin sana ako sayo." lakas loob ni Solenn."Ako din eh." sabay ngiti pa nito sa dalaga ng sumulyap."Ano yun? Ikaw muna." She was trying to buy more time for herself.But instead sumagot agad ay hinawakan lang ng mahigpit ni Marcus ang kamay na kanina pa nanlalamig."Ang lamig ng kamay mo hahaha." Puna ni Marcus sa dalaga."Ikaw din naman eh. " pabalik na puna ni Solenn.At nagkangitian ang dalawa ng
Ilang beses nya ng tinatawagan ang mga Gutierrez ngunit patuloy pa ding hindi nya makontak ang mga ito. Pinasahod na sya ng mag asawa at sa palagay ni Solenn ay tapos na ang trabaho nya sa mga ito pero sa palagay naman ni Solenn ah siya ang mas nangangailangan naman sa mga ito. Ganun na lang ang tindi ng panalangin nyang sana ay kontakin pa sya ng mga ito. Hindi dahil sa trabaho o kahit anong raket. Kailangan nya ang mga ito para makauwi at maaya nya ng walang kahirap hirap ang lalaki bumalik pa manila. Sa pakiwari ni Solenn , the more na nag iistay sya sa mansion ay mas lalo nyang nararamdaman na sinisilaban sya sa mga tingin ng ina ni Marcus. Mas Nahalata nyang hindi sila binibigyan ng pagkakataon na makasarili ang isa't isa ng ina nito ngayong araw na ito. Pagabi at mas nagkaroon pa ng pagkakataon si Mrs. walton na kunwari ay magpakaina sa anak. Habang sinasamantala naman ni Mrs. Walton ang pagkakataon , ay mas lalo hindi humhiiwalay kay Marcus si Solenn. Ganun
Namuhay ako na puro paglaban lang ang ginagawa ko sa buhay. Hindi uso sakin ang panay pagbawi dahil wala naman akong choice kundi ang lumaban. Ganyan ata talaga ang buhay ng mga mahihirap na tao. Ang buhay nating mga ordinaryong tao. We were given with no choice but to move forward and fight. Kasi wala naman tayong ibang paraan di ba? Pinaghihirapan natin ang mga bagay na napakadali lang para sa mga mayayaman. Pinagtratrabahuan natin ultimo gasingkong halaga. We work hard. And we work harder sa mga bagay kahit gaano pa kaliit o kalaki ito lalo na kung sobrang mahalaga ito sa buhay natin. We are not as fortunate as they are. Mamamatay na lumalaban at namumuhay ng laging may ipinaglalaban. Ganyan tayo. At ganyan tayo mamumuhay habang may hiningang dumadaloy sa atin. Hanggang may dugong patuloy na umaagos sa ating mga katawan. Ako si Solenn... at ipaglalaban ko kung ano ang akin. And Marcus is mine. **********************************************************************************
Umaga na pala at nadilatan ni Solenn na wala sa tabi ang kinikinilalang nobyo. Iginala nya ang kanyang paningin ngunit ni ang anino nito ay hindi nya makita. Pangalawang araw pa lang ni Solenn sa mansion ay para bang namamalikmata sya sa lahat ng nakikita at nararanasan nya. Ganito pala ang buhay ng mga mayayaman. You will definitely see how beautiful life is. Walang problema sa isiping pagkain pagkagising. Habang ang mga mahihirap naman ay hindi mapakali kakahanap kung saan kakayod para malamanan ang sikmura ng pamilya. Bigla niyang naisip ang buhay na naiwanan nya sa Manila. Ilang araw na siyang tumatawag sa dalawang Gutierrez pero out of coverage area ang mga ito. Muli niyang kinuha ang telepono at i-dinial ang mga numero nito ngunit hindi nya pa rin ito makontak. Out of town pa rin kaya sila? O baka naman umalis na naman ng bansa na hindi nagsasabi? Ilan